Chapter 15.1: Caller
UNEDITED. PAGPASENSIYAHAN ANG TYPO. TAMAD. ENJOY READING!
PRIUS
Napailing ako dahil sa pag-iwas ni Zeus sa 'kin. Hindi ko siya hinabol. I must give her own time and space to think. I remembered that I promise, I will leave her alone before our match. I will surely win her in that match.
"You really like her?" interesadong tanong ni Cember na nasa likod ko na.
"You think so?" balik tanong ko sa kanya. I grinned. I do like her. I don't have any reasons to hate her anyway.
Marahang tumango si Cember. "Hindi mo siya kukulitin kung hindi mo siya gusto. Marami namang babae na nagpiprisinta na maging ka-partner mo pero siya lang ang gusto mo," she commented. I looked at her.
"Alam kong siya lang ang makakasundo ko," I answered honestly.
"Ibig sabihin, hindi tayo nagkakasundo?" nakataas ang kilay na tanong niya.
"That's not what I meant," I grinned. "In a special way, siya lang ang makakasundo ko," I said. Naglalakad na kami pabalik sa Town. We just went here to check our next party quest.
She laughed softly. "I get it. So you like her in a special way?" she asked. Nagkibit-balikat ako. Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil alam kong hahaba lang ang usapan namin. She frowned because of what I did. Pero alam ko namang hindi na siya magtatanong. Wala sa sariling ngumiti ako dahil naalala ko ang nangyari kagabi. I'm not sure if I like her in a special way.
"I assume. You don't like her. You're in love," Cember commented. Nagtatakang tiningnan ko siya. She was smiling big and wink at me. Magtatanong pa sana ako pero nagsimula na siyang tumakbo at magpalipat-lipat sa mga sanga ng puno. I followed her.
"What are you talking about?" I asked her. Mahina lang na tumawa si Cember pero hindi niya sinagot ang tanong ko. I frowned. Mas mabilis kumilos sa 'kin si Cember dahil magaan lang ang kasuotan niya at sandata. I'm carrying may large silver lance. And my armor was quiet heavy too. I sighed. Hindi na ako nagtanong pa sa kanya. I already sent messages to my party members. We will have a meeting regarding on our next party quests. Nauuna sa 'kin si Cember. Sumagi na naman sa isip ko ang mga nangyari kagabi.
I stopped kissing her. Actually, she didn't know how to respond properly. She didn't know how to kiss. I could feel that she's tired too. Nakahiga ako sa tabi niya. I looked at her and she's not opening her eyes. I asked if she's already asleep. She didn't respond. I tucked the strands of her hair behind her ears. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa maamo niyang mukha. She looked harmless when she's asleep. Better. I don't want to deal with her smart mouth right now. I'm actually tired too.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot para hindi magising si Denise. Hanga rin ako sa kanya. We just kissed and now she's sleeping. She's unbelievable.
"Hello?" I answered without looking at the caller's name.
"Where's Denise? She entered your room? Aren't she leaving yet? It's already thirty minutes!" agad na bungad ng nasa kabilang linya. I sighed. So it was Darren Raven. Denise's brother.
"She's here. She's sleeping," I answered. Hindi na ako nagtaka sa sunud-sunod niyang tanong. He's always protective when it comes to his little sister. Narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura sa kabilang linya dahil sa sinabi ko.
"Prius..." nagbabantang tawag niya sa pangalan ko. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.
"Don't worry. I will not do anything. Trust me," seryosong sabi ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"How is it? May nakuha ka na bang impormasyon?" he asked. Halatang gusto niyang ibahin ang usapan. He was calming himself down. "Just let her sleep. I know she's tired. This was not a simple role playing game," he added when he calmed down. "But you're still a guy," he added cautiously. He was waiting for an answer.
"Yes. And you're too late to remind me. I kissed her," I answered truthfully. Muli kong narinig ang pagmumura niya sa kabilang linya. Napailing ako. Tumayo ako at umuwi sa harap ng table kung nasaan ang laptop ko. I opened it. Inilabas ko ang flash drive na dala ko kanina. I copied necessary data from Phoenix without his consent.
"You kissed her?" hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin.
"I'll take responsibility. You're overprotective but I do understand," I stated.
"Do you like her?" nagdududang tanong niya sa 'kin.
"You know I like her. Since we were kids," I answered. Yes. Kilala ko na siya noon pa. Since when she was eight. Isang buwan ko siyang nakasama. I just don't get why she forgot about me. Tila hindi niya ako natatandaan kahit noong magpakilala ako sa kanya.
"Alam kong mahilig siyang maglaro. But the game of love is excluded in her vocabulary," he reminded me.
"She's not a child anymore," I reminded him too.
"I'm afraid that you'll break her heart again," he said.
"Why again?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Galit na galit siya noon sa 'yo nang umalis ka. Hindi man lang siya nanalo sa kahit anong laro kapag hinahamon ka niya. And she decided to forget you because you didn't even say a word when you left. She even told me that your name is a bad word and I shall not say it anymore," he laughed.
"I already broke her heart because of that? It was just a child's game," nakasimangot na sabi ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kwento niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"She's unbelievable, right? Talagang kinalimutan ka niya," natatawang sabi ni Darren. Nang bumukas ang laptop, agad kong ipinasok ang usb ko sa port. Mahina rin akong tumawa dahil sa sinabi niya. Wala naman akong magagawa dahil isang buwan ko lang siyang nakilala at puro laro lang noon ang nasa utak ni Denise. She's not paying attention on my existence. She just wanted to beat me.
"Yes. She's really unbelievable," I said and grinned.
"Even if she's like that, don't break her heart," he reminded.
"She's too precious to break, Dude," seryosong sabi ko.
"If you say so, I will believe your words then. What's the update?" he asked.
"I will send the data. This is not enough. Just a part of the whole system. Hindi pa ito sapat para mapasok mo ang whole system. I'm trying to decode some of the system's program. I'm not yet done. I'll send it to you later. Ang ipapasa ko ngayon sa 'yo ay isang cheat na ginagamit ng isang player. I guess this is enough for you to make bugs out of it," seryosong saad ko habang tumitipa sa keyboard. I was now sending him the data he needed.
"Good. Kailan mo balak pasukin ulit ang headquarters? I need the copy of the whole game," seryosong saad niya. Naririnig ko rin ang pagtipa niya sa keyboard niya sa kabilang linya. Hindi ko alam kung nagpapahinga pa ba ang taong ito. Nagtatrabaho ako sa kanya bilang part-timer.
"Masyadong mabigat ang security nila. Pinag-aaralan ko pa," I answered. "Na-receive mo ba?" I asked him.
"Yes. Thanks. I need to analyze the whole system as soon as possible. Hindi ko kayo matutulungan kung wala 'yon. Kapag na-trap kayo sa loob, I can't do anything about it. I need it as soon as possible. Hindi pa rin malinaw kung ano talaga ang balak ng Game Crest pero iniimbestigahan ko na," he answered.
"I already saw the data. You're right it's not enough. I need more data than this. Pero nakuha ko na kung anong trick ang ginagawa niya para makapandaya," he answered. He was too smart. It will take me a day to analyze the data I sent him.
"Pero hindi ako makagagawa ng cheat o bug hangga't hindi ko napapasok ang game system nila," he added.
"I got it. Do you have an idea on where they are hiding the data?" tanong ko agad.
"Yes. I already checked. I'll send the details now," he said.
"Good," I said. May natanggap akong email sa kanya. I checked the details. Pati shifting ng mga guards kasama sa ipinasa niyang impormasyon. Detalyadong-detalyado.
"Tomorrow night. I'll get this done," I answered.
"Okay. I'll ready everything for you," he said. "You can rest now. But hey! If my sister cried because of you, you're dead," he added.
"Sure. Thanks for reminding me. Goodnight," I said.
"Night," he said. Pinutol na niya ang tawag. I know he's busy right now. At mas magiging busy siya dahil sa data na ipinasa ko sa kanya. I shut down my laptop. Tumayo na ako. Napailing ako nang mapagmasdan si Denise na tulog na tulog. Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok sa banyo upang maligo. I need to cool myself down. Paglabas ko sa banyo, naka-boxers na lang ako. I was drying my hair using a towel. I sighed when I sat on the edge of my bed.
Tinapik ko ang mukha ni Denise kung magigising ba siya o hindi. Napangiti ako nang wala sa sarili niyang tinabig ang kamay ko. She's adorable. Humiga na ako sa tabi niya at kinumutan ko na rin siya. I was tempted to laugh because she was started to sniff me. I bet she like my smell. Tumagilid ako paharap sa kanya. Inunan ko sa ulo niya ang isang braso ko. Isinandal pa niya ang ulo niya sa dibdib ko. Napailing na lang ako. Tiyak na masisigawan niya ako kapag nagising na siya. Hinaplos ko ang mahaba niyang buhok bago ko ipinikit ang mga mata ko upang matulog.
DENISE
Kumunot ang noo ko nang maramdaman na may nakayakap sa 'kin. I was also hugging it back. I'm sure I'm not hugging any teddy bears right now. Wala ako sa bahay. And something flashed in the back of my mind. Naalala ko ang nangyari sa 'min ni Prius. I bit my lips because I now have an idea of what's going on. I slowly opened my eyes. Muntik na akong mapasigaw nang makita ang ulo ko na nakasandal sa dibdib niya. His chest was bare. Bakit siya nakahubad? What just happened? We just kissed right? Did he take advantage of me? Agad akong umurong palayo sa kanya at pinakiramdaman ang sarili ko.
Wala naman akong kakaibang nararamdaman. Suot ko pa rin naman ang mga damit ko. Natigilan ako nang maagaw ang atensiyon ko ng katawan ni Prius. Napalunok ako. It's my first time to see an almost naked body. His muscles were firm. I was really curious on his abs so I have to count it. Six-packed. Damn! Tinusok ko pa ito ng hintuturo para malaman kung totoo o peke ba ito. Baka design lang.
Namula ang mukha ko nang narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Agad ko siyang tiningala. His sleepy eyes were smiling done at me. He was smiling big too.
"Why are you naked?" mataray na tanong ko sa kanya para itago ang pagkapahiya ko.
"And what are you doing?" he asked back. He was obviously teasing me. Mas lalong namula ang mukha ko. Hindi ko alam ang isasagot.
"I-I'm just curious. It's f-fake, right?" nauutal na sagot ko sa kanya. He laughed. Gusto ko lang siyang asarin pero mukhang ako ang maaasar dahil sa pagtawa niya. Inayos pa niya ang paghiga niya. Inalis niya ang pagkakayakap sa 'kin.
"You can sleep in my abs to check," he teased. I could feel my irregular heartbeat. I can sleep in his abs? Seriously? Magandang ideya pero hindi ko gagawin! Inirapan ko siya.
"Kapal mo. Ikaw lang ba may abs dito?" mataray na tanong ko sa kanya.
"Meron ka rin?" pang-aasar niya. Naiinis na pinitik ko ang ilong niya. Bahagya siyang napapikit at tumawa.
"Can I sleep there too?" dagdag na pang-aasar pa niya. Sumimangot ako. This argument will get us nowhere. Bumangon ako. Nakangisi pa rin siya sa 'kin. I was looking down at him. Nakatuon ang dalawang kamay ko sa kama habang nakaupo. Napalingon ako sa orasan. It was already two in the morning. Muli kong ibinaling ang tingin sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti niya sa labi. Muli akong napairap.
"I better go," nakasimangot na sabi ko sa kanya.
"Sure. Goodnight," he smiled. I nodded. Agad akong bumaba sa kama niya at naglakad patungo sa pinto. Pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto pero natigilan ako sa biglang itinanong niya.
"Hey, Denise! I'm your first kiss, right?" Prius teased. Muling namula ang mukha ko. Nakalimutan ko na pero ipinaalala pa niya.
"No! Of course not!" I abruptly denied. Hindi ko na siya nilingon. Tiyak na mahahalata niyang nagsisinungaling ako. I bit my lower lip when he laughed.
"But you don't know how to kiss. I see," nang-aasar na sabi niya. Gustong umusok ng tainga ko dahil sa narinig. Naiinis na binuksan ko ang pinto at padabog na isinarado 'yon nang lumabas ako. Jerk! Nagmamadaling pumasok ako sa silid ko at naiinis na humiga sa kama. Muli akong tumayo at pumasok sa banyo upang magsepilyo para mawala ang bakas ng halik niya. Nakakainis!
Nang matapos, naisipan kong pumasok sa Alkia Kingdom upang magpataas ng level. Nang mapagod, saka pa ako natulog muli. Pinagod ko lang ang sarili ko upang makalimutan ang mga nangyari kahapon. Mahimbing naman akong nakatulog.
--------------
DENISE
We're now heading for our party quest after we finished our solo quests. Patungo na kami sa ikalimang bahagi ng kagubatan. May ilang players kaming nadaraanan habang mabilis kaming tumatakbo.
"How's your date yesterday?" nag-uusisang tanong ni Ice sa 'kin. Napasimangot na naman ako nang maalala ang mga nangyari.
"It's not a date," pagtatama ko sa sinabi niya. "He was just up to something," I added. "He just needs me to do something."
"You're disappointed?" natatawang pang-aasar ni Ice. "Umasa ka ba?" she asked and laughed. Napailing ako. Nakikinig lang si Fire sa pinag-uusapan namin at hindi nagkomento.
"Hindi ako umasa," irap ko kay Ice. Narinig ko ang sabay na pagtawa nina Fire at Ice. Sumimangot ako dahil pakiramdam ko pinagtutulungan ako ng dalawa. Mabuti na lang at mabilis kaming nakarating sa dungeon ng Jagged Moon Bee. Nang makapasok kami sa loob, agad kaming naghanda dahil marami kaming nakitang beehives sa buong paligid. I guess we will be facing the Queen Bee. At hindi magiging madali ang lahat ng ito.
-----------------
TO BE CONTINUED...
Wahahaha! Nag-update ulit ako. Next time ulit. Tinamad lang ako kaya pinutol ko na :D hahaha! Thanks for reading!
Comments?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com