Chapter 11: No Longer A Secret
UNEDITED. BEAR WITH THE ERRORS. TAMAD AKO. READ THE IMPORTANT NOTE ON THE LAST PAGE.
DENISE
Second day of the Ranking Quest.
Habang naglalakad sa town, pinag-iisipan ko ang mga hakbang na dapat kong gawin. I have to be wise. Kung magpapataas pa ako ng level, tiyak na matatagalan pa ito. Hindi rin sapat kahit isama ko pa ang buong party ko sa dragon island upang lumaban. Kung gagawin ko 'yon, lumalapit lang kami kay Kamatayan. Magkasalubong ang dalawang kilay ko dahil seryosong-seryoso ako sa pag-iisip. Nagliwanag ang mukha ko nang may biglang pumasok na ideya sa utak ko. Ngumisi ako nang makahulugan.
I checked my contacts. Napangiti ako nang makita ang pangalang hinahanap ko. Agad kong tinawagan si Sky upang makipagkita sa 'kin. I need to talk to him. Sinabi niya ang lokasyon niya kaya agad ko siyang pinuntahan.
Nakatayo siya sa mataas na bahagi ng town. Nakatingin lang siya sa mga pangyayari sa loob ng town at seryosong-seryoso. Nagkakasiyahan ang mga tao sa loob ng town. NPCs man o players. Tila malalim ang iniisip ni Sky habang nakahalukipkip. Hindi rin niya napansin ang paglapit ko sa kanya. Ano naman kaya ang iniisip niya? Bakit ba masyado siyang seryoso? Kahit gusto kong alamin kung ano ang nasa isipan niya, hindi ko magawang magtanong. Umuurong lang ang dila ko.
"Sky," seryosong pagtawag ko sa pangalan niya. Bumaling sa 'kin ang atensiyon niya nang marinig ang boses ko.
"Ano'ng gusto mong pag-usapan natin?" diretso at kunot-noong tanong niya. I scowled. Halatang wala siyang balak mag-aksaya ng oras sa pakikipag-usap sa 'kin. I crossed my arms and stopped walking.
"I need your help," seryosong sabi ko sa kanya.
Nagsalubong ang mga kilay niya sa pagtataka. Hindi makapaniwalang tumingin siya sa 'kin. Alam kong hindi niya inaasahan ang biglaang paglapit ko sa kanya upang humingi ng tulong. "What is it? But I don't guarantee that I will actually help you," he asked seriously. Ngumisi lang ako sa sagot niya.
"Sorry. Actually, help is not an appropriate word to use. I'm actually here to propose a deal. An arrangement for our mutual advantage," I said and grinned.
"What made you think that I will accept your proposal?" takang tanong niya. "Just get straight to the point," he frowned.
"Because my instincts are telling me that you will," makahulugang sabi ko sa kanya. Diretso akong nakatingin sa mga mata niya na tila naghahamon. I heaved a deep breath before I proceed to the real deal. "I need three dragon ores and you have to fight alongside with me. Of course, I know you will not fight alone. You can bring your own party too," walang gatol na sabi ko sa kanya. My tone was telling him that he can't do anything but to accept my proposal. He had no choice but to fight with me and my party. Surely, I will not accept no for an answer.
Umawang ang mga labi niya. Hindi niya inaasahan ang mga narinig niya. Ilang segundo lang ay tumawa siya nang malakas na tila nababaliw na ako. Tiningnan ko siya nang masama. Tiyak na mamaya, hindi na siya makatatawa dahil sa sunod kong sasabihin. He was holding his stomach like it was aching. He was laughing so hard. Mapang-uyam na ngumiti ako. Sige lang. Itodo na niya ang pagtawa dahil tiyak na mamaya, kahit pagngiti, hindi na niya magagawa.
Humupa na ang pagtawa niya. Nakangising tumingin siya sa 'kin. "I see. You already meet the master crafter. Kahit pareho tayo ng pakay sa dragon island, hindi kita tutulungan. This is a ranking quest, remember?" naiiling na tanong niya sa 'kin. "You should remember that we're enemies," he added.
Tumango-tango ako na tila nakuha ang mga sinabi niya. A devilish grin suddenly formed in my lips. "Hmmm. I get it. I can see that you're not interested to know Phoenix anymore. His real name, to be specific," I said with a hint of disappointment. "I think, this conversation is really over. Sa huli, hindi rin tayo nagkasundo sa deal na ito," naiiling na sabi ko. Muling umawang ang mga labi niya. Natauhan siya. Nawala ang ngisi na kaninang naglalaro sa labi niya. Hindi niya inasahan na gagamitin ko si Phoenix upang makipagkasundo sa kanya. O mas tamang sabihin na ginamit ko si Phoenix upang i-blackmail siya? Ngumisi ako nang nakakaloko. Hindi ako hihingi ng pabor sa kanya kung alam kong mapapahiya ako sa bandang huli. Tinalikuran ko siya. Narinig ko ang mahinang pagmumura niya. Mas lumawak ang ngiti ko. Alam kong hudyat na 'yon upang pumayag siya sa gusto ko. Those bad words are actually a prize in my business with him.
Nagsimula akong maglakad palayo pero ang totoo naghihintay ako na pigilan niya ako. Hinihintay ko na sumang-ayon siya sa gusto ko. I just wanted to provoke him more.
"Damn! Shit! Fuck!" sunud-sunod na pagmumura niya. Alam kong nahihirapan siyang bigkasin ang mga salitang gusto na niyang sabihin sa 'kin. Ramdam ko na gusto na niya akong pigilan sa pag-alis. Sorry boy, but I'm just too smart for you. "Damn! Fine! I'll fight with you," naiinis na sabi niya. Tumigil ako sa paglalakad. Mas lumawak ang ngiti ko sa labi. That's what I've been waiting for. Dahan-dahang humarap ako sa kanya at humalukipkip. I smiled victoriously.
"Good. I told you. You will help me," nang-iinis pa na sabi ko. Naiinis na tumingin siya sa 'kin. He sighed in defeat.
"Be sure to give me his name," he said. Hindi niya pinansin ang mga sinabi ko. Nakangising tumango ako sa kanya.
"You can count on me with that. Kailan tayo susugod sa dragon island?" seryosong tanong ko sa kanya. He sighed. Ramdam ko na ayaw na niyang makipag-usap sa 'kin.
"Sasabihin ko sa 'yo kung kailan kapag napag-aralan ko na. I discovered that it was too dangerous for us. Bago tayo makarating sa dragon island, marami tayong dungeons na kailangang daanan. We must prepare for a full raid. We need to level up first and if possible, we need to capture and train a pet. Mas magiging madali kung magagawa natin ito. First, focus to level up. Enhance your skills. Let's spend our two or three weeks for that purpose. I will contact you after. And don't regret teaming up with me. I'm not a good buddy," he seriously said. "And also, I will give you a week to take care of Phoenix' matter," he added. I grinned. So far, that was the best deal he could offer.
"Sure. Then, it's a deal," I said.
"Deal," hindi ngumingiti na sagot niya. I'm glad that I managed to settle these things with him. Muli ko siyang tinalikuran para umalis na. I have to meet Phoenix as soon as possible. Masaya ako dahil nagawan ko na ng paraan ang tungkol sa dragon island. I have two to three weeks. Sa loob ng mga linggo na 'yon, iniisip ko na rin ang mga target kong lugar. The Gamble City, Lost City at Pet's Training City. Kung makakuha naman ako ng mga mahahalagang items sa Lost City pwede ko itong dahil sa Auction Hall upang pagkakitaan. Mapait akong ngumiti. I have this funny feeling that everything in this world was connected. Hindi kami ang naglalaro pero tila kami naman ang pinaglalaruan.
I contacted everyone and asked them to meet me in the riverbank. Ilang minuto lang akong naghintay sa pagdating nila. Nakaupo ako at kumportableng nakasandal ang likod ko sa cherry tree nang matanaw ko sila. Tumayo na ako at hinintay silang lumapit. I sighed. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.
"First of all, I'm not yet done in confronting Phoenix with his actions," seryosong sabi ko. Nakatayo silang lahat at tahimik na nakikinig sa 'kin. Napansin ko ang mapang-uyam na ngisi ni Phoenix.
"Remember that we're still enemies. Don't tell me what to do," naiinis na wika niya sa 'kin. Napansin ko naman na gusto ng patulan ni Ice si Phoenix pero pinigilan siya ni Fire. Sa kanilang dalawa talaga, si Fire ang mas magaling kumontrol sa nararamdaman. Kahit makulit si Ice, madali ring uminit ang ulo niya.
"Bakit hindi mo na lang siya tanggalin sa party natin? You should kick his ass out of our party. He's hopeless and useless," nakasimangot na sabi ni Ice. Napigilan man ni Fire si Ice na sugudin si Phoenix, hindi naman niya napigilan ang maingay na bunganga ng kapatid niya. Napailing ako.
"Hindi ko siya tatanggalin sa party na ito pero hindi ibig sabihin noon ay palalampasin ko ang mga sinabi niya," mapait na wika ko. Natahimik sila. Sumimangot naman si Ice at humalukipkip. Nag-iwas siya ng tingin sa 'kin dahil sa nararamdamang pagkainis. Gusto rin sanang magsalita nina Scithe pero nanahimik sila. Alam kong gusto na rin nilang paalisin si Phoenix sa party pero dahil ako ang leader, wala silang magagawa.
Diretsong tumingin ako sa mga mata ni Phoenix. Seryosong-seryoso ang mga mata ko habang nakikipaglaban sa kanya ng tingin. Maging si Phoenix ay hindi rin nagpatalo. He didn't dare to look away. "Phoenix, you're right. We are enemies. But you have to admit that without us, you cannot survive this game. Without us, you cannot defeat a dungeon boss. Keep this in your mind. Team work and strategies are very important. These will decide if you are going to win or lose. With these fact, you should follow my orders. I'm the strategist and the leader and I'm claiming it. Wala akong pakialam kung nayayabangan ka man sa 'kin. You have to bear with it because you joined my party," seryosong sabi ko sa kanya. Alam kong kaunti na lang at mauubos na ang pasensiya ko sa kanya. Pero kailangan kong tiisin ang pagkainis ko sa kanya. I have a deal with Sky. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Phoenix. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko. Magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko siya. I didn't let him speak.
"We will raid another dungeon. This will be your second chance to prove your worth, Phoenix. As much as possible, I want all of us to level up. Why? Because I'm planning to raid the dragon island, two to three weeks from now," seryosong sabi ko. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha nila dahil sa plano ko. Pero napansin ko rin na na-excite silang lahat. Si Phoenix naman ay interesado rin sa balak ko. Sana naman umayon na siya sa mga gusto ko simula ngayon. I don't want to deal with him anymore. Ayoko na ng sakit ng ulo.
Ngumisi ako. I'm planning to collect dragon ores for them too. Gusto ko ring lumakas ang mga armas nila. "Let's all prepare. Phoenix, you have to go along with me if you want to reach the top that much," seryosong sabi ko sa kanila. He just frowned. Pero alam kong hindi siya salungat sa mga sinabi ko. Pero nararamdaman ko rin na may binabalak siya. Hindi ako dapat maging kampante. Sinabi ko sa kanila kung anong oras kami susugod sa sunod na dungeon. Ilang oras lang ay muli kaming naghiwa-hiwalay para gawin ang sari-sariling quest namin. May bago na kaming quest dahil ilang oras na rin ang lumipas.
***
Nagkita-kita kami sa harap ng main gate. We equipped ourselves with all the things we needed for this raid. Our next target was the Giant Crawler's dungeon boss. It was located on the seaside. At bago kami makarating sa dungeon nito, kailangan muna naming harapin ang mga Giant Crawler na nagbabantay sa lugar. Pinalitan ko rin ng red gemstone ang blue gemstone na nakalagay sa arrow ko. Sa ngayon, ito muna ang gagamitin ko hangga't hindi pa ito naa-upgrade.
Naglalakad na kami sa labas ng Alkia town.
"What are you planning to do with Phoenix?" bulong ni Ice sa 'kin. Magkakasabay kaming naglalakad nina Ice at Fire.
"I'm not really sure," sagot ko. Bumaling ako kay Fire. "Fire, I need his name. May deal kami ni Sky. He will help us raid the dragon island in exchange for his real name. Hindi ako sigurado sa binabalak nina Sky at Zero. Sa tingin ko, may itinatago sila na hindi natin alam. I was really curious," nakasimangot na sabi ko sa kanya.
Napansin ko na kumunot ang noo nina Fire at Ice at umiling sa 'kin.
"You have this bad trait when you're curious. Ibig sabihin may balak kang alamin kung ano ang itinatago nila?" naiiling na tanong ni Fire.
"At tiyak na hindi siya titigil hangga't hindi nasa-satisfy ang curiosity niya," naiiling na segunda naman ni Ice. Ngumisi ako. Kilalang-kilala talaga nila ako. I really want to discover what Sky and Zero were up to. Kung kailangan na pag-aralan o magmasid ako sa lahat ng kilos nila, gagawin ko. Tumango ako sa kanila.
"I'll watch over them. I need information about them too. Will you both help me?" nakangising tanong ko sa kanilang dalawa. Ngumisi rin silang dalawa.
"That sounds interesting," nakangising sagot ni Ice. Tumango naman si Fire.
"We're in," sagot ni Fire. Tamang-tama! Pagdating sa pagkalap ng impormasyon, tiyak na maaasahan ko sina Fire at Ice.
"Then it's settled. Unahin muna natin si Phoenix. Kapag naayos na natin ang problema sa kanya, sina Zero at Sky naman ang isunod natin," nakangising sabi ko sa kanila. They nodded in unison. Nang matanaw namin ang sunod na target namin, naalerto na kami.
Maraming Giant Crawler's na nagbabantay sa harap ng dungeon. Ang mga naglalakihan at matutulis nilang galamay ay halatang sabik na madungisan ng dugo. Ang makakapal, makikintab at mapupula nilang shells ay kapansin-pansin din. Nababalutan din ang mga shells nila ng tusok-tusok na patalim. Mas mataas ang level nila sa mga nakalaban ko kanina. Mas matatalas din ang tila lagari nilang panipit.
"Don't get yourselves killed," seryosong sabi ko sa kanilang lahat. Ihinanda ko na ang bow ko. I was already in my fighting stance. Malayo ako dahil walang kahit anong puno na pwede kong pagtaguan. The battleground was an open field. Maging si Ice ay naalerto rin dahil wala siyang magagamit na bagay upang magtago at umilag. She's an assassin but she can't hide now. May special skill siya na pwedeng mag-camouflage sa loob ng ilang segundo lang. Pero mukhang wala pa siyang balak gamitin ito. She held her flying blades tightly.
"If you're all ready then let's kick the asses of this annoying crabs," nakangising sabi ko. They all nodded. They were all excited. And me too. My blood was also boiling with excitement. Pagkasabi ko ng mga katagang 'yon, kumilos na kaming lahat at sumugod sa Giant Crawlers. Naghiwa-hiwalay na kami.
Iba't ibang Giant Crawlers ang inatake namin. The dungeon was actually made of white sand. Pero sa tingin ko, matibay ito at hindi agad guguho. Tiyak na malalim din ito kung papasukin namin.
"Fire blast!" sigaw ni Fire nang sunud-sunod niyang atakihin ang pinakamalapit na Giant Crawler sa kinatatayuan niya. Tumama ang mga fire blast niya sa ulo ng isang Giant Crawler kaya nakuha niya ang atensiyon nito. Galit na galit itong tumakbo sa direksiyon ni Fire. Pilit na iniilagan ni Fire ang mga matatalas na galamay nito na sunud-sunod na umatake sa kanya. Ang bawat atake ng Giant Crawler kay Fire ay sinasabayan din niya. Nasa level 25 na ang Giant Crawler na kalaban niya samantalang si Fire ay Level 22 na.
"Flying Blade Assault!" Ice shouted when she struck the head of one of the Giant Crawlers. Dahil sa tibay ng shell nito, kaunting damage lang ang nagawa ni Ice dito. O mas tamang sabihin na nagasgasan lang ang shell ng Ginat Crawler na inatake niya. Level 22 na rin si Ice. Dahil sa ginawa niya sa giant crawler, agad na bumaling ito sa kanya. Tila wala itong balak na palampasin ang mga ginawa ni Ice. Mabuti na lang, mabilis kumilos si Ice, kundi ay naputulan na sana siya ng kamay dahil sa pag-atake ng Giant Crawler. Bumaon sa buhangin ang isang galamay nito. Ginamit ni Ice ang pagkakataon para muling sumugod.
"Harmony of Destruction!" sigaw naman ni Angel. Tumama ang nakabibinging musika na ginawa niya sa isang Giant Crawler. Malakas na napaungol ito. Halatang naririndi sa ingay na nagmumula sa harp. Sumasabog din ang mga nota sa katawan ng Giant Crawler. Dahil Level 21 pa lang si Angel, kaunti lang ang nabawas sa HP ng Giant Crawler. Tila nawala sa katinuan ang Giant Crawler. Nagwawalang sumugod ito kay Angel.
"Outpouring Lightning!" Phoenix said as he activated his magic for his targeted opponent. Marami at naglalakihang kidlat ang umulan sa direction ng isang Giant Crawler na nagulat sa atake niya. Malakas na umungol ito. Matinis na ingay ang pumailanglang sa paligid. Medyo nasunog ang shell nito pero hindi sapat 'yon para bumaba ang HP nito. Kaunti lang ang nabawas. Dahil sa ginawa niya, hindi pinalampas ng Giant Crawler ang pagkakataon. Agad itong tumakbo sa kinaroroonan ni Phoenix at sumugod. Level 23 na si Phoenix.
"Sword Dance!" sigaw ni Scithe. She was dancing gracefully with her sword as she was striking her opponent with all her might. Level 21 na rin siya. Kaunting damage lang ang naibigay niya sa Giant Crawler na inatake niya dahil sa matibay na shell nito. Agad siyang lumayo nang atakihin siya ng mga galamay nito. Gamit ang kanyang malaking espada, sinalag niya ang mga atake ng Giant Crawler.
Everyone was busy with their own opponent. May mga bagong skills na rin silang natutunan at matataas na rin ang level nila. Level 25 pa lang ako. May mga Giant Crawler na nasa level 27 na kaya ito ang inatake ko. They were all guarding the dungeon. At natitiyak ko na pahihirapan muna nila kami bago kami makalampas sa kanila.
"Blazing Eagle Arrow!" I said as I hit the heat of one of the Giant Crawlers. Kulay pula na ang liwanag na bumabalot sa palaso ko na hugis agila. Matatalim ang mga mata ng agila na ito na tumama sa ulo ng Giant Crawler. Dahil ilang beses ko ring nakalaban ang Giant Crawlers, gamay ko na kung paano sila tatalunin at lalabanan. Umungol sa sakit ang Giant Crawler na inatake ko. The Giant Crawler turned to my direction. Mabibilis ang mga kilos na tumakbo ito sa direksiyon ko. Nabawasan agad ang HP nito dahil sa tira ko.
Naging alerto ako dahil mas mabilis ang kilos ng Giant Crawler na ito kaysa sa iba. Pero dahil malaki ito, hindi niya maiiwasan ang mga atake ko. Ang dapat kong gawin ngayon ay ang ilagan ang mga hampas ng galamay niya. Kumikinang ang mga galamay nito tanda na talagang matatalas ang mga ito. Tumalon ako palayo dahil sa malakas na paghampas ng galamay nito sa 'kin. Mabuti na lang nakaiwas ako kundi ay natapyas na sana ang braso ko.
Ginamit ko ang Twin Blazing Arrow ko para tirahin ang ulo nito. Nagtagumpay ako na patamain ang nagliliwanag na pulang palaso sa ulo nito. Nagwala ito dahil sa sakit kaya walang kontrol na pinaghahampas nito ang mga galamay nito sa direksiyon ko. Tumalon ako palayo rito para umilag pero patuloy itong humahabol sa 'kin. Wala itong balak tumigil. Katulad nito, wala rin akong balak tumigil. Sunud-sunod na nagpakawala ako ng palaso at pinatama rito. Sinisigurado ko na critical hit ang mga tira ko. Kapag nauubusan ako ng Mana, nagrere-charge ako. Mataas na tumalon ako patungo sa blind spot nito. I gave the final blow before it could attack me. Naglaho itong parang bula at natanggap ko ang mga rewards at coins mula rito.
Ilang minuto pa kaming nakipaglaban sa mga Giant Crawlers. Bahagya na rin kaming hinihingal dahil sa mga pag-atakeng ginawa namin.
"Enough. Let's proceed to the dungeon," seryosong sabi ko sa kanila. Walang katapusan ang bilang ng Giant Crawlers. Mas mabuti na iwasan na lang namin sila upang magawa na namin ang pakay namin. Sumang-ayon silang lahat. And for our escape, we ran towards the dungeon. We avoided the Giant Crawler's attacks. Mabibilis ang mga kilos namin. Kung hindi namin maiiwasan ang mga Giant Crawler sa daan, we are hitting them too.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng dungeon, hindi na sumunod ang mga Giant Crawler na nasa labas. The smell of the salty sea inside was making my nose itchy. I think, I'm going to sneeze anytime. Kapansin-pansin na pababa ang daan patungo sa pinakaloob ng dungeon. Palalim nang palalim ang nilalakaran namin.
Ayon sa quest namin, Level 35 na ang kalaban namin. Surely, this will be tough. Nang makita namin ang lagusan, pumasok na kami. Malawak sa loob at may mga tumutulong maliliit na patak ng tubig. Napansin ko na unti-unting natabunan ng buhangin ang lagusan na pinasukan namin. Now, there's no way out. Dahan-dahan kaming naglakad patungo sa gitna habang pinagmamasdan ang buong paligid. The place was made of hardened sand.
Hindi pa lumalabas ang dungeon boss at medyo may kadiliman sa loob. Kulay pulang liwanag ang bumabalot sa paligid dahil sa mga apoy sa apat na sulok ng lugar. The whole place was plain but it seems dangerous. Naalerto kami sa mahinang ungol na pumailanglang sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na nagmumula ang mga ungol na ito mula sa itaas namin.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman na papalapit na ang kalaban. Tumingala ako dahil masama ang kutob ko.
"Move away!" sigaw ko sa mga kasama ko. Agad nila akong sinunod nang mapansin ang tinitingnan ko. Nasa itaas ang dungeon boss at tumalon ito sa kinaroroonan namin. Handa na ang mga galamay at panipit nito upang umatake. Shit! Mahina akong nagmura sa isip ko. Agad akong tumalon palayo. Bahagyang naiwasan ko ang matalas na galamay nito. Tumama pa rin ito sa braso ko at nagdulot ng maliit na hiwa roon.
Napangiwi ako sa hapdi. Maging ang lahat ng kasama ko ay hindi rin nakaligtas sa ginawang pag-atake ng dungeon boss. Lahat kami ay nagtamo ng mga sugat. Mahigpit na hinawakan ko ang bow ko. Mataman kong pinagmasdan ang dungeon boss. Kumikinang sa pula ang armor na nakabalot sa katawan nito kaya mas makapal ang shell nito kumpara sa ordinaryong Giant Crawler. Mas mahahaba at matutulis ang mga galamay nito. Malaki rin ang mga panipit nito. Spiky rin ang katawan nito at mas malalaki ang mga talim.
Ang mga malalaki at itim nitong mata ay nanlilisik. Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin nito kaya hindi pa ako sigurado sa mga hakbang na dapat naming gawin. Wala pa itong ipinapakita kaya hindi ako makapagdesisyon.
"Angel and Fire, I need you for support. Phoenix, Scithe and Angel, we will take charge for offense," seryosong sabi ko. Hindi pa gumagalaw ang dungeon boss. Tila naghihintay ito sa sunod naming kilos. "Be alert. Hindi pa ako sigurado sa kayang gawin ng dungeon boss. We have to test it first," dagdag ko pa.
"Tiyak na mahirap tibagin ang depensa ng dungeon boss. We should be careful," komento ni Fire.
"We must target his defense armor first," suhestiyon naman ni Ice.
"I'll be your support," seryosong sabi naman ni Angel.
"I'm just waiting for you orders," saad naman ni Scithe.
"Phoenix?" untag ko sa kanya.
"I'll follow depending on your orders," he hissed. Napailing kami pero wala na kaming magagawa kay Phoenix. Nasa loob na kami ng dungeon at wala ng magagawa. Katulad sa Killer Bear's dungeon, may nakita akong kulungan sa dulong bahagi ng kinaroroonan namin kung saan nakakulong ang mga NPCs. At sigurado rin ako na wala roon ang prinsesa.
"Okay. Listen very well. Scithe, Fire and Phoenix, move behind the dungeon boss. Ice, Angel and me will be in front. Fire and Angel, stay back for support," seryosong sabi ko. They nodded. Hindi kami nag-aksaya ng panahon. Agad kaming gumalaw pero napansin ko na naalerto ang dungeon boss sa ginawa namin. Tiyak na hindi nito hahayaan na malamangan.
"Ice and Phoenix, you can attack him now. I need to know what he was capable of. Be careful," utos ko sa kanilang dalawa. Sumang-ayon sila at mabilis na kumilos.
From the front, Ice threw her flying blades towards the dungeon boss. It hit it's armor. And from the back, Phoenix hit the dungeon boss with his Outpouring Lightning. Halos walang nabawas sa defense level ng dungeon boss. Nagalit lang ang dungeon boss. Nagulat ako dahil ang mga spikes na nasa shell nito ay lumipad patungo kina Ice at Phoenix. Nagulat din ang dalawa pero mabuti na lang naiwasan nila. Napansin ko na bumaon ang dalawang spike na ito sa dingding. Ang nakakagulat pa, muling tumubo ang spike nito sa katawan. I see. Halatang kinabahan din sina Phoenix sa nasaksihan. Pero malakas ang kutob ko na may iba pa itong kayang gawin.
"Ice and Phoenix, continue fighting. We will switch position with you later," seryosong utos. Why do I have this feeling that I need to see more from the dungeon boss? Sinunod ako nina Phoenix at Ice.
"Ice move closer towards the dungeon boss so Scithe can switch with you," utos ko sa kanya.
"Roger," sagot ni Ice.
Sunud-sunod na tinira ni Ice ang armor ng dungeon boss. Lumilipad pabalik sa kanya ang flying blades niya. It was emitting a blue force that can slice everything it will hit. Pero dahil matibay ang kalasag ng kalaban, kaunting damage lang ang nagagawa ni Ice. Umaatake rin si Phoenix, gamit ang iba't ibang technique niya. Halatang naiinis na ang dungeon boss sa ginagawa nila. Gamit ang mga galamay nito, malakas na hinampas ng dungeon boss sina Phoenix at Scithe. Naiwasan naman nila ito pero nagulat ako dahil may mga matatalas na blades na humiwalay sa galamay nito at lumipad kina Ice at Phoenix. Mabuti na lang, muli silang nakaiwas. Nakalapit na si Ice sa dungeon boss. Mataas siyang tumalon patungo sa gitnang bahagi ng ulo ng dungeon boss.
"Now, switch!" sigaw ko sa kanila.
Mabilis na nagpalit ng posisyon sina Scithe at Ice. Buong lakas na tinangkang hiwain ni Scithe ang ulo nito pero hindi ito tumalab. Nabawasan lang ang defense level ng armor nito.
Muling nag-switch sina Ice at Scithe nang magawa ni Scithe ang dapat gawin. Lumayo agad si Ice nang aatakihin sana siya ng dungeon boss. I'm done with observing. Pero alam kong kulang pa. Tiyak na madidiskubre rin namin mamaya ang mga kayang gawin ng dungeon boss. It's now the time to attack.
"Let's attack the boss all at once," seryosong sabi ko. "I'll try to distract him. Be sure to give him some critical blows," I added. Tumakbo na ako patungo sa dungeon boss. Iniiwasan ko ang mga spikes na pinapalipad nito sa direksiyon ko. Maging ang iba kong kasama ay inaatake rin.
"Fire you can attack. Hindi pa namin kailangan ang healing magic mo. Angel, try to boost their attacks. Thanks!" utos ko sa kanila. Gumalaw na kaming lahat. I was trying my best to avoid the spikes. Maging ang malalaking galamay nito na umaatake sa 'min. Pinakawalan ko ang Twin Blazing Arrow ko sa ulo niya. Sina Scithe, Ice at Phoenix naman ay abala sa pag-atake sa iba't ibang bahagi ng katawan ng dungeon boss.
I used my Angel's Shot to temporarily blind and stun the dungeon boss. Ginamit namin ang fifteen seconds na ito para sunud-sunod na atakihin ang armor ng dungeon boss. Wala itong magawa upang lumaban. Tanging ungol lang nito ang naririnig namin maging ang ingay ng mga pag-atake namin. Bumaba na sa kalhati ang defense level ng dungeon boss. Nag-recharge kami ng Mana namin.
Agad kaming lumayo nang mawala ang epekto ng Angel's Shot ko. Dahil sa galit ng dungeon master, nagpakawala ito ng sunud-sunod na spikes sa bawat direksiyon namin. Walang tigil. Tila umuulan ng mga patalim sa bawat bahagi ng lugar na kinaroroonan namin. Ginawa namin ang lahat para iwasan ang mga ito pero hindi kami nagtagumpay. May bumaong spikes sa hita at braso ko. Tumigil din ang dungeon master dahil tila may limitasyon ang pagtira nito ng spikes. Maging ang mga kasama ko ay hindi nakaligtas. Dumaing sila dahil sa hapdi ng mga patalim na bumaon sa katawan nila.
Halos bumaba sa kalhati ang mga HP namin. I gave them orders. Ginamit ko ang buong lakas ko. I used my Meteor Rain. Nagpaulan ako ng mga palaso sa kinaroroonan nito. Binunot ko ang mga patalim sa braso at hita ko. Dahil sa ginawa ko, dumaloy roon ang masaganang dugo. Pinilit kong gumalaw dahil hindi rin nagpatinag ang mga kasama ko. Pinilit nilang lumaban kahit nasasaktan sila. Muli kaming umatake. We were switching position with each other to give a critical hit to the dungeon boss.
Ginagawa naman nina Fire at Angel ang lahat upang suportahan kami. Tatlong beses ko lang pwedeng gamitin ang Angel's Shot kaya kailangan kong maging matalino sa paggamit nito. Tumalon ako patungo sa dungeon master. I jumped straight to its head. I hit his using my Arrow of Destruction. Umaapoy na liwanag ang bumalot sa palaso ko at diretsong tumama rito. Agad na nakipag-switch sa 'kin si Scithe habang hindi pa nakakahuma ang dungeon boss sa atake ko. Buong lakas niyang sinundan ang atake ko sa ulo ng dungeon master. Ice switch position with Scithe then she managed to avoid the furious attack of the dungeon master. Mataas siyang tumalon para iwasan ang mga galamay nito. She twisted her body ang face the dungeon master which was under her. Muling tinira ni Ice ang ulo ng dungeon master gamit ang flying blades niya.
Sunud-sunod namang tumira si Phoenix hanggang sa masira ang armor defense nito. Muling nagpaulan ang dungeon master ng spikes at blades sa bawat isa sa 'min. Hindi maiiwasan na matamaan kami pero mabuti na lang, may suporta kaming natatanggap kina Fire at Angel.
Dahil wala na ang armor, mas magiging madali na ang lahat. "Ice, Scithe and Phoenix, just continue to attack him," utos ko sa kanina. Ginamit ko ang sarili para muling kunin ang atensiyon ng dungeon master. Sunud-sunod ko itong tinira sa katawan at ulo. Tumakbo ito sa direksiyon ko at sunud-sunod na tinira ako ng mga galamay nito. Tuloy-tuloy naman sina Phoenix sa pag-atake sa iba't ibang bahagi ng katawan nito. Maririnig ang malakas na pag-ungol nito. Nang akmang tatamaan na ako ng galamay nito. Nakipag-switch sa 'kin si Scithe. Sinalag niya ang matalas na galamay nito gamit ang espada.
Kaunti na lang at matatalo na namin ang dungeon boss. Nagpa-ulan ako ng mga palaso sa dungeon master. Maging si Fire at Angel ay umaatake na rin sa dungeon boss dahil malapit na itong matalo. Sabay pa kaming tumalon ni Ice patungo sa dungeon master. Nakalutang kami sa ere at sabay na naghahandang umatake dahil nasa ilalim namin ito. Sabay pa kaming tumira ni Ice. We gave our final best shot. Malakas na pagsabog ang naganap. The dungeon boss disappeared and we received our individual rewards.
"Lucky," nakangising sabi ni Fire nang matanggap niya ang Last Attack Bonus. Napailing kaming dalawa ni Ice nang tumalon kami pababa sa sahig. Dahil natalo namin ang dungeon boss, nakawala ang mga NPCs sa kulungan at bumukas na ang lagusan. Pabalik na sana kami sa town nang may marinig kaming warning mula sa system. Our surroundings were fluttering in color red. Medyo kinabahan ako.
"Warning! Warning! Warning! The game will undergo maintenance and system upgrade. You will be automatically logged out from this game! Sorry for the short notice! Thank you!"
Naramdaman ko ang unti-unting paglalaho ng katawan ko sa loob ng game. Pagmulat ko, nakahiga na ako sa loob ng silid ko. Napansin ko na alas tres na ng hapon at nakalimutan kong kumain ng tanghalian. Inalis ko na ang VR Gear sa ulo ko at bumangon na. Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. May pumasok na staff sa loob ng silid ko kaya kumunot ang noo ko.
"Ms. Raven, we will conduct a short interview for you about the game," she said and smiled. I nodded. May ilang katanungan lang sila. Tinatanong nila kung ano ang feedback ko sa game. Kung madali o mahirap pa. Kung nagkakaproblema ba ang system kapag naglalaro ako. Kung nag-eenjoy ba ako. Kung may mga gusto ba akong idagdag na changes. So far, wala pa naman dahil nagsisimula pa lang naman kami. Nang umalis ang staff, nagtext agad ako kina Faye para kumain na kami. Sinabi ko na magkita na lang kami sa isang restaurant.
Nang lumabas ako sa silid ko, sabay pa kami ni Prius. Sumimangot ako at umirap sa kanya. Marami akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawa. Kapag nagtanong ako, baka maghinala siya.
"Hello, Ice," nang-aasar na sabi niya sa 'kin. Tiningnan ko siya nang masama. I crossed my arms too.
"Hello, Zero," nang-aasar na sabi ko rin sa kanya. Tumawa lang siya at umiling.
"Next time, I like to talk and spend some time alone with you," he mischievously said.
"For you information, I don't like to talk to you or be alone with you," nakasimangot na sabi ko. Naglakad na ako patungo sa elevator. Sumunod naman siya. Nakakainis! Bakit kasi magkasama kami sa floor na ito? Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at pigilan ako.
"What?" inis na tanong ko sa kanya. Gusto ko sanang alisin ang kamay niya na nakahawak sa 'kin pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Si Ice ka ba talaga?" nagdududang tanong niya sa 'kin. Inilapit niya ang mukha sa 'kin kaya umurong ako. Napasandal ako sa pader sa likod ko.
"Si Zero ka ba talaga?" balik-tanong ko sa kanya. Hindi ko siya sinagot.
"I asked you first," he grinned. Titig na titig siya sa mga mata ko. Sobrang lapit na ng mukha niya sa 'kin. I could even smell his sweet breath. Tiningnan ko siya nang masama para itago ang kakaibang nararamdaman ko.
"If you don't answer me in five seconds. I will kiss you," he warned me.
"What? No!" I shouted and tried to push him away but he just leaned closer.
"Is that your answer? Who are you, really? One... Two..." he said and started to count. I tried to push him even further but I can't muster any strength.
"Three... Four..." he said.
"Shit!" pagmumura ko.
"Five... Times up!" he grinned. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Sana hindi niya gawin ang banta niya. Napaawang ang labi ko nang maramdaman ang pagdampi ng labi niya. He lightly kissed the tip of my nose. Then he laughed. I opened my eyes and glared at him.
"You're not Ice, right?" pang-aasar niya.
"You're not Zero, right?" panggagaya ko sa kanya dahil sa inis na nararamdaman ko. He just laughed and released me from his grip. Hindi niya pinansin ang tanong ko. He casually put his hands inside his pockets and shrugged his shoulder.
"Don't worry. Malalaman ko rin kung sino ka," he smiled.
"What? Oh, yes! Because you're gathering information about all the players!" I blurted out. Saka ko lang napagtanto na mali ang sinabi ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil parang sinabi ko na rin sa kanya kung sino ako. Siya naman ay napakunot-noo.
"How did you know? Tatlong tao lang ang nakakaalam ng sikretong 'yan," he asked me. Nakagat ko ang labi ko nang bigla siyang tumawa nang malakas. Tila may naalala siya. He put his arms against the wall. Sa magkabilang bahagi ng ulo ko. "Don't tell me, you're Zeus?" he teased. He was grinning widely. Namula ang mukha ko. I guess my secret was no longer a secret.
"No!" I denied. Pero tumawa lang siya nang malakas. He moved away and patted my head like he's saying it was alright.
"Don't worry. I'll do something about your gender. I can't afford to marry a boy in the Cathedral," he teased. Mas lalong namula ang mukha ko. Marahas na inalis ko ang kamay niya sa ulo ko pero tumawa lang siya. Tiningnan ko siya nang masama dahil parang tuwang-tuwa siya.
"Just go and marry yourself!" sigaw ko sa kanya. Tumawa lang siya kaya lalo akong nainis.
"I'll go first, Zeus. By the way, I'm Sky not Zero," nang-aasar na sabi niya. Naglakad siya palayo at mahinang tumatawa. Nagulat ako sa sinabi niya at nanggigigil din ako dahil sa inis. Natitigilan naman ako habang nakatingin sa pag-alis niya. Kinuha niya ang cellphone niya dahil tumunog ito. Sinagot niya ang tawag. Inilayo niya sa tainga ang cellphone.
"Don't shout! Sorry. She's interesting," natatawang sabi ni Prius sa taong kausap niya sa cellphone. I don't know if he's referring to me but that made my blood rush to my cheeks. Siguro pinagtatawanan niya ako dahil sa ginawa ko sa game? Nagpanggap akong lalaki! Damn! And he's not really Zero! He's Sky! Paulit-ulit ang pagmumura ko sa isip. At siya pa ang makakasama ko sa Dragon Island! NO! NO! NO! He's so arrogant! Hindi ko kakayanin na makasama siya! Nakasakay na si Prius sa elevator pero natitigilan pa rin ako. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. I'm doomed. I'm near to breaking down!
———-
TO BE CONTINUED...
Author's Important Note.
Hello! Thank you sa readers ng Alkia Kingdom. Thank you sa votes and comments. This is important. Kailangan ninyong basahin.
Matatagalan ang updates? Why? Alam naman ninyo na two months lang ang quest ng game (Alkia Kingdom) na ito. Actually nahihirapan akong pagkasyahin lahat ng pangyayari sa 40 to 60 chapters lang. Ayaw kong paabutin sa 100 chapters. Nakakatamad hahaha! At walang book 2. Kaya ang balak ko, kada chapter, isusulat ko na lahat ng mangyayari sa kanila sa isang buong araw. That means, mahaba ang updates. (Weh? 'Di nga?) Haha, don't worry I'm doubting myself too kasi tamad talaga akong magtype. Kaya I need several days para gawin ang update.
And also, ung maliliit na quest, hindi ko na rin maikukwento. I will focus on the bigger picture of this story. Huwag kayong magugulat kapag nag-fastforward ako ng scenes. Pati kung bakit mataas na agad ang level nila at skills. Pero ita-try kong ipaliwanag sa abot ng aking makakaya. Haha! Thanks sa inyo.
Pwede nga pala kayong magcomment ng predictions ninyo. I'm reading your comments kahit hindi makareply dahil sobrang busy lang. Pero natutuwa ako sa inyo. I love you all <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com