Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: North Gate Keeper

UNEDITED. SORRY SA TYPOS. ENJOY READING!


DENISE



Hindi ko naisip na nagsisimula na pala ang lahat. We're just inside a game and we thought that everything that happens were just normal. We never thought that from this day forward, everything will drastically change our pace, lives and beliefs.



Tahimik na tinunton namin ang daan kahit hindi namin alam kung saan kami mapupunta. What gate would lead this path to? Iniisip ko ngayon ang ginagawa ni Sky. Nakilala na kaya nila si Ara? O hindi pa? Handa rin kaya sila sa pagsubok na ibibigay sa kanila? Sino kaya ang mapagtitripan ni Ara? Si Sky? I was totally distracted with the thoughts of him. I want to witness and see what Sky will do. What he can do? I wondered if he will dump Ara? I grinned. That will be entertaining. Bumuntong-hininga ako at napailing sa sarili. Hindi ko dapat iniisip si Sky ngayon. Tiningnan kong muli ang likod ni Fire. I should have been thinking about Fire. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. He's acting weird. I should talk to him. Hindi ko dapat palipasin ang oras na hindi kami nag-uusap pero wala pa akong lakas ng loob.



Napansin ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Ice habang nakikipag-usap kay Fire. She was confused too while looking at her brother. Nakatagilid ang mukha niya dahil sa pagtingin kay Fire. Napapansin ko ang pagkunot ng noo at pagsasalubong ng mga kilay niya. Gustong-gusto kong alamin kung ano ang pinag-uusapan nila pero baka maabala ko lang sila. Baka lalong mawala sa mood si Fire. Baka masigawan na naman niya ako na hindi naman niya ginagawa noon. Wala kasi sa karakter niya. Naninibago ako.



Kumunot ang noo ko dahil naramdaman ko na naman na tila may sumusunod sa 'min. pasimpleng kinuha ko ang bow na nakasakbit sa likod ko. Tila mga anino silang nagtatago sa mga patay na puno. Bilog na bilog at malamlam ang buwan na nakadaragdag sa tensiyon sa paligid. Hindi ko alam kung sumisikat pa ba ang araw sa lugar na ito o pulos kadiliman na lang. Napansin ko ang mga anino nila na humahalo sa kadiliman ng gabi. I deduced that there were four secretly tailing us. All my senses were now alive for possible attacks.



Nagulat na lang ang mga kasama ko nang biglang nagsitalunan ang mga halimaw sa direksiyon namin. Hindi ko agad sila nabigyan ng babala. Hindi ko akalaing susugod agad sila. Agad akong nagpakawala ng mga palaso pero mabibilis ang mga galaw nila kaya nakaiwas sila. Maging ang mga kasama ko ay mabilis ding nakaiwas sa matatalim at matutulis na kuko ng mga nagtangkang umatake sa kanila. Tumigil naman sa pag-uusap si Fire at Ice at nakipaglaban din sa mga nagsulputang halimaw.



Apat na halimaw. Napansin ko ang makakapal at maiitim na balahibo niya. They were standing like human but their faces were covered with furs. Mapupula ang mga mata nila at may mahahabang pangil. Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Ara. Beware of the wild beasts. Kung ganu'n ito ang tinutukoy niya. Mukhang hindi talaga magiging madali ang lahat para sa 'min.



Hindi na kami nag-aksaya ng panahon pa. Magkatulong sina Fire at Ice sa pakikipaglaban sa isang halimaw. Magkatulong naman si Angel at Scithe. There's two left so Phoenix and I decided to fight them one-on-one. Halos magkakatapat lang ang mga level namin. Level 65 ang mga halimaw na ito. Level 73 na ako. Level 60 plus na rin ang mga kasama ko kaya hindi na naman siguro kami mahihirapan.



Mabilis akong umurong nang muntik na akong mahagip ng matatalim na kuko ng halimaw na kaharap ko. Agad ko siyang pinatamaan ng Deadly Strike na diretsong tumama sa mukha niya. Napasigaw siya sa sakit. Muli niya akong inatake gamit ang matatalim na kuko pero nakatalon ako patungo sa likod niya at muli ko siyang tinira ng mga palaso ko sabay sipa nang malakas sa likod niya. Napahiga ito sa sahig pero agad itong nakatayo. Nagulat na ang ako sa marahas na pagsugod nito sa 'kin. Nahagip ng mga matutulis na kuko nito ang braso ko kaya nagtamo ako ng mga hiwa. Walang tigil sa pagdugo ang sugat ko. I could feel the pain. Agad akong gumanti. I used my Poisonous Shot. Ilang beses pa akong tumalon sa ere habang nagpapaulan ng mga palaso sa kalaban. Napansin ko na may ilang natamong sugat ang mga kasama ko pero nakakaganti naman sila sa kalaban. Masasabi ko na mas lamang pa rin sila.



Ilang atake pa ang pinakawalan ko bago naglaho ang halimaw sa harapan ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi sila ganoon kalakas. Hindi na rin masama dahil may nakuha naman kaming health at mana replenisher at ibang special items mula sa kanila. Nadagdagan pa ang coins namin. Pero kapag nagpatuloy ito, kung dumami at mas lumakas man ang magiging kalaban na bigla na lang mang-a-ambush sa 'min, baka hindi na magiging sapat ang mga health at mana replenisher ko para sa mga susunod na laban. Napailing ako. Bahagya kaming hiningal sa nangyaring laban. Napansin ko na nakatingin sa sugat ko sa braso si Fire.



"I will heal you," he said with worry. Ngumiti ako at umiling.



"Just save your energy for a bigger fight. This scratch will not harm or kill me. It will heal on its own anytime soon," nakangising sabi ko sa kanya. "Let's move. Natatanaw ko na ang gate," seryosong sabi ko sa mga kasama ko. Tumango sila at naglakad na patungo sa gate. Sumenyas si Fire kay Ice na mauna na ito. Hinintay ni Fire na makalapit ako sa kanya.



"I'm sorry abou---" Pareho kaming natigilan dahil sabay at pareho pa kami ng mga sinasabi sa isa't isa. Mahina kaming tumawa at napangisi.



"Sorry," sabay pa naming sabi. Napakamot si Fire at bumuntong-hininga. Tila nahihirapan at naguguluhan siya sa mga nangyayari sa sarili niya.



"Look. I don't mean to shout on you. Nabigla rin ako. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nainis. Now I'm wondering if there's something wrong with me. Or something unusual is happening to my body. I can't tell," naguguluhang wika ni Fire sa 'kin. Halata sa mga mata niya ang pagkalito.



"Something unusual? Like what?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Saglit siyang natigilan at tila nagdadalawang-isip kung sasagutin ba ang tanong ko.



"Like... falling for someone you never thought you would..." mahinang sabi niya kaya hindi ko siya narinig.



"What? You're mumbling. I can't hear you," nakasimangot na sabi ko sa kanya. "We need to catch up with them," sabi ko sa kanya nang mapansin na malayo na sina Ice. Naglakad ako upang sumunod kina Ice. Fire caught up with my pace.



"Never mind. It's not important," he answered.



Mas lalo akong sumimangot. "If you won't tell me, how will I know if it's really unusual? Don't tell me, because you're marked as a criminal now, you now feel the urge of killing your co-players that bad? Side effect ba? Are you lusting for blood?" pang-aasar ko sa kanya. Gusto ko lang siyang patawanin pero mukhang epic fail yata nang tingnan ko siya.



I saw a glint of amusement in his eyes. "You're not a good joker," naiiling na sabi niya bago tumawa nang mahina. Humaba ang nguso ko. Natanaw ko na ang mataas na gate sa harapan namin. Nasa harapan na nito sina Ice at iba naming kasama. Sumeryoso ang tingin ko sa North Gate. It was made of bronze and the carvings on it were artistic and the design of it was amazing. It opened automatically for us once we got close to it.



The yellowish light was all over the place. Humakbang na kami papasok. The demon with one horn was already standing in the middle with a huge silver sword in hand. Sumara ang pinto sa likod namin. I hope this will be an easy kill just like Death told me. Pero kung tama ang sinabi ni Ara na may nalagas na sa mga members ni Death nang makalampas sila sa North Gate, hindi magiging madali lahat.



We started to scatter. Pinalibutan namin ang North Gate Keeper. Phoenix started the attack. Hindi na rin buo ang mga health points at mana energy namin kaya mamaya lang ay kailangan na rin naming mag-recharge. I was now in my fighting stance. Everyone was alert and serious.



"Kung may nalagas na sa members ni Death nang makipaglaban siya sa North Gate Keeper, hindi ito magiging madali. We must be careful," seryosong saad ko. Si Scithe ang sumunod na umatake sa North Gate Keeper pero walang-wala ang espada niya sa espada ng kalaban.



Tumalsik siya palayo. An earth-shattering force made her back hit the wall. Malakas na napadaing si Scithe. I was using my arrows to hit him. May ilang tumatama sa katawan niya pero madalas ay nasasangga ito ng espada niya. His armour of defense was high too. The demon was in Level 80 and I'm just level 73. Mabuti na lang at may mga kasama ako.



Ice started to struck the demon with her dual flying blades. Nasangga ito ng North Gate Keeper. Lumipad pabalik kay Ice ang flying blades niya. Muntik pa itong tumama sa kanya kung hindi siya mabilis kumilos. Pero nakita ko ang hiwa na naidulot nito sa pisngi ni Ice. Napamura si Ice. The monster was too strong. Hindi magiging maganda kung lalabanan namin ito sa malapitan. But we're also not standing in good grounds if we will fight him from a distance. Hindi pa ito umaalis sa kinatatayuan at iyon ang nakakainis.



"Let's do the switchings," seryosong sabi ko sa kanila. They all nodded. Naunang umatake si Scithe. Muli siyang tumakbo patungo sa North Gate Keeper. She gave a demon a Thunder Strike straight to its heart. Malakas na puwersa ang bumalot sa dalawa. Kaunting damage lang ang natamo ng North Gate Keeper. Scithe suddenly switched with Ice. Nakaiwas si Ice sa nakaambang atake ng North Gate Keeper na para sana kay Scithe. Ice skillfully thrusted her dual blades in the demon's stomach. Agad siyang umiwas sa espada ng North Gate Keeper nang nagtangka itong atakihin siya. Ice suddenly switched position with Phoenix. Phoenix gave the monster a Lightning Blast. Halos liparin silang pareho dahil sa malakas na puwersang namagitan sa kanila. Fire and Angel was helping us in Defense. Pinapalakas nila ang bawat tira namin. I run towards the demon and gave him a critical hit straight in the head. We continued attacking the demon while switching positions.



Minutes passed and the demon started to move away from its original position. Mas malakas na ang bumabalot na puwersa sa kanya. Bumaba na rin ang level ng armour of defense nito. Nagulat na lang ako sa malakas na puwersa na tumama sa 'kin habang inaatake ko ito. I tasted blood in my mouth and felt numb because of the pain on my body. Hindi ko namalayan na tumilapon na pala ako palayo at bumagsak sa sahig dahil sa bilis ng pangyayari. At malaki ang naging bawas nito sa health points ko. Naalerto ako nang tumakbo ang halimaw patungo sa kinaroroonan ko. Hindi pa ako nakakatayo. I need to recharge my health. Nakaamba na ang espada nito sa 'kin. Nakahanda na itong itarak ang malaking espada sa katawan ko. Kinuha ko agad ang health replenisher ko at ginamit ito. Tiyak na isang atake lang nito sa 'kin ay mawawala na akong parang bula rito.



"Zeus!" Fire shouted. In a swift move, he carried me in his arms and jumped away from the North Gate Keeper's attack. He attacked the North Gate Keeper single-handed with his bursting and exploding Fire.



Marahan niya akong ibinaba sa sahig. He looked worriedly at me. "Are you okay?" he asked. I nodded. Napansin ko na patuloy pa rin sa pag-atake ang mga kasama ko kahit sugatan na rin sila. Nagulat ako sa biglang pag-atake sa 'min ng North Gate Keeper. Tumalon kami palayo ni Fire sa isa't isa pero nahagip pa rin si Fire. I recharged my mana and hit the demon with my Arrow of Destruction. We managed to destroy its armour of defense.



I took that chance and shoot it with my Angel Shot. We started to attack it nonstop until we reached our cooldown. Pare-pareho kaming nagmumura dahil pwede na ulit gumalaw ang halimaw. Dahil hindi na kami makaatake pa ay wala kaming magagawa kundi ang umiwas sa mga atake ng North Gate Keeper. Sugatan na kami bago pa humupa ang cooldown timer namin.



Nang maaari na kaming umatake muli. We didn't hold back. We gave all our best shots to the North Gate Keeper. Sinigurado namin na hindi masasayang ang bawat atake namin. We're giving our all. Our passion. Our hopes. At dahil hirap na hirap na kami sa pagkalaban sa North Gate Keeper, alam ko na hindi magiging madali ang mga susunod na gates.



Naglahong parang bula ang North Gate Keeper dahil sa huling tira ni Angel dito. She got the Last Attack Bonus. Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang pagod. Pawisan kaming lahat at hinihingal. Damn! Nararamdaman ko na ang hirap na dadanasin namin sa game na ito. The door in the back automatically opened for us. Sugatan kami pero hindi kami nag-abala na gamutin ang sarili. We need to rest for a moment for this wounds to heal.



Nang lumabas kami ay nakita namin ang malawak na ilog sa harapan namin. Sa kabilang bahagi ay makikita ang sampung daan na nakaturo sa Lost City.



"Hi," nakangising bati ng isang babae. Nakadapa siya sa isang malapad na bato at nakahalumbaba habang nakatingin sa 'min. She was wiggling her feet in the air happily. "You all survived. Nice. But I'm too lazy to deal with you," nakangising sabi niya sa 'min.



"Us too," seryosong sabi ko. Tumingin ako sa mga kasama ko. "It's already time for lunch. We should eat. Scithe, Angel and Phoenix, mauna na kayong kumain. Babantayan na lang namin ang mga katawan ninyo hanggang sa bumalik kayo. And also, this can help us rest a bit," seryosong saad ko. Sinunod nila ako. Nag-log out muna sila. Nakatingin naman ako sa babaeng may kulay dilaw na pakpak.



"You can rob their belongings," nakangising sabi ng babae sa 'min.



"We will not stoop that low," nakasimangot na sabi ko. Umupo muna kami sa isang tabi habang naghihintay. We need our wounds to heal.



"If I'm not that lazy, I will probably rob their belongings," natatawang sabi ng babae sa 'min.



"What's your name?" tanong ni Ice sa babae.



"Mesh," she answered. "This is so boring," she whispered. Tuluyan na siyang dumapa sa patag at malapad na bato. One side of her face touching the flat stone while staring at us. Pakiramdam ko sobrang tinatamad siya sa buhay niya. Hindi na kami nagsalitang lahat. Mamaya na lang kami magtatanong kay Mesh. We waited until the three returned. Nang makabalik sila kami naman nina Ice ang naglog-out.


~~~



Agad kong inalis ang virtual gear sa ulo ko. I sighed. Inayos ko ang sarili ko. Nagsuot ako ng hoodie at three-fourth pants. Lumabas ako sa silid ko. Napatitig ako sa silid ni Prius. Lalabas na kaya siya? Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa iniisip ko. Why would I care? Naglakad na ako patungo sa elevator. Dahan-dahang bumukas ang pinto ng elevator. Natigilan ako nang makita si Frey. He's wearing a white V neck shirt and khaki shorts. Sinusuklay ng mga daliri niya ang medyo magulong buhok. He was biting his red sexy lips. Seryoso at tila malalim ang iniisip niya. His hazelnut eyes were bored into the elevator's slowly opening door. Nagulat pa siya nang mapansin ako.



Kumunot-noo ako nang agad siyang nag-iwas ng tingin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pamumula ng mukha at tainga niya nang pumasok ako at tumabi sa kanya. We're not alone inside so I remained silent. Hindi niya kasama si Faye. Bahagyang siniko ko siya dahil mukhang wala siyang balak na tingnan ako.



Nagtatakang ipinukol niya ang tingin sa 'kin. I glance at him with a why-are-you-ignoring-me look. He bit his lower lip and shook his head quietly. I could tell that something's bothering him.



"Where's Faye?" mahina at nagtatakang tanong ko sa kanya. Mabuti na lang nakarating na agad kami sa ground floor kaya sabay na kaming lumabas.



"Susunod na lang daw siya," he answered. Naglalakad na kami patungo sa isang food chain. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hindi ko alam ang sasabihin. I don't know how to start a good conversation that could somehow break the ice.



"Ayos ka lang ba? Hindi ba masama ang pakiramdam mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Napansin ko na kanina pa niyang hinihimas ang batok niya. "Masakit ba ang batok mo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.



"I'm fine. Nangalay lang ako," nakangising sagot niya.



"Pwede mo na bang sabihin kung ano ang unusual na nararamdaman mo?" nag-aalangang tanong ko sa kanya.



"Hmmm..." he mumbled. "How should I say this? I'm not sure but I think it's not me who's playing inside me. I felt that it's not me. Like someone's controlling me? It sounded absurd, right? Or maybe I just can't really accept the sudden odd feeling when I stared at you back then," natatawang sabi niya na tila nagbibiro. Pero mapapansin ko sa mga mata niya ang pagkalito.



I sighed. Hindi ko siya maiintindihan kung kahit siya ay hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. "Do you think the game is taking a toll on you?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "Maybe you need some rest," I suggested. Pumila na kami sa counter ng pinasukan naming food chain. Nasa likod ko lang si Frey.



"No. I have other plans than resting," seryosong saad niya sa 'kin. Napaurong ako dahil sa dumaan sa gitna namin ng nasa unahan ko. Napasandal ako nang hindi sinasadya kay Frey. He sighed while he supported my shoulder.



"Ako na ang oorder. What's yours? Just find us seats. Nagtext na ako kay Faye," he said kindly. I nodded. Sinabi ko sa kanya ang gusto kong kainin at naghanap na ako ng mesa para sa 'min. I sat while waiting for Frey. Nagulat na lang ako nang tumabi sa 'kin si Faye na hindi ko namalayan na dumating na pala.



"Hi, Dei," she smiled. I smiled and greeted her back. "Have you talked to my brother?" she asked with concern. Napansin ko na tumitingin siya kay Frey upang makasiguro na hindi nito maririnig ang usapan namin.



"About?" kunot-noong tanong ko sa kanya.



Natigilan si Faye at umiling. "Nothing. Do you think he's acting weird? Unusual? Different?" she asked with confusion. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko sa tanong niya.



"Awkward lang pero pakiramdam ko normal naman ang ikinikilos niya," sagot ko.



"Hmmmm... I know my twin brother well. I know when something's not normal is happening to him," she whispered to herself but it's enough for me to hear. Nagtataka ako pero hindi na muna nagtanong dahil papalapit na sa 'min si Frey dala ang isang tray.



Tumahimik kami habang nakatuon ang mga mata kay Frey. Sinusuri ko siya kung may kakaiba nga ba sa kanya. Kumunot ang noo ni Frey dahil sa tingin namin sa kanya ng kapatid niya. He laughed with discomfort.



"Don't tell me, you're both planning to stare at me all day?" nakangising tanong niya sa 'min. He was acting normal for me. Just like the old times.



"Gutom na ako. Ang bagal mo kasi," nakasimangot na sabi ni Faye pero ngumisi rin pagkatapos. Frey just laughed like the old times. Hindi niya sineseryoso ang kapatid niya. Inilapag na niya ang tray at ibinigay sa 'min ang order namin.



"Let's eat," masayang sabi ni Faye. I can't tell if she's pretending to eat excitedly. I don't know. Tahimik na kumain kami. Minsan ay pinag-uusapan namin ang susunod na gate na pupuntahan namin. We're wondering what our next opponents looked like.



Ilang minuto lang kaming nagpahinga matapos kumain bago kami nagpasyang bumalik sa kanya-kanyang silid.



"Denise, let's talk. In your room," mahinang sabi ni Frey habang nasa elevator kami. Narinig naman ni Faye 'yon pero nagkibit-balikat siya. Maybe she's trying to give us our time and privacy. I just nodded silently.



Sumunod si Frey sa 'kin nang lumabas ako sa elevator. Binubuksan ko na ang silid ko nang bumukas ang pinto ng silid ni Prius. Nagkatinginan kaming dalawa. Prius looked at me then he turned his gaze to Frey. Hindi ko na pinansin ang reaksiyon niya dahil tuluyan na akong pumasok. Sumunod na lang sa 'kin si Frey nang tahimik.



"What is it?" nagtatakang tanong ko kay Frey. Nagulat na lang ako sa kanya nang lumapit siya sa 'kin at niyakap ako.



"What are you doing?" gulat na tanong ko sa kanya. I was ready to push him away but he stopped me by his words.



"Please, Denise. Just for a while. I just want to confirm something," he whispered helplessly. He lowered his head. He nuzzled on my neck and it was ticklish. I bit my lower lip to stop laughing.



"Frey!" mahinang pagbabanta ko sa kanya. He ignored me and kissed my jaw line. I frowned.



"This is sexual harassment," mahinang sabi ko sa kanya. He stopped and laughed. He stood straight and looked at me straight in the eye with amusement.



"There's one more thing left to do then I'll be done," he said seriously.



"What's that? Let's finish this. Ano ba ang gusto mong pag-usapan?" nakasimangot na tanong ko sa kanya.



"I want to kiss you. Since you brought the topic about sexual harassment, I will ask your permission then," he said. Hindi siya ngumingiti. I gaped and my eyes widened in shock.



"No," mariing pagtanggi ko sa kanya.



"You have no choice but to help me. Then I'll tell you about my plans. The things running in my mind. My doubts. My thoughts about this game. Everything," seryosong sabi niya sa 'kin na tila nahihirapan. I sighed. What should I do? What should I do? Nagpa-panic ang utak ko pero gusto ko ring marinig lahat ng sasabihin niya.



"What plan?" kunot-noong tanong ko sa kanya.



"I will sneak inside the main building," seryosong sabi niya sa 'kin. Mas lalo akong napanganga.



"Why?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "It's dangerous!" protesta ko sa kanya.



"I'll tell you later. So...?" he asked waiting for my answer. Namula ang mukha ko. It's different when I'm kissing him in the game. My heart beat fast with the thought of kissing him for real. He's my friend.



"Don't worry. I'll forget the kiss after this. You can forget it too. I will not brag anything about this. We're still friends and I'll be thankful for your help. Nothing will change. I just need to confirm this odd feeling," he sincerely said.



Napalunok ako. Nagmumura na ako sa isip ko dahil sa pagkalito. Hindi ko siya maintindihan. "Fine! Just make it fast!" nakasimangot na sabi ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. He laughed.



"You're so stiff but I can't promise that it will be fast," he said. Napasinghap ako sa narinig. I could feel him slowly lowering his head on me. He slightly pressed his lips on mine. I thought it will be over after that but he moved his lips slowly, teasing me. A gasped escape my throat and that gave him full access to my lips. I held his shoulder tight. Kinakabahan ako sa ginagawa namin. It seems like everyhting is not right. Everything is not in place.



He suddenly stopped and our lips parted. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. He was looking at me too that made me gaped. What did we just do? We kissed? Damn! He smiled kindly at me.



"Now, I will let you know my plan," he winked and laughed. Namula ang mukha ko. II lightly punched his shoulder. Damn! I guess he's now back on his old self.



"Did you trick me?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Umiling siya. He pulled away and sat on my bed with comfort.



"Nope but thanks," nakangising sabi niya sa 'kin.



"I want to punch you right now," nakasimangot na sabi ko. Tumawa siya at halatang naaaliw.



"Sorry for being a jerk. It's the only way I could think of. I guess, falling for you is the strangest thing that could happen to me. And I'm right, there's something strange about it," he said and smiled. Napailing ako.



"What are you talking about? Don't tell me, I'm not someone to fall for? You're insulting me. But you're right. I know I'm beautiful but you can't possibly fall for me," nakasimangot na sabi ko pero ngumisi rin kapagkuwan. Tumawa lang siya.



"You're too confident that you're beautiful," nang-aasar na sabi niya sa 'kin. Ngumisi lang ako sa kanya.



"Now, tell me your plans and don't be surprised if I stop you. The organization is dangerous. Hindi basta-basta ang security nila. Baka mahuli ka nila," naiiling na sabi ko sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at itinaas ang paa sa kama.



"Why did you sneak inside the main building too?" he asked. Natigilan ako. Binigyan ko siya ng mapanuring tingin.



"I can trust you, right?" nag-aalangang tanong ko sa kanya. I don't want to keep anymore secrets from him. Maybe this is for the best.



"Sure thing," he smiled.



"Good," nakangising sabi ko. And then our conversation started with my story.


-------------------------


TO BE CONTINUED...


Hahaha. Yay! Magtatago na ulit ako. Thanks sa pagbabasa, votes at sa comments. I really appreciate it. Mwaahugs <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com