Chapter 44: Time
UNEDITED... TAMAD... ENJOY READING...
DENISE
Pinagmasdan ko siya nang maigi. "Frey, are you still in there?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya ibabalik sa dati. Hindi niya ako sinagot. It seems that he was really under the organization's control.
"Give me the red diamond crystals," he repeated.
"I can't. This one is for Silver," mariing wika ko sa kanya. "Just come back, Fire," I pleaded. And then I noticed his staff. Nasa staff na niya ang apat na red diamond crystals. I gasped. Isa na lang ang kulang upang mabuo ang armas niya. Mariin akong napapikit. I can't give it to him. I know I'm being selfish but I really can't. Paano na si Silver?
But I know Fire. Hindi siya ganito. Hindi niya pipiliting kunin ang bagay na alam niyang kailangan ko kahit kailangan pa niya ito. I know that someone was really controlling him.
"Ice is really worried about you," nag-aalangang saad ko pero wala siyang naging reaksiyon. Nag-iisip ako ng mga tamang sabihin upang ipaalala sa kanya ang lahat. Upang maibalik siya sa katinuan. Kung nasa labas lang ako ng laro, baka may pag-asang masira ko ang microchip at maibalik siya sa dati pero wala akong magawa. I can only ask him to come back to his senses. Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko. I was too weak. I don't know what to do anymore.
May kakaiba akong naramdaman sa mga kamay ko na nakahawak sa puno. Muli kong nakita ang mga letra na lumitaw sa tubig kanina.
TIME, DEI
I gasped. I wonder what my brother was really asking from me. Should I buy him some time? Ano ba ang ginagawa niya?
FIGHT!
Mas lalong humigpit ang paghawak ko sa pana ko. He could see us. He was watching over us. Mabuti na lang at nagtagumpay siya na mapasok ang sistema ng larong ito. Medyo gumaan ang loob ko dahil alam kong ginagabayan niya ako.
Tiningnan ko si Fire. Inalis ko ang black cloak ko upang mas mabilis akong makakilos. "Siguraduhin mo lang na magiging maayos si Fire kung hindi patay ka sa 'kin kapag nakalabas ako rito nang buhay," bulong ko sa hangin. I noticed that the letters changed.
HAHA!
Damn! My brother could hear me! And that boost my confidence. Nabuhayan ako ng loob. I noticed that Fire was now ready to attack me. He was really after the red diamond crystals. I wonder if he wanted to kill me too. Mabilis na umiwas ako sa mga fire techniques niya. I jumped and swung on one of the branches of the trees in order to reach him. Mabilis kong inilabas ang espada ko. I thrust forward to attack him but he dodged it with another weapon. He also switched his weapon into swords. He's a dual wielder too.
"Frey! Wake up now! Alam mong hindi kita gustong kalabanin. Bumalik ka na sa Dark Fortress!" nagmamakaawang saad ko sa kanya. "Kailangan ka namin..." mariing saad ko nang umatake siya. He gave me consecutive strikes and slashes. Napapangiwi ako dahil sa malakas na puwersa na tumatama sa espada ko. Agad akong tumalon pababa ng puno. I released an arrow and hit him.
Mabilis siyang nakatalon pababa upang umiwas. He was fast. Hindi normal ang bilis niya. It seems that he was using a cheat. Ginamit niya ang staff niya upang patamaan ako ng mga bolang apoy. He even surrounded me with circles of fire. Unti-unti itong lumiliit papalapit sa 'kin at nakahandang sunugin ako. I used a shield before I jumped away from it. Nagpakawala ako ng Poisonous Arrows habang tumatakbo at umiiwas sa mga atake niya. He ran after me. I managed to hit him with my Meteor Rain technique. He hit me too with spears of fire. Napangiwi ako dahil sa mga natamo kong paso sa katawan.
Inilabas ko ang espada ko at tumakbo patungo sa kinatatayuan niya. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. But my brother told me to fight. Maybe he had something under his sleeves. I managed to gave him a backhand slash on his side. He hit me with Serpent Fire. Tumalsik ako palayo at napaungol nang tumama ako sa isang puno. Agad kong inilabas ang pana ko kahit nahihirapan na. Itinutok ko sa kanya ang maliwanag na palaso. It was too powerful and too big. My Purification Arrow evolved to a higher level. He was now running towards me. I was calculating his every moves. I faked my moves. He thought that I was going to release my arrow now so he jumped to the left side. I grinned and hit him right there. I caught him off guard and he was hit by my arrow.
Tumalsik siya palayo at pahigang bumagsak sa lupa. He was now stunned. Inilabas ko ang espada ko. Umupo ako sa tiyan niya. Handa na akong itarak sa ulo niya ang espadang hawak ko habang naluluha. Pikit-mata at buong lakas na itinarak ko ang espada ko sa ulo niya at impit na napasigaw dahil sa ginawa ko.
Hindi ko na napigilan ang pagluha nang imulat ko ang mga mata ko. Fire smiled weakly at me. Hindi ko nagawa ang balak ko. I missed. Sa lupa bumaon ang espada ko. Nagkaroon ng maliit na hiwa sa pisngi niya. My heart was beating so fast just like his heart.
"Frey naman! Bumalik ka na!" naiiyak na saad ko habang nanghihinang sinusuntok ko ang dibdib niya. My heart was breaking because what's happening to all of us. Nanghihinang tumawa siya kaya naluluhang tiningnan ko siya. Sinusuri ko kung maayos na ba siya talaga. Nawala na ang bisa ng Purification Arrow ko pagkalipas ng ilang minuto. Agad kong hinawakan ang espada ko.
"I think, I'm fine now," mahinang saad niya sa 'kin. He smiled weakly. Nagdududang tiningnan ko siya. Binunot ko sa lupa ang espada ko at itinutok sa leeg niya. Ayokong magpaloko.
"Paano ako makasisiguro na bumalik ka na talaga sa dati? Baka pansamantala lang 'yan," nagdududang saad ko.
"I don't know. Right now, I'm thinking clearly. Hindi ko alam kung pansamantala lang ba 'to," mahinang sagot niya. I sighed heavily. Napansin ko ang mga letra na nabuo sa lupa, sa gilid ng ulo niya.
ALL GOOD NOW.
I ALREADY DISABLED HIS MICROCHIP
Wala sa sariling pinaglaho ko ang espada ko. Mabilis ding nawala ang mga letra sa lupa. Naiiyak na ngumiti ako kay Fire. I cupped his face. Marahan kong hinaplos ang dugo na kumalat sa pisngi niya. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko sa pisngi niya.
"Seems you're really fine now. Hindi ka na nila makokontrol," I whispered. "Bumalik ka na sa Dark Fortress, please. We need you..." paos na wika ko. I was too happy that he was finally back.
"Paano mo nasabi na hindi na nila ako makokontrol?" takang tanong niya.
"Hmmm. Mahirap ipaliwanag sa loob ng laro. Just trust me," I answered with a smile. I hugged him. "Bumalik ka na, okay?" muli kong sabi sa kanya. He hugged me back and he kissed the hair on my forehead.
"Sure. If you really insist," he joked. Sumimangot ako at naiinis na sinuntok ko ang dibdib niya. "Nakakainis ka talaga," saad ko. Napansin ko ang letra na lumitaw sa lupa.
PLAYGIRL
I blushed. "I'm not!" mahinang saad ko. Kumunot ang noo ni Fire dahil hindi niya nakuha ang sinasabi ko. I rolled my eyes.
SOMEONE'S WATCHING. YOU'RE DEAD, DEI. HAHA.
I CAN'T HELP YOU NOW. BYE.
Jeez. Marami pa akong gustong malaman mula sa kanya pero kumunot ang noo ko at inilibot ko ang paningin sa paligid. Natigilan ako nang makita ko si Sky na nakasandal sa isang puno habang nakahalukipkip. Bigla akong kinabahan dahil sa blankong tingin niya sa 'kin.
"It seems that I'm worried for nothing," seryosong saad niya. Agad akong tumayo. I even helped Fire to stand up. I noticed that our couple level decreased too. I'm guilty. Just a bit guilty. Naglakad na palayo si Sky habang ako ay natitigilan pa rin.
"Habulin mo na," udyok ni Fire.
"B-But..." nag-aalangang saad ko. He chuckled.
"I'm fine now. Kausapin mo na siya. I'll wait here. Pupunta ka sa great mage, 'di ba? I'll help you to get there and then let's go back to our party together," he said with an assuring smile. I sighed heavily and nodded.
"Wait for me. Huwag kang aalis, okay? Baka matagalan ako," nagmamadaling sabi ko sa kanya. Tumakbo ako upang sundan si Sky. Malayo na agad ang narating niya.
"Sky!" tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon.
"Hoy! Sky!" sigaw ko ulit sa kanya. Tumalon na ako sa mga sanga ng puno upang mas mapabilis ang paghabol ko sa kanya. Naiinis ako dahil hindi pa rin siya lumilingon. Hindi niya ako pinapakinggan. "Okay! Break na tayo! Pakakasalan ko si Fire!" naiinis na sigaw ko sa kanya. He stopped on his tracks. Good. At least, binigyan niya ako ng oras upang humabol. Tumalon ako sa lupa at nagmamadaling lumapit sa kanya.
"Sige. Kung 'yan ang gusto mo," mahinang saad niya pero hindi pa rin niya ako hinaharap. Our couple level continued to decrease. Naiinis na hinarap ko siya at tiningnan nang masama.
"Susuko ka na lang dahil sa sinabi ko?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Because it's the right thing to do. Nakita ko kung paano ka nag-alala sa kanya dahil sa mga nangyayari sa kanya. I know that he's important to you. Alam kong mas gusto mo siyang kasama kaysa sa 'kin. And you don't love me. Maybe you love him, instead," mahinang saad niya. Nag-iwas siya ng tingin. He bit his lower lip as if he was really hurting.
"You never asked for my answer. You didn't ask if I love you too or what. And don't compare yourself to Fire because you're both different!" naiinis na saad ko.
"Hindi kita tinatanong dahil nasa loob tayo ng laro. Marami na tayong problema, ayoko ng dagdagan pa ang inaalala mo. I thought that I can still wait until we come out of this game alive. I want you for real. Not just inside this game," he said with frustration. Naguguluhang tumingin siya sa malayo. "I love you for real," he almost whispered. Paos at nahihirapan ang tinig niya. Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko. Napalunok ako. Hindi ko alam kung kaya ko na bang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
"Fire is just a friend. Alam niya 'yon. Bumalik na siya sa dati kaya magiging maayos na ang lahat. Hindi na ako mag-aalala katulad ng dati. I'm just kidding when I told you that I wanted to marry Fire," I said and sighed heavily. "I still want you to be my partner on this game," saad ko at unti-unting humina ang boses ko. "You know... I love the Sky because I'm its ruler," I said. Halos wala ng boses na lumabas sa bibig ko. I even wanted to choke myself to death.
"What did you say?" kunot-noong tanong ni Sky sa 'kin. Halatang hindi niya narinig ang huling sinabi ko.
"Sabi ko, wala. Basta tayo pa rin ang partner sa game," nakasimangot na saad ko. My heart was beating too fast. I'm nervous. Pinaglalaruan ko ang daliri sa kamay ko at napatungo ako. "I need to go to the great mage now. Magkita na lang tayo sa huling dungeon," nakangusong saad ko. Bakit ba nahihirapan akong umamin? Mahal din naman niya ako, 'di ba?
"No. Ano ang huli mong sinabi?" he asked again. Hinawakan niya ang kamay ko at lumapit sa 'kin. He held my chin and guided me to look at him. Kinakabahan ako sa mapanuring tingin niya. As if he was trying to know what I really feel by just looking in my eyes. He was searching for answers. "Please... tell me... I want to know. We don't know what's waiting for us tomorrow or for the next days. I don't want to wonder what you really want to say, forever. What if this is our only chance? Our last chance?" he said as if he was pleading.
Mariin akong pumikit at bumuntong-hininga. Mukhang hindi niya ako paaalisin dito hangga't hindi niya nalalaman ang nararamdaman ko. My heart was beating too fast. Mukhang gusto ng lumabas ng puso ko sa dibdib ko. "I... I love you," mahinang pag-amin ko pero alam kong naririnig niya. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. I covered my face with my hands. I was so embarrassed. Mas lalong bumilis ang tibok ko dahil sa kaba. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang reaksiyon niya. Ayokong makita! Nabalot kami ng nakabibinging katahimikan. Hindi ko na yata kakayanin na tingnan siya.
"Do you mean it?" mahinang tanong niya sa 'kin. "Sino ba ang mahal mo? Si Sky o si Prius?" he asked again. He held my hand gently. Marahan niyang inaalis ang kamay ko sa mukha ko pero hindi ko siya hinahayaan. If only he could see my rolling eyes. Magkaiba pa ba si Sky at Prius?
"Come on, Zeus," natatawang saad niya. "Look at me," he whispered. "Paano ko malalaman na totoo ang sinasabi mo kung hindi ka titingin sa 'kin?" he added. I was so frustrated and embarrassed. I don't know what to do. Wala na akong nagawa kundi ang tingnan siya. My face was still hot.
"I love Sky! I love Prius! I love them both! Okay na ba?" nakasimangot na sabi ko sa kanya. Damn this heart of mine! Pwede namang tumibok pero huwag naman 'yong masyadong mabilis. Baka atakihin ako sa puso!
He chuckled. "Bakit galit ka?" he asked as he wrapped his hands on my waist and pulled me closer.
Ngumuso ako. "Hindi ako galit. Nakakainis kasi. Paulit-ulit na ako tapos pinagtatawanan mo lang ako," I said with frustration. "Hoy! Hindi pa tayo ha! Ligawan mo muna ako pero hindi sa loob ng larong 'to. Sasapakin kita," mataray na dagdag ko pa. Muli siyang tumawa. Naaaliw ang mga mata niya habang nakatitig sa 'kin. Hindi ko tuloy maitago ang pamumula ng mukha ko. Damn!
"Sige po, Ma'am," he said with a big smile. Naiinis na kinurot ko ang magkabilang pisngi niya. He was too happy and that made me more embarrassed. Napangiwi siya dahil sa mariin kong pagpisil sa mukha niya. Doon ko ibinuhos ang lahat ng frustrations ko. Pinigilan na niya ang kamay ko dahil sobrang nasasaktan na siya. I laughed.
"I should go now. Kailangan ko pang buhayin si Silver. I will go with Fire. Hihintayin na lang namin kayo sa huling dungeons," saad ko sa kanya.
"Why not go with me?" nakasimangot na saad niya.
"Jeez. Maraming grupo ang umaasa sa 'yo. And my brother is watching. Maybe he has a plan," mahinang saad ko sa kanya. I looked around to search for some hints. Baka kasi may sinasabi na naman ang kapatid ko. "Where is Regan?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"I left her with my party. Darren? Where is he?" kunot-noong tanong niya.
I shrugged my shoulder. "Nagawa niyang i-disable ang microchip ni Fire," I said. Naglakad ako patungo sa isang puno. "Marami akong tanong sa kanya," saad ko pa.
I smiled when I saw the letters that appeared on the trunk of the tree.
TAPOS NA ANG DRAMA?
"Here..." turo ko at ipinakita ko ito kay Sky. Napailing si Sky dahil sa nakita at mahinang tumawa. He was amazed with my brother's cleverness. Kahit ako ay namamangha na nagtagumpay si Kuya Darren na pasukin ang system ng larong ito.
"Lahat ba ng microchips ay na-disable na?" mahinang tanong ko.
NO. I DON'T HAVE THE TIME.
I ONLY CHOOSE FROM YOUR ALLIES.
I CAN'T ACCESS THE DATABASE FOR TOO LONG
MAKAKAHALATA SILA KAPAG BINAGO KO LAHAT
"Pero tiyak na mahahalata na nila kapag napansin nilang hindi na nila nakokontrol ang iba," komento ni Sky. Agad ding naglalaho ang mga letra.
"What about our body outside?" tanong ko sa kanila. A very small screen appeared from the tree trunk. Sapat lang upang makita namin. May mga staff na pumapasok at lumalabas sa mga silid namin. It seems that they were monitoring us.
DEXTROSE AND SOME MEDICAL EQUIPMENTS ARE INSIDE YOUR ROOMS
THEY CAN'T LET YOU DIE UNTIL THE EXPERIMENT IS OVER
Naglaho na ang screen at ang mga letra. Nagkatinginan kami ni Sky. "What's the plan now?" tanong ko. Muli akong tumingin sa katawan ng puno.
DO WHAT THEY WANT. PLAY THE GAME.
I'M TRYING TO ACCESS THE WHOLE SYSTEM.
SIV GAVE THE WRONG DATA.
SEEMS LIKE HE KNOWS SOMETHING.
HE'S NOT AN ALLY.
I gasped. That's the reason why he didn't want to ask for Siv's help anymore. Ang masaklap pa, baka si Siv ang kumukontrol sa mga players. Tumayo ako nang tuwid at tiningnan si Sky.
"Let's move. Time is running," mahinang saad ko sa kanya. I was a little worried but I hope everything will end well. I was just glad that my brother was looking after us.
"Take care. Let me know once you reached the dungeons," he said. I nodded. He kissed me in the forehead. I hugged him tightly before we parted ways. I ran back to where Fire was. He was waiting for me. I noticed that he was chatting with Ice and Queen.
"Kamusta sila?" tanong ko sa kanila.
"Mukhang nahihirapan si Ice na mamuno pero nasa Dragon Island na sila. Nasa Dragon Island na rin sina Queen," he answered. Tumayo na siya. "I can't accompany you to the great mage's house so I'll wait outside," mahinang saad niya.
"Saan mo nakuha ang mga red diamond crystals?" tanong ko sa kanya.
"On some of the quests. Some NPCs gave me the information about the ancient relics. Mas magiging malakas ang armas ko kung makukuha ko ang mga ito," he answered. "But don't get me wrong. I really don't want to take it from you," he said.
"What if the mage ask for all the red diamond crystals?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Then give it to him," he said with a smile. I sighed heavily. "Stay away from the great mage. Hindi ko alam kung paano siya mag-isip," mahinang saad ko.
He nodded. Tumalon kami sa mga sanga ng puno. Hindi na namin alintana ang gabi at araw. Marami na rin kaming nakaharap na halimaw sa daan bago kami nakarating sa napakalaking puno. Katulad ng napag-usapan, nagmamasid lang sa malayo si Fire.
Awtomatikong bumukas ang pinto nang tumapak ako sa hagdan patungo sa bahay sa gitna ng puno. Malalim na humugot ako ng hininga bago nagpatuloy. Maraming halamang gamot sa loob ng bahay ng Great Mage. He looked at me. At sa unang tingin pa lang, mukhang alam na niya agad ang pakay ko.
"You're the first player who came here. It seems that you already have the thing I want," he said. Matanda na ito. Napansin ko ang hawak niyang staff. Wala na ang mga crystal sa staff niya. Tanging ang gemstone na lang ang natitira.
"I want to revive my pet and only you can do that," mahinang saad ko. Sumenyas siya sa 'kin upang pumasok ako sa loob ng bahay. I obliged.
"It seems that your friend outside keeps it all. The red diamond crystal," he said. He started to used his mortar and pestle to pulverize the black leaf. Napalunok ako.
"I have one of it. I'll give it to you," nag-aalangang saad ko. Nagsimula na ang Great Mage na paghalu-haluin ang mga sangkap sa ginagawa niyang potion.
"What if I tell you that I want all the crystals?" he asked. Mapanuring tumingin siya sa 'kin. Umiling ako. "I can't give it to you even when he wants to do otherwise. I can't ask him for something he worked hard for. It's his," mahinang saad ko.
"Even when you can't revive your pet?" he asked. Nahihirapang tumango ako. May iba pa sigurong paraan upang buhayin si Silver pero hindi ko maaaring isakripisyo ang pinaghirapan ni Fire.
"Where is your pet's heart and the red diamond crystal?" he asked. I gave it to him. He started to chant spells. I watched him as he poured the potion he made on the blue crystal. I waited for an hour until he completes the spell. Nabalot ng nakasisilaw na liwanag ang crystal and then a blue icy fox came out from it. He suddenly changed into human form. Naghikab pa siya na parang kagigising lang mula sa pagtulog. Napangiti ako at nangilid ang luha ko. I'm glad Silver was finally back. Agad ko siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit dahil sa tuwa.
Umungol si Silver dahil sa pagpoprotesta. "Thanks," nakangiting wika ko sa Great Mage. Ngumiti sa 'kin ang Great Mage. Nagtaka pa ako nang ibalik sa 'kin ng Great Mage ang red diamond crystal.
"Give it to your friend. He will need this more than I will," he said. Kumunot ang noo ko pero tinanggap ko iyon. Nagtataka ako kung bakit niya ito ibinigay sa 'min. There must be a quest to obtain that item but he willingly gave it to us. I wonder if my brother changed some of the game's program. This was suspicious.
"Thanks. He will be happy when he receive this," masayang saad ko. Nagrereklamong kumalas sa yakap ko si Silver at humalukipkip. "Who killed me? I will make him pay," nakasimangot na saad niya. I laughed. Paano kaya kung malaman niya na si Fire ang pumatay sa kanya? Napailing ako. Hindi ko na lang siguro sasabihin.
"It's already over, Silver. Just forget about it. What's important is that you're now back to life. Let's now head to the last set of dungeons," nakangising saad ko sa kanya. Nagmamadaling umalis na kami. Nagulat si Fire nang ibigay ko sa kanya ang red diamond crystal.
"Paano mo nakuha 'to?" takang tanong niya. Buo na ang mga crystals sa staff niya. It was glowing brightly now.
"Ibinigay ng Great Mage. Hindi ko alam kung bakit," sagot ko sa kanya. "Bilisan na natin. Magpa-level up na lang tayo habang papunta roon. Let's avoid the dungeons. Marami namang halimaw sa daan na pwede nating kalabanin," saad ko sa kanila. He nodded. Sumabay sa pagtakbo namin si Silver.
Ilang araw rin kaming naglakbay bago nakarating sa huling dungeons. Dumating din sina Ice. I smiled when I noticed that they increased their level significantly. Sunod na dumating ang grupo nina Sky.
--------------------------------
TO BE CONTINUED...
Hmmm... I guess last chapter na ang sunod. One or Two chapters left. Haha. I skipped some scenes.. Tamad kasi hahaha. Excited na akong matapos 'to. Busy ako ng dec 29 to jan 1. Baka January 3 ang next update. Pero sana mas maaga akong makapag-update. Thanks sa pagbabasa, votes and comments. Lovelots.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com