Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13: Gamble City

NOTE


Hello! Someone's asking me kung inspired ito sa Sword Art Online, Log Horizon o No Game No Life. Sasagutin ko na.


Hindi talaga ito inspired sa Sword Art Online at Log Horizon. Napanood ko ang season 1 ng mga anime na 'to. May season 2 na pero hindi ko pa napapanood. Sa log horizon kasi hindi pa clear ang goal nila sa season 1. Tapos sa Sword Art Online, ewan ko, nakalimutan ko na, basta cute ung anak-anakan nila na blueprint ng system. Hahaha! 'Yon na lang ang natandaan ko.


Mas na-inspire ako sa No Game No Life. Ilang beses ko na 'yong napanood pero humahanga pa rin ako sa katalinuhan ng author nun. Imba! Astig! Hahaha! No Game No Life talaga ang nag-push sa 'kin na magsulat ng ganitong story. Frustrated nga ako dahil wala pang Season 2 un! Kainis! hahaha. Kaya hinanap ko ang light novel sa internet. Kaso ndi ko pa nababasa. Mas maganda kasi kung anime eh. 'yon lang :) Saka gusto ko talagang magsulat ng ganitong story. 


I'll answer your important questions for the next updates. Magtanong kayo pero syempre, hindi ko sasagutin kung spoiler. Mga pang-trivia questions lang ang sasagutin ko hahaha!



UNEDITED. TAMAD. SORRY SA TYPOS. ENJOY!


———————————————-






DENISE



Fourth day of the Ranking Quest



Bumili ako ng isang black cloak sa isang stall. Lahat ng pumapasok sa Gamble City ay nakasuot ng cloak para hindi makilala. May isang portal sa town na pwedeng gamitin upang makapunta sa underground city. May dalawang illegal NPC contractors na nagbabantay sa portal na ito. 



Suot ko na ang cloak at natatakpan na ang mukha ko ng hood. Naglalakad na ako patungo sa portal. It seems like an ordinary house with big double doors. May dalawang lalaki ang nagbabantay sa pinto. Nang makalapit ako sa kanila, agad na inilahad ng isa ang kanyang kamay na tila may hinihingi. A bag of gold. Ibinigay ko ito sa kanya. Ngumisi sila at pinagbuksan na ako ng pinto. Napansin ko ang kulay asul na portal na agad bumungad sa 'kin. They gestured for me to enter. I took a step and entered the portal.



Tila hinihigop ako sa ibang dimensyon. Iniluwa ako ng portal sa isang hindi pamilyar na lugar. Kumunot ang noo ko dahil malamlam ang liwanag na nagmumula sa isang bilog na bilog na buwan. May mga stalls na nagkalat sa kung saan-saan. May iba't ibang pasugalan. May mga ilaw sa bawat gamble tables. Napansin ko na maraming player na nakasuot ng black cloak ang naglalakad sa loob. Tinapos ko muna ang daily quest ko bago ako pumunta rito. Level 32 na ako.



Napansin ko rin ang iba't ibang building ng mga pasugalan. Naglakad ako sa isang stall, tinanong ko ang isang NPC kung may alam siyang lugar o tao na pwede kong pagkunan ng Gender potion. And to get the information I need, I gave him 20 gold coins. Sana may mapala ako sa impormasyon na ibibigay niya. Nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit ko ito ginagawa. Pwede naman akong maging lalaki na lang hanggang sa matapos ang game pero hindi ko alam kung bakit nako-conscious ako.



"There's only one gender potion in this city. And someone already won and got that potion," he answered.



"Who?" kunot-noong tanong ko sa kanya.



"100 gold coins for your question. We know all the players who enter this city. Your asking a confidential one," he grinned. I sighed. Ibinigay ko na ang hinihingi niya.



"The one who got the gender potion is Sky," he answered. Kumunot lalo ang noo ko. Naunahan ako ng lokong 'yon! "If you want to know where he is now, I can tell you. Another 100 go—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil pinutol ko na ito.



"No thanks," asar na sabi ko. Sayang naman ang 120 gold coins na ibinayad ko sa kanya. Napailing na lang ako at naglakad palayo. Nandito kaya si Sky? Bumili muna ako ng isang set ng baraha sa isang stall at agad na inilagay ito sa item bag ko. Mabuti na lang iisa ang designs ng mga baraha sa Gamble City. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Naglakad ako sa isang table na pinagkukumpulan ng maraming players. Nanonood sila sa isang one-on-one match. They're playing chess.



I moved to the other side. May isang bagay na kumuha sa atensiyon ko. Someone was bragging about his Crystal Bow. I actually want it. May dalawang player humahamon sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pinagpupustahan nila. At kakaiba ang dalawang player na ito. Pakiramdam ko magkasabwat sila. Tiyak na may balak silang mandaya at hindi ito nahahalata ng hinahamon nila. They were provoking the player with the Crystal Bow to play with them.



"Mind if I join your little game? It looks fun," sabi ko nang makalapit ako sa kanila. 



"What can you offer as your bet?" the player with the Crystal Bow asked. May mga special items ako pero hindi nito matatapatan ang Crystal Bow ng lalaki.



"My Level. Level 32 XP if you bet your Crystal Bow," I answered them. I could see how they all gaped. They're shock.



"And how about the two of them?" tanong ko sa dalawa nang walang magsalita. "What can you offer?" naghahamon na tanong ko sa kanila. Tiyak na mga archer din sila dahil interesado sila sa Crystal Bow.



"Purple gemstone," sagot ng isa.



"Gold ores," sagot naman ng isa. Mukhang lugi ako kapag natalo ako. Pero kapag nanalo naman ako, tiba-tiba na.



"So what do you think?" I turned to the one who owns the Crystal Bow.



"Because you challenged me. I will be the host. I will choose the game to play. You know that every bet is absolute. When the game begins, no one can back out or else it's an automatic lose," he answered. We nodded. 



"Then follow me," he said. Sumunod kami sa kanya. Pumasok kami sa isang building. We entered a private room. Umupo kami sa isang round table. May isang set ng baraha na nakalagay sa gitna ng table. 



"The game we will play is named 'I Doubt It'," he explained. We listened attentively. I'm not familiar with the game. Bigla akong kinabahan para level na itinaya ko. 



"It's an easy game. The dealer will shuffle a single deck of cards and will distribute all the cards to all the players. No cards will be left in the center of this table. It does not matter if one player has one card less than another. The one who got the Ace of Spades leads. To play, the person announces the number of cards he or she is playing. He will state the rank of the card he'll play, placing it face down on a pile in the center of the table. The first player must play aces, the second player must play twos, the third player must play threes and the thirteenth player must play kings. After kings, aces are played again and the process recycles. The players can choose to pass a play. But remember, the player can tell the truth or lie about the rank of the card he played. If another player doubts the cards played were the right rank, he or she can call a challenge by saying the word 'Doubt'. The card played will be flipped to check.  If the player had lied, the entire pile on the table will enter the his hand. If the player was telling the truth, the person to call 'Doubt' takes the whole pile. The winner will be the first one who doesn't have any cards left in his hand," he explained.



"Do you have any questions before we start the game?" he asked again.



"Can we remove our hoods in the entire game?" I suggested. Mas madaling malaman kung nagsisinungaling ang isang tao kung makikita ko ang ekspresiyon ng mga mukha nila. 



Nagkatinginan silang tatlo. Nagdadalawang-isip pero tumango rin sa huli. I grinned. Inalis namin ang hoods namin. Now I could clearly see their usernames. 



Si Virgo ang may-ari ng Crystal Bow. Si Spade naman ang may-ari ng Gold ores at kay Leo naman ay purple gemstone. Malamlam ang liwanag sa buong silid.



"Can we start the game now?" Virgo asked. We all nodded. He removed the jokers. He started to shuffle the deck of cards and distribute it to all of us. When he was done, we started to check our own cards. Labintatlong cards a ng hawak naming lahat.



I grinned when I got the Ace of Spades. Ako ang magsisimula ng laro. "I got the Ace of Spades. I'll play first," I announced. They nodded. Hindi sila pwedeng tumanggi dahil alam nilang hindi ako nagsisinungaling. 



"Thirteen cards, Ace," I announced. Itinaob ko sa mesa ang card. Kailangan kong pag-isipang mabuti kung magsisinungaling ako o magsasabi ng totoo. "Thirteen cards, Two," Leo announced. "Thirteen cards, Three," Spade said. "Thirteen cards, Four," Virgo said. Wala akong number five sa baraha kaya nag-pass ako. Maging si Leo.



"Twelve cards, Five," Spade said. Sunod na si Virgo. Tila nagdadalawang isip siyang tumira. "Twelve cards, Six," he announced. Sa tingin ko nagsinungaling siya pero hindi ko pinansin. I was holding the three number six in my hands. Hindi ako sigurado kung sino ang may hawak ng isa.



"Pass," I said. Wala akong number seven. Mas mabuti na ang maging maingat. "Twelve cards, Seven," Leo said. Spade passed a play. "Eleven cards, Eight," Virgo said. 



"Twelve cards, Nine," I said. Habang isa-isa silang tumitira, pinagmamasdan ko ang bawat galaw ng mga mata at bibig nila.



"Eleven cards, Ten," Leo said.



"Eleven cards, Jack," Spade said. Nakikita ko na confident sila kaya hindi mukhang kahina-hinala.



"Ten cards, Queen," Virgo said. He's leading.



"Eleven cards, King," I said pero Ace talaga ang ibinaba ko. Hindi ko muna ginamit ang King ko dahil may pakiramdam ako na hindi ko na magagamit ang Ace sa susunod na laban. I was calculating my turns inside my head.



"Ten cards, Ace," Leo said. I could sense that he was uneasy pero tila ako lang ang nakapansin kaya hinayaan ko muna.



"Ten cards, Two," Spade announced. 



"Nine cards, three," Virgo said. 



"Ten cards, Four," I said. 



"Nine cards, Five," Leo said. He was uneasy again. I will let him pass for now. Mas interesting ang sunod na number. Six. Tatlo pa ang hawak ko na number six sa kamay ko. Naibaba na ni Virgo ang isang six pero sa tingin ko nagsinungaling siya. Napansin ko rin ang saglit na pagdadalawang isip ni Spade na tumira. 



"Nine cards, Six," Spade announced. Dahil sa pagdadalawang isip niya, nakumpirma ko na nagsisinungaling siya. 



"Doubt," I said to call for a challenge. Napansin ko ang biglang pamumutla niya. He flipped his card and it was Seven. I grinned. Lahat ng ibinaba naming cards ay napunta sa kamay niya. Nasiyahan din si Virgo dahil leading siya. Spade gritted his teeth.



"Eight cards, Seven," Virgo announced. This time, hindi na ako magsisinungaling. Mas madali ng malalaman ni Spade kung nagsisinungaling kami dahil sa dami ng hawak niyang cards ngayon.



"Nine cards, Eight," I said. Leo passed. 



"Twenty six cards, Nine," Spade said with irritation.



"Seven cards, Ten," Virgo said. Sa tingin ko lahat kami ay nag-iingat na. "Eight cards, Jack," I announced. The sequence was not interrupted until Virgo reached 'Four cards, Rank Nine'. I passed a play kahit may card ako na number ten. Dalawa ang hawak na Ten ni Spade. Ang isa naman ay nasa pile na. Tiyak na magko-call si Spade ng doubt anumang oras. Ipapasa ko na lang kay Leo. Depende pa kung kakagat si Leo. If he's not paying attention, he's dead. Alam kong gustong habulin ni Leo si Virgo kaya hindi na siya mag-iisip.



"Five cards, Ten," Leo said.



Napansin ko ang pagdadalawang-isip ni Spade sa pagtawag ng doubt. Kung hindi niya itutuloy, ako na lang ang gagawa dahil alam kong nagsisinungaling si Leo. "Doubt," Spade said hesitantly. Leo gritted his teeth. He flipped the cards and it was a King. Lahat ng pile sa table ay napunta naman sa kanya.



"Twenty two cards, Jack," Spade continued. Virgo passed. Queen for me. King for Leo and Ace for Spade. Alam kong hindi na nagsisinungaling sina Leo at Spade dahil sa hawak nilang cards. Si Virgo na lang.



"Three cards, Two," Virgo said. 



"Doubt," Spade confidently. Kung nagdoubt siya tiyak na tatlong number two ang hawak niya ngayon. Samantalang ang isa naman ay napunta sa kamay ni Leo. He's counting too. When Virgo flipped his card it was seven. Apat na cards ang nadagdag kay Virgo. Ngayon, sigurado na ako na mananalo ako.



"Pass," I said. Dalawang Number Six, Isang Ten at King na lang ang nasa kamay ko. Tumira na sila. Three for Leo. Four for Spade. Five for Virgo. Six for me. Seven for Leo. Eight for Spade. Nine for Virgo na nahalata ko na nagsinungaling pero hindi ko na lang pinansin. I passed a play kahit may ten ako. Kung tama ang calculation ko, magagamit ko ang number ten para manalo. 



Ten for Leo. Jack for Spade. Queen for Virgo. King for me. Ten at Six na lang ang natitira sa mga kamay ko. Halatang kinakabahan na sa 'kin ang mga kasama ko. Ace for Leo. Two for Spade. Three for Virgo. Pass for me. Nakahinga sila nang maluwag dahil sa pag-pass ko. Muli silang tumira. Four for Leo. Five for Spade. Nahalata ko na nagdalawang isip tumira si Virgo. Kapag sinabi niya na may Six siya, I will call for a challenge. Dahil alam ko na nasa kamay nina Leo at Spade ang tig-isang six. Nasa pile naman ang isang six at hawak ko naman ang isa pa. I sighed in relief when he passed. Mabubulilyaso ang plano ko kapag nagkataon.



"Two cards, Six," I announced and grinned. Itinaob ko sa gitna ang baraha ko. Pinagpapawisan na silang lahat. Hindi nila alam ang gagawin. Hindi nila sigurado kung nagsisinungaling ako o hindi.



"Doubt," Virgo said hesitantly. Nakangising ipinakita ko sa kanya ang baraha. Of course, it was a Six. Napunta na sa kamay ni Virgo ang mga baraha sa table dahil nagsabi ako ng totoo. I was now confident that I will win this. Nagdadalawang isip na silang tumira dahil hindi nila mahulaan kung anong card ang hawak ko. Huminga sila nang malalim. Blanko lang ang ekspresiyon ng mukha ko. Maaga pa para magsaya. Seven for Leo. Eight for Spade. Nine for Virgo. I grinned when everything turned out well.



"One card left, Ten," sabi ko at itinaob ko ito sa mesa. Tiningnan ko sila kung tututol ba sila. Halos sabay-sabay silang nagsabi ng Doubt dahil last card ko na ito. Dahan-dahan kong ipinakita sa kanila ang baraha ko. Ten. Tila tinakasan ng kulay ang mga mukha nila. I won the game and it was over. Automatic na napunta sa item bag ko ang lahat ng mga itinaya nilang item. Tumayo na ako at sumaludo sa kanila.



"Wait! Let's play for another round!" They protested but I didn't listen. Naglakad na ako patungo sa pinto ng private room. I got a Crystal Bow, purple gemstone and gold ores. How lucky! Isinuot ko na ang hood ko at lumabas na. Mabuti na lang hindi nila naisipang mandaya. Kung nagkataon mapipilitan din akong gawin 'yon. 



Gusto ko sanang hanapin si Sky pero hindi ko naman sigurado kung nandito siya. Inayos na kagabi ang bug sa Garoa Spider's dungeon. I want to try my new bow. Agad akong umalis sa Gamble City. I contacted my co-party members. Nagkita-kita kami sa main gates. 



Nagmadali kami sa pagpunta sa Garoa Spider dungeon. Alerto kami nang makapasok kami sa dungeon. Level 38 ang boss. Napansin nina Fire at Ice ang bago kong sandata. Pinalitan ko na rin ito ng purple gemstone. 



"Saan mo nakuha 'yan? Bumili ka?" interesadong tanong ni Ice.



"No. Premyo sa Gamble City," nakangising sagot ko sa kanya.



"Masaya ba? Ang daya mo! Nauna ka na! Level 30 na ako kapag natalo na natin ang pangit na gagambang ito. Gagantihan ko siya nang bonggang-bongga!" Ice said bitterly. Tumawa kaming dalawa ni Fire. Naalerto kami nang maramdaman namin ang biglaang pag-atake ng boss sa 'min. Hindi pa siya nagpapakita pero mabilis naming naiwasan ang sapot nito.



Tumalon ang dungeon boss pababa. Hindi na abnormal ang stats ng defense at attacks nito. Pero nakakalason pa rin ang asido na lumalabas mula sa bibig at barbed hairs nito. Mahahaba ang mga barbed hairs at pangil nito. Mapula ang ilang bahagi ng katawan nito at nababalutan ng dilaw na armor ang bawat galamay at katawan.



Ihinanda ko ang Crystal bow ko. Malakas na pwersa ang pinapakawalan nito sa bawat pag-atake ko sa dungeon boss. I was always targeting its head habang mabilis na tumatakbo upang umiwas sa mga barbed hairs na pinapakawalan nito. I was acting as a bait. Umaatake rin sina Phoenix, Scithe at Ice. Halatang gigil na gigil si Ice dahil mukhang wala siyang balak tigilan ang dungeon boss. Seryoso talaga siya sa banta niya kanina. Angel and Fire were acting as our support. Hindi kasi namin maiwasan minsan ang mga barbed hairs na pinapakawalan ng Garoa Spider. Maging ang mga nakakalasong asido na kasama sa mga sapot nito.



Gamit ang malalaking pangil nito, tinatangka nitong kainin ako nang buhay. Bawat palaso ko ay tumatama sa ulo niya. Hindi ko hinahayaang masayang ang bawat tira. I jumped above its head and attacked it with Meteor of Death. Poisonous arrows rained down on the boss. Tuluyan naming nasira ang armor na bumabalot sa katawan nito.



Ice targeted the dungeon boss continuously from afar. Scithe switched position with me. Malakas na ibinaon niya ang napakalaking espada niya sa katawan ng dungeon boss. Malakas na napaungol ito na halos mabingi kaming lahat. Sunud-sunod naman ang pagtira ni Phoenix dito. Mabilis na lumayo si Scithe sa gagamba nang tangkain nitong atakihin siya. Scithe switched places with Ice. Dahil mabilis si Ice, nailagan niya ang sunod na pag-atake ng dungeon boss gamit ang matatalim na pangil nito. Malakas na pinalipad ni Ice ang flying blades niya sa ulo ng Garoa Spider. Maging sina Angel at Fire ay umaatake na rin nang mapansin namin na malapit nang matalo ang dungeon boss. Sabay-sabay na kaming umaatake. Nakaririnding ungol ang maririnig sa loob ng kweba. Hindi namin hinahayaang makaganti pa ito.



Nang mababa na ang HP nito, sabay-sabay namin itong sinugod ng malalakas na techniques namin. And the Last Attack Bonus was received by Ice.



"Nakabawi rin. Wala naman palang binatbat!" Ice grinned. Napailing kaming lahat dahil sa sinabi niya at mahinang tumawa.



We saved some NPCs and received our individual rewards. Nang makalabas kami sa dungeon humiwalay na sina Scithe, Angel at Phoenix sa 'min. May tatapusin pa kasi silang quest. 



"May balita na ba sa totoong pangalan ni Phoenix?" tanong ko kay Fire.



He grinned. "Be sure to give me a reward," he said. Napailing ako dahil mukhang alam na niya ang pangalan ni Phoenix.



"Sure. Ano ba ang gusto mo?" tanong ko sa kanya.



"Saka ko na sasabihin. Pag-iisipan ko muna. His name is Siv Villanueva," he said. I nodded.



"Thanks!" masayang sabi ko sa kanya. I patted his shoulder. "I'll go ahead. See you in dinner! Bye!" nagmamadaling sabi ko sa kanila. Tumakbo na ako palayo pero narinig ko pa ang sigaw ni Ice.



"Don't fall too hard!" Ice shouted and laughed.



Natigilan ako sa pagtakbo at lumingon sa kanila. I shouted back.



"What do you mean? Seriously?" naiinis na tanong ko sa kanya. 



"Nothing! Pag-usapan natin sa dinner! Marami ka ng itinatago sa 'min!" sigaw ni Ice. I blushed. I waved and ran away. Medyo na-guilty ako sa sinabi ni Ice. Tinawagan ko si Sky. I asked his whereabouts. Sinabi niya na nasa fourth layer siya ng kagubatan.



"I'll go there," I said without thinking. Narinig ko pa ang pagtutol niya pero hindi ko na pinansin dahil pinutol ko na ang tawag. Hangga't maaari iniiwasan ko ang mga kalaban sa third layer. Palipat-lipat ako sa mga sanga ng puno. Nakarating naman ako sa fourth layer nang hindi napapalaban.



Tahimik sa fourth layer. Maingat na naglalakad ako dahil wala akong makitang kahit anong kalaban sa paligid. Nahigit ko ang hininga nang may biglang akong maramdaman muna sa likod ko. Agad akong nagpakawala ng arrow sa likuran ko pero nasalag ito ng malaking lance ni Sky nang walang kahirap-hirap.



"Don't go any further. It's dangerous," he seriously said. Napansin ko ang sugatan niyang katawan. May hiwa ang braso at binti niya. May mantsa ng dugo ang suot niya. Maging ang mukha niya ay may galos at sugat din. Unconciously I moved towards him.



"Ano'ng nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ko. I even tried to touch his face but he stopped me. He blushed. 



"Damn!" mahinang pagmumura niya. Kumunot ang noo ko dahil parang naiilang siya. He looked away.



"Problema mo?" inis na tanong ko sa kanya. He looked embarrass pero biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya nang may biglang maalala. Agad siyang lumingon sa 'kin at lumapit. Nagtaka ako dahil may inilabas siyang maliit na bote sa item bag niya. Hindi na ako nakatutol nang walang babala niyang ipainom sa 'kin ito. Nagulat din ako kaya wala sa sariling nalunok ko ang ipinainom niya sa 'kin. Agad ko siyang pinigilan dahil sa inis. 



"What are you doing?" naiinis na tanong ko sa kanya dahil sa ginawa niya. At ano ba ang ipinainom niya sa 'kin? Masama ang tingin ko sa kanya. He just grinned. Bigla ko na lang naramdaman ang kakaibang nangyayari sa katawan ko.



Pakiramdam ko biglang lumuwag ang suot kong damit at lumiit ang katawan ko. Tila nagkahugis ang katawan ko at lumapad ang balakang ko. I could also feel my breast growing bigger. I blushed when I realized what was happening to my body.



"You scum!" I shouted at him because of embarrassment. I unconsciously covered my growing breast. Humahaba na rin ang buhok ko at nararamdaman ko ang pagliit ng mukha ko. "Seriously?" sigaw ko sa kanya at hindi pa rin makahuma sa mga nangyayari. He just laughed. Sobrang luwag na ng suot kong damit. Pakiramdam ko nga mahuhubaran na ako nang wala sa oras. Agad akong umupo sa lupa at niyakap ang sarili.



"I hate you!" nanggagalaiting sigaw ko sa kanya. I want to cry in frustration. Napakamot lang siya sa ulo. Umupo rin siya para tingnan ang mukha ko. Inayos pa niya ang mahabang buhok na tumabing sa mukha ko. He laughed when he clearly saw my face. Tiningnan ko siya nang masama. Nangingilid na rin ang luha ko dahil sa inis.



"Sorry. Don't worry. I'll buy you clothes later," he said with satisfaction.



"That's not the point! You ignorant jerk! Scum! Bastard! Stupi—-!!!!" Naputol ang pagsigaw ko sa kanya dahil sa hindi ko inaasahang gagawin niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat. He kissed me without warning! He's really stupid! Nanigas ang katawan ko. Hindi ako makagalaw. My heart was racing fast. I could almost hear my heartbeat. Hindi ako sigurado kung naririnig din niya. After a few seconds, I could feel his lips, curving into a smile, because of my reaction. Marahas na itinulak ko siya dahil natauhan ako.



"STUPIDDDDD!!!!!!!" malakas na sigaw ko na halos mawalan na ako ng boses. At ang mokong, tinawanan lang ang frustration na nararamdaman ko.



"I told you. I'm willing to deal with your bad mouth," he grinned. Bahagyang napaawang ang labi ko sa sinabi niya.



"Do you want to die right now?" inis na tanong ko sa kanya.



"I rather not. Gusto mo bang maiwan mag-isa dito? Mukhang hindi mo na kayang maglakad," he grinned.



"I can't walk because of this stupid loose clothes! It's your fault!" galit na sigaw ko sa kanya.



"I'll help you," he said. Nagtaka akong nang lumapit siya sa 'kin at ibinigay sa 'kin ang Crystal bow na nabitawan ko kanina. Napatili na lang ako nang bigla niya akong buhatin.



"STUPID!" malakas na sigaw ko habang nagwawala sa pagkakabuhat niya. Tinawanan lang niya ako at walang kahirap na nagpalipat-lipat sa mga sanga. Iniiwasan din niyang mapalaban. Mahigpit akong napahawak sa damit niya dahil sa mabilis na pagkilos niya. Hindi na rin ako makapagreklamo pero naiinis pa rin ako. Nakakainis! Nakakainis! I'm officially a girl from now on. Hindi man lang ako nakapaghanda!



—————————————-



TO BE CONTINUED...



Hello everyone! Actually nahirapan akong isulat ung laban sa gamble city. Hindi ko alam kung paano ikukwento. Magulo ba? hahaha. Sorry naman. Comment na lang kayo para alam ko ang iniisip ninyo. Ok lang kahit hindi maganda. hahaha! Thanks <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com