Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42: Victims

UNEDITED...



DENISE



Mahigpit ang paghawak ko sa pana. Hindi ko alam kung paano ko tatalunin ang limang ito. Nakatutok ang palaso ko sa lalaking hinahabol namin kanina pero wala lang ito kumpara sa mga players na nasa likod ko na handang sugurin ako anumang oras. Dehadong-dehado ako pero hindi ko ipinahalata ang pangamba ko.



"Who are you?" seryosong tanong ko. I need a diversion to distract them while thinking of a plan. "What do you want?" I asked again. Napansin ko ang nakakalokong ngisi ng lalaki. Madilim at tanging ang labi lang niya ang nasisilayan ko. Naiinis ako dahil wala akong magawa sa sitwasyon ko. Tuluyan na niyang napagaling ang sarili at hindi kami makagalaw ni Silver.



"We want your level and items," sagot niya sa mababang tinig. "And you will give it to us whether you like it or not."



Kumunot ang noo ko. "You can't steal my level. I don't remember anything about stealing levels unless you defeat me on a gamble," nagtatakang saad ko sa kanya. Wala akong ideya sa sinasabi niya. Did I miss something?



"You're wrong. There's a very rare item on this game that can drain other player's level," saad niya. Ipinakita niya sa 'kin ang hawak niyang half white and black glowing orb. Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap.



Mariin kong kinagat ang labi. "I thought, it can only be used for monsters or dungeon bosses. You can only use that once," mariing wika ko. Kumunot ang noo ko dahil mas luminaw ang boses niya. I already heard his voice somewhere. Hindi ko lang maalala kung saan at kung sino siya. Siguro nakausap ko na siya noon. Hindi naman malabo iyon dahil sa Town lang din naman kami nagtitipon-tipon.



"It depends on how you use it," he said with a shrugged. Ibinalik na niya sa loob ng black cloak niya ang orb. Inilabas niya ang Assassin's dual sword niya. Sword of Light and Darkness. Mukhang wala na siyang balak makipagkwentuhan pa. Silver growled with anger. Maging ang dalawang nasa likod ko ay maingat ang mga galaw habang naglalakad papalapit sa 'kin. They were now ready with their fighting stance. Ang dalawa naman na nasa likod ni Silver ay handa na ring umatake sa kanya. I gritted my teeth. Damn! What should I do? Walang kahit anong pumapasok na solusyon sa utak ko. My mind started to panic because of this shit we're into.



Mabilis na umiwas ako dahil naramdaman ko ang pwersa na nagmula sa likod ko upang atakihin ako. Fire balls flew to my direction and I rolled on the ground. Now, I could say that he's under the mage class. Mabilis kong pinaulanan ang mage ng mga palaso ko pero gumawa agad siya ng fire shield upang sanggahan ang atake ko.



The assassin who wants to steal my level ran towards me. Tinangka niyang itarak sa dibdib ko ang isa sa mga espada niya pero mabilis akong pumihit sa tagiliran upang umiwas. Malakas na sipa ang pinatama ko sa tiyan niya kaya bahagya siyang napaurong. Kinuha ko ang pagkakataong 'yon upang panain ang dibdib niya. Hindi niya agad ito naiwasan kaya lumipad siya palayo sa 'kin. Mahirap talagang makipaglaban kapag nasa malapit ang kalaban lalo na kung pana at palaso ang armas.



Ang isa sa kanila ay naglabas ng isang napakalaking espada. A warrior. Tumakbo siya patungo sa 'kin. Mabilis na tumalon ako upang iwasan ang atake niya. I even landed on the face of the warrior's sword before I jumped to a tree. The warrior was not that fast to follow me. Mabilis na pinakawalan ko ang palaso ko upang tirahin siya pero nasalag ito ng espada niya. Natigilan ako nang marinig ang malakas na ungol ni Silver. A bard was playing a loud and destructive melody that penetrates through Silver's ears. He couldn't withstand the loud sound. I gritted my teeth. Kinabahan ako dahil sa dugo na lumabas sa katawan ni Silver. An invisible force was cutting through his skin. Tiyak na kagagawan ito ng bard.



Mabilis na tinira ko ang bard upang pigilan siya sa ginagawa. Dumaplis ang palaso ko sa daliri niya. "Silver? Merge," seryosong saad ko. Silver's body merged with mine. Narinig ko ang pag-ubo niya. My body was now covered with blood but it was not mine.



"You should have let me defeat them," reklamo ni Silver at pilit na itinago ang mahinang pagdaing.



"Don't be stubborn," nakasimangot na saad ko. Ngayon, lahat silang lima ay nakatingin na sa 'kin. I sighed heavily.



"You will be defeated easily if you fight alone and their scents are familiar," seryosong saad ni Silver. 


Napalunok ako. "Do you know who are them?" nagba-baka sakaling tanong ko sa kanya. Pero bago pa siya makasagot, agad na akong tumalon patungo sa isang sanga ng puno nang atakihin ako ng bard na pinana ko kanina. Mabilis na tumalon ang Assassin patungo sa kinatatayuan ko upang sugudin ako. He skillfully thrusted one of his sword forward. Agad na inilabas ko ang Assassin's sword na nakatago sa storage ko upang sanggahan ang atake niya. I could weild another weapon since I'm a dual weilder. Naglaho ang pana ko kaya lumipat si Silver sa espada ko. My sword is made of silver and gold with blue sapphire coating because of Silver.



"Release me so I can help you to fight them," mariing wika ni Silver. I gritted my teeth but I know I have no choice. "Fine. Disable merge," seryosong saad ko. The clanking of our swords was the sound that ruined the silence of the night. Napansin ko ang mga pag-atake ni Silver sa mga natitira sa baba. He was fighting with all that he got. Buong lakas na kinakagat niya ang binti ng dalawang kalaban niya. Habang ako naman ay napapaurong dahil sa lakas ng mga hampas ng espada ng kalaban ko.



Dumaplis sa tagiliran ko ang espada niya pero nakaganti rin ako nang bumaon sa hita niya ang espada ko. Agad akong lumayo at tumalon sa kabilang puno habang sapo ang sugat ko sa tagiliran. Napangiwi ako dahil sa sakit. Inilabas kong muli ang pana ko at pinaulan siya ng mga nakalalason na palaso. Muling bumaling ang atensiyon ko kay Silver dahil sa ingay na nagmumula sa ibaba.



Duguan na si Silver dahil pinagtulungan siya ng apat na players sa ibaba. Nahihirapan na siyang tumayo pero pinipilit pa rin niya. Kinagat ko ang labi ko dahil sa hirap na pinagdadaanan niya. Mababa na rin ang health points niya kaya hindi malayong mamatay siya. Sa loob-loob ko ay grabeng kaba ang nararamdaman ko.



Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong tirahin dahil sabay-sabay nilang inaatake si Silver. I decided to hit the mage with all I got. Nagtagumpay akong tamaan siya pero hindi ko napansin ang Assassin na tumalon sa kinatatayuan ko. Bumaon sa balikat ko ang espada niya. Napadaing ako sa sakit at napangiwi. Nawala ang balanse ko kaya nahulog ako pababa sa lupa. Pinagpapawisan na ako pero pinilit kong tumayo. I attacked the bard and the warrior. Damn! Ang tanging iniisip ko lang ngayon ay ang iligtas si Silver. "Stop it!" sigaw ko. I was about to browse my dashboard to ask for help from Sky but the Assassin stopped me with his daggers. I ran to and rolled on the ground to avoid it. Mabilis na tumakbo ako patungo kay Silver. He was already at his limits. Nanginginig na ang mga paa niya dahil sa pagpipilit na tumayo kahit hindi na niya kaya. His power was already not enough to make a shield or for a merge. He can't do anything now. I was so frustrated and angry that I couldn't think properly anymore. I was screaming and begging them to stop.



Itinutok ko sa kanila ang pana ko. I wanted to hit them all so I did. Ang ilan sa mga palaso ko ay tumama pero ang iba naman ay sumablay. Mas lalo akong nagngitngit sa galit dahil hindi sapat ang mga palasong pinakawalan ko upang pigilan sila. The mage still hit Silver and gave the final blow. I screamed when Silver disappeared on thin air and a blue glowing crystal fell on the ground. "Damn! Silver!" malakas na tawag ko sa kanya. A large sword hit and pierced through my body. The warrior even swung the sword. Lumipad ako palayo at malakas na tumama ang likod ko sa puno. Nanlalabo ang paningin ko at nananakit ang katawan ko. Pakiramdam ko hindi na ako makakatayo pa dahil sa bali-bali kong buto. Napansin ko na nilapitan ng mage ang asul na kristal. Handa na niyang tapakan ito upang basagin pero kumilos ako upang pigilan siya. I hit him with my Deadly Golden Arrows. Tumilapon siya palayo at agad akong tumakbo upang kunin ang kristal. The bard attacked me with destructive sounds in order to stop me. I thought it will hit me but someone saved me. Sky teleported to save me and I was very grateful that he came.



"Shit!" Sky said as he dodged the attack. I smiled a bit with teary eyes. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Kinuha ko na ang kristal at itinago sa storage ko. Regan transformed into a dragon and attacked the bard. Sky attacked the two Assassins and the warrior. I went to attack the mage. Inilabas ko ang espada ko na punong-puno ng galit. I don't want to hold it against him but I could no longer think clearly.



I dodged his fire techniques when he tried to stop me. Mabilis na tumakbo ako patungo sa kanya. Itinarak ko ang espada sa dibdib niya pero nasalag niya ng tungkod niya. I gritted my teeth because of anger and frustration. I was seeking for revenge. He must pay. Malakas na sinipa ko siya sa tiyan dahilan upang matumba siya at mapaupo sa lupa. Walang pag-aalinlangan na itinarak ko sa tagiliran niya ang espada ko. Inagaw ko sa kamay niya ang hawak niyang staff at itinapon palayo. Hindi siya dumaing dahil sa ginawa ko. Hindi siya umungol sa sakit. Parang wala siyang nararamdaman kaya kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Nagmamadaling tinanggal ko ang hood niya upang kilalanin siya.



Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. "F-Fire..." mahinang tawag ko sa pangalan niya. Mas lalo akong napaiyak. "N-No..." Tila may isang malaking bagay na bumara sa lalamunan ko na tila nanuyo. Bumigat ang pakiramdam ko. Mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko kaysa kanina nang tapusin niya si Silver. Hindi ko na napigil ang luhang pumatak mula sa mga mata ko.



Nakatulala lang siya na parang hindi niya ako nakikita. Na parang natutulog lang siya. His body was moving but I know he's not aware of what's happening. Or maybe he's aware but he couldn't do anything. Hindi ko na alam! My heart broke with the sight. Mabilis na binunot ko ang espada sa tagiliran niya. He didn't scream in pain but he moved to attack me but I blocked him. Nanghihinang napatayo ako. Napansin ko rin na nakatakas ang isang Assassin na kalaban ni Sky. The other three left was already pinned down to the ground, bleeding. Napansin ko rin na tila natauhan silang lahat nang makatakas ang Assassin na hinabol namin ni Silver kanina.



Biglang napadaing si Fire dahil sa sugat sa tagiliran at saka lang naramdaman na may sugat siya. Hindi na siya nakatulala ngayon. He was now aware of his surroundings. Muli akong lumuha dahil hindi ko siya maaaring sisihin sa pagkawala ni Silver. At hindi ko na rin alam kung sino ba talaga ang sisisihin ko ngayon. I looked around. I noticed that the warrior was Scithe. The bard was Calix. The assassin was Scorpion. Are they fucking kidding me? Lahat sila ay natauhan pero halata ang pagtataka sa mga mukha nila na tila wala silang maalala. Dumaing na lang silang lahat sa mga sugat na tinamo niya. Ang ilan ay nagtatanong sa 'min kung bakit sila sugatan. Hindi talaga nila maalala ang mga nangyari. What just happened? Maging si Sky ay nagulat din sa nalaman. Naguguluhang tumingin siya sa 'kin at hindi nagdalawang-isip na lumapit.



"Are you alright?" nag-aalalang tanong niya. Umiling ako.



"No... I'm not!" I answered with frustration. I'm not sure if this is what the president meant when he said that he wanted to mess with my mind. Because right now, my mind is already a mess. Hindi ko na alam kung paano mag-iisip. "What's happening Sky? Hindi ko na alam ang gagawin ko," saad ko at impit na napaiyak.



He hushed me. "Pag-usapan natin ito bukas. I'm still thinking. For now, let's tend to their wounds. Pero mukhang mas makabubuti kung magpapahinga ka na. Tatawagan ko si Ice. She'll help me here," he said. Magpoprotesta pa sana ako pero pinatahimik na niya ako. Napahilamos na lang ako sa mukha ko at wala sa sariling naglakad sa isang puno at umupo sa malalaking ugat nito. Isinubsob ko ang mukha ko sa mga tuhod ko habang umiiyak. Naguguluhan na talaga ako.



When I looked back at them, Sky was now talking to Fire. Dumating na si Ice na naguguluhan kung ano ang nangyari sa 'min. Tinulungan niya sina Scithe. Scithe was disoriented but she tried to heal herself. Maging sina Calix at Scorpion ay nagtataka rin dahil sa natamo nilang sugat. Ice helped them too. Naguguluhang lumingon siya sa 'kin at nagtatanong ang mga mata. Nag-aalalang tumingin din siya kay Fire. Alam kong gusto na niyang lumapit sa 'kin upang magtanong pero pinigil niya ang sarili.



Tahimik na tumabi sa 'kin si Regan. Muli na namang tumulo ang luha ko sa mata dahil naalala ko sa kanya si Silver. Alam ko naman na pwede ko pang buhayin si Silver pero masakit pa rin. I should have save him. But right now, he's not my only priority. I have to prioritize Fire and the others too. "When are you planning to revive him?" Regan asked curiously.



Pilit akong ngumiti sa tanong niya. "As soon as possible," sagot ko sa kanya. "Are you excited to see him?" I asked her with a small smile.



"Yes. He's a snob. Let me fight him, alright?" she requested with a gigle. I smiled. Marahan kong ginulo ang buhok niya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.



"It depends. If he agreed," nakangiting sagot ko sa kanya. Humaba ang nguso niya. "He won't," she said.



Mahinang tumawa ako. Hindi ko na alam kung ilang oras kaming nag-usap. I was talking to her to regain my confidence and strengthen my resolve. Naramdaman ko na lang na lumapit na si Sky sa 'min. Tumingala ako sa kanya. He looked at him with worry.



"Maayos na sila pero wala silang alam sa nangyari sa kanila. They thought they are sleeping in their tents. They are not aware of their surroundings. I want to discuss this with you but I think Fire wants to talk to you now," he said and his voice became distant. "Nalilito siya at hindi ko masagot ang mga tanong niya. Ikaw lang ang nakaaalam ng lahat. Kaya mo ba siyang kausapin o ipagpapabukas mo muna?" nag-aalangang tanong niya.



Bumaling ang paningin ko kay Fire. Nakatayo na siya at nag-aalangang nakatingin sa 'kin. I didn't force myself to smile at him. I can't even though I know he didn't mean to kill Silver. I sighed heavily as I looked back to Sky.



"I'll talk to him," sagot ko. He nodded with understanding.



"Sige. Mag-usap na lang tayo kapag tapos na kayo. Kaya mo pa ba? Ako na siguro ang makikipag-usap kina Scithe," he asked.



I smiled. "Kailangan kong kayanin," sagot ko sa kanya. He nodded and then walked away. Agad na sumunod sa kanya si Regan. Nakipag-usap si Sky kay Fire bago tuluyang lumayo. Napansin ko naman na nakatingin din sa 'kin sina Scorpion, Scithe at Calix pero nilapitan na sila ni Sky.



Lumapit na sa kinaroroonan ko si Fire. "Are you hurt elsewhere? Where's Silver?" he asked. May biglang bumara sa lalamunan ko. If only I have the courage to tell him the whole story.



Napayuko ako. "He died," mahinang sagot ko sa kanya. Naramdaman ko na natigilan siya sa sinabi ko. "I'm sorry to hear that," mahinang wika niya. "Can I sit beside you?" nag-aalangang tanong niya. The whole situation was awkward. Everything that was happening right now was out of place. I looked at him and nodded. I know, he could sense that there was something wrong. Actually, I'm not even sure if there's something right happening inside this game. Umupo siya at tumabi sa 'kin. Nakatungo siya at pinaglalaruan ang maliliit na damo sa lupa. Hindi niya alam ang sasabihin at kung paano sisimulan ang usapan.



He sighed heavily. "I know there's something wrong when I saw you standing in front of me, holding a bloody sword, and when I felt the wounds on my side. Did I kill Silver?" he asked in a low regretful tone.



Pakiramdam ko, gusto ko na namang umiyak. Pinigil ko ang impit na pag-iyak ko. I looked at him. "Are you really asking me this?" naluluhang tanong ko sa kanya.



"I'm sorry for asking but I want the whole truth," nahihirapang sagot niya. Ramdam ko na pareho kaming nahihirapan sa sitwasyon. Hindi lang ako. At alam ko na mas mahirap ang pinagdadaanan niya kaysa sa 'kin. He was the real victim here. Hindi lang talaga ako makapag-isip ng tama ngayon.



"Yes. You gave the final blow but that doesn't mean that you're the only one. Galit ako pero nang nalaman ko kung sino kayo, bigla akong naguluhan dahil alam kong wala kayong kamalay-malay sa paligid ninyo. Right after then, I told myself not to blame you. I was just confused right now. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mas malala 'to kumpara sa mga nangyayari sa inyo noon," mahinang sagot ko sa kanya. "It's like you want to fight but you don't know who the real enemy is."



Tahimik lang siya habang nakikinig sa kwento mula sa simula hanggang sa ginawa kong pakikipaglaban sa kanya. Minsan ay mahina akong humihikbi dahil sa mga nangyayari sa kanila. Nabalot kami ng mahabang katahimikan nang matapos ang pagkukwento ko.



"Sa tingin mo ba mas makabubuti kung umalis na ako sa party natin?" mahinang tanong niya sa 'kin. I could feel his guilt through his regretful voice but I didn't want the idea of his suggestion.



"No! You can't leave! Are you insane?" naiinis na tanong ko sa kanya. Medyo tumaas ang boses ko dahil sa narinig ko.



"Not yet. Pero mukhang malapit na," saad niya at mapait na ngumiti. He was looking at the ground. I touched his face and forced him to look at me. Napansin ko ang luha na malapit ng tumulo mula sa mga mata niya. At nakakainis dahil hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang mga luha ko.



"Huwag mo naman akong pag-alalahanin nang ganito," mahina kong sabi. "Please don't give up yet. Help will come soon. We will get through this all. Please... You can't leave us. Saan mo naman balak pumunta? You can't run from us. From this game. Kahit nasaan ka, magagawa ka pa rin nilang makontrol. Hindi ka pa rin makakaligtas. Just stick with us. We will find a way to solve this. We will stop them," determinadong saad ko. "Promise me, you'll never leave," nagmamakaawang saad ko sa kanya.



He bit his lower lips and heaved a deep, confused sigh. "How can I leave when you begged like this? You're making this hard for me," he said as he held my hand and squeezed it.



"Jeez. Then make it easy for me," nakangiting saad ko sa kanya. I gazed intently on his face with expectation. I don't want him to leave. Mas mahirap isipin kung ano na ang mga nangyayari sa kanya kapag malayo siya. Mas mabuti na makita ko siya at malaman ko kung ano ang nagbabago sa kanya kaysa naman manghula ako. I don't want to leave him. He never wanted to do any of this in the first place. Kung sino man ang kumokontrol sa kanya ay magbabayad.



"Hindi ka makakatulog ng matino sa gabi kung alam mong may nagtatangka sa buhay at level mo," pagbibiro niya.



"Mas hindi ako makakatulog sa gabi kung iisipin ko kung ano na ang mga nangyayari sa 'yo," nakasimangot na saad ko sa kanya. Napailing siya dahil sa sinabi ko.



"Are you really sure about this?" he asked. He was still giving me a chance to think but my decision was already final. I nodded and hugged him tight.



"Please stay with me until the end. Malalagpasan din natin ito," I whispered but he didn't gave me an answer. I hugged him tighter.



~~~



Matapos naming mag-usap ni Fire, tumayo na ako at hinanap si Sky. I'm glad that I could track his location. Pinilit kong paganahin ang utak ko para mabigyang-linaw kung ano ba talaga ang nangyayari. Umalis na sina Ice matapos silang kausapin ni Sky. Hindi tuloy kami nagkausap.



Nakita ko si Sky na nakasandal sa isang puno habang seryosong nakahalukipkip. The forest and the river below was overlooking.



"Sky..." mahinang tawag ko sa atensiyon niya. His head turned to me. He smiled with worry. Lumapit ako sa kanya at mahigpit ko siyang niyakap.



"Thanks for saving me," I said with sincerity. Hinaplos niya ang mahaba kong buhok pero hindi siya nagsalita. Ilang minuto lang kami sa ganoong posisyon bago niya hinalikan ang noo ko at tiningnan ako nang seryoso.



"It seems that we are really facing a big mess," he whispered as he looked at me. I nodded.



"Well, you already know that even before the game started, this is already a mess," nakangusong saad ko. He chuckled because of my remark. Pero seryoso akong tumingin sa kanya.



"Is it possible for a player inside this game to control another player without them knowing it?" I asked.



"Well, that's what I wanted to discuss with you. You know that the answer is no. Hindi magagawa ng isang player na kumontrol ng apat na player kung nasa loob siya ng laro. Only a player outside the game can do that! Only a person who knows how to play the game can skillfully control a class the way he wanted them to. It was like he's playing a role playing game the normal way," seryosong sagot ni Sky. "Ang kaibahan lang, marami siyang characters sa loob ng game. Iyon ay kung nag-iisa lang siya," he added meaningfully.



"It's like cheating. This is disturbing. Hindi na alam ng mga players na nakokontrol pala sila sa loob ng laro. Hindi na nila alam ang ginagawa nila. We are now their puppets," naiinis na saad ko. "At sino pala ang nakatakas sa 'yo kanina?" takang tanong ko sa kanya.



He shrugged his shoulder. "Hindi ko alam pero may kutob ako na hindi siya kagaya nina Fire at ng iba pa na walang alam sa nangyayari sa kanila. He was aware of his surroundings. Sa totoo lang, naguguluhan na rin ako. Hindi ko na mahanap ang logic sa lahat ng mga nangyayari. Pero sigurado ako na may isang player na naglalaro mula sa labas," he answered with knotted forehead and gritted teeth. I sighed heavily. Wala sa sarili na hinilot ko ang sentido ko.



"That someone is now getting in my nerves," naiinis na saad ko. "Ano ba ang ginagawa ng kapatid ko? Bakit wala pa siyang ginagawa hanggang ngayon?" mahinang tanong ko pa.



Mahinang tumawa si Sky. "Mukhang alam ko na kung bakit hindi pa siya lumalabas. Naaalala mo ba noon? Hindi ka niya tinutulungan hangga't hindi niya nakikita na hirap na hirap ka na talaga," he said with a grin.



"Damn him!" nakasimangot na saad ko. Sana nga 'yon lang ang dahilan niya. Pero paano kung wala talaga siyang maisip na solusyon upang tulungan kami? Edi mabubulok na kaming lahat dito?



--------------------


TO BE CONTINUED...


Merry Christmas! Although this is not a good Christmas update, I hope you still enjoy this. I also hope, you enjoyed this day and you will not forget what you are celebrating for today. Let's welcome Jesus our savior in our hearts. God Bless us all <3 Merry Christmas again.


P.S. Hope to hear your reactions about the update. Hahaha!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com