Chapter 34: Dragon Island
UNEDITED. ENJOY READING....
DENISE
Two mountains and a sea. Masyadong mahaba ang kailangan naming lakbayin. We must beat the dungeon bosses and the monsters we would encounter along the way. We already beat the sixth dungeon on the second mountain. Two days had passed and we still hadn't reached our destination. Nasa dalampasigan na kami. We must cross the sea to reach the Dragon Island. Hindi ganu'n kadali ang paglalakbay na ito. I'm glad we're still surviving. Mabuti na lang may mga replenishers kaming nakukuha sa tuwing nananalo kami sa dungeon bosses at sa ilang halimaw.
Isang bangka ang nasa dalampasigan. May isang lalaking NPC na naghihintay sa amin. Simple lang ang suot niya at may mangilan-ngilang tagpi ang damit niya. Sa tingin ko ay pwede niya kaming dalhin sa Dragon Island kung bibigyan namin siya ng tamang halaga.
Lumapit kaming dalawa ni Sky sa kanya. Ang mga kasama namin ay nagpapahinga sa isang tabi. We're beat and exhausted. "We're heading to the Dragon Island," diretsong saad ni Sky.
"You want my assistance? By the way, I'm Aki," he said.
"I'm Zeus and this is Sky. How much is your service?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"10, 000 gold coins. One way," he answered. Ibig sabihin 20, 000 gold coins lahat ang kailangan namin. Iyon ay kung makakaalis pa kami nang buhay sa Dragon Island. Tumingin ako kay Sky at tumango. Wala naman din kaming pagpipilian. Ito lang ang tanging paraan upang makarating sa Dragon Island.
Malaki ang bangka at kasyang-kasya ang apat na party. The boat was not an ordinary one. It was equipped with motors so we could reach the Dragon Island quickly. Malapit ang upuan namin ni Sky kay Aki.
"What does the Dragon Island look like?" I asked Aki with interest. Sky's head was resting in my shoulder. I guess he was already asleep. Minsan ay hinahawakan ko ang mukha niya dahil napapasubsob ang ulo niya pababa. Pinipigilan ko ang pagtawa dahil sa itsura niya. Si Silver naman ay natutulog sa hita ko. Gusto kong mapailing sa mga itsura nila.
"You're that excited to know? We will arrive within ten minutes," Aki said and grinned.
"I just want to prepare myself. We already got this far. I don't want to waste the chance," I answered truthfully. "I want to learn even the smallest details if it's the only way to survive. I will not take these details for granted. We can possibly use this for offense or defense if we're lucky," dagdag ko pa.
"On this stage of the game, you need to be brave and smart. I'm glad that you're already planning ahead of time. But sometimes, those things you unplanned are better," makahulugang wika niya.
"You still need to plan. When everything went wrong and you're running out of options then that's the time when the unplanned things can be better," nakasimangot na sabi ko.
Aki chuckled. "You're smart. But sometimes, being a fool is better," he said again. Humaba ang nguso ko. He's contradicting.
"Jeez," I hissed. It seems that he didn't want to give any information about the Dragon Island. He surely wanted to surprise us but I don't like surprises. I don't want to be caught unprepared. Tumingin ako sa malawak na dagat. Napasinghap ako nang tumingala ako sa kalangitan. I could clearly see a very huge floating island in the sky. Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa natatanaw. Hindi ito nag-iisa. Sa ilalim ng pinakamalaking isla ay may isa pang isla at ganun din sa ilalim ng sumunod dito. It seems like an island with different floor levels. Habang papalapit kami nang papalapit, natatanaw ko ang kabuuan nito.
The whole island structure contains of five big islands. May mga maliliit na hagdan na gawa sa tipak ng mga lupa ang nagdudugtong sa mga isla. They were floating in air as if there's a force holding them on their rightful place.
Pinakamalaki ang isla na nasa pinakatuktok. Mula sa ibaba, palaki nang palaki ang mga isla hanggang sa pinakaitaas. The earth stairs were surrounding the island in spirals. It was quite a sight. Napansin na rin ng mga kasama ko ang isla. They were also astonished with the sight. Marahan kong tinapik ang pisngi ni Sky.
"We're almost there," I whispered. He slowly opened his eyes. Hindi pa rin niya inaalis ang ulo niya sa balikat ko habang tinitingnan ang lumulutang na isla sa 'di kalayuan. Tahimik lang siya. I gasped when he put his hands around my waist and nuzzled on my neck. Nagising si Silver kaya pupungas-pungas na umupo nang tuwid.
"I want more sleep," reklamo ni Sky. He's such a child. Tumayo si Silver at tumabi kay Aki. Natatanaw na rin niya ang mga isla.
"No more please. We don't have all time in the world," nakangusong protesta ko. Pilit kong inaalis ang ulo niya sa leeg ko. I could feel him grinning on my skin. He's playing and that made me frown even more.
"What do you need from the dragons?" seryosong tanong ni Aki nang itigil na niya ang bangka malapit sa isang tipak ng lupa na nagsisilbing hagdan pataas.
"Dragon ores," sagot ko kay Aki. Hinarap ko naman si Sky dahil mukhang natutulog na siya sa leeg ko. Nanggigigil na pinisil ko ang mukha niya habang inilalayo siya sa leeg ko. "Hey Sky, you wake up now or I'll put you to sleep forever," banta ko habang pinandidilatan siya ng mga mata. He bit his lower lips to suppress his smile.
"Dragon ores? Goodluck. Those ores can only be found on the very last island," Aki warned us. I bit my lower lip. May limang isla sa lugar na ito. Kung tama ang hinala ko, limang dungeons pa ang haharapin namin. Tumayo na si Sky kaya sumunod na ako sa kanya. Nakatingala siya at matamang tinitingnan ang mga isla.
"Ano sa tingin mo? Can we beat the dragons?" nag-aalangang tanong ko sa kanya. May mga naipon kaming replenishers habang naglalakbay. Sa tingin ko naman ay magiging sapat ang mga ito hanggang sa pinakahuling isla.
"We have no choice but to beat them so the answer is we can. Gusto mo ng matapos ang laro sa lalong madaling panahon, hindi ba? Right now, failure is not an option. There's no room for any mistakes," seryosong saad niya. I bit my lower lip. Hindi ganoon kadali ang larong ito. Habang tumatagal ay lalong humihirap. Tumataas nga ang level namin pero tumataas din ang level ng mga sunod na nakakalaban namin.
We paid the 10, 000 gold coins to Aki. "Shall I wait here?" he asked. We nodded. Nilingon ko ang mga kasama namin. They were stretching as if they were already preparing for a deadly war. Wala pa akong natatanaw na dragon. Hindi ko alam kung nararamdaman nila ang mga presensiya namin.
Humarap si Sky sa mga kasama namin. Seryoso siya. "Hindi ko alam kung ano'ng skills ng mga dragons ang ginamit sa larong ito. I'm not sure if the dragons here breathe fire or maybe their bloods are poisonous that it can penetrate even an iron shield or armour. Or maybe their tails are deadly that when it coiled on us, we'll choke to death and die. We will not know until we face the dragons," saad niya. "Malayo na ang narating natin. Kung sa palagay ko ay hindi natin maipapanalo ang laban, sasabihin ko kung kailangan nating umatras upang magplano. We can't afford to lose."
"He's right. Maraming nakasalalay sa labang ito. This is not just a simple game and we should not take this for granted. If everyone's ready then we will be heading to the first island," seryosong saad ko. Determinadong tumango ang mga kasama namin. Lalong lalo na si Ice. She already knew what's happening. Ipinagtapat ko sa kanya ang totoo dahil hindi ko na kayang itago sa kanya ang lahat. And the way she responded with the situation was just natural. I could still remember her rage.
Nakatayo kaming dalawa sa loob ng silid ko. Naghihintay si Faye sa mga sasabihin ko. Kinakabahan siya. Her eyes were restless though she's looking at me with attentiveness. Huminga ako nang malalim. I casted a worried look in her direction. Mariin kong ipinikit ang mga mata bago muling dumilat. Sa tingin ko, kaya ko ng sabihin sa kanya. Kakayanin ko.
"Your twin brother, Frey, is going through a lot of things these passed days. That's the reason why he's acting differently and strangely. Alam kong madalas magbago ang mood niya. Kapag nasa loob siya ng laro, pakiramdam niya may kumukontrol sa kanya. He also knew that there's something wrong with his body. Alam ko rin na napapansin mo na ito," paliwanag ko.
"Please. Huwag mo ng patagalin. Let's get straight to the point. You're killing me," naiinip na sabi ni Faye. Bumuntong-hininga ako nang malalim. Pinagsalikop ko ang nanlalamig kong mga kamay.
"He's being controlled by the organization. He was one of the first subjects for the organization's experiment," seryosong saad ko. Bahagya pang pumalya ang boses ko dahil pakiramdam ko may malaking bikig sa lalamunan ko. Kumunot ang noo ni Faye. Naguguluhang tiningnan niya ako. Alam kong hindi niya agad nakuha ang sinasabi ko. And no one will at first. Hindi ko pa naipapaliwanag sa kanya nang maayos ang lahat. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano ipapaintindi sa kanya ang lahat dahil kahit ako, hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari.
"What do you mean?" she asked with confusion. Naglakad siya sa gilid ng sofa. Tila nararamdaman niya na kailangan niya ng suporta anumang oras.
"His emotions are being controlled inside the game. The organization is experimenting on how to control the players. Noong isang linggo, pinasok ni Frey ang main headquarters upang mag-imbestiga. Sinabi niya sa 'kin ang mga hinala niya at ang mga balak niya," paliwanag ko. Kitang-kita sa mukha niya ang hinanakit at pagkalito.
"Alam mo pero hindi mo sinabi sa 'kin?" naiinis na tanong ni Faye.
"I'm sorry. Hindi rin namin alam kung ano ba talaga ang mga nangyayari. We just confirmed the truth when we sneaked inside the headquarters," mahinang saad ko sa kanya. "Nakita ng mga mata namin kung paano nila pinag-aaralan ang mga players para sa eksperimento nila. We didn't come here as testers but as guinea pigs for their evil plans," nanginginig na saad ko.
Kinagat ni Faye ang pang-ibabang labi at mahigpit na humawak sa sofa upang hindi matumba. Puno ng pagkalito, inis at galit ang mga mata niya. Tila hindi na niya alam ang iisipin. Kumuyom ang isang kamao niya.
"W-Why?" naguguluhang tanong niya sa 'kin. Nagtatanong ang mga mata niya nang lumingon siya sa 'kin. "Bakit kailangang itago ninyo sa 'kin? Bakit hindi ninyo sinabi sa 'kin?" galit na tanong niya. Narinig ko pa ang mahinang pagmumura niya. "I should have stop him from playing! Almost a week, and you're keeping the truth from me!" sigaw niya sa 'kin.
"Please calm down Faye," mahina at nahihirapang sabi ko sa kanya. "Baka may makarinig sa 'tin mula sa labas," nag-aalalang sabi ko sa kanya.
"Calm down? How can I calm down?! Kapatid ko ang naiipit dito!" sigaw niya sa 'kin. Wala sa sariling lumapit siya sa 'kin. Nangingilid na ang luha niya sa mga mata. Mahigpit niyang hinawakan ang mga balikat ko at niyugyog iyon. "Bakit Denise? Bakit hindi mo siya pinigilan gayong alam mo naman! Bakit hinahayaan mo pa rin siyang maglaro! Wala ka bang pakialam sa kanya? Ako! May pakialam ako dahil kapatid ko siya! Ikaw Denise? Kaibigan ka niya! Kaibigan ka namin!" galit na sigaw niya sa 'kin. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng masaganang luha sa mga mata ko. Ramdam ko rin ang panginginig ng katawan ni Ice. Hindi na rin niya napigilan ang pagluha. Mariin niyang kinagat ang labi niya. Ganu'n din ang ginawa ko.
"Fuck Denise! Tatahimik ka na lang ba habang unti-unti siyang winawasak ng organisasyon?" tanong niya. Naiinis na sinuklay niya ng isang kamay ang buhok. Nahihirapan siyang tumingin sa 'kin. "Wala ka bang gagawin? Shit! Right now I want to hurt you for being a coward and for not caring!" she asked almost whispering.
"I care! You know I care! I did what I can right now! Katulad ng reaksiyon mo ngayon, ganyan din ang naisip ko nang malaman ko ang totoo. I was so frustrated. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako makapag-isip nang tama. Alam ko ang nararamdaman mo ngayon. Naiintindihan kita. Gusto ko ring patigilin sa paglalaro si Frey. Nakipag-usap at nakipag-away pa ako kay Prius dahil gusto pa niyang maglaro si Frey! Pero napagtanto ko na hindi lang si Frey ang naaapektuhan! Isang libong manlalaro ang nanganganib. Kung aalis tayong tatlo rito at tatakas, para na nating pinabayaan ang ibang players. I don't want to do that, Faye..." mariing wika ko sa kanya.
"What are you planning to do? Naiintindihan ko na ayaw mo silang iwan pero kung walang makakatakas sa 'tin, hindi ito malalaman ng awtoridad. Sinong magliligtas sa 'tin kung lahat tayo ay kokontrolin? Can't you understand the dilemma?" naiinis na sabi niya.
"I do understand but there's someone who's already helping us out. Kailangan lang niya ng matibay na ebidensiya upang isiwalat lahat ng masasamang ginagawa ng organisasyon. This is a private organization. Hindi pwedeng basta na lang natin sila ipahuli nang walang ebidensiya. Trust me Faye," nagmamakaawang sabi ko sa kanya. "Hindi ko alam kung ano ang ibang balak nina Prius pero kailangan nating magtiwala. Ito lang ang magagawa natin sa ngayon. Please, act normal. Huwag kang gagawa ng kahit ano'ng ikakasama natin. Alam kong mahirap pero kailangan nating magtiis. Siguro ngayon, kailangan nating tapusin ang laro sa lalong madaling panahon. Let's do this together. Let's all survive," saad ko sa kanya.
Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. She was still crying hard. Alam kong magulo ang sitwasyon. Alam kong mahirap intindihin pero kailangan naming tanggapin. Kailangan naming harapin.
Naunang humakbang si Sky sa lumulutang na tipak ng lupa. "Good thing. It's not falling," pagbibiro ni Sky habang nakangisi. Sumunod kami ni Silver sa kanya. Mataas pa ang aakyatin namin bago marating ang unang isla. Sumunod ang iba. Nakakatuwa ang mga maliliit na tipak ng lupa na nakalutang sa hangin at nagsisilbing hagdan para sa 'min. Tumatalon si Silver sa mga baitang ng lupa na tila naglalaro. Ilang minuto ay narating na namin ang isla. Inalalayan ako ni Sky nang mauna siya sa tuktok nito. Napasinghap ako sa malawak na lupain at sa matataas na puno na kasing laki ng higante. May mga malalaking itlog sa paligid. Ang iba ay napisa na. Ang iba naman ay buo pa.
Malakas ang hangin na tumatama sa isla. Hinawakan ko ang kamay ni Silver. "Can you sense them?" tanong ko kay Silver. Wala pa rin pinagbago ang itsura ni Silver kapag nag-aanyong bata siya. He was still cute and not growing. Pero ang fox form niya, malaki na ang ipinagbago. Dahil sa anim na dungeon na nalampasan namin, mas tumaas na ang level niya. Level 62 na siya.
"I could hear them breathing," seryosong saad ni Silver. "Not too far from where we are."
Napasinghap ako. I was actually excited and afraid at the same time. Bumilis ang tibok ng puso ko sa antisipasyon. I can't help it. Kahit hindi maganda ang ginagawa ng organisasyon, hindi ko pa rin mapigilan ang ma-excite sa loob ng larong ito. I couldn't tell if I'm being controlled too. Or were they playing with my emotions too?
"Stay alert. Be mindful of your surroundings," seryosong saad ni Sky upang paalalahanan kaming lahat. Nag-iingat na naglakad kami sa kakahuyan. The trees were really enormous, I can't help but gape.
"Focus," bulong ni Sky sa 'kin nang mapansin na namamangha ako sa kapaligiran. I grinned and nodded. "Ready to hunt your dragon?" I asked Sky. He nodded and grinned too.
Ilang minuto ng paglalakad, may narinig kaming kaluskos mula sa kakahuyan. Nagulat na lang kami nang may isang buntot ang biglang humampas sa isang punong nasa gilid namin dahilan upang matumba ito patungo sa 'min. Agad kaming tumakbo. Masyadong malaki ang puno. Tiyak na hindi na kami makakaalis kapag nadaganan kami nito. Those who belonged to the warrior class used their swords, lances and axes to cut the tree into pieces.
Mabilis naman kaming nakalayo ni Silver. We headed towards the dragon who attacked us. Hindi ito ganoon kalaki. It's scales were glistening like crystals under the sun. The green dragon was very beautiful and cunning. Naningkit ang mga itim at malalim na mata nito nang makita kaming dalawa ni Silver. Humanda ako. It cruely growled on our direction. Kitang-kita ang matatalim na ngipin nito. The spikes on its spine was noticeable. Maging ang magandang mga pakpak nito na may kapansin-pansin na tulis sa dulo. Sa tingin ko ay napakataas ng nalilipad nito. Mabagsik ang anyo nito at halatang walang kinikilala. But it's not yet fully-grown. And the dragon reaks of chlorine.
Gamit ang mahaba at malaking binti nito sa unahan ay mabilis itong umatake sa 'min ni Silver. "Shift, Silver," seryosong utos ko kay Silver. Mabilis siyang naging isang icy blue fox. Mabilis din kaming umiwas sa atake ng dragon. The dragon tried to swept us away but we managed to avoid it. Mabilis akong nagpakawala ng mga palaso. Mabilis na nasalag ito ng dragon gamit ang kanyang mga pakpak. Habang inaatake ito ay pinag-aaralan ko ito. It didn't seem that it was the dungeon boss but it stinks.
Silver attacked the dungeon boss using his sharp icicles. The green dragon managed to deflect it again using its wings. Bumalik kay Silver ang icicles na pinakawalan niya. Mabuti na lang, mabilis ang galaw niya at naiwasan niya ito. The warriors were now heading to the dragon's direction. Tumatakbo sila. They're now ready to give the dragon critical blows. Mula sa iba't ibang direksiyon ay sabay-sabay silang sumugod. Sky ran straight and lunged for the dragon's neck. Bumaon ang lance ni Sky sa leeg nito at umagos ang dugo mula roon. Nakabibinging sigaw ang pinakawalan ng green dragon. I bit my lower lip.
Zero attacked from behind. Mataas siyang tumalon patungo sa likod ng dragon. Buong lakas niyang ibinaon ang malaking espada sa likod nito. Malakas na umungol ang dragon sa sa 'kin. Makapal ang balat nito kaya bahagya lang bumaon ang espada ni Zero. Napangiwi si Zero habang lalong idinidiin ang espada sa likod ng dragon. The dragon screamed more loudly as if the pain was too much to take. Too much to comprehend. Pilit nitong iginagalaw ang katawan upang makawala sa mga umaate rito. Scithe and Heather attacked the left and right wings. Mas lalong lumakas ang ungol nito dahil sa ginagawa ng dalawa. Kung saan-saan nito ihinahampas ang mga pakpak. Walang pagdadalawang-isip na pinatamaan ko ang isang mata nito. Nagwala ito at kung saan-saan ihinahampas ang leeg at ulo. Hindi pa ito ganu'n kalakas. Queen was playing a destructive song that made the dragon's ear hurt. Rage and Angel were attacking the dragon too.
May ilan sa mga kasamahan namin ang hindi nakaiwas sa pagwawala nito. Pero mabilis na nababawasan ang health points nito dahil sa sunud-sunod naming pag-atake. Silver managed to use his Icy Breathe to freeze the dragon. Fire was tending to our wounded members. Ice was helping Zero. They were actually in sync when attacking and switching. Nang lumayo si Sky ay ako naman ang umatake sa dragon. Ilang segundo lang ang bisa ng Icy Breathe kaya nagmadali kami hanggang sa matalo ang dragon at maglaho.
Natigilan kami dahil sa malalakas na ungol ng mga dragon sa paligid. "We can't face them all. Mauubos ang oras natin," seryosong sabi ko sa kanila. Tumingala ako at natanaw ko ang sunod na hagdan patungo sa sunod na isla.
"It seems that this island is the green dragon's territory. I'm sure that they are not allowed to go to other islands. Hindi na nila tayo masusundan. Let's run towards the stairs," sang-ayon naman ni Sky. Tumango ako.
"Run as fast as you can. Avoid the dragons," seryosong saad ko. Nang tumingin kami sa paligid. Napapalibutan na kami. Sobrang dami nila at sa palagay ko ay wala silang balak na paalisin kami ng buhay rito. Nanlilisik ang mga mata nila. Nasa ikalimang isla pa ang pakay namin. Sumang-ayon ang mga kasama namin. We ran as fast as we could. Faster than lightning. We didn't care even if our legs would break. Iniiwasan namin ang mga buntot ng mga green dragons na humahampas sa direksiyon namin. I managed to ride Silver's back.
Sinusundan namin kung nasaan ang hagdan. Malayo pa ito. At habang papalapit kami rito ay padilim nang padilim ang paligid. Palaki nang palaki ang puno. Minsan, hindi na namin naiiwasan ang hindi lumaban dahil sa mga atake ng mga dragon. Nagpapakawala ako ng mga pana habang diretso lang sa pagtakbo si Silver. Everyone was fighting too. Bago pa man kami makalabas sa kakahuyan ay umurong na ang mga dragon na tila natatakot. Agad silang nagsitakbuhan palayo, pabalik sa pinanggalingan nila at hindi na humabol pa sa 'min.
Kumunot ang noo ko. Bumaba ako sa likod ni Silver at dumiretso sa paglalakad. Nang makalabas ako sa kagubatan, may nakita akong isang napakalaking waterfalls. Sa likod ng waterfalls na ito ay naroon ang hagdan para sa sunod na isla. I wondered why the green dragons were too afraid to go here. Napakaganda ng paligid.
Hinihingal ang mga kasama ko nang makalapit sila sa 'kin. Silver transformed into a child again. He always do this. He said that he was conserving his energy.
Kumunot ang noo ko dahil sa likod ng waterfalls, makikita ang isang napakalaking kweba. Ito marahil ang daan patungo sa hagdan. If I'm not mistaken, it was a dungeon. "It seems that we must defeat the dungeon boss first before we can use the stairs," seryosong saad ko.
Napalingon ako kay Sky. May mga galos at maliliit na sugat siya. Ngumuso ako. "Are you hurt?" tanong ko sa kanya. Pinipigilan kong ipakita na nag-aalala ako. He smiled and shook his head. I could see that he was pleased with my question. Napansin ko rin ang bahagyang pagtaas ng couple level namin.
"Medyo. Kiss mo ko," sabi niya na tila nagpapaawa. I laughed.
"Sapak? Gusto mo?" nakangising tanong ko sa kanya.
"Zero pie baby, dami nating galos ah," sabi naman ni Ice na tinitingnan niya si Zero mula ulo hanggang paa.
"It's your fault. Sinabi ko na kasing tumakbo ka na, nakipaglaban ka pa rin sa dragon. Hindi naman kita pwedeng iwanan. Baka mabalo ako nang wala sa oras," nakasimangot na sabi ni Zero.
"Ahh! Ang sweet!" sabi ni Ice sabay yakap kay Zero. "Pero mabubuhay naman ako sweetie babe kaya hindi ka mababalo," she said and giggled. Hindi pa rin naaalis ang pagsimangot ni Zero.
Bumulong sa 'kin si Sky. "Buti pa si Ice. Ikaw? Wala ka bang sweet bones sa katawan?" pang-aasar niya sa 'kin.
Ngumisi ako. "Medyo maliit lang ang sweet bones ko sa katawan. Pero alam mo bang walang direksiyon ang buhay ni Zeus kung wala si Sky?" sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya.
"Bakit?" he asked with confusion and amusement.
"Because Zeus is the ruler of the Sky," natatawang sagot ko. He bit his lower lip to suppress his smile. Or did he want to laugh? I blushed.
"Naks! Natututo na si Zeus ah!" pang-aasar ni Ice. Ilang araw na kaming naglalakbay at palaging bumabanat si Ice kay Zero. Sa tingin ko nga, natuto at nasanay na rin ako sa kanilang dalawa. I just laughed at her comment.
"Pero syempre hindi pa rin ako magpapatalo diyan," nakangising saad ni Ice. She turned to Zero. "Zero baby alam mo bang hindi mabubuo si Ice kung wala ka?" natatawang tanong niya kay Zero. Kumunot ang noo ni Zero.
"Bakit?" tanong niya.
"Because Ice baby is made when water freezes at Zero baby degree celsius," nakangising sagot ni Ice. Natawa ako sa sinabi niya. Ang kulit niya. I'm glad, she still didn't change after what she had learned. Or maybe she's just pretending? Hindi niya sinabi kay Frey na alam na niya ang nangyayari sa kapatid niya. She kept it. Pero madalas kong napapansin ang nag-aalalang tingin niya kay Fire sa tuwing tahimik ito o kapag nagbabago ang akto nito.
"Okay," sabi ni Zero na pilit itinatago ang ngiti. Ngumuso si Ice.
"Nga pala Zero baby. Huwag tayong magpapatalo kina Zeus at Sky. Dapat tayo ang maging Rank 1 couple. Naku! Rank 1 at Rank 2 na nga sila overall sa loob ng game. Pati ba naman sa couple ranking?" nakangusong sabi ni Ice. "At saka walang sweet bones sa katawan si Zeus. Hindi agad tataas ang couple level nila. Mas madali natin silang mauungusan," natatawang sabi ni Ice.
"Oh no. Hindi pwede," nakasimangot na sabi ko. Agad akong tumingin kay Sky. "Huwag kang papayag. Kailangan nating maging Rank 1 sa couples," naiinis na sabi ko kay Sky.
Napasipol siya. "But she's right. Mahihirapan tayong magpataas ng level dahil sa maliit na sweet bones mo," he said.
"Oh come on!" sabi ko at sabay ngumiti nang matamis. "Sobrang laki ng sweet bones ko. Baka bigla ka na lang mamatay sa sobrang kilig kaya natatakot akong gamitin," natatawang sab ko. Hinila ako siya at niyakap. "Asawa ko kapag hindi tayo naging Rank 1, huwag ka ng magpapakita sa 'kin or I will tear you to pieces," I said with a sweet and warning tone. I started to nuzzle on his neck. He stiffined on his position. I kissed his jawline before I faced him. Seryosong tiningnan ko siya. "You got it?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Narinig ko ang naaaliw na tawa nina Ice dahil sa sinabi ko.
Sky bit his lower lip. His eyes were clouded with amusement. "You're really sweet. No doubt. That sweetness might kill me. Really," natatawa at naiiling na sabi niya. Literally, I might kill him really.
"Good that you understand," I grinned and gave him a peck on the lips.
Seryosong bumaling ang tingin ko sa kweba. "Siguro naman, lahat ay nakapagpahinga na? We need to enter this dungeon and proceed to the next island," wika ko. Naglakad na ako patungo sa tubig. Malalim ito nang sipatin ko. "Silver can you swim?" I asked him. I remembered that he hated water.
"I don't want to swim but I have no choice," he answered. Mukhang ligtas naman ang tubig at wala akong nakikitang nilalang sa ilalim nito.
"We must disable the tail and the dragon's eyesight," seryosong sabi ko sa mga kasama ko. They all nodded. Napansin ko si Fire na tahimik lang na nakatingin sa 'kin. He was with Queen. I'm glad that he's still acting normal. Today, wala pa akong napapansing kakaiba sa kanya. He nodded too as if he's assuring me that he's not controlled. Not yet. I smiled slightly when I noticed that he was holding Queen's hand.
"We can't afford to lose," paalala ko sa kanila. They all nodded. Tiningnan ko si Sky. Lumapit siya sa 'kin. "Pero ako ang unang susugod sa 'ting dalawa. Watch my back, I'll watch yours too. I'll protect you no matter what kaya hindi dapat maging matigas ang ulo mo," seryosong sabi ni Sky sa 'kin. I nodded.
"Let's go! Don't let your guards down," maawtoridad na utos ni Sky sa mga kasama namin. We jumped on the water and swam until we reach our destination. Sobrang dilim ng kweba. May nakikita pa akong nagkalat na buto sa paligid. Malalaking buto at bungo ng mga dragon. Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit natatakot ang ibang dragon na pumunta rito. It looks like the dragon inside this cave was eating the other dragons. How cruel.
Naalerto kami nang may marinig kaming malalakas na ungol sa loob ng kweba habang naglalakad. Ungol ng isang dragon na walang awang sinasaktan. Madilim sa loob ng kweba at hindi maganda ang amoy. The foul odors indicate that evil hangs in the air. The whole place smells like chlorine. Masakit sa ulo.
Napakalawak ng kweba. Nang makarating kami sa pinakadulo, napansin namin na wala itong kisame. May lagusan sa pinakatuktok kung saan marahil lumalabas ang dungeon boss. Kahit may lagusan ay may kadiliman pa rin ang paligid. Napasinghap kami nang makita namin kung paano sinasaktan ng dungeon boss ang isang green dragon na nakahandusay sa sahig. Malakas na umuungol ito. The dungeon boss was slowly torturing the green dragon and he's actually enjoying what he was doing. The dungeon boss was harshly biting the green dragon's back. Isang malakas na ungol ang kumawala sa green dragon bago ito namatay.
Napalingon sa direksiyon namin ang dungeon boss nang maramdaman ang presensiya namin. The green dragon was huge with hornlets that covered its head. Mahaba ang leeg at mga binti nito. Malalaki at matutulis din ang spikes nito sa likuran. At napakalaki ng pakpak nito. May mga spikes din sa mahabang buntot nito. Tila naaaliw ang mga mata nito nang tumingin sa 'min. I could read cruelty in its eyes. Hinawakan ko nang mahigpit ang bow ko.
"It's the first time that someone tried to enter my dungeon," the dragon spoke in a hoarse and big voice. The dragon was amused too. Maging ako ay nagulat din dahil kaya nitong magsalita.
"Why did you come here, my friends?" the dragon asked.
"We need to go to the next island and we think that this is the only way we got," matapang na sagot ko. Wala namang mababago kung sasagutin ko o hindi ang tanong niya.
"Don't trust him," seryosong bulong ni Sky.
"I know what I'm doing," seryosong saad ko naman.
"I see. You want to pass through this small way," sabi ng green dragon. Bahagya siyang umalis at umurong sa isang gilid. Nakita namin ang maliit na lagusan kung saan kasya lang ang mga tao.
"Yes," sagot ko. Tahimik ang mga kasama ko. Nag-aabang sa pagsugod ng green dragon. Nakahanda sila sa anumang mangyayari.
"I commend you for your bravery. You may now pass through the hole," the dragon said. Kumunot ang noo ko. Maging ang mga kasama ko ay nagtaka dahil sa sinabi nito.
"Why? Aren't you going to fight us?" Takang tanong ni Sky.
"Of course not. You're meat was not delicious enough for me. It will not satisfy my stomach. I don't plan to eat you. I better eat this one," he said and looked at the dead green dragon on his feet. He started to eat its flesh. It's disgusting. Kinakabahan ako sa sinasabi niya. Hindi ko mawari kung totoo ba ang sinasabi niya. Bumulong si Sky kay Zero at Queen. Zero and Queen instructed their members too.
"What's that?" takang tanong ko.
"Be alert. Huwag ninyong ipahalata ang mga sandata ninyo pero dapat nakahanda kayong sumugod anumang oras. Hindi ko alam kung dapat ba natin siyang pagkatiwalaan o hindi," seryosong saad ni Sky. "Maglalakad tayo patungo sa lagusan pero handa pa rin tayong lumaban kung sakaling hindi totoo ang sinabi ng dragon," he added.
Tumango ako. Binigyan ko ng babala ang bawat isa sa 'min. Humugot ako ng malalim na hininga. Naglakad kami patungo sa lagusan pero bahagya kaming lumayo sa dragon na walang pakialam na kumakain. I don't think this will be easy. Nasa tapat na kami ng dragon pero wala pa rin itong ginagawa. Naglalakad na kami patungo sa lagusan. Malapit na. Pero sa isang iglap lang ay may malakas na buntot ang humampas at sumugod sa 'min. Agad kaming nakatalon ni Silver. Nakapagpalit-anyo agad siya kaya nakasakay agad ako sa likod niya. Ang ilan sa mga kasama namin ay hindi nakaiwas. Tumama ang mga katawan nila sa matigas na lupang pader at sahig. I gritted my teeth because the dragon laughed hard and cruelly.
"Do you think that you can pass through me that easily?" the dragon asked. His voice was roaring like thunder. "Of course I want to eat all of you alive!" he said and laughed again. Ikinuyom ko ang isang palad. Agad kong ihinanda ang pana ko at itinutok ang palaso sa dragon. Malaki ang katawan nito at tiyak na makapal ang balat.
Napuruhan si Angel at Scithe sa party ko. May ilan din sa party nina Zero, Queen at Sky. Nanghihinang tumayo sila. "I don't commend you for your bravery because that will be the reason for your awful death," the dragon said laughing as if we're fools to believe in him.
Mabilis na lumipad ito patungo sa kinaroroonan ko. I gasped but I managed to released an arrow and hit him. But he deflected it by its wings. Mabilis na tumakbo si Silver palayo. Ang ilang archer ay nagpaulan din ng mga palaso sa dragon. Sina Sky at Zero naman ay tumakbo sa kinaroroonan ng dragon. Ice jumped as high as she could that was enough to ride the dragon's back. She stabbed the dragon's back with her dual flying blades. Nagwala ang dragon. Lumipad ito nang pabaliktad upang ihulog si Ice. And then the dragon released a poisonous gas through breathing. It penetrated Ice's pores and lungs that was enough to poison her. Nakita ko ang panghihina ni Ice at ang paghahabol sa hininga. Wala sa sariling napabitaw si Ice sa dragon. And before she fell, she switched place with Sky.
Umatake si Rage sa dragon gamit ang thunderbolt. Like Phoenix, he also chose the lightning as his element. Minsan ay gumagamit din siya ng apoy at tubig. Buong lakas na ibinaon ni Sky ang lance niya sa likod ng dragon kahit pabaliktad itong lumilipad upang ihulog siya. Dinaluhan agad ni Fire si Ice upang pagalingin nang matumba ito sa lupa. Mabuti na lang nasalo siya agad ni Zero.
Malalim na huminga ako. "Let's find a place where I can easily shoot the dragon's eye," seryosong saad ko kay Silver. Tumalima siya. Tumigil kami sa 'di kalayuan kung saan kitang-kita ko ang mata ng dragon. Bumaba ako kay Silver at ihinanda ang palaso. The bards were attacking the dragon with their spiral and destructive sound waves. Mas lalo itong nagwala at bumuga ng mga nakalalasong hangin. Toxic gases. Kumakalat ito sa buong paligid.
"Silver, use your shield," seryosong paalala ko sa kanya. Nakatutok na ang palaso ko sa mata ng dragon nang mapansin nito ang balak kong gawin. Galit na tumingin ito sa 'kin. Agad itong lumipad sa direksiyon ko. Maging si Sky ay nalason na rin. He could no longer hold his breath.
Walang nagawa si Sky kundi ang tumalon palayo. Pabulusok na lumipad ang dragon sa direksiyon ko. Shit! Silver tried to save me. He attacked the dragon with his Waves of Ice. Nagpaulan ng malalaki at matutulis na tipak ng mga yelo si Silver sa dragon. But the dragon managed to avoid it. Walang tigil pa rin ang pag-atake ng mga kasama namin sa kanya.
And then I remembered the special item I recently acquired to avoid poisonous gases. I released an arrow but it was dodged by the dragon. I used the special item immediately. I used a smoke bomb to temporary disable the dragon's eyesight. Mabilis akong sumakay kay Silver at agad kaming tumakbo palayo.
Inutusan ko ang mga kasamahan ko na gamitin ang special item na ginamit ko kanina. Nang mawala ang usok ay agad na tumalon si Scithe sa likod ng dungeon boss kasabay ni Heather. Sinubukan nilang hiwain ang mga pakpak nito. One of the assassins tried to chain the dragon's neck. Napaungol nang malakas ang dragon nang marahas itong bumagsak sa lupa. The poison was no longer a threat for us for the meantime. Ten minutes lang ang epekto nito kaya kailangan naming magmadali. Sabay-sabay na kaming umatake hanggang hindi ito nakakagalaw nang maayos. Pero minsan, ginagalaw nito ang buntot at pakpak upang atakihin kami. Naiiwasan naman namin ito.
Hindi kami tumigil hangga't hindi namin nasisiguro ang panalo namin. Naka-recover na rin si Ice kaya tumulong din siya. Since we consist of four parties it would be easy to kill the dragon. Mabilis ang pagkilos namin pero hindi pa rin maiiwasan na magcooldown. Nang bumalik ang lakas namin ay muli kaming umatake. It's like we're torturing the dragon to death. We managed to defeat the dragon and Queen received the Last Attack Bonus.
"Let's get out of here. Malapit ng mawala ang bisa ng special item," seryosong saad ko. Tumango sila. Nagmadali kaming lumabas. Agad din naming nakita ang hagdan patungo sa sunod na dungeon. Hindi na kami nag-aksaya ng panahon at umakyat na agad. And the next island that's waiting for us is a desert. A desert island in the sky. Wala kaming nakikitang kahit ano kundi buhangin. Walang mga dragon at mga itlog. The sandstorms were too big. Sa kabilang dulo ng isla, nandoon ang hagdan patungo sa sunod na isla.
"May mga nasaktan ba sa inyo?" tanong ko sa mga kasama ko. Umiling sila. May ilang sugat pero hindi naman ganu'n kalaki at kalala. Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman.
"What do you think about this next island?" tanong ko kay Sky.
"Suspicious," he answered. I bit my lower lip. What's waiting for us in this island? He's right. This island was suspicious. Very suspicious. Hindi ko natatanaw sa paligid ang dungeon.
-----------------
TO BE CONTINUED...
Hi Alkia readers. Hmmmm.. Matagal ang update ko. Wahaha. I'm still working with the third dungeon. Saka ko na ipo-post ang update sa second dungeon. Medyo mahaba pa. Hmmm. I can't finish this until chapter 40 pero kapag natapos ko ang dragon island, malapit na talaga. Salamat sa pagbabasa, votes at comments. Lovelots <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com