Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: Tempting Invitation

DENISE

YEAR 2200. The new era for massive technological advancement.

"Yesssss!" masaya at malakas na pagsigaw ko nang matalo ko na ang isa sa pinakamalakas na boss sa MMORPG na nilalaro ko. Sa tulong na rin nina Ice at Fire at ng iba pang mga kaibigan ko sa laro, nagawa ko na ang goal ko. I'm one of the best players in this Online Game. Ang grupo namin ang unang nakatalo sa level ninety-seven na boss. Kasisimula pa lang namin sa laro pero mukhang malapit na kaming mawalan ng gana.

Ngumisi ako dahil naungusan ko na si Zero. Isa siya sa mga online gamers na hinahangaan ko. Magaling siya pero hindi ko pa siya nakikilala sa personal. Hindi ko alam kung saang lupalop siya nakatira. Saka lang ako nagkakaroon ng pagkakataon na makausap siya kapag hinahamon ko siya sa isang laban. Mas ginaganahan ako sa online gaming dahil sa kanya.

Nagpaalam na ako kina Ice at Fire nang makabalik kami sa town. I logged out my account. Tiyak na mamaya, pag-log in ko, natalo na rin ni Zero ang boss na tinalo ko. Malamang na malampasan na rin niya ako. Ganu'n lagi ang nangyayari. Nagpapaunahan at nagpapagalingan lang kami. Nag-unat-unat ako ng katawan. Time check. It was already seven in the morning. Wala pa akong tulog at pahinga.

Tiningnan ko ang nine cascaded windows na nasa harap ko. I got a very large computer screen attached to the wall. Meron din sa dalawang magkabilang gilid para makapag-open ako ng ibang account sa iisang laro. I can play three characters simultaneously. I need them for self-support. Sa cascaded windows na 'yon, iba't ibang laro ang makikita. Strategic, puzzles, words and gamble games. At marami pang iba. Ganito ako kaadik sa games. Gusto kong maging mas magaling. Hindi ko alam kung ganito rin ang ginagawa ni Zero. Sobrang galing kasi niya lalo na kapag hinahamon ko siyang maglaro ng mind games. Wala pang nakakalamang sa 'min. Madalas draw ang nagiging resulta ng aming laban.

Fire, Ice and Zero are just codenames or usernames. Kilala ko sa personal si Fire at Ice kaya nagkakasundo kaming tatlo. Tumayo na ako nang mai-shutdown ko na ang computer. Sa taong ito, mabibilis na ang mga computers. Masyado nang advance ang technology. Hindi katulad noon na pakiramdam ko aabutin ako ng taon sa paghihintay na makapag-log in. Na kahit ang Word Office ay nagha-hang pa. I opened the curtains. Bahagya akong nasilaw sa liwanag na tumama sa aking mukha. Hindi na bago sa paningin ko ang mga levitating cars na tila may orbit, na nagsisilbing highway, na sinusundan. Tanaw na tanaw ko rin ang nagtataasang building mula sa kinatatayuan ng bahay namin na tila nagpapayabangan.

Summer na kaya nakakapag-adik na naman ako sa Online Games. Sa ibang bansa nagtatrabaho ang mga magulang ko kaya mag-isa lang ako sa bahay. Hindi ako nangangamba na pagalitan nila ako dahil hindi naman nila nakikita ang mga ginagawa ko. Ang akala nila nag-aaral ako nang mabuti. Pero maayos naman ang mga grades ko kaya wala silang nagiging problema sa 'kin. Fourth year college na ako. BS IT ang course ko.

Isinara ko na ang kurtina. Gagapang na sana ako sa kama nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Kumunot ang noo ko dahil wala akong inaasahan na bisita. Masyado pa ring maaga ang alas siyete para mangapitbahay. Nakasuot lang ako ng maikling dress na pantulog. Tiyak na magulo rin ang buhok ko dahil kagabi pa akong hindi nagsusuklay. Kapag naiinis pa naman ako sa laro, ginugulo ko ang buhok ko.

Bumuntong-hininga ako. Wala na akong nagawa kundi ang bumaba. I am living in this two-storey house alone. Wala na akong pakialam sa itsura ko. Tiningnan ko sa maliit na monitor kung sino ang bisita. Nakasumbrero siya at may hawak na isang medium-sized box. Mukhang may package para sa 'kin. Kumunot ang noo ko dahil walang sinasabi ang mga magulang ko na may ipadadala silang package. Kahit nagtataka ay binuksan ko na ang pinto.

"Miss Denise Raven?" tanong niya sa 'kin.

"Ako nga," I said.

"May package po para sa inyo," sabi niya. Iniabot niya sa 'kin ang box na hawak at tinanggap ko naman ito sa kabila ng pagtataka. Nakasulat ang pangalan at address ko sa box kaya alam kong para sa 'kin nga ito. Pinirmahan ko ang ibinigay niyang papel. Nagpaalam na siya at tinanaw ko na lang ang pag-alis nya. Nagkibit-balikat ako bago ko isara ang pinto.

Dinala ko sa kwarto ko ang kahon. Umupo ako sa kama. Binasa ko kung kanino nanggaling ang package. Game Crest Organization. Halos manlaki ang mga mata ko nang maalala ko kung saan ko nakita ang pangalan ng organization na 'yon! Isang organization ito na gumagawa ng mga online games. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tila na-excite ako kung ano ang laman ng box. Madalas kong nilalaro ang mga games nila dahil maganda ang storyline at power ups.

Madalas, isa kami ni Zero sa mga nakakakuha ng pinakamataas na level. That's why we're one of their top players. Pero hindi ako mahilig gumamit ng cheats. Isa akong strategist. Madalas na archer type ang pinipili kong class. Hindi ako madaling maloko sa mga cheats. Alam ko kung kailan gumagamit ng cheats ang mga kalaban ko. Hindi nila ako maloloko pero hinahayaan ko lang sila. Whether they cheat or not, I'm sure that I'll always win. Pareho kami ni Zero na naiinis sa mga kalabang gumagamit ng mga cheats.

Hindi ako makapagpasya kung bubuksan ko ba ang kahon o hindi. Pero inaantok na ako. Wala na rin ako sa tamang pag-iisip. Ipinatong ko sa study table ang box. Mamaya ko na lang aalamin kung ano ang natanggap ko. Hinila na talaga ako ng antok kaya humiga na ako sa kama at natulog. Hindi ko alam kung gaano katagal pero alam kong naging masarap ang pagtulog ko.

++++++

Marahan kong iminulat ang mga mata. Madilim na sa loob ng kwarto ko. Tinatamad na bumangon ako at bumaba sa kusina. Ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko. Halos isang araw na akong hindi kumakain kaya hindi na ako nagtataka.

I checked the refrigerator. Yougharts, fresh milk, prutas at ilang processed meat ang nakita ko. Kahit papaano medyo healthy na rin. Kinuha ko ang fresh milk at ininom 'yon. I need it for a healthy body. Matapos uminom, pumasok na ako sa banyo upang maligo.

Nang makapagpalit ng damit ay bumalik ako sa kusina upang magluto ng pagkain. I need to eat a lot. Tiyak na uumagahin na naman ako dahil sa paglalaro. Nang makakain, nagdala ako ng corn chips sa kwarto ko. Binuksan ko na ang computer at nag-log in sa game na nilalaro ko. Binuksan ko rin sa ibang windows ang ibang laro. Panay ang pagsubo ko ng corn chips sa bibig ko at maingay na ngumunguya.

Zeus ang username ko. And yes! Akala ng mga co-players ko, lalaki ako! Sina Fire at Ice lang ang may alam na babae ako pero sinasakyan nila ang trip ko. Tawa sila nang tawa sa tuwing may magcha-chat at magpi-flirt na babae sa 'kin sa game. Minsan hindi ko pinapansin ang mga babaeng 'yon pero madalas pinagtitripan ko rin sila. Kapag kailangan ko ng ka-couple sa game, wala akong pagpipilian kundi ang makipagkaibigan sa mga babae. Este makipaglokohan pala. Lalaki rin si Zero at isa rin siya sa pinagkakaguluhan ng mga babae sa online game's world.

Kumunot ako dahil sa maraming personal messages na bumungad sa 'kin. I opened my inbox. Mula sa iba't ibang players ang mga mensahe. Pero ang pinaka-umagaw ng pansin ko ay ang mensahe na nagmula kina Ice, Fire at Zero. Iisa lang ang laman ng mensahe nila. Tinatanong nila kung may natanggap akong invitation mula sa Game Crest Organization. Bahagyang kumunot ang noo ko pero biglang napaawang ang mga labi ko. Muntik ko nang makalimutan ang package! Hindi muna ako nagreply sa kanila.

I opened the lights. Kinuha ko ang package. Ginamit ko ang cutter upang buksan 'yon. Isang invitation letter ang unang bumungad sa 'kin. May ilang mga documents din sa loob. Binasa ko ang sulat.

Dear Ms. Denise Raven,

Good day!

Being one of the top players of Game Crest, we gladly invite you to play the newly-developed special edition VRMMORPG online game. A thousand of players are selected to test the game. You also have the chance meet some of the top players personally. All players will gather on four different islands. Each islands will accomodate two-hundred fifty players coming from different countries all over the world. This game will serve as a competition to determine who's the best among the tops. For more details about the game, please see the attached documents. We hope to see you on the competition.

Sincerely yours,

Gray Cooke

President, Game Crest Organization

Kumunot ang noo ko dahil alam nila ang pangalan ko. Parang gusto kong kilabutan. Pero dahil siguro sa teknolohiya sa panahong ito, hindi na talaga malabo na ma-trace ng iba. I bet the organization got a reliable source. Pero hindi ako maaaring magpaloko. Baka hindi ito totoo. Bumalik ako sa harap ng computer ko. I knew someone who could help me to verify if this is true.

I opened another window and logged in on my email account. I messaged that genius freak. He's also an online gamer but he's busy with his life now. He's my brother, Darren Raven. He's working as an intelligence officer. I don't know if it's for the military or some private company. Hindi niya ako binigyan ng kahit anong detalye tungkol sa trabaho niya. He's being cautious. He said his job was dangerous. Ayaw niyang madamay ako sa kahit anong gulo na maaari niyang pasukin. Hindi rin siya umuuwi sa bahay na ito. Mag-iisang taon na ang nakalipas. I typed my message. I even scanned the pages of the documents I received and sent it to him.

I knew Gray Cooke. Sikat siya dahil sa achievements ng organization nila pagdating sa mga online games. Nakalagay sa sulat kung kailan at saan gaganapin ang kompetisyon. Sa apat na maliliit na isla sa Japan. I researched the said islands. The four islands are connected through large bridges. These were owned by the organization.

I researched some more things about Game Crest Organization. Maraming nakatanggap ng imbitasyon kaya sa tingin ko totoo ang natanggap namin. Nakalagay din sa site nila na magho-hold sila ng isang kompetisyon para sa mga manlalaro. They're also talking about Alkia Kingdom, the first ever VRMMORPG that will be launched in history. I think, it's really true. I grinned.

The competition will last for two months. The game was a trial version. It will undergo on-going revisions and improvements while we are playing the game. They will modify and fix the bugs. Sa madaling salita, magiging testers kami. Sagot na nila ang lahat ng pangangailangan namin sa isla at wala na kaming poproblemahin kahit ang pocket money. But only five top players will win special prizes and a large amount of money.

Tumunog ang message alert. My brother replied.

Darren Raven:

It's true. Go on. You will enjoy it. Don't worry. I'll back you up if things don't went well.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakatanggap din ba siya ng invitation? I asked him. Ilang minuto ang lumipas nang mag-reply siyang muli.

Darren Raven:

No. But I'll look after you. Don't think too much about it. I'm doing this as your big brother. Take care and enjoy!

I frowned. He's too mysterious. I wonder what he was doing now. Nagpasalamat na lang ako sa kanya. The game is named Alkia Kingdom. And this game will serve as a ranking quest for the players. Binasa ko ang plot ng game. It was an interesting fantasy story. May iba't ibang classes na may iba't ibang special abilities na maaaring pagpilian. Marami ring weapons and potions na maaaring gamitin. Umiikot ang game sa bawat laban ng mga players na nagpapagalingan at nagpapalakasan. Strength, wit and intelligence will be the key source to survive and win. And of course, a good strategy as well.

Pero ang pinaka-umagaw sa pansin ko ay ang huling note sa dulo. Nagsalubong ang mga kilay ko. The players will be inside the game and play as if it was the real thing. I was reading the last line like it was the most impossible thing that could ever happen in this world. Pero imposible nga ba? Matagal na nilang plano na gumawa ng isang Virtual Reality MMORPG. But how did they succeed to do something like that? Paano kami makakapasok sa isang virtual world?

It will be my first time to play such a game. Hindi ko maitago ang excitement at kaba na nararamdaman ko. Should I accept the invitation? Nakatanggap din ng imbitasyon sina Zero mula sa organisasyon. Mukhang nabasa naman ito ni Kuya pero wala siyang sinabing kakaiba tungkol dito. Alam kong hindi niya palalampasin kahit pa ang maliliit na detalye. Siguro alam niya. He said it was true.

Excited na bumalik ako sa online game na nilalaro ko. Nagsimula akong tumipa sa keyboard ko. Una kong sinagot sina Fire at Ice. Tinanong ko rin sila kung sasali sila sa competition. Gusto nila kaya nagpasya kaming tatlo na sumali. Nalaman ko rin na sa iisang isla lang kami mapapapunta. We also planned to use our old usernames to recognize each other. Kahit ranking quest ito, hindi makabubuti kung mag-isa lang kaming lalaban. We cannot defeat high level monsters and bosses if we do that. It's better to be wise. Nag-reply na rin ako kay Zero.

Zeus:

Yes. I received one. I'm sure you received it too. Are you going?

We're exchanging messages to each other casually. Akala niya lalaki ako kaya maayos ang pakikitungo niya sa 'kin. Madalas suplado siya sa mga babae. Pero kahit mabait siya, I still see him as a rival. I want to play this game with him. Gusto kong malaman kung sino ang mas magaling.

Zero:

It's interesting. I will participate. It's verified that the competition is real.

Zeus:

Good but sorry. I'll surely take the first place.

Zero:

Haha! I hope you're not all talk. See you. By the way, you're already left behind in this game. Acologia is too weak.

Acologia is the level ninety seven boss I just defeated. Nag-log out na siya. I checked his level. Halos manlaki ang mga mata ko dahil napag-iwanan na talaga niya ako. Naiinis na tinipa ko ang keyboard ko.

Zeus:

You never waste a second. I just slept too much, dude!

I sighed. Ipinagpatuloy ko na ang paglalaro. I'm also excited with the competition. Hindi ko naitanong kay Zero kung saang isla siya mapapapunta. Posible rin na makita ko siya. Magkakadugtong naman ang mga isla. Next week na ang game. Magpapaalam na lang ako kina Dad at Mom. Sasabihin ko na magbabakasyon ako sa Japan nang dalawang buwan kasama ang mga kaibigan ko.

Tiyak na mag-eenjoy ako sa bakasyon ko. Hindi lang si Zero ang mahusay sa online games. Marami ring magagaling na katulad niya. May isa pa akong gustong makalaban. Mas lamang siya nang kaunti kay Zero. He's Sky. Hindi lang halata pero gusto ko rin siyang hamunin at talunin. But if I couldn't defeat Zero then I'm no match for him. Noon, kay Zero lang muna ako nagpo-focus. But now, the best player will be decided through this game. Wala na kay Zero ang atensiyon ko. I must look at the bigger picture. Tiyak na walang balak magpatalo ang mga kalaban ko. My blood was boiling with excitement. If I want to be the best, I have to defeat all of them. No mercy.

--------------------------

TO BE CONTINUED...

Author's Note:

Hahaha! Ano sa tingin ninyo?? Thanks sa mga magbabasa <3 Meet Denise :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com