Chapter 35: Fear
UNEDITED...
DENISE
I used the hood of my cloak to cover my face from the sands flying our way. Napakatahimik ng kapaligiran. Naglalakad na kami patungo sa dulo ng isla kung saan nandoon ang hagdan. Naniningkit ang mga mata ko at napapapikit dahil sa lumilipad na bumangin sa mukha ko. Nakikiramdam kami sa paligid dahil baka may mga dragon na bigla na lang sumulpot. Nasaan sila? Wala bang tumitirang dragon sa islang ito? There's no way that this would be easy. Hindi ko maiwasang maghinala.
"Ano sa tingin mo? Mapupuntahan kaya natin ang hagdan nang walang kahirap-hirap?" kunot-noong tanong ko kay Sky. Silver was riding Sky's back. Piggy-back ride. He's too lazy to walk. Jeez. Bahagyang tinatakpan ni Sky ang mga mata niya upang maiwasan ang mga buhangin. Itinatago naman ni Silver ang mukha niya sa likod ni Sky.
"I'm sure there's something waiting for us here. Something dangerous and deadly. Huwag tayong maging kampante. When everything's going as easy as this, there must be something wrong. Tiyak na may isang malaking sorpresa na naghihintay sa 'tin dito. This silence and calmness must be a trap," he answered. I nodded. He's right. In this game, there were too many truths to unfold and too many dangerous things to overcome.
Nasa kalagitnaan na kami ng isla. Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko habang papalapit sa destinasyon namin. This will not be easy. Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na hindi dapat ako maging kampante. Wala akong napapansing kakaiba sa paligid. Tanging ang mga buhangin at mainit na paligid lang ang nagpapabagal sa mga kilos namin. Nagmamasid ako sa paligid at sa himpapawid. Napalingon na lang ako sa likod dahil sa malakas na pagsigaw ni Angel at ng ilang kasama namin.
Nagulat na lang ako nang bumulusok sila pailalim sa buhangin. Napasinghap din ako nang maramdaman ang paghawak ng kung ano sa mga paa ko. Hindi kaagad ako nakagalaw nang may bigla na lang humila sa 'kin pailalim sa buhanginan.
"Shit!" mahinang pagmumura ko. Sinubukan akong tulungan ni Sky pero maging siya ay nahila rin pailalim. Nilamon na ako ng buhangin pero patuloy pa rin ang nilalang sa paghila sa 'kin. Pakiramdam ko napakalalim na ng kinaroroonan namin. I'm holding my breath. I didn't plan to breathe in the sand. Napapikit ako nang mariin habang paulit-ulit na nagmumura sa utak ko.
Ilang minuto pa ay wala na ang buhangin. Nasa loob na ako ng isang madilim, malawak at mainit na lagusan. At nasa harap ako ng isang asul na dragon. Hindi ito ganoon kalaki pero nakalabas ang mga pangil at ngipin nito. Halatang sabik na sabik na kainin ako dahil sa paglalaway nito. He was too hungry and too excited to eat me. Damn! Agad kong itinutok dito ang pana ko. Isang maliwanag na palaso ang nabuo sa harapan ko. A rainbow-colored arrow. Bahagya itong nasilaw sa liwanag at nag-ingay. Ngayon ko nabigyang-pansin ang paligid. Hindi lang nag-iisa ang dragon kundi marami. Dito rin dinala ang ilan sa mga kasama ko na nakahanda na ring umatake sa mga dragong nasa harapan nila. Nagliliwanag na ang mga gemstones sa kani-kanilang sandata. Halatang iniipon na nila ang kanilang lakas upang patumbahin ang mga dragon na ito.
Matigas na ang lupang tinatapakan ko. It was solid earth. May kaunting buhangin sa paligid. Bahagya akong umurong palayo sa dragon pero dahan-dahan itong lumapit sa 'kin. Tila balak nitong lasapin nang paunti-unti ang masarap na pagkaing nakahain sa harapan nito. Pasimple kong pinagmamasdan ang paligid habang dahan-dahan lumalayo. Ang masangsang na amoy ng mainit na paligid ang pumupuno sa ilong ko. Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa kwebang ito. Ngayon, alam ko na kung bakit walang dragon sa ibabaw ng isla. Sa ilalim pala sila nagtatago.
Napasandal ako sa isang matigas at magaspang na bagay. Napalunok ako dahil alam ko na kung ano ito. Isang dragon ang nasandalan ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng katawan at pag-angat ng buntot nito. Agad akong gumulong sa lupa bago pa ako mahampas ng buntot nito. Hindi pa man ako nakatatayo ay sumugod na ang dragon na kanina'y nasa harap ko. Agad kong pinatamaan ng palaso ang dibdib nito. Hindi man nabutas ng palaso ko ang dibdib nito ay bahagya namang nabawasan ang health points nito. Hindi ito natinag kaya agad akong tumayo. Dalawa na ang kaharap kong dragon ngayon. Parehong naglalaway ang mga ito. Gustong-gusto na akong sunggaban at tila gusto pang mag-unahan.
Malawak ang lugar pero sa kasamaang-palad ay nasa gilid ako. These dragons easily cornered me. Agad na tumakbo sa direksiyon ko ang isa at ihinampas sa katawan ko ang mga matutulis na kuko pero agad akong nakaiwas. Kasunod nito ang rumaragasang mahabang buntot nito. Hindi ko ito naiwasan kaya malakas na humampas ito sa likod ko. Malakas akong napaigik sa malakas na paghampas nito sa 'kin. Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko. Hindi ko rin napansin ang isa pang dragon na umatake sa 'kin. Tumama ang buntot nito sa tagiliran ko kaya lumipad ako sa sahig. Malakas na tumama at bumagsak ang katawan ko sa lupa.
Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko sa lakas ng mga ito. I gritted my teeth and gathered all my strength to stand up and fight. Mahigpit kong hinawakan ang pana ko at walang takot na itinutok sa dragon na pinakamalapit sa 'kin. Dahan-dahan silang lumapit sa 'kin. Tila naaaliw pa at nakikipaglaro. I looked like a trap mouse but not scared at all. Pero sino ba ang niloko ko? Alam kong laro lang ito pero natatakot pa rin ako. Natatakot akong matalo. Natatakot akong masayang ang lahat ng pinagpagudan namin. Natatakot ako na hindi makaabot sa pinatuktok ng isla dahil lang natalo ako ng dalawang dragon na ito.
Buong lakas kong pinakawalan ang nagliliwanag na palaso ko. Mabilis na lumipad ang dragon para umiwas. Lumipad ito patungo sa kinatatayuan ko. Agad akong tumakbo palayo mula sa kanilang dalawa. I can't defeat them on my own. Siguro kung isa lang ang kalaban ko ay maaari pa. Habang tumatakbo ay halinhinan kong pinatatamaan ng mga pana ang dalawang dragon. Ang ilan sa mga pana ay tumatama. Ang ilan ay dumadaplis lang. At ang ilan naman ay naiiwasan nila.
Patuloy ako sa mabilis na pagtakbo palayo. Marami na akong galos sa katawan dahil pareho ng lumilipad ang dalawang dragon. Ang matutulis na kuko at malalakas na buntot ng mga ito ay bahagya ko lang naiiwasan. Minsan ay ginagamit ng dalawang ito ang kanilang mga matutulis na ngipin upang atakihin ako. Napasigaw ako nang malakas na kagatin ng isang dragon ang balikat ko. Ramdam ko ang mariing pagbaon ng ngipin nito. Pakiramdam ko sumagad ito hanggang buto at anumang oras ay madudurog ang buto ko. Hindi ko maiwasan ang malakas na pagdaing dahil sa hindi maipaliwanag na hapdi at sakit. Buong lakas na itinumba ako ng dragon sa lupa. Nakadapa ako habang patuloy ito sa pagkagat. Napaungol na lang nang malakas ang dragon nang may biglang umatake rito.
Silver bit the dragon's neck. Lumuwag ang kagat ng dragon sa balikat ko hanggang sa tuluyan itong mapabitaw. Hinihingal at napapangiwing sinapo ko ang dumudugong balikat. Pinilit kong tumayo. I can't use my arm properly. It needed time to heal. Bumagsak si Silver at ang dragon sa lupa, sa gilid ko. Hindi pa rin inaalis ni Silver ang kanyang mga pangil sa leeg ng dragon. Halata ang panggigigil niya at galit. Pumapalag naman ang dragon. Malakas na pumapagaspas ang mga pakpak nito upang pakawalan ito ni Silver. Iginagalaw rin nito ang mahabang buntot na kung saan-saan tumatama.
I had no choice but to heal myself right away. I need to finish this as soon as possible. Kailangan kong makita ang iba naming kasama. Kailangan naming mabuo upang mas madali ang paglaban. Agad kong inatake ang isa pang dragon na kanina'y humahabol sa 'kin. Mabagsik ang tingin nito sa 'kin. Halatang hindi ako bubuhayin. Kalahati na lang ang health points nito. Hinayaan kong makipagbuno si Silver sa dragon. When I was completely healed, I hit the dragon in the head. Hindi nito nagustuhan ang ginawa ko. Agad itong lumipad sa direksiyon ko nang walang pag-aalinlangan. I ran while hitting the dragon in it's stomach. It screamed in pain. Tinangka nitong kagatin ang braso ko pero agad akong gumulong sa lupa. I hit it again with Meteor Rain. Napaungol ito dahil sa mga palasong tumama sa katawan nito. Hindi na nito nagawang iwasan ang mga palaso dahil sa dami nito.
Buong lakas na humampas sa direksiyon ko ang buntot nito. Agad akong tumalon. Nagawa ko pang kumapit sa buntot nito. Agad akong gumapang patungo sa likod nito habang malakas at mabilis nitong iginagalaw ang buntot upang ihulog ako. Nang magawa kong makasakay sa katawan nito, agad ko itong tinutukan ng pana sa ulo. Sunud-sunod na nagpakawala ako ng mga malalakas na palaso. Nagwawala ito pero nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan itong maglaho. Agad akong tumakbo kay Silver upang tulungan siya. Nakikipagbuno pa rin siya sa dragon at sugatan na. Agad kong tinira sa ulo ang dragon. Sunud-sunod hanggang sa maubos ang health points nito. Nang mawala ito ay agad akong tumakbo kay Silver. Lumuhod ako sa harap niya at sinuri ang katawan niya nang buong pag-aalala.
May mga sugat siya sa tagiliran at binti. He's bleeding badly. Umungol si Silver dahil sa sakit nang aksidente kong mahawakan ang sugat niya. There's a special item to heal pets too. Agad kong ginamit ito sa kanya. I'm glad that I brought enough.
"Where are them?" I asked him. Tumingin siya sa isang madilim na daan. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang lahat. Ang ilan sa mga kasama namin ay lumalaban pa sa mga dragon. Sugatan na sila. I wondered if someone's already dead by now. Hindi madaling kalabanin ang mga dragon na ito. Halata sa mga mukha ng mga kasama ko ang paghihirap. Mabuti na lang nagliliwanag ang mga gemstones sa mga sandata namin kaya medyo nakikita ko ang paligid.
Lima sa mga kasama namin ang nakikipaglaban. Hindi ko pa nakikita sina Zero, Sky, Queen at ang mga ka-party ko. Agad akong tumayo. Dahil medyo mababa na ang mga health points ng mga dragon ay tumulong na kami ni Silver sa kanila hanggang sa matalo namin ang mga ito. Sugatan na ang mga kasama namin. Puno na ng dugo ang mga kasuotan nila.
"Where's Sky?" tanong ko kay Silver. He didn't speak. He just ran towards the dark path. Agad kaming sumunod sa kanya. Hinihingal kami nang makarating sa isang madilim na lagusan kung saan may matutulis na lupa na nakausbong sa itaas at ibaba nito. Maingat na pumasok kami sa loob nito. Nandoon nga sina Sky. Duguan na sila at katatapos lang nilang makipaglaban sa mga dragon. Bahagyang ngumiti sa 'kin si Sky nang makita niya ako. He smiled with a hint of relief on his face. He was glad to see me alive and breathing. I smiled at him too. I was happy to see him too.
Nakaupo sina Zero sa isang tabi. Duguan na rin siya. Walang malay na nakahiga si Ice sa hita niya. She's covered with blood. Napansin ko na ginagamot ni Fire si Ice. I wondered what happened. My chest tightened with the thought that I'm not able to help them. My heart beat fast with worry. Marami sa mga kasama namin ang sugatan at wala ring malay.
Lumapit ako kay Sky. "Ano'ng nangyari kay Ice?" takang tanong ko kay Sky.
"She saved Rage. Maraming dragon ang umatake kay Rage. More than ten. Silang dalawa ni Ice ang magkasama bago pa kami dumating. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari. Pagdating namin dito, sugatan na si Ice. May sugat din si Rage pero hindi ganu'n kalala. Gusto ko ring malaman ang mga nangyari pero hindi ko alam kung paano tatanungin si Rage. He seemed guilty that he was not able to save and help Ice that much," he answered while looking thoughtfully at Ice. Iginala ko ang paningin ko. I could see Rage in the corner. He seemed down and lost. He seemed guilty too. Sinuri ko at binilang ang mga kasama namin. Kumpleto kaming lahat dito.
"Kung lampas sila sa sampu, hindi nakapagtataka ang nangyari. He doesn't need to blame himself. He needs to cheer up," seryosong saad ko. Naglakad ako patungo kay Rage. He looked up at me when he noticed my presence. I kindly smiled at him. Nakikita ko ang lungkot at pagsisisi sa mga mata niya.
"It's not your fault, Rage. It's no one's fault. Hindi natin ginusto ang mga nangyari. Hindi rin natin alam na mangyayari ito. What's done is already done. There's no way to turn back time. All we can just do is move on and become better," saad ko. Binigyan ko siya ng matipid na ngiti.
"Kung hindi niya ako iniligtas, ako sana ang nasa kalagayan niya ngayon. Hindi niya dapat ako iniligtas. Hindi sana siya nasaktan," mahinang sabi niya. I could sense his guilt through his every words.
"Kilala ko si Ice. Hindi niya maaatim na pabayaan ang mga taong napapahamak. She can't watch while the dragons kill you. She will do something to prevent it without second thoughts. I know and she knows that this is a game but not a simple and dull one. Inside this game we can feel everything. We can be happy. We can feel sad. We can feel pain. We can grieve when we lost someone or something we cared for. Hindi ito katulad ng laro sa ibang computer games na kahit mamatay ang mga characters natin ay wala tayong pakialam dahil hindi tayo nasasaktan. Hindi ito katulad ng ibang laro kung saan nasa harap lang tayo ng computers habang naglalaro at nanonood sa mga nangyayari sa characters natin. Inside this game, we are playing as if this is the real thing. We are attached to each other emotionally. And we can't help it but care," nakangiting saad ko. "You don't have to worry. Hindi siya magagalit sa 'yo kapag gumising siya. So stand up and don't act like it's all your fault. You're not the one to blame."
Natigilan siya at ilang minutong nag-isip. Tiningnan ko siya nang matiim bago siya tumango nang marahan. I sighed when he thanked me. Bumalik ako kay Sky. Tumayo na rin si Rage at tinulungan si Fire upang gamutin si Ice. I'm glad that he's back on his feet. I'm glad that everyone's still whole. Pero nakikita ko rin kung paano nasisira ang bawat isa sa 'min. And that made me angry at the same time too. Queen, on the other hand, were also concerned with Ice but she needed to check her party since she could heal others too. Everyone's busy tending their own wounds and healing others.
"Nag-alala ako nang hindi kita mahanap dito," mahinang wika ni Sky. Lumipat sa kanya ang atensiyon ko. Alam kong pinagmamasdan niya ang duguan kong kasuotan. "I'm sorry. I was not able to help you," he added with regret and pain.
"It's fine. Mas kailangan ka rito," saad ko sa kanya. Hindi pa niya pinagagaling ang mga sugat niya. I frowned. Duguan at malaki ang natamo niyang sugat sa balikat at tagiliran. I'm sure the pain was agonizing. I looked up. Malaki at malawak ang tunnel. The dragons could move and fly freely because it was too high. Siguro nasa pinakailalim kami ng isla.
"I hate this game. I can't run to where you are. I can't save you because some situations required my presence and I need to help someone else. Hindi ba ako pwedeng maging makasarili minsan?" he asked with frustration.
Kumunot ang noo ko at nagtatakang tumitig ako sa kanya. "You can't be that selfish. Mas marami kang maililigtas kung pagtutuunan mo ng pansin ang iba. Nag-iisa lang ako. Hindi ako malaking kawalan," naiiling na sabi ko. Kinabahan ako. Lumapit ako sa kanya at tinitigan siya nang matiim sa mga mata.
"What's gotten into you?" nagdududang tanong ko sa kanya. Was he being controlled? Why would he say such things?
Umiling siya at tumingin sa malayo. He was still frustrated and confused. Bumundol ang kaba sa dibdib ko. I couldn't dare to ask him. We're inside the game. It will be risky. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya at puno ng pag-aalalang tumitig ako sa kanya. He just closed his eyes and held my hand tighter as if he wanted the feel of it against his cheeks. I gritted my teeth. Nangingilid na ang luha ko.
"Snap out of it, Prius!" naiinis na saad ko sa kanya. Damn! He's making me worry. Paano kung pati siya? Hindi ko yata kakayanin. He laughed and looked at me with amusement. I was frustrated. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko ngayon.
"Damn! You're acting weird! I hate you!" naiinis na saad ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. He grinned. "Mali ang iniisip mo. Sinabi ko lang 'yon dahil pakiramdam ko mamamatay ako sa pag-aalala sa 'yo kapag wala ka sa tabi ko," he answered truthfully. Naiinis na hinila ko ang kamay ko. Damn! I was worried for nothing! He was not controlled!
"Bahala ka na nga! Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa larong ito tapos ganyan ka pa! Shit!" I frustratedly hissed.
"I'm sorry," he smiled apologetically. Umirap ako sa kanya pero hindi na nagsalita pa. Ilang minuto ang lumipas pero hindi ko siya kinakausap. Nakahinga ako nang maluwag nang magising si Ice. Naglakad na kami patungo sa kanina. Ice was coughing hard when she woke up. Medyo naguluhan siya nang mapansin niyang nakapalibot kami sa kanya.
"Oh? Did I miss the funeral?" she asked half jokingly.
Humalukipkip ako. "Akala ko magpapatayo na talaga ako ng lamay rito," naiiling na saad ko habang nakangiti. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Saglit siyang tumahimik. Napansin kong pinakiramdaman niya ang sarili niya. She also cast a glance on Rage's direction. A secret glance but I noticed. It was a meaningful one that I couldn't comprehend. I'm sure Rage hadn't noticed. Sa huli ay tumango siya. Pinilit niyang tumayo na parang wala lang sa kanya ang mga natamo niyang sugat. Ipinakita niya sa 'min na maayos na siya at hindi na kami dapat mag-alala. Gumaling na ang mga sugat niya. Tumayo na rin si Zero na nakahinga na nang maluwag.
"Let's head to the dungeon. Marami pa tayong gagawin. Kung magtatagal pa tayo rito baka may dumating pang mga dragon," seryosong saad ni Ice. "I don't want us to be stuck here or worst... die here."
"Sigurado ka bang kaya mo na?" kunot-noong tanong ni Zero.
Ice winked at him. "Sure. Give me a kiss," she joked and giggled. Napailing na lang kami sa kanya. Maging si Zero ay napailing at tipid na ngumiti. He patted her head like she's a good pet. Mukhang wala siyang balak pumatol sa pagbibiro ni Ice. Ice pouted like a child. Napansin ko ang isa pang lagusan. Iba ito sa pinasukan namin nina Silver kanina. Mas madilim ito at tila mas nakatatakot ang aura. It seemed like danger was just around the corner, waiting for us to be lured.
"Where shall we go next?" tanong ko sa kanila. Silver was standing next to me. He was now back in his human form. I patted his head as if I'm asking his suggestion and assurance that my hunch was right. That the passage or tunnel was the way to the second dungeon.
"I think that's the way to the second dungeon. There's no way left. Earlier, I already surveyed the whole place just to find you but I still haven't checked that one," Silver answered. I looked at Sky for his go signal. Gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya ngayon. Gusto kong malaman kung pwede na ba kaming kumilos. He nodded silently.
"Ice is right. We must head to the next dungeon now. It's dangerous to stay here much longer," he confirmed. Fire and the other Mages managed to check every one of us and heal those who were still wounded. I secretly frowned when Cember healed Sky. Bumuntong-hininga ako. Nagseselos ako sa maling lugar at panahon. Natural lang na gamutin ni Cember si Sky. Tahimik kong pinapagalitan ang sarili dahil sa pagiging selosa ko.
Nang maayos at handa na ang lahat, naglakad na kami patungo sa lagusan. Masyadong mainit sa lugar. Pakiramdam ko ay masusunog ang balat ko. The scent of dry sand and air lingered in the atmosphere. Nakakatakot ang katahimikan at kadiliman. Hindi malamig pero gustong manginig ng buong katawan ko. The whole place was mysteriously dangerous.
The gemstones attached on our weapons gave off enough light that illuminate our paths. Minsan ay itinututok namin ang liwanag sa itaas ng kisame at sa pader upang makita at mapag-aralan ang paligid. Mas malawak ang lugar na ito kaysa sa mga napuntahan namin. Mas maraming matutulis na lupa sa tuktok at makikita rin ito sa ilang bahagi ng mga pader. Iniiwasan namin ang makagawa ng ingay sa pamamagitan ng magagaan at tahimik na paghakbang. Mas maraming buhangin ang nagkalat sa paligid.
Inilibot namin ang paningin sa bawat sulok upang hanapin ang pakay namin. Tuloy-tuloy kaming naglakad pero halata ang pag-iingat sa bawak hakbang. Hindi ko na alam kung ilang minuto na. Hindi ko na rin maalala kung gaano na kalayo ang aming nilakad. I lost track of time and distance. Ang tanging alam ko lang ngayon ay kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot. Takot para sa kung ano'ng nilalang ang naghihintay sa 'min dito. Iniisip ko kung gaano ito kalakas at kung magagawa ba namin itong talunin. Tiyak na hindi ito basta-basta.
And then something from above stopped us from our tracks. The Blue dragon was soaring down towards us. Its eyes were fiercely looking down on us. And there's something deep in its eyes. It's as if those bright blue eyes could see right through our souls. We ran away while attacking the approaching dragon.
It has a single horn on the middle of its head. Mahaba ang mga tainga nito. It has a longer tail than the first dragon boss. Its tail consist of bigger and tougher scales. Ang malalaking pakpak nito ang sumasalag sa bawat tira namin. Ang ilan sa mga kasama namin ay malakas na tinamaan ng mahahaba at matutulis na kuko nito. Lumipad ito sa bawat isa sa 'min. Walang awang humampas ang buntot nito sa bawat kasama namin. Tumatalksik sa kung saan-saang direksiyon ang mga kasama ko. Walang pinalalampas ang dragon. Lumilipad na ito patungo sa 'kin.
Zero tried to jump on the dragon's back but he failed. He was hit by the dragon's tail and he was thrown away. His back hit the tunnel's wall. Silver transformed into an Icy Blue Fox. Queen struck the dragon with deadly notes but the dragon screamed out loud. Bumalik lang kay Queen ang mga notang pinakawalan niya. She was the one who took the blow and damage. Malayo ang mga Mages at iniiwasan nila ang pag-atake ng dragon. They needed to support the wounded as much as possible and that's what they're doing right now.
Nakahanda si Sky sa tabi ko. "You run on the other side," seryosong utos niya. "Susubukan kong tumalon sa likod nito. We will switch position when I told you to," he added.
I nodded. Nang malapit na ang dragon, agad akong sumakay sa likod ni Silver. Tumakbo kami ni Sky sa magkaibang direksiyon. Napuwesto si Rage sa likuran namin kanina kaya siya ang unang pinuntirya ng dragon. He tried to hit the dragon with his Lightning Bolts. It was deflected by the blue dragon and the lightning bolt hit one of our allies.
I gritted my teeth. Maraming umaatake sa blue dragon. Ang ilan ay nagtatagumpay upang patamaan ang ilang parte ng katawan ng dragon. The dragon's head was the most guarded. Wala pang tumatama sa ulo nito. Ang ilan sa 'min ay may natamo agad na sugat sa katawan. Ang ilan ay tumatayo na at umaatakeng muli.
Sky jumped and tried to hit the dragon's frilled wings. I managed to distract the dragon by releasing an arrow directed to its head. Iniwasan nito ang palaso ko pero hindi nito naiwasan ang lance ni Sky. The dragon screamed in agony when the lance penetrated its wings. Now, one of the dragon's wings was pinned down to the ground. Agad na bumaba ako kay Silver.
"Attack now!" pasigaw na utos ni Sky. And that's what we were waiting for. Sabay-sabay kaming umatake maliban sa mga mages. I released all the techniques I learned and mastered. Nagwawala ang dragon. It was screaming to deflect some of our attacks. Ang ilan ay nakakalusot. Minsan ay ginagamit nito ang isang pakpak para salagin ang ibang atake. Ilang minuto rin itong nagwawala. The dragon's tail managed to hit Sky. He was thrown away. The dragon gathered all its strength to pull its wings away from the lance. Nasira ang pakpak nito pero wala itong pakialam. Galit na tumitig ang dragon sa bawat isa sa 'min. It still managed to fly. Pero hindi na nga lang ganu'n kabilis.
Tiningnan nito nang matiim sa mga mata si Sky na nakatayo na ngayon. As if the dragon's figuring everything out about Sky. As if it could see everything right through his soul. Ang ilan sa 'min ay nagcooldown na. Kabilang na ako roon. Ang ilan naman ay umaatake pa rin. The dragon didn't seem to mind.
And then the dragon looked at me as if it was grinning. Like it was planning something evil inside its mind. And then, fear suddenly engulped me. As if I could feel its evil intention. It was trying to kill me. I'm its target! Napalunok naman si Sky na tila nabasa rin ang iniisip ng dragon. "You're going to die. I will enjoy torturing you until Sky was completely broken," the dragon said inside our minds. It seemed that the dragon could read our thoughts and emotions. It could even communicate through our minds. It knew how important I was to Sky. Great! Kung makaliligtas man ang grupo namin sa dungeon na ito. Tiyak na mas gugustuhin ng dragon na mawala ako at masira si Sky.
Silver roared as if he also knew what's going on. Naglakad siya sa unahan ko na tila gusto akong protektahan mula sa dragon. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi pa bumabalik ang lakas ko. Right now, only Sky and the mages could possibly fight. Halos lahat ay nagko-cooldown na. Mabilis na tumakbo si Sky patungo sa lance niya na nakatarak sa lupa. The dragon flew towards my direction. Nagmamadali ito. Silver jumped and tried to bit its neck but he failed. Tanging ang pakpak lang ng dragon ang nakagat nito. I was stunned. Fuck! I still have fifteen seconds.
Ihinampas ng dragon ang katawan ni Silver sa lupa pero hindi pa rin inaalis ni Silver ang pangil sa pakpak nito. Tila walang pakialam si Silver kahit nasasaktan na siya. I gasped. I don't want to see this. The dragon used its sharp claws to hit Silver. Silver screamed in pain when the dragon struck his neck. Lumabas ang masaganang dugo mula roon. I still have ten seconds. Hindi na natiis ni Fire ang nangyayari. He struck the dragon with his flames. It didn't bother the dragon since Silver was no longer holding its wings. Mabilis na itong lumipad patungo sa 'kin. I ran. And then Sky jumped to struck the dragon's back with his silver lance. But the dragon's tail hit him hard. Tumama ang likod niya sa isang pader. Silver was left bleeding but he's still trying to stand up.
Nanikip ang dibdib ko. Five seconds to go. I was frightened when I heard the dragon's voice in my head. "Do you really want to run? You have to decide. You die? Or do you want Silver and Sky to die?" the dragon taunted. I suddenly stopped running. I still have three seconds. I'm afraid to die right now. Pero mas natatakot ako na mawala sina Silver at Sky. Matapang na hinarap ko ang dragon. Two seconds. Matiim kong tiningnan ang dragon upang maiparating sa kanya ang gusto kong sabihin. Napansin ko si Sky na nakatayo na at naghihintay na ng tiyempo. Fire was healing Silver. Ang iba naming kasama ay malapit na ring matapos magcooldown. Naghahanda na rin sila.
"You fucking dragon. Yes. I'm afraid. I want to run away to avoid your claws and fangs. I want to run away to escape death. But this fear is essential to consider myself brave. So right now, I decided not to run. I decided to face you since your also considering to get rid those who are special to me. You're the only one who will die." I said inside my mind.
One second. I was now in my fighting stance. Nakahanda na ang mga kamay ko upang magpakawala ng palaso. And then zero... The bright rainbow-colored arrow formed in front of me. The dragon screamed. Queen and the bards deflected the destructive sound the dragon created. I released my Purification Arrow. Sky ran and landed a swift blow on its wings. Zero and Ice hit the dragon with their weapons alternately. The dragon's tail was slamming on some of our allies. Pinuntirya ko ang ulo nito. Silver was now healed too. He distracted the dragon for me. Nang nakakita ako nang tamang oras upang umatake ay pinakawalan ko na ang palaso ko. Nabalot ng liwanag ang paligid nang tumama ang palaso ko sa ulo nito.
Malakas itong napasigaw. Pansamantala itong nabulag kaya agad kaming umatake rito. Ibinuhos naming lahat ang lakas namin upang talunin ito. When the dragon disappeared, Rage got the Last Attack Bonus. May nakita kaming maliit na lagusan kung saan may nasisilayan kaming maliit na liwanag. Tiningnan ko ang ilan sa mga kasama ko. They were wounded but they were ready to go. Nagmadali kami upang lumabas. And then we saw the stairs. Hindi na kami nagdalawang-isip pa, tumakbo kami patungo roon. Kasabay ko sa pagtakbo sina Silver at Sky.
"Thanks," I whispered to them. I'm not sure if they understand. We we're too eager to reach the stairs. Nang makarating kami sa sunod na isla ay napasinghap na lang kami. Bitak-bitak ang lupa. And we are now sweating because of the heat coming from the magmas and lava. May isang malaking bulkan sa pinakadulo ng isla na tila gusto ng sumabog anumang oras.
-----------------
TO BE CONTINUED...
Wahaha. Sorry, minamadali ko ang mga scenes. Saka ko na idedetalye kapag ipa-publish ko 'to.. Gusto ko sanang itorture si Denise or kahit sino sa kanila kaso tinamad akong magtype hahaha. Next time na lang :D I hope you still enjoyed the update. :D Thanks sa comments, votes and reads.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com