Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ang pagwawakas

             "Alison? Nasaan ka?" mahinang tawag niya sa kaibigan. Madilim ang paligid, wala rin siyang naabutang bantay sa gate noong pumasok siya kaya madali lang ang pagpanhik niya sa lugar na pupuntahan. Bagamat may liwanag sa swimming pool area ay kakarimpot lamang na espasyo ang naabot nito. Gamit ang flashlight sa phone niya ay ini-scan niya ang kabuuan ng lugar.

                Hanggang sa matuon ang flashlight niya sa isang pader, nakasulat dito ang mga salitang YOUR NEXT BINGELLE sa pamamagitan ng kulay pulang tinta. Sigurado siyang dugo ang ginamit sa pagsulat. Napaatras tuloy siya sa pintuang pinasukan niya sa sobrang takot, ngayon ay nakasarado na ito, ngunit mas lalo siyang nagulantang nang maramdaman niya na may katawan siyang nasandalan.
Humarap siya rito at muling napaatras nang makilala kung sino ito, "Alison!"

               Bumungad sa kaniya si Alison na puro bahid ng dugo ang buo kasuotan, wala itong malay habang nakataas at nakatali ang dalawa  kamay. Nakalaylay na rin ang buong katawan ni Alison, pagkatapos, ay hinipo ni Bingelle ang katawan nito at nang maramdamang mainit-init pa ay nagpasya siyang alisin ito sa pagkakasabit. "Alison, magpakatatag ka!" aniya rito. Nabitawan din niya ang cellphone, para mas mapadali ang ginagawa niyang pagtulong kay Alison.

              Hindi tuloy napansin ni Bingelle ang pagtawag ni Detective Marck sa kaniyang cellphone, dahil abala na ang mga mata niya sa pagtanggal sa natitirang isang kamay ni Alison na nanatiling nakasabit pa rin. Ngunit isang saksak ang naramdaman niya sa kaniyang likod. Ramdam niya ang pagbaon ng matulis na bagay na iyon sa kaniyang likuran.

***

                "Hindi niya sinasagot ang tawag ko," pangambang saad ni Harold kay Marck habang nagmamaneho ito.

                   "Tumawag ka na lang sa headquarters at humingi ka ng back-up. Padiretsuhin mo na sila sa eskwelahan sakaling hindi tayo umabot.
   
                   Napasigaw naman si Lhean nang mapansin ang nasa harapan ng sinasakyan nila, "Officer, sa unahan!" Agad kinabig ni Marck ang manibela at pinihit ang preno. Mabuti na lamang at maasahan ang kaniyang sasakyan. Bumungad sa kanila ang banggaan ng isang kotse at ng isang pampasaherong jeep. Nagkakagulo pa sila sa gitna ng kalsada, kaya siguradong hindi agad sila makakadaan.

             Isang police officer ang lumapit sa kanila, sumaludo ito pagkakita kay Marck. "Sir, kayo ho pala."

            "Carry on, ano bang nangyare?" tanong ni Marck sa kabaro niya.

          "Medyo nakainom ho 'yong driver ng kotse at nabangga itong jeep, wala namang sobrang nasugatan, mga galos lang ho ang nakuha ng mga biktimang nasa jeep."

           "Ganoon ba, matatagalan ba iyan? May hinahabol kasi kami."

            "Bigyan n'yo po kami ng 25 mins sir."

              "Hindi kami aabot."

              Sumabat naman si Lhean sa usapan ng dalawa, "Sir, malapit na lang naman ang Saint Francis National high school dito. Baka ho pwede na natin lakarin?"

               "Good idea, Harold, lets go! Kailangan natin silang maabutan."

              "Yes sir!"
    
                 Inihagis naman ni Marck ang susi ng kaniyang sasakyan sa police officer na nakausap niya, pinaubaya na niya rito ang kaniyang sasakyan.

                 Nakipaggitgitan sina Marck sa mga nakikiusyosong mga tao mula sa aksidente, maging ang mga biktima ay naroroon pa rin sa eksena.

              Nakasunod naman sina Lhean at Rizza kina Marck, nagpasya sila na sumama sa mga ito, baka sakaling mabago nila ang isip ng kanilang kababata na si Kaila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala sa mga natuklasan nila patungkol sa katauhan nang dati nilang kababata.

***

Samantala...

            Tila naparalisado ang buong katawan ni Bingelle nang hugutin ang kutsilyong bumaon sa likod niya, tila natamaan nito ang spinal cord niya. Bumalandra siya sa samento at pilit hinahabol ang sariling hininga, sinubukan niya rin magsalita, "Ba--bakit?"

        Gamit ang hawak na kutsilyo, pinutol ni Alison ang pagkakatali sa kabila niyang kamay. Nakangiti siya at nanlilisik ang mga nang tumingin siya kay Bingelle. Ibinalik niya sa pagkakasuksok sa kaniyang likuran ang kutsilyong ginamit niya panaksak sa kaniyang kaibigan. "Nagulat ka ba?" aniya. Kinuha niya ang kanang kamay ni Bingelle at hinatak palapit sa pool, hindi na ito nakapalag pa dahil tuluyan nang namanhid ang buo nitong katawan. Nakatingala ito at tinitignan si Alison habang hatak-hatak siya  nito.

          Nang makarating sa nais na pwesto ay binitawan ni Alison ang kamay nito. Tumingin siya sa tubig na nasa pool, kalmado lang ito at may kakarimpot na liwanag na nasa ilalim nito. "Alam mo bang dito, pinatay ni Sir Crisostomo si Cloe?" Nagsimula itong maglakad sa gilid ng pool, "Nilunod niya ito dahil hindi niya matanggap na nawala ang linsensya niya bilang isang guro dahil sa naging relasyon nilang dalawa. Alam mo, hindi naman sila aabot sa ganoon kung hindi ninyo in-upload sa facebook ang sex video nilang dalawa. E 'di sana, buhay pa rin si Cloe hanggang ngayon. Ang lalaking iyon, ang lakas ng loob niya para palabasing nagpakamatay si Cloe. Teka, nabanggit ko na bang ako ang pumatay sa kaniya?"

              "Ah sir, magpapahinga na ho ako sa kwarto ko. Okay lang po ba na rito na lamang po kayo sa sala mag-stay. At kung nagugutom ho kayo, nandoon ho ang kusina," ani ni Alison kay Officer Harold subalit ang mga mata niya ay nakatuon sa cellphone nito na nasa lamesita.

            "Oo naman. Walang problema, salamat," sagot ni Harold sa kaniya. Iniwan niya ang binata sa sala at pumasok sa kaniyang kwarto. Ilang segundo lang ang kaniyang pinalipas bago muling sumilip sa kaniyang sala. Tama siya, wala na ang pulis doon at naiwan nito sa lamesita ang cellphone. Maingat niya itong pinuntahan at binasa ang huling text na natanggap nito patungkol sa kinaroroonan ni Reggie Crisostomo at nang makuha na niya ang impormasyon ay ibinalik niya ang cellphone sa dati. Naghintay pa siya ng ilang minuto at gumawa ng paraan para makatakas sa mata ni Harold. Nagtagumpay naman siya at mabilis na pinuntahan ang lugar na kinaroroonan 'di umano ni Crisostomo.

               Natagpuan niya ito sa isang abandunadong gusali, kasama ang kakarimpot na liwanag mula sa flashlight na hawak nito. "Alison? Teka? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Reggie nang mapuna ang paglapit niya. Nakatuon ang mga mata ng dating guro sa hawak ng kanang kamay ni Alison, isang kalawanging bareta.

            "Nandito ako para maningil."

           "Ano bang pinagsasabi mo? Ang lakas din ng loob mo 'no? Baka nakakalimutan mo, sa ating dalawa, mas nakakalamang ako sa lakas. Hmmn, pabor na rin sa akin ang ganito, total, gusto rin naman kita matikman." Nabanaag ni Alison ang pagnanasa ni Reggie sa kaniya. Ang mga tingin na iyon ay madalas niyang gawin sa mga estudyante niyang babae, kaya nga madali niyang nabiktima sina Cloe at Rizza at ang hindi na mabilang na mga estudyanteng nagalaw niya.

            Inihampas ni Alison ng buong lakas ang hawak niyang bareta, napigilan ito ni Reggie. Ngunit hindi niya inasahan ang sunod na ginawa ni Alison, isinaksak nito sa tagiliran niya ang isang matalas na kutsilyo gamit ang kaliwang kamay at mabilis na hinugot. "Walang hiya ka! A--anong ginawa mo?"  Binitawan niya ang nasalong bareta at pinilit ang sarili na manatiling nakatayo.

              "Sa susunod, pipiliin mo kung sino ang tutuhugin mo. Wala kang karapatan para pagsabayin ang dalawa kong kaibigan. Ito ang tatandaan mo, kulang pa iyan sa lahat ng ginawa mo kina Cloe at Rizza."

              Nagsimulang maglakad si Reggie palayo kay Alison, ngunit bumangga lamang siya sa magkakapatong na drum. Wala itong mga laman kaya nagbagsakan ito nang kaniyang mahawakan.

                 Sinundan ni Alison si Reggie, pinulot niya ang bareta at sa huling pagkakataon ay hinampas niya ito sa likuran ni Reggie kaya naman tuluyan na itong bumalandra sa malamig na samento.

          Maya-maya'y isang pamilyar na imahe ang nakita ni Alison, hindi siya maaring magkamali, si Lhean iyon, nasa harapan niya ito at nakatuon sa naghihingalong si Reggie. "Anong ginagawa niya rito," bulong ni Alison sa sarili. Sinubukan naman ni Reggie na humingi ng tulong sa kararating pa lamang na si Lhean. Kinuha itong pagkakataon ni Alison  para makaalis sa lugar. Hindi rin siya sigurado kung nakilala ba siya ni Lhean. Pero ng mga oras na iyon, nagdiriwang ang kalooban niya dahil naipaghiganti na niya sa wakas sina Cloe at Rizza sa lalaking iyon, at alam niyang mauunawaan din siya ni Lhean.

              "Tama ang narinig mo, ako nga ang pumatay sa kaniya. Hahaha, hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang mukha niyang takot na takot."

            Kinuha ni Alison sa kaniyang bulsa ang cellphone niya at may pinakitang larawan, "Ha! For sure napaniwala kita rito."

           Nakita ni Bingelle ang larawang natanggap niya kanina mula sa unknown number. "Ang galing ko 'no? Nakalimutan mo siguro na pwedeng mong kuhaan ang sarili mo kahit mag-isa ka lang. Alam mo kung ano ang mas nakakabilib dito? Napaniwala ko kayong lahat na talagang may kinalaman ang slambook curse na iyon sa mga nangyare sa atin. Hahaha bravo! I am so fucking genius! Whatta brilliant idea! Ang sarap-sarap ninyong paglaruan!" Naghari ang malakas na halakhak ni Alison sa palapag na kanilang kinaroroonan.

           Pinilit naman ni Bingelle na magsalita, marami siyang tanong na kailangan masagutan. "Hu--huwag mong sa--sabihing---"

            "Sabihing ano? Na ako ang may pakana sa pagkamatay ng lahat? Hmmmn wait, ngayon na ba ang oras para aminin iyon? Hmmn, yes. Ako nga, ako nga ang pumatay sa kanila." Wala siyang bahid nang anumang pagsisisi sa lahat ng patayang inaako niyang siya ang may pakana. Ibang-iba ang Alison na nakikita ni Bingelle, hindi  na ito ang tahimik na estudyante at sunud-sunuran lang sa kaniya noon.

          Nagsimula nang mangilid ang mga luha ni Bingelle, hindi pa rin matanggap ng kalooban niya na ang may pakana ng lahat ay isa sa mga naging kaibigan niya. "Pero ba--bakit mo ito ginagawa?" Nangingiyak niyang tanong. Nararamdaman niyang unti-unti na siyang nauubusan ng dugo, nagsisimula na rin manlabo ang mga paningin niya.

           "Dahil pinahihirapan ng grupo ninyo ang mga taong mahahalaga sa akin. Remember one time, when you bullied them in their first day of school? Sina Cloe, Rizza and Lhean?"

          Ipinagtaka ito ni Bingelle dahil ni minsan hindi naman niya nakitang magkakasama ang apat, kaya paanong nasabi ni Alison na mahalaga ang mga ito sa kaniya.

            "We have newbies guys, at anong ginagawa natin sa mga baguhan?" maarteng saad ni Bingelle sa lahat, nakapalibot ang buong barkada niya at mga sunud-sunurang kaklase sa grupo nina Cloe. Tapos na ang klase nila ng mga oras na iyon.
 
            "Balloon's party!" sigaw ng lahat. Bahadya pang natuwa si Cloe sa pag-aakalang magandang welcoming ang ibibigay ng mga ito sa kanila. Ngunit nagulat na lamang sila nang maglabas ang mga ito ng kaniya-kaniyang lobo na may lamang tubig sa loob, pagkatapos ay ibinato ng mga ito sa kanila ang mga lobo.

                May halong kulay ang mga tubig sa loob kaya halos puro mantsa ang buo nilang kasuotan. Hindi nila iyon binanggit sa kanilang magulang, sinabi na lamang nila na nagkatuwaan lamang sila. Halos araw-araw kung mam-bully ang mga ito sa kanila dala na rin siguro ng insecurities, dahil halos lahat ng mga magagandang katangian ay nasa tatlo na. Magaganda, matatalino at laging napupuri ng mga guro.

               Ang tanging nakakaalam lang ng mga pambu-bully na iyon ay si Alison, na hindi naman nag-aaral ng mga panahon na iyon. Ulilang lubos na rin kasi ito at wala talaga sa plano niya ang pag-aaral. Pero dahil sa mga naikukwento sa kaniya ng tatlo kaya naengganyo siyang pumasok sa nasabing paaralan.

            Sa tulong ng mga perang palihim niyang nakamkam sa mag-asawang Dionisio na umumpon sa kaniya ay nasuportahan naman niya ang sarili niya. Nagpakilala si Alison bilang isang transferee student sa school na pinapasukan nina Cloe. Nakipagmabutihan siya sa grupo nina Bingelle, at hindi pinaalam na kilala niya ang tres marias na tinutukoy ng mga ito, walang iba kundi si Lhean, Cloe at Rizza. Hindi na rin siya nahirapan makuha ang loob ng mga ito, kilala niya kasi kung anong klaseng tao ang mga ito. "Nasa ibang bansa kasi ang parents ko, solong anak din ako, kaya wala silang choice kundi ibigay sa akin ang lahat ng hingiin ko." Ang mga linyang iyon ang nagpaakit sa grupo nina Bingelle, kaya agad siyang kinaibigan ng mga ito. Ang tinatanggap lang nila sa grupo nila ay ang mga anak lang ng mayayaman na katulad nila.

         Sinubukan ni Alison na pigilan ang mga ito sa mga pang-aapi na ginagawa nila kina Rizza, Cloe at Lhean pero hindi siya pinapakinggan ng mga ito, sa halip ay ang mga ito pa ang nagagalit sa kaniya, kesyo kinakampihan daw niya ang mga hampaslupang iyon. Hinayaan niyang maipon ang galit niya para sa mga ito, alam niyang dadating ang panahon at makakapaghiganti rin siya sa mga ito.

         Hanggang sa unti-unti na rin nasira ang pagkakaibigan nilang apat. Malaki na raw kasi ang pinagbago ni Alison, natutulad na raw kasi ito sa ugali nina Bingelle. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ginagawa ito ni Alison dahil may inilalatag siyang paghihiganti, at hindi maisasakatuparan iyon kung hindi siya sasabay sa takbo ng kaisipan ng mga ito.

               Nagsimulang lumabo ang pagkakaibigan ng apat, iniiwas nina Cloe ang sarili kay Alison at lubos na nasasaktan si Alison sa mga nangyayare dahil hindi siya maunawaan ng tatlo. Pero ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang plano.

            Hanggang sa kumalat ang balita na may relasyon daw di umano si Cloe sa teacher nila. At ang grupo nina Bingelle ang nagpasimula ng chismis na iyon, pero sa huli ay napatunayan din ni Alison na totoong may relasyon nga ang dalawa. Hindi na sana siya mangengealam pero nalaman din niya na nilalandi rin ng guro nila si Rizza. Sinubukan niyang pumagitna sa mga ito, ngunit mas napasama lamang siya. Hindi siya pinaniwalaan ni Cloe, sinisiraan lang di umano  niya ang kanilang guro dahil may gusto rin daw siya rito at nagseselos lang siya.

           "Pinuputol ko na ang pagkakaibigan natin at sana rin ito na ang last na pag-uusap natin." Ito ang mga huling kataga ni Cloe sa kaniya at  pagkatapos nang sagutang iyon ay hindi na sila nagkausap pa hanggang sa nabalitaan na lamang niya na nagpakamatay si Cloe matapos kumalat ang sex video nila ni Reggie. Dahil dito mas sumiklab ang galit ni Alison.

               Nagpasya siyang gawin na ang paghihiganti, nag-isip siya nang paraan kung saan hindi siya masisisi ng lahat. Naisip niyang bakit hindi niya subukang gumawa ng kwento na sisindak at magbibigay ng kilabot sa mga ito. Napatitig siya sa slambook na sinagutan niya ng mga oras na iyon. At doon sumilay ang nakakakilabot na ngiti niya.

                 Tila may pagkatao siya noon na bigla na lamang nabuhay sa kaniya. Ang tinalikurang masamang gawi noon sa tulong nina Cloe ay tila nanumbalik sa kaniya o mas magandang sabihin, hinahanap na ngayon ng katawan niya.

            Binuksan niya ang lumang baul niya na nakatago sa kaniyang silid, nakita niya roon ang paborito niyang manika na hanggang ngayon ay paborito pa rin naman niya. Katabi nito ang ilang mga larawan niya kasama ang mga kapwa niya bata at ang mga madre na kumupkop sa kanila noon, katabi naman nito ang isang maliit at matalas na kutsilyo. Tila may umaakit sa kaniya na damputin ito at nang mahawakan ito ng palad niya ay muling nabuhay ang dating siya na kay tagal din niyang ibinaon sa limot. Kasabay nito ang pagbalik sa kaniya ng munting bulong, "Naalala mo pa ba ako Kaila? Maligayang pagbabalik, akala ko'y kalilimutan mo na ako." Ang garatal na boses na iyon ang kasa-kasama niya noon, dahil dito ay nanumbalik muli sa isipan niya na ipagpatuloy ang nahinto niyang pag-aalay ng dugo sa nagmamay-ari ng tinig na iyon. Natutuwa ito noon sa tuwing nag-aalay siya ng bagong dugo rito, kapalit niyon ay nilalaro siya nito sa tuwing maiiwan siyang mag-isa. Inililigtas din siya nito sa mga taong nagtatangka ng masama sa kaniya. Ito ang naging guardian niya at bilang utang na loob, sinusunod niya ang lahat ng iniuutos nito. "Ililigtas ko ang mga kaibigan mo kapalit ng mga bagong dugong iaalay mo." Nang marinig iyon ni Alison ay kinuha niya ang cellphone niya at doon nakita niya ang isang groupie kung saan kasama niya sina Bingelle. Sinabayan niya ang paghalakhak ng garatal na boses na iyon at niyakap ng buong higpit ang lumang manika na tanggal na ang isang mata.

                
         "Slambook Curse? Hahaha, maging ang mga inutil na pulis ay napaniwala ko roon. Mabuti na lamang at hinayaan mong magsulat doon si Cloe, kundi, hindi maisasakatuparan ang mga plano ko. Teka bakit mo nga ba siya hinayaan na magsulat sa slambook mo? Ah tama, gusto mo nga pala malaman mga sikreto niya para siraan siya kay sir Reggie. E di ba? Isa ka rin sa mga nababaliw kay sir Reggie, huwag kang mag-alala, magkikita rin naman kayo sa kabilang buhay. Pero sa ngayon, gusto kong makinig ka sa mga ikukwento ko sa 'yo."

***

           Inilabas nina Marck at Harold ang kani-kanilang baril, pinahinto naman nila sina Lhean at Rizza sa pagsunod at sinabihang abangan ang mga paparating ng mga pulis. Kagaya ni Bingelle, wala rin silang naabutang gwardiya sa main gate.

          Pinasok pa nila ang lugar, ngunit kinagulat nila nang may mahagip ang flashlight nila na dalawang paa sa gitna ng madilim na covered court. Nakadapa ito at agad nilang nilapitan, nalaman nilang ito pala ang security guard ng eskwelahan dahil sa suot nito. Kinapa nila ang pulsuhan at nang malaman pumipintig pa ay pinaiwan ni Marck si Harold para bantayan ito hanggang sa dumating ang mga medic.

            Mag-isang tinungo ni Marck ang isang building na may apat na palapag kung saan nila natagpuan noon ang bangkay ni Cloe, ito kasi ang tinutukoy sa huling text ni Bingelle sa kaniya. Wala siyang magawa kundi isa-isahin ang kwartong naroon.

***

           "Nabubuhay ang kalamnan ko kapag nadadampian ng dugo ang mga palad ko. Para sa akin, walang kapantay ang kasiyahang iyon, higit lalo na sa aking Panginoon. Tuwang-tuwa siya sa lahat ng mga ginagawa ko." Dinilaan pa ni Alison pataas ang sariwang dugo na nasa bahagi ng hawak niyang patalim.

           "Na--nababa--liw ka na Alison, I knew it, pinagsisisihan kong kinaibigan kita. Isa kang baliw!" Hirap man at namamanhid na ang katawan ay nagawa pang magsalita ni Bingelle. Nananatili itong nakahandusay at sinasaksihan ang mga ginagawa ni Alison.

              Humalakhak pa si Alison nang pagkalakas-lakas bago ulit nagsalita, "Ganyan na ganyan din ang sinabi nina Mariz at ng iba noong patayin ko sila. Hmmn, until now, sariwa pa rin sa isipan ko kung paano sila nagmakaawa para lang buhayin ko sila."

             "I won't let you to be the star, it should be me!" banta ni Mariz habang nakatingin kay Rizza sa entamblado na tuwang-tuwa dahil nasungkit niya ang lead role para sa screenplay nila.

             "And what are you planning to do?" naiinis na tanong ni Bingelle. Nagkumpulan sila at nagsimulang magbulungan.

            Noong mga oras na iyon ay tahimik lang na nakamasid sa tabi nila si Alison ngunit sa loob-loob niya'y nag-uumigting na ang tainga niya matapos marinig ang masamang plano ng mga ito para sa walang muang na si Rizza. Hindi na rin siya pinapansin ni Rizza noong mga panahong ito.

            Kinabukasan  ay kumalat sa buong eskwelahan ang balitang may isang estudyante ang di umano'y nagdadalang-tao  at ang ama raw nito ay isang guro sa kanilang eskwelahan. Walang nabanggit na pangalan pero pinatutungkulan nito ay isa sa mga class b student kung saan kabilang sina Rizza.

           May mga clues din na nakalagay sa mga flyers kung saan nagkalat ang mga ito sa kabuuan ng school. Dahil dito, kusang nag-back out si Rizza sa screenplay nila, ang naidahilan niya ay may malubha siyang sakit na dapat pagtuunan nang pansin. Hindi na rin siya pumasok sa eskwelahan dahil ayaw niyang malaman ng lahat na siya ang pinatutungkulan sa blind item na iyon.

                 "Anong ginagawa natin dito? Hindi ba't sabi ni Mrs. Sejera, wala tayong rehearsal ngayon?" takang tanong ni Mariz. Sinisilip niya lang si Alison mula sa hawak niyang handy-mirror, nakatalikod kasi siya sa dalaga habang nagrere-touch. Madilim din ang kabuuan ng theatro at tanging ilaw lang sa entablado ang inaasahan nila.

                 "To make you a star!"

                   "And what do you mean by that?" Sabay kuha  ni Mariz sa lipgloss niya at naglagay siya ng kaunti sa kaniyang labi.

                 "Hindi ba't hindi pa rin naman ikaw ang naging star sa screenplay kahit ginawa mo na ang lahat para lang maagaw iyon kay Rizza?"

            Humarap si Mariz kay Alison, "Salamat  sa paalala Alison." Itinaas pa nito ang kilay para ipakitang hindi siya natutuwa sa mga sinabi nito.

              "Ano ka ba, huwag mo nga akong tignan nang ganyan. I'm here to help you pa nga e."

               "And how?"

               "As I told you, I will make you a star, ang pag-UUSAPAN ng lahat."

              Inengganyo ni Alison si Mariz na may mga ebidensiya rin silang makikita sa locker na maaring ikasira nang kasalukuyan leadrole sa screenplay nila.

               "Duh, at paano naman natin mabubuksan ang locker ni Yllana?"

             Ipinakita lang ni  Alison ang hawak na susi bilang sagot sa itinatanong ni Mariz. At kapwa na sumilay sa mga labi nila ang isang ngiti. Kaya naman tinungo nila ang dressing room at agad hinanap ang locker na tinutukoy ni Alison.

                      Nang makita ito ni Mariz ay hinayaan siya ni Alison na siya na ang magbukas at nang mabuksan ay laking gulat at taka niya nang mabasa ang nakasulat sa papel, "YOU'RE NEXT MARIZ!"  Biglang kumalabog ang dibdib niya dahil katulad iyon ng mensaheng nakalagay sa hulihan ng scrapbook ni Bingelle, "What does it mean---?" Hindi na natapos pa ni Mariz ang sasabihin dahil nang humarap siya kay Alison ay isang saksak ang isinalubong nito sa kaniya. Nanlaki  pa ang mga mata ni Mariz nang ulitin ni Alison ang pananaksak sa kaniya, hindi lang isa kundi marami pa. "Aly--" bulong pa niya.

                     "You're next Mariz," nakangising saad ni Alison.

                     "Ba--bakit?"

                 "Its kinda revenge and you won't understand kahit ipaliwanag ko pa sa 'yo. Next time, piliin ninyo ang pagtitripan ninyo-- Opps wala na nga palang next time, because this is your last day, bye-bye." Isang saksak pa ang kaniyang ginawa bago hinayaan si Mariz  na bumagsak nang dahan-dahan.

                 Hindi niya mabilang kung   ilang beses niya inulanan ng saksak si Mariz pero nagagalak talaga siya sa tuwing tatalsik sa mga kamay niya ang sariwa nitong dugo. Hindi lang siya ang natutuwa sa mga pinaggagawa niya,"Ganyan nga... Ganyan nga Kaila." Dahil tuwang-tuwa rin ang garatal na boses na iyon sa mga nagagawa niya. Muli  sumilay sa labi ni Alison ang isang nakakakilabot na ngiti at saka ginawa ang sumunod na plano para sa katawan ni Mariz.

                 "After that, isinilid ko siya sa mismong locker niya. At least naging totoo ako sa mga sinabi ko sa kaniya, that I will make her a star, ang pag-UUSAPAN ng lahat."

           Hindi na nagawa pa ni Bingelle ang magsalita, hindi na niya kaya pang magbigkas ng anumang salita dahil hirap na hirap na rin siya. Tinanaw na lamang niya si Alison habang nagbabalik-tanaw na naman ito sa mga kademonyuhang ginawa nito.

                Nararamdaman ni Bingelle na anumang oras ay mawawalan na siya ng malay at siguradong iyon na ang magiging huling hininga niya kaya naman pilit niyang ginigising ang diwa niya hangga't sa makakaya niya.

             Nagluksa ang lahat nang muling mamatayan ang school nila ng isa na namang estudyante. Isang araw din nawalan ng pasok, samantalang dalawang Linggo hindi nagamit ang theatro dahil nga naganap doon ang isang karumal-dumal na murder at wala pa silang maiturong salarin, ang masaklap pa'y pilit ikinokonekta ang kaso sa sumpa di umano ng isang slambook.

              "Totoo kaya na sumpa ang pumatay kina Cloe at Mariz?"

           "Kawawa naman sila 'no?"

             Ito ang bulungan ng mga estudyante at natitigilan sila kapag dadaan sa harapan nila ang grupo nina Bingelle. Mas nakilala pa ang grupo nila dahil nga sa pagkamatay ni Mariz. Tahimik naman na nakasunod si Alison sa mga ito at katulad ng dati, nakikiayon lang siya sa mood ng mga ito. The more na magsusunud-sunuran siya sa mga ito, the less na  paghihinalaan siya.

                   Ikinalungkot din naman ng grupo ni Bingelle ang pagkamatay ni Mariz at nagkaroon ng kaunting takot dahil sa kuro-kuro na ang pumatay daw kina Mariz at Cloe ay ang sumpa mula sa slambook ni Bingelle. Pero inilihim nila ang ideya iyon at pinabulaanan sa lahat.

                    "Oops! Sorry hindi ko sinasadya," maarteng saad ni Sachi ngunit taliwas ito sa kaniyang ginawa.

               Kinabig niya ng sadya ang isa sa mga testube kung saan nakalagay ang chemical project ni Lhean, mabuti na lamang at hindi ito kabilang sa mga dangerous chemical ngunit may kamahalan ito kaya paniguradong hindi agad siya makakagawa ng bago pamalit sa natapon niyang science project.

                  Hindi na nga nakapagpigil pa si Lhean, "Sumosobra ka na ah!" Papatulan na sana ni Lhean ang kamalditahan ni Sachi ngunit agad silang sinita ng guro nila.

                Ang lahat ng iyon ay nasaksihan ni Alison, nagkatinginan pa sila ni Lhean pero kagaya ng dati, hindi sila nagkikibuan. Muling namumuo ang galit sa puso ni Alison, pero pinilit niyang pigilan ang sarili dahil hindi pa ito ang oras para maghiganti siya sa ginawa ni Sachi sa kaibigan niya. Pinayuhan din siya ng bulong na may tamang panahon para isakatuparan ang pagpatay niya sa babaing kinaiinisan niya.

                 Nakatanggap ng isang liham si Sachi, umuulan noon kaya laking taka niya kung bakit pinapapunta siya ni  Bingelle sa school garden nila. Pero katulad din ng iba, si Alison din ang naabutan niya sa lugar. Nagtaka pa si Sachi dahil sa totoo lang, hindi naman sila close ni Alison, naging kaibigan niya lang ito dahil kay Bingelle. Ngunit huli na ang pagtataka niya dahil bigla na lamang siyang inambahan ng saksak ni Alison nang tangkain niyang umalis sa lugar. Nanlaban siya, nagsisisigaw, pero mas malakas ang ingay na nililikha ng ulan kesa sa boses niya. Magmakaawa man siya kay Alison ay parang hindi na siya nito naririnig, dahil ang totoo, ang pinapakinggan na nito ay ang bulong sa kaniya ng isang garatal na boses, "Sige na, Kaila. Matutuwa ang mga kaibigan mo kapag nalaman nilang ipinaghihiganti mo sila." Ito ang nagpangiti kay Alison bago niya tuluyan ibagsak sa mukha ni Sachi ang may kalakihang bato. Sumabay sa agos ng tubig ang sariling dugo ni Sachi, agad umalis sa lugar si Alison bago pa man may ibang makakita.

            "Remember Sachi? Sa simula pa lang ayoko na sa kaniya. Grabe niya ako titigan noon, kulang na lang laitin niya ako ng harap-harapan. Akala ko mahihirapan ako sa kaniya, iyon pala, tapang-tapangan lang ang bruha. Madali ko lang naman pala siyang mapapatay."

            Samantalang unti-unti nang nandidilim ang mga paningin ni Bingelle, hindi na nga niya maaninagan ng buo ang mukha ni Alison, tanging mga paa na lamang nito ang natatanaw niya.

            Nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita, hindi alintana ang paghihirap ni Bingelle. "Alam mo kung kanino ako nahirapan? Walang iba kundi kay Cyrodel. Bwiset na babae iyon, akala mo naman maganda! E desperada rin naman pala siya tulad ng iba. Isipin mo, napaniwala ko siya na may secret admirer siya." Napapahalakhak pa si Alison sa tuwing aalalahanin niya ang mga pinaggagawa niya.

                "Are you sure na pupunta siya?" maang na tanong ni Alison.

               "Oo, nagsabi siyang pupunta siya rito." Nakasandal si Cyrodel sa kulay asul niyang kotse na regalo ng daddy niya sa kaniya. Hawak-hawak niya ang i-phone niya na maya't maya niya tinitignan.

               "Well, pansinin mo ang paligid, walang katau-tao, kung matino man iyang katatagpuin mo, hindi dapat sa ganitong lugar. Hindi ako kampante sa lalaking iyan."

            "Shut up Alison, nararamdaman ko, he is a good guy."

            "Okay sabi mo e." Naghintay pa sila ng ilang minuto, hanggang sa nagpaalam si Alison na iihi lang sa di kalayuan doon. Pero ang totoo ay para isagawa na ang kaniyang plano. Naiinip na rin kasi siya at pinakinggan lang din niya ang munting bulong sa kaniya na oras na para sa kanilang bloody-party kung saan si Cyrodel ang magiging center of attraction.

             Naghanap si Alison ng matibay-tibay na kawayan, nakakita naman siya, kinuha niya ito at maingat na lumapit kay Cyrodel na muli na namang abala sa pagte-text. Buong lakas niyang inihampas ito kay Cyrodel hanggang sa tuluyan itong nawalan ng malay.

              Pagkatapos niyon ay isinakay niya ito sa trunk ng sasakyang dala nila at nagmaneho patungo sa eskwelahan. Sabado at walang klase noong araw na iyon. Pumuslit din siya sa security barrack para lagyan nang pampatulog ang pagkain ng security guard na nagbabantay ng mga oras na iyon.

               Hinihintay ni Alison umipekto ang gamot na inilagay niya habang nasa sasakyan, nang makitang payapa nang nagtutulong ang gwardiya ay agad niyang ipinasok sa gate ang sasakyan ni Cyrodel. Nagkandahirap pa siya sa pagdala sa walang malay nakatawan ni Cyrodel mabuti na lamang at alam niyang tinutulungan siya nang nagmamay-ari ng garatal na boses.

            Agad niyang itinali sa upuan si Cyrodel, maging ang mga kamay at paa nito'y iginapos niya rin. Hinintay niya itong magkamalay ngunit bago pa man iyon ay naisip niyang bidyuhan ang gagawin niya, para raw may remembrance siya sa bloody-party na gagawin niya. Itinayo niya sa gilid ang cellphone at hinayaang i-record nito ang lahat.

              Sinabi ni Alison ang lahat nang pagpapanggap na ginagawa niya kay Cyrodel, na siya talaga 'yong nagte-text dito. Ginawa niya ito para patunayan na hindi sina Cloe at Rizza ang desperada na magkaroon ng lalaki kundi siya. Ito kasi ang chismis na pinapakalat ng grupo nila. At sa huling pagkakataon, nai-record ng bidyo ni Alison ang huling pagtangis ni Cyrodelsaka lang tinakpan ni Alison ang bibig nito matapos niyang gilitan ito. Gusto niya kasi marinig sa bidyo ang mga sigaw na gagawin ni Cyrodel habang sinasaksak niya ito. Muli na naman niyang narinig ang papuri ng munting bulong na iyon sa isipan niya, "Magaling Kaila, isa ka talagang tunay na kaibigan. Huwag kang mag-alala, dadating ang araw, pasasalamatan ka rin nila pagkatapos ng iyong mga ginawa para sa kanila." Muling napangisi si Alison, kinuha niya ang kaniyang cellphone at saka na-save ang bidyo.

             "Hey Bingelle, don't die muna... Wanna hear her scream?" Ang tinutukoy ni Alison ay ang mga sigaw at pagtangis ni Cyrodel bago siya lagutan ng hininga, pero hindi na siya naririnig pa ni Bingelle, wala na itong naririnig na kahit ano,  tuluyan na rin nandilim ang mga paningin niya. Pinipilit na lamang ni Bingelle na gising ang kaniyang diwa dahil alam niyang may darating na tulong mula kina Detective Marck. At nais niyang maabutan siya ng mga ito na gising pa, kaya naman pilit siyang lumalaban para sa kaniyang buhay.

             Nai-play ni Alison ang bidyong tinutukoy niya, subalit hindi na ito naririnig pa ni Bingelle. "Hayys, alam mo bang ito ang naging dahilan kaya mabilis kong naisunod si Patricia? Aksidente niya kasi itong napanood nang minsang hiramin niya ang phone ko para tawagan ang parents niya. Katatapos lang namin ibaon ang slambook mo, takot na takot sila noong mapatugma-tugma nila ang mga patayan doon sa slambook mo, kaya they decided na ibaon na lang ito sa lupa, hoping matatapos doon ang sumpa. Unknowingly, kasa-kasama lang pala nila all this time ang may pakana ng lahat. Hahaha, paniwalang-paniwala sila na may sumpa talaga ang slambook."

             Matapos maibaon ang slambook, humiwalay na si Reya kina Alison at Patricia. Mag-aalasais na ng hapon kaya wala na ring estudyante sa eskwelahan. Nagpasya ang dalawa na magpunta muna sa banyo, dumiretso sa cubicle si Alison, samantalang nag-retouch naman si Patricia sa harap ng may kalakihang salamin. "Alison, can I borrow your phone?" saad ni Patricia.

            "Yes sure, nasa bag ko lang." Agad kinuha ni Patricia ang Phone ni Alison sa bag na katabi lang niya. Ngunit namali siya nang binuksan, umalingawngaw sa banyo ang maingay na paghingi ng tulong ni Cyrodel. Malinaw na malinaw sa mata ni Patricia na ang may pakana ng karumal-dumal na pagpatay kay Cyrodel ay kasa-kasama lang pala niya sa loob ng banyo. Halos masuka si Patricia sa kaniyang napapanood. Mabilis siyang binalot ng kaba nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan kung saan naroon si Alison. Agad siyang tumakbo, dahil alam niyang nasa panganib ang buhay niya lalo na ngayong alam na niya kung sino ang pumatay sa mga kaibigan niya.

          Ngunit hindi pa man nakakalayo ay agad nahablot ni Alison ang buhok nito at buong lakas na ibinalabag sa sahig ng banyo. Halos mapunit ang anit ni Patricia sa ginawang iyon ni Alison, mahilo-hilo rin siya dahil sa pagdampi ng ulo niya sa sahig. Hinipo niya ang noo niya at natuklasang may dugo siya sa bahaging iyon.

               "Please Alison, maawa ka..."

              "Lalaktawan sana kita sa mga listahan kaya lang natuklasan mo ang sikreto ko kaya sayang."

              "Please Alison, pangako, walang makakaalam nito." Pagmamakaawa ni Patricia pero hindi siya inintindi nito dahil mas pinaniwalaan ni Alison  ang tinig na bumubulong sa kaniya,"Huwag mo siyang paniwalaan, niloloko ka lang niya. Kapag hinayaan mo siyang makalabas rito ng buhay, isusuplong ka niya sa pulis, makukulong ka, hindi mo na maipaghihiganti ang mga kaibigan mo."

             Sinunod ni Alison ang payo ng bulong na iyon, kinuha niya sa secret pocket ng bag niya ang kaniyang kutsilyo at doon sa loob ng banyo niya tinapos ang buhay ng walang kalaban-laban na si Patricia. Hindi pa siya nakuntento kaya't isinubsob niya pa ito sa drum.

               "Poor Patricia... Actually, plano ko naman talaga na palagpasin siya, sa inyong lahat, medyo siya 'yong nakagaanan ko ng loob. Nagkataon lang talaga na natuklasan niya ang sikreto ko kaya kailangan ko siyang patahimikin." Nang mapansing nakatulala na lamang sa kawalan si Bingelle ay agad lumapit si Alison dito, sinipat niya ito gamit ang isang paa niya, "Teka? Patay ka na ba?" Nang hindi ito kumikibo ni gumagalaw ay dito na niya sinimulan ang pagbayo sa dibdib nito na tila binibigyan niya ng paunang lunas, "Teka, huwag ka munang mamamatay, hindi ko pa naikukwento 'yong pagpatay ko kina Myra at Reya." Paulit-ulit niyang binabayo ang dibdib ni Bingelle, hanggang sa maramdaman muli ni Alison ang nahihirapang paghinga nito. Saka lang siya huminto at naupo ng indian seat katabi ni Bingelle. Muli itong nagsalita para ipagpatuloy ang naudlot niyang kwento.

              "Madali ko lang din napatay si Myra, alam ko kasi kung sino ang kalandian niya at ginamit ko iyan para mahulog siya sa patibong ko. Alam mo Bingelle, kung ang pagpaslang sa tao ay isang kurso, malamang nasa masteral degree na ako. At saka, ito pa ang nakakatawa! Napaniwala ko kayo sa munting palabas ko, kaya lang, medyo kinailangan ko pang saktan ang sarili ko para lang mapaniwala kayo. Nakikita mo itong sugat ko." Itinuro ni Alison ang natamo niyang sugat sa kanang dibdib niya. "Oo, ako ang nagtulak kay Reya, mula sa mataas na palapag na kinaroroonan namin. Syempre, kasama sa plano kung bakit kami naroon. Kita ko pa nga sa mukha niya ang takot at pagkagulat sa ginawa ko sa kaniya, isinumpa pa ako ng babaeng iyon bago siya tuluyang makabitaw at magkalasog-lasog sa ibaba. Pero syempre, para pagtakpan ang lahat, sinaktan ko rin ang sarili ko para hindi nila ako paghinalaan. Sinaksak ko ang sarili ko sa lugar kung saan hindi ako mapipinsala nang malala at saka ako bumaba at nagtago. Napakatalino ko di ba, dapat talaga, ako ang maging valedictorian ngayong taon. Teka? Nakikinig ka pa ba?"

***

                  Nasa huling silid na si Marck pero walang bakas na may tao roon. Ang natitirang lugar na lamang ay ang rooftop ng building kung saan natagpuang nakalambitin ang katawan ni Cloe. Hindi pa siya tuluyang nakakaakyat nang makarinig siya ng boses. Inalarma niya ang sarili niya. Palihim niyang sinilip mula sa siwang ng pinto ang pinagmumulan ng boses hanggang sa matanaw niya si Alison, nakaupo ito sa isang nakahigang katawan, at sigurado siya na si Bingelle na iyon. Nang makakuha ng bwelo ay mabilis siyang lumabas sa pinto at itinutok ang hawak na baril kay Alison na gulat na gulat pagkakita sa kaniya. Hindi ito inaasahan ng dalaga, "Ohh, hindi ko alam na imbitado ka pala sa bloody-party namin Detective Marck?" Napangisi pa si Alison matapos sabihin iyon.

***

to be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com