Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

62: TQJ

Chapter 62: THE QUEEN'S JOURNAL
Enjoy reading!

3rd.

'Senyora Carmelita Everstrife Gordonfelio, a wealthy philanthropist of Dublin, Ireland and was a famous novelist and a journalist in her time. She has this intense fascination towards mystery-thriller novels and media news about crimes.

Carmelita was the eldest child of Mario Everstrife and Lailani Everstrife, she was the bread winner of the family and brought them from rugs into riches when her novel was published nationwide around 1940's.

Her book's title was The Queen's Journal. She had received multi-awards with this book for she had made an amazing standard in the world of literature. Her book was also introduced in international bookstores and this made her more popular to those who love reading books.

When she was thirty she married a rich business tycoon, Oliver Gordonfelio. The Gordonfelio couple was blessed with two daughters, Crizaida and Olivia. When she was forty she started her philanthropic organization which able to build numerous of charitable institutions and foundations in and out of Ireland.

But, Senyora Carmelita was diagnosed with stage four breast cancer when she was fifty-two and she did not consider any medical procedure. A year after, she died with a plea to her daughters.

"Please, continue the journey of The Queen's Journal and make it more thrilling and mind-boggling. Surpass my wild imagination and intense fascination in this passion. Go beyond the spot I had reached in my given time. Transcend the effect of The Queen's Journal to every individual who will read its words."

Being the eldest, Crizaida promised to fulfil her mother's last wish. She studied literature and enter the world of writing. But before Crizaida be able to do the plea of her mother, she was killed by an assassin together with her father, Senyor Oliver.

Then Olivia, the youngest one, was left alone grieving.

Olivia got into depression after the sudden death of her remaining family but it made a big impact in how the way her mind works and even her desires changed.

Even her passion was far from her mother's and sister's because she was supposed to inherit her father's business, she fell madly in love with literature.

BUT...

Olivia had discovered who her family's murderer was using her father's connection. It was a young and newborn assassin from Wing Organization of Clementin Empire, Ynca Salem. Ynca was ordered to kill Oliver Gordonfelio from a political client who paid the organization billions of dollars because of his dirty works in business industry.

Intense hatred and deep sorrow made her became more effective apostle of literature. She had finally found the missing piece on how to make her mother's book more thrilling and exciting.

In her mind, The Queen's Journal will become a life series that the whole world would forever remember.

Olivia does not want death to be her home wrecker's punishment but she wanted it to be more lethal and inflicting. It was not just Ynca Salem but Slovenia and the rest of the world will pay from the sin they have done to her.

She met Rey Stonewell an assassin of Wing Organization and married him. She then became Angelica Stonewell.

Because of the agony of Olivia... the new adventure of The Queen's Journal has begun.' - Synopsis of the New Series of The Queen's Journal; Reina; Written in January 10, 2000; Written by Morisette Olive Stonewell.

**

Malakas na ibinagsak ni Reina sa mesa ang papel na hawak. Dahilan upang maglaglagan ang ilang librong nakapatong doon. Ang mesang nasa harapan niya ay may nakakalat na halos isang daang libro na ang pamagat ay The Queen's Journal. Hindi siya makapaniwalang naka-abot hanggang Season 50 na may tig-dalawang books ang kabaliwan ng mag-inang Stonewell.

Ang papel na binasa ay nakapatong sa mga libro. Ang cover ng libro ay kulay itim na may tila nabuhos na dugo sa may kaliwang gilid. Naka-guhit ang Slovenia's Queen Crown sa gitna. Habang ang ang kalahating mukha ni Reina ang nasa kanan na may tumulo pang luha, black and white ang kulay ng kaniyang balat maliban sa kaniyang mata.

Alam niyang siya iyon at hindi si Tari dahil sa kulay ng mata. Kung itim ang base na kulay mas maitim naman ang buhok niya sa cover.

Hindi niya alam kung paano nagawang cover ang mukha niya rito.

Nasa Royal Mansion si Reina ngayon kung saan tumira sina Kataleya at Tomeo kasama ang namatay na prinsepe na si Zac at ang bunsong prinsesa na si Zonia noong matapos ang laro sa pagitan nina Tari at Reina.

Ang mansion ding ito ang saksi sa pagkamatay ni Queen Cathard, Prince Zac, ang pambababoy ni Flynn kay Tari sa harap ni Princess Zonia.

Kanina pagkatapos makausap ang kaniyang parents ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa itinuring na kaibigan ngunit ito ang tunay niyang kalaban. Ayaw niya mang iwan ang palasyo dahil hindi pa naisasaayos ang lahat doon, lalo na't hindi niya pa nabubuksan ang dungeon at hindi pa nahahanap sina Terrence at ang grupo nito ay kailangan niyang harapin muna ang mag-inang puno't-dulo ng lahat ng kaguluhan.

Kailangan niyang makaharap ang mga ito sapagkat kung patuloy pa rin sa kabaliwan ang mag-inang ito ay hindi pa rin matatapos ang kaguluhan kahit na natalo na niya ang Triad.

Nagtagis ang bagang ni Reina. Nang-aasar pa ang nabasang synopsis sa papel na nakapatong sa mga libro.

"Stonewell! I knew you are here! Come out now!" nanggagalaiti niyang sigaw na dumagundong sa buong mansion. Nasa sala siya ngayon kung saan ang sentro ng bahay.

Muli niyang tiningnan ang mga libro na nasa mesa. Kinuha niya ang nasa pinakagilid na libro na may sub-title na Season 50 Book One. Binuksan niya ito sa pinakahuling pahina at binasa.

Zync looked at Reina, "Don't make me hate you more." He warned his own wife. "Spare my child, you monster." He added as he tightened his embrace to his son, Zyncai.

Reina blinked her eyes, assessing the words of Zync. An aching smile formed into her lips, "You're still the Zync I knew. Easily fooled."

Before he could say something for a response Reina had spoken...

"I told you before that use your mind over your emotions. I won't blame you for hating me now because I admit I was in fault too. But please, don't ever think that I am a bad mother who could put my own child's life in danger. I am doing my best that I could to take everything back in order. I am not asking anything in return but I just want everyone's happiness. Yes, I am a monster. I couldn't count how many people I have killed or how many lives I have ruined but this monster..." She pointed her chest, referring to herself.

Pain was very evident on her blue orbs.

"This woman you're calling a monster is hurting and weary. I'm tired, Zync, so tired. It is very painful that I want this pain to stop but I can't stop fighting because it is my dream to make peace in this chaotic world." She added.

Zync shook his head, "Go back to Flynn and conquer the world. My child is staying with me same goes with Arra and Arri. I won't let you come near us again." He hardly said.

She was silent for a moment, taking his words and finding what to answer.

Reina smiled sweetly as she nodded her head many times, "That's a good idea, Zync. Take them away from me they're not safe with me. Protect them. I-I will just put them in danger, after all I'm a monster." Her smile broke as she looked away.

And that night, a tearful darkness embraced the ill-fated lovers.

Reina cried her heart out, wishing she's not the woman she was. While Zync wept because he can't do anything but to hurt the woman he loves the most just to protect her.

Could they attain the ever desired distant happiness at the end? Or they will forever live the life full of pain and suffering? -End of Season 50 Book One-

Marahas na tiniklop ni Reina ang libro kasabay nang pagbigat ng kaniyang paghinga. Tinukod niya ang kaniyang mga kamay sa mesa at doon sumuporta.

"Amusing." Pasinghal niyang asik saka 'di makapaniwalang tumawa nang mahina. "Goddammit." Napatingala siya habang nakapikit.

"What can you say, my beautiful niece?" isang tinig ang nagtanong sa kaniya.

Napangisi si Reina saka nilingon ang taong iyon.

Standing proud and still in front of her was no other than Mojica Olson-Remedy. May nang-uuyam itong ngisi sa mga labi. Bitbit pa rin nito ang baseball bat na pinanggamit nitong panghampas sa kanilang dalawa ni Sia.

Napaismid siya rito, "Hanggang ngayon suot-suot mo pa rin ang mukhang 'yan? Bakit ayaw mong ipakita ang tunay mong hitsura? You're insulting my Aunt Mojica."

"Mukha ko 'to, Reina. What are you talking about?" natatawang anito.

"Oh, fvck you." Mura niya rito na katunog ni Sia. "Don't you dare fool someone like me, bitch."

"You don't curse your Aunt, Reina." Natatawang anito. Pero bigla nitong tinakpan ang bibig gamit ang palad, "Ooops! My bad, Mojica isn't your real Aunt. You don't have an Olson blood!" gulat nitong pahayag.

Nanatili ang ismid sa mukha ni Reina. "And you're not an Olson either." She retorted.

"I am Mojica Olson-Remedy, Reina." Malungkot na wika nito.

Natawa si Reina. She crossed her arms above her chest as she leaned her back on the table, "You are Angelica Stonewell or much better to call you Olivia Moria Everstrife Gordonfelio Stonewell. You have already overused my aunt's name, you'll pay big." Matigas niyang wika.

Mas lalong napangisi ang babaeng nasa harapan niya.

"It's been what?— ahah! 20 years since I use this pretty face of Mojica Olson. Ang dami ko nang nauto gamit ang mukhang 'to. Pati na ang hangal na si Douglas Olson! Hahaha! Akalain mo 'yon? Naniwala siyang may malubha siyang sakit dahil sa sinabi ko? Tsk. Tsk. Pasalamat na lang sa drogang ginamit ko sa kaniya. Ang bobo naman kasi ng kuya kong 'yon, sinunod niya pa ang payo kong iligtas si Tomeo bago pa man siya patayin ng pekeng sakit niya!"

Tila baliw itong tumawa sa harap ni Reina habang siya naman ay hinayaan itong ilantad lahat ng kinalaman nito sa kaguluhan ngunit sa loob-loob niya ay ilang ulit niya na itong pinapatay.

"Pero bago ang hangal na si Douglas, ang una kong nauto ay si Zacario Orlando. Ang mapagmahal na si Zacario na sunod-sunuran sa babaeng mahal niya. Mabuti na lang ay si Ynca na mismo ang nagbigay sa akin ng pagkakataon para mabuo ang paniningil ko sa mga kasalanan nilang lahat sa akin! Sa kasalanan ng kaharian niyo sa pamilya ko! Habang si Zacario naman ang napusuan kong gamitin para maging kontrabida at manggugulo sa mga buhay niyong lahat! Dahil siya ay anak ng taong nagpapatay sa aking ama at sa aking kapatid!"

Hindi pa rin umimik si Reina at tinitigan lang nang maigi si Angelica Stonewell o Olivia.

"Nagtagumpay akong paikutin sa mga kamay ko si Zacario at nangyari nga ang gusto kong mangyari, nagawa kong patayin ang batang si Zamanthra nang hindi man lang napapansin ni Ynca sa tuwing bumibisita silang mag-ina sa palasyo! Hahahaha! Nabuo ang Arma Machine at nakaya ko ring bilugin si King Malachi, gano'n din si Queen Given. Hindi ko akalain na ang mga matatalino at nirerespetong lider ng mga malalaking kaharian ay nagawa kong kontrolin. Hahahaha!"

Tumawa ito nang malakas bago magpatuloy.

"Umayon naman sa akin ang tadhana nang isinilang kayo ng kakambal mo ng inyong suwail na ina! Nasunod din ang mga gusto kong mangyari sa buhay niyo ng kakambal mo. Ngunit lumihis lang nang kaunti ang kuwentong sinusulat ko dahil sa ginawang pagtakas sa iyo ni Mojica kaya ang ina mong maldita ang binulungan kong ilantad sa hari ang katotohanang kambal kayong ipinanganak niya. And ooops, oh baby. Ako rin ang dahilan kung bakit ka minamaltrato ng iyong ina! Ikaw kasi ang bida ng kuwentong ito!"

"Siraulo ka." Asik ni Reina na nawalan ng emosyon sa mukha.

"Hahaha! Ang bida ay dapat inaapi, 'yong dapat lahat ng pasakit ay mapapagdaanan mo. Bawat luha mo ay patalim na nanggaling sa iyong puso na halos ikamatay mo na at ikabaliw. Dahil alam kong mabait kang bata at mahal na mahal mo ang kakambal ay umayon ulit sa storyline ng The Queen's Journal ang ginawa mong pagsasakripisyo kapalit sa buhay ng kakambal mo!"

"Siraulo ka." Ulit ni Reina na gano'n pa rin ang hilatsa.

"The favor of life was really into me when I discovered a little devil who could make my story more interesting, the demon itself Flynn Flamenco. Kahit bata ay nakikita ko na sungay niya kung kaya ay ginamit ko rin siya. Gano'n din si Finamelia. Ngunit pumalya naman ako kay Terrence— oh well, wala namang kuwenta ang batang 'yon. Mas lalo akong natuwa nang lumapit sa akin si Mojica saka humingi ng tulong para sa kaligtasan mo. At dahil nga ako ang dakilang sekretarya ni King Malachi ay dumaan muna sa akin ang mga gusto niyang sabihin sa hari."

"Siraulo ka." Reina hissed.

Hindi pinapansin ni Olivia ang sinasabi ni Reina sapagkat nagpatuloy lang ito sa masayang pagkukwento.

"Bago pa man masira ni Mojica ang mga plano ko at bago pa man niya matagpuan si Ynca ay nagawa ko nang agawin ang katauhan niya at ipatapon siya sa malayong-malayo. Gamit ang mukha niya ay mas dumami ang mga taong naging hawak ko. Gusto ko sanang gamitin si Tomeo bilang isa sa mga primus kaso ang walanghiya, tinanggihan ako kung kaya naghanap ako ng paraan at nakita ko si Douglas. Siya ang ginamit ko para si Tomeo ang maging ama ng mga anak ni Kataleya para mas lalong gumulo ang mga buhay ninyong lahat!"

"Siraulo ka." Ani Reina.

"Ang dami-daming twist ng kuwentong ginagawa ko! Sobrang dami kaya ang ginawa ko na lang ay gumawa ng drafts sa bawat pangyayari at hinintay ang anak ko na lumaki at siya ang magsulat. Sa pamamagitan ni Zacario ay nabuo ang Triad na naging numero unong kalaban ng bawat organisasyon sa buong mundo, gaya ng Empyreal, Chthonic, Nemesis Consortium pati na ang mga government sectors lalo na ang mga pulisya."

"Siraulo ka." Wika ulit ni Reina.

"Nang sa wakas ay muli kang gumising mula sa mahabang pagkakahimbing ay nagsimula ang napakahalagang bahagi ng The Queen's Journal. Gamit ang Triad ay nagawa kong paglaruan ang buhay mo, buhay ng kakambal mo, si Flynn lalo na si Zync Orlando. Nagawa ko ulit paikutin ang lahat sa mga kamay ko. Lumawak lalo ang kontrol ko sa mga buhay ninyong lahat nang mabihag ko ang pusong ligaw ni Matt Remedy!"

Sinisinok pa ito sa sobrang pagtawa.

"Hahahaha! Mas lalong naging exciting at thrilling ang naging takbo ng kuwentong The Queen's Journal! Hanggang sa—"

"Hanggang sa dumating ang oras na hindi mo na kayang kontrolin ang ilang pangyayari sa iyong kuwento kung kaya minadali mong ipagamit sa Triad ang Arma Machine." Pagputol ni Reina sa pagkukwento ni Olivia. "Ikaw pati na ang anak mong traydor ay hindi na kayang sundan ang naging takbo ng estoryang ginagawa mo kung kaya si Zync Orlando na naman ang ginipit niyo. Pinagmukha niyo pa siyang masama sa paningin ko."

Tumawa nang malakas si Olivia, "Napakatalino mo pa lang talaga, mahal kong Reina."

"Hindi naman sa gano'n dahil naniniwala akong mas matalino ka, Olivia." Pagpakumbaba niyang sagot dito.

Tumawa ulit na tila isang baliw si Olivia.

"On going pa rin 'di ba ang huling yugto ng The Queen's Journal?" tanong niya rito. Tumingin ito sa kaniya na humahagikhik pa.

"Actually, tapos na ang kuwento. Nagawa mo nang talunin ang Triad. Umabot ka na sa Epilogue ng kuwentong ito. Sinimulan na nga ng anak kong ayusin ang manuscript ng huling libro. Kasooo, napakagaling mo at nagawa mong malaman kung sino ang totoo mong kalaban sa reyalidad. Nagawa mo kaming manipulahin! Binigyan mo kami ng mali-maling plano! Napakagaling mo dahil nailabas mo ako sa sariling kuwentong ginagawa ko! Nilihis mo kami sa ibang direksyon kaya nasira ang storyline sa huling libro ng The Queen's Journal!"

Ang saya sa mga mata ni Olivia ay napalitan ng nag-aapoy na galit. Nanlisik ang mga mata nitong tinitigan si Reina.

"Isa kang lapastangan, mahal kong Reina! Hindi mo nirespeto ang nobelang ginagawa ko, ang nobelang nagmula pa sa pinakamamahal kong ina!" nandidilat ang mga mata ni Olivia at naglabasan ang mga litid dahil sa riin ng pagsasalita nito.

"Hindi dapat mabuhay sina Kataleya, Tomeo, Zacario pati na si Iseah lalong-lalo na si King Malachi at si Ynca! Ikaw! Ikaw lang ang matitira sa huling kabanata at mawawala sa mapa ng mundo ang buong Slovenia! Sinira mo ang obra maestra ni Senyora Carmelita Everstrife Gordonfelio!"

"Bakit nga ba ako ang ginawa mong bida, Olivia?" kalmadong tanong ni Reina.

Mula sa panlilisik na mga mata ay nagliwanag ang mukha nito, "Dahil napakaganda mo, mahal kong Reina. Actually, si Tari ang natipuhan kong maging pangunahing karakter ng The Queen's Journal kaso napakahina ng babaeng 'yon habang nakita ko naman sa iyo ang kakaibang kislap ng isang bida sa iyong mga mata. Kaya ginawa ko ang lahat para maging napakaganda ng takbo ng buhay mo. Ang galing-galing 'di ba ng mga twists? Naging si Tari ka pa nga eh. Tapos naging pusa ka pa sa kuwentong itop, napakarami mong buhay!" tumawa ulit ito nang malakas.

"Siraulo ka." Ismid ni Reina rito, "Kung nasira ko nga ang dapat na mangyari sa nobelang pinakamamahal ng angkan niyo. Ano na ang mangyayari ngayon?" usisa niya na tila nagtatanong lang kung ano ang ulam nito kagabi.

Napaisip naman si Olivia, "Hmmm. Paano kaya kung patayin na lang kita? Para namang maging tragic ang ending! Mas masaya 'yon! Magiging sawi si Zync tapos si Tari naman ang magiging bida sa susunod na kuwentong gagawin ko!" excited nitong wika.

"As if I would let you do that." Kibit-balikat ni Reina.

Sumama ang mukha ni Olivia saka binitawan ang hawak na baseball bat at inilabas ang dalawang baril. Tinutukan nito si Reina.

"Ako ang may akda ng kuwentong ito kaya na sa mga kamay ko ang magiging kapalaran mo, mahal kong Reina! Hindi mo mapipigilan ang kamatayan mo sa mga kamay ng nilalang na nagpapatakbo sa buhay mo sa reyalidad! At ang nilalang na 'yon ay ako! Ako, mahal kong Reina! Kaya huwag kang magsalita ng ganiyan kung ayaw mong mapaaga ang katapusan ng karakter mo sa The Queen's Journal!" Pagbabanta nito.

"Shoot me, Olivia." walang-kabang panghahamon niya rito. "Pull the trigger and let your bullet kiss your main character, my author."

Humigpit ang hawak ni Olivia sa baril hanggang sa nanginig ang mga kamay nito.

"Oh, c'mon. Shoot me, Olivia! Shoot the queen!" malakas niyang untag.

Nagtagis ang bagang nito at nanlisik ang mga mata. Naglabasan na rin ang litid sa leeg at noo.

"Don't provoke me, Reina, if you don't want to end up dead." Olivia said with gritted teeth.

"Shoot me, Olivia! Shoot me!" bulyaw ni Reina.

Nanginig ang buong katawan ni Olivia dahil sa nararamdaman lalo na ang mga kamay na hawak-hawak ang mga baril.

"Kill me! NOW!" sigaw ni Reina.

"Aaaaaah!" napasigaw si Olivia at biglang napaluhod.

"Hindi mo kayang pumatay ng tao." Balik sa kalmadong boses na saad niya.

Mabibigat na paghinga ang naging tugon ni Olivia sa kaniya habang nakayuko pa rin at nakatukod ang dalawang kamay sa sahig.

"Sa kagustuhan mong maghiganti sa pagkamatay ng iyong ama at kapatid ginamit mo ang pangarap mong matupad ang huling hiling ng iyong ina. Dahil hindi mo kayang pumatay ng tao gamit ang sarili mong mga kamay, ang mga karakter ng nobelang isinulat ng iyong ina ay binuhay mo sa mga katauhan namin. Sinunod mo ang takbo ng reyalidad sa kuwentong iyon at muling isinulat ang bagong bersyon kung saan kami na mismo ang mga karakter. Napakatalino mo, Olivia."

Yumugyog ang balikat ni Olivia hanggang sa umalingawngaw ang malutong nitong tawa sa buong kabahayan.

"Ginawa mo ang lahat para magpatayan ang dalawang pamilyang sa tingin mo ay ang may kasalanan sa sakit na nararamdaman mo. Hindi mo man lang ba naisip kung bakit bumayad nang malaki ang ama ni Zacario Orlando sa Wing Organization para ipapatay ang iyong ama at kapatid? Hindi ka man lang ba nag-aalalang dinungisan mo ang magandang nobela ng iyong ina?"

Patuloy si Olivia sa pagtawa na tila nilisan na ng katinuan.

"O sadyang nabulag-bulagan ka lang sa katotohanan? Alam mo ang baluktot na pag-uugali ng iyong ama bilang negosyante at kahit na bilang ama sa inyong mga anak niya. Napakaraming buhay ng tao ang sinira ng iyong ama para sa pera at kapangyarihan. Ang kapatid mo naman. Ang babaeng immoral. Ang babaeng may relasyon sa sariling ama. Alam mo ang katotohanang may relasyon ang iyong ama at kapatid na naging dahilan ng pagkamatay ng iyong ina ngunit nagtanga-tangahan ka! Sinisi mo sa iba ang kamalasan ng iyong pamilya." Patuloy pa ni Reina.

Napasalampak na nang tuluyan si Olivia sa sahig habang tumatawa pa rin.

"And the Triad! Ang sindikatong binuo ng iyong ama na nasira nang ipapatay siya ng isang Orlando. Kung kaya muli mong ibinangon ang Triad gamit din ang isang Orlando at minanipula mo para sirain ang kaharian ng Slovenia na sakop ang Wing Organization na siyang binayaran upang patayin ang iyong ama. Pinaglaruan mo kaming lahat, wala kang patawad. Pati ang mga inosente at walang kinalaman ay dinamay mo para sa kabaliwang 'yan!"

Tumayo nang tuwid si Reina saka humakbang papalapit sa tumatawang si Olivia na halos gumulong na sa sahig. Ngunit hindi nakaligtas sa mga mata niya ang luhang malayang lumalandas sa pisnge nito.

"Hindi ako makapaniwalang may taong makapag-isip nang ganito. Napakalawak ng abot ng iyong imahinasyon, Olivia at nagawa mo rin itong dalhin sa reyalidad. Ano klase ng utak ang mayroon ka, Olivia?"

Bahagyang tumigil sa pagtawa si Olivia at tiningnan si Reina, ngumisi ito nang malaki bago nagsalita.

"Ano nga ba?" natatawang tanong nito.

Napaatras si Reina nang biglang tumayo si Olivia. Muli nitong hinawakan nang maigi ang dalawang baril at sinipat-sipat habang may ngiti sa mga labi.

"As expected to a Clementin, you had known the truth before I'd let you. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang mga bagay na 'yan pero paano ba 'yan, nalaman mo na agad ang lahat. Ano kaya ang gagawin ko sa 'yo? Hmm. Ano kaya ang gagawin ng taong may utak na ganito sa isang tulad mo?" nakakalokong wika nito kasabay ng pagtutok muli sa kaniya ng hawak na baril.

"Akala mo ba ay hindi ko kayang pumatay ng tao? Ang totoo niyan, nilaan ko talaga ang panahong ito para sa iyo. I wanted you to be my first kill. I wanted my Queen to be my first victim! Pampa-buenas lang."

Imbis na mangamba ay natawa si Reina sa pananakot nito.

"Isa ka ngang magaling na manunulat, Olivia. Nagagawan mo agad ng lusot kung nadedehado ka na sa sitwasyon kagaya ng kung paano mo gawing masalimoot ang mga karakter ng iyong sinusulat. As expected to a mad writer of a damn story, you knew how to counterattack but I'm sorry, the character will outmatch her own author. The queen in that damn journal will destroy her own writer."

Reina stomped her right foot hard. Nasagi niya ang baseball bat. Tumilapon ito pataas at tumama sa kaliwang kamay ni Olivia. Nabitawan nito ang baril ngunit hindi ang isa. Mabilis itong kumilos upang paputukan si Reina.

Nakaiwas naman si Reina at kumuha ng isang libro galing sa mesa at binato iyon kay Olivia. Natamaan ito sa mukha. Galit na galit ito nang makitang isang The Queen's Journal book ang binato niya.

"Sacrilegious woman! You dare disrespect my book?! You bitch!" sigaw nito saka muling inumang ang baril.

"Nooooo!" isang malakas na sigaw ang nakapagpatigil kay Olivia.

Pareho silang napatingin sa main door ng bahay. Nakatayo roon ang umiiyak na si Ryleen. Marumi ang suot nitong puting bestida, walang sapin sa paa, magulo ang buhok at marumi pati ang balat.

Biglang naalala ni Reina nang una niyang makilala si Ryleen. Ganitong-ganito ang hitsura ng dalaga.

"A-ate Reina." Umiiyak na tawag nito sa kaniya. Puno ng pagsusumamo ang mga tingin nito sa kaniya. Tila gusto nitong magsumbong. Nanginginig ang buong katawan nito.

"Ryleen." Mahinang aniya.

"Oh anak, nandito ka?" nakangiting ani Olivia. "Hali ka anak, pumasok ka. Samahan mo si Mommy rito."

Bumalot ang takot sa mga mata ni Ryleen dahil sa sinaad nito. Ilang beses itong umiling.

"Anak, halika na kay Mommy. Umupo ka na muna sa sofa at maghintay sandali. Naglalaro pa kasi kami ng iyong Ate Reina. Tatapusin ko muna ito." Ulit ni Olivia.

"No! You're not my mother!" hintatakutang sigaw ni Ryleen. "You fooled me! Hindi ikaw ang Mommy ko! Hindi mo ako anak!"

Sumambakol ang mukha ni Olivia, "Huwag mong galitin si Mommy, Ryleen." Banta nito na may sobrang talim na tingin sa dalaga.

"You are not my mommy! You are not my mommy!" sigaw ni Ryleen na naghi-histerikal na sa kinatatayuan.

"Ginagalit mo talaga ako! Punyeta kang bata ka! Paparusahan kita!" inumang nito ang baril kay Ryleen ngunit naging mabilis si Reina. Napulot niya ang baseball bat at malakas itong hinampas sa likod ng ulo. Agad itong nawalan nang malay.

"A-ate Reina." Tumakbo ito sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. "I-I'm so scared. Natatakot ako, Ate. Gusto ko nang umuwi. Ayoko na rito. Huwag mo po akong iwan, Ate. Maawa kayo sa akin. Huwag po."

Sinuklian ni Reina ang yakap sa dalaga.

"Huwag ka nang matakot, nandito na ako." Bulong niya rito ngunit umiling si Ryleen at humiwalay ng yakap sa kaniya. Takot na takot pa rin ang mga mata nito at naging balisa.

"Hinahabol niya ako, Ate! Papatayin niya ako at saka ikaw! Malapit na siya, Ate! Kailangan nating umuwi sa Pilipinas dahil pati sina Kuya Zync ay papatayin niya at ang mga bata!"

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at marahan itong niyugyog.

"Ryleen, calm down." Alo niya rito.

Masuyong niyang hinaplos ang mukha nito na puno na ng luha. Naaawa siya rito. Hindi naman siyang nagsisising iniwan niya ito roon sa kagubatan ng Sora sapagkat mas naging ligtas ito roon.

Hindi niya lang alam kung bakit nandito na ito ngayon sa Ljubljana na dapat ay hindi pa dahil hindi pa ito ang tamang oras para sunduin ito roon.

"Malapit na siya, Ate! She will kill us! She told me she will kill you! I won't let you die, Ate! I won't let you! Mamamatay rin ako. Ayokong mawala ka. Ayoko!"

"Sssh. Hindi ako mamamatay, Ryleen."

Umiiling-iling ito, "No. She will kill you. Ate Morry will kill you! She will kill us!"

-End of Chapter 62-

Thank you for reading freaks! God bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com