Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10: Master Crafter

UNEDITED. PAGPASENSIYAHAN NA ANG TYPOS.



DENISE




I sighed. Seryoso akong tumingin kay Zero. Hindi ko siya mapipigilan sa gusto niyang gawin. Tiyak na may makukuha pa rin siyang pagkakataon upang kausapin si Ice kahit ayaw ko pa. Kahit na tumutol pa ako.



"Kung ano man ang sasabihin mo, pag-usapan na natin. And about Ice, you can talk to her whenever you want. You don't have to ask my permission. I'm not her guardian nor her babysitter," naiinis na wika ko sa kanya. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya na tila naaaliw. He was obviously amuse.



Maging si Sky ay halatang naaaliw. And I never thought that Sky and Zero were friends. O mali lang ako ng hinala? Siguro napakahalaga lang talaga ng pag-uusapan namin.



"I see," nakangising sabi ni Zero. "Sumunod ka muna sa 'min. Hindi tayo pwedeng mag-usap dito," seryosong sabi niya. Tumalikod na siya. Naalala ko na hindi pa ako tapos makipag-usap kay Phoenix kaya hinarap ko siya.



Ngumisi lang siya sa 'kin at walang pakialam sa mga ginawa niya. He's not sorry at all. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. I don't want to make decisions when I'm angry. Ayokong magsisi sa huli.



"Hindi ko mapapalampas ang ginawa mo kanina sa dungeon. We want to trust you. Pero kung ganito ang gagawin mo, paano kami magtitiwala sa 'yo? I'll talk to you later. For now, everyone will do their solo quests. Tatawagan ko kayong lahat kapag mayroong quest o impormasyon na dapat ninyong malaman," seryosong saad ko. They all nodded except for Phoenix.



Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Phoenix, maging siya. Seryoso rin ang mga mata niya at ayaw magpatalo.



"We can't win this ranking quest if we just follow your orders. Diskarte ang kailangan sa larong ito. Everyone should make their own way to defeat other players. You can never stop me. Accept it. You can't always decide for all of us. May sarili kaming pag-iisip. In the end, everyone will realize that they just need to depend on their own potential to win this game. Huwag mong kalimutan na magkakalaban na pa rin tayo," seryosong sabi niya. Tinalikuran niya ako at umalis niya. Mariin akong napapikit dahil sa pagkainis. Hindi ko rin masabi na mali ang lahat ng sinabi niya. May punto siya pero may mali pa rin sa pag-iisip niya.



Napansin ko naman ang pag-iling ni Fire. "There will always be a black sheep in the family," hindi ngumingiting sabi niya. Hindi ko alam kung seryoso siya o nang-aasar. Humalukipkip ako.



"Then, tell me, who's the black sheep in your family? You or her?" pagbibiro ko sa kanya. Sabay na ngumisi sina Ice at Fire.



"You already know the answer. Syempre si Ice," natatawang sagot ni Fire. Sumimangot si Ice.



"Akala ko sasabihin mo na iisa lang ang likaw ng bituka natin," nakangusong sabi ni Ice sa kapatid niya. "Pero sa pamilya ni Denise, mukhang hindi na rin natin kailangang itanong kung sino ang itim na tupa," natatawang saad niya.



"Yes. At mukhang hindi balanse. Halos lahat tayo ay black sheep sa party na ito. Mukhang kailangan kong magputol ng mga sungay," naiiling na sabi ko. "I'll go ahead. Tumawag kayo sa 'kin kapag may problema," seryosong sabi ko sa kanila.



Tumango silang dalawa habang naiiling dahil sa sinabi ko. Sumunod naman ako kina Zero na naghihintay na sa 'kin.



"Sumasakit na ba ang ulo mo kay Phoenix?" natatawang tanong ni Zero.

Ngumisi naman si Sky at napailing. "He surely is," he commented. Sumimangot ako.




"Ano ba ang pag-uusapan natin? And about Phoenix. Bakit gusto mo siyang mapunta sa party ko? He's giving me headache," inis na tanong ko.



"I'll tell you. But not here. Let's go," Zero said. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.



"Our party already purchased our own place. Doon tayo mag-uusap," seryosong saad ni Sky. Sumunod ako sa paglalakad nila. Bahagya akong nagulat dahil nakabili na agad sila ng teritoryo nila. It surely costs hundreds or millions of golds. Depende kung gaano kaganda o kalaki ang bibilhin nila. Level 25 na si Sky samantalang si Zero ay Level 24 na. At sa tingin ko may ipinagbago na ang mga sandata nila. The shape and sharpness of Zero's sword was better compared when I last saw it. Kulay asul pa rin ang kulay ng gemstone na nasa malaking espada niya. Samantalang ang malaking lancer naman ni Sky ay mukhang mas lalong tumulis at gumanda ang hubog. He even had the red gemstone on his weapon. May nadagdag din sa mga kasuotan nila at halatang nadagdagan na ang stats ng defense level nila.



"Our headquarter was not that big. Pero balak namin itong palakihin. Wala ang mga ka-party ko ngayon. They're out for their own quests," seryosong sabi pa ni Sky. Tumigil kami sa harap ng isang bahay. It looks like a typical stone house. It has a cute design on it too and a nice garden. Maaliwalas at tahimik sa lugar na kinatitirikan nito.



Pumasok kami sa loob. May mga wooden chair, table and hearthstone sa loob. May dalawang kwarto akong napansin. Maluwag naman kaya kasya ang isang party. This costs hundreds of gold coins, I guess.



"Have a seat," seryosong sabi ni Sky. Hindi siya umupo pero sumandal siya sa pader at humalukipkip, malapit sa bintana. Pasimpleng tumanaw siya sa labas ng bahay. Umupo kami ni Zero sa silya. Magkaharap kami sa mesa. I crossed my arms and waited for his words.



Malakas at malalim na bumuntong-hininga si Zero na ikina-kunot ng noo namin ni Sky. Pareho kaming nagtaka dahil sa inasal niya.



"Bakit ako na lang ang palaging nagpapaliwanag? You should explain everything to Zeus, Sky," he said. He put his both hands behind his head. He looked carefree and bored. Nagtaka ako sa inasal niya. Ganito ba talaga siya kapag nasa loob ng laro? He was so serious in real life. I never thought he could act like this inside the game.



Sky sighed and frowned. Nilingon ko siya nang magsalita siya. Seryosong tumingin siya sa 'kin.



"Cooperate with us and don't ask further questions. About Phoenix. Keep him on your side. Watch him. Ask his real name. Gusto kong malaman kung paano siya nakagagawa ng cheats. I need information," diretsong sabi niya.



Kumunot ang noo ko. "At ano naman ang makukuha ko kung susundin kita?" tanong ko sa kanya. Nakikinig naman sa 'min si Zero.



"Before or after this game ends, you'll thank me. Makikinabang ka rin sa huli. I can't answer any questions. It's too complicated. Just go along with me," he said.



"We gathered all informations about every players. Pero hindi namin nalaman ang mga username na ginagamit nila sa laro. At napansin kong hindi balanse ang bilang ng babae at lalaki sa loob ng laro na ito kumpara sa nakuha naming impormasyon. We're investigating but it was hard for us," seryosong saad naman ni Zero. Lalo akong nagtaka sa sinabi ni Zero.



"You gathered information about the players? You went that far just to win this game?" hindi makapaniwalang saad ko. I pressed my lips into a thin line. Hindi talaga magtatama ang nakuha nilang impormasyon dahil nagpanggap akong lalaki.



"Maybe. If you want to defeat your opponents, you must know them first. Everything they are capable of. Hindi ka naman siguro susugod sa isang laban kung wala kang dalang sandata," seryosong saad ni Sky. Mas matindi pa palang mangalap ng impormasyon ang dalawang ito kaysa kay Fire.



Napailing ako. Ganito pala sila kaseryoso sa ranking quest. Nakakatakot silang kalaban. Kung hindi pa nila alam kung sino si Phoenix, siguro naman hindi pa rin nila alam na ako si Denise. "Kapag nalaman ko ang totoong pangalan ni Phoenix, ano ang gagawin ninyo?" tanong ko sa kanila.



"Kami na ang bahala. Ang mahalaga ngayon ay ang malaman ang totoo niyang pangalan sa lalong madaling panahon. Tiyak na anumang oras ay made-detect na siya ng system. Tiyak na sa susunod hindi na niya magagamit ang cheat niya," sagot ni Zero. Gusto kong itanong kay Prius kung konektado ba ito sa dahilan ng pagpunta niya sa Main Headquarters ng Game Crest Organization. At kung magtatanong naman ako, malalaman nilang ako si Denise. Pero naguguluhan ako ngayon. I was doubting whether Zero was really Prius. Iba kasi ang kutob ko sa inaasal niya ngayon. O ganito lang talaga siya kapag mga lalaki ang kasama niya?



"Ang problema, may posibilidad na ma-disqualify siya kapag nalaman ng management kaya kailangan nating magmadali," seryosong saad ni Sky.



"Balak din ba ninyong gamitin ang cheat? Pwede rin kayong ma-disqualify," inis na sabi ko sa kanila.



Ngumisi si Zero samantalang seryoso naman si Sky.



"You don't have to worry about us. Alam namin ang ginagawa namin. Ikaw na ang bahala kay Phoenix. Kapag may nalaman ka, ipaalam mo agad sa 'min," seryosong sabi ni Sky. Bakit ba kailangan kong makinig sa kanila? It's not that I don't trust him. Pero mahirap maniwala sa sinasabi nila kung masyado silang masikreto. Bumuntong-hininga ako.



"Fine. Ako na ang bahala kay Phoenix. Siguraduhin lang ninyo na hindi ako maaapektuhan sa mga ginagawa ninyo. I don't care if you cheat. Kung doon kayo magaling, wala akong magagawa," nanunuyang sabi ko. Napansin ko ang pag-angat ng isang kilay ni Sky. He grinned at me. His eyes glimmer with amusement. Maging si Zero ay halatang naaliw rin.



"Sure. Thanks for your help. Sana hindi bumaba ang tingin mo sa 'min dahil sa iniisip mo. I can't give all the answers that you want. I hope we can still have a good partnership in the future," Sky said. Hindi ako sumagot.



Tumayo na ako. "It depends on the circumstances. I'll go now," seryosong saad. Tinalikuran ko na sila at lumabas na ako. I finished all my quests for today to unwind. Hindi ko alam kung ano ang binabalak nina Sky at Zero. Hindi ko matukoy kung bakit nila ginagawa ito. Ganito ba talaga sila ka-desperado na manalo? I don't want to but I'm beginning to doubt them now. Masyado silang masikreto at misteryoso.



Ginagawa ko na ang huling quest ko ngayong araw. I have to kill ten Giant Crawler. Nasa dalampasigan ako at napansin ko ang mga naglalakihang talangka. They have this big round black eyes. Mapupula ang mga katawan nila at halatang matitibay at makakapal ang mga shells nila. Spiky ang ibang bahagi ng shells nila at maging ang kanilang mga galamay. Halatang kaya nitong butasin ang kahit ano. Ang mga galamay naman nito ay tila kasing talas ng isang espada. May malalaki silang pangsipit na tila may matatalim na lagari. Tila mababangis na nilalang sila sa bahagi ng dalampasigang ito.



Mahigpit na hinawakan ko ang bow ko. Pagkatapos nito ay pupunta na ako sa isang sikat na crafter. I want to upgrade my weapon as soon as possible. I want to hear his suggestions and the needed requirements. Pagkatapos ay kakausapin ko na sina Fire para matulungan nila ako kay Phoenix.



Pitong skills pa lang ang nama-master ko. Blazing Eagle Arrow, Arrow Strike, Meteor Rain, Arrow Blast, Angel's Shot, Hit Assault at Twin Blazing Arrow. Ang iba naman ay pinag-aaralan ko pa at hindi ko pa kabisado. I can't still use them with hundred percent accuracy. I have to learn more and improve my skills as fast as I could. Kahit pangalawang araw pa lang namin sa laro ay hindi ako dapat magpabaya.



I targeted na nearest Giant Crawler with my Arrow Strike. Basic Skill lang ito kaya hindi gaanon kalaki ang damage na ibinigay nito sa Giant Crawler at nasa Level 22 ito. Tumama ang blue arrow ko sa matigas na shell nito sa ulo. Agad na nakuha ko ang atensiyon ng Giant Crawler. Galit na tumingin ito sa direksiyon ko.



I don't have a heavy or thick armor for defense so I need to be more careful. Tumakbo ito patungo sa direksiyon ko. Napansin ko na bumabaon ang mga matutulis at matatalas na galamay nito sa buhangin. Gamit ang mga panipit nito ay sumugod ito sa 'kin. Tumalon ako at lumayo sa kanya. I hit the monster with my Blazing Eagle Arrow. The blue arrow was shaped like a deadly eagle who was ready to kill or attack its prey. My arrow hit the head of the Giant Crawler. Nagwala ito dahil sa sakit. Bahagyang nabawasan din ang HP nito. Sabay-sabay na sumugod ang mga matutulis na galamay nito sa 'kin.



Napangiwi ako dahil nahihirapan akong gumalaw sa sunod-sunod nitong pag-atake. Ipinagpapasalamat ko na lang na magaan lang ang kasuotan ko at mabilis akong nakagagalaw. Tinitira ko siya nang sunud-sunod na Arrow Blast. Sumasabog ang mga ito sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Ang malalakas na hampas ng bawat galamay nito ay bumabaon sa buhangin. Nagulat pa ako nang gamitin nito ang buhangin upang saglit akong bulagin. Tumama ang mga buhangin sa mga mata ko. Dahil doon, hindi ko namalayan ang sunod na atake nito.



Humampas ang matalas nitong galamay sa dibdib ko. Tumilapon ako sa malayo at nagpagulong-gulong sa dalampasigan. Mahina akong nagmura dahil sa dugong lumabas mula sa sugat ko sa dibdib. Malalim ang sugat. Sobrang hapdi at sakit pero pinilit kong gumalaw dahil tumatakbo nang muli ang Giant Crawler patungo sa kinaroroonan ko. My HP went down to half.



I jumped above its head. Sunud-sunod na pag-atake ang ginawa ko. I struck the monster with an Angel's Shot to stun it for fifteen seconds. Pansamantala ring nabulag ito. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para tirahin ito ng sunud-sunod na Hit Assault. Makapal at malakas ang enerhiya na bumabalot dito na maaaring bumutas sa katawan ng kalaban. Malalakas na ungol lang nito ang naririnig. Tatlong beses ko lang ito nagamit dahil sa cooldown time na sampung segundo. Kinabahan ako dahil malapit nang mawala ang bisa ng Angel's Shot ko. Agad akong lumayo sa Giant Crawler. Malapit nang maubos ang HP nito. Isang tira na lang. Galit na tumakbo ito sa direksiyon ko nang makita ako.



Sampung segundo ang kailangan kong hintayin para matapos ang cooldown. Mabibilis ang galaw ko upang umilag sa mga atake nito. I was making my own countdown in my mind. When the cooldown was over I hit the Giant Crawler in the head with my Twin Blazing Arrow and it disappeared in thin air.



I still have nine Giant Crawler to defeat. Mahaba-habang oras ang igugugol ko para sa quest na ito. Habang kinakalaban ang mga Giant Crawler, napansin ko na nagre-regenerate ang mga halimaw na natalo ko na tila walang nangyari sa kanila. Nang matalo ko ang huling Giant Crawler ay nagulat ako sa isang item na lumabas sa harap ko. It was a red gemstone. I smiled. Good timing. I grabbed it and put in my item bag.



Bumalik ako sa Town nang matapos ang mga quests ko. Hindi naging madali para sa 'kin ang lahat. I really need to upgrade my weapons and skills. I contacted Fire because he had the information that I need.



"Zeus," he answered.



"Alam mo na kung saan nakatira ang sikat na master crafter?" tanong ko agad kay Fire.



"Yes. Pero mahihirapan ka kung siya ang kakausapin mo para gumawa ng armas mo," seryosong sabi ni Fire.



"Bakit?" takang tanong ko habang naglalakad sa town.



"Nasa tuktok ng isang burol ang bahay niya. At bago ka makalapit sa teritoryo niya, may ilang katanungan na kailangang sagutin. Isang pagsubok ito. Marami na ang sumubok pero wala pa akong nababalitaan na nagtagumpay. At kung magtagumpay ka naman na makausap siya, may hihingiin siya sa 'yo kapalit ng serbisyo niya," paliwanag ni Fire.



Kung tama ang impormasyon na sinabi ni Fire, mukhang hindi nga madali ang makausap ang master crafter. Pero ang master crafter na ito ang pinakamagaling sa lahat. Napakapino ng paggawa nito sa mga sandata. At tiyak na matibay ito at hindi agad masisira.



"I still want to try. Send me his location. And I have a request for you. Alamin mo ang totoong pangalan ni Phoenix. I have to know as soon as possible," seryosong sabi ko.



"What are you planning to do?" takang tanong niya sa 'kin.



"Hindi ko rin alam. But this is urgent. Sorry to bother you," sagot ko.

"No problem. I'll do it. Naipasa ko na sa 'yo ang lokasyon ng master crafter. Take care," saad niya.



"Thanks," I said. Pinutol ko na ang linya. I checked my inbox. He already sent me the master crafter's location. May kalayuan ito. Tumawid pa ako sa ilog at naglakad sa loob ng maliit na kagubatan sa loob ng town. Napansin ko ang isang maliit na bahay sa tuktok ng isang burol. Naglakad na ako patungo roon pero may napansin akong kakaiba. Paikot-ikot lang akong bumabalik sa paanan ng burol kung saan ako nanggaling.



Napansin ko na tila may tumatawa sa likod ng isang puno.

"Who are you?" seryosoat malakas kong tanong.



Isang batang babae ang lumabas mula sa likod ng puno. She giggled and looked at me innocently. She was so cute. I assumed that she's an NPC.



"Where are you going, Mister?" she asked innocently. Kumunot ang noo ko sa itinawag niya sa 'kin pero naalala ko na lalaki nga pala ako sa larong ito.



"You can call me Zeus. I'm heading to the master crafter's house," sagot ko sa kanya.



"Why?" she asked again.



"I want to ask him a favor. I want a weapon made by him. A powerful one," I honestly said.



She smiled. "Will you mind if I accompany you to father?" umaasang tanong niya. Tila nahihiya.



"Not at all. I think that will make things easier," sagot ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ng maliit na kamay niya ang kamay ko. She was smiling big while we were walking. Alam kong bata siya pero nanatili akong alerto dahil sa mga sinabi ni Fire.



"Where do you think fishes keep their money?" she suddenly asked. Nakatingala siya sa 'kin. Saglit na kumunot ang noo ko. Sa tingin ko ito na ang sinasabi ni Fire na pagsubok. Nagsisimula na.



I smiled. "In the River Bank," I answered. She giggled. Halatang nag-eenjoy siya.

"Which month has 28 days?" she asked again. Napansin ko na nakakausad na kami sa paglalakad. Hindi na ako bumabalik sa paanan ng burol.



I laughed. "All months," I answered. She laughed again. Kinalabit niya ako na tila gusto niyang magpabuhat kaya binuhat ko siya. She was poking my nose.



"Is it legal for a man to marry his widow's sister?" she asked innocently. By looking at her, everyone will surely be deceived by her innocent questions and looks. Kung basta na lang sasagot, tiyak na magkakamali nga ang lahat. This is a mind game. Beware of tricky questions.



"No because he's already dead," nakangising sagot ko. She played with my face. Kinurot-kurot niya ito.



"What goes up but never comes down?" she asked grinning.



"Your age," natatawang sabi ko. She frowned. Malayo na ang nalalakad namin. Kaunti na lang at mararating na namin ang tuktok ng burol.



"The peacock is a bird that does not lay eggs. How do they get baby peacocks?" tanong niyang muli. Halatang natutuwa siya sa mga sagot ko. Ako naman, natatawa sa mga tanong niya. I'm enjoying too.



"The peahen lays eggs," sagot ko. She giggled. She put her head on my shoulder. She seems sleepy.



"If an electric train is traveling south, which way is the smoke going?" inaantok na tanong niya. I smiled.



"There's no smoke because it is an electric train," I answered. Natatanaw ko na ang bahay ng master crafter.



She smiled. "You're smart. Last question. If you failed, you will be teleported back to the foot of this hill again. If a chicken says, "All Chickens are liars" is the chicken telling the truth?" she asked, smiling big.



Napatigil ako sa paglalakad. Siguro ito ang ginagamit niyang tanong sa lahat ng mga sumusubok kaya walang nagtatagumpay. Malakas akong tumawa dahil sa tanong niya. Lalo na kapag narinig ng mga naloko niya ang tamang sagot.



She frowned at me. She waited for my answer. "You only have ten seconds," she reminded me. If someone is confused with the question, he will probably answer a yes or a no.



Tumawa pa rin ako nang malakas. Nang tumigil na ako, tumingin ako sa kanya. I grinned. "A chicken cannot talk, honey," I answered then laughed again. She laughed too. Nakarating na kaming dalawa sa bahay ng master crafter kaya bumaba na siya.



"You're the second person who passed the test today. You can visit my father now. I'll go back down to play. Thanks for today Zeus!" she said. She kissed my cheeks and ran down the hill. Pinagmasdan ko lang siya habang tumatakbo palayo. Nagdesisyon na akong kumatok. Bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki. He was in his mid forties. Medyo maputi na rin ang ilang hibla ng buhok niya. May hawak siyang tobacco cigarette sa isang kamay.



"So another man passed," he whispered to himself. He opened the door for me and let me in.



"I'm Zeus. I'm sorry. I wanted to ask if you can make a weapon for me," I said as I walked inside his house. Napansin ko sa loob ng bahay niya ang iba't ibang kagamitan sa crafting. Kapansin-pansin din ang iba't ibang armas sa paligid at ang nagbabagang uling.



"My name is Dougumbert. What are the available resources you have? I can see that you are an archer. What weapon do you prefer? A bow and arrow or a crossbow?" he asked casually. Umupo siya sa harap ng nagbabagang uling at ipinagpatuloy ang ginagawang armas.



"What do you suggest? I have here a golden piece of wood from a rare tree and a red gemstone. If it's not enough, I will surely find the resources you need," I said. He turned to me.



"I haven't agreed yet to make your weapon. But I'll give you some information. A crossbow is heavier than the ordinary. It is also harder to draw the bow. The power stroke of a crossbow is faster but it is not that accurate. And as I look at you, you already got used of your weapon," he remarked.



"Then I'll just go for a bow and arrow. How can I get your service then? Do you need money?" I asked. I looked around his house. Hinahawakan ko ang mga sandata niya. Matataas na klase ang mga gawa niya. At ang ilan sa mga sandatang ginawa niya ay ibinebenta sa town sa napakalaking halaga.



He laughed. "Not money. And I'm sure you wouldn't want to know what it is," naiiling na sabi niya. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya nang may pagtataka.



"No. I'm really interested. What do you want?" tanong ko sa kanya.



"I want three dragon ores. And you can only find those ores in the dragon island," he grinned. Sumeryoso ako. Masyadong mabigat ang hinihingi niya. Kung pupunta ako roon. It will be a suicide act but I really want an excellent weapon.



"Is that the only way?" umaasang tanong ko. He nodded. Naiinis na bumuntong-hininga ako.



"I'll go. Wait for my return. I think, it will take time but I'll surely comeback here," determinadong sagot ko sa kanya. Halatang naaliw siya sa sinabi ko.



"You're stubborn just like the first person who came here. I think his name was Sky. He said that he'll bring me the dragon ores too. And maybe it's alright if I tell you an interesting thing about him. He was asking me on how he can be a dual weilder," he said. Tila aliw na aliw siya. Kumunot ang noo ko.



"Dual weilder? Is that even possible? I haven't read anything about it," takang tanong ko.



"Yes, of course. He was just smart to think that maybe something like that exists inside this world. Well, it really does exist but it was an ancient secret. It was the rarest special item. And it was lost together with the Lost City. It was now considered as a myth," seryosong saad ni Dougumbert.



"So, he was interested to find the Lost City?" tanong ko. It will be bad. Mukhang mauunahan pa niya kami.



"I think he is," he nodded. I want that item too. I made up my mind. I have to work hard too.



"I'll bring you the dragon ores. What else do you need to make my weapon?" determinadong tanong ko. He laughed. Sinabi niya sa 'kin ang lahat ng kailangan niya sa paggawa ng armas ko.



"If you plan to go in the Lost City, better get a gold gemstone for your weapon. And you'll also find more interesting things there that you will possibly need," he said. Mukhang may alam siya pero tumigil na siya sa pagsasalita.



I smiled. "Thank you. I'll remember everything you said," I said. I bowed my head and bid him goodbye. Bumaba na ako sa burol. I can't decide on what to do next. Sumasakit ang ulo ko sa mga nalaman ko. Ano na kaya ang binabalak ni Sky ngayon? Bumungtong-hininga ako. How could I defeat a dragon at my level?





———




TO BE CONTINUED...




Hello everyone! Sana naenjoy ninyo ang pagbabasa. Hindi muna ako mag-aupdate. Two-three weeks. Tatapusin ko muna ang isa kong on-going story. Hope you understand <3 Love you all.


Thanks sa comments at votes ninyo.. I really appreciate it <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com