Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER XXIV


Cass's POV

Malamig, maliwanag, medyo mabigat ang pakiramdam, sa segundong iminulat ko ang mga mata ako ay liwanag agad ang bumungad sa akin. Inilibot ko ang tingin ko, dahan-dahang kong iginalaw ang ang ulo para libutin ng tingin ang kwarto.

Ilang metro ang layo ay nakita ko si Haze na naka-upo sa sofa, naka-cross ang mga braso nito at nakatingala siya sa kisame at tulala.

"H... Ha..." nanghihina ako, hindi ko magawang matawag ang pangalan niya pero gustong-gusto ko na siyang mahagkan.

"Haze..." Nabuo ko man ang pangalan niya ay mahina lang ito,

"Haze," Bahagyang lumakas ang boses ko, nakita kong kumunot ang noo nito bago saka tumingin sa gawi ko.

Sa segundong magtagpo ang mga mata naman ay agad itong napatayo, "Gising kana, shit! Tatawag ako ng doktor!" Napaharipas siya ng takbo palabas sa pinto, kahit nanghihina ay nagawa kong matawa sa taranta niyang reaksyon.

"Na-aalala mo ba ang mga nangyari, miss Gonzales?" tanong sa akin ng doktor habang may mga tine-test sa akin. Naka-upo na ako ngayon sa kama, naka-inom na rin ng tubig at hindi na gaanong nanlalata,

Agad akong tumango, "Yes doc, okay lang po ako." sagot ko at natawa ang doktor, "Hindi ka pa okay, Cass, kailangan mo pa magpagaling." turan ni Haze na nasa likuran ng doktor,

"May nararamdaman ka bang masakit sayo? Kahit saan, bukod sa mga limbs mo?" tanong nito sa akin, bahagya kong iginalaw ang ulo ko,

"Opo, dito po," turo ko sa batok ko, nag-hum si doktora, "That's normal, may tahi ka kasi diyan kaya masakit. Pero luckily, wala kang internal damage at puro gasgas at sugat lang ang meron." sagot ng doktor at utay-utay akong tumango,

"Wala naman po akong nabali na buto?" tanong ko at umiling ang doktor, "Wala, pero marami kang pasa at mga galos na kailangang pagalingin." sagot ni doktora at agad akong tumango,

"Salamat po," ani ko at ngumiti si doktora bago humarap kay Haze, may mga sinabi ito sa kaniya habang ang nurse naman ay inaalalayan akong bumalik sa pagkakahiga.

Nang maka-alis si doktora at nurse ay agad akong dinaluhan ni Haze. "Hey," he softly called while caressing my hands, "I missed you, ang tagal kong hindi narinig boses mo." ani nito at bahagyang nagparte ang labi ko,

"Anong petsa na!?" May halong taranta sa boses ko, ngumiti si Haze, "Merry Christmas, it's 25th of December today." he replied and my lips parted, "Hindi ba may pupuntahan ka dapat?! Anong sabi nila tita!? Hindi mo sila kasama ngayon! It's Christmas tapos---"

"Cass," Tawag nito sa akin at saka lang ako kumalma, inayos nito ang buhok ko, "Hindi kita kayang iwan. Cass, you were in an accident. Hindi ka okay at hindi ko kakayanin na iwan ka na nasa ganitong kalagayan." Bakas sa boses nito ang lungkot,

"Sa tingin mo ba kaya kong umalis ng bansa at maging masaya habang ikaw... andito, walang malay, hindi ako mapapakali." Dagdag nito habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya,

"Pero Haze... pamilya mo yun---"

"I know, but you're important as much as they do. And if you're thinking na galit sila mom dahil hindi ako nakasama well you're wrong. They're worried for you, Cass. They even sent gifts and fruits." Tumuro ito sa lamesa na puno ng mga pagkain at regalo.

"Gusto mo bang kumain? May mga pagkain akong binili." Alok niya, tumango ako habang pinipigilan ang sariling maiyak. Naninibago ako na may taong kayang hindi umalis ng bansa para sa 'kin. Yung taong pipiliin ako. Yung taong isasantabi lahat ng plano niya para lang sa 'kin. Deserve ko ba talaga lahat ng 'to?

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa tabi ko bago dinala ang isang foldable table sa tabi ng kama ko. Dinala niya ang mga pagkain sa lamesang iyon, "Also, your friends dropped off some gifts, Simon, Allan, and Matt. And so are my friends, they're all worried for you." he said while preparing my food,

"Sila mismo nagdala?" tanong ko at umiling ito, "Hindi naman, si Allan lang, pinapadala raw nila Simon at Matt." sagot niya bago ako sinubuan ng pagkain,

Napangisi ako, "Edi selos ka nanaman?" Pang-aasar ko at napangiwi siya bago kumagat ng manok,

"Of course not, I know he's just worried cause he's your friend." he replied before feeding me again,

"Ako na, kaya ko naman kumain mag-isa." ani ko at umiling siya bago sumubo ng kanin, "Ako na, let me take care of you." he replied before smiling,

Tanginang ngiti 'yan, gusto ko ganiyan lang siya lagi.

"May tanong ako," Nag-hum siya habang ngumunguya,

"Plano mo palang umalis para mag-aral sa ibang bansa, bakit hindi ka tumuloy?" tanong ko, napakunot ang noo niya bago ako sinubuan,

"Because... I didn't want to leave you. Ayaw kong magkalayo tayo, tsaka kaya ko naman mag-aral dito. Ayaw ko dun, wala ka doon kaya hindi na ako tumuloy. Hindi ko kaya pag wala ka, eh." sagot niya at para akong nakaramdam ng kirot sa dibdib,

"Hindi mo talaga kayang magkahiwalay tayo?" Seryoso kong tanong, nakita kong kumunot ang noo niya,

"As much as possible, ayaw ko talaga. Kung nasaan ka, susundan kita siyempre. Kung aalis man ako at kailangan talaga, either... isasama kita o gagawa ako ng paraan para magkasama pa rin tayo." Paliwanag niya at utay-utay akong napatango.

"Paano kung... need talagang umalis ng isa sa atin? Anong gagawin mo? Tapos... malayo, matagal." Dagdag ko pa, kumunot ulit ang noo niya,

Pinahid niya ang amos sa labi ko gabi ang tissue, "Kahit saan pa 'yan, pupuntahan kita. Anong silbi ng mga eroplano na yun kung hindi niya ako kayang dalhin kung nasaan ka, sunugin ko yun, eh." sagot niya at parehas kaming napahagikhik.

Muli niya akong sinubuan, pinunasan niya ulit ang amos sa gilid ng labi ko bago sumubo ng pagkain niya. Habang pinagmamasdan siyang kumain ay hindi ko na mapigilan ang maluha.

Gagawin niya lahat ng yun para lang sa 'kin. Hindi siya umalis para mag-aral sa pangarap niyang flying school para lang sa 'kin. Pero ito ako, walang magawa. Gustuhin ko man na 'wag umalis pero hindi ko kaya, wala akong kakayahan.

Akmang susubuan niya na ako nang makita niya akong umiiyak. Nanlaki ang mata niya bago agad ibinaba ang kutsara at tumabi sa akin.

"Uy... uy, bakit ka umiiyak?" Agad niya akong niyakap, sa init ng kaniyang yakap ay mas lalo akong napaiyak.

Umiling ako, "Wala lang... masaya lang ako."

Pero siyempre natatakot din ako at nalulungkot. Hindi ko alam kung deserve ko ba yung ganitong pangmamahal at pag-aalaga. Kung deserve ko ba talaga siya?

"Aww, stop crying na, I'm here lang oh, hindi naman ako aalis o mawawala, eh." Malambing niyang turan habang hinihimas ang braso ko,

Hindi ka nga mawawala, ako naman ang aalis.

Ilang araw pa kaming nanatili sa ospital. Pinagaling muna namin lahat ng sugat ko at pinalakas din ako bago ako tuluyang na-discharge. Akala ko noong una ay ihahatid ako ni Haze sa dorm pero laking gulat ko dahil dumiretso kami sa bahay nila.

"Haze, pwede namang sa dorm nalang muna ako, eh. Para pwede ka pa sumunod kila tita, sayang oh, December 30 palang, abot ka pa sa New Year's Eve." ani ko habang inaayos niya ang mga gamit ko sa guest room,

Nang isara niya ang closet ay narinig ko itong bumuntong hininga, pagharap niya sa akin ay seryoso ang ekspresyon nito, "Cass, ilang beses ko pang sasabihin na hindi na ako tutuloy sa trip at dito lang ako sa tabi mo. Hindi porket nakalabas kana ng ospital ay kaya mo na agad mag-isa. Kailangan mo pa rin ng alaga at ng tutulong sa 'yo. So please... let me do all of these for you." Paliwanag nito, bakas sa boses niya ang pagka-inis. Siguro nga ay napapagod na rin siyang magpaliwanag sa akin.

Tumango nalang ako bago nahiga sa kama. Nakatingin ako sa kisame nang humiga si Haze sa tabi ko, "Nagtatampo kaba?" tanong nito, nang lingunin ko siya ay nakatingin na rin ito sa kisame, ang braso niya ay nakapatong sa kaniyang noo.

Napatawa ako nang bahagya, "Hindi, I just felt sorry na nainis kita." sagot ko at nilingon niya ako,

"Hindi naman ako sobrang nainis, siguro... I just feel... bad na iniisip mo na kaya pa kitang iwan sa ganitong sitwasyon. Hindi ako naiinis sa 'yo, naiinis ako dahil pakiramdam ko... dina-doubt mo yung pagmamahal ko sa 'yo." Malumanay niyang paliwanag,

Nagparte ang mga labi ko, "Sorry... hindi kasi ako sanay na may nagmamahal at nag-aalaga sa akin nang ganito. Hindi ako sanay na ganito ako i-trato ng isang lalaki." turan ko at nakita kong kumunot ang noo niya,

"Feel ko nga rin hindi ko deserve yung ganito--"

Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong halikan, bagama't gulat ang una kong naramdaman, kalaunan ay ipinikit ko na rin ang aking mga mata at sinabayan siya sa halik. Pumaibabaw siya sa akin at naramdaman ko ang kamay niya sa aking leeg, inaalalayan ang batok kong may sugat.

Sa pagbawat paggalaw ng kaniyang labi ay sinasabayan ko lamang habang nanatiling nakapikit ang aking mga labi, dinadama ang sarap ng kaniyang mga labi.

Nang magparte ang kaniyang mga labi ay akin siyang sinabayan. Ramdam ko ang mas paglapit ng kaniyang katawan sa akin at ang bahagyang pagbaon ko sa kama.

Ngunit bago pa man lumalim ang nangyayari ay umalingawngaw ang katok ng isa niyang kasamabahay sa pinto kasunod ng pagtawag nito, "Sir? Luto na po yung mga pagkain, bababa po ba kayo o dadalhin namin diyan?"

Agad napabalikwas si Haze, "Uh... ano po... uhm... bababa kami." Bakas pa sa boses niya ang pagkataranta habang ako itong natatawa-tawa habang naka-upo sa kama.

"Sige po sir, ihanda na po namin." sagot ng kasambahay nila, ilang segundo kaming nabalot ng katahaimikan.

"So... uh... kain na tayo?" Basag niya sa katahimikan, napatawa ako bago tumango at bumaba na ng kama.

Pagkatapos kumain ay pinagpahinga muna ako ni Haze habang siya raw ay may mag bibilhin. Mga bandang alas quatro nang magising ako, lumabas ako ng kwarto para hanapin si Haze. Noong una ay hindi ko alam kung saan ko ito hahanapin. Masyadong malawak ang bahay nila. Para akong nasa isang compound at maraming bahay sa paligid.

Pagkalabas ko ng bahay ay agad ko siyang nakita garahe, tumakbo ako papunta sa kaniya, "Hello!" Masaya kong bati dito, agad ko siyang niyapos at napatawa naman siya nang bahagya.

"What are you doing?" tanong ko habang tinitingnan ang mga kahon sa harap niya,

"I bought fire crackers for tomorrow." he replied and my lips parted, "Ay! Oo nga! New Year's Eve na bukas!" Masaya kong turan bago napapalakpak,

Ngumiti ito bago sinuklay ang buhok ko, "Are you excited?" he asked and I nod, "Yes! Magpapaputok ka? Ikaw mismo?" tanong ko at nagkibit-balikat siya,

"I don't usually do firecrackers, since madalas kaming out of the country at nanonood nalang ng fireworks display sa ibang bansa. But if you want I will light them up for you." sagot niya at utay-utay akong napatango,

"Ikaw bahala, basta mag-iingat ka. Tapos ako, manonood lang. Alam mo ba, tuwang-tuwa ako sa fireworks! Kapag bagong taon, lagi akong nakasilip sa bintana sa dorm para manood, sobrang ganda!" turan ko at gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya bago ako pinindot sa ilong.

"Then you will enjoy tomorrow midnight." he said before slightly swaying our bodies together, ilang segundo kami nanatili doon bago siya nag-aya sa loob para mag-miryenda.

Pagsapit ng gabi ay inaya niya akong makipaglaro sa kaniya sa gaming room niya. Kahit hindi maalam ay nagawa ko pa rin makipaglaro sa kaniya. Minsan ay nananalo naman ako pero kapag sinasadya lang niyang matalo.

Kumain kami mga bandang alas siyete kahit busog pa ako, kailangan ko kasing uminom ng gamot. Pagkatapos ay bumalik kami sa gaming room niya pero hindi na kami nagtagal dahil pinatulog niya na ako.

Kinabukasan ay ginising ako ni Haze para mag-almusal para maka-inom ako ng gamot. Habang kumakain ay naghahanda na ang mga kasambuhay nila ng mga pagkain para mamayang gabi.

"Aside from carbonara and spaghetti, ano pa ang kinakain mo na pasta?" tanong nito habang nag-aalmusal kami,

Napanguso ako, "Ano... mac n cheese, lasagna, yun." sagot ko at tumango siya, "How about truffle pasta?" he asked and I shook my head, "Sorry, not a fan." I answered, he slowly nod, "Ravioli? Gnocchi?" he suggested, I pouted a little, "Hindi kasi ako familiar, never tried them before." I answered, his lips formed a small pout before nodding,

"Pero are you willing to try them?" he asked and I nod, "Of course, lalo na kung luto mo." sagot ko at ngumiti siya bago tumango.

Pagka-inom ko ng gamot ay sinubukan kong tumulong sa mga kasambahay nila na magluto pero ang sabi raw ni Haze ay 'wag akong abalahin at pagurin. Hindi na rin naman ako nakipagtalo sa kanila dahil baka mapagalitan pa sila ni Haze.

"Si Haze po? Nakita niyo?" tanong ko sa isang kasambahay, "Nasa garahe po yata, may ginagawa." sagot niya at tumango ako, "Ah sige po, salamat!" ani ko bago nagtatakbo papunta ng garahe,

Doon ay nakita ko itong naglilinis ng asul niyang sasakyan, "Wow ha, sipag," ani ko nang maupo sa isang monoblock chair,

Napatawa ito, "Para buong taon siyang malinis." sagot niya at natawa ako, ilang minuto kaming natahimik, pinapanood ko lang siya pero ang totoo ay may gusto akong ipagpaalam sa kaniya.

"Haze," tawag ko at nag-hum lang ito, "Pwede ba akong mag-bake?" tanong ko at lumingon ito, "Mapapagod ka," turan niya at umiling ako, "Hindi! Promise!" ani ko at napatawa siya bago inilapag ang basahan na hawak niya,

"Fine, but let me help you." ani nito at gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko bago siya hinigit papasok ng bahay.

Nag-bake ako ng cookies na nakita ko online, ako ang tagapaglagay ng ingredients habang si Haze naman ang tagapaghalo.

"Patikim," dadampot na sana ako nang pinigilan niya ako, "Hilaw pa 'yan," pigil niya at napakunot ang noo ko, "Grabe siya, okay lang 'yan---"

"Ah! No! Baka masamaan ka." ani niya at napangiwi ako.

Siya rin ang nag-shape nito para ilagay muna sa ref.

Pagkatapos namin magtanghalian ay saka namin ito binake.

"Hindi bibilis ang pagluluto niyan kahit titigan mo." ani niya habang nasa countertop, naglalaro sa cellphone niya,

Napanguso ako, "Ang bango! Gusto ko na agad!" ani ko at narining ko itong bumungisngis,

Pagkatapos ng ilang minuto ay naluto na ito, pinalamig muna namin ito ni Haze bago kami kumain.

"Ang sarap!! Ang galing ko mag-bake!" ani ko habang ninanamnam ang cookies, binigyan namin ang mga kasambahay nila at driver bago ko pa ito maubos. Nagtira na rin ako para may maihanda kami sa Media Noche mamaya.

Pagkatapos ay nagpaalam si Haze na may aasikasuhin lang daw sa kwarto niya. Hinintay ko muna siyang maka-akyat bago lumapit sa isa sa kasambahay nila,

"Ate, may ano ba kayo rito... uh... mga... panahi, mga papel, mga... pang-arts, ganun?" tanong ko sa isa nilang tauhan dito,

Ilang segundong napa-isip ang ate, "Sa ano po ma'am, sa 2nd floor, yung pangalawang kwarto sa kaliwa, may mga nakatambak doon, baka may makita po kayo." sagot niya at napa-isip muna ako kung saan iyon bago napatango.

Agad akong umakyat para puntahan ang kwartong sinasabi ni ate. Pagkapasok ko rito ay maraming nakatambak dito. Noong una ay natatakot pa ako dail baka may daga o ipis, dahan-dahan kong binuklat ang mga kahon. May mga papeles noong una, tapos mga lumang stuff toy, gamit at iba pa.

Tinatamad na akong maghanap nang mabuksan ko ang isang kahon na puno ng yarn. "Ayun! Sana may hook!" Hinalungkat ko pa ang kahon bago may nakitang lata ng biscuit na may lamang mga pantahi at pang-crochet. Halos mapasigaw ako sa tuwa. Agad kong kinuha ang mga ito bago itinakbo sa guest room bago pa man ako makita ni Haze.

Iyon ang pinagka-abalahan ko bago maghapunan. Pagkatapos kumain ay ilang minuto muna akong nanatili sa sala bago nagpaalam kay Haze na aakyat na para magpahinga kahit ang totoo ay mag cro-crochet na ako.

January na bukas at January 4 ang birthday niya! Hindi pwedeng wala akong regalo sa kaniya! Gusto ko man bumili ay hindi na ito magiging surprise dahil malalaman niya rin iyon kaya mabuti nalang at may mga nakatago silang yarn.

11pm nang tumigil ako sa paggagawa, nagbihis na ako bago bumaba para tumulong sa paghahanda sa baba. Nakakatuwa dahil ngayon ko nalang ulit sasalubungin ang bagong taon na may mga kasama.

Quarter to 12 ay inihanda na nila Haze ang fireworks sa labas katulong ang mga driver niya.

"Saan ka pupunta?!" tawag ko rito, ilang minuto nalang at bagong taon na pero aakyat pa siya,

"May kukunin lang ako!" sigaw nito habang tumatakbo,

Dalawang minuto bago mag-alas doze ay bumaba si Haze, inaya na niya kami sa labas at alas dose impunto ay sinindihan na nila ang mga fireworks,

"Happy New Year!!" sigaw ko habang tumalon, nang magputukan na ay agad akong napatingala sa langit,

Nahulog ang aking panga, sobrang ganda ng mga pailaw sa langit. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa malapitan sila napapanood.

Ilang kwitis ang pumutok bago ko naramdaman ang pag-akbay sa akin ni Haze, "Happy New Year, Cassandra." bulong nito sa tenga ko,

Gumuhit ang ngiti sa labi ko, "Happy New Year, Haze." bati ko sa kaniya, ngumiti ito bago lumapit para halikan ako, ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang init ng kaniyang halik habang ang mga tao sa paligid namin ay nagsasaya.

"Salamat po sir!"

Nagulat ako dahil pagkapasok namin ng bahay ay inabutan ni Haze ng tig kung iilang libo ang mga kasama nhila sa bahay.

"Wohoy! Happy New Year!" Masayang turan ng isa nang abutan ni Haze ng pera, pare-parehas kaming napatawa,

"Kain na po kayo," ani ni Haze nang mabigyan na lahat, humarap sa akin ito, "Ay... ikaw? Magkano gusto mo? May bente ako rito," ani nito bago dinukot sa bulsa ang benteng barya, napatawa ako bago ito kinuha, "Hindi ko tatanggahihan 'yan." ani ko at napatawa siya,

Umupo na ako sa hapag at ipinaglagay niya ako ng mga pagkaing niluto niya sa pinggan ko, "Kapag hindi masarap, sabihin mo lang." ani niya at tumango ako,

Masarap naman yung mga niluto niya na ibang pasta. Yun nga lang ay hindi talaga ako sanay kaya nauwi ako sa carbonara. Pero ang iba naman niyang niluto na hindi ako pamilyar ay nasarapan talaga ako.

Uminom sila ng wine na noong una ay ayaw akong bigyan ni Haze dahil baka masama raw sa akin pero nang samaan ko siya ng tingin ay sinalinan na rin ako nito sa baso.

Mag a-alas dos na nang matapos ang salo-salo. Nagbadya pa akong tumulong pero agad na akong hinigit ni Haze paakyat para matulog. Masama raw sa akin ang masyadong mapuyat.

Kinabuksan ay ginising ako ni Haze bago ang oras na iinom ako ng gamot. Inaantok akong mag-almusal habang si Haze ay tulog sa harap ko. Pagkatapos kong uminom ng gamot ay inaya ko ulit ito pa-akyat para matulog.

Alas dose ng tanghali nang magising ulit ako, sa oras na ito ay nakaligo na si Haze at animo'y naghahanda ulit. Hindi ko muna siya ginulo at naligo nalang muna ako at nag-ayos. Pagkatapos ayusin ang sarili ay ini-lock ko ang pinto bago nagpatuloy sa mga bulaklak na kino-crochet ko. Nagpuslit na rin ako ng mga barbecue stick mula sa kusina para gawing stick ng mga bulaklak.

Alas dos ay nag-aya itong kumain, hindi namin kasabay ang mga kasambahay nila dahil kumain na raw ang mga ito.

"Papunta sila Lorenzo dito mamaya, nag-aaya ng inuman." ani niya habang ngumunguya, utay-utay akong tumango, "Kaya ba nagluluto ka ulit kanina?" tanong ko at nag-hum ito, "Oo, matatakaw yung mga yun, eh." sagot ni Haze at napatawa ako,

Pagkatapos kumain ay nagpatuloy siya sa pagluluto habang ako ay pinapanood lang siya. Kahit hindi siya nagsasalita, kahit hindi kami nag-uusap ay kuntentong-kuntento na akong pinagmamasdan lang siya.

Bandang alas siyete nang magdatingan ang mga kaibigan ni Haze, noong una ay nahihiya akong magpakita kaya naman nasa kusina lang ako at ipinaghahanda sila ng pagkain nang biglang pumasok si Haze ng kusina.

"Why are you here? Tara sa dining, kakain na tayo." Aya niya at ngumiti lang ako bago sumama sa kaniya,

"Kamusta si Cass?" tanong ni kuya Edward nang makita ako,

"Okay na po, magaling na." sagot ko bago naupo sa tabi ni Haze. Nakakahiya! Andito silang lahat! Uuwi na po ako!

"Sure ka? Wala kanang nararamdaman? Grabe yung tama sa 'yo, eh." tanong ni kuya Shawn at tumango ako, "Okay na po talaga ako, promise." sagot ko at napatawa ang iba sa kanila,

"Pero mas grabe yung iyak ni Haze-- aray!" Agad nasiko ni kuya Adrian si kuya Lucas,

Nanlaki ang mata ko bago lumingon kay Haze, "Umiyak ka?" gulat kong tanong at nanlaki ang mata ni Haze, "Kaunti... namawis lang mata ko." sagot ni Haze at napahagalpak kami ng tawa,

Kumain na kami ng hapunan at nagkamustahan silang magkakaibigan. And again I felt... a little outcasted. Naramdaman ko nanaman kung gaano sila kayayaman sa buhay habang ito lang ako. May mga minuto na naguguluhan ako sa mga pinag-uusapan nila o di naman kaya ay hindi makasunod. Pero na a-appreciate ko yung kahit busy makipag-usap si Haze ay iniaabot pa rin niya sa akin ang pagkain na gustong kong abutin. Kahit hindi siya tumitingin ay ini-aabot niya sa akin ang kailangan ko kagaya ng tubig o di naman kaya ay tissue.

Pagkatapos kumain ay ipina-ayos na niya ang lamesa, may sinabi ito sa mga kasambahay nila habang ako ay awkward na nakatayo sa gilid.

Nilapitan ako ni Haze bago hinalikan sa noo, "Sa may pool lang kami, ha? I suggest umkyat kana at magpahinga, matatagalan kami, goodnight." ani nito bago ulit ako hinalikan sa noo.

Tumango ako, "Goodnight, enjoy kayo!" ani ko at tumango siya, ihahatid pa sana niya ako sa taas pero itinulak ko na siya papunta sa mga kaibigan niya.

Siyempre hindi muna ako natulog, itinuloy ko pa rin ang paggagawa ng regalo ko para kay Haze. 11pm nang tumigil ako sa pagcro-corchet, itinago ko na ang mga bulaklak na natapos ko bago nag-banyo muna at natulog na.

Alas quatro ng umaga nang ma-alipungatan ako para umihi. Pagkalabas ko ng banyo ay napa-isip ako kung nasa may pool paba sila Haze kaya lumabas ako ng kwarto para silipin sila sa terrace. Laking gulat ko dahil andoon pa rin silang walo.

"Grabe, ang titibay, ha." ani ko bago pumasok at bumalik sa kwarto.

Sa mga sumunod na araw ay inaya ako ni Haze na lumabas at magpa-araw. Pumunta rin kami ng mall dahil naisipan kong bumili ng mga bagong damit at bagay-bagay. Pero ang totoo ay sinamahaan ko na ito ng pang-design ng bouquet ni Haze.

January 3 ay nag-bake ako ng cookies at brownies at nagpalusot na nag-crave lang ako kahit ang totoo ay para sa birthday niya ito. Naka-order na rin ako ng cake na scheduled na i-deliver bukas.

Mukhang wala siyang gaanong plano, noong una ay gusto niya raw na lumabas kami pero naisip niya na mas mabuting sa bahay nalang daw kami na sinangayunan ko naman dahil dito ay mas makakapaghanda ako.

Kinuntyaba ko rin si kuya Shawn na ilabas muna si Haze ng hapon para makapaghanda ako sa bahay.

Sa kaarawan ng birthday ni Haze ay umalis ito pagkatanghalian dahil inaya raw siya nila kuya Shawn na mag billiards at bowling. Sinulit ko ang oras na yun para magluto at ipaghanda siya.

Alas kwatro ng hapon nang bumalik sila, magkakasama na silang magkakaibigan at doon ay sinurprise na namin siya.

"Happy birthday!!" Nagpaputok ako ng poppers pagkapasok nila ng bahay, bakas sa mukha ni Haze ang gulat nang dalhin ko sa kaniya ang cake.

"Plinano niyo ba 'to?! Pati yung aya niyo?!" Gulat na tanong nito sa mga kaibigan niya, napahagalpak sila ng tawa, "Oo naman, sa tingin mo ba ililibre ka talaga namin ng billiards at bowling? Ano ka chicks?!" ani ni kuya Lucas at napahagalpak kami ng tawa,

Habang naglolokan sila ay ibinaba ko ang cake at kinuha ang bouquet na gawa ko, "Hindi na ako nakabili ng regalo para sa 'yo," ani ko nang i-abot sa kaniya ito, nanlaki ang mata ni Haze.

"Ginawa mo ba 'to?!" Bakas sa mukha niya ang gulat, "Yes sir! Ako lang 'yan, galing 'no?" Pagyayabang ko,

"Naks! Sweet naman!" Kantyaw ng mga kaibigan niya, halata sa mukha ni Haze na hindi mapigilan ang tuwa.

"Ang galing! Gawa mo talaga 'to?!" Napatawa ang mga kaibigan niya habang napa-irap naman ako, "Luh, ang kulit, ako nga, diba? Ako," ani ko at napangisi siya bago ako inakbayan at hinalikan sa noo.

Inaya ko na sila sa dining para kumain ng mga niluto dito, ang iba ay luto ko, luto ng mga cook nila at ang iba ay order ko.

Pagkasapit ng gabi ay nagka-ayaan silang mag-inom pero sa sala nalang.

"Ako na po ate," ani ko sa kasambahay nang sinubukan niyang kunin sa akin ang mangkok na paglalagyan ko ng pulutan nila Haze.

Dinala ko ito sa kanila na agad dinaluhan ni kuya Adrian, "Hoy Alonzo, tulungan mo naman si Cass, ano tol? Mabigat ba 'yang itlog mo?" ani ni kuya Lucas at napatawa sila, si Haze nag-aayos ng lamesa nila ay biglang napa-ayos ng tayo,

"Wait lang naman, nag-aayos din ako 'no." sagot ni Haze at napatawa ako, "Okay lang po, I got this na." ani ko bago bumalik ng kusina. Maya-maya ay kasunod ko na si Haze at siya na ang nagdala ng pagkain sa kanila.

Habang sila'y nag-iinuman sa baba, ako naman ay nasa family area sa taas at doon nanood ng palabas. Hindi pa ako inaantok at parang gusto ko pa kumain pero busog pa ako kaya naman nagpalipas ako ng oras sa taas. Mula rito ay naririnig ko pa ang mga tawanan nila sa baba na minsan ay napapatawa nalang din ako.

Bandang 11pm ay saka ako tinamaan ulit ng gutom at bumaba, "Cass oh, si Haze! Nangungurot!" sumbong ni kuya Lorenzo at napatawa ako, "Kurutin niyo rin po," ani ko bago naglakad papuntang kusina, narining kong napasigaw si Haze sa sakit, kinurot na siguro ni kuya Lorenzo.

Kumakain ako ng cake sa kusina nang pumasok si Haze, "May kailangan ka? Ako na, ako na." ani ko bago siya inunahan sa ref,

"Cass, you don't have to do all of these." he softly said, when I look at his face, his cheeks turned red indicating he's drunk,

I smiled, "It's fine, I got this, bumalik kana doon, dadalhin ko nalang." ani ko at ngumuso siya,

"Sige na, balik na doon," Itinulak ko siya palabas ng kusina, kumuha ako ng serving plate bago sila ikinuha ng lechon na pulutan nila.

Naglalakad ako pabalik sa sala nang marining ko ang nagbabalita mula sa TV.

"Nagbalik bansa na nga po ang sikat na modelo na si Camille Del Mundo matapos ang mahigit kalahating taon na pamamalagi sa Amerika. Dinumog ng mga tagasuporta nito ang SilverSky Airline para abangan ang pagdating ng kanilang iniidolo.'"

"Bakit nga ba siya umalis?" tanong ni kuya Adrian, hindi agad ako lumapit sa kanila at huminto sa may poste,

"Dahil doon sa... issue niya, yung sa boyfriend niya kaya siya umalis ng bansa para magpalamig at the same time... may mga projects siya sa states." sagot naman ni kuya Lorenzo, alam ko man na masakit para sa akin ang usapang ito pero pinili ko pa rin na makinig sa usapan nila.

May narining akong tumawa sa kanila, "Si Alonzo kasi, eh, hindi pinagbigyan sa hiling," Napakunot ang noo ko sa sinabi ni kuya Adrian,

Bahagya akong sumilip, mga likod at ulo lang nila ang nakikita ko,

"Hindi pa ba kayo tapos sa usapan na 'yan?" tanong ni kuya Edward,

Nakita kong itinaas ni kuya Adrian ang baso niya para ituro si Haze, "Di kaba talaga naawa kay Camille? I mean... she was facing something serious and her getaway car was you."

Naramdaman ko ang bahagyang pagbigat ng dibdib ko. Pinag-uusapan ba nila yung gabing... sinabi sa akin ni Haze na kailangan siya ni Camille?

Ilang segundong natahimik ang paligid, halos pigilan ko ang paghinga ko habang hinihintay ang sagot ni Haze.

"I must admit... naawa ako sa kaniya that time---"

"Ay!"

Lahat sila napalingon sa gawi ko nang dumulas sa kamay ko ang pinggan na hawak ko.

"Cass?!" Agad napatayo si Haze bago ako nilapitan, "Baka makatapak ka ng bubog--"

"Are you okay?" Agad niya akong hinawakan sa kamay para makita kung may sugat ba ako,

"Manang? Makikilinis nga po nito." Tawag agad niya sa kasambahay nila,

Nagbalik siya ng tingin sa akin, "Nasaktan kaba? May masakit ba sayo?" tanong niya at agad akong umiling,

"It's late, magpahinga kana," ani niya bago ako inakbayan at inalalayan magpalakad papuntang hagdan. Nakita ko siyang lumingon sa mga kabigan niya bago kami umakyat ng hagdan.

Bago bumalik ang klase ay umuwi na ako ng dorm at naglinis nang kauntian. Kinabukasan na dumating sila Faye at Marga na may mga dalang pasalubong.

"Na-miss kita!!" ani ni Faye bago ako niyakap, "Sus, oa naman nito." ani ko at napatawa siya bago kumalas sa yakap, "Kamusta? May masakit paba sa 'yo?" tanong niya at umiling ako, "Magaling na ako, wala ng masakit." sagot ko at tumango ito.

Pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming klase at nagkikita nalang kapag vacant o di naman kaya ay lunch. Balik na rin ako sa normal kong schedule dahil tapos na ang mga seminar ko. Subsob nanaman kami sa pag-aaral dahil tatlong buwan nalang ay ga-graduate na kami.

Ramdam ko rin ang pressure ng mga prof namin dahil halos araw-araw nalang kami may quiz, long test, mga recitation at presentation.

Madalang na rin kaming magsayang magkakaibigan dahil lahat busy. Si Haze naman ay sumasadya na minsan sa kwarto namin dahil busy kami sa pag-aaral at nagkakatamaran na magluto kaya ibinibili na niya kami ng pagkain o di naman kaya ay nagluluto sila ni kuya Shawn.

Magkaroon man ako ng libreng oras ay itinutulog ko ito o kumakain. Madalang na halos akong magbukas ng cellphone kaya naman laking gulat ko nang bumungad sa akin ang mga shared post na patungkol kay Camille.

Isang buwan palang siyang nakakabalik ng bansa pero marami na agad siyang projects, interviews at guesting. Talagang bumabango nanaman ang pangalan niya at siguro nga dahil sa naging issue at pag-alis niya ay mas nakilala siya.

Pagsapit ng valentines ay pinaglaanan ko ng oras ang date namin ni Haze. Binabaybay namin ang express way nang sunod-sunod kong makita ang mga billboard ni Camille. Lotion, sunscreen, damit, pabango, make-up at iba pa. Sunod-sunod sila at sa naglalakihang mga billboard na ito ay kitang-kita at hindi maipagkakaila ang ganda ni Camille.

Nilingon ko si Haze para tingnan kung tinitingnan ba niya ang mga billboard ni Camille pero diretso lang ang tingin nito sa kalsada.

Nagugulat nalang din kami dahil may mga pailan-ilan siyang posters sa loob ng university. Madalas ko na rin naririnig ang pangalan niya at naririnig ang boses niya mula sa mge cellphone ng mga estudyante kapag pinapanood ang commercials niya.

Isang tanghali ay naglalakad ako sa hallway nang madaan ang grupo ng mga 3rd year, noong una ay pansin ko na pinagtitinginan nila ako hanggang sa dumaan ako sa harap nila. Ilang metro palang ang layo ko sa kanila nang marining kong magsalita ang isa,

"'Yan nga pala yung bago ni Haze, grabe yung downgrade, ha?"

Napalunok ako ng laway bago hinigpitan ang kapit sa bag ko, agad akong lumiko para lumabas ng building.

Hindi iyon ang una at huling beses, simula nang may i-release na interview ni Camille kung saan sinabi niya na may ex siya na nagpipiloto, agad nalamaan ng mga tao na si Haze ang tinutukoy ni Camille at kasunod nito ang pagkadawit ng pangalan ko.

Minsan pa ay nakasakay ako jeep, pagod na pagod ako at gutom na nang mapansin kong kinukuhaan ako ng picture ng isang pasahero. Napatungo ako bago tinakpan ang mukha ko ng buhok kong sabog-sabog.

Pagdating ko sa dorm ay sinalubong ako ni Haze, sa bugso ng damdamin, sa sobrang pagod at drain ay hindi ko na napigilan ang umiyak habang yakap-yakap niya.

"Hey, anong problema?" Malambing niyang tanong, agad akong umiling, "Pagod lang ako," Hagulgol ko at nag-hum ito bago hinimas ang buhok ko, inihatid niya ako sa kwarto namin pero hanggang sa pagdating ko doon ay umiyak lang ako nang umiyak habang yapos-yapos ni Haze sa sala, naka-upo sa sahig at nakasandal sa sofa.

Halong pagod, stress, overthink, anxiety at overwhelm ang nararamdaman ko. Lahat sila nagsasabay-sabay. Idagdag mo pa na binabagabag na ako ng nanay ko tungkol sa pag graduate ko.

"Hindi niyo manlang po ako binati noong pasko at bagong taon--"

[Sus! Para yun lang?! Cassandra ang importante dito yung grades mo! Paano kung hindi ka qualified sa mga university dito?! Edi sayang lang?! Sayang ang pagbili namin ng ticket mo, ang pagdala namin sayo dito edi sana diyan ka nalang namin pinag-aral!] Sumbat sa akin ni Mama,

Napahilamos ako sa mukha bago bumuntong hininga,

"Maayos naman po ang grades ko--"

[Dapat lang! Dapat lang talaga! At kung hindi sana hindi kana namin pinag-doktor. Sana kumuha ka nalang ng kung anong course kung magpapabaya ka lang din pala! Hindi kana amin pinag-aral sa Summit Hill kung magpapabaya ka rin pala!] Putol nito, hindi ko na napigilan ang pagsikip ng dibdib ko at ang pagluha.

Noong gabing yun, imbes na makapag-aral ako nang maayos, nabalot ang sala ng hikbi at paghagulgol ko. Nahiga ako sa sahig habang ang mga luha ay patuloy sa pag-agos sa pisnge ko. Sa mga oras na yun hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano ba yung landas na dapat tahakin ko.

Hanggang sa pagtake ng test kinabukasan ay balisa at latang-lata ako. Maga rin ang mga mata ko sa kakaiyak at puyat. Pagkatapos na pagkatapos ng test ay agad akong pumunta ng canteen para bumili ng pagkain.

Paalis na sana ako nang may makabangga sa akin, "Ay sorry po," Paghingi agad ng tawad nito, ngumiti ako, "Okay lang," paalis na sana ako nang pigilan niya ako,

"Wait lang po, ikaw po yung girlfriend ni Haze Vergara diba?" tanong niya at tumango ako, akala ko may sasabihin pa siya pero tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pabalik bago umismid at tinalikuran ako.

Bahagyang nahulog ang panga ko sa inasta ng babae. Agad akong dumiretso ng banyo para mag-ayos ng sarili. Pero parang kahit anong pag-aayos ko ay banas na banas sa akin ang mga tao. Sa tuwing makikita ako ay ang sasama ng tingin sa akin.

Minsan pa ay may nakikita akong tweets at posts tungkol sa 'ipinalit' kay Camille at ang baba raw pala ng standard ni Haze sa babae.

Sinubukan ko namang balewalain nalang pero hindi ko maiwasan lalo na at napakamaselan kong tao. Noong una ay pumupustura pa ako sa university, pero kalaunan ay najacket at hoodie nalang ako kahit mainit.

Isang gabi, sinalubong ako ni Haze sa harap ng dorm. Sasalubong niya sana ako ng yakap pero nang makita ko ang mga estudyante na nakatingin sa amin ay agad kong hinigit si Haze sa loob.

"Why? What's wrong? May problema ba?" Nag-aalala niyang tanong, agad akong umiling, "Wala naman... ano lang... nilalamig ako sa labas." Pagsisinungaling ko, mukha namang naniwala si Haze dahil napatango lang ito bago ako inihatid sa kwarto.

Noong gabing iyon, habang nag-aaral ay nakatanggap ako ng message mula sa nanay ko.

from: Mama <3

May mga med school na kaming tiningnan dito, kailangan nalang ang final grades mo kaya dumiretso kana agad dito pagka-graduate mo. Hindi na kami uuwi ng Pilipinas, mag-isa ka nalang bumyahe.



"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Allan habang nasa klase kami,

Tumango ako, "Okay lang," sagot ko bago bumuntong hininga, "Sure ka? Para kang may sakit," tanong niya at tumango ako, "Okay nga lang--"

"Ms. Gonzales!! Daldalan kayo nang daldalan!" Napa-igtad ako nang sumigaw si Mr. Bautista, nag-ayos ako ng upo bago nagpatuloy sa pagsusulat.

Bawat araw ay mas bumibigat ang damdamin ko, mas bumibigat ang pakiramdam at mas lalo kong naiisip ang pag-alis ko. Naguguluhan pa rin ako, kung tutuloy ba ako o hindi. Pero hindi ko naman masabi na ayaw kong umalis nng bansa dahil ayaw kong iwan si Haze.

Isang tanghali ay hindi na ako nakapagpigil at napahagulgol ng iyak habang nagtatanghalian, "Oh, anong nangyari?!" Tarantang taong ni Faye, si Marga ay agad akong hinimas sa likod,

"Anong problema?" Tanong ni Simon, umiling ako bago nag-angat ng ulo at nagpahid ng luha,

"Paalis ako after grad, papuntang San Francisco para sa med school," Pag-iyak ko, nanlaki ang mata ni Faye, "Oh, edi good! Makakasama mo na sila tita!" Masayang turan ni Faye at umiling ako,

"Paano si Haze? Hindi siya umalis ng bansa kasi ayaw niyang magkahiwalay kami tapos ako naman itong aalis." ani ko at hindi nakasagot ang mga kaibigan ko,

"Hindi rin naman alam nila mama na may boyfriend na ako dahil ayaw nila, kapag nalaman nila na... ayaw kong umalis dahil kay Haze, baka hindi nalang nila ako pag-aralin." Dagdag ko pa at doon ay mas lalong akong napabunghalit ng iyak,

Dalawang kamay na ang humihimas sa likod ko, "Pero... you know na... studying abroad is what's best for you, diba? Tsaka... maiintindihan naman siguro ni kuya Haze kapag sinabi mo na mag-aaral ka sa ibang bansa." Turan ni Marga at umiling ako habang umiiyak,

"Ayaw ko siyang iwan, ayaw ko, nasa point ako ng buhay ko na mas pipiliin kong makasama kayo at si Haze kaysa pumunta ng San Francisco. I'm telling you... it will be hell there, ayaw ko." ani ko habang nakasubsob sa lamesa,

"Pero yun ang best for you? Cass... med school sa states are great, I swear. I was also considering kaso ayaw ng parents ko. But you... I support and I suggest na tumuloy ka sa states, it'll be the best for you." ani Marga, "At kung usapang kuya Haze naman... he would understand. Kung mahal ka niya, hahayaan ka niya at hihintayin ka niyang umalik. O di naman kaya ay pwedeng-pwede ka niyang puntahan. Cass kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan, yun lang." Dagdag ni Marga, umupo ako nang maayos bago nagpahid ng luha at nag-ayos ng buhok.

"Natatakot ako," ani ko at napakunot ang noo ni Marga, "Natatakot saan?" tanong ni Simon, seryoso ang ekspresyon,

"Na baka... doon kami matapos... kapag magkalayo kami... kapag hindi kami magkasama." Pag-amin ko at bumuntong hininga si Simon, "Ibig sabihin lang nun hindi siya ang para sa 'yo."

Pagsapit ng gabi ay ipinagluto ako ni Faye ng paborito ko para gumaan ang pakiramdam ko. Nilibang din ako ng mga ito, nagkwentuhan kami at uminom pa ng beer bago magka-ayaan matulog. Papasok na sana ako ng bedroom nang mag-ring ang cellphone ko.

Si mama,

"Hello po?" Halos manginig ang boses ko,

[Kailan ang graduation niyo?] tanong nito,

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi, "March 8 po," sagot ko at nag-hum ito, [Sige, ang flight mo ay March 10, para may oras ka pa na makapag-ligpit ng gamit mo. Dalhin mo na sa lumang bahay natin yung mga gamit mo sa dorm. 'Wag kanang magdala ng kung ano-ano pagpunta rito.] sagot nito at tumango ako,

"Sige po, ah ma--"

Naputol ako sa pagsasalita nang patayin niya bigla ang tawag. Napapikit ako nang mariin bago bumuntong hininga at sumandal sa pader.

Ilang segundo akong nasa posisyong iyon nang tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko ay may messages si Haze.

from: Alonzo Haziel

tulog kna b?

from: Alonzo Haziel

cass?

from: Alonzo Haziel

wer u?

Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko bago tumipa ng reply kay Haze,

to: Alonzo Haziel

andito lang ako, hindi ako nawawala



--------------------

a/n: wala kaming f2f classes dahil sa heat index! di ko makita crush ko!! ga-graduate na siya!!

update: nakita ko na crush ko!

P.S. Yung bouquet na yan, crochet tulips talaga yan, regalo ko sa crush ko last year noong birthday niya hehe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com