Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12.1 Server



THIS IS A SHORT CONTINUATION OF CHAPTER 12!!! SORRY SA TYPO. UNEDITED. ENJOY! <3




DENISE



Naglalakad ako sa town at pabalik na sana sa silid na inupahan namin nang makasalubong ko si Sky. He smirked at me. Hindi ko sana siya papansinin pero siya na ang unang nagsalita.



"I heard that you visited the Resurrection Hall? How was it?" nang-aasar na tanong niya. Tiningnan ko siya nang masama. Balak ko na sanang maglog out para malaman ng organization ang bug sa dungeon ng Garoa Spider pero nagbago na ang isip ko.



"It was a very nice and peaceful place. Why not see for yourself?" inis na sabi ko sa kanya. I sighed. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga sinasabi niya. "I don't have time for this Sky. I better go," I said, dismissing him. I realized that I have too many important things to do. Babawian ko pa ang pangit na gagambang 'yon.



"Magla-log out ka ba? Are you going to inform the organization?" he asked.



"And why does it concern you?" kunot-noong tanong ko. He smiled. "I'll see you outside this game. Wait for me," he answered. Natigilan ako nang nagmamadali na siyang umalis at iniwan ako. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin. Ano'ng binabalak niyang gawin? At bakit kailangan ko pa siyang hintayin? I could act on my own. I could handle this on my own! Naiinis man kay Sky, nagmadali na rin akong bumalik sa silid na inupahan namin nina Ice. Uunahan ko na Sky bago pa niya ako maabutan. Wala akong balak na maghintay sa kanya. Hindi ko pa nakikita sina Fire pero mamaya ko na iintindihin 'yon.



I woke up inside my room. Nakapag-log out na ako. Nagmamadaling inalis ko ang head gear ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at mabilis na inayos ang sarili. It was already five in the afternoon. Nagmamadaling lumabas ako sa silid ko pero natigilan ako nang makita ko si Prius na nakasandal sa pinto ng silid niya at nakahalukipkip. He grinned at me. Sumimangot ako dahil mas nauna siya sa 'kin.



"I'll accompany you," he said. Tumayo na siya nang tuwid at lumapit sa 'kin. 



"No. I don't need your help. Kaya ko na ito. Saka sasabihin ko lang naman sa kanila. It's not a big deal," pagmamatigas ko.



"Hindi 'yon. Kailangan kong makapasok sa main building nila at kakailanganin kita. Just go along with me. Ipaliwanag mo sa kanila ang bug sa dungeon at gagawin ko naman ang dapat kong gawin," he said seriously. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis sa sagot niya. Ayoko mang aminin pero umasa ako na nag-aalala siya sa 'kin kaya gusto niya akong samahan. Hindi pala! May iba pala siyang agenda. It's my fault for getting my hopes high.



"Huwag mong sabihin na kagagawan mo ang bug sa dungeon?" nagdududang tanong ko sa kanya. And I know, I'm just being unreasonable.



He laughed and shook his head. "Of course not. System error nila 'yon. Pero kung may makukuha akong copy or blueprint ng program ng game nila, pwede kong gawin 'yon," he grinned. Nanlaki ang mata ko. 



"Shit! Balak mong kumuha ng copy ng game? That's illegal! You cheater!" malakas na sabi ko. Tiningnan niya ako nang seryoso. Lumapit siya sa 'kin kaya napaatras ako. He leaned closer, his lips almost touched my ears.



"Lower your voice, pretty girl. Don't cause any misunderstandings. Do you want me to deal with your bad mouth? I will gladly oblige," he teased but with a hint of warning. Alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi. Dapat itinutulak ko siya ngayon palayo pero hindi ko magawa. My face was flushed red because of his warning and what he had called me. And my heart was racing fast because I could smell his manly scent. He's too close to me. His lips almost touched my ears, it was sending million of tickling volts inside my system.



Natauhan ako nang marinig ang mahinang pagtawa niya. Bahagya na siyang lumayo sa 'kin. "Mukhang hindi ko na kailangang gawin dahil natahimik ka na," he said. Marahan pa niyang ginulo ang buhok ko kaya naiinis na tinabig ko 'yon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Naiinis ako! For a while, I could feel the butterflies flying inside my stomach. But it's just for a while. Namatay rin silang lahat nang tumawa siya.



"Let's go, Dei. Hindi dapat tayo nag-aaksaya ng oras," he said.



"I don't know you and I don't think I can trust you. And what did you call me? Dei? It's Denise!" naiinis na sabi ko sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang katigasan ng ulo ko. Ayokong magpatalo sa kanya. At hindi kami close para tawagin niya akong Dei. Kuya ko lang ang tumatawag sa 'kin sa ganoong nickname. Lalong lumawak ang ngiti niya sa labi.



"But I know you," he said. 



"Yeah right. Dahil mukhang napa-background check mo na lahat ng players dito," naiiling na sabi ko. 



"I really know you kahit hindi kita ipa-background check," naiiling na sabi niya. Natigilan ako. Kumunot ang noo ko at nagtatanong ang mga mata na tumingin sa kanya. Hindi na siya sumagot. Naglakad na siya patungo sa elevator. Wala akong nagawa kundi ang humabol sa kanya. Sa huli, makakasama ko pa rin siya. Sa huli, hindi na rin ako nakatutol sa gusto niya.



"What do you mean? You really know me? How?" naguguluhang tanong ko sa kanya.



"Iisang University lang ang pinapasukan natin," he answered. Halos mapanganga ako sa sinabi niya.



"Ano'ng course mo?" gulat na tanong ko.



"Electronics Engineering. Graduate na ako ngayong year. I already got a job after graduation. At ikaw, fourth year na sa pasukan. IT ang course mo, 'di ba?" he casually said. "Si Axcel, kaklase ko."



"Magkaklase kayo? Why are you acting that you don't know each other? Seriously?" gulat na tanong ko sa kanya. Mind blowing talaga lahat ng mga sinasabi niya sa 'kin ngayon.



"Stalker ba kita? Bakit parang ngayon lang kita nakita?" nagdududang tanong ko sa kanya. Bakit? Marami akong tanong sa isip ko. Hindi ko na maisatinig lahat. Naguguluhan ako.



"If you got a job, why are you here?" takang tanong ko.



"Hindi mo ako stalker. Not really. Nakikita lang kita minsan dahil sa isang kaibigan ko. Hindi mo lang alam. Hindi ganoon kalaki ang University para hindi kita mapansin. May common places ang lahat ng estudyante sa University kung saan pwede kitang makasalubong kaya hindi ka dapat magtaka. And you don't have to worry about my job," he answered. Bumukas na ang elevator. Walang tao. Tiyak na naglalaro pa silang lahat sa oras na ito.



"Sino'ng kaibigan mo?" takang tanong ko sa kanya. Bago pa siya makasagot bumukas na ang elevator. Nasa ground na kami. Agad na siyang lumapit sa reception. He was requesting to talk to the in-charge managers for our concern about the game. Pinayagan naman kami kaya sumakay kami ng taxi patungo sa main building ng Game Crest Organization.



"Ano na? Hindi mo na ako sinagot!" naiinis na sabi ko nang makasakay kami sa taxi. He looked at me and mischievously smiled.



"Sige na nga. Sinasagot na kita," he joked.



I blushed. "Stupid," naiinis na bulong ko sa kanya. Ngumisi siya pero hindi na siya nagsalita pa. Sinabi namin sa guard kung ano ang pakay namin. Naalala ko noong una akong pumunta rito. Sigurado akong may kakaibang ginawa si Prius sa mga guards pero mukhang hindi siya kinakabahan ngayon. He was calm and collected. Ako nga ang kinakabahan para sa kanya. Wala sa sariling napahawak ako sa braso niya. Naalala ko rin kasi na muntik na kaming mahuli at ngayon bumabalik na naman kami. He turned to me and gently smiled. Siguro napansin niya na kinakabahan ako. Kinontak ng guard ang pupuntahan namin. Nang masigurado na pwede na kaming pumasok, sinabi niya kung saan kami dapat pumunta.



We are heading in the fourth floor. Napansin ko na naman na mukhang busy ang mga software engineers sa kanilang trabaho. May mga data na nakalagay sa malaking monitor sa pinakaunahan pero hindi ko maintindihan kung para saan. I guessed they were checking all the connections. They made sure that all servers were up while we are playing the game.



Sumakay kami sa elevator. We headed to the manager's office. Mr. Fuji greeted us when we entered his office. Nagpakilala kaming dalawa ni Prius sa kanya. Prius Wiley. Ngayon ko lang nalaman ang totoo niyang pangalan. Tinanong agad ni Mr. Fuji kung ano ang problema. I answered the question. Sinabi ko na may problema sa Garoa Spider dungeon. Nakikinig lang si Prius. Mr. Fuji said that they will investigate the cause of this bug. And they will warn everybody about this for now. They will fix the bug as soon as possible.



"Mr. Fuji, can we have a quick tour inside the workstation? I'm really interested on how this game works. I guess, a little overview is enough, if you don't mind," Prius suddenly said. Bahagyang nag-isip si Mr. Fuji. Halatang nagdadalawang-isip pero pumayag din naman basta mabilis lang. Sinamahan niya kami sa workstation. Busy ang lahat at walang pakialam sa pagpasok namin. Pero napansin ko na may mga monitor sa unahan na biglang pinatay.



"What are those data in the monitor?" Prius asked. Sobrang dami ng monitor na halos malula na ako. Maraming graphs at data. May iba't ibang kulay ng line graphs at bar graphs.



"In those graphs or data, we can monitor the number of user, the ranks, the server's status, the speed of connection. Anything related to the game. We are making sure that the server is always up, 24/7, so everyone can connect anytime they want,"  he answered.



"What will happen if the server went down while we are still inside the game?" wala sa sariling tanong ko. I was really curious. Natigilan si Mr. Fuji. Sumeryoso naman si Prius. He was looking at me like I asked the wrong question. Mr. Fuji laughed nervously.



"It will be a problem, of course but don't worry we are always ready to fix it," he answered indirectly. Itinikom ko na ang bibig. Hindi na rin kami nagtagal dahil nagpaalam na si Prius. He said that he learned enough. We thanked Mr. Fuji for his time. Nang sumakay kami sa taxi, nagreklamo agad ako kay Prius.



"I don't think he answered me correctly," nakasimangot na sabi ko sa kanya.



"Of course, he won't. It's confidential and he will not answer such delicate question. Tiyak na magdadalawang isip ka ng maglaro kapag nalaman mo ang totoong sagot," naiiling na sabi ni Prius. Kumunot ang noo ko.



"I guess, you know the answer. Tell me," pangungulit ko sa kanya. He sighed and looked at me.



"Sigurado ka?" he asked. I nodded firmly.



"Well, I'll tell you. Siguro kapag sinabi ko sa 'yo, magdadalawang isip ka ng maglaro. Mas ligtas kung uuwi ka na sa Pilipinas. Kapag nagdown ang server nila at nasa loob ka ng game, may possibility na ma-trap sa loob ng game ang consciousness mo. Kung hindi na nila maaayos ang server, baka hindi ka na magising habang buhay," seryosong sagot niya.



I gasped. Kinabahan ako sa sinabi niya. "What? Bakit sila gumagawa ng ganito ka-delikadong laro?" I freaked out.



He sighed. "Ngayon, alam mo na kung bakit hindi niya direktang sinagot ang tanong mo. Tiyak na kapag nalaman ito ng mga players, magpa-panic din sila katulad ng reaksiyon mo. For now, we just have to trust them. May kailangan pa akong gawin kaya ko tinanggap ang invitation nila," he said. "Kung nagdadalawang-isip ka na, pwede ka ng umuwi. Pero kung gusto mo pa ring maglaro, magtiwala ka sa kanila. You choose," he said. Natahimik ako.



"And don't worry, if you choose to stay, hindi kita pababayaan. So just enjoy the game for now. Huwag mo na lang isipin ang mga sinabi ko sa 'yo ngayon," he kindly said.



I looked intently at him. Mukhang seryoso naman siya sa sinabi niya. I nodded. Hindi ko alam kung bakit pero biglang kumalma ang buo kong sistema. Sinabi niya na hindi niya ako pababayaan. I will rely on his words. I will believe in him. He smiled gently. Marahan niyang ginulo ang buhok ko kaya napasimangot na naman ako. Pakiramdam ko para akong bata dahil sa ginagawa niya.



—————-


TO BE CONTINUED...



Sorry hahaha! Short lang ito. Anyways, see you in the Gamble City in Chapter 13. Thanks for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com