Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: Alkia Kingdom (First Phase)

DENISE

It's already time. I breathed in and out. Humiga na ako matapos mailagay nang maayos ang VR gears sa ulo ko. May staff na nag-a-assist sa 'kin kung paano ang tamang paggamit ng gears at kung paano ako makakapasok sa virtual word. Kapag ready na ako, I just have to switch the green button on.

I was nervous and excited at the same time. My heart wouldn't stop beating fast. Nararamdaman ko rin ang mga butil ng pawis sa noo ko. Malamig naman sa loob ng kwarto ko pero hindi ko alam kung bakit pinagpapawisan ako. Maybe because this was my first time. I was really excited to enter inside Alkia Kingdom.

"Ready?" tanong ng staff. May inaayos siya sa computer. She was setting up everything and I could see it through the large monitor.  She said that I can log out anytime I want. May makikita akong log out button sa dashboard

"Yes," I said. I closed my eyes and clicked the green button on the left side of my VR gear. Nagulat ako dahil sa mga images na nag-flash sa utak ko. Someone's talking in my mind. It was the system's programmed voice. A girl's voice.

"Virtual Reality gear activated. Player's mentality will be transmitted inside the game. Starting," she said. I could feel my mind going dizzy. It went in circles. I could see the loading percentages in my mind. Before it reached one-hundred percent, I fell asleep or lost my consciousness. And then I woke up inside a virtual world. But All I could see were blue lines surrounding the virtual room where I'm in. I realized that my consciousness are now inside the game's system. I was standing inside the room like a hologram image.

"Successfully transmitted. Loading Game Classses... Please select and customize your own character," she said. Lumabas ang gender ng character sa harapan ko. I clicked the male one. It was fascinating that I can click the buttons in front of me without problems. Pinapili ako ng class. I chose the Archer type. According to the game, I have to use a bow and arrow first before I could acquire or upgrade it into a crossbow.

I started to personalize my character. It was a handsome golden-haired guy. Katamtaman lang ang haba ng buhok nito. And his eyes were green. The lips were thin and tight. He has a very masculine body. He was wearing a light archer custome made of fur and leather. It was sleeveless, enough to notice his masculine biceps and triceps. He's also have shrouded boots and gloves. Nakasakbit sa likod niya ang bow and arrows.

Hindi pa ako pwedeng mag-customize ng damit niya dahil kailangang bilhin sa game ang mga ito. For now it's the basic costume for all starting players.

I entered my username Zeus and clicked the finished button. For now, hindi na kailangan ng password dahil naka-save na sa VR gears na suot namin ang characters and progress namin.

"Character creation successful. Merging player inside the character's body, loading..." she said. Nagulat ako nang unti-unting maglaho ang katawan ko at sumanib ito sa character na ginawa ko. The next thing I knew is that I'm already inside my character's body. It was a weird feeling. I moved my hands, close and open. My mouth almost gape in surprise. I can really move my character's body according to my will. But the feeling of being inside a male's body is weird. I could feel my cheeks burning hot. And my heart was racing fast. Nakakailang. Kakaiba sa pakiramdam. Sobrang bigat ng katawan ko at hindi ako sanay.

"Merging Successful. Preparations complete. Basic items for starting players are already sent into your item bag. You will now be sent inside the world of Alkia Kingdom. Prepare for battle. Loading..." she said.

I could see my body slowly disappearing into tiny particles. It seems that I'm being transmitted into another place. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakapikit pero pagmulat ko, nasa harap na ako ng isang magulong lugar. Nagkakagulo ang mga Non-Player Characters (NPCs) sa buong town ng Alkia Kingdom. This was the first phase of the story. Alkia Town was attacked by monsters and dungeon masters. They succeeded to abduct Princess Aria and King August was mourning for the disappearance of her daughter. Marami pa ring mga halimaw na nakakapasok dahil nasira ang malalaking pader na pumapalibot sa buong Alkia Town. May mga NPC rin silang nakuha at nadukot. Sira-sira rin ang ilang mga bahay at nasira rin ang Cathedral. Napansin ko na nakapasok na rin ang ibang participants. Halatang naninibago rin sila sa mga bago nilang katawan.

The monsters know no logic in themselves. They're attacking everyone they could see. May lumabas na Mission Request sa harapan namin. There are two missions . It was our first quest. Binasa ko ito. The request came from King August.

Mission Request 1: Guard Alkia Town

Kill all monsters inside and those monsters trying to enter Alkia Town.

 

Mission Request 2: Restore Protective Wall

Help NPCs to restore the protective wall of Alkia Town.

May mga items at rewards na makukuha kapag natapos ang mission. I looked around. There are too many monsters inside. Pero wala na ang mga dungeon masters. Kapansin-pansin na ang mga natitirang halimaw ay mga mahihina na lang. I accepted both missions. It's time to move. Mamaya ko na lang hahanapin sina Frey at Faye kapag tapos na ang gulo. Kakaiba ang larong ito dahil buong katawan ang kailangang gamitin. Hindi lang kamay at utak katulad ng MMORPG na nilalaro ko noon. 

Naiilang pa rin ako sa katawan na gamit ko. But I run as fast as I could. Tiyak na masasanay rin ako kapag nagtagal. Gumagalaw na rin ang mga participants. Mas madali kaming mag-le-level up kapag natalo namin ang mga halimaw. Napansin ko na mga halimaw na hanggang level ten lang ang pumapasok sa loob ng town. Pinakamababa na ang level two.

I started with the lower levels. I have to be cautious. Patataasin ko muna ang level ko bago harapin ang mga level ten na halimaw. Wala akong balak mamatay nang maaga. It will take me a day to recover. Sayang ang oras. May healing items ako sa bag pero wala akong balak gamitin agad 'yon. May mana points replenisher din. 

Inilabas ko ang bow and arrow ko. The arrows are coated with special energies and power coming from my Mana Points (MP). Ang unang halimaw na target ko ay isang gagamba. A Level three, Garoa Spider. Hindi pa ito gaanong malaki. It's still a baby. It's not thinking logically.

Inasinta kong mabuti ang ulo ng Garoa Spider. I released an arrow. Tinamaan nito ang Garoa spider. Naglabas ito ng malakas at kakaibang ingay dahil sa sakit na natamo niya sa atake ko. It was a critical hit. Galit na ipinukol nito sa 'kin ang mapupulang mata. It started to run towards me. The Garoa Spider started to attack me using its legs. Mabilis akong umiilag at iniiwasan ang mga atake nito. Sunud-sunod na pinakawalan ko ang mga arrows ko pero mabilis ring nauubos ang MP level ko. May oras na nakalaan para ma-recharge ang MP levels. It's an hour. Kung hindi ako makapaghihintay, pwede kong gamitin ang replenisher ko. Kaso nasasayangan ako kaya sinisugurado ko na laging critical hit ang tatama sa Garoa Spider. Iniiwasan ko ang mga sapot na pinapatama nito sa 'kin. Habang patuloy ko itong inaatake, nadaragdagan naman ang Experience points ko (XP). Umabot na ako sa level two nang matalo ko ito. Napuno hanggang gitna ang bar ng XP ko. Nanghinayang ako dahil hindi pa umabot ako sa level three. Automatic na pumasok sa bag ko ang mga coins at item na nakuha ko mula sa Garoa Spider. 

I checked my item bag. I got a MP Replenisher. Good. After drinking it, I moved forward. I ran towards the next target. A level five monster, Baby Barren Mantis. Medyo malayo ako sa kanya. It has the ability to fly. Tiyak na hahabulin ako nito mamaya kapag inatake ko ito. I concentrated my arrow on its head and hit it flawlessly. Halos mapaurong ito sa ginawa ko. Again it was a critical hit. Nakaririnding ingay ang pinakawalan nito. Nabawasan ang Health Points (HP) nito pero one-eightth lang. It's green eyes turned to me. It was glistening with anger. Lumipad ito sa hangin. Sunod-sunod na sharp blades ang pinakawalan nito mula sa sharp front legs nito. I was running and tumbling to avoid its attacks.

Nagtago ako sa likod ng mga sirang bahay pero hindi pa rin tumitigil ang Baby Barren Mantis sa pag-atake sa 'kin. Ihinanda ko ang arrow ko. Nang marinig ko na tumigil na sa pag-atake ang mantis at hinahanap na ako, saka ako lumabas sa pinagtataguan ko. I hit the Baby Barren Mantis continuously on its head. Nagwawala ito sa bawat pag-atake ko sa kanya. Nagpaulan ito ng sharp blades sa kinaroroonan ko. Kahit nagawa kong tumakbo, hindi ko naiwasan ang ilang sharp blades nito. Napangiwi ako at mahinang dumaing. Tumama ang mga ito sa iba't ibang parte ng katawan ko. Blood was drifting all over my body and stained my clothes.

Mabilis na nabawasan ang HP points ko. At dahil mababa ang level ko, kalhati ng HP ko ang nawala. Malapit na ring matalo ang Baby Barren Mantis. Sayang ang HP ko kung hindi ko ito matatalo. Hinarap ko ito. Saka ko lang napansin na nasa likod ko na pala ito. Ginamit nito ang dalawang matatalas na front legs nito para atakihin ako. Tumalon ako upang umiwas. Sunud-sunod na pinatamaan ko ito ng mga arrows. Isang tira na lang at matatalo ko na ang Baby Barren Mantis pero hindi ko na maiiwasan ang matatalas na front legs nito na handa nang tumama sa katawan ko. I released an arrow. Bago tumama ang atake nito sa 'kin, nagulat ako sa dagger na bumaon sa front legs nito. And the arrow hit the head of the Baby Barren Mantis. Unti-unting naglaho ang katawan nito sa hangin. The items went inside my item bag. Tiningnan ko ang direksiyon na pinanggalingan ng dagger.

Isang babae ang nakatayo sa isang sanga ng puno. She belonged to the assassin class. I narrowed my eyes when she jumped down the ground. It was Ice. Binunot ko lahat ng blades na bumaon sa katawan ko. Napapapikit ako sa sakit at hapdi.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin.

"Yes. Thanks," seryosong sabi ko nang matapos kong tanggalin lahat ng blades. But I could still the pain on my body. She laughed. Ngayon ko lang napansin na umakyat na pala sa level 4 ang XP ko. Kulay puti ang kulay ng mahaba at kulot na buhok ni Ice. Her eyes were caramel-colored. Ice was wearing a sexy outfit and a black hooded cloak. May itim na telang nakatakip sa bibig niya. Halos lumuwa na ang cleavage niya at makita ang underwear niya dahil sa ikli ng white fitted outfit niya. Kitang-kita rin ang makinis na legs niya although she's wearing a net thigh socks and a high-heeled black boots. Sa gloves niya mapapansin ang mga nakausling patalim. On her back, there's a small dual flying blades hanging there. It was forged roughly. I think she still need to upgrade her weapons like mine.

"Pinanindigan mo talaga ang pagiging lalaki?" she giggled. She was quite amused with me. Maiging sinusuri ng mga mata niya ang buong katawan ko. Pinisil-pisil pa niya ang mga biceps ko. I blushed. Halatang madumi ang tumatakbo sa utak niya.

"Stop it," nakasimangot na sabi ko sa kanya.

She couldn't stop and laughed. Curious na curious talaga siya sa character ko.

"Nakita mo na?" she asked. Nakaturo siya sa ibabang parte ng katawan ko. Mahinang binatukan ko siya. Tumawa siya nang malakas. 

"We're inside the game. I don't think it is necessary," naiinis na sabi ko. Magkasalubong na ang kilay ko pero patuloy pa rin siya sa pangungulit sa 'kin. Naiinis na ako sa pagtawa niya. Pulang-pula na ang mukha ko. Ayaw ko nang isipin ang kung anong meron sa character ko.

"Ice, stop playing around," seryosong sabi ng isang lalaki mula sa malayo. Natigilan kami. I looked at him. He's Fire. Nakaupo siya sa isang malapad na bato. Sa tingin ko, kanina pa siyang nanonood sa 'min ni Ice. He was holding a magic staff with a big red stone in front of it. That means he's a mage. Katamtaman lang din ang haba ng buhok niya, and it was color red. And his eyes were caramel-colored too. He was wearing a white cloak, mage robes and pants. There's a gold belt on his waist. He was wearing golden-brown leather boots too. He smiled at me meaningfully. Akala ko seryoso siya pero hindi na niya napigilan ang malakas na tawa. He laughed hard. Maging si Ice tumawa na rin. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kambal. Halos maiyak sila sa katatawa. Pakiramdam ko sumasakit na rin ang mga tiyan nila.

"Are you sure you can move easily with that sort of body?" natatawang tanong ni Fire.

"I can manage," naiinis na sagot ko. "Umayos nga kayo! Marami pa tayong dapat gawin," nakasimangot na sabi ko. Tumigil sila sa pagtawa. Sumeryoso na sila at lumapit na sa 'min si Fire. Pinagaling niya ang mga sugat ko. I thanked him. Napuno na rin ang HP ko.

"I'll take care of the defense. Let's all go together," Fire said.

"Are you sure? This is a ranking quest," I said. They both smiled.

"We don't really care about the ranking quest. We're here to enjoy the game. I think our captain deserves to be number one. Let's do our best," Fire said. I frowned to hide my true feelings. I was actually moved by his words.

"Correct! Kaya magpakasal na tayo sa Cathedral Captain para number one na rin ako," Ice giggled. Binatukan naman siya ni Fire. Napailing na lang ako sa dalawa at mahinang tumawa. Sobrang kulit talaga ni Ice.

"Let's go. After this mission, let's talk about our plans to reach the top," I said full of determination. They're laying all their hopes in me. I have to do my best from now on. I'll be number one. They both agreed and nodded. Sabay-sabay na kaming tumakbo para sa sunod naming target. Wala pang isang oras, marami na kaming napatay na halimaw.

I reached level fifteen and they're both thirteen. Nagbabantay na kami sa gates ng Alkia Town dahil naubos na ang mga halimaw sa loob ng town. Patuloy naman ang mga NPCs at ibang participants sa pagtatayo ng Protective wall. Maraming nagbabantay na participants sa buong paligid ng wall ng Alkia Town upang mapigilan ang pagpasok ng mga halimaw. We are all busy. Mabilis ang paglipas ng mga araw sa loob ng laro kumpara sa totoong oras sa labas ng laro. Tiyak na ilang oras pa lang ang nakalilipas sa labas. Nang halos three-fourths na ang maitayo sa protective wall, bumalik na kami sa loob ng town upang tumulong. We ran errands for NPCs and help them on their works. May nakukuha rin kaming rewards at bahagya ring nadaragdagan ang XP namin.

We were sitting under the tree while eating. Mabilis na naibalik ang kaayusan sa buong Alkia Town. Ang problema lang, nakuha ng dungeon masters si Princess Aria. I think saving her will be our number one goal. Ang problema pa, hindi nakilala ni King August kung sino ang kumuha sa prinsesa. We have to search every dungeons. Tiyak na mahihirapan kaming lahat sa paghahanap sa prinsesa.

-------------------------------------

TO BE CONTINUED...

Author's Note:

Haha! Nakapag-update ako.. Ano sa tingin ninyo? Okay lang ba? Haha..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com