Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19: East Gate Keeper

UNEDITED. TAMAD. ENJOY READING.


DENISE


Handa na lahat ng miyembro ng Dark Fortress. We are all set for the dungeon raid. Palabas na sana kami ng main gates ng town nang biglang mamula ang buong paligid. Naalerto kaming lahat. It's the warning system.


"Announcement! Announcement!" sabi ng tinig ng isang babae sa background. The system operator's voice. Kumunot ang mga noo namin dahil sa pagtataka. Ano naman kaya ang iaanunsiyo nila? Will they be down for maintenance?


Mula sa langit, isang malaking screen ang lumabas at bumungad sa 'ming lahat. I'm sure everyone could see it from wherever they are. The game crest's president was there in the monitor. He was in black business suit. Mukhang importante ang announcement na ibibigay niya dahil siya pa mismo ang magsasalita. Halos lahat kami ay tumigil sa ginagawa. Everyone was eyeing at the president curiously.


"Good morning, players. I hope you're all enjoying the game. I know you're all doing your best to be on top. I'm really happy about that. But we discovered that some players tried to sneak inside our main building. We didn't know what's their real intentions. Maybe to steal data which can be used for cheating. Just a warning. We won't tolerate cheating. We will not think twice to disqualify you if ever we discovered you're cheatin. We have ways to detect your cheats. Now we're currently investigating the incident. There are four unidentified players who tried to sneak inside the headquarters," he said. Umawang ang mga labi ko na agad ko ring itinikom. Nagmumura na ako sa isip ko dahil sa mga naririnig. Shit! I wondered if Prius was feeling the same way too. I'm sure me and Prius are one of those four players. Nagpatuloy sa pagsasalita ang presidente matapos ang ilang segundong pananahimik. "You know who you are. Better not do it again next time," he said in a serious tone. Napalunok ako. If they discovered us, we're dead. Pakiramdam ko namutla ang mukha ko pero pilit kong itinago ang kaba ko.


Ngumiti ang presidente pagkatapos. "That's all. You may now continue playing. Good day and good luck. May the best player win," he said. Nawala ang malaking monitor sa langit. Bumalik sa dating kulay ang buong paligid. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. I need to talk to Prius about this. Dapat masiguro namin na hindi kami mahuhuli! Shit! Hindi na sana ako sumunod sa kanya noon. Napailing ako sa sarili ko. Alam ko na huli na upang magsisi.


"Hey, you fell silent," takang komento ni Fire sa 'kin. Tiningnan ko siya at pilit na inalis ang pangamba sa mga mata ko. Umiling ako sa kanya at pilit na ngumiti. Walang kamalay-malay si Fire at Ice sa mga ginawa ko. That I was one of the culprits too.


"I guess, it's time to go now," sabi ko na lang sa mga kasama ko. Napansin ko na tahimik din si Phoenix at malalim ang iniisip. I wonder if he's one of those four too. Akala ko si Prius lang ang nagtatangka na makapasok sa headquarters, may iba pa pala. Nadamay pa ako. Napansin ko ang pagbubulungan ng mga players tungkol sa narinig nila. I sighed. Ipinagpatuloy na namin ang paglalakad. Lumabas kami sa north gates ng town. Pilit kong inalis sa isip ko ang pag-aalala. Paano kung mahuli kami?


"You look worried," komento naman ni Ice. Nasa unahan sina Scithe, Angel at Phoenix. Nasa likuran naman kaming tatlo nina Fire at Ice. May kalayuan kami sa kanila kaya natitiyak kong hindi nila maririnig ang pinag-uusapan namin.


"I wonder who are those who tried to sneak inside the main building," wala sa sariling sabi ni Fire. Tumango naman si Ice. "And I guess, someone here knew something about that," makahulugang sabi ni Ice habang nakatingin sa 'kin. Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Maging si Fire ay nakatingin din sa 'kin.


"W-What do you mean? Are you accusing m-me?" nauutal na tanong ko sa kanya. Gusto kong mapailing dahil halata na kinakabahan ako. Ngumisi sa 'kin nang makahulugan si Ice.


"You suck in keeping secrets," she said and shrugged her shoulders. She even laughed softly. Sumimangot ako. Pakiramdam ko, pinagtitripan niya ako.


"I'm not keeping secrets!" agad na sabi ko. Tumawa lang si Fire. Mas lalo namang ngumisi si Ice. I hate them when they're acting like this. Pakiramdam ko, naiipit ako kahit wala silang masyadong sinasabi. Pakiramdam ko, pinagtutulungan nila ako.


"It's fine if you don't want to tell us. But you can't stop us from worrying. Just by hearing the President's announcement, I can tell that he's dangerous. I can sense it. There's something in him that I can't explain. I can tell that he's serious and somehow mad," seryosong sabi ni Ice. Napansin ko ang pag-aalala na sumilay sa mukha niya. She's worried about me and that made me a bit happy and guilty at the same time.


"You know me. I'm not going inside that building just because I wanted to cheat. I don't need the cheats," nakasimangot na sabi ko sa kanila. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko kahit alam kong hindi naman dapat. Hindi ko na maitatago sa kanila na pumasok nga ako sa building pero ayoko namang isipin nila na ginawa ko 'yon para lang mandaya.


"We know. That's why we're wondering why you went there. I bet, something made you enter the building. You're always curious. Curiosity. Ito lang ang naiisip kong dahilan kung bakit ka pumasok sa building," wika ni Fire habang seryosong nakatuon ang mga mata sa 'kin. Somehow, it made me want to melt.


"And curiosity kills the cat," naiiling na sabi ni Ice. Tila may gusto siyang ipahiwatig sa 'kin nang sabihin niya iyon. Napailing ako at sumimangot. I don't want to give them the details. Hindi ko pa rin naman alam ang totoong dahilan kung bakit pumupunta si Prius sa main building. For cheating? Kumunot ang noo ko. He was the one on top right now. Hindi kaya nandadaya siya? Napailing ako. It can't be. Hindi ko gustong isipin na nagdadaya siya. Malalim na bumuntong-hininga ako.


"Hindi na mahalaga kung ano man ang dahilan ko. Hindi na mauulit 'yon. Ang mahalaga ngayon ay ang laro. We will face and fight the gate keepers. We must prepare ourselves," seryosong sabi ko. Napailing na lang silang dalawa.


"If that's what you want then fine. But remember, you can always open up with us. If you need help, we're willing to lend a hand or both," nagbibirong sabi ni Ice. Ngumiti na rin ako. I know, I can always count on them. Dumiretso kami sa isang tagong lugar. Makahoy sa buong palagid at sobrang tahimik. May isang balon sa pinakagitnang bahagi ng kakahuyan katulad ng nakalagay sa mapa. It was an endless well. Ang balong ito ang magsisilbing daan upang makapunta kami sa Lost City. Nang tumingin ako sa pinakailalim nito, may pabilog at kulay asul na liwanag doon. It looked like a portal. An endless portal.


Nagkatinginan kaming lahat at tiniyak kung handa na ba ang isa't isa. I nodded to all my members. Our only choice was to jump and take risk. It's the only way to know what's beyond that portal. Wala akong pakialam kung ano man ang naghihintay sa 'min. We just need to conquer what's waiting for us in that dark pit.


I gulped. Ako na ang unang tumalon sa portal. Tila hinihigop nito ang buo kong katawan patungo sa ibang dimensyon. Colorful lights surrounded me until I fell down the ground. Madilim sa binagsakan ko. I managed to land safely on the ground. Tumayo ako at tumingin sa buong paligid. Sunod na dumating ang iba kong kasama. Kumunot ang noo ko dahil sa nasilayan.


There's a full moon. Pakiramdam ko nasa ibang mundo at panahon ako. Napansin ko ang mga puno na wala ng mga dahon. Nalagas na ang mga ito. Tuyo na ang mga halaman sa buong paligid. Everything in this place was dead and lifeless. It looked like there's no hope left for this place. Walang tubig na nagbibigay buhay sa buong paligid.


"Do you think we can find the lost?" natatawang pagbibiro ni Ice habang iginagala ang paningin sa buong paligid.


"Whether it's lost or not, we will manage to find it no matter what. Whatever the price it may take, we will survive," seryosong saad ko. Pinagmasdan ko ang mapa. Napansin ko ang apat daan sa harapan namin. Tiningnan ko ang mapang nasa kamay ko. Maraming sanga-sangang daan sa mapa. Sa pinakagitna nito ay naroon ang lugar na may marka na ekis. It was the Lost City. Pero hindi makikita sa mapa kung nasaan ang mga Gates. Madaling tingnan sa mapa kung nasaan ang Lost City pero alam kong hindi madaling hanapin ito dahil sa napakaraming daan sa mapa na tila paikot-ikot lang. Hindi pa namin alam kung saang lugar kami dadalhin ng mga daang ito at kung ano ang naghihintay sa 'min dito. It looks like an endless maze.


"Where do we go now?" tanong ni Angel. Napansin ko ang apat na kulay ng signboard. Red, blue, green and yellow. May nakalagay na Lost City sa karatula pero lahat sila ay nakaturo sa iba't ibang direksiyon.


"According to Death, we need to answer questions correctly so we can head to the right direction. I guess, we need to select first the way we wanted to go. It doesn't matter if it's the right or wrong way. As long as we answers the questions correctly, we will be able to find the Lost City. Let's just walk and see where we can find that questions he's talking about," seryosong saad ko.


"So now, we will just pick any color?" seryosong tanong ni Phoenix. I nodded.


"Let's pick the blue one," excited the sabi ni Ice. Nagkatinginan kaming lahat pero tumango rin naman. Hindi na namin kailangang pagtalunan pa kung ano ang kulay na pipiliin namin. Nang makatapak kami sa daan kung saan nakaturo ang asul na karatula, biglang nawala ang tatlong daan na natitira. Napansin naming lahat ang linya ng mga salita na lumitaw sa karatula.


"Once a decision is made, there's no turning back," sabi ni Fire nang basahin niya ang nakasulat sa karatula. Hindi ko alam kung dapat ba kaming kabahan. Nang lumingon ako sa likod ko, wala ng kahit anong daan na naghihintay sa 'min. Our only choice is to continue. Humugot ako ng malalim na hininga.


"Let's go," matapang na saad ko. Naglakad ako at wala na silang nagawa kundi sumunod. "It's not the time to chicken out. Harapin ang dapat harapin. Talunin ang dapat talunin. That's all that is left. Focus on our goals," seryosong saad ko sa kanila.


Hindi ko napansin kung gaano katagal kami naglakad. Walang kahit ano sa paligid kundi ang madilim na daan, bilog na buwan, tuyong mga halaman at patay na puno. Alerto kami dahil baka may mga halimaw na biglang sumulpot sa daan. The night was long and silent. It was too quiet that it gives me the creeps.


Lahat kami ay natigilan dahil sa pakiramdam na may sumusunod sa 'min. Tila may mga anino sa likod ng mga puno na nakatingin at pinagmamasdan ang bawat kilos namin. Pero natatanaw na rin namin ang isang malaking gate. May East na nakalagay sa pinakaunahan ng gate. Sa tingin ko, napatapat kami sa East Gate Keeper.


"Continue walking," seryosong saad ko.


"But--" nagdadalawang isip na sabi ni Ice dahil sa mga sumusunod sa 'min.


"It's fine. Kung balak nila tayong sugudin dapat kanina pa nila ginawa. But they didn't. I also can't understand their actions but we need to move forward. Or else we will be forever stuck and fear will consume and eat us," seryosong saad ako. Isa-isa ko silang tiningnan. Nahagip din ng mga mata ko ang mga pulang mata na nakatingin sa 'kin. Nasa likod ito ng isang puno pero nagpanggap ako na hindi ko ito nakita.


"Very well," sabi ni Phoenix at nauna na siyang naglakad patungo sa East Gate. Sumunod naman sina Scithe at Angel. Alerto sila at mahigpit ang pagkakahawak sa mga armas nila.


"Nice Leader," pang-aasar ni Fire. Mahinang hinampas ko ang likod ng ulo niya. Mahina siyang tumawa. Tiningnan ko naman si Ice na hindi gumagalaw.


"I have a bad feeling about this. We're not sure of what's waiting for us there. These creatures following us made this mission more dangerous," mahinang sabi niya sa 'kin.


"I feel the same way. But we have to take risks and be brave to face the unknown. Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan," seryosong sabi ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang takot sa mga mata ni Ice.


"Sis, we're just inside a game. If you die, you'll be resurrected. You don't have to be afraid," nakangising sabi ni Fire kay Ice. Sumimangot naman si Ice dahil sa sinabi ni Fire.


"If I die then you probably didn't do your job well," irap ni Ice. Tila bumabalik na ang kumpiyansa niya sa sarili. Napangiti ako sa kanilang dalawa. Naglakad na ako habang silang dalawa naman ay nasa likod ko at nag-aasaran habang naglalakad. Tumigil kami sa harap ng mataas at malaking gate. It was made of heavy iron. Iniisip ko pa kung paano bubuksan 'yon pero kusa na itong bumukas para sa 'min.


Napalunok kami dahil bumungad sa 'min ang medyo madilim na silid. Malaki ito at malawak. Kulay asul na liwanag ang bumabalot sa buong paligid. Tila may narinig ang babaeng mahinang tumawa mula sa likod namin. Napalingon kami pero wala kaming nakita.


"Go on and enter. Face the unknown. Protect each other if you can," someone whispered in our ears. Nagkatinginan kaming lahat. Tila tumaas ang mga balahibo ko sa katawan. Wala kaming kahit anong nakita sa paligid. Tila tinatangay ng hangin sa tainga namin ang malamig na tinig na iyon.


"Let's not waste our time. Let's do this," seryosong saad ko. Nauna na akong humakbang papasok sa silid. Sumunod sila sa 'kin. Sumarado ang malaking gate nang makapasok kami nang tuluyan. Nakakabingi ang katahimikan na tumambad sa 'min. My eyes adjusted to the blue lit room. As I remembered, Death said that the East Gate keeper is a demon with two horns with a large axe. And he's right. Sa pinakagitna ng silid nakaupo roon ang halimaw na sinasabi ni Death. Nakapatong sa tabi nito ang isang malaking palakol. Nakapikit ito pero unti-unting nagmulat nang maramdaman ang presensiya namin. The demon's body and head were covered with strong armor. The demon was well shielded. Ang mapupula nitong mga mata ay nakatuon sa 'ming lahat. Agad kaming naalerto. We scattered so we will not be an easy target for the demon.


Hinawakan ko nang mahigpit ang crystal bow na hawak ko. Dahan-dahan itong tumayo sa kinauupuan at hinawakan ang malaking palakol nito.


"Let's not wait for him. Let's attack him now," seryosong sabi ko sa mga kasama ko. They all agreed. Mula sa kinatatayuan ko ay nagpaulan ako ng mga palaso sa halimaw. Walang takot na sumugod si Scithe sa halimaw. She struck the demon head on. She was switching places with Ice and Phoenix in her every attack.


Si Angel at Fire naman ay alerto. Angel was boosting our every attack. Nang tuluyang makatayo ang halimaw, agad nitong iwinasiwas sa hangin ang mabigat at napakalaking palakol nito nang walang kahirap-hirap. Napaurong kaming lahat sa malakas na hangin na nabuo nito na tila ipo-ipo na umatake kay Ice. Mabilis ang galaw ni Ice at nakatalon siya at nakaiwas. Bumangga ang ipo-ipo sa napakatibay na pader pero nagdulot pa rin ito ng malaking sira roon. Tinangkang hampasin ng halimaw si Scithe gamit ang malaking palakol pero sinangga niya ito gamit ang malaking espada. Pero walang-wala ang laki ng espada ni Scithe sa laki ng palakol ng kalaban. Sa pagwasiwas pa lang ng palakol ng halimaw, mararamdaman na agad namin ang hanging marahas na umiikot sa buong paligid namin.


Napapangiwi si Scithe dahil unti-unti na siyang napapaluhod sa sahig dahil sa lakas ng kalaban. Inatake ni Phoenix ang halimaw. Tumama ang lightning strike ni Phoenix sa ulo ng halimaw. Dahil dito naagaw ni Phoenix ang atensiyon ng halimaw. Maging ako ay nagpaulan ng Meteor Rain sa kalaban. I already upgraded my skills. Mas malakas na ang mga skills ko kumpara noon. Mas malaki na ang damage na nagagawa nito sa kalaban. Matibay ang depensa ng armor ng East Gate Keeper kaya kaunti lang ang nababawas sa health points nito. I hissed. Its's not an easy opponent. It's in a complete different level. Tiyak na hindi talaga makakalampas ang mga players na may mababang skills at level. Hindi basta-basta ang mga bantay sa Lost City. Kailangan munang masiguro na malakas na bago pumunta at sumabak rito.


Bahagyang nakalayo si Scithe dahil sa ginawa namin ni Phoenix. Dalawa na ang flying blades na hawak ni Ice. May chains na nakadugtong sa mga ito. She was continuously striking the demon by her weapons. Hinihila lang niya ang chains nito upang bumalik sa kanya nang walang kahirap-hirap. Ice jumped from the monsters behind to struck its head but the demon managed to dodge. Walang kahirap-hirap na pinalipad nito si Ice palayo. Tumalsik si Ice at malakas na tumama ang likod sa dingding. She slid down but she managed to stand up again. Medyo nabawasan ang Health Points ni Ice. I ran towards the demon while striking it with arrows.


Tumatalon ako sa tuwing ihahampas nito ang malaking palakol sa 'kin. Napansin ko ang pagkakabitak-bitak ng sahig dahil sa lakas ng impact nito. Hindi rin nag-aksaya ng oras sina Scithe at Phoenix. Nagmamadali ang mga galaw nila at mabilis na umaatake sa East Gate Keeper. Outpouring lightning and Heaven Attack ang sunud-sunod nilang ginagamit sa pag-atake. I released my Deadly Strike and hit an eye. Malakas na napaungol ito dahil sa sakit. Makikita ang galit na namumuo sa mga mata nito.


Nagulat pa ako dahil hindi ko naiwasan ang paghampas ng palakol nito sa 'kin. Mabuti na lang at hindi ang patalim ng palakol ang tumama sa katawan ko. Tanging ang handle lang nito. Pero kumunot ang noo ko dahil sa matatalim na hangin na nagmula sa pagwasiwas nito ng palakol. It pierced into my skin deeply. Lumipad ang katawan ko sa sahig at napangiwi ako sa sakit na naramdaman ko. Makikita sa mga braso at hita ko ang mga hiwa dahil sa matatalim na hangin na tumama sa katawan ko.


Agad akong tumayo. Napansin ko na nahihirapan na ang mga kasama ko dahil sa lakas ng halimaw. Maging sina Angel at Fire ay hindi nakaligtas sa mga atake ng halimaw. Ramdam din nila ang matatalim na hangin na tumatama sa katawan nila. Maging sila ay inaatake rin ng halimaw gamit ang palakol nito. Hindi rin sila nakaligtas. The demon was smart. The demon knew that Angel and Fire are our source of life.


Agad akong gumalaw at nagpaulan ng Meteor of Death sa kalaban. Tumalon naman si Scithe mula sa likod ng East Gate Keeper at ibinaon ang espada niya sa likod nito. Mababa na ang defense level ng armor ng kalaban kaya nagawa ito ni Scithe pero gamit ang matatalim na kuko at kamay nito ay napalipad niya palayo si Scithe. The sharp nails dugged into Scithe's body. Halos sumuka na rin ng dugo si Scithe. Wala na ang armor nito. Si Ice naman ay pagod na rin. Maging si Phoenix. Ilang atake pa ang ginawa ng halimaw. Napansin ko na nahihirapan ng gumalaw ang mga kasama ko pero mabuti na lang ginamit nila ang healing item na dala nila.


I instructed Ice to attack the demon from above and then switch position with me. Ginamit ko ang healing item ko para makabawi ng lakas. Ice did what I told her. Tumalon siya nang mataas. Gamit ang kayang dual flying blades, inatake niya ang kalaban. She struck it head on. Ginamit ng halimaw ang palakol upang atakihin si Ice pero nakalipat si Ice sa ibang position na mas malapit sa halimaw. Sa gilid nito. And that's when I switched position with her. I struck its face with my Angel shot. It was stunned for fifteen seconds. Now we got our chance. I hit him again with Arrow of Destruction. Ginamit naming lahat ang oras para atakihin ito nang sunud-sunod. Nababawasan ang health points nito nang walang kalaban-laban.


Kaunti na lang ang health points nito nang mawala ang epekto ng Angel Shot ko. Galit na galit na sumugod ito sa 'min. Nagwawala rin ang hangin sa buong paligid dahil sa sunud-sunod na pagwasiwas nito ng palakol. We are all alert for both offense and defense. Pinapagaling naman ni Fire at Angel ang mga napuruhan sa laban. Patuloy kaming umaatake. I changed position with Scithe when she struck the demon straight on the face. Nabali rin ang sungay nito dahil sa pag-atake ni Phoenix. At delivered the last critical blow straight to the demon's face. It disappeared and I got the last attack bonus. Lahat kami ay hinihingal at pagod na pagod. Bumukas ang pinto mula sa likod ng silid. Kumunot ang noo namin. Hindi ito ang pinasukan namin kanina.


Naglakad kami palabas ng silid. Tumambad sa 'ming lahat ang napakaraming daan. Six roads. Sa isang malaking bato may isang magandang babae na may dalawang itim na pakpak ang nakaupo roon. She laughed merrily when she saw us. Lumingon ako sa paligid. Alam ko na hindi siya ang sumusunod sa 'min kanina. Marami sila. Nasaan na sila?


"I see. You all survived," she commented. It's the same voice we heard before we entered the East Gate. Kumunot ang noo ko nang ngumisi siya sa 'min.


"There's too many roads before your eyes. Only one road here is the right path for the next dungeon. And the rest will lead you back to the East Gate. There's only 16.7% chance of choosing the right road," she grinned devilishly. "But I can help you. I'll tell you the right way," makahulugang wika niya. Tila may binabalak siyang hindi maganda.


"And what's the price? What do you want in exchange?" seryosong tanong ko sa kanya.


"You're very straightforward. I like you. You have to leave one of your members here with me," nakangising sabi niya. Lumipad siya patungo kay Fire. Hinaplos pa niya ang mukha ni Fire na hindi naman umiwas. "Leave him here with me," she said with a smile.


"I guess, you just can't resist my charms," nakangising komento ni Fire na tila hindi nag-aalala sa sinabi ng babae. Sumimangot naman si Ice na tila hindi natawa sa pagbibiro ng kapatid niya.


"What's your name?" seryosong tanong ko sa babae. Bahagyang nagulat ang babae sa tanong ko pero unti-unti ring ngumisi.


"Ara," she answered.


"Fire, you handle this," nakangising sabi ko sa kanya. Humaba ang nguso ni Fire sa 'kin. "Gusto mo ba akong iwanan dito?" reklamo niya sa 'kin. Hindi ko alam kung naiintindihan kami ni Ara pero wala akong pakialam.


"Ayoko. But I know you can handle this. I trust you," seryosong sabi ko sa kanya kaya napasimangot siya.


"Ara, I want to stay. I know you're lonely. But my sister will cry if I stay here with you. Zeus will cry and will be very lonely too," seryosong sabi ni Fire kay Ara. Tila siguradong-sigurado siya sa mga sinasabi. Sa oras na ito, pareho kami ng nararamdaman ni Ice. Gusto naming kumuha ng malaking bato upang magising si Fire at maintindihan niya ang mga pinagsasabi niya.


"I don't care about them. You will forget them eventually when you stayed with me," mapang-akit na sabi ni Ara. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi. Was she planning to brainwash Fire if we leave him here? Pinanood ko lang kung paano niyakap ni Ara si Fire. Hindi maganda ito. Was she capable of brainwashing him right now?



------------------------


TO BE CONTINUED...


Tinamad akong magsulat ng mahaba. Haha thanks for the reads, votes and comments! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com