Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39: Worries

UNEDITED. TAMAD.



DENISE



It's already passed midnight when we logged out. Narinig ko ang malakas na pagkulo ng sikmura ko dahil sa gutom. Bumuntong-hininga ako nang malalim. Hindi na namin namalayan ang oras dahil sa paglalaro. Inayos ko ang sarili. Nakasuot ako ng maikling cotton shorts at white loose shirt. Mabilis na sinuklay ng mga daliri ko ang buhok ko. Nagmamadaling lumabas ako upang bumili ng pagkain. Natigilan pa ako dahil magkasabay na binuksan namin ni Prius ang mga pinto namin.



My face heated up when he gave me a lazy boyish smile. "Saan ka pupunta?" tanong niya nang tuluyang maisara ang pinto ng silid niya.



"Gusto kong kumain. Ikaw? Saan ka?" sagot ko at pilit na kinakalma ang sarili. I was trying to act normal as possible. We were a couple inside the game but not in the real world. Hindi ako dapat maapektuhan. Pero kahit ano'ng gawin ko alam kong matindi pa rin ang pamumula ng mukha ko. I wondered if he noticed.



"I will eat too and then there are things I have to do," seryosong saad niya. Naglakad na kami patungo sa elevator. Kinabahan ako sa sinabi niya.



"Ano'ng gagawin mo?" takang tanong ko sa kanya. Sana mali ang iniisip ko. He leaned closer and whispered in my ears.



"May kailangan akong kunin sa headquarters. Darren is asking for it. He needs to check the microchip," bulong niya. Tumayo na siya nang tuwid nang bumukas ang elevator. "Sabay na tayong kumain. Ihahatid kita mamaya pagkatapos nating kumain," saad niya.



"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Delikado ang binabalak mo. Paano kung mahuli ka?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. Sumimangot ako at inalis ang kamay niya. Medyo magulo na nga ang buhok ko tapos mas lalo pa niyang ginulo. Hindi niya ako sinagot at nanahimik lang. Hindi ko tuloy mahulaan ang iniisip niya. Natatakot din ba siya sa gagawin niya?



Pumasok kami sa isang food chain. "Why not ask Siv to get the microchip? Hindi ba nasa loob na siya ng organization? Mas madali siguro kung siya ang kukuha," nag-aalangang suhestiyon ko sa kanya matapos bumili ng pagkain. Umupo kami sa pinakasulok kung saan walang masyadong tao.



"Sinabi ni Darren na huwag kong ipaalam kay Siv," he said and shrugged his shoulder. Naguluhan ako sa sinabi niya.



"Why? Hindi ba si Kuya Darren nga ang may gusto na makapasok si Siv sa headquarters?" kunot-noong tanong ko. Nagsimula na kaming kumain.



"Darren is unpredictable. Sinusunod ko lang kung ano ang sinasabi niya. Tiyak na may mabigat siyang dahilan. Or maybe he wants Siv to focus on some important things that I can't possibly do," he answered. Nag-aalalang tumingin ako kay Prius.



"Ngayong gabi na ba?" tanong ko sa kanya. He nodded as an answer.



"Siguro naman, hindi ko na kailangang ipaalala sa 'yo na kailangan mong mag-ingat?" nakasimangot na tanong ko sa kanya. He chuckled and gave me a knowing look. Napailing pa siya pero hindi napawi ang ngiti niya sa labi. Namula ako at tumungo na lang. I focused on the food in front of me. Damn! Why can't I just tell him to take care? Madali lang namang sabihin 'yon pero mas pinili kong manahimik.



Tatlong linggo na lang at matatapos na ang ranking quest. I'm not sure if I'll see Prius again after this game. Wala sa sariling pinaglaruan ko na lang ang pagkain ko habang iniisip ang mga maaaring mangyari sa 'min.



"Care to share your thoughts?" he asked. Hindi ko siya tiningnan. Umiling lang ako at pinilit ang sarili na kumain. For Pete's sake! We're just together for two months! It must not hurt if we parted ways. It must not affect me but I know I'm affected. I want to see him as often as possible after this game. I want to know him more.



"Do you want a walk on the park?" nag-aalangang tanong niya sa 'kin nang hindi ako kumibo. Naglakas-loob na akong tingnan siya. His deep brown eyes seek for an answer.



"In the middle of the night?" tanong ko sa kanya at bahagyang ngumiti.



"We don't have time in the morning. Or do you want to do this tomorrow morning? We can have a walk. Gusto mo bang mamasyal?" he suggested. Nag-aalangan siya. Halatang iniisip niya na tatanggi ako. Siguro iniisip niya na baka mas mahalaga sa 'kin ang paglalaro kaya baka tanggihan ko siya.



I smiled. "Sure. We can have a walk on the park at this hour and tomorrow morning. Mas panatag ang loob ko kapag nasa labas tayo ng laro," I answered. Matipid na ngumiti siya sa 'kin.



"Hindi tayo pwedeng magtagal ngayong gabi dahil may kailangan akong gawin mamaya. I'm glad that you still want to have a walk with me tomorrow," nakangiting pahayag niya. I blushed and grinned after thinking of something funny.



"Gusto mong araw-araw?" pang-aasar ko sa kanya. Nagiging pasaway na ang utak ko. Siguro nahawa na ako kay Faye.



"Kung papayag ka, bakit hindi?" nakangising sabi niya sa 'kin. Palagay ko ay sinusubukan niya ako kaya niya sinabi 'yon. I bit my lower lip. Mukhang ako pa yata ang titiklop kahit na ako ang nang-aasar. He crossed his arms and leaned against the back of his chair. He grinned and waited for my answer. Naaaliw ang mga mata niya habang naghihintay sa sagot ko. Ayokong magpatalo. Hindi kaya isipin niya na nagugustuhan ko na siya kung tatanggi ako?



"Fine. 7 a.m. sharp after breakfast. Everyday. What do you think? Deal? Saka mukhang kailangan ko na rin talagang mag-exercise tuwing umaga. Sayang naman ang seksi kong katawan," I said and pouted. Jeez. Bigla kong pinagsisihan ang lumabas sa bibig ko. I'm being impulsive. He chuckled. He leaned closer towards me. Mahinang pinitik niya ang noo ko.



"Sino'ng nagsabi na seksi ka?" natatawang tanong niya. Nakasimangot na hinaplos ko ang noo ko. Inirapan ko siya dahil sa ginawa niya.



"Ako! May angal ka?" naghahamong tanong ko sa kanya. Umiling siya at ngumiti lang. Hindi ko tuloy alam kung sumasang-ayon ba siya o hindi sa sinabi ko. Nang matapos kaming kumain ay naglakad na kami sa malapit na parke. It was a small green park. Maliwanag ang buong paligid kahit na madaling araw na. Tila may maliliit na lampara na nakasabit sa bawat puno. Umupo kami sa duyan habang tinatanaw ang bawat isla. Minsan ay tinitingnan ko ang kalangitan na puno ng kumikislap na bituin. Mas kalmado ang pakiramdam ko kapag nasa labas ng laro. Hindi ako nag-aalala na baka makontrol ako.



"What will you do after this game?" he asked with interest.



"Study. Fourth year college na ako sa pasukan," I answered and shrugged my shoulder. "How about you?" tanong ko sa kanya nang bumaling ang tingin ko sa kanya.



He smiled before he looked away. "Work," he answered. "I will work for everything I want to achieve and get." Tumingala rin siya sa langit. I wonder what he was thinking. I shrugged my shoulders.



"Alam mo na ba ang mga bagay na gusto mo?" mahinang tanong ko sa kanya. Muling bumaling ang tingin niya sa 'kin.



"Yes," he answered with seriousness.



"Nakakainggit ka. Ako kasi, hindi ko pa alam kung ano ang gusto ko. Hindi ko pa alam ang gusto kong trabaho kapag naka-graduate na ako. Wala pa talagang direksiyon ang buhay ko. Hindi ko pa alam ang gusto kong gawin. Hindi naman pwedeng araw-araw na lang akong maglaro ng computer games," nakangusong saad ko sa kanya. Mahina siyang tumawa.



"Hindi kaya pagalitan ka ng magiging asawa mo kung araw-araw kang nasa harap ng computer?" nakangising tanong niya sa 'kin.



"'Yun na nga kasi ang punto ko. Syempre, kailangan ko rin naman siyang paligayahin. Saka bakit asawa agad? Hindi ba pwedeng magtrabaho muna ako?" pagbibiro ko sa kanya. He laughed and shook his head. "Malalaman mo rin kung ano ang gusto mo kapag naka-graduate ka na. Take your time to figure out what your heart really wants. Hindi mo kailangang magmadali," he said. I smiled and nodded. Siguro nga hindi ko muna kailangang isipin 'yon. I should worry of what I have and want right now. I don't have to worry about the future. Napansin ko ang pagsulyap niya sa relo niya.



"Is it time?" mahinang tanong ko sa kanya. He nodded. "Ihahatid na kita sa silid mo," mahinang saad niya. Malalim na bumuntong-hininga ako bago tumayo. Magkasabay at tahimik kaming naglakad. I actually love this moment. I love this silence while we're walking together. Kahit tahimik, nararamdaman ko siya. But I'm scared too because I know this deafening silence could tear me apart. I'm afraid. What will happen when he already leave and do his job? Paano kung mahuli siya? Paano kung malaman ng organisasyon ang mga ginagawa niya? Tahimik at walang kibo na sumakay kaming dalawa sa elevator. Hindi ko na rin napansin ang paglalakad namin patungo sa silid ko dahil sa pangamba at mga iniisip ko.



"Don't worry. I can handle this," mahinang saad ni Prius nang makarating kami sa harap ng pinto ko. Sumandal ako roon at nag-aalalang tumingin sa kanya. I need some strength to stand and only this door could support me.



"I didn't say that you can't handle this," sabi ko at matipid na ngumiti.



"I can see the worry on your face," he said and grinned knowingly. Sumimangot ako.



"Umalis ka na nga," saad ko.



"I'll see you tomorrow, seven in the morning. Goodnight. Dream of me," nakangising saad niya. Nag-init ang mga pisngi ko.



"Baliw! Bangungot 'yon!" naiiling na pang-aasar ko sa kanya. He chuckled heartily. "Oh? Bakit hindi ka pa umaalis?" kunot-noong tanong ko sa kanya.



"Pumasok ka muna sa loob," he said with a smile. I shrugged my shoulder. Siguro nga kailangan ko nang pumasok dahil baka maisipan ko pa siyang pigilan. Binuksan ko na ang pinto ng silid ko. Bahagyang bumigat ang paghinga ko, maging ang kalooban ko. Nagtatalo ang isip ko kung pipigilan ko ba siya o hahayaan na lang. I'm sure he was watching me. I'm glad he couldn't see my face. Mariing napapikit ako.



"T-Take care," mahinang saad ko bago mabilis na pumasok sa loob ng silid ko. Agad kong isinara ang pinto. Hindi ko alam kung bakit gustong mangilid ng luha ko. Kinakabahan ako para sa kanya. And I hate it when I couldn't even say what I wanted to say. Why can't I be honest with myself? Why can't I be honest with him? Ramdam ko na tila may bumabara sa lalamunan ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko nang humiga ako sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip si Prius. Parang gusto kong tumakbo palabas ng silid ko upang pigilan siya. Ang problema, ayaw gumalaw ng katawan ko. I should not stand in his way. Para ito sa kapakanan ng lahat. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong gising bago nakatulog. Sana hindi ko pagsisihan ang hindi ko pagpigil sa kanya.



Nagising ako dahil sa ingay na nagmula sa pinto ng silid ko. Pakiramdam ko ay may nagbubukas nito. Kumunot ang noo ko at pupungas-pungas na bumangon. It's almost four in the morning. Hindi kaya may masamang loob na nagtatangkang pumasok sa silid ko? Bumundol ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Bago pa ako nakatakbo upang magtago ay bumukas na ito. Isa sa mga staff ang nagbukas ng pinto. Tiningnan ko ito at hindi ipinahalata ang pagdududa.



"What is it?" lakas-loob na tanong ko.



Umiling ito. "Just checking if you're here the whole time," she answered.



"Yes. Why are you checking on us?" kunot-noong tanong ko.



"Well, someone sneaked inside the main building. We're checking if the players are safe in their rooms," she answered and shrugged her shoulders. Hindi malinaw ang mga sinabi niya. I guess, she didn't want to elaborate or give more information too. Bigla akong kinabahan dahil baka hindi pa nakakabalik sa silid niya si Prius.



"Go back to sleep and I'll check the others. Sorry to disturb you," she politely said and nodded. Bago pa man niya maisara ang pinto ay agad akong tumakbo upang pigilan siya.



"Have you checked all the players on this floor?" agad kong tanong sa babae. Umiling siya at kumunot ang noo.



"Do you want help? I'm really worried for some of my friends. Is there an attack in the main building? Someone's hurt?" tanong ko. Nagpapanggap ako na walang alam sa nangyayari. Nagtatanong ako ng kung anu-ano dahil baka maisipan ng staff na sabihin sa 'kin ang lahat.



"No. Calm down. No one's hurt. We're just checking the players," she said. "You don't need to help. I haven't check them all but I guess everyone's fine," she added.



"Okay. I'll just watch you from here," saad ko at kinagat ang labi. Baka kapag kinulit ko pa siya ay lalo siyang maghinala. Nang bubuksan na niya ang silid ni Prius ay napalunok ako. Ipinagdadasal ko na sana nasa loob na si Prius. Nang buksan ng babae ang pinto ay pumasok pa ito sa loob. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumunod na ako sa kanya upang malaman ang nangyayari.



The bedsheet was crumpled but Prius was not around. "Maybe he's in the bathroom?" saad ko dahil narinig ko ang paglagaslas ng tubig sa loob ng banyo. Looks like the shower was open. Medyo nakahinga ako nang maluwag.



"It seems that he's okay," the staff commented.



"Do you want to check him inside?" tanong ko sa kanya. Umiling siya. Naglakad na siya patungo sa pinto. "Are you staying?" kunot-noong tanong niya sa 'kin nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan. Kinagat ko ang labi ko.



"Yes. I want to talk to him," saad ko. The staff just shrugged her shoulder before she closed the door. Lumapit ako sa banyo. The door was locked.



"Prius?" tawag ko sa kanya. I waited for him to answer but I could only hear the dripping water from the shower. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Mukhang wala pa siya sa silid niya. Kinakabahang umupo ako sa gilid ng kama niya at naghintay. Mabuti na lang naisipan niyang buksan ang shower at i-lock ang pinto ng banyo niya. Siguro alam niya na mangyayari ito. He's really clever. I admire him but I'm worried at the same time. I have no choice but to wait. Kahit nangangati na ako na puntahan siya kung nasaan man siya.



When I grew tired, I curled up on his bed. I could smell his fresh scent on the pillow and blanket. Ilang minuto akong nakatitig sa lampshade niya. Ano na kayang nangyari sa kanya? Hindi kaya napahamak siya? Tiyak na siya ang tinutukoy ng babae na pumasok sa main building. Hindi kaya nahuli siya? I closed my eyes. Inaantok ako pero hindi nawawala ang mga pangamba ko. I bit my lower lip. Wala pa yatang dalawang oras ang naitulog ko. Ilang minuto lang ay naramdaman ko na bibigay na talaga ang mga talukap ng mga mata ko. Muli akong nakatulog dahil sa paghihintay.



~~~



Gumalaw ako sa kama at umikot upang humarap sa tagiliran ko. My eyes were still close but I know I overslept. I'm sure it's already past noon. My body clock tells me so but I still don't want to wake up. I love the smell of the bed and I knew it's not mine. Natigilan ako sa bagay na niyakap ko. I hugged someone. A familiar one. Agad akong napamulat at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na nakahiga na sa kama si Prius. He was smiling down at me. Mukhang kagigising lang din niya.



"Good afternoon. When I saw you sleeping in my bed, I wonder if you're really looking for trouble, Miss," he stated and chuckled. My face heated up because of shame.



"Ano'ng oras ka bumalik dito?" agad kong tanong nang maalala kung bakit ako natulog dito.



"Probably, around 5:30 a.m.," he answered. "Why?" kunot-noong tanong niya sa 'kin.



"May staff na nag-iikot kanina sa floor natin. Baka nga sa lahat ng buildings. They were checking the players. Ano ba ang nangyari? Bakit bigla na lang silang naalarma?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Hindi ko na napansin ang nakayakap kong kamay sa kanya kanina kaya tinanggal ko na lang ito nang pasimple. Namumula pa rin ang mukha ko. Iniisip ko kung nakikita niya ito. Medyo madilim pa kasi sa silid niya. Bahagya akong umurong upang magkaroon ng espasyo sa pagitan namin. Mabuti na lang hindi na siya nagtangkang lumapit pa.



"I see. That's the reason why you managed to sneak in my room. Akala ko sinira mo na ang door knob ko," natatawang saad niya sa 'kin. Sumimangot ako. It's not the time for his jokes.



"Ano na nga?" naiinis na tanong ko sa kanya.



"Yes. Muntik na akong mahuli. Alam ko rin na nag-ikot ang mga staff kaya umaga na akong bumalik dito. Darren instructed me to stay outside for a while since he can see everything in CCTV," he said and smiled. "Did I make you worry?"



"A bit," mahinang sabi ko.



"A bit? Kaya pala dito ka na natulog," pang-aasar niya. Hindi maalis ang mapaglarong ngiti niya sa labi. Sumimangot ako.



"Okay. Aalis na ako. Mukhang buhay ka pa naman kasi," saad ko.



"I'm still sleepy," he said and smiled. Grabe! Naiinis ako sa ngiti niya. Pakiramdam ko matutunaw ako pero kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano naman ngayon kung inaantok pa siya? Hindi naman nito mapipigilan ang pag-alis ko? And then I realized that I want him to stop me from leaving. I still want to stay in his bed and my body won't move at all.



"Oh? Ano'ng konek? Edi matulog ka. Gusto mo patulugin pa kita?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Mas lumawak ang ngiti niya sa 'kin.



"Brat, let's sleep. Let's stay here since we didn't get to walk in the park as planned," he said and closed his eyes. He stayed on where he was. Hindi siya gumagalaw. Pinapanatili niya ang espasyo sa pagitan namin pero alam kong mahuhulog na siya. "Don't worry. I will not do anything to you," he whispered. "But you're allowed to do anything to me," he said playfully with a grin. Mahinang pinitik ko ang noo niya pero mas lalong lumawak ang ngiti niya habang nakapikit. He was too calm. Siguro naging maayos naman ang pagpasok niya sa main building kahit may kaunting sabit.



"What about the game?" mahinang tanong ko habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha.



"The game can wait but this moment can't afford to miss even a second," he whispered. I bit my lower lip. My heart was throbbing and aching for a burst because of too many emotions. Maybe he's right. The game can wait but this moment can't. This silence is too priceless and special. This moment of silence is too meaningful than any words can express.



I smiled as I closed my eyes. I could feel the comforting warmth of his body that even the space between us couldn't suppress. I really like his fresh scent. It calmed my nerves and made me feel safe. I opened my eyes to look on his face but I caught him looking at me with appreciation. Our eyes locked and we both smiled. I don't want to assume but I guess the feeling of awe is mutual.



And of course, my killjoy stomach ruined the moment. Bigla na lang itong nag-ingay at kumulo dahil sa gutom. Mariin akong napakagat sa labi dahil sa pagkapahiya. Napansin ko ang mahinang pagtawa niya at pagtaas-baba ng balikat niya. Ibinaon pa niya ang mukha sa puting unan at doon tumawa.



"Damn! You're so cute!" he mumbled with a laugh. Naiinis na kinurot ko ang tagiliran niya pero patuloy lang siya sa pagtawa. Gusto ko na siyang kagatin dahil sa inis at frustration ko pero pinigilan ko ang sarili. Mariin ko na lang ipinikit ang mga mata ko. Pero dahil naririnig ko pa rin ang pagtawa niya, naiinis at wala sa sariling itinulak ko siya nang malakas. Narinig ko na lang ang ingay dala ng pagkahulog niya sa kama. Natigilan ako. Agad na gumapang ako sa gilid ng kama at tumingin sa baba. Napakamot siya sa ulo at napahimas sa likod pero nakangiti pa rin.



"Buti nga sa 'yo," pang-aasar ko sa kanya. At least that saved me from shame. Sa susunod, papakainin ko na ng marami ang alaga ko sa tiyan para hindi na mag-ingay. Panira ng moment.



~~~



Naglakad ako sa loob ng kulungan. I need to see Ice. Nasa loob siya ng selda at prenteng nakahiga sa semento habang nakatitig sa kisame. Tila malalim ang iniisip niya. Lumingon siya sa 'kin at ngumiti. Bumangon siya at agad lumapit sa rehas ng selda.



"Kamusta?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.



"Ayos naman. Sana may malambot na kama para mas masaya," nakangising sagot niya sa 'kin. Napailing siya. "You don't have to worry. Laro lang ito. Hindi mo kailangang seryosohin. Kamusta si Fire? Still acting weird?" tanong niya. Patagilid na sumandal siya sa rehas habang nakahalukipkip.



"Hindi ko pa siya nakikita," mahinang sagot ko. "Why did you attack Rage? Alam mo namang dito ka pupulutin kapag ginawa mo 'yon," naiiling na sabi ko nang maalala ang ginawa niya.



"Pinagsabihan na ako ni Zero. I already had enough. Hindi mo na ako kailangang sermunan," nakangising saad niya. "He needs to learn. Pakiramdam ko sinasadya niya ang bawat tira niya. I was watching his moves the whole time. His firing angles are just too accurate to hit a player even when he was hitting the dungeon boss. It's as if he's really intending to hurt us. Siguro 'yon ang dahilan kung bakit hindi nagiging orange ang pangalan niya. He's smart," mahinang saad niya.



Kumunot ang noo ko. "Why would he do that? Hindi kaya katulad din siya ni Fire?"



Nagkibit-balikat si Ice. "Maybe. Hindi ko alam. Sa loob ng larong ito, hindi natin malalaman kung sino pa ang matino o hindi. Maybe, I'm one of them too but I can feel that I'm not. Maybe soon. Kung aamin si Rage na kontrolado rin siya, saka pa lang natin makukumpirma pero paano kung hindi totoo ang sasabihin niya? Sa ngayon, kailangan nating mag-ingat. Alam kong nagtitiwala ka sa 'ming lahat pero kailangan mo pa ring pumili ng pagkakatiwalaan sa loob ng larong ito. Some are not allies but they may not be enemies. Some may be allies at first but in the end, they may be enemies. Some may tell the truth. Some may be lying. Some may be real but others may be unreal. In this world, we can't really tell," seryoso at makahulungang saad niya.



I smiled. "When was the last time we talked this serious?" mahinang tanong ko sa kanya. She chuckled. "I can't remember. Ngayon mo lang ba ako nakitang seryoso?"



"Hindi ko rin maalala kung nakita na ba kitang seryoso," nakangiting sagot ko sa kanya.



"I'm serious most of the time when I'm alone in my room," nakangising sagot niya.



"Alangan namang tumawa ka nang mag-isa?" natatawang pang-aasar ko sa kanya. She chuckled. "Right."



"Siguro kakausapin ko muna si Rage. I'll try to get some information without raising suspicions. I'll check on Fire too. Pumunta na ba rito si Zero? Sabi mo sinermunan ka niya. Nag-away ba kayo?" tanong ko sa kanya.



Umiling siya. "Hindi naman kami nag-away. Sinabi lang niya na huwag ko ng gawin ulit 'yon. I should plan my every moves. I should not be reckless. He said, it can be resolved in a good and efficient way. Mas maganda raw kung mas hinabaan ko ang pasensya ko. O kaya hulihin ko sa akto si Rage," she answered. "Well, I admit that I'm stubborn. Wala na naman din siyang magagawa kundi ang tanggapin na lang 'yon," kibit-balikat na dagdag pa niya. "Pumunta na siya kanina rito. Mamaya, susunduin daw niya ako bago ako lumabas dito."



"Totohanan na ba 'yan?" nakangising tanong ko sa kanya. Her cheeks heated up.



"I don't think so. Bakit totohanan na ba 'yong sa inyo ni Sky?" pang-aasar niya sa 'kin. Bumalik lang din sa 'kin ang tanong ko. Ako naman ngayon ang namumula.



"I don't think so too," saad ko at umiling. Masayang tumawa lang si Ice. As if she know my real answer. "We're just enjoying the game," dagdag pa ni Ice.



"Same here," depensa ko.



"Weeh!" pang-aasar ni Ice. Magsasalita pa sana ako pero naunahan na niya ako. "Huwag sa 'kin, Zeus. You can't hide anything from me. Kahit ano pa ang gawin mo," natatawang saad niya. "For now, bumalik ka na sa town. Level up. Number 1 ka ngayon pero bukas tiyak na mahahabol ka na ng iba. I guess, kaunting dungeons na lang ang natitira. Hindi pa fully-developed ang larong ito. The organization only let us have a trial game that is good for two months. Kung ilalabas nila ito sa market tiyak na mas mahirap at hindi ito madaling matatapos agad. Ikaw ang inaasahan ko na tatapos ng kabaliwang ito. I don't even want this game to be out in the market when it can destroy its players," seryosong saad niya. I sighed.



"Don't talk about that here," bulong ko sa kanya. "Hindi natin alam kung sino ang nakakarinig sa 'tin sa loob ng larong ito. Kailangan nating mag-ingat," paalala ko sa kanya. "Aalis na ako. I'll see you outside."



"Sure. Take care," she said. Mabigat man sa loob ko ay naglakad na ako palayo. I left Silver in the Pet's Training City. Sky was with his pet too. I get out of town to do my solo quests. Maraming gumugulo sa utak ko habang nagpapakawala ng mga palaso. Inubos ko ang oras ko sa pagpapalevel up sa labas ng Town. Nang bumalik ako, napansin ko ang pag-aalala na nakarehistro sa mukha ng mga players.



"There's someone who robs and kills some players," narinig kong saad ng isang player na nadaanan ko. Tumigil ako sa isang stall na malapit sa kanila. Nagpanggap ako na naghahanap ng item na maaari kong bilhin. I want to know the details.



"Who's the culprit? A player or NPC? Monster?" sunud-sunod na tanong ng isa.



"I'm not sure but according to the victims, it's a player too. The face is not yet revealed. No one knows who it is," sagot ng isa pang player. That's enough. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Ilan sa mga players ay napansin ko na madalas na tumatambay lang sa Town at hindi na naglalaro. It seems that they already lost their wills to fight. They were enjoying the town too much. Kung itinuturing ko pa rin itong Ranking Quest, baka matuwa ako pero hindi. This is a Quest of Madness and all of us needs to survive.



"Hey," mahinang tawag sa 'kin ni Sky habang naglalakad siya papalapit sa 'kin. Tiningnan ko siya. Mukhang iniwan niya ang pet niya sa training city. "Let's finish our couple quests," he said and smiled. I nodded.



"Let's go. There's too many things we need to discuss," mahinang saad ko. He agreed. Bumili kami ng special items bago kami lumabas sa town.



~~~



Nagpunta kami sa isang malinis na ilog. Mabato sa lugar at maraming naglalakihang puno. Tanging huni ng ibon at ingay ng mga dahon ng puno ang naririnig namin. Ang mga malalaking buwaya ang ipinunta namin dito. We need to kill ten of them.



"Ano sa tingin mo ang nangyayari sa ibang players? Mukhang hindi na sila lumalabas sa Town," mahinang tanong ko sa kanya.



"They're slacking," he said and grinned.



Sumimangot ako at humalukipkip. "You know they're not," naiiling na saad ko sa kanya. Naalarma ako nang may marinig akong kaluskos mula sa matataas na damo. Ihinanda ko ang pana at palaso ko. Maging si Sky ay naghanda rin.



"They're losing the will to fight. Balita ko, hindi nila malampasan ang Lost City kahit paulit-ulit na nilang sinubukan. Madalas nagpapalevel up na lang sila sa labas ng Town. May ilan na hindi na sumusubok na pumasok sa loob ng dungeon dahil paulit-ulit silang namamatay. Pero kaunti lang naman sila. Marami pa rin namang magagaling," he answered.



"That's bad," saad ko. Agad akong gumalaw at tumalon palayo nang sunggaban ako ng isang malaking buwaya na lumabas mula sa damuhan. Mabilis namang itinarak ni Sky ang lance niya sa katawan nito. Napaungol ito nang malakas na tila nagtatawag ng mga kasama. The alligator was bigger than us. It's rough scales were brownish. It looks merciless. Matatalim ang mga mata nito at dahil sa pagbukas ng malalaking bibig nito ay kitang-kita ko ang malalaki at matatalim na pangil nito.



Agad ko itong pinaulanan ng sunud-sunod na maliliwanag at malalakas na palaso. Napansin ko ang isang malaking alligator na aahon mula sa ilog. It was planning to attack Sky from behind.



"Sky, may isa pa sa likod mo!" sigaw ko sa kanya. Agad na hinugot ni Sky ang lance niya sa buwaya. Hinarap niya ang buwaya na nasa likod niya at inatake ito. Nahawi ang tubig ng ilog dahil sa enerhiya na bumabalot sa lance niya. Kahit ang malaking alligator ay nahati sa gitna at agad naglaho. This quest is nothing compared to his level.



"Wow! Pwede naman palang isang tira lang pinapatagal mo pa," pang-aasar ko sa kanya. Naglaho sa hangin ang malaking buwaya na umatake sa 'kin kanina nang tumarak ang palaso ko sa ulo nito. We still have eight alligators to kill.



"Sinubukan ko lang ang bagong technique. I know, you have something under your sleeves too. Why not use it?" kunot-noong tanong niya sa 'kin. I shrugged my shoulder.



"I'm still practicing. Minsan ginagamit ko sa solo quests," nakangising saad ko. Napansin ko na may tatlong buwaya na umahon sa ilog. May mga naririnig din akong kaluskos mula sa mga damuhan.



"Hindi mo pa kinukuha sa master crafter ang mga armas mo. Sabay na tayong pumunta roon pagkatapos nito," he suggested. I nodded and then we moved to finish this quest. Mabilis ang mga galaw ko. I managed to climb a tree and shoot the alligators from a distance. Wala ring kahirap-hirap na inatake ni Sky ang mga alligators sa pamamagitan ng paghampas ng lance niya sa mga ito. Pagkatapos naming matalo ang mga dungeon boss sa Dragon Island, pakiramdam ko mas lalong lumakas kami. Marami lang kaming nakatiwangwang na Couple Quest pero mas madali na ang lahat. Umupo ako sa isang sanga nang matapos ang quest namin.



"Hey. Have you heard the rumors about robbings and killings? Narinig ko lang ito sa town. May player daw na nagnanakaw at pumapatay," sabi ko sa kanya. Tumingala siya sa 'kin at kumunot ang noo.



"May lead na?" he asked.



"Mukhang wala pa. Sabi ng mga nabiktima, player daw ang may gawa nito. Hindi pa nila alam kung sino. Hindi nila nakita ang mukha," saad ko bago tumalon pababa sa puno. "Let's head to the master crafter. Tiyak na hinihintay na rin ako ni Silver. Tiyak na naiinip na 'yon," sabi ko pa.



"And also, napansin ko na mahirap ang sunod na dungeons. It seems like a dungeon raid so it is allowed to join forces with other parties," dagdag ko. Natigilan ako sa pagsasalita nang hawakan ni Sky ang kamay ko habang naglalakad kami.



"You're thinking too much. It seems you're in a hurry," he said. I frowned.



"We need to. Kailangan na nating matapos ang larong ito para makauwi na tayo. I can't sacrifice any of us here. Lalo na si Fire. Nag-aalala na ako dahil pabago-bago ang mood niya. And Rage, I need to talk to him. Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Alam kong marami pang apektado. And for those player that you said that are slacking, do you really think they are? Baka naman may pumipigil sa kanilang maglaro? Actually, nakikita ko na nag-eenjoy na sila sa loob ng Town. They seem to like the place. Hindi kaya gusto na nilang tumira rito? And for the one who's killing players? Ano sa tingin mo ang nangyayari sa kanya?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.



He moved closer and cupped my face. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko kaya napapikit ako. "I can feel you. Alam kong nahihirapan ka sa nangyayari. I know you want to finish the game as soon as possible. I know you want to save all of us. But it's not good if you carry all the burdens on your shoulders alone. You can share it with me. You can share it with everyone. This is not just your fight. This fight is for all of us," he whispered. "It's hard for you and it's also hard for everyone. Sa tingin ko pare-pareho lang tayo ng pinagdadaanan. We can help each other. I have a plan," he added. "For now, cast your worries away. Enjoy the game like you used to, before you discovered everything. There's always a way out."



I sighed heavily. Kung ganu'n lang sana kadali. I moved my head on his shoulder and hugged him tight. "Thanks," mahinang saad ko. Siguro kung mag-isa lang ako. Baka hindi ko na alam ang gagawin ko o baka nabaliw na ako.



~~~



Nang makarating kami sa bahay ng master crafter, napangiti ako nang mapansin na nabuo na niya ang mga armas na pinagawa namin. Ibinigay ko sa master crafter ang mga dragon ores na hiningi nito. Kinuha ko agad ang gintong pana ko. It's the best recurve bow I've ever seen. The carvings and the strings are really good. It has a exceptionally comfortable grip and the riser is strong and durable with the gold gem in the middle. Lumabas ako sa bahay ng master crafter dala ito. I aimed for the bird flying on the sky. I could actually feel the energy transferring from the string to the arrow. It feels great. The bow was stable and it feels right when I hold it.



The bow was elegant and timeless. And its weight was just right for me. It's neither heavy nor light. I started to draw the string and released the arrow. The arrow flew fast and I didn't miss. Nahulog ang ibon sa isang parte ng town. Mas malayo na ang naaabot ng pana ko. I smiled with satisfaction.



"Nice," narinig kong saad ni Sky mula sa likod ko. Nilingon ko siya. His silver lance with gold linings was actually one of the best too. The silver lance looks so smooth and stunning. Mas matulis na ang dulo nito. It was shining under the sun and it looks more powerful. Kumikinang ang gold gem na nasa gitna ng lance niya.



Kinuha ko na rin ang isa pang armas na pinagawa ko sa master crafter. I stored it inside my storage bag. I checked Sky's other weapon. It seems good too.



"Let's prepare for the dungeon raid," nakangising saad niya sa 'kin. I nodded with enthusiasm. Dinaanan namin sina Silver at Regan sa training city. Regan was smiling brightly while Silver looked pissed. I wonder what happened. Masayang tumakbo si Regan kay Sky at nagpabuhat.



Napansin ko na mataas na agad ang level ni Regan. It seems that some items do the trick. Lumapit naman sa 'kin si Silver. "How is it?" tanong ko sa kanya.



"She's annoying and childish," Silver said. Natutuwang yumakap si Regan kay Sky at tumingin kay Silver na may pilyang ngiti sa labi. "How about a one-on-one fight Silver?" Regan asked.



"That's not for you to decide," naiiling na saad ni Sky. "And it's a no."



Regan pouted. Tumingin siya sa 'kin at kumaway pa. "Hi Zeus," bati niya. Napangiti ako sa kakulitan niya. Mukhang may katapat na si Ice sa pagiging makulit. Naglakad na kami patungo sa mga kasama namin. We will start our raid until the very last dungeon. And before we left the Town, I had a talk with Rage. Nakalabas na rin si Ice sa kulungan.



~~~



I opened my eyes and removed the VR gear. I sighed. A week already passed. Still, there's too many things to solve. Napakunot-noo ako nang mapansin ang pagpasok ng isang staff. May dala siyang bagong head gear.



"We enhanced the VR head gears. We need to install this for a better experience," she said. Kinagat ko ang labi ko at hindi nagsalita. Pinagmasdan ko ang babae habang ikinakabit ang VR Gears. Kinakabahan ako at masama ang kutob ko sa nangyayari. Kinuha nila ang lumang VR Gear bago sila umalis. Simple lang ang black head gear at mukhang astig. If only I didn't know what it actually does, I will appreciate it. We still have two weeks. Makakauwi na rin kami pagkatapos nito.



-------------------------------------


TO BE CONTINUED...


Tinamad akong isulat ang iba ahaha. Next time na lang. Try ko pang isingit sa last 6 chapters  ung mahahalaga kapag pwede hahahaha! <3 Thanks for reading. Lovelots.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com