Chapter 43: Hope
UNEDITED... TAMAD... ENJOY READING...
DENISE
I woke up and noticed that the surroundings turned to red. Kinabahan ako nang makita ang malaking screen na lumabas sa kalangitan. Napalunok ako nang bumungad ang mukha ni Mr. Cooke. Kumunot ang noo ko at wala sa sarili na agad na tumayo. Maging si Sky ay tumayo rin at sumunod sa 'kin. Seryosong nakatingin si Sky sa screen nang bumaling ang paningin ko sa kanya. Alam kong nararamdaman din niya ang kabang nararamdaman ko.
"Good day everyone. We had a meeting and decided to change some of the rules for our deal. You only have two weeks to finish the game but if you failed you'll be stuck inside the game forever. But there's an exception, the one who will get the highest rank or the first rank can surely get out of the game," seryosong saad niya. Napasinghap ako. I gritted my teeth. Everything was so fucked up. Hindi ko man nakikita ang mga kasama ko, tiyak na hindi rin nila nagustuhan ang narinig nila. There's a time limit now and we couldn't do anything. We couldn't stop them. Ang nakakainis pa, tiyak na muling mag-uunahan ang mga players sa pagiging Rank One. "Goodluck everyone," he said and the screen disappeared.
Naiinis na lumapit ako sa puno at napasandal. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang mensahe na mula kay Fire. Agad ko itong binuksan. According to his message, he decided to leave the party now. Napalunok na lang ako nang mapansin na hindi na nga kasali sa party namin si Fire. He already left my party. Lima na lang kami. May natanggap din akong mensahe kay Ice. She's worried about his brother and she wanted to find him. Wala sa sariling naihampas ko ang kamao sa puno.
"Fuck!" naiinis na saad ko. Nag-aalalang lumapit sa 'kin si Sky.
"What happened?" he asked. Agad niyang kinuha ang kamay ko na namaga dahil sa ginawa ko. Puno ng pag-iingat na hinaplos niya ang kamay ko. Mariin akong napapikit dahil sa halo-halong emosyon. I was too angry and frustrated but Sky was melting it away.
"Fire left my party," mariing sagot ko at napatakip ang isang kamay sa bibig. I wanted to cry in frustration. I couldn't track his location now. Hindi ko tuloy alam kung saan siya hahanapin ngayon. I tried to call him but he didn't answer. I even sent him a message to come back. Sinabi ko rin kay Ice na hintayin muna niya ako.
"He'll come back soon when he return to his senses," seryosong saad ni Sky. "Hayaan mo muna siyang mag-isip. Tiyak na naguguluhan pa siya sa nangyayari. Maybe he thinks that he is a burden for you," he added.
"You know he isn't!" naiinis na asik ko sa kanya. Naiinis na hinila ko ang kamay ko mula sa kanya. I started to walk back and forth. Nababalisa ako.
"The way you feel is not the same as his. You must understand that," seryosong saad niya. Tumigil ako sa paglalakad. Tiningnan ko siya nang masama.
"Why can't you just encourage me to find him?" I stubbornly asked him. Hindi na talaga ako makapag-isip pa ng tama. I don't want to listen anymore. Pakiramdam ko napapagod na ako dahil sa mga nangyayari.
"Because there's no time left for that. Babalik din siya kapag natauhan siya. For now, lead your group and prepare them to face the last dungeons," he said. Mariing napapikit ako. Pareho na kaming naguguluhan sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung makikinig ba sa mga utos ko ang mga kasama ko. Ngayon, ako ang Rank 1. Tiyak na hindi sila natutuwa dahil iniisip nila na ako lang ang may pag-asang makalabas sa larong ito. Gusto talaga ng organisasyon na sirain kami. They wouldn't let us win.
"Paano kapag kinontrol ulit sila katulad ng nangyari kagabi?" tanong ko sa kanya. Naalala ko sina Scorpion, Scithe at Calix. Ang masaklap pa, hindi ako sigurado kung may iba pang players sa grupo ko ang nakokontrol.
"Then stop them," he answered. Napahilamos siya sa mukha na tila hindi na niya alam kung paano ako pagpapaliwanagan. "Damn! Wala akong maisip na paraan upang ibalik sila sa dati. We can't do anything inside this game. We're powerless," naguguluhang saad niya. He looked at me as if he was begging me to understand the situation. I sighed heavily. I know it's not the time to blame anyone and that's the reason why I'm very frustrated now. Wala akong mapagbalingan ng galit at inis ko.
I bit my lower lip and took a deep breath. I forced myself to calm down. "Fine. I'll lead them," saad ko pero natigilan ako. "Wait! No. I'll ask Ice to lead them. I need Silver back. Kailangan ko munang umalis upang hanapin ang item na maaaring bumuhay sa kanya. I'll see you all on the last set of dungeons," seryosong saad ko.
Matiim na sinuri ako ni Sky. "Kaya mo bang mag-isa?" he asked with worry. I nodded.
"I can. Bumalik ka na sa mga kasama mo. They need you too," seryosong saad ko. Nagsimula na akong maglakad palayo. Hindi ko na siya tiningnan. I was too confused but I stopped walking and looked back at him. Nakatingin siya sa 'kin na tila naguguluhan din kung susundan ba ako o hindi.
"Gusto mo na bang maging Rank 1 ngayon?" seryosong tanong ko sa kanya.
He chuckled and shook his head. "If I get the highest rank, it's not because I'm desperate to get out of this game but because I'm better than you," he joked. I frowned but he continued. Sumeryoso na ang mukha niya. "But seriously, do you really think that the organization is true to their words? Sa tingin mo ba, palalabasin pa nila tayo ng buhay rito? No. Because we can sue them if they let us out. Malalaman ng lahat ng tao ang masama nilang ginagawa at hindi nila hahayaang mangyari 'yon. May kutob ako na gusto lang nilang maglaban-laban tayo para mas matuwa sila sa napapanood nila. Maybe it's part of their experiments too," seryosong saad niya. Mas lalo akong kinabahan dahil ngayon ko lang na-realize ang lahat. So there's really no way that they will let us out? Napalunok ako. Nanunuyo ang lalamunan ko.
"Do you think we can really survive this?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Gusto ko na kahit papaano ay may panghawakan ako.
"We can only hope because I'm not sure anymore," he said with a small worried smile.
Marahan akong tumango. "You're right. Hope is the only thing now that keeps us going," mahinang saad ko. Tinalikuran ko na siya. Pinunasan ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko at tinatagan ang loob. I can only hold on to this small hope. Marahang ikinaway ko ang likod ng kamay ko kay Sky bago umalis. I ran to the woods and meet with my group.
Lahat sila ay naguguluhan na dahil sa announcement ni Mr. Cooke. Ang ilan ay gusto ng umatras. Ang ilan naman ay masama ang tingin na ipinukol sa 'kin. Lumapit ako kay Ice at kinausap ko rin ang ibang leaders. Kinakabahan ako dahil sa nangyayari kina Scorpion at Calix. Hindi ko alam kung kaya ko ba silang iwanan. Isang bundok pa ang tatawidin nila bago makapunta sa dragon island. But I need Silver too.
"Please boost your member's morale. I need to leave and find something for my pet. I'll see you on the last set of dungeons. You need to hurry. I will leave my party members with you to guide your journey. Ice will be the temporary leader of Dark Fortress while I'm away. Don't try to argue. We don't have much time," seryosong utos ko sa kanilang lahat. Nagulat si Ice at tila gustong magprotesta pero itinikom niya ang bibig niya.
"Some of the players don't want to participate anymore," seryosong saad ni Lux. "They wanted to go back to the Town. They are losing their hopes. And why are you leaving for your pet? You really want to be the number one, huh?" nagdududang tanong sa 'kin ni Lux.
"No. Without my pet's help, I doubt that we can win against the last dungeon boss. We need his power," naiinis na saad ko. "And please! Wake up! The organization only wants to distract us. They don't want to unite us. They don't want us to win this game. So please, don't consider the least option. There's a better way out than to compete with ranks," naiiling na saad ko sa kanila. Hindi ko na sinabi sa kanila na wala talagang balak ang organisasyon na palabasin kami sa loob ng laro dahil baka manghina lalo ang loob nila. Natahimik sila. Sana makuha nila ang gusto kong iparating. Ayokong sumuko sila agad.
Natahimik sila pero sa huli ay sumang-ayon na lang din sila sa 'kin at sa mga ibinilin ko. Hinila ko palayo si Ice sa kanila. Nag-usap kami malapit sa batis. Tumungo ako at tiningnan ang repleksiyon ko sa tubig. Parang totoo talaga ang mga bagay sa larong ito. Tiningnan ko ang repleksiyon ni Ice bago humugot ng malalim na hininga. "Sorry kung iiwan ko ang lahat ng ito sa 'yo, Ice. Huwag mo munang hanapin ang kapatid mo. He'll show up soon," saad ko sa kanya. Kung ako ang target ng kumukontrol sa kanya, magkikita pa rin kaming muli. Saka ko na siya haharapin at kapag nangyari 'yon, I will surely take him back with me.
Kinagat ni Ice ang pang-ibabang labi. Halata sa mukha niya ang pagkalito at pag-aalala. "Ano ba talaga ang nangyari kagabi Zeus? Bakit bigla na lang siyang nagdesisyon na umalis? Naiinis ako kapag ako lang ang walang alam sa nangyayari!" She said with frustration. Hinarap ko siya at napansin ko ang namumuong luha sa mga mata niya. I know she's confused and I know the feeling when you're the only one who knows nothing.
"Mas malala na ngayon ang nangyayari. Nakokontrol na sina Fire at ang iba pa nang hindi nila nalalaman. They are not aware of what's happening on their bodies. Hindi nila maalala ang mga ginagawa nila. Fire, decided to leave because he doesn't want to harm us anymore. Alam kong natatakot na siya sa mga bagay na nangyayari sa kanya. Siguro hindi na niya kaya," mahinang paliwanag ko. I put my hands on her shoulder and looked at her with determination. "Pero tiyak na magkikita pa rin kami sa susunod pero hindi na sa paraang gusto ko. He will fight me soon and I need to prepare. Sana may paraan na upang maibalik ko siya sa katinuan. Don't worry, I'll do everything to bring him back with us," I added.
She nodded with understanding. "Then I must put my trust on you," she said.
"Thanks. Gusto kong bantayan mo sina Scithe, Calix at Scorpion. Katulad din sila ni Fire. At saka si Rage. Mag-ingat ka sa kanila. Hindi natin alam kung kailan sila kokontrolin. Send me updates so I can still monitor your progress while I'm away. Kapag may kakaiba kang napansin sa mga kasama natin, sabihin mo agad sa 'kin. Angel will help you too," paalala ko sa kanya. "I know you can lead. I'll leave everything to you now," saad ko sa kanya at bahagyang ngumiti. She frowned to stop her tears from falling.
"I don't want this position but I'll do everything I can. Bilisan mo lang," nakasimangot na sabi niya.
I smiled and hugged her. "Thanks. Bumalik ka na sa kanila para masimulan na ninyo ang mga quests."
"Sige. Mag-iingat ka," mahinang saad niya at niyakap din ako nang mahigpit.
I watched her walk away. Umupo ako sa batis at hinawakan ang malamig na tubig. I need to go back to the town. I need some information on where I can find an item that can revive a pet. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang mga letra na lumitaw sa tubig.
I gasped and my heart beats fast. Mabilis ding naglaho ang mga letra. I looked around. Agad akong tumayo at bumalik sa Town. I need to know how to revive Silver as soon as possible.
Kumunot ang noo ko dahil sa ilang players na napansin kong nagpapahinga sa Town. I thought they were already out for their own quests. Agad na lumapit ako sa isang player.
"What are you doing here? What about your quests?" agad na tanong ko sa isa sa kanila. Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa ginagawa nilang pagre-relax sa town. As if they already accepted their fates. I hate it.
"We already quit. It's impossible to finish the game within two weeks. It's also impossible to reach rank 1 within that short period of time," naiiling na sagot ng isa sa kanila.
I sighed in dismay. "No. You need to fight. We will need you on the last set of dungeons. Your level doesn't matter. Just fight until the end," seryosong saad ko sa kanila. I bit my lower lip. I don't have the time to persuade them. Tinawanan lang nila ang mga sinabi ko na tila wala silang pakialam. I gritted my teeth but I kept myself calm.
"Fine! Level up outside the town. You don't need the Lost City or Dragon Island if you don't want to. Do what you can do while you're here," mahinang saad ko sa kanila. Iniwan ko silang nagtataka at hindi ko na sila hinayaan pang magsalita. Nagmamadali na rin ako.
Dumiretso ako sa isang NPC na mapagkakatiwalaan pagdating sa pagbibigay ng impormasyon. I gave him the money he needed.
"There's a huge tree in the middle of the Eastern Forest. A great mage lives there who can make a potion to revive your pet but the price will costs you too much. Why not catch another pet instead?" sagot ng NPC sa tanong ko.
"No. I want my pet back. What does he want?" kunot-noong tanong ko.
"An ancient relic for his staff. His staff is a very beautiful one. There are five small red diamond crystals surrounding the staff and a sapphire gemstone in the middle. You need to find one of the red diamond crystals and gave it to him. It can be found in a Lion's territory on the Western Forest," he said. "If you managed to get the ancient relic, it will not be easy to get to the great mage's territory," he added. He described the monsters, the ancient relic. He even made a map for me to guide my journey.
"Thanks," saad ko. Agad akong pumunta sa market upang bilhin ang mga kailangan ko sa pakikipaglaban. There are too many monsters along the way. I wore my black cloak to hide my name and level. This will also stop the other players from tracking me. Mahirap na dahil baka maisipan pa nila akong kalabanin.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. I checked the map and go out of the Town. I go straight to the Western forest. It seems that the monsters on this part already evolved. Tumatalon at nagtatago ako sa mga puno. Malalaking black-haired gorilla na may mapupulang mata at mahahabang kuko ang unang bumungad sa daan ko. Napakalaki nila. I bit my lower lip and prepared myself while jumping from trees to trees. Magagaan lang ang mga yabag ko upang hindi nila mapansin ang presensiya ko.
Napasinghap ako nang may isang gorilla na tumalon mula sa likod. The gorilla kicked my back. Dahil sa malakas na puwersa ng sipa nito, lumipad ako patungo sa isang puno at tumama ang katawan ko roon. I noticed the metallic taste of blood on my mouth. That was fast.
Agad akong tumingin sa gorilla na sumugod sa 'kin. Nanlilisik ang mga mata nito at handa na akong sugurin ng mga matatalim na kuko. Dahan-dahan itong lumapit sa 'kin na tila tinatantiya ang kakayahan ko. Itinutok ko rito ang pana ko. Unti-unting nabuo ang palaso ko na may nakasisilaw na liwanag. Walang pag-aatubili na pinatamaan ko ang ulo nito bago ako nagpatuloy sa pagtakbo. I jumped on the trees. Galit na humabol ito sa 'kin at tumatalon sa mga puno gamit ang malalaking baging.
Patuloy ako sa pagpapa-ulan at pagpapatama ng palaso sa katawan nito. Kahit malaki ang gorilla na ito ay mabilis ang mga kilos nito. Mabilis akong naabutan nito. The gorilla tried to strike me with its long and sharp claws. Mabilis na nagpalit ako ng armas. I used my sword to dodge its claws but it was too strong. Nakalampas ito sa depensa ko at tumama ang matutulis na kuko nito sa braso ko. Mahina akong napadaing sa sakit. Napangiwi ako dahil sa hapdi.
Buong lakas na ibinaon ko ang espada ko sa dibdib nito bilang ganti. Narindi ako dahil sa malakas na ungol nito. Malakas na hinugot ko ang espada na bumaon sa dibdib nito pero dahil sa ginawa ko, malakas na hinampas nito ang katawan ko ng napakalaking bisig nito. I gasped for air as I flew away.
Bahagya akong nahilo nang tumama ang ulo ko sa isang puno. Nanghihina na tumayo ako at kumapit sa puno upang tuluyang makatayo. Damn! Inilabas ko ang pana ko at sunud-sunod na nagpaulan ng mga palaso sa gorilla na tumatakbo na patungo sa 'kin. I already hit it with enough arrows. Before it could reach my position, it already disappeared. I sighed heavily as I ran again. I passed the gorilla's territory for almost an hour.
Natigilan ako nang makita ang malalaking centipede sa sunod na bahagi ng kagubatan. According to my map, the Lion's territory was next to this. Pagkatapos nito ay tutuloy na ako sa Eastern Forest. Nakatayo lang ako sa isang sanga ng puno habang nagmamasid.
Natigilan ako nang maramdaman na hindi lang ako nag-iisa. Hindi ko ipinahalata na naramdaman ko ang presensiya niya. Nakasuot din siya ng black cloak kaya masama ang kutob ko sa taong sumusunod sa 'kin. Hinayaan ko muna siya. Hangga't hindi pa siya sumusugod, hindi ko siya lalabanan. Tinahak ko ang daan kung saan kaunti lang ang mga centipede na makakalaban ko.
Mabilis na nagpaulan ako ng palaso sa centipede na humarang sa daan ko. I critically hit its head with Deadly Arrows. The centipede used its poisonous saliva to attack me. I jumped on one of the branches of the tree and continuously hit the centipede. I switched weapons. Tumalon ako at umikot sa hangin bago ko binaon sa ulo nito ang espada ko. Naging malikot ito at maingay dahil sa sakit na dinulot ko rito.
Agad akong tumalon palayo at ipinagpatuloy ang pagtakbo nang maglaho ito sa hangin. Marami pa akong nakaharap na centipede sa daan. Hindi rin ako nakaligtas sa mga atake nila kaya habang tumatakbo ay pinapagaling ko ang sarili ko. Palihim akong sumulyap sa likod ko upang makita ang sumusunod sa 'kin. Nagtataka ako kung bakit hindi pa siya sumusugod kahit dehado na ako sa mga laban ko kanina.
Natigilan ako dahil sa sunod na bahagi. There are too many lions on the next layer. Mabilis nilang napansin ang presensiya ko. Nakatingala silang lahat sa 'kin na parang naghihintay na mahulog ang pagkain nila. I tried to search for the safest route. Pinili ko ang may kaunting lions sa paligid. I checked my map. The lion that I'm looking for was living inside a cave. It was guarding the red diamond crystals. Limangdaang metro pa ang layo nito sa kinatatayuan ko.
Nang magsimula ako upang tumakbo, agad na humabol ang ilang lions sa 'kin. Nagulat pa ako sa iba na tumatalon upang maabot ako. Ang ilan ay pinapana ko upang hindi sila magtagumpay sa balak. I was running swiftly as fast as I could. Pero nagulat na lang ako nang mabali ang sanga na tinalunan ko. May tatlong lion na naghihintay sa 'kin sa baba. I used my sword to hit one of them straight in the head. It growled angrily on me when I managed to jump away from them.
Ang iba ay pinana ko nang magtangka silang lumapit. Hinihingal na ako pero hindi ako tumigil sa pag-atake at pag-iwas sa matatalim na pangil nila. Buong lakas na itinarak ko sa bunganga ng isa ang espada ko. Nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa 'min bago ito naglaho. May dalawa pang lion na iniikutan ako. I sighed heavily. I received a message from Ice and a call from Sky but I ignored them. Inilabas kong muli ang pana ko. I alternately attacked them. One of them managed to bite my shoulder. Gigil na gigil ito kaya napasigaw ako. I managed to switch my weapons. I used my sword to strike its body. Malakas na umungol ito kaya nakawala ako. I gave it some deadly slash and sword techniques before it disappeared. Ang isa naman ay tumatakbo na patungo sa 'kin.
Sunud-sunod na tumama ang palaso ko sa ulo nito. I managed to run while firing some deadly arrows on the lion. Naglaho rin ito sa hangin. Duguan na ang katawan at kasuotan ko. Hinihingal ako pero ipinagpatuloy ko ang pagtakbo. Ilang lions pa ang tinalo ko bago ko narating ang pakay ko. The cave was huge and dark. My eyes adjusted to it.
May nakita akong mga ginto na nagkalat sa paligid kaya medyo nagbigay ito ng liwanag sa daan ko. Wala ng humabol na lion sa 'kin. I sighed in relief but I stayed alert. Hinawakan ko nang mahigpit ang pana ko. Sa gitna ng kweba ay may isang natutulog na lion. Sa likod nito, makikita ang pakay ko. The red diamond crystal was blinking in the dark and was truly beautiful and elegant.
The lion growled to warn me not to move closer anymore. Bumangon na ito at masama ang tingin na ipinukol sa 'kin. Mas malaki ito sa ibang kinalaban ko. Mas mahahaba at matatalim ang mga kuko nito sa paa. Mas malalaki ang mga pangil nito at matutulis. Maiitim ang mga mata nito. It's fur was golden and beautiful.
Nang subukan kong gumalaw ng isa pang hakbang ay agad itong tumakbo patungo sa 'kin. Hindi ko agad naiwasan ang pagdamba nito sa katawan ko. Natumba ako sa lupa habang ang mga kuko sa paa nito ay unti-unting bumabaon sa dibdib ko. I gasped for air. It growled angrily on my face and it seems that the lion knows what I wanted. Napangiwi ako dahil sa dugo na lumabas sa dibdib ko.
Inilabas ko ang espada ko. Buong lakas na ibinaon ko ang espada sa tiyan nito. Malakas na umungol ito at napaurong kaya nahugot ang espada ko. Agad akong tumayo sapo ang duguan at nananakit kong dibdib. I healed myself but I know it will take time to heal completely. I went back to my fighting stance. Galit na muli akong dinamba nito. Bumaon ang pangil nito sa balikat ko. Ginamit ko ang isang kamay ko upang saksakin ang tagiliran nito. Muli itong napaurong.
Mabilis na nagpakawala akong ng mga palaso pero mabilis din ang lion na kaharap ko. Lumundag ito at handa na niyang sakmalin ang ulo ko pero mabilis ang pagkilos ko. Agad kong ipinakain sa nakabuka niyang bibig ang espada ko. I released an arrow inside his body. Sumabog ang loob ng katawan niya pero nakagalaw pa rin siya. Pilit pa rin siyang tumatayo upang lumaban. Agad kong kinuha ang espada ko at itinarak ito sa ulo niya. Pilit kong hinati ang katawan niya sa dalawang bahagi. Nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa buong paligid.
Agad akong lumapit sa pakay ko at inilagay ito sa storage ko. Pinagaling ko ang sarili ko habang tumatakbo patungo sa Eastern Forest. Naramdaman ko na naman ang presensiya ng taong sumusunod sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang hinihintay niya. Kumunot ang noo ko dahil sa pag-iisip kung ano ang pakay niya. Hindi kaya ito ang nakalaban namin kagabi? If yes, then he was after my level.
Marami pa akong nakalaban sa daan. Mula sa 'di kalayuan ay natatanaw ko na ang napakalaking puno na tinutukoy ng NPC. Marami itong sanga at nakikita ko ang isang bahay sa pinakagitna nito.
Natigilan ako nang sumabog ang isang sanga na tinapakan ko kanina. Mabuti na lang, nakatalon agad ako sa kabilang sanga. I stopped on my tracks when I saw the remnants of fire and ashes. Mariing humawak ako sa puno na kinatatayuan ko. Tiningnan ko ang taong nasa 'di kalayuan. I already have an idea on who he was. Dahan-dahan niyang inalis ang hood niya. His red hair and gorgeous face was still stunning. Diretsong tumingin siya sa 'kin at mariin niyang hinawakan ang staff niya.
"Fire..." mahinang tawag ko sa pangalan niya.
"I want the red diamond crystals," he said. Hindi ko alam kung kinokontrol ba siya sa mga oras na ito. I can't tell now. His movements improved. Hindi na siya tulala katulad noong unang beses na kinontrol siya. I wondered if the organization enhanced their microchips again or what. I just don't have any idea.
"What should I do?" I whispered in the air, hoping that the answers will show up in front of me.
---------------------------------
TO BE CONTINUED...
Hindi ako makapagsulat nang maayos dahil sa makukulit kong pinsan -_- Minsan gusto ko ng magkulong sa kwarto para matapos na to hahaha. Anyways, thanks s pagbbasa. I hope to hear some comments from you.. Take care always.. <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com