Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13.1: You are Mine

THIS IS A SHORT UPDATE. CONTINUATION NG CHAPTER 13.



UNEDITED. TAMAD. SORRY SA TYPO. KAPAG ISINULAT KO, HINDI KO NA BINABASA, AFTER. ENJOY!



DENISE



Namula ang mukha ko nang pumasok kami sa main gates. Buhat pa rin ako ni Sky. Kampanteng naglalakad na siya ngayon.  



"Shit! Sky! Ibaba mo na ako!" naiinis na sabi ko. Tiyak na maaagaw namin ang atensiyon ng ibang players sa ganitong ayos. At ano na lang ang sasabihin nila kapag nakita nila ang itsura ko ngayon? 



"Sky! Nakikinig ka ba? Ano na lang ang sasabihin ng mga makakakita sa 'tin? Ibaba mo na ako!" inis kong sabi dahil tila hindi niya narinig ang sinabi ko kanina. May ilang players na nakatingin na sa direksiyon namin. I don't know what to do. I unconsciosly hid my face in Sky's chest. Gusto ko ng maglaho na parang bula.



He laughed. "Mas lalo nating maaagaw ang atensiyon nila kung ibababa kita. Wala ka ngang matinong damit," he said. 



"I hate you," matalim na wika ko sa kanya. Halos pabulong na lang ang tinig ko. Maraming bagay ang naglalaro sa utak ko. My gender. Tatanggapin ba ako ng ibang co-party members ko? Pagtatawanan ba ako ng ibang players dahil sa pagpapanggap ko? What will I do? At may isa pang gumugulo sa utak ko. His kiss. His damn kiss! Shit! How could he act normal after kissing me? Samantalang ako, hindi makahuma sa mga nangyari. I bit my lower lip.



"Is that Zeus?" narinig kong bulungan ng mga players.



"I can't see but I think she's a girl," komento ng isa.



"Shit! Why is she a girl? Is that really Zeus?" gulat na tanong naman ng isa. 



"Is she really a girl?" tanong pa ng isa.



Dahil sa inis ko. Walang babala at nanggigigil na kinurot ko ang tiyan ni Sky. Sobrang tagal ng pagkurot ko sa kanya at padiin nang padiin.



"Damn! Shit! Ahhh! Zeus!" malakas na sigaw ni Sky. I was really frustrated. I don't want to stop. Dahil siya naman ang may kasalanan, sa kanya ko na ilalabas ang lahat ng pagkainis ko. Mas lalo kong diniinan ang pagkurot sa kanya. Gigil na gigil ako. Gusto ko pa nga siyang kagatin dahil sa pagkainis ko.



"Stop!" naiinis na sabi ni Sky. Nagmadali na siya sa paglalakad patungo sa clothing store. Agad siyang pumasok sa loob at bigla na lang akong binitiwan. Nahulog ako sa sahig nang walang kalaban-laban. 



"Aray!" sigaw ko dahil masakit ang bumbunan ko na tumama sa sahig. Naiinis na hinaplos ko ang bumbunan ko. Tiningnan ko siya nang masama. Maging siya ay masama rin ang tingin sa 'kin.



"Brat," he frowned. Hinahaplos niya ang tiyan niya na kinurot ko.



"Stupid," inis din na sabi ko sa kanya. "You said you will buy me clothes. Be sure to keep your words," naiinis na banta ko sa kanya. Tingnan natin kung hindi maubos ang pera niya.



"Of course. I will keep my words. Bilisan mo ng pumili," naiiling na sabi niya. Inirapan ko siya. I wrapped my cape all over my body. Mahirap ng mahubaran at masilipan ng mokong. Tumayo na ako at nagsimulang maghanap ng damit. Syempre 'yong pinakamahal ang bibilhin ko. Ngayon lang ako na-excite magshopping dahil hindi ko naman pera ang gagastusin ko. May nakita akong damit na nagkakahalaga ng 99 999 gold coins. Isang set na 'yon, mula ulo hanggang paa. I bit my lower lip. Gusto ko talaga ang damit at hindi ako sigurado kung papayag si Sky dahil sa presyo.



"Sky!" pagtawag ko sa atensiyon niya. Nagtatakang lumingon siya sa 'kin at kumunot ang noo. Suplado ang loko. "99 999 gold coins," nakangising sabi ko sa kanya. Halos mapanganga siya sa sinabi ko.



"Ano ba 'yang damit na 'yan? Ginto?" gulat na tanong niya sa 'kin. 



"I think so," pang-iinis ko sa kanya. "Will you buy it or not? Just tell me if you can't keep your words," I said to provoke him. Napailing siya. 



"Kapag naging asawa kita, mukhang mamumulubi ako sa 'yo," pagrereklamo niya.



"Sino ba'ng may sabi na asawahin mo ko? Reklamo ka pa. Ikaw na nga ang nangangailangan ng asawa," tanong ko sa kanya at pinanlakihan siya ng mga mata. Unti-unting kumunot ang noo ko dahil tila may mali sa pinag-uusapan namin.



"Teka nga! Sino naman ang may sabi na magpapakasal ako sa 'yo?" takang tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya pero hindi niya sinagot ang tanong ko.



"I'll buy it for you," he said. May tinawag siyang NPC at doon nagbayad. "Magpalit ka na ng damit. I'll wait for you outside," he said. Napanganga ako dahil sa ginawa niya. He really paid for it? Hindi na ako nakapagsalita dahil lumabas na siya. Ilang minuto akong natigilan bago ako nagpasyang pumasok sa isang dressing room pero hindi pa rin ako makahuma sa ginawa niya.



Natigilan ako nang makita ko ang sarili sa salamin. Magulo ang mahaba at tuwid kong gintong buhok kaya sinuklay ko ito gamit ang kamay. Nang mapagmasdan ko nang maigi ang mukha ko, napangiti na lang ako. Makinis ang mala-porselana kong balat. My face was a perfect diamond shape. Mahahaba at malalantik ang pilik-mata ko. Kulay emerald green ang mga mata ko na kapansin-pansin din. Manipis at mapula ang labi at matangos at perpekto ang hugis ng ilong. I looked like an innocent angel. Mapait akong napangiti at napailing. Looks can be deceiving. Nang magsimula akong magbihis, kapansin-pansin ang maganda at perpektong hugis ng katawan at hita ko.



Nang matapos magbihis, pinagmasdan ko ang kabuuan ko sa salamin. I was wearing a very sexy outfit. It was a silver dress with gold linings. My cleavage was totally exposed. Kita rin ang pusod at undies ko. Nakabutones ang damit na hanggang sa ibabaw ng pusod ko lang. Mahaba ang dress sa magkabilang gilid at likod na hanggang tuhod. I was wearing a high-heeled silver boots with gold linings. Hanggang sa tuhod ko ito. It was designed with feathers and furs. May suot din akong gloves at cape. Isinukbit ko na sa likod ang Crystal bow ko. I'm not yet done with my make over.



Lumabas na ako sa clothing store. Sa accessories store naman ako pupunta.



"What took you so lo—" sabi ni Sky pero naputol ang sasabihin niya nang lubusan akong matitigan. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. Naglakad na ako patungo sa sunod kong destinasyon at hindi na siya pinansin. Agad naman siyang humabol sa 'kin.



"99 999 gold coins 'yang katiting na telang 'yan? You're exposing too much skin," pagrereklamo niya.



"Malamang! What do you expect? We're inside a game," naiiling na sabi ko. Napaka-unreasonable niya.



"Yes. We're inside a game pero may mabibili ka namang mas matinong damit kaysa diyan," he said while frowning. Itinulak ko ang pinto ng accessories store at pumasok. 



"Nabili ko na. Wala ka ng magagawa," nakasimangot na sabi ko. Naghanap ako ng accesories na pwede kong mabili. Hindi na nagsalita si Sky pero hindi maipinta ang mukha niya. Lihim akong napangiti. Naperahan ko na siya, nagtagumpay pa ako na inisin siya. Waging-wagi! Hindi na ako lugi.



Nang mabili ko na ang kailangan ko, agad akong humarap sa salamin na nakita ko sa shop. Seryosong nakatingin lang sa 'kin si Sky habang pinapanood ang ginagawa ko. Sinuklay ko ang buhok ko. I put a winged-like silver clips in both sides of my head. I wore a golden earrings, necklace and bracelet. I smiled with satisfaction at my reflection on the mirror.



I turned to face Sky. "What do you think?" nang-aasar na tanong ko sa kanya. Kumurap-kurap pa ako para itodo ang pang-aasar ko sa kanya. He sighed in defeat and shook his head. He crossed his arms on his chest. Seryosong tumitig  siya sa 'kin. 



"I can't do anything with your outfit now. But always remember this, the moment you became a girl inside this game, you're already mine," he reminded me. Nawala ang ngiti ko sa labi. "And this very time that you're wearing an expensive dress I bought for you, you should know that you can't escape from me anymore," he grinned.



Napanganga na lang ako. Bina-blackmail niya ako dahil sa suot kong damit? What?



"No way! Ako pa ang tinakot mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.



"Hindi kita tinatakot. Ipinaaalala ko lang sa 'yo," he grinned. Inirapan ko siya. Wala naman siyang magagawa kahit ano'ng gawin niya kaya hindi ako natatakot. Nilampasan ko siya at lumabas na sa store. Hindi na sumunod sa 'kin si Sky. Bigla akong naka-conscious dahil sa mga players na napapalingon sa direksiyon ko. Gulat na gulat sila at hindi makapaniwala. I sighed. I held my chin up. Kailangan ko itong harapin.



Maging si Ice na makakasalubong ko sa daan ay natigilan at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa 'kin. Kasama niya si Fire na nagulat din. Ako na ang naunang lumapit sa kanila. Nakasimangot ako dahil halos lumuwa na ang mga mata nila.



"Bruha! Ano'ng nangyari sa 'yo? Ikaw ba talaga 'yan," agad na reaksiyon ni Ice.



"Hindi! Hindi ako 'to! Nagpapanggap lang ako!" sarkastikong sagot ko sa kanya. Humaba ang nguso niya dahil sa sagot ko. Tumawa naman si Fire.



"Ano'ng nangyari?" takang tanong ni Fire.



"May stupid na sapilitang nagpainom sa 'kin ng gender potion. Ibinigti ko na siya sa kagubatan," naiinis na sagot ko. 



"Sino ang ibinigti mo?" seryosong tanong ni Sky na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala. Kabute ba siya? Kung saan-saan na lang sumusulpot.



"'Yong malaking ipis na hindi mamatay-matay," sarkastikong sagot ko sa kanya. Nagdududang tumingin sa 'min sina Ice at Fire. Napailing naman si Sky dahil sa sagot ko.



"Sinabi mo na ba sa kanya?" pag-iiba ni Fire sa usapan. Ngayon ko lang naalala kung bakit ko pinuntahan sa kagubatan si Sky. Unti-unti ng naglalaho ang mga sugat niya. Nakakatawa na maging ang mantsa ng dugo sa damit niya ay naglaho din. Maging ang damit niya ay bumalik na sa normal.



"What is it?" takang tanong ni Sky.



"Sasabihin ko lang sana sa 'yo na magpapakasal na kami ni Fire sa Cathedral," nakangising sabi ko. Gusto ko talaga siyang asarin. 



"What?!" gulat na tanong ni Sky. Tiningnan niya ako nang masama. Mas lumawak naman ang ngiti ko. Napanganga naman si Ice. Ngumisi lang si Fire dahil madali niyang nakuha ang mga sinabi ko. Hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung bakit ko ito sinabi. Alam na niya.



Sumeryoso si Sky at tila walang balak na kumagat sa sinabi ko. "Zeus, I know you don't mean it," naiiling na sabi niya.



"I mean it," nagmamatigas na sabi ko.



"Really?" naghahamon na tanong ni Sky. Ngumisi lang siya at tumango-tango pa kaya naasar ako.



"Hindi ka naniniwala?" naiinis na tanong ko sa kanya. Mas lalo lang siyang ngumisi kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Without thinking, I walked towards Fire. I pulled him closer and kissed him without warning. Nagulat si Fire sa ginawa ko. Maging si Ice ay impit na napatili dahil sa gulat. Kahit ako nagulat din. Agad akong humiwalay kay Fire at nanlalaki ang mata. Inipon ko ang lahat ng lakas upang lumingon kay Sky.



"Hindi ka pa rin naniniwala?" nang-aasar na tanong ko sa kanya. Pero sa totoo lang. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi dahil sa hinalikan ko si Fire kundi dahil sa magiging reaksiyon ni Sky. Blanko ang ekspresiyon ng mukha niya at hindi ngumingiti. 



"I'll see you outside the game. It's already time for dinner," he seriously said. Kinabahan ako sa tono ng boses niya dahil sa himig ng pagkainis niya. Hindi na ako nakapagsalita dahil tinalikuran na niya ako. Naglakad na siya palayo.



"Whoaw!" hindi makapaniwalang reaksiyon ni Ice. "Did you just kiss my brother? What?" gulat na gulat na sabi niya na tila hihimatayin. I blushed. Kahit ako, hindi makapaniwala na nagawa ko 'yon. I turned to Fire.



"Sorry," nahihiyang sabi ko. Bahagyang tumungo ako dahil sa hiya. Tumawa lang si Fire at ginulo ang buhok ko.



"No problem," he said. Ngumuso lang ako. Bakit parang hindi big deal sa mga lalaki ang halik? Nakakainis! Sa 'kin lang ba talaga big deal 'yon? 



"Mag-log out na tayo. Nagugutom na ako," reklamo ni Ice. Kinabahan ako nang maalala na baka magkita kami ni Sky sa labas ng game mamaya. Damn! Bakit kasi magkatapat pa ang kwarto namin? Tadhana nga naman! Nagpasya na kaming bumalik sa silid na inupahan namin at naglog-out.



Nanghihina na inalis ko ang head gear ko. Ilang minuto akong tumitig sa kisame. Sobrang dami ng nangyari ngayong araw. Nakakapagod. Napapagod na tumayo ako. Kinuha ko lang ang wallet ko at binuksan na ang pinto. Pero bago pa ako makalabas. Naharangan na ni Prius ang daraanan ko. Humakbang siya papasok sa silid kaya kinakabahang napaurong ako. Hindi pa ako nakapag-react nang muli niyang isara ang pinto. Nang matauhan ako, saka ko lang nahanap ang boses ko.



"What are you doing here? You trespasser!" naiinis na sabi ko.



He frowned. "You forgot something," he seriously said. Napapaurong ako dahil sa patuloy na paglapit niya. Napaupo ako sa sofa dahil wala na akong maurungan. Iniisip ko rin kung nangyari na ba ito noon. Sa tingin ko kasi oo.



"W-What?" kinakabahang tanong ko nang yumuko siya upang pagtapatin ang mga mukha namin. He held my chin. Napaawang ang labi ko dahil sa ginawa niyang marahang pagpisil sa baba ko. Bumilis ang tibok nang puso ko nang ilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Napapikit ako nang mariin dahil pakiramdam ko hahalikan niya ako.



"That you are mine," he almost whispered. Our lips almost touching. Just almost. I could smell his sweet breath. I gasped when he moved away and stood straight. Agad kong iminulat ang mga mata ko. He was looking down at me.



"Inside the game," he added and shrugged his shoulder lightly. "Let's go?" he asked. Kumunot ang noo ko dahil sa biglang pagbabago ng mood niya. "Where?" takang tanong ko.



"Dinner?" he grinned.



"Just like that? Matapos ang ginawa mo!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.



"Oh? You're not satisfied? Do you want me to kiss you for real?" he teased and chuckled. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.



"NO!" agad kong naisigaw. Agad akong tumayo at nagmamadaling lumabas ng silid ko. Sumunod siya sa 'kin pero hindi siya nagmamadali.



"Slow down, Denise. If you don't, I will really kiss you," he calmly said. Agad akong tumigil sa paglalakad hanggang sa makahabol siya. Tiningnan ko siya nang masama. 



"I hate you," mahinang kong bulong. Mahina lang siyang tumawa at napailing. Gusto kong guluhin ang buhok ko dahil sa pagkainis. Pakiramdam ko, hindi ako makatatagal ng dalawang buwan na kasama si Prius. Ginugulo niya ang buong sistema ko!



——————————-



TO BE CONTINUED...



Ahihihihihi, Sorry na :D Hahaha! Thanks sa pagbabasa <3 Next time ulit <3 Thanks sa comments, votes and reads. Mwaahugss <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com