Chapter 12: Resurrection Hall
UNEDITED. SORRY SA TYPO ERRORS. TAMAD. ENJOY!
DENISE
Third day of the Ranking Quest
"How is it?" mahinang tanong ko kay Fire habang naglalakad kami sa loob ng town. Muntik ko nang makalimutan na testers kami. The staffs and developers were expecting us to report if we encountered bugs and problems while playing this game. Pero ngayon iba ang itinatanong ko kay Fire. Gusto kong malaman kung may nakuha na siyang impormasyon tungkol kay Phoenix.
"We're still working on it. I'll try to talk to him later to gather information," he whispered back. I nodded. Napansin ko na may nadagdag sa laro. May leaderboard na kaming makikita sa dashboard. My rankings na at sumimangot ako nang makita na nangunguna si Sky sa listahan. Second si Zero. Pangatlo ako. Pang-apat naman si Queen. Hindi ko masyadong nakikita si Queen sa town. Siguro abala siya sa pagpapa-level up.
Hindi ko pa rin makalimutan ang pag-uusap namin kahapon maging ang ginawa niya. I could feel my cheeks heating up. Tiyak na namumula ako ngayon dahil sa iniisip ko. Kilala na niya kung sino ako. I gritted my teeth because of overwhelming irritation. Nagtatakang tumingin sa 'kin si Fire dahil sa biglaang pagbabago ng ekspresiyon ng mukha ko.
"Did I say something that upsets you?" takang tanong niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Sunud-sunod na umiling ako. I'm flustered about unreasonable things.
"N-No. May naalala lang ako," nauutal na sabi ko. Lalong kumunot ang noo niya pero hindi na lang nagsalita.
"Nasaan nga pala si Ice?" takang tanong ko sa kanya.
"She's having a cat fight in the duel arena. Uminit ang ulo niya sa isang babaeng player kaya hinamon niya ito," umiiling at tumatawang sabi ni Fire.
"A cat fight? Gusto ko sanang manood pero may gagawin ako ngayon. I'll visit the Shot to Kill Tower again," nakangising sabi ko kay Fire.
"It's fine. You don't have to support Ice's stubbornness," nakangising sabi niya. "But I'm sure she was mercilessly beating her opponent now," dagdag niya pa.
"Ano'ng balak mong gawin ngayon?" tanong ko sa kanya.
"I'll do my own solo quest for now. Mamaya may party quest na naman tayo," sagot niya.
Marahang tumango ako. "Then, I will see you later. Take care!" I said with enthusiasm. I navigated on my dashboard and clicked the Shot to Kill Tower icon. He waved at me before I disappear. Naalerto ako nang mapagmasdan ang fifth level ng tower. Hindi ito katulad ng dati na open space. Malaki at malawak ang fifth floor. May mga bahay at kalye akong nakikita sa palagid. Hindi ko rin makita ang mga kalaban ko dahil maraming maaaring pagtaguan. Agad akong nagtago sa likod ng isang poste.
I need to be careful. Wala akong nakikitang kahit anong gumagalaw sa paligid. Maingat ang mga kalaban ko. Dumagdag pa sa kaba ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. I could feel my heart racing because of anticipation. I focused all my senses to my surroundings. Pinakiramdaman kong mabuti ang mga bagay sa paligid ko. Maging ang mga ingay na naririnig ko ay hindi pinalampas ng pandinig ko. I closed my eyes and focused. It was dark. Pakiramdam ko nahuhulog ako sa madilim at malalim na lugar. Sa sarili kong mundo. I'm recreating my own world in my mind where I could see their movements. I could feel them. The sound of their feet. Their heavy and calm breathing. Their anticipation to kill someone with one shot. I know someone was targeting me from behind. I could also estimate everyone's position inside this small town.
Mahigpit kong hinawakan ang baril sa kamay ko. I opened my eyes. I was determined to gather points today. Gusto kong ilabas ang frustration ko sa game na ito. Gusto kong mabawasan ang inis na nararamdaman ko kay Prius. Iniisip ko rin ngayon na si Prius ang kalaban ko para mas matuwa ako kapag nagpaulan ako ng bala sa mukha ng mga kalaban ko.
Ang isang kalaban ko ay nasa isang bubong ng bahay at nagtatago. Alam kong handa na siyang magpaputok sa direksiyon ko pero uunahan ko na siya. Mabilis akong kumilos at tumalon palayo sa kinatatayuan ko. Nagulat pa ang target ko nang tumalon ako sa bakod ng bahay na kinaroroonan niya. Dahil sa pagkataranta, sunud-sunod na nagpaulan siya ng bala sa direksiyon ko. Tiyak na nakuha niya ang atensiyon ng ibang players. I frowned while avoiding the bullets. I jumped on the roof, opposite from where he was.
Tatakbo na sana siya pero bago pa siya makaalis sa kinaroroonan, bumaon na ang isang bala ko sa dibdib niya. He disappeared. Napansin ko na hindi na tumatalbog ang mga bala, hindi katulad ng dati. My gun was loaded with twenty bullets. Agad akong tumalon sa baba ng bahay upang magtago pero hindi rin ako nag-aksaya ng oras.
May dalawang kalaban na malapit lang sa kinaroroonan ko. Agad akong tumakbo sa isa sa pinakamalapit sa 'kin. I was attacking from his behind. May target siyang iba kaya nagulat siya nang maramdaman ang paglapit ko. Lumingon siya sa 'kin. Agad akong nagpaputok sa kanya pero naiwasan niya. Gumulong siya sa kalye. Mahina akong napamura dahil may isa pang kalaban na nag-aabang mula sa likod ko. Tumalon ako sa bakod para iwasan ang bala nito.
Damn! Nasira ang plano ko! Gumalaw na ang lalaking pinaputukan ko kanina. He started to run away but I won't allow him. Pero hindi rin hahayaan ng isa ko pang kalaban na makatakas ako. Dahil hindi na tumatalbog ang mga bala, hindi na ako makagagawa ng kung anu-anong tricks. Hinayaan ko nang tumakas ang inaasinta ko kanina kahit naiinis ako. Nagtago muna ako sa likod ng sementadong bakod. Pinakiramdaman ko ang lalaking bumaril sa 'kin kanina. Tiyak na nagtago na rin siya.
Ikinasa ko ang hawak kong baril. I could hear his small and careful steps. Papalapit siya sa kinaroroonan ko. Naglakad din ako sa pinakadulong bahagi ng bakod upang salubungin siya. Halos hindi gumagawa ng ingay ang bawat hakbang ko. Bahagya kong pinakalma ang sarili dahil bumibilis ang tibok ng puso ko sa antisipasyon.
Naramdaman ko na nasa kabilang na bahagi na siya ng bakod na kinaroroonan ko. Nasa dulo na ako. At anumang oras ay tiyak na susulpot na ang lalaki sa harapan ko. Nang maramdaman ko ang mabilis na pagkilos niya, naalerto ako. Mabilis siyang sumulpot sa bahaging kinaroroonan ko at hawak ang baril na balak niya sanang itutok sa 'kin. Pero napigilan ko agad siya. Pinilipit ko ang kamay niya na may hawak na baril. Napangiwi siya at dumaing nang mahina. Nabitawan niya ang kamay kaya naitutok ko sa ulo niya ang baril ko. Nakalapat sa ulo niya ang malamig na baril. Ipinikit ko ang mga mata bago ko ito ipinutok sa kanya.
"Bye King," mahinang usal ko. Pagmulat ko, wala na siya. Ikinasa kong muli ang baril at maingat na tumakbo patungo sa sunod kong biktima. Tumalon ako patungo sa bubong ng isang bahay. Sinapat ko mula sa malayo ang isusunod ko. I'm carefully watching their every move. I spotted two players ready to fight head on with their guns. Parehong nakatutok sa isa't isa ang mga baril nila. Pareho na silang pinagpapawisan. They were ready to pull their triggers.
Kahit malayo ako sa kanila, kaya ko silang asintahin nang walang mintis. The problem is I only had one gun. Tiyak na maaalerto ang isa sa kanila kapag tinira ko ang isa. But I have no choice. Ihinanda ko ang baril ko. I pulled my trigger before they could do something with each other. Sakto sa ulo ng isang player kaya unti-unti siyang naglaho. Nagulat ang isa sa kanila at nagpalinga-linga sa paligid. I hid myself. He ran away because he's unsure of my location. He was planning to hide.
Tumalon ako sa baba at tumakbo sa kantong lilikuan niya. Balak ko siyang salubungin ng sarili kong bala. Nang lumiko ako natigilan siya sa pagtakbo nang makita ako. Narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura nang itutok niya ang baril niya sa 'kin. Sunud-sunod na nagpaputok siya sa 'kin pero mabilis akong umiiwas sa mga bala. Like I was dancing with his bullets. Tumakbo ako patungo sa kanya kaya napaurong siya. Halos manginig siya nang tuluyan akong makalapit sa kanya nang hindi man lang nagagalusan. Face to Face, I placed the tip of my gun under his chin. I shoot him without hesitation. He started to vanish slowly. Kung sa totoong buhay ito, tiyak na manginginig ako sa takot dahil sa mga ginagawa ko. Mabuti na lang, laro lang ito. Kumunot ang noo ko dahil sa balang alam kong malapit nang tumama sa likod ko. Ginamit ko ang bakod para tumalon at umiwas sa bala. Nilingon ko ang pangahas habang nakatayo ako sa bakod.
Nakatayo siya sa bubong ng isang two-storey house. May dalawang bahay pa sa pagitan namin pero tanaw na tanaw ko siya. May naririnig din akong malalakas na putok ng mga baril sa buong paligid. Nakatutok sa 'kin ang baril niya. Akmang gagalaw na ako pero muli siyang nagpaputok sa 'kin. Alam kong hindi niya ako hahayaang makaganti pero hindi maaari 'yon. Umiwas ako sa mga tira niya. Tinakbo at binaybay ko ang bakod habang sinusundan ako ng mga bala niya. Matitinis na ingay ng bala ang maririnig sa paligid. Pinagmasdan ko ang kinaroroonan niya. Sinipat ko kung gaano ito kalayo mula sa 'kin.
Tumalon ako pababa at tumakbo sa isang kanto na hindi niya matatanaw. Maingat na tumatakbo ako dahil hindi ko sigurado kung nasaan ang iba ko pang kalaban. Tumigil na sa pagpapaputok ang kalaban ko dahil hindi na niya ako makita. Nang marating ko ang harap ng bahay kung nasaan siya, nakita niya ako at muli siyang nagpaputok pero patuloy ako sa pag-iwas. Tumalon ako sa bakod, sa unahang bubong ng bahay hanggang sa makarating sa kinaroroonan niya. Halos madulas siya pababa sa bubong dahil sa takot nang makalapit ako sa kanya. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tinira ko na siya. Hindi na siya nakaiwas pa. Four down. Hindi pa ako nate-teleport pabalik sa town kaya alam kong may kalaban pa.
I looked around the place. Wala ng ingay ng putok ng mga baril. Tahimik na tahimik sa buong paligid. Tanging ihip lang ng hangin ang maririnig. Hindi ko rin alam kung ilan na lang kaming natitira. Tiyak na nagtatago ang bawat isa. Hindi ako nag-abalang bumaba. I was purposely exposing myself to the enemies. Ipinapain ko ang sarili ko para mapilitan silang lumabas sa pinagtataguan nila. That's the easiest way to track them. Alertong naghihintay ako sa mga balang pakakawalan nila.
Ilang minuto lang, nakarinig ako ng malakas na putok mula sa kanan ko. Naramdaman ko rin ang lumilipad na bala sa direksiyon ko. Agad akong tumalon paurong sa kinatatayuan ko para umiwas pero nasundan ulit ito ng isa pang bala. Napilitan akong bumaba at magtago pero bago ko gawin ito, nakita ko kung nasaan ang kalaban.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. I ran towards him. Nasa pangatlong kanto siya at nagtatago rin sa isang bubong ng bahay. Hindi ko hinayaang makita niya ang kinaroroonan ko. Sa kabilang kanto ako dumaan pero kumunot-noo ako nang mapansin ko na wala na siya sa puwesto niya.
Nagulat ako nang may magpaputok mula sa likod. Gumulong ako sa kalye upang umiwas. Agad akong tumayo at itinutok ang baril sa kanya. He's the same person who hit me a while ago. Nakatutok din ang baril niya sa 'kin. Mataman kong tiningnan si Knight. Nakatitig din siya sa 'kin. It's like we were waiting for a go signal to fire.
Nang umihip ang malamig na simoy ng hangin, sabay naming pinakawalan ang mga bala namin. Sabay rin kaming gumalaw upang umiwas sa bala. Agad naming ikinasa ang baril na hawak namin at muling itinutok sa isa't isa. Walang takot na tumatakbo kami patungo sa direksiyon ng isa't isa. Wala kaming pakialam kung ano ang maaaring kalabasan nito pero patuloy kami sa pagpapaputok at pag-ilag. Nang tuluyan akong makalapit sa kanya, nakatutok ang baril niya sa puso ko. Nagpaputok siya pero naiwasan ko. I grabbed that chance to move even closer to him. And with that, I shoot his heart mercilessly. Narinig ko ang malakas niyang sigaw bago siya naglaho. Naramdaman ko rin ang paglalaho ng katawan ko. That means, the fight was over. Level 10 na ako sa Shot to Kill Tower.
I was teleported back to the town. That's when I decided to do my solo quest for today.
***
Sa pangalawang layer ng wild forest, wala na ang mga Killer Bears. Teritoryo na ito ng mga Garoa Spiders. Makikita ang mga makakapal at malalagkit na sapot sa mga puno at sa buong paligid. I have to kill ten of these spiders. And it's weird that one of the NPCs in town was asking me to bring back silks coming from these spiders. They will make fine clothings from these spider's silks.
Maingat akong naglalakad at nagmamasid sa buong paligid. Iniiwasan ko ang mga sapot dahil tiyak na mahihirapan akong makawala sa mga ito. Wala akong nakikitang mga gagamba. Alerto ako. Hinahanap ko kung saan sila nagtatago. Tumingala ako sa mga matataas na puno. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang mga paa ng mga gagamba na gumagapang sa likod ng mga sanga. Hindi ko pa sila nakikita nang lubusan pero alam kong marami sila.
I bought a hunter knife for this quest. Pero tiyak na kakailanganin ko rin ito sa mga susunod kong misyon. Alam kong hindi gagalaw ang mga Garoa Spider hangga't walang nahuhuli sa kanilang patibong. They're waiting patiently for their preys.
Ginamit ko ang hunter knife ko para putulin ang mga sapot sa paligid. Nagsimulang gumalaw ang mga sapot na ito at tumawag sa atensiyon ng mga Garoa Spider. Napasinghap ako nang ang isa sa kanila ay nagmamadaling bumaba sa kinaroroonan ko gamit ang sarili nitong sapot. Agad akong lumayo upang umiwas sa pinakawalan nitong sapot upang hulihin ako. Dumikit ang sapot nito sa lupa. It was really sticky. Ihinanda ko ang bow and arrow ko. Bumaling ang mga mapupulang mga mata. Noon, Baby Garoa Spider pa lang ang nakakalaban ko pero ngayon malaki na ito. Mas malaki pa sa 'kin. Mabalahibo rin ang dark red na katawan nito. It has barbed hairs. I'm sure it can throw barbed hairs to my direction too. It seems like a Giant Tarantula to me. May matutulis at mahahabang na mga pangil na sisipsip sa dugo ng mabibiktima nito. And its bite was poisonous too. Ang mga paa nito ay may matutulis na bahagi sa bawat gilid. Level 34 na ang kalaban ko samantalang Level 29 pa lang ako. Kanina, bumili na ako ng ilang kasuotan para madagdagan ang defese level, agility at speed ko kahit paano.
The Giant Garoa Spider started to throw barbed hairs into my direction. Matutulis at matatalas ang mga ito. They could possibly cause severe damage if I will be reckless. Hindi rin ako sigurado kung may lason ang barbed hairs nito. Maingat ako sa pagtalon dahil sa mga sapot sa paligid. Pinaulanan ko ng Arrow Strike ang gagambang nasa harapan ko. Lalo itong nagwawala at nagiging mabagsik. It attacked me with its sticky webs. Tumatakbo at tumatalon ako upang umiwas. I used my Twin Blazing Arrow and hit its head. Nahihirapan akong gumalaw dahil sa mga sapot na nagkalat sa paligid. Tila nasa loob ako ng isang maliit na kulungan. I used my Angel's shot to stun and blind the enemy. Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang tirahin siya ng Arrow of Destruction technique ko. Malaking pinsala ang natamo nito. Malalakas ang mga sigaw nito na nakakuha rin sa atensiyon ng iba nitong kasama. Nagmadali na ako dahil ang dalawa sa kanila ay nagsisimula nang bumaba sa puno. Malapit nang maubos ang Health Points na ito kaya tinira ko ito ng Blazing Eagle Arrow. It was a critical hit. The Giant Garoa Spider disappeared. Naalerto ako dahil nakababa na ang dalawang Giant Garoa Spider.
I already wielded two new skills. Poisonous Shot and Meteor of Death. Nang makita nila ako, agad silang nagpaulan sa 'kin ng barbed hairs na hindi ko madaling naiwasan. Ang ilan sa mga barbed hairs na ito ay bumaon sa hita at braso ko. Nahiwa rin ang parteng nadaplisan ng mga pag-atake nila. Napangiwi ako dahil sa sakit. Ramdam ko ang dugong lumabas mula sa sugat ko.
Ginamit ako ang Meteor of Death. It was a meteor of arrows raining down which contained deadly poison. Ang pagkakaiba nito sa Poisonous Shot ay marami ito at mas malaking ang Mana energies na nagagamit dito. Hindi naiwasan ng mga gagamba ang atake ko. They screamed in pain but those arrows didn't stop them from attacking. Nagpakawala sila ng sunud-sunod na web sa direksiyon ko. Patuloy naman ako sa halinhinang pag-atake sa kanila habang umiiwas sa mga sapot. Ang isa sa kanila ay tumitira ng barbed hairs sa direksyon ko samantalang ang isa naman ay webs. Nagsimula silang lumapit sa 'kin upang i-corner ako. Napangiwi ako dahil baka nila akong kagatin gamit ang mga naglalakihang pangil nila. Dahil sa sunud-sunod nilang pag-atake, hindi ko namalayan ang sapot sa likod ko. Dumikit ang buo kong katawan rito. I struggled but it was sticky. My legs and arms were unable to move too. Mas lalo lang dumikit ang mga ito sa sapot. I tried to reach for my hunter knife but it was too late.
Ang isa sa mga gagamba ay handa nang balutin ang buo kong katawan ng sapot. They were all ready to eat me. And then, I was shocked with what happened next. Someone saved my ass from this annoying spiders. Sky directly hit the head of the nearest spider to me using his huge and shiny lance. Halos mahati sa dalawa ang katawan ng Giant Garoa Spider. He launched his second attack and made an X pattern in its body. It disappeared.
He turned to me and released me from the web. I was almost mesmerized with his cool moves. I frowned.
"You should have just release me. There's no need to kill my target," reklamo ko sa kanya nang makawala ako. "What are you doing here? Are you following me?" I asked him. He grinned.
"We're just passing by," he said. He looked up to one of the trees. Nakita ko roon ang isang napakaganda at seksing mage. It was Cember. She was a pink-haired girl. Naka-ponytail ang buhok niya. Her pink and black small dress were too sexy for her. Her cleavage and perfectly shaped porcelain legs were eye catching too. "Nagkahiwa-hiwalay kami ng mga ka-party ko kaya siya na lang ang kasama ko. She's acting as my support kaya madalas ko rin siyang kasama," he answered. Nang akmang susugurin na si Sky nang isa pang gagamba, Cember hit it using a Wind Slash.
Hindi natinag si Sky. At ako naman, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I hate to entertain this weird feeling. Sumikip ang dibdib ko. I think I was jealous. Hinayaan namin si Cember na makipaglaban sa Giant Garoa Spider. Wala sa sariling napasimangot ako. Pilit kong itinago ang nararamdaman ko. Why should I feel jealous? Pero shit! Ang sakit talaga sa puso!
"You can leave now. I'll be fine alone. Thanks for your help," I said blankly. I'm trying to hide my feelings.
"Are you sure?" he asked with concern. I nodded firmly. Saglit lang niya akong tiningnan. He turned to Cember who was fighting alone.
"Well, if you're in girl form, I won't follow you. I will surely watch over you. Pero dahil lalaki ka pa ngayon, I'll go," he answered. Kumunot ang noo ko. What does he mean? "Cember, that's enough. Let's go!" he said with authority.
Tumigil na si Cember at agad na sumunod kay Sky. Hahabulin pa sana siya ng Giant Garoa Spider dahil hindi pa niya ito natatalo, pero tinira ko na ito ng Arrow of Destruction hanggang sa maglaho itong parang bula. I was really pissed off right now!
***
Natapos ko na lahat ng quest ko sa araw na ito. Level 30 na ako. I will visit a clothing stall. Gusto kong maghanda sa pagpasok ko sa Gamble City. I was really excited to know what's in there. It was an illegal city. Tiyak na may malalakas na sandata o items akong makikita na illegal na ibinebenta o pinagpupustahan. Gusto kong malaman kung may mga bagay akong mapakikinabangan sa City.
Habang naglalakad sa town, hindi ko inaasahang makakasalubong ko sina Zero at Sky. Tila may pinag-uusapan silang mahalaga. Natigilan ako sa paglalakad. Kahit gusto kong lumihis ng daan ay hindi ko na magagawa dahil bumaling na ang atensiyon nilang dalawa sa 'kin.
I can't even hide my flustered face when Sky's and my eyes met. Mag-iiwas na sana ako ng tingin pero mas nauna na si Sky. Kumunot ang noo ko dahil sa ikinilos niya. I should be the one who was avoiding eye contact! Naiinis pa rin ako dahil sa nangyari sa kagubatan kanina! Mabuti na lang hindi niya kasama si Cember ngayon dahil baka lalong uminit ang ulo ko!
"Zeus!" bati sa 'kin ni Zero. He saluted at me. I just nodded at him. Nakalapit na silang dalawa sa kinatatayuan ko. Pero ramdam ko na labay kay Sky ang paglapit sa 'kin. Napilitan lang siya dahil kay Zero.
"Sky, I was wondering. Bakit hindi na lang natin isali si Zeus sa mga balak nating gawin. I think, he'll be a big help. Mas mapadadali ang lahat," suhestiyon ni Zero bago bumaling sa 'kin. "By the way Zeus, can I ask your real name? Madalas kitang nakakausap sa mga online games pero hindi ko pa alam ang totoo mong pangalan," nakangising sabi niya sa 'kin.
Napalunok ako sa sinabi niya. Right. Hindi ko rin alam kung ano ang totoo niyang pangalan. Nang marinig ni Sky ang sinabi ni Zero, saka siya seryosong tumingin sa 'kin. Tila nagbabanta ang tingin niya at sinasabing huwag kong sagutin ang tanong ni Zero. My heart skip a beat. I don't even know why. I hate it! I'm sure that I blushed! I was inside a man's body and having this kind of feeling is weird. Lalaki ako sa game, for Pete's sake! Mabuti na lang tumingin si Sky kay Zero kaya natitiyak kong hindi niya napansin ang reaksiyon ko.
"Don't involve him in our problems, Zero. It's risky sharing information to someone you just met," naiiling na sabi niya. Nawala ang kakaiba kong naramdaman dahil sa sinabi niya. Bumalik ako sa katinuan. I glared at him. "And you don't have to ask for his name. It's unnecessary," he said. Tila iniiwasan niyang malaman ni Zero kung sino talaga ako pero ayos na rin. Sumimangot ako. Tila gusto kong inisin si Sky. Gusto ko ng sabihin kay Axcel kung sino talaga ako pero pinigilan ko ang sarili ko. I must not let my temper and ego to destroy me.
"But—" Magsasalita pa sana si Zero pero pinutol na ito ni Sky.
"No buts. Come on! Let's go, Zero. Let's just mind our own business," he said to interrupt. Binilisan na niya ang paglalakad at nilampasan ako. Kumunot naman ang noo ni Zero sa inasal ni Sky.
"Are you upset?" takang tanong ni Zero na nagmamadaling sumunod kay Sky. Nag-overtake siya kay Sky para kulitin ito. I gritted my teeth. Naiinis ako dahil binabalewala ako ni Sky. I wanted to confront him! Nagmamadaling sumunod ako kina Sky at Zero.
"Sky, let's talk," seryosong sabi ko kay Sky. Tumigil sila sa paglalakad. Kumunot ang noo ni Zero dahil sa sinabi ko. Palipat-lipat ang tingin niya sa 'ming dalawa.
"Maybe, I must take my leave now. Mukhang hindi ako kailangan sa pag-uusapan ninyo," sabi naman ni Zero na nakakunot-noo sa 'ming dalawa. "Kung may pinagtatalunan man kayo, resolve it as soon as possible. It will be a problem in the future if you're both stubborn about this conflict," naiiling na dagdag niya. Hindi na kami nakapagsalita sa komento niya. Umalis na siya kaya hindi na siya napigilan pa ni Sky.
Sky sighed. Nakatalikod siya sa 'kin at tila walang balak na harapin ako.
"What?" seryosong tanong ni Sky.
"What? You are! Shit! I can't understand why you're treating me this way!" naiinis na sigaw ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang bunganga ko sa inis. I was a man here! I shouldn't make this issue a big deal! What's happening to me?
"Look at me! I'm talking to you! Are you playing with me? Kapag nasa labas tayo ng game, pinagti-trip-an mo ba ako?" sunud-sunod na tanong ko.
"I don't know," he answered. Kumunot ang noo ko dahil humina ang boses niya nang muli siyang nagsalita. "But I can't look at you right now. I can't look at you with affection. For me, it's wrong. Weird. Awkward. You're still a man inside this game. Shit!" he mumbled.
Tanging pagmumura lang niya ang malinaw kong narinig.
"What? I can't hear you! Can't you speak louder?" frustrated na sabi ko sa kanya.
"Don't mind me," he said and turned to me. "I'm just busy thinking of how to make you a girl as soon as possible so that I can look at you naturally," he answered. I blushed.
"Kung ganu'n gender ko ang problema rito? You're ridiculous! You can't look at me because I'm a boy? You're unreasonable! Damn! Fine! I'll go! This argument is nonsense!" I said. Naiinis na naglakad ako palayo pero hindi niya ako hinabol. Naiinis ako sa sarili ko! Feeling chicks! Ano na ba ang nangyayari sa 'kin?
Agad kong tinipon ang mga kasama ko. We were now raiding the Garoa Spider's dungeon. Hindi pa rin nawawala ang pagkainis ko sa sarili ko at kay Sky. I was losing my cool. This is bad.
***
We were able to get rid of the Giant Garoa Spiders outside the dungeon. Nang makapasok kami sa loob ng madilim na kweba, mapapansin ang mga naglalakihang sapot sa paligid. Maingat kami upang hindi mahuli sa mga ito. Mainit sa lugar. Naramdaman ko na pinagpapawisan ako.
Nang makapasok kami sa isang lagusan, agad na sumara ito. Wala ang boss sa paligid. Malamlam ang liwanag na nanggagaling sa mga kulay asul na ilawan. Nagulat na lang kami nang biglang bumaba mula sa itaas ang pakay namin. Nagpa-ulan ito ng mga spider webs. At hindi lang 'yon, may kasama pang asido ang mga sapot nito. Umusok ang lupang tinamaan nito. Mabuti na lang agad kaming nakailag. Kaya pala mainit sa lugar. The dungeon boss was also secreting poisonous acids.
We started to attack the Garoa Spider. Nasa level 38 na ito. But there's a problem. Tila may kakaiba sa bawat atake nito. Walang kontrol. Matibay ang kulay yellow na armor na suot nito sa buong katawan. Mahahaba rin at matutulis ang mga barbed hairs nito. Maging ang mga pangil nito ay nakapangingilabot dahil sa talas at laki.
We were switching places and attacking the boss but it was no use. Sobrang lakas ng inilalabas nitong kapangyarihan. It was above normal. And I think it was a bug too. We should report this incident to the organization. Maging ang mga atake nito ay walang katapusan at napakalakas. We couldn't even retreat now. Ang ilan sa 'min ay nahuli na sa mga sapot at halos matunaw ang mga katawan dahil sa asido na tumama sa 'min.
Nagmumura na kaming lahat. "I think this is a bug. Walang cooldown sa mga tira nito. It was too flexible and strong. It's attacks has no limit. I doubt if we can win this! Shit!" sabi ko sa kanila habang umiiwas at umaatake sa boss. Halos ubos na ang mga Mana at HP replenisher namin. Ilang oras na kami sa loob ng dungeon pero walang nangyayari.
"Shit! You're right it was a bug. I just noticed its stats. The defense, agility and speed were above normal. It was too high for a Level 38 monster," Fire said.
"Let's try to retreat. Kaya ba nating sirain ang bato na tumatakip sa lagusan?" I asked.
"I don't know. Let's try," Fire said. I commanded them to destroy the stone covering the path. I act as a decoy for them to escape. Iniiwasan ko ang mga atake ng boss pero kulang pa ang bilis ko. They managed to destroy the stone covering the path but it was too late for me. I was already trapped by the boss' web. It was ready to devour me now. Tutulungan pa sana ako nina Fire pero pinigilan ko sila.
"Run for your lives! Escape! This is an order!" sigaw ko. Natigilan sila. Kahit nagdadalawang-isip ay sumunod sila.
The next thing I knew, I woke up inside the defeaning silence of the Resurrection Hall. I was lying in a hard stone bed alone. Masakit ang ulo ko. I looked around the place. May naka-ukit sa dingding pero hindi ko maintindihan kung ano. Tahimik at malawak ang lugar. Napansin ko na isang oras na pala ang lumipas kaya nagmadali ako upang lumabas. We must report this to the organization.
———————————
TO BE CONTINUED...
Sorry sa matagal na update dahil busy lang ako sa work. Thanks sa paghihintay. Buti na lang hindi ako napi-pressure dahil mababait kayo :P haha! Lovelots... Minsan masaya rin kahit konti ang readers kasi hawak ko ang oras ko haha! Walang pressure. Thanks <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com