Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2nd

Ina
By:Kjog

Una kong binigkas ang 'yong pangalan;
'Kaw rin ang nagturo sakin' magbasa't magbilang.
Ikaw rin ang palagi kong sandalan;
Kapag problema saki'y nagdaan.

Ako'y iyong pinag-aral sa mabuting paaralan;
At dahil don marami akong natutunan.
Lahat ng aking kailanga'y napupunan;
Pero bakit pakiramdam ko ako'y kulang?

Minsan ko naring sinubukan;
Mag sigarilyo't uminom ng alak.
Pakiramdam ko kasi'y ako'y nasasakal;
Minsan ko naring sinabi"mabuti pa ang ibon,malayang lumipad".

At iyon ang labis kong pinagsisihan;
Ika'y nagtampo at dinako kinausap kailanman.
Pero isang salita lang ang tumatak saking isipan;
"Anak san ako nagkulang?".

Thank you for still reading this even though matagal nakong di naka pag UD!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com