Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14: Zeus vs. Queen




Waah! Wala akong laptop kaya sa tablet ako nagsulat. Ang hirap. Patawarin ang typo errors!

 

Note: Hindi ito detalyado dahil hindi ko makuha ang outline sa laptop ko. Sira kasi. Walang names ang techniques and monsters. Saka ko na lang ieedit kapag may time. After two years siguro haha! Depende kung ipa-publish ko rin :)



DENISE 



Fifth Day of the Ranking Quest.



I sighed while walking inside the town. Hindi normal ang araw na ito para sa akin. Everyone was watching my every move. Hindi sila makapaniwala sa kumalat na balita na isa akong babae at nagpanggap lang akong lalaki noon. Kapansin-pansin din ang mga lalaking nagtatangkang lumapit at makipag-usap sa akin ngayon. They were trying to get close to me. They were trying to get my attention. Napapangiti lang sina Ice at Fire sa magkabilang gilid ko dahil ramdam nila ang pagkailang ko. But still I'm trying to compose myself. Trying not to be intimidated and conscious.



Alam na rin ni Zero ang lahat. I never thought that Zero was actually Axel. Nadiskubre ko lang kahapon bago kami mag-dinner. Mariin akong napapikit nang maalala ko ang mga pangyayari.

 

 

"Prius!"

 

 

We were heading for dinner when someone called him from behind. Nang sabay kaming lumingon, nakita namin si Axel na sobra ang pagkunot ng noo niya.

 

 

"Is there a problem?" Takang tanong ni Prius. Nakinig lang ako sa pag-uusap nila. I don't want to interfere. Axel looked at me cautiously. Iniisip niya kung magsasalita ba siya o hindi. Bumunotong-hininga si Axel. I think, he decided to speak up even though I'm around.

 

 

"I bet Denise already know. What happened to Zeus? Why did he turned to a girl? Did something happen? Is that a bug?" sunud-sunod at naguguluhang tanong ni Axel. I gaped. Hindi ko inaasahang tungkol sa 'kin ang itatanong niya kay Prius. I bit my lower lip. Hindi ko alam kung matatawa ako o sasabihin na lang ang totoo kay Axel na babae talaga si Zeus. At dahil lang sa kalokohang naisip ni Sky kaya siya naging babae.

 

 

"It's not a bug, Axel," nakangising sagot ni Prius. Namula ang mukha ko dahil sa makahulugang wika ni Prius. Pakiramdam ko pinaparinggan niya ako. "Zeus is really a girl and she's actually standing in front of you now," kampanteng dagdag pa niya na ikinalaki ng mga mata ko. Namilog din ang mga mata ni Axel dahil sa natuklasan.

 

"You! Stupid!" naiinis at mahinang sigaw ko kay Prius. Sapat lang upang marinig naming tatlo. Nakatayo kaming tatlo sa daan. Dapat pupunta na kami sa isang food chain kanina. Nawala ang tensiyon nang biglang dumating sina Frey at Faye. Inakbayan ako ni Frey.

 

 

"It's already dinner. Why are you still standing here?" takang tanong niya.

 

 

"What? Seryoso ka ba, Prius?" hindi makapaniwalang tanong ni Axel. His reaction was already late. Siguro ngayon lang niya naintindihan ang lahat. Nagtaka naman sina Faye at Frey dahil hindi nila maintindihan ang mga nangyayari. Inalis na ni Frey ang kamay na nakaakbay sa 'kin. He crossed his arms and looked suspiciously at the three of us.

 

 

"Care to share what's happening?" pagbasag naman ni Faye sa katahimikan.

 

 

I sighed. Hindi ko na hinayaang magsalita pa si Prius para kumpirmahin ang lahat. "Yes. I'm really Zeus. I hope you'll keep this secret too," seryosong wika ko sa kanya. Umawang ang mga labi niya.

 

 

Mahina namang tumawa sina Faye at Frey dahil alam kong nakuha na nila ang pinag-uusapan namin. Ngumisi lang si Prius dahil sa sinabi ko.

 

 

"Is you're mind freaking out now, Axel?" naiiling na tanong ni Prius. Napakamot naman sa ulo si Axel. "Not really. Hindi ko lang talaga akalain na isang babae pala ang nakaka-chat ko noon. And to think that she's actually Denise, it's mind blowing. I'm thinking now if I shared something embarrassing with her in our past conversations," he smiled shyly.

 

 

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "What do you mean?"

 

 

"I'm Zero," nahihiyang pag-amin niya. Halos mapanganga ako sa narinig. Now, it's my mind that's already freaking out. Sumeryoso naman ang mukha ni Prius nang may maalala na hindi maganda. I guess, he's regretting what he had revealed to Axel based on his expression.

 

 

"Oh. It's nice to finally meet you in person," tanging nasabi ko. "And by the way, these twins are Fire and Ice," pakilala ko na rin sa kanila. There's no use in hiding it now. This way is better. Napansin ko ang palihim na pagsimangot ni Prius sa nalaman. Kumunot ang noo ko. Bigla ko na namang naalala ang nangyari sa loob ng game. I guess, I know why he frowned. I bit my lip to suppress my grin. I don't want to assume that he is jealous. I just remembered I'm his property when we are inside the game. Just inside the game. I hid my bitter smile. Bakit ko ba iniisip ito? Bakit parang natanggap ko na yata na pagmamay-ari niya ako kapag nasa game? No! I'm suffering from brain malfunction now!This is not right! Totally not right! Jeez! Siguro dahil gutom lang ako kaya ito ang naiisip ko?

 

 

"I bet you're Sky?" interesadong tanong ni Frey kay Prius. Tila may binabalak siyang hindi maganda sa tono ng pananalita niya. Napailing ako dahil pakiramdam ko balak niya itong asarin. He's going to push Prius to his limits! Prius just nodded, disinterestedly.

 

 

"We should eat now. Nagugutom na ako," Faye interrupted. Usually, she would join Frey with his taunts but right now I think she's really starving. Hinila na ako ni Faye palayo sa mga lalaki. She whispered. "Haba ng hair!" she teased. I frowned.



Iminulat ko ang mga mata nang magsalita si Fire. Now my thoughts were back to present. Dumating na rin kami sa tagpuan ng party namin. Nalaman na nina Scithe, Angel at Phoenix ang lahat. I guess they wanted to confront me.



"Hey, Zeus. I'll ask something after this meeting," he said. I knotted my forehead. Seryoso siya at wala akong ideya sa balak niyang itanong.



"Do you think everything will turn up well?" pabulong natanong ni Ice. She's pertaining to the meeting.



"I don't know. I guess not," I uncertainly answered. Dumating na ang iba pa. Kumpleto na kami. Bumuntong-hininga ako nang marinig ko ang unang bungad ni Phoenix.



"You're really a girl? Bakit ka nagpanggap na lalaki?" nangungutyang sabi niya. I tried to hid my embarrassment. "Maybe because you wanted to get good and strong members for your party?" he added. His mocking tone was ringing on my head. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Phoenix. Mataas na umangat ang isang kilay ko. Umakyat din ang dugo sa ulo ko. Seriously? Alam kong mababaw ang dahilan kung bakit ako nagpanggap na lalaki pero mas mababaw naman ang iniisip niya tungkol sa 'kin.



"So, do you want to quit? I will not hold onto someone who's looking down at me," mataray na saad ko. "If you want to quit, you are free to go. if you want to stay then hear me out. I'll explain. Even if this will be the most nonsensical explanation you will hear in your entire life, please hear me out first," seryosong saad ko. I don't know how to handle this. Fire and Ice lightly tapped my shoulder. They're telling me that they're just right behind my back. They're trying to support me.



Natahimik si Phoenix. Scithe and Angel nodded. I waited for them to respond but no one did. I assumed that they're ready to hear me out now.


I started to speak. "First of all, I'm sorry for not telling the truth. I guess it's really true that we can't forever hide the truth behind our lies. I actually don't regret it when I decided to be a boy. I'm always doing it when playing online computer games. I want to look strong. I want to be the best. Ayaw kong maliitin ako ng mga kalaban ko dahil lang sa babae ako. I want them to give all they got without feeling guilty or anything. Yes! I'm stubborn and irrational because of these reasons. I know. But it still doesn't change the fact that I am still Zeus, your party leader. It didn't change anything. The way I think and my fighting styles are still all the same. I'm still me. Still Zeus," mahabang paliwanag ko. "I hope you still want to fight alongside with me even though I'm not the Zeus you thought I am," I sincerely said. I don't want to be irrational now and push them away. Nasanay na rin ako na kasama sila sa mga laban. I can't afford to lose everything now. Pero kung gusto na talaga nilang umalis, wala akong magagawa. It's still their choice.



"You've been good and took care of us in our fights. For me, your gender is not a big deal," Angel said.



"As long as you can still fight, I'm staying," Scithe said. "Mahirap na rin namang maghanap ng panibagong party ngayon. Halos lahat ay may mga party na," she added. I looked at Phoenix who's dissatisfied with their answers. He said in defeat. Alam ko na wala na rin naman siyang pagpipilian kundi ang manatili sa party namin.



"Just because you're a girl now, doesn't mean you're allowed to suck in fighting. Prove that you're still deserving to be a leader," seryosong sabi ni Phoenix. Ngumisi ako. Hinahamon ba niya ako? I just nodded. It will be easier if I don't voice out what's running on my mind.



"I guess, we should head out on our individual quest. Let's meet for our next party quest. I'll contact you all," seryosong saad ko. Hindi na kami dapat mag-aksaya pa ng panahon. Marami na rin ang nakakahabol sa ranks namin. Umalis na sina Scithe. Naiwan na lang kaming tatlo nina Fire at Ice. Naalala ko na may itatanong sa 'kin si Fire kaya hinarap ko naman siya.



"What do you want to ask?" takang tanong ko sa kanya.



"I was just wondering what Sky and Zero plans to do with Phoenix," seryosong sagot niya. I sighed. Hindi ko rin alam. Nalaman na nina Prius at Axel ang totoong pangalan ni Phoenix pagkatapos naming mag-dinner. Hindi pa rin malinaw sa 'min kung ano ang binabalak gawin nina Prius at Axel. Nagkibit-balikat ako.



"Hindi ko rin alam. I know you're also interested on their motives. Do you want to investigate?" Nakangising tanong ko sa kanya. I want to know too.




"I bet Ice wanted that too," he answered. Ngumisi naman nang nakakaloko si Ice. "So, do you want me to investigated?" Balik-tanong niya sa 'kin. I grinned and nodded. I'll secretly investigate too.



"Then we will be going now. See you later," Fire said. I smiled and nodded. Sabay ng umalis sina Fire and Ice. I walked downtown before heading to my next quest. Natigilan ako sa paglalakad nang may pamilyar na bulto ng tao akong nakita. Sumimangot ako nang makita ang masayang pag-uusap nina Queen at Sky sa isang bahagi ng town. Malayo sila sa kinaroroonan ko kaya natitiyak kong hindi nila ako mapapansin.



Hindi ko napansin si Cember sa paligid. Madalas kasi na ito ang kasama ni Sky. Because according to him, she was acting as his support. Support? Really? I doubt it. I guess, he's just a playboy. Ngayon kasi, ibang babae naman ang kasama niya at mukhang enjoy na enjoy siya. I hate his guts. Wala sa sariling ngumuso ako. Hindi ko alam kung bakit bitter na bitter ako. Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad. Hindi na dapat ako makialam sa buhay ng iba. I should be taking care of my own business. Hindi ko na sila tiningnan kahit alam kong madadaanan ko sila. Napapikit na lang ako nang may marinig akong pamilyar na boses na tumawag sa 'kin. I secretly frowned.



"Zeus," seryosong tawag ni Sky sa 'kin. Mukhang napansin na niya ang presensiya ko. I turned to them. Tinaasan ko siya ng kilay. Napansin ko ang biglang pagsimangot ni Queen. Insecurity was visible in her eyes. Simula kasi nang maging babae ako, halos lahat ng atensiyon ng mga kalalakihan ay lumipat na sa 'kin. She's not the prettiest and strongest female now. I guess, she's threatened by my existence.



"Why?"kunot-noong tanong ko sa kanya. Napakamot siya sa ulo dahil ramdam niya ang pagka-irita sa boses ko. Hindi ko rin alam kung bakit naiirita ako. Hindi ko rin alam kung bakit bigla kong naramdaman na gusto ko siyang awayin. I'm bejng irrational. What's the deal?



"This girl is Queen," he said with uncertainty. Mas lalong tumaas ang kilay ko dahil sa pagpapakilala niya kay Queen. Ngumiti lang si Queen.



"Yes. I could clearly see her name. And now?" mataray na tanong ko. Umakyat ang dugo sa ulo ko sa hindi malamang dahilan.



Kumunot-noo si Sky. "Why do I have this feeling that you want a fight?" mahina at naiiling na tanong ni Sky.



"Huwag ka kasing feeling-ero!" nakangusong sabi ko. He sighed but grinned.



"She's my childhood friend," he added. Hindi niya pinansin ang sinabi ko kanina. He just continued his introduction. Umismid ako. Pakialam ko kung childhood friend sila? Kahit pa mag-childhood sweetheart sila, wala akong pakialam!



"So?" mataray na tanong ko. I know I'm being rude. Alangan namang makipag-plastikan ako? I can't do that!



"Just a childhood friend?" Queen reacted. "And what is she to you, Sky?" she asked but I could sense that she's afraid of what he'll answer. She's afraid of what she will hear from him. And I was nervous too. Hindi naman kami close ni Sky. Ano naman ang sasabihin niya? I'm not even his friend, for Pete's sake!



"She'll be my partner inside this game as a couple," he answered. Halos mabingi ako sa narinig. What? Did he just say that without stammering? Without fear? Queen gaped and so I was. Queen bit her lower lip. And I turned to him, dangerously. Tiyak na gusto ni Queen si Sky. How could he say something like that without considering her feelings. I want to say how stupid he was! Ngayon, gusto ko ng makisimpatiya kay Queen.



"You can't do this Sky," Queen said with a dangerous tone. Natigilan ako. Nawala na ang kagustuhan ko na komprontahin si Sky. Bumaling ang atensiyon ko kay Queen. Masamang tingin ang ipinukol niya sa 'kin na tila ako ang may kasalanan ng lahat. Excuse me? Bakit sa 'kin siya nagagalit? Hindi ba dapat kay Sky? I don't get this!



"You can't be his partner," she said to me. Nainis ako dahil sa sinabi niya. Muling tumingin si Queen kay Sky. "Just because she's stronger than me, you choose her. Just wait. I will be stronger than her. I can't believe that you can set me aside just because of this little liar and great pretender!" inis na sabi niya. Dahil hindi ko na kaya ang mga naririnig, gusto ko na rin siyang patulan.



Magsasalita na sana ako pero lumapit na sa 'kin si Sky. Ipinatong pa niya ang kamay niya sa ulo ko kaya natigilan ako. "It's fine. Let's go now," he said. Hinila na niya ako palayo kaya hindi na ako nakatutol. Unfair!



"What was that? She insulted me!" inis na sabi ko. "You should have let me speak!" I added.



"Huwag na. Baka magkainitan pa kayo," seryosong saad niya. Tumaas ang kilay ko.



"For your information, mainit na talaga ang usapan dahil sa sinabi mo. It's actually your fault! Bakit ako ang tinitira niya? I can't believe this! Dapat sa 'yo siya nagagalit! You jerk!" reklamo ko sa kanya. Tumawa lang siya sa reaksiyon ko kaya mas lalo akong nainis.



"Why did you said that?" nakasimangot na tanong ko.



"She asked me to be her partner but I refused. She asked me why. I saw you so I decided to tell her the truth. Hindi ko kailangang magsinungaling. Malalaman din naman niya ang totoo kapag ikinasal tayo sa Cathedral—" he said but I interrupted his speech.



"Who said that I will marry you?" agad kong reaksiyon. He looked at me and frowning. He's almost pouting. He was so damned cute!



"Pag-aawayan pa rin natin 'to?" Tanong niya sa 'kin.



"You're wrong. Hindi tayo nag-aaway," nakasimangot na pagtatama ko sa kanya.



"You're stubborn," nakasimangot na komento niya. Yes, I am. Pakiramdam ko nga mauubos na ang pasensiya niya sa 'kin. I smiled in the back of my mind. Matatagalan kaya niya ako?



"Are you going elsewhere?" He asked. He changed the topic. Mukhang wala na siyang balak patulan ang pagiging irrational ko.



"Solo quest?" I answered unconsciously.



"I'll join you," he volunteered. His eyes were gleaming with excitement.



"What? No! Magkaiba tayo ng solo quest! Magkaiba tayo ng level!" nakasimangot na sabi ko.



"Practice lang," he grinned. Kumunot ang noo ko.



"Ano'ng practice?" nagdududang tanong ko sa kanya.



"Practice! Para kapag may couple quest tayo, hindi na tayo mahihirapan," natatawang sabi niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.



"And I hope every couple quest must end up with a kiss para tumaas ang intimacy level natin. I bet a hundred level intimacy will not be enough for us," he teased. Namula ang mukha ko. I punched him in his left shoulder to hide my embarrassment. He's not serious right? I hope not. Kung tatapusin namin ang bawat quest sa isang halik, tiyak na hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal! At bakit may intimacy level? No! That can't be! This is not a dating simulation game! Tumawa lang siya at hinuli ang kamay ko. He intertwined my hand with his. And everyone was turning their heads on us. Karamihan sa kanila ay nanghihinayang dahil akala nila hindi na kami available ni Sky. He's planting wrong information in their heads! What a manipulative jerk! Pero hindi ko maintindihan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko dahil lang sa mga simpleng ginagawa niya. Nakakainis dahil may maliit na parte sa puso ko na nagugustuhan ang mga nangyayari. Nawawala na ba ako sa katinuan? Why is this happening?



————-



We're here in the fourth layer of the forest. Kasama ko si Sky. Hindi ko na siya napigilan. He's very persistent. Hindi ko siya magawang itaboy at alam ko rin na wala ring mangyayari kung gagawin ko 'yon. Umismid ako sa hangin dahil kasama ko siya. He was standing with ease beside me. Hawak niya ang malaking lance na nakapatong sa isang balikat niya. This layer was the serpent's teritory. Hindi normal ang mga serpents na ito. Masyado itong malaki para sa isang tao. Natitiyak kong kaya nitong lumunok ng tatlong tao nang sabay-sabay. Makakapal din ang balat nito sa mapulang katawan.



"Don't try to visit the Resurrection Hall again," Sky teased. I frowned. Hindi ko alam kung iniinsulto niya ako kasi pakiramdam ko, hindi naman.



"Hindi kita ililigtas kapag may nangyaring masama sa 'yo," naiinis na sabi ko sa kanya.



Tumawa siya na tila naaaliw. "Don't worry. I will save you," he teased me again. Naiinis na itinutok ko sa kanya ang palaso ko. I was now ready to attack him. I'm really losing my temper. Lalo siyang naaliw sa ginawa ko. He really love to make fun of me. Ngumisi lang siya at hindi sineryoso ang ginawa ko.



"Come on. I know you don't want to be marked as a murderer," he grinned. I frowned. Yes. I don't want to spend my time in jail. "Or do you want me to give you a good luck kiss before we begin?" he playfully said. Inirapan ko siya bago ko ibinaba ang Crystal Bow ko.



"Kiss your face!" naiinis na bulong ko pero tumawa lang siya nang malakas. Napatalon kami sa gulat dahil sa isang malaking ahas na biglang umatake sa 'min gamit ang paghampas ng buntot nito sa kinatatayuan namin. Naghiwalay kami ni Sky. Nakatayo na ako ngayon sa isang sanga ng puno. Si Sky naman ay nakatayo malayo sa ahas. He was in his fighting stance. He looked up at me to check if I'm alright. Ngumuso ako dahil sa pag-aalala na rumehistro sa mukha niya. What's the deal? I'm not going to die anyway. Kung mamatay man ako, mabubuhay pa rin ako sa Resurrection Hall. Hindi dapat siya mag-alala sa 'kin.



Dahil quest ko naman ito, ako ang unang sumugod. I attacked the serpent continuously with fierce arrows. Napansin ko sa gilid ng mga mata ko ang marahang pag-iling ni Sky. He started to watch and study my every move. Hindi siya nakialam tulad ng pinag-usapan namin. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Siguro gusto niyang pag-aralan ang mga galaw ko para kapag naging magkalaban kami, mabilis niya akong matatalo. But I know Sky was not that kind of person. Ayoko lang aminin sa sarili ko na kaya niya pinag-aaralan ang mga galaw ko ay naghahanda siya sa laban namin nang magkasama. Couple quest. Just thinking about it made my heart race fast.



"Zeus, you're not paying attention," he shouted. I frowned. For a minute, I lost my composure. It's all his fault. I don't know why he's affecting me this much. Muntik na akong matamaan ng mahabang buntot ng serpent. Hinabol ako nito at tinangkang kagatin gamit ang mahahaba at matutulis na pangil pero pinaulanan ko ng palaso ang bunganga nito. Inalis ko ang atensiyon kay Sky. I focused on my own fight with the serpent and didn't entertain the fight between my mind and heart. The venom on the serpent's fangs were deadly. Tiyak na malaki ang mababawas nito sa HP ko.



Mabilis na gumapang ang serpent patungo sa kinaroroonan ko. Tila hindi ito natitinag sa mga atake ko dahil sa makapal na balat nito na parang bakal. Walang tigil ang serpent sa pag-atake sa 'kin gamit ang mga pangil nito. Pilit akong hinuhuli. Gustong-gusto akong lamunin nang buhay. Kasabay ng pag-atake ng malaking bunganga nito ay ang mabilis na paghampas ng buntot nito kaya mas lalo akong nahihirapang kumilos.



I used my Angel Shot to stun it for fifteen seconds. Ginamit ko ang pagkakataon upang atakhin ito gamit ang Meteor of Death. The purple-lighted arrows gave the serpent critical hits. It was screaming and wagging its tail in pain. Nang matapos ang labinlimang segundo ko, nagwawala na inatake ako nito nang sunud-sunod. Hindi ko naiwasan ang buntot nito mula sa likod ko. Nagawa ko pang tumalon pero nahagip pa rin ako. Lumipad ako sa isang puno at tumama ang likod ko sa isang sanga. Bumagsak ako sa lupa. Damn! Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko.



Pilit akong tumayo. Hindi nagsalita si Sky. But could clearly see the pain written on his face. He sighed and looked away. Hinayaan niya akong magpatuloy. I hate his presence now. Mahirap hulaan kung ano ang iniisip niya. Siguro pinagtatawanan niya ako dahil mahina ako. I hate my thoughts too. Bumaling na ako sa ahas na kalaban ko. Sunud-sunod na inatake ko ito. Palipat-lipat ako sa sanga ng puno upang umiwas sa mga hampas ng buntot nito. Ang mga sanga na tinatamaan nito ay nasisira o nahahati. Wasak-wasak na ang ilan sa mga ito. Halos matumba na ang mga puno sa pag-atake ng serpent.


Ilang beses pa na pagtira ay naglaho nang parang bula ang serpent sa harapan ko. I sighed. Anim na serpents pa ang kailangan kong talunin.



"Zeus, take it easy," Sky reminded me. Sumimangot ko. I ran further for my next target. Nagmamadaling sumunod siya sa 'kin. Natigilan ako sa pagtakbo nang iharang niya sa harapan ko ang malaking lance na armas niya. Kunot-noong tiningnan ko siya. Magkasalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka.



"What?" Inis na tanong ko. Hindi siya nagsalita pero nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko. His thumb traced the cut on my lips. Napangiwi ako dahil sa sakit. Pinigilan ko ang mahinang pagdaing. Ngumisi siya.



"Mabuti na lang laro lang ito dahil kung nagkataon tiyak na masisira ang mukha mo," pang-aasar niya sa 'kin. Naiinis na tinabig ko ang kamay niya. Inirapan ko siya.



"Umalis ka na nga!" Naiinis na sabi ko. Tumawa lang siya. Inalis na niya ang lance na ihinarang niya sa daan ko. He told me that I can continue again with my quest. Humaba ang nguso ko dahil daig pa niya ang tatay ko sa pagiging strikto. He was checking my condition every now and then. I find it annoying and sweet at the same time. Kung pwede lang atakihin si Sky dahil sa panggugulo niya sa sistema ko, ginawa ko na. Nang matapos ang quest ko, tiningnan ko siya nang masama. May nabuong desisyon sa utak ko dahil hindi ko na yata matatagalan ang makasama siya. May kakaiba na akong nararamdaman na ayaw kong aminin sa sarili ko. I don't want to fall for him. As much as possible, I will keep my distance from him. Falling for him will be my greatest downfall. Ayos lang matalo sa ranking quest pero hindi ko na idadamay sa pagkatalo ang puso ko.



"Let's fight in the duel arena, Sky," seryosong hamon ko sa kanya. Umangat ang kilay niya na tila nagtataka.



"If I win, you have to leave me alone," I added. Ngumisi si Sky.



"If I win?" He asked. Natigilan ako at napalunok. Dahil hindi ako nagsalita, si Sky na ang nagpatuloy. "You will marry me in the Cathedral and become my good and caring wife," he teased. Tila siguradong-sigurado siya na mananalo siya.



"That's not fair!" reklamo ko sa kanya.



"That's fair enough. You are the one who's not being fair. You're asking an impossible thing to do," he frowned.


Natigilan ako. Bakit naman imposible?



"Is it really hard for you to marry me? I'll make sure that I will take good care of you," he added. Napangiwi ako. What did he mean by taking good care of me? I bet my heart was not included in his statement. His really treating me like a child!



"Fine! Give me two days!" nakasimangot na sabi ko. I don't want to answer his question. He nodded.



"Kung ganu'n, hindi na muna kita guguluhin sa loob ng dalawang araw," he said while nodding. Humaba ang nguso ko. Kinakabahan ako na na-e-excite sa darating na laban namin. We went our separate ways for our solo quests. I fighted like there's no tomorrow. Gusto ko ring malaman kung matatalo ko nga ba si Sky. Kung gaano na ba siya kalakas at kagaling. Pinilit kong magpa-level up kahit mahirap na. Tinapos ko lahat ng solo quest ko. Pagod na pagod ako nang bumalik ako sa town. Hindi ko na namalayan ang oras. Naglalakad na ako sa town nang may biglang humarang sa daan ko.



Tumaas ang kilay ko nang makita si Queen sa harapan ko. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin.



"Follow me," she commanded. I frowned when she turned her back from me and headed on her way. Nagtatalo ang isip ko kung susundan ko ba siya o hindi. Pero naalala ko na hindi pa ako nakakabawi sa pang-iinsultong ginawa niya. Puno ng kumpiyansa sa sarili na sinundan ko siya. I don't care if I'll be facing a war. I just need to return the favor to her and get even.



Tumigil kami sa pinakatagong bahagi ng town. Sa isang makipot na eskinita. Walang masyadong tao na dumadaan sa bahaging ito. I crossed my arms and looked at her intently. Nakataas ang isang kilay ko habang naghihintay sa sasabihin niya. Masamang tingin ang ipinukol niya sa 'kin na hindi ko na ipinagtaka.



"I'm Sky's childhood friend as he said. We've together for many years. Nahilig ako sa online games dahil sa kanya. Dahil ito ang gusto niya. Hindi naman siya tumatanggi kapag inaalok ko siya na maging magka-partner kami sa game, until you came. Hindi nagkakalayo ang level nating dalawa. Rank 3 ka at Rank 4 ako. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang niya akong ipinagpalit sa 'yo," she said with a hint of disappoinment and disgust. Level 35 na ako at Level 33 na siya.



"Siguro, mas maganda lang ako sa 'yo kaya ipinagpalit ka ni Sky," nang-aasar na sabi ko sa kanya. Gusto kong bumawi dahil sa pang-iinsultong ginawa niya sa 'kin kanina. But I can't hide that I'm a bit jealous because she is Sky's childhood friend. Mas lamang siya sa 'kin. Naningkit ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.



"I don't think so. Sigurado ako na sa game na ito ka lang maganda," she grinned and mocked. Umangat ang kilay ko. Really?



"Kung ganu'n, maganda ka sa personal?" tanong ko na may himig ng pang-aasar.



"See for yourself," she answered with confidence. I wonder kung mai-insecure ba ako sa kagandahang ipinagmamalaki niya. Maybe I will ask Prius for me to meet his childhood friend one of these days.



"Oh well. I'm not really interested about your so called beauty. What do you want with me? Gusto mo lang bang makipag-usap sa 'kin o may iba ka pang pakay?" tanong ko sa kanya. I'm really planning to irritate her more. Gusto kong sumabog siyang parang bulkan dahil sa inis sa 'kin. I wanted to provoke her. As I said, I want to get even with her. Ibabalik ko sa kanya ang pang-iinsultong ginawa niya sa 'kin. Namula ang mukha niya dahil sa inis. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko.



"Let's fight! Kapag nanalo ako, kailangan mong sabihin kay Sky na ayaw mo sa kanya. Kailangan mo siyang layuan," she demanded. Sa totoo lang, ito talaga ang balak kong gawin. Ang lumayo kay Sky. But I don't want to lose to her. No way! Ako lang ang mapapahiya.



"Right now?" nakataas ang kilay na tanong ko. She nodded firmly. Mukhang wala ng makapipigil sa desisyon niya.



"Inside the duel arena. Pero naiintindihan ko naman kung natatakot ka," nang-iinis na sabi niya. Napailing ako. I grinned and looked at her directly in the eyes.



"Do you think you can scare me? You're not even worth my time," mataray na sagot ko sa kanya. Mas lalo siyang nainis sa sinabi ko. Kung pwede lang na saktan niya ako ngayon, ginawa na niya. But the town is a safe zone for players. She wouldn't be able to give me a scratch.



"Don't cry inside the arena," she said with irritation.



"Tell that to yourself," nakangising sabi ko. Naiinis na binuksan niya ang dashboard niya. Hinanap niya ang invite button para sa duel arena. Sakto na wala pang naglalaban. Ilang segundo lang ay nakatanggap na ako ng invite. Tumingin siya sa 'kin. She was anticipating my next move. She watched me as I accepted her challenge.

The next match inside the duel arena was now decided. Zeus vs. Queen. We were teleported to the duel arena in just a few seconds. The fight was announced all over the town. Hindi pa nagsisimula ang laban. Nakatayo kami sa magkabilang gilid ng stadium. Napansin ko na maraming players na pumapasok sa loob.



"The fight will start within fifteen minutes," masiglang sabi ng announcer. Nagsimula na ang announcer na ipakilala kami. I sighed because of the long introduction. I checked my weapons and items. Ganu'n din ang ginawa ni Queen. Mukhang handang-handa siya. Of course! Sino ba naman ang maglalakas-loob na maghamon kung hindi naman pala handa? Sumimangot ako nang makita sina Fire and Ice na pumasok sa loob. Balak nilang manood. Kumaway pa sila nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila.



Makalipas ang labinlimang minuto at ang mahabang introduction, pinapunta na kami ng announcer sa gitna ng arena.



"Let the duel begin!" Masiglang sabi ng announcer. Pareho kaming naalerto. Hindi kami agad sumugod. Pinakiramdaman muna namin ang isa't isa. I held my Crystal Bow tightly. She did the same to her silver harp. She placed her fingers on the strings. She's now ready to attack.



Mabilis akong tumakbo palayo nang kalabitin niya ang pisi ng silver harp niya. It released a destructive sound wave that was directed to me. I jumped in the air and turned to her. I released an Arrow of Destruction. Napakalaki at napakaliwanag ng kapangyarihang nagmumula rito. It could destroy a circle with one meter radius. Inilabas ko agad ito para gulatin siya. Mabilis ang kilos niya upang umiwas. Tumakbo siya palayo pero hinabol siya ng mga palaso ko. Meteor Rain.



May ilang dumaplis sa braso niya pero hindi sapat para mabawasan nang malaki ang HP niya. Tumigil na ako sa pag-atake. Mahirap nang maabutan ng cooldown. Tiyak na ito rin ang hinihintay ni Queen na mangyari sa 'kin. I won't allow that to happen. Tumigil na siya sa pagtakbo. She turn to me now. She strummed her silver harp. She directed blast of sounds to me. I ran while hitting her with arrows. Tumatakbo na rin siya patungo sa kinaroroonan ko. It will easier for her to target me in a close range fight. I'm better in long range fights. Lalo na kung iniiwasan kong masugatan. I don't have a mighty and strong armor. Mas madali akong matatalo sa malapitang laban.



"Hey, Queen!" I called her name. May bigla akong naalala. "If I win, I want something from you. Hindi pa pala natin napag-uusapan," sabi ko sa kanya.


"What is it? Kung mananalo ka sa 'kin," she grinned evilly. Napailing ako.



"Hindi pa ako sigurado kung ano. But you have to promise me that you will give it to me when I asked you. Matagal ko pa siguro hihingiin. Hindi ko pa kailangan sa ngayon," nakangising sabi ko sa kanya.



"Whatever," she answered. I grinned. I know she will be useful in the future. Kahit ganito siya, pakiramdam ko naman ay may isa siyang salita.



She struck me with a series of sound waves. These sound waves were moving like spirals in both my sides. Tila gusto akong palibutan. Trying to trap me. Napamura ako nang bumuo ito ng isang maliit na igloo. Hindi tuloy ako makatakas at makagalaw. This is bad. Nang unti-unti itong lumiit upang ipitin ako, may pakiramdam ako na maaari itong sumabog. Tiyak na magdudulot ito ng malaking pinsala sa 'kin. Nang tuluyan na akong napalibutan at wala ng space para gumalaw, I secretly activated my special item. An item to protect me and act as my shield.



Nang sumabog ang spiral sound waves, nagtamo ako ng pinsala pero hindi ganoon kalaki. Napangiwi ako dahil sa mga hiwa na natamo ko sa pagsabog. The cuts were all over my body. Mas lamang na ngayon sa HP si Queen. Nabalutan ng dugo ang kasuotan ko at nagkasira-sira. Now I'm really showing too much skin for all the viewers. Napalingon ako sa isang pamilyar na bulto ng tao sa isang parte ng stadium. Sky's arms were crossed. Nakatayo at nakasandal siya sa pinakaitaas na bahagi ng stadium. Napansin ko rin ang pagsimangot niya habang pinagmamasdan ako. Napairap ako sa hangin dahil bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa kaba. Hindi dahil sa laban kundi dahil kay Sky.



Bumaling ang pansin ko kay Queen. Agad akong lumayo dahil sinundan agad niya ang pag-atake. I ran away to avoid her attacks. Ihinanda ko ang palaso ko para sa sunod kong tira. Nakaririndi at nakakahilong musika ang pinakawalan ni Queen. It was draining all my energy. I released my Twin Blazing Arrow to distract her in releasing that annoying music.



Nabasa ko ang sunod na galaw niya. Balak niyang umiwas at tumakbo sa kaliwa. Inagapan ko ang sunod na kilos niya. Pinakawalan ko agad ang Blazing Eagle Arrow ko para sorpresahin siya. Nang tumakbo siya sa kaliwang bahagi ng stadium, tumambad agad sa harap niya ang Blazing Eagle Arrow ko. Bago pa siya makagalaw upang umiwas, nahagip na ang tagiliran niya. Sumabog ang dugo mula roon at malaking pinsala ang tinamo niya sa tagiliran niya. Mahina siyang napadaing sa sakit. Hindi ako nag-aksaya ng oras. Wala akong pakialam kung nasasaktan siya. Winning was my first priority.



Nang mapansin niya na malapit na ako sa kanya, she strummed the strings of her silver harp. Destructive notes came from it. Iniwasan ko ang mga soudwaves na ito habang tumatakbo pa rin patungo sa kanya. Halos kalahati na lang ang HP niya. I attacked her with my Poisonous Shot. Mabagal na ang reflexes niya dahil sa sakit na dulot ng pag-atake ko kanina. Mas mabilis ko na ring naiiwasan ang mga atake niya dahil sa bagal ng pagkalabit niya sa mga pisi ng silver harp niya. Naiwasan man niya ang Poisionous Shot na pinakawalan ko, hindi naman niya naiwasan ang sunod na atake ko dahil tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Tumama ang Arrow Strike sa balikat niya. She tried to drive me away by a punch but I just moved away and fastly stood from her behind. Nakatutok na sa likuran niya ang Arrow of Destruction na balak kong gamitin sa kanya.



I closed my eyes when I released the Arrow of Destruction. I doubt if she'll survive that attack. Narinig ko na lang ang malakas na sigaw niya. I sighed and opened my eyes when the referee announced the winner. I was teleported outside the arena. At tiyak kong nasa Resurrection Hall na si Queen. Hindi pa humihilom ang sugat ko. At sira-sira pa rin ang suot ko. I frowned.



"Hey, Brat," someone called me from behind. Pero kahit hindi ko siya lingunin, kilala ko na kung sino siya.



"Stupid," I whispered. Napailing si Sky nang tuluyang akong malapitan.



"You suck in fashion," he said while inspecting me from head to toe.



"Do you have any suggestion, Mr. fashion expert?" nang-aasar na tanong ko sa kanya. He just grinned meaningful.



"I guess, you're better to be naked inside my room," he suggested.



"Pervert!" naiinis na sabi ko sa kanya habang tinititigan siya nang masama. He laughed.



"Just kidding. Your body is not worth for my eyes to see," pang-aasar niya. Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Ang kapal din naman niya! Akala mo naman, napakagwapo at ganda ng katawan! Baka nga wala siyang abs in real life! Sapakin ko kaya siya? Naiinis na umirap ako.



"Kapal mo talaga," naiinis na bulong ko. Mahinang tumawa siya. Tinaasan ko siya ng kilay ng tumayo siya sa harapan ko at isuot sa 'kin ang kapa niya.



"Sabay na tayong mag-dinner mamaya," he said.



"Sabayan mo na lang ang childhood friend mo," mataray na sabi ko. Tinanggap ko ang kapa niya dahil wala na akong balak mag-inarte. Muling tumawa si Sky. Humaba tuloy ang nguso ko. May nakakatawa ba?



"Why did you fight her?" seyosong tanong niya sa 'kin.



"Bakit ako ang tinatanong mo? Tanungin mo ang obssessed mong childhood friend," irap ko sa kanya. Ngumisi siya nang nakakaloko.



"You fought because of me?" naaaliw na tanong niya sa 'kin.



"Kapal mo talaga. For your information, ininsulto niya ako kaya nilabanan ko siya," pagtatama ko sa iniisip niya. Bakit naman ako makikipag-away para sa kanya? Hindi naman siya yummy.



"Okay," tumatango at nakangising sabi ni Sky pero alam kong hindi niya ako pinaniniwalaan. The heck! Nilampasan ko siya. May party quest pa ako na kailangang tapusin.



"Hey, Brat! Don't forget about dinner," he shouted. Iwinagayway ko lang ang kamay ko at hindi na siya nilingon. "And my cape," he added to remind me. I bit my lower lip to suppress the smile curving in my lips. He could make me smile effortlessly. Annoying!



Nang matapos namin ang party quests namin, agad akong naglog-out. Natalo na rin namin ang isang dungeon boss. The serpent's boss. I don't know why I'm excited for dinner. I'm excited to see Prius. This is not so me! May sumanib na yata sa 'king masamang espiritu! Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari sa 'kin. Hindi. Sa totoo lang, may ideya na ako kung ano ang nangyayari sa 'kin. Ayoko lang aminin.



Agad kong inalis ang head gear sa ulo ko. Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin. Sinuklay ko gamit ng mga kamay ang medyo magulo kong buhok. I even sprayed perfume across my body. Nakakainis! Bakit ba ako nako-conscious? Jeez! At saka sinabi ko pa sa kanya na layuan niya ako! Something was wrong with my mind! Napailing ako nang binuksan ko ang pinto ng silid ko. Napansin ko na wala pa sa labas ng silid niya si Prius. Babalik na sana ulit ako sa loob ng silid ko dahil ayokong maghintay sa kanya pero natigilan ako nang bumukas na ang pinto ng silid niya. Ngumisi siya nang makita agad ako.



"Excited to see me?" pang-aasar niya na ikinapula ng mukha ko. Sumimangot ako para itago ang pamumula ng mukha ko.



"Ikaw na ang pinakamakapal na tao na nakilala ko! Ilang inches ba 'yan? Mukhang kinakalyo na 'yang mukha mo sa kapal," nang-iinis na sabi ko. Mahinang tumawa siya at pinasadahan ng kamay ang buhok niya. Medyo magulo ito pero gwapo pa rin ang mokong. Sumimangot ako lalo. Effortless ang pagiging gwapo niya. Lumapit na siya sa 'kin. Nakagat ko ang ibabang labi nang biglang may maalala.



"May problema?" Takang tanong niya sa reaksiyon ko.



"Nakalimutan kong sabihin kina Frey at Faye na dinner na. Itetext ko lang," sabi ko sa kanya. Babalik sana ako sa loob ng silid ko pero pinigilan na niya ako.



"They already know that you're with me. I told them," he said and gave me a small smile. Hindi ko alam ang nangyayari pero naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko. What was his plans? Nagdududang tiningnan ko siya pero hindi niya ito pinansin. Nagkibit-balikat lang siya.



————-



TO BE CONTINUED...



Note: Hindi ko ginawang detalyado ang laban kasi ang hirap mag type sa tablet. Shemay! Biglang nagka-crash tapos hindi nagse-save. Masakit sa puso *cries* Tinamad tuloy. After two years ko na lang ieedit. Seryoso ako hahaha! Thanks for reading. May part two ang chapter na ito. Babawi na lang ako kapag nagawa na ang laptop ^_^


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com