Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Prologue

I don't know how to put this in words.

But I feel so empty right now.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Everyone is doing great pero bakit sa akin, hindi? It's like... I don't know... Something missing... Something not right.

Parang lahat ng desisyon ko sa buhay... mali.

This is not what I planned for my future.

"Ladies and Gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport."

Natigilan ako sa pagmumuni-muni ko nang marinig ang airline announcement. Naglanding na pala ang eroplano sa NAIA. Hindi ko namalayan, siguro dahil sa dami ng iniisip ko ngayon, tulad ng... Ano kaya magiging reaksyon ng pamilya ko sa biglaang pag-uwi ko?

Pagkababa ko ng eroplano, kinuha ko kaagad ang mga bagahe ko't dumiretso sa may exit. Habang naghahanap ako ng taxi'ng masasakyan, 'di ko maiwasan na mapatingin sa iba pang mga pasahero na sinundo ng kani-kaniyang pamilya.

Lahat sila ay galak na galak na makita ang isa't isa. May iba pa na umiiyak na sa tuwa.

Hindi ko tuloy mapigilang mainggit sa mga nakikita ko. How I wish na gano'n din sana ang sasalubong sa akin sa pag-uwi ko. Kaso wala eh.

Wala akong pinagsabihan ni isa sa pamilya ko o mga kaibigan ko rito sa Pilipinas na uuwi ako, kaya wala akong sundo. Ang hirap lang kasing ipaliwanag lahat ng nangyari. Gusto ko lang makauwi na walang nagtatanong sa akin nang dahilan ng pag-uwi ko.

Also, I don't want them to know why I came home after nine years.

Bahala na si Batman pagdating ko sa bahay.

For sure magugulat sila.

Nang makasakay ako ng taxi, dumiretso agad kami sa terminal ng bus sa Pasay papuntang San Pablo. Tulad ng inaasahan ko, maraming pasahero ngayon ang pauwi rin ng probinsya. Pero mabuti na lang hindi gaano mahaba ang pila papuntang Lucena kaya nakasakay agad ako ng bus.

Habang naghihintay na mapuno ang bus, bigla namang nagvibrate ang phone ko sa loob ng bag ko. Dali-dali ko 'tong kinuha. Pagtingin ko sa screen, pangalan agad ni Kris ang bumungad sa akin.

Hindi na 'ko nagdalawang isip pa't pinatay ko kaagad ang phone ko. Alam ko na sasabihin n'ya at sawa na 'ko marinig 'yon. Pero kinakabahan pa rin ako dahil alam kong magagalit siya ng sobra sa ginawa ko.

Bahala na si Batman.

Huminga ako ng malalim saka pinagpahinga ang aking mga mata. Tutal inaantok na 'ko at mahaba-habang biyahe rin ito.

***

"Oh! San Pablo riyan?! San Pablo?! May bababa ba sa Terminal ng bus sa SM?"

Naalimpungatan ako nang marinig ang sigaw ng kondoktor. Salubong ang aking kilay habang nag-uunat.

Terminal sa SM? Kailan pa nagkaroon ng terminal sa may SM San Pablo?

Kahit nagtataka ay bumaba na lang ako dahil didiretso na raw ang bus sa Lucena. Kaso hindi ko naman alam kung saan sakayan papunta sa barangay namin. Hindi na ako pamilyar sa lugar dahil sa tagal ko na ring hindi umuuwi ng Pilipinas.

Ano 'to? Maliligaw pa 'ko sa sarili kong bayan?

Mabuti na lang mabait 'yung mga Tricycle driver na napagtanungan ko at tinuro nila sa akin kaso sumakay pa 'ko ng tricycle papasok sa bayan dahil doon lang daw 'yung sakayan papunta sa Brgy. San Bartolome.

"Isang daan ma'am pamasahe, sa may Lianas na," sabi ni Manong.

"Ang mahal naman po." Hindi ko napigilang magreact. Ang dami na ngang nagbago rito. Pati pamasahe, nagmahal.

"Ganun na talaga, ma'am."

Ay wow. Pasimple akong napailing na lamang. Pagkaabot ko ng bayad, pinaandar na nito ang sasakyan paalis.

Hindi naman lahat dito ay nagbago. Ganu'n pa rin naman ang itsura ng SM San Pablo. May mga nadagdag lang na mga bagong gusali at mga tindahan sa tapat nito pero gano'n pa rin.

Parang kahapon lang ako umalis.

Pagdating sa bayan ng San Pablo, itinigil ni Manong ang tricycle sa tapat ng Lianas supermarket. Wala ring pinagbago ang gusaling ito, except sa mga bagong tindahan na katabi nito at sa mga tricycle na nakaparada sa tapat. Wala akong napapansin na jeep na nakaparada sa paligid or dumadaan man lang.

I was about to talk to someone kung saan ba ang sa paradahan ng tricycle papunta sa brgy namin nang may mahagip ang mga mata ko.

Isang pamilyar na mukha.

Isang taong malapit sa akin noon.

While looking at him, I realized he really changed a lot. He's just wearing a simple white tshirt and maong pants. He wasn't a model but he should have been. He had a taurine shoulder above his barrel chest while playing the key in his hand at malayo ang tingin. Mukhang malalim ang iniisip.

"Tristan? Ikaw na ba sunod na babiyahe?" narinig kong tanong ng isang tricycle driver malapit sa akin.

Nagpanic ako bigla at agad na tumalikod dahil bigla siyang tumingin sa direksyon ko. It's been so many years the last time we spoke and actually, I don't know what was happened back there.

We're just stop talking, like the others.

But It's hurt a lot because we're friends but now... We're totally stranger.

Maybe ganun talaga... Some people you closed can leave and become people you don't even know anymore.

I just walkaway bago pa magcross ang landas namin.

I didn't expect na isa na siya sa mga tricycle driver ngayon dito. My ex-bestfriend who hate to drive, are now a tricycle driver. Akalain mo nga naman.

Pero saan ako ngayon pupunta?

Ayoko pa rin naman umuwi agad at isang lugar lang ang naiisip kong p'wede kong puntahan ngayon. Agad akong nagtawag ng tricycle papuntang Sampaloc lake. Isang luggage lang naman ang dala ko't hindi naman ito ganun kalaki kaya okay lang kung maglilibot-libot muna ako sa may Lake.

And when I got there, a gentle breezed rustled on my skin. The air was crisp and cool, and the only sounds were the gentle lapping of the waves and the laughter of other people here. The lake lay calm and still, a sheet of silver under the midday sun. The reflections of the surrounding trees and bamboo danced on the surface, creating a mirrored world.

How I missed this place. It's bring back so many memories.

Naaalala ko noong high school ako ay kapag 'di pa namin trip umuwi kaagad ng mga kaibigan ko after class, dumidiretso kami rito sa Sampaloc lake para tumambay or 'di kaya ay magbike at talagang iniikot namin itong lake na halos 4 kilometres ang layo.

Namimiss ko 'yung dati. Parang gusto kong bumalik kung saan wala pa ako masyadong pinoproblema kundi ang mag-aral lang.

Akala ko after kong grumaduate in College, giginhawa na buhay ko pero hindi pala.

Isa lang pala 'yong ilusyon.

Like a big prank.

Naglakad-lakad ako sa gilid ng lake like other people here and medyo marami na ring taong namamasyal dito. Noon kasi wala masyado.

Nakakagulat ang pagbabago ng lugar na ito, tulad ng hindi na bike ang inaarkila rito kundi mga E-bike na. Ang dami kong nakikitang mga kabataan na nakasakay sa E-bike.

Tapos ang dami na ring mga kainan at coffee shop ang nakatayo dito.

I buy some milktea at one of the shop here and drink it at the side of the lake. Nakaupo lang ako mag-isa sa isa sa mga bench habang pinagmamasdan ang kalmadong tubig sa lake.

"Shaun! ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ipatingin mo na sa doktor 'yang sugat mo?"

Nagsalubong ang kilay ko't agad na napalingon sa pamilyar na boses na narinig ko. Natigilan ako sa pag-inom ng milktea nang makita ko sina Alice at Shaun. Mga kaibigan-dati kong mga kaibigan.

Of all places, dito pa talaga kami nagkita-kita.

"Don't be so overreacted, Alice. Gasgas lang 'to," ani Shaun.

"Ulol, pahampas nga kung gasgas lang?" Alice teased at akmang hahampasin ang braso ni Shaun na may puting telang nakabalot. Also, there's a little blood stain on the white fabric. Halatang hindi 'yon gasgas lang.

"Baliw! Tantanan mo nga ang sugat ko," sambit ni Shaun at mabilis na lumayo kay Alice pero tinawanan lang siya nito.

I was so shocked when I saw them but their so much busy talking to each other and didn't notice me when they're walked and passed by at me.

So they're ended up together huh... And I didn't know.

How could I know?

We've barely talking when we are in College and then we stop updating each others after we graduate.

But... Good thing to see that they're doing great. Even though we're not talking to me anymore, still I don't have any reason to keep any grudge at them.

Pinigilan ko ang sariling kong tawagin sina Marvin at Alice. Sobrang bigat sa damdamin na pinapanood ko lang silang maglakad palayo sa akin, kaso wala naman akong magagawa. I missed them so much, but I don't know what to do.

I tried to reconcile with them, but no one talk to me back then.

Ni hindi ko alam kung anong nagawa ko. Basta na lang akong nawala sa mga buhay nila.

I should let it go but I can't. My thoughts were destroying me. I tried not to think, but the silence was killing me.

I wish someday they'll tell me.

Nang tuluyan na silang nakaalis, huminga naman ako ng malalim at inubos na ang binili kong milktea.

I think its time to head home.

Hindi na 'ko bumalik sa Lianas at dito na lang ako sa Sampaloc Lake naghanap ng tricycle. Meroon namang didiretso sa Barangay namin kaso sobrang mahal ng pamasahe.

After a few minutes, tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. I'm almost didn't recognize our home. Sa pagkakaalam ko ay pinaayos ito ni Kuya Brixx at Casper. Medyo lumaki na kasi ito at may pagkamodern ang style. Hindi na rin yero ang gate.

Ngayon ay makinis na ang mga pader na may combination ng white at Beige na pintura. Hindi na rin kahoy ang mga bintana kundi bakal na't may salamin na rin. May gate na itim na rin na nakatayo at mga halaman sa gilid.

Akmang pipindutin ko na sana ang doorbell kaso bigla namang bumukas ang gate at 'di ko inaasahan na siya agad ang bubungad sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla nang makita ako pero agad din 'yon nawala at napalitan nang malalamig na tingin.

"Oh? Bakit umuwi ka?" ani Faye, bunsong kapatid ko. Sa tono ng boses niya, halatang iritable siya't parang ayaw yata niya akong makita.

Ni hindi man lang muna n'ya ako niyayang pumasok sa loob ng bahay.

Magsasalita na sana ako nang bumukas naman ang pinto ng bahay at lumabas do'n si Mama. "Faye-" hindi natapos ni Mama ang sasabihin nito nang makita ako. "Innocent?! Ikaw ba 'yan?!" Namilog ang mga mata niyang naglakad palapit sa amin.

"H-Hi, Mama... Surprise..." tanging nasabi ko. Hindi ko alam kung paano or anong sasabihin.

"O jusko Innocent!" Agad akong hinila ni Mama palapit sa kaniya and wrapped me in big warmth hug. Having a hug from her is an ecstasy. In her embrace, my heart skips a beat. It's like a haven of love, gentle and deep.

Finally, I feel safe and especially... Home.

Nakita ko naman ang pag-irap ni Faye at pumasok na lang sa loob ng bahay. Ni hindi man lang natuwa sa pagdating ko. Pero hindi ito pinansin ni Mama't niyaya agad ako papasok sa loob ng bahay.

"Alipio pumarito ka! Si Innocent umuwi na!" tawag ni Mama kay Papa habang hila-hila ang kamay ko.

"Ano 'yon, mahal- Innocent?!" gulat na sambit naman ni Papa pagkababa n'ya sa may hagdan at agad na lumapit sa amin dito sa may sala. "Anak kong pinakamamahal, umuwi ka na rin sa wakas!"

"Papa..." I muttered.

Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ni Papa. He also wrapped me with a warmth hug. Ang bagay lang na hindi nagbago rito ay sina Mama't Papa. They still treat me like a princess. Kaya wala talagang ibang katulad ang pakiramdam na makauwi sa sariling bansa at sa pamilya.

"Sobrang saya namin na sa wakas dinalaw mo rin kami rito," ani Papa pero bahagya akong natigilan sa sinabi n'ya saka pilit na napangiti. "Akala talaga namin napasarap ka na sa New York at nakalimutan na kami," dugtong pa n'ya.

"No Pa! I won't forget you guys. It's just... I was really busy," I said then a small smile appeared on my lips. "B-But here I am! Surprised!"

"Pero sana nagsabi ka man lang para nasundo ka namin," sabi naman ni Mama saka kami umupo sa malambot na sofa.

"Surprised nga po e," I said and they laugh.

"E' di kailan ka aalis?" singit naman ni Faye. Napatingin naman kami sa kaniya na nakatayo sa may hagdan. Her hand crossed in her chest while leaning at the railings. Pinagtaasan pa n'ya ako ng kilay habang nakatingin ako sa kan'ya. "Kailan ka babalik sa New York? Siguro saglit ka lang naman dito," dagdag pa n'ya.

Hindi ako kaagad makasagot. Paano ko ba sisimulan? I looked at my parent who's also waiting for my responsed. "Bali kasi about d'yan--"

"Isa ka talagang malaking bruhilda, Faye. Kararating lang ni Ate, pinaaalis mo agad." He rolled his eyes at her, but his reaction immediately changes then suddenly smile when he looked at me. "Hi, Ate Innocent."

Agad na lumawak ang ngiti sa aking labi. "Ethan!" bulalas ko sa pangalan niya. Mabilis akong tumayo't kaagad na sinalubong ang yakap niya.

"Grabe, namiss kita ate!" sabi niya nang makawala kami sa pagkakayakap. Nakita ko namang walang imik na umakyat ng hagdan si Faye at iniwan kami. Gusto ko sanang makausap din siya kahit medyo maldita siya, pero hindi ko alam kung paano ko siya iaapproach. Gan'yan na siya since mga bata pa lang kami.

She really hates me.

"Pero oo nga 'nak, hanggang kailan ka rito?" tanong naman ni Papa.

"Sana naman kahit mga isang buwan. Namiss ka talaga namin," sabi naman ni Mama.

Napakamot lang ako sa ulo. "Ah yeah... goodnews, hindi lang one month mother," I said.

"Two months?" hula ni Ethan.

I shake my head. "Hindi lang two months or three... It's like f-for good..." kinakabahang sambit ko. Lahat sila ay halatang litong-lito sa narinig.


"Anong ibig mong sabihin na for good?" tanong ulit ni Ethan. Habang nagsalubong naman ang kilay nina Mama't Papa na nakatingin sa akin.




"Hindi na 'ko aalis. D-Dito na ako for good..."




"Huh? Ate, bakit parang biglaan naman yata?" sambit ni Ethan na napatingin pa kina Mama. Hindi ko masabi kung natataranta ba sila or nag-aalala.

"Oo nga 'nak. May nangyari ba?" tanong naman ni Papa.

I shook my head and smiled a little. Magsasalita na sana ako kaso bigla namang bumukas ang pinto at hindi ko inaasahang magkikita agad kaming dalawa.

It's been so long...


"Tiya bukas ang pinto kaya pumasok na 'ko-" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang magtama ang mga mata namin.

Para bang tumigil saglit ang paligid. I feel nervous and anxious when I see again his golden brown eyes. But this time, I can't see any emotion their. He's coldly looking at me.

"Innocent, nakauwi ka na pala," he said, casually.

Hindi agad ako nakatugon agad. I blink twice before I awkwardly smiled at him. "M-Marvin... H-Hi..." I said.

"Hello," tanging sambit niya bago lumipat ng tingin kina Mama. "Tiya, manghihiram lang sana ako ng tools. Nasira kasi ulit makina ng sasakyan," aniya.

Hindi ko alam pero para bang bahagyang sumikip ang dibdib ko. Hindi ako sanay.

"Nasira na naman? Saglit at titingnan ko ang sasakyan mo." Tumayo agad si Papa sabay naglakad palabas ng bahay. Sumunod naman sa kaniya sina Marvin at Mama kaya kaming dalawa na lang ni Ethan ang naiwan dito sa may sala.

Pero nanatili pa rin ang tingin ko sa may pinto kung saan nakatayo kanina si Marvin.


"Ate, kumusta kayo ni Kuya Marvin? Hindi pa rin ba kayo-"



"Nope," I interrupted.



"Ano bang nangyari sa inyong dalawa? You two used to be... Inseparable," he said and that's true.
We're very closed when we are young. Palagi kaming magkasama but that thing happened.






"Too complicated," tanging sagot ko.



That thing na hindi ko- or hindi namin inaasahang mangyayari na hindi naman dapat.







______________________

;)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com