Chapter 2: Game Crest Organization
DENISE
Kadarating ko lang sa Japan. Naglalakad na ako sa loob ng airport. Ayon sa sulat, may susundo sa 'min upang ihatid kami patungo sa isla kung saan kami titira pansamantala. Maikling shorts, hanging blouse at sneakers lang ang suot ko. Naka-pigtails ang buhok ko at may bangs. Kulot ang kalahating dulo nito. Nakasuot ako ng shades at hila-hila ang traveling bag ko. Habang naglalakad ay pasimple akong nagmamasid sa paligid. Mas maaga ang oras ng pagdating ko kaysa sa napag-usapang oras ng pagsundo sa 'min.
Tumigil ako sa harap ng glass wall. Tanaw na tanaw ko ang mga malalaking eroplano na handa ng lumipad. Itinabi ko sa gilid ang traveling bag ko at umupo ako roon. Humalukipkip ako habang tumitingin sa mga taong naglalakad sa loob ng airport. Hindi nila nahahalata na pinagmamasdan ko sila dahil sa shades ko. I was looking for Fire and Ice. Minalas na hindi kami magkakasabay ng flight. May inaasikaso pa kasi sila.
Kambal si Fire at Ice. Babae si Ice samantalang lalaki naman si Fire. Magkamukha talaga sila. Mabuti na lang magkaiba ang kasarian nila kundi maguguluhan talaga ako sa kanilang dalawa. Unti-unting kumunot ang noo ko dahil sa ilang pamilyar na mukhang nakikita ko. Mabilis din silang nawawala sa paningin ko kaya hindi ko sila makilala nang maayos. Hindi ko na lang sila pinansin. Baka namamalikmata lang ako.
Halos isang oras din akong naghintay. Lumiwanag ang mukha ko nang matanaw ko sina Fire at Ice. Nang dumako ang paningin nila sa 'kin, kumaway ako sa kanila. Nakangiting nilapitan nila ako. Tumayo na ako.
"Denise!" excited na tawag ni Faye sa 'kin. Hindi na ako umangal nang mahigpit niya akong yakapin. Tumawa na lang nang mahina si Frey sa inasal ng kanyang kakambal. Maganda't gwapo sina Faye Miller at Frey Miller. Matangos ang ilong at makikinis ang balat. Anak-mayaman pero hindi sila umaasta na katulad ng ibang mayayaman. Madalas lang silang nagkukulong sa iisang silid at naglalaro ng mga online games. They don't care of what people might think of them. Ginagawa lang nila ang mga gusto nila at kung ano ang mga bagay na magpapasaya sa kanila. Pero natatakot sila kapag dumarating na ang mga magulang nila galing sa business trips mula sa ibang bansa. Nagpapanggap silang matitino at masunurin. Mabuti na lang hindi sila isinusumbong ng mga kasambahay nila.
"F-Faye," naiinis na daing ko dahil pakiramdam ko hindi na ako makahinga. We're close friends kahit magkakaiba ang mga kurso namin. Hindi kami masyadong nag-uusap pero iisang University lang ang pinapasukan namin. She chuckled cheerfully and let go of me. Nakasimangot na pinagpagan ko ang damit ko na nagusot na.
"Sexy!" pambobola naman ni Frey sa 'kin. Inirapan ko siya nang pabiro.
"Mabuti pinayagan kayo ng magulang ninyo," seryosong sabi ko. Kinuha ko na ang traveling bag ko. Tumingin ako sa orasan. Malapit nang dumating ang mga sundo namin.
"They're busy. Saka pinayagan nila kaming magbakasyon. This will be fun! I'm so excited!" masiglang sabi ni Faye na may kasama pang pagtaas ng dalawang kamay. Pareho kaming napailing ni Frey at iniwan siya. Sabay na kaming naglakad palayo ni Frey.
"Pinainom mo ba siya ng gamot?" pagbibiro ko kay Frey.
"Narinig ko 'yon!" pagmamaktol ni Faye na nagmamadaling humabol sa 'min.
"Nakalimutan ko. Saka na lang siguro kapag naglaro na tayo," natatawang sabi ni Frey. I chuckled. Ngumuso si Faye pero alam ko naman na sanay na siya sa 'min ni Frey. We're childhood friends. Madalas silang dalawa ang nakakasama ko sa paglalaro.
"Remember. Magpanggap muna tayong hindi magkakakilala sa simula. Let's use our mobile phones to communicate when we are outside the game. Maghiwa-hiwalay muna tayo paglabas natin sa airport," seryosong sabi ko sa kanila.
"Kailangan ba talaga?" takang tanong ni Faye.
"Yes," sagot ko kay Faye.
Tumingin sa 'kin si Frey. "May plano ka na kaagad?" interesadong tanong niya.
"Wala pa. But we will reunite inside the game. Tayo pa rin ang magiging magkagrupo. Iniiwasan ko lang na may makakilala sa totoong identity ko. Tiyak na mamaliitin nila ang kakayahan ko kapag nalaman nila na babae ako. Let's be cautious for now," seryosong sagot ko.
"Ibig sabihin, lalaki pa rin ang magiging character mo?" gulat na tanong nilang dalawa.
"I think so. At saka magtataka sila kapag naging babae ang character ko," natatawang sagot ko sa kanila. Hindi makapaniwalang tumingin ang dalawa sa 'kin. Tinaasan ko sila ng kilay dahil sa pagtataka na nakaguhit sa bawat mukha nila. Sabay silang umiling.
"Siguro mas maganda kung mamaliitin ka nila. Because of their overconfidence, they will surely let their guard downs. They will not take you seriously. Matatalo mo sila kaagad nang walang kahirap-hirap. Alam kong kaya mong maglaro nang maayos kahit babae ang character mo. Pero bahala ka na nga. Decide what you think is right for you," sabi ni Frey. Hindi na rin nagsalita si Faye. Weird ba talaga ang desisyon ko? Pero may point si Frey. But It will not be exciting anymore if they don't take me seriously.
"Saka na tayo gumawa ng plano kapag nasubukan na natin ang laro. Let's just enjoy for now," sabi ko na lang.
"Sure, Captain!" masiglang sabi nilang dalawa. I frowned because of the fast shifting of their moods. Bago kami lumabas sa exit ng airport, naghiwalay na kami. Mas nauna akong lumabas. Napansin ko na maraming tao sa harapan ng airport. May number na nakaassign sa bawat bus na susundo sa 'min. Lumapit ako sa number four na bus. Sa ibang bus sasakay ang kambal kaya hindi ko sila makakasabay.
Ipinakita ko sa driver ang invitation letter na natanggap ko. Kinuha na niya ang bagahe ko at hinayaan na akong pumasok. Napansin ko na marami ng tao sa loob. Gusto ko sanang umupo sa gilid ng bintana pero naunahan na nila ako. Wala ng bakante sa tabi ng mga bintana. Naglakad ako at napansin ko ang isang lalaki na tila natutulog na. Natatakpan ang mukha niya ng sumbrero at prenteng nakasandal ang ulo sa bintana. Umupo ako sa tabi niya. Kung natutulog siya, mas magiging madali ang pagsulyap ko sa labas ng bintana dahil hindi siya masyadong gumagalaw. Hindi rin siya maingay.
Ilang minuto lang ang hinintay namin bago umandar ang bus. Isinandal ko ang likod sa upuan. Pinagmamasdan ko lang ang mga nagtataasang building na nadaraanan namin. Organisado rin ang mga levitating cars na nagliliparan sa skyways. Ilang oras lang ay napansin ko na dumaraan na kami sa isang malaking tulay. Natanaw ko na ang asul na dagat. Sa tantiya ko ay malapit na kami sa destinasyon namin. Natatanaw ko na rin ang ibang isla. Totoo na konektado ang mga isla sa pamamagitan ng mga naglalakihang tulay. It almost formed a cirle of islands. Pero kumunot ang noo ko nang mapansin na may isa pang isla sa pinakagitna ng apat na isla. May apat na tulay na konektado sa pinakagitnang isla na 'yon hanggang sa bawat isla. Akala ko apat pero lima pala ang islang pagmamay-ari ng Game Crest. It's not a circle anymore. It's actually a star-connected islands.
Sa pinakagitnang isla, naroon ang limang palapag na headquarters ng Game Crest Organization. Mapapansin ang crescent moon na tatak sa tuktok ng building. Tumigil kami sa harap ng isang mataas at malapad na building. Nagsibabaan na ang mga kasama ko sa bus at halatang excited na excited na. Hinintay ko munang bumaba silang lahat para hindi hassle. Tatayo na sana ako nang matigilan ako. Natutulog pa rin ang lalaking katabi ko.
Bumuntong-hininga ako. Wala akong pagpipilian kundi ang gisingin siya. Tinapik ko siya sa balikat. Sa simula, magaan lang ang pagtapik ko hanggang sa unti-unting lumakas. Kaunti na lang at yuyugyugin ko na sana ang balikat niya pero gumalaw ang mga kamay niya upang pigilan ako. Hawak niya nang mahigpit ang pulsuhan ko. Napangiwi ako dahil sa sakit. Inalis niya ang sumbrero sa mukha at mapungay ang mga mata na tumingin sa 'kin. Halatang inaantok pa siya. Mukhang wala pa siya sa huwisyo. Pero kapansin-pansin ang gwapo at maamo niyang mukha. Matangos din ang ilong at mapupula ang mga labi niya. Katamtaman lang ang haba ng mga pilik-mata niya.
"Why?" iritableng tanong niya sa 'kin. Maniniwala na sana ako na mabait siya kung hindi lang siya nagsalita. Sana itinikom na lang niya ang bibig niya. Mas magmumukha pa siyang anghel kung ganu'n ang ginawa niya. I frowned. Dapat nga magpasalamat siya dahil ginising ko pa siya. Binawi ko na ang kamay ko na hawak niya.
"Look around and you'll know. Observe first before you ask," naiinis na sagot ko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Bumaba na ako. Kinuha ko rin ang traveling bag ko. Nakita ko sina Frey na nakatingin sa 'kin pero hindi ko sila nilapitan. Ipinakita ni Faye ang mobile phone niya sa 'kin. I get what she meant. Pasimple tumango ako at kinuha ang mobile phone ko. We exchange messages.
Pasimple kong pinagmasdan ang paligid. May mga puno sa paligid at mapapansin ang isang beach sa pinakadulong bahagi ng isla na kinaroroonan namin. Pumasok kami sa loob ng building. Ipinakita namin ang invitation at ihinatid na kami sa kanya-kanyang silid. Marami kaming silid na nadaanan. May iba't ibang rooms na nakaassign sa 'min. May isang staff na nag-aassist sa bawat participants. Pumasok kami sa isang silid sa ikaapat na palapag.
May maliit na sofa, kama at personal refrigerator. Napansin ko na may ilang appliances din katulad ng TV at computers. Tiyak na malaking pera ang ginastos nila sa mga silid namin. Itinabi ko muna ang bagahe ko at nakinig sa mga sinasabi ng babae.
"This is your room Miss Raven," sabi niya. May kinuhang isang box ang babae. Ipinatong niya ito sa table at may inilabas mula roon. It was a helmet. At may eye glass shield din ito na halos matatakpan ang kalahating bahagi ng mukha. Ikinabit niya 'yon sa computer.
"This will is your virtual reality gear. Through this, you can enter inside the virtual world of the game. You won't enter the virtual world physically but mentally," she said. Ipinakita rin niya sa 'kin na pwede kong gawing higaan ang upuan na nasa harap ng computer kung gusto kong maglaro nang nakahiga.
"Further details will be explained later on the orientation. Please proceed to the function hall at the ground floor before three o'clock. Welcome to Game Crest Organization and feel at home," she said smiling. Napansin ko na nakasuot siya ng laboratory gown at light-gray slocks. I wonder what was her job. Hindi naman siya mukhang scientist. Hindi na ako nakapagtanong nang lumabas siya. Maybe she's a software engineer or something that is related to games.
Inayos ko muna ang mga gamit ko. I texted Faye and Frey. Sinabi nila na magkatabi lang ang mga kwarto nila. Nasa ikapitong palapag sila. Nang napansin ko na mag-aalas tres na, lumabas na ako sa kwarto ko. Kumunot ang noo ko nang bumukas din ang pinto ng katapat na kwarto ko. Nagtama ang paningin namin ng lalaking katabi ko kanina sa bus. I frowned. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na ako patungo sa elevator. Nang bumukas ang pinto ng elevator, kasunod ko lang siyang pumasok. Mabuti't hindi lang kami ang tao sa loob.
Pumasok kami sa loob ng isang malaking function hall. Nakita ko sina Faye at Frey kaya tumabi ako sa kanila. Hindi kami nag-uusap. Nagpapanggap kami na hindi nila ako kilala. Pero nag-uusap kami gamit ang mga text messages.
Sa gitna ng stage, napansin ko ang mga isang bilog na kasangkapan. It was a gadget that could produce holograms. May ibinigay na earphones na may mouthpiece ang mga staffs sa 'min. These can be used if we have concerns and questions. Ilang segundo kaming tahimik na naghintay. The light turned slightly dim.
May lumabas na hologram image ng isang tao sa gitna ng stage. I narrowed my eye and tried to listen attentively. The man we saw was Gray Cooke. The president of Game Crest Organization. He was well-respected in the world of online gaming.
"Welcome to Game Crest Organization, participants," he greeted. Ayon sa kanya, sabay-sabay ang orientation ng mga participants sa iba't ibang isla. Iisang hologram image lang ang nakikita ng lahat ng mga participants. Sa isang malaking screen, lumabas ang mga video ng mga participants sa ibang isla. They could probably see us too. We're all connected in the line. Para hindi na paulit-ulit ang mga tanong na ibabato sa kanya ng mga participants. Siguro, hassle para sa kanya kung pupuntahan niya isa-isa ang mga isla. For sure, he's a very busy person.
He showed us an overview video for the game 'Alkia Kingdom'. May ilang rules na ipinaliwanag para sa game. Ipinakita rin ang game map pati ang game classes na pwedeng gamitin ng mga paticipants. Once we entered the game, we cannot change our characters. Unless we got special items to do so. Ipinaliwanag din kung ano ang mga prizes na makukuha sa game kapag nakapasok sa top three. The prizes are quite tempting for an average person. But I'm not here for that. I'm here for fun and adventure.
"I will get straight to the point. I know that you are all excited to test and play the game. The staffs will also distribute the initial manual for the game. If we added some improvements, we will let you know immediately. The staffs will now demonstrate how the Virtual Reality gear works," he said.
May mga staffs na tumayo na sa stage. Ipinaliwanag nila na kailangan naming isuot sa ulo ang VR gear. It will stimulate and send signals to our minds. Our five senses will be triggered by these signals. Mai-imagine namin na nasa loob talaga kami ng laro. Mararamdaman talaga namin na buhay kami sa loob ng Alkia Kingdom. Mr. Gray said that we will feel pain only when we are inside the game. But our actual body will not be damaged. Kumunot ang noo ko at nag-isip.
Siguro ang mga electric signals ang magdadala sa utak namin ng sakit o kahit anong emosyon na maaari naming maramdaman sa loob ng laro. Hindi kaya masira ang utak namin sa paglalaro nito? I gathered all my courage to raise one of my hands and asked a question. Napansin ko ang pagdako ng paningin ng lahat ng mga kasama ko sa loob ng function hall. Nakakunot-noo sila. Ang iba naman ay interesadong nakatingin sa akin. Tiyak na iniisip nila kung ano ang balak kong gawin.
"Yes? Miss?" tanong ni Mr. Gray. Hindi niya maituloy ang balak sabihin dahil hindi niya alam ang pangalan ko. Hindi niya alam kung ano ang itatawag sa 'kin. Tumayo ako. I gulped. Everyone was watching over me.
"It's Denise Raven," I said.
Mr Gray narrowed his eyes. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero pakiramdam ko nakilala niya ako base sa tingin niya sa 'kin. "Yes, Miss Raven. Do you have any questions?" tanong niya sa 'kin. I nodded.
"With these signals sent to our brains that could stimulate our senses, don't you think it will cause us mental damages?" seryosong tanong ko sa kanya. Mr. Gray pressed his lips tightly into a thin line. I just wanted to clear everything. Maging ang mga kasama ko at ang mga participants sa kabilang isla ay naging interesado sa tanong ko.
"Don't worry. These VR gears are all tried and tested. We developed and improved this for many years. It could just stimulate your five senses. We ensure your safety in this game. Your brains will not be damaged throughout this game, " he said. I think, I don't need to ask but I still doubt it's efficiency. It's still a machine or a gear. It was man-made. There's no machine that can guarantee one-hundred percent efficiency. A machine is not perfect. It still has many flaws.
I was about to raise another concern but someone raised his hands. Siya ang lalaking katabi ko kanina sa bus.
"Yes?" sabi ni Mr. Gray upang pansinin siya. Tumayo ang lalaki at seryosong tumingin sa 'kin. Tila sinasabing umupo na ako. I hate the way he looks at me. I felt like he's commanding me. He's so arrogant. I don't know why but I followed him. Tahimik na umupo na ako sa upuan ko.
"I'm Prius. If something went wrong with these VR gears or the game system, is there a possibility that we can't log out and our consciousness will be stucked inside the game?" he asked seriously.
It was a good question. I looked at Mr. Gray. He smiled confidently. Sa tingin ko, handa na sila sa mga ganitong pangyayari.
"We already had a solution for that. We can pull you out of the game immediately if that happened. But we will also give warnings before the maintenance or possible system failures occur so you can log out by yourselves as soon as possible," he answered. If it's possible then it's a good thing. Nawala na ang ilang bagay na inaalala ko kanina dahil sa tanong ni Prius. Medyo lumihis na sa topic kaya hindi ko na maibalik. At kanina, sa paraan ng pagtitig ni Prius sa 'kin, parang sinasabi niya na huwag na akong magtanong pa.
Another guy raised his hand. He was also handsome. Medyo seryoso rin ang mukha niya. Umupo na si Prius. Hindi na siya nagtanong.
"I'm Axel. Player's cheats can be detected by your system, right? And you are able to monitor our every moves. But inside the Gamble City, which is an illegal city, we can cheat. And if our opponents discovered our cheats and proved that we are cheating, it's an automatic lost for our part. Did I get it, right?"
Tumango si Mr. Gray. He said that Axel was right. Hindi na nabanggit sa mga tanong ang tungkol sa VR gears. Marami ring nagtanong mula sa ibang isla. Hindi na ako nagtangkang magtanong pa. If they said that the gears were safe, I have to believe them for now. I was already excited. Lalo na't mukhang magagaling talaga ang mga kalaban ko.
Bago matapos ang orientation, sinabi ni Mr. Gray na bukas na magsisimula ang laro. He bid us good luck before his hologram image disappeared on the stage. Lumiwanag na rin sa buong paligid. Ibinalik na namin ang mga earphones sa mga staffs.
Gusto ko sanang batukan sina Faye at Frey dahil nakipagkilala sila sa 'kin na tila ngayon lang nila ako nakita. Kinausap din nila ang iba para hindi halata. At the same time, I'm sure that they're gathering information about other players. Naghahanap sila ng mga participants na pwede naming makatulong sa laro.
May ilan na nagtatanong sa username ko pero hindi ko sila sinasagot. Naririnig ko ang ibang participants na nagpapayabangan na kahit hindi pa man nagsisimula ang laro. Napailing ako. They should not brag about the things they are capable of. Mas madaling makukuha ng mga kalaban ang impormasyon tungkol sa kanila. Their enemies can use those information to bring them down. Someday, they will blame their big mouths for their own defeat. Too bad. Naghuhukay na agad sila ng libingan para sa sarili nila nang hindi nila namamalayan.
Someone tapped my shoulder. I knotted my foreheads and turned to him. It was Axel. He smiled a bit. "You're asking a too sensitive question earlier. Don't let yourself get into trouble," makahulugang paalala niya. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil umalis na rin siya. Sinundan ko siya ng tingin pero nahagip ng paningin ko si Prius. Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. As if he's worried about something. Ilang segundo bago siya umiwas ng tingin. He started to walk out of the function hall. Was there something wrong with my question? Nagtataka man ako, isinantabi ko muna 'yon dahil lumapit na sa 'kin sina Frey at Faye.
Lumabas kami sa building. May mga lugar na pwedeng pasyalan sa isla. May mga sasakyan din patungo sa ibang isla. May iba't ibang stores at stalls kaming nakita sa paligid. Namasyal muna kami at kung saan-saan pumunta. Tiyak na hindi na kami lalabas ng silid namin kapag nagsimula na ang laro. This is a ranking quest. No one will try to waste even a single second. Kung pwede nga sigurong hindi na matulog, gagawin namin. But we can't do it. Mahirap na kapag nagkasakit kami. Mas malaking problema 'yon. I was curious with Prius and Axel. They're quite mysterious. Parang may alam sila na hindi namin alam.
------------------
TO BE CONTINUED...
Author's Note:
Grabe :D Nawiwindang ako sa sarili ko dahil andami kong isinusulat :D Haha! Thanks pala sa pagbabasa at votes. Excited na ako sa pagpasok nila sa Alkia Kingdom :D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com