Chapter 46: Game Master
UNEDITED... ENJOY READING... LOVELOTS
DENISE
We already passed through the sixth dungeon. Nanghihinayang ako sa mga nawala naming kasamahan. Tiyak na nasa Resurrection Hall na sila ngayon. Hindi ko alam kung makababalik pa silang lahat sa huling stage ng larong ito. Wala ng oras. Tiyak na panghihinaan na sila ng loob. Imposibleng makakahabol pa sila. Nanghihinang umupo ako sa harap ng huling dungeon.
Nakatitig lang ako sa kawalan. Hindi pa nagpaparamdam ulit si Kuya Darren. Hindi ko tuloy alam kung ano na ang gagawin. Hindi ko alam kung may pag-asa ba talaga na makalabas kami rito. May nahanap na kaya siyang paraan upang makalabas kami rito? Tumabi sa 'kin si Fire. He tended to my wounds with care.
"I'm sorry. Ito lang ang magagawa ko para sa 'yo," mahinang sabi ni Fire. Naghihintay kami sa pagdating ng iba pang grupo. Gusto ko ng makita si Sky para humugot ng lakas ng loob mula sa kanya. Mabuti na lang nandito si Fire sa tabi ko. Mahina akong tumawa dahil sa sinabi niya. Ramdam na ramdam sa boses ko ang pagod at panghihina. "Jeez. You don't have to say sorry," mahinang saad ko.
He smiled. "This is the last dungeon. Sana matapos na natin ang laban na ito. Sana makalabas na tayo," mahinang sabi niya.
I smiled a bit. "We will. We must," mahinang saad ko.
Tumango siya. Ilang minuto siyang natahimik na tila nag-aalinlangan kung magsasalita. "Denise..." mahina at nag-aalangang saad niya. Nagtatakang tumingin ako sa kanya dahil sa pagtawag niya sa totoong pangalan ko. Malalim na bumuntong-hininga siya na tila handa na siyang sabihin ang gusto niya. "I want to tell you this. Alam kong hindi ito ang oras para sa mga drama ko. But I want you to know that I'm happy to meet you. I'm grateful to play this game with you. You've been a good friend for me and Faye," he said with a smile but then he sighed heavily. Tiningnan niya ako nang matiim. He looked at me with admiration and I suddenly feel nervous. "That's also the reason why I never assessed my feelings for you. I never ask myself on what I really feel about you. We're good friends and I don't want that to end. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam. Hanggang ngayon, natatakot pa rin akong alamin dahil ayokong may masira sa pagkakaibigan natin. But now, you already have Prius so I don't need to know. You will always be my friend and I will always be there to help you," he said with a coy smile. I gaped. I was dumbfounded. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya dahil sa magulong pag-amin niya. I was not even sure if this was really a confession. Maybe.
He smiled a bit. Hindi niya inaalis ang pagtitig niya sa mga mata ko. "Maybe I really do love you and I can't just admit that. But don't worry. I'm not asking for anything in return. Whatever may happen inside this game, it's my choice. I'm just worried for you and my sister, Faye. I hope you will both come out of this game alive," seryosong saad niya. "I will do anything to make sure that you will survive. I will always be there at your back to save and support you," he added with determination. Kinabahan ako dahil sa mabigat na salitang binibitiwan niya.
"Frey..." mahina at nag-aalalang saad ko. "Hindi lang ako at si Faye ang makakalabas dito. Lahat tayo makakalabas. Please don't make it sound that you're saying goodbye. You know I love you too as my friend and I'm grateful to play this game with you too. I'm glad you're here because I know I can always count on you," naiiyak na saad ko. It was so hard for me. Ngayon, naguguluhan na rin ako sa totoong nararamdaman niya para sa 'kin. Mariin akong pumikit at humugot ng malalim na hininga. Ginulo niya ang buhok ko at mahinang tumawa.
"Don't think too much. Kung anuman ang nararamdaman ko para sa 'yo, hindi mo kailangang problemahin. I don't regret anything. And I'm happy when you're happy," he said. "I know, it's not easy to let go and say goodbye. Hindi ko rin alam kung bakit sinasabi ko ito. But I hope this is not really goodbye," he chuckled light-heartedly. Naiinis na tiningnan ko siya dahil mukhang handa na siya sa maaaring mangyari.
"Baliw," naiiling na sabi ko sa kanya. Ito lang ang tanging nasabi ko dahil mahirap para sa 'kin na pagaanin ang loob niya. He just smiled and continued to heal me. If only I can love him back, I will. Natahimik na kaming pareho. Hinayaan ko lang siya na gamutin ako. Marahan niyang pinahid ang luha sa gilid ng mata ko at ngumiti sa 'kin. He stood up and tended to her sister's wounds too. Pinanood ko lang siya mula sa malayo. Masaya silang nag-uusap ni Ice. Tinulungan din nila Angel ang iba pang sugatan. Ilang oras ang lumipas bago dumating ang grupo nina Sky. Konti na lang din sila. Pito na lang silang natira. Maging ang grupo nina Zero at Queen ay ganoon din. Kinagat ko ang labi ko dahil kinakabahan ako sa sunod na dungeon. We already decreased significantly.
Tumayo na ako. Nanatili si Silver sa kinauupuan niya. Lumapit ako kina Sky at sa iba pang leaders. "This is the last dungeon. Mukhang pwede na tayong lahat na pumasok sa loob nito. Sabihin na lang ninyo kung handa na kayo," seryosong saad ko. Sa totoo lang, kinakabahan ako pero hindi ko ipinapahalata. Ang ilan sa kanila ay nagpapagaling pa. Hindi ko alam kung sapat pa ang dala nilang items.
"May balita ka ba sa kapatid mo?" Sky whispered on my ear. Umiling ako. Lalo akong kinabahan. Bumuntong-hininga si Sky. "Mukhang nahihirapan siya. Sana may maisip siyang paraan bago mahuli ang lahat," he said with worry. Kahit siya ay kinakabahan na rin sa nangyayari.
"He needs time," mahinang saad ko. He nodded with understanding. Nang maayos at handa na ang mga kasama namin ay pumasok na kami sa loob ng dungeon. Kumakabog ang puso ko dahil sa kaba. Napansin ko ang malaking chimera na naghihintay sa 'min sa gitna ng malawak na dungeon.
The chimera has the heads of the lion, dragon and serpent. Napakalaki ng pakpak, mga ulo at katawan nito nito. Napakahaba ng buntot nito. May dalawang malalaking kamay ang dragon na may mahahaba at matatalim na kuko. Nakita ko ang prinsesa na nakakulong sa isang malaking kulungan at nakabitin sa itaas. She was a very beautiful blonde princess. Kanina lang ay umiiyak siya pero tila nagkaroon siya ng pag-asa nang makita ang pagdating namin. She shouted for help but the chimera roared loudly. Halos mapaurong kami sa malakas na puwersa na nagmula rito. Natahimik ang prinsesa. Tila gustong iparating ng chimera na walang makatatalong kahit sino sa kanya. He was acting like a king.
"Do not waste your energy. Be sure that you will hit the chimera accurately," seryosong saad ni Sky sa 'ming lahat. "Use every items you have to defeat the chimera. Do not die," he added.
I held my bow firmly. Pakiramdam ko namamasa ang kamay ko dahil sa kaba. Ito na ang huling dungeon. Ito na ang pagkakataon namin na makalabas sa larong ito. Hindi dapat ito masayang. Hindi dapat mabalewala lahat ng pinaghirapan namin. Sumenyas si Sky sa lahat upang gumalaw na at palibutan ang chimera. He looked at me with determination. He nodded as if he was telling me that everything will be alright. I bit my lower lip.
"I trust your judgement, Zeus. We will wait for your order once you formulate a strategy," he said.
"No. I need your help too. Let's formulate the strategy together. Hatiin natin ang grupo. Ang isang grupo ay susunod sa 'kin. Ang isa naman ay susunod sa 'yo. I will leave the support on Zero's command," seryosong saad ko. Tiningnan ko si Zero at sumang-ayon naman siya sa balak ko. Siya na ang bahala sa grupong susuporta sa mga players na aatake sa chimera.
"Your group will attack first, Sky. And my group will wait until your cooldown," seryosong saad ko.
"Pero kapag may napansin kang mali sa grupo ko, you're free to give your orders. The spectator has a different and better perspective than the attackers. The attackers are just focus on what is in front of them. They never notice what's happening on the whole battlefield. You will be the eye of this battle," seryosong saad niya.
Tumango ako dahil nakuha ko ang gusto niyang sabihin. "Then, I will need your eyes too," makahulugang saad ko. He smiled a bit with understanding.
Gumalaw na kaming lahat matapos mahati ang mga grupo. Sky's group started to attack the chimera. Draco moved fast. Mabilis siyang nakarating sa harap ng chimera at tumalon sa ere. He was facing the dragon's head. Mabilis siyang nakipagpalit ng posisyon kay Heather. Heather critically hit the dragon's head with his axe. Hindi nag-aksaya ng panahon si Zeal. Agad niyang pinaulanan ng palaso ang malaking ulo ng ahas.
The dragon released its fire breath. Mabilis na nakipagpalit si Heather kay Draco kaya nagawa ni Draco na iwasan ang atake ng dragon. Ang hindi lang niya inaasahan ay ang biglang pagkagat ng lion sa braso niya. Napasigaw siya nang malakas. Light started to play a destructive music. Sky jumped from behind and hit the lion's head with his lance. Pinakawalan ng lion si Draco. Cember started to heal Draco. Nakahanda naman ang iba pang support upang gamutin ang ibang players na masusugatan. Napaungol ng malakas ang lion at maging ang iba bang ulo nito dahil sa ginawa ni Sky.
Mabilis na gumalaw ang ulo ng ahas at sinakmal ang malapad na balikat ni Sky. I gasped when its sharp teeth pierced through his skin. Agad na nabawasan ang health points ni Sky dahil sa matinding kamandag nito. Napangiwi si Sky at agad hinugot ang lance sa ulo ng Lion. Itinarak naman niya ang lance sa ulo ng ahas. Pinagtulungan siya ng dragon at lion. Natigilan ang mga kasamahan niya dahil sa nangyayari. I heaved a deep sigh.
"Cember, heal Sky," seryosong utos ni Zero.
"Zeal, hit the dragon's head continuously. Draco, attack from behind. Light, your target is the lion's head. Heather, go for the serpent," utos ko habang mahigpit kong hinahawakan ang pana ko dahil sa mariing pagsigaw ni Sky. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Clover, switch places with Heather," dagdag ko. Clover was a female assassin. Sunud-sunod na inatake ni Heather ng palakol niya ang ulo ng serpent. Masyadong malaki ang ulo nito na kaya nitong kumain ng tao. Nakawala si Sky sa kagat nito at agad na tumalon palayo. Mabilis siyang nakipagpalit si Clover kay Heather nang akmang sasakmalin na si Heather ng serpent. Mabilis na umurong si Clover palayo sa serpent pero mabilis ang serpent. Nasakmal nito ang isang braso ni Clover. Malakas na napasigaw si Clover dahil sa sakit. Pilit niyang hinampas ng blades niya ang ulo ng serpent pero hindi siya nito binitawan.
"Zeal, release the Angel Shot," seryosong utos ko. Kinakabahan ako dahil napansin ko na nahuli rin ng buntot ng chimera si Draco. Mabilis na nabawasan ang health points ni Clover. Zeal hit the chimera with Angel Shot and Clover's arms were stuck on the serpent's fangs. Patuloy pa ring nababawasan ang health points niya. Ice helped Clover while the others continuously hit the chimera.
Dahil sa nakabaong pangil ng serpent sa katawan ni Clover, nahihirapan sina Ice na iligtas siya. I was gripping my bow tightly. Halos lahat sila ay umaatake sa serpent. Lumalalim ang paghinga ko. Huli na ang lahat dahil nawala na ang bisa ng Angel Shot ni Zeal. Mabilis na muling sinakmal ng ahas ang katawan ni Clover. Ice tried to attack the serpent with her dual blades but she was stopped by the chimera's tail. Pumulupot sa kamay niya ang buntot nito. She was thrown towards the dragon's direction.
Mabilis na sinakmal ng kamay ng dragon ang leeg ni Ice. Kinagat pa nito ang balikat ni Ice. I gasped. Nagpumiglas si Ice at impit na napasigaw. Hindi ko na nakayanan pa ang manood. Sunud-sunod na palaso ang pinatama ko sa dragon upang bitawan si Ice pero hindi naging sapat ito. Hindi na rin nakatiis pa sina Fire at Zero. Zero ran towards the dragon's head. He hit the dragon's neck with his huge and shiny sword. Napasigaw sa sakit ang dragon pero mas lalo lang nitong sinakal si Ice. Si Fire naman ay nagpaulan ng apoy sa dragon. Nasira na ang formation namin. Si Sky naman ay umatake sa lion dahil kagat-kagat na nito si Draco.
The serpent attacked Zero. Bumaon ang matatalim na pangil nito sa balikat ni Zero. Napasigaw nang malakas si Zero. Hindi na ako makapag-isip pa ng tama lalo na't nakikita ko ang mabilis na pagkaubos ng health points ni Ice. Bumigat ang paghinga ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. I merged with Silver and used my sword. Agad na tumakbo ako patungo sa kanila at tumalon sa ulo ng dragon. I struck the dragon's head with all I got. Umungol ito nang malakas dahil sa sakit. Binitawan na ng serpent si Zero pero ako naman ang inatake nito.
Bumaon ang matatalim at malalaking pangil nito sa tagiliran ko. Lumubog ang nakakalasong pangil nito sa laman ko. Malakas na sumigaw ako dahil sa sakit. Tila namanhid ang katawan ko dahil sa lason na unti-unting kumakalat sa sistema ko. Pinagpapawisan na ang kamay ko na may hawak na espada. Sobrang bilis ng puso ko dahil sa kaba. Napansin ko na lahat ng players ay umatake na. Nawala na kami sa formation. Wala na ring sumusuporta sa mga sugatan. Wala ng reserba. I gathered all my strength. Itinaas ko ang espada ko at ubod lakas na itinarak ito sa mata ng serpent. Matinis na ingay ang umalingawngaw sa paligid. Bahagya akong nakawala. Napansin ko na nagcooldown na si Sky pero nagawa niya akong ilayo sa chimera.
Nang lumingon ako kay Ice, unti-unti na siyang naglalaho sa hangin. Nangilid ang luha ko. Pilit akong kumawala kay Sky pero hindi na ako nakaabot pa. Napansin ko na tumatakbo na si Fire para sa kapatid niya pero huli na ang lahat. Ice already disappeared on thin air.
"Ice!!!!" malakas naming sigaw. I gasped for air. Tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko. Maging si Fire ay natigilan. Nakatitig lang siya sa kawalan. Nagawa ni Zero na umurong at umiwas sa chimera. Naglaho rin si Draco sa hangin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko maikilos ang katawan ko. Galit na kumawala ako sa paghawak sa 'kin ni Sky. Mabilis na tumakbo ako patungo sa chimera. Ang tanging naiisip ko lang ay ang tapusin na ang chimera. Maging si Fire ay galit na sumugod. We attacked the chimera with bows and fires. Mabilis na lumipad ito sa kinaroroonan namin.
"Zeus! Fire! Watch out! Huwag kayong magpadalos-dalos!" nag-aalalang sigaw ni Sky sa 'min. Queen played some destructive sounds to help us. Maging si Zero ay muling sumugod. Sky started to give his orders to other players. Tumalon ako sa hangin at itinarak ang espada sa ulo ng lion. Agad ko itong binunot at inatake naman ang serpent. I was too angry and frustrated. Halos manlabo na rin ang mga mata ko dahil sa hindi maubos na luha sa mga mata ko.
Mahigpit na pumulupot sa katawan ko ang buntot nito. Hindi ako makawala. Muling sinakmal ng ahas ang tagiliran ko. Napasigaw si Silver. I disabled the merge because I don't want him to die again. My body was now covered with thick blood. Naramdaman ko ang mabilis na pagbaba ng health points ko. Naririnig ko ang sigaw ni Sky at ang sunud-sunod na utos niya. The dragon struck me too with its claws. Fire was caught by the lion. Ang ilang players din ay hindi makalapit sa chimera.
Hindi ko maikilos ang katawan ko. Nabitawan ko na rin ang espada ko. "Fuck!" mahinang pagmumura ko. Malakas na napasigaw ako sa sunud-sunod na pag-atake sa 'kin ng dragon at serpent. Hindi nila ako hinahayaang makatakas kahit nagpupumiglas ako. Balak talaga nilang ubusin ang health points ko. Napapapikit at mariing dumadaing sa sakit. Silver was attacking the serpent for me. Sobrang konti na ng health points ko. Anumang oras ay maglalaho na ako. When Sky regained his strength, he immediately came to my aid. Agad niyang ibinaon ang lance sa tagiliran ng ahas. Hindi na ako nagawang makuha ni Sky dahil itinapon naman ako palayo ng dragon at si Sky naman ang inatake nito. Malakas na bumagsak ang walang lakas na katawan ko sa lupa. Hindi na ako makatayo pa. I was covered with blood all over my body. Hindi ko na maimulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko, isang galaw ko na lang ay maglalaho na ako. Hindi ko na iginalaw ang katawan ko. Handa na akong mawala. Naririnig ko na lang ang malakas na sigawan nila.
Ilang minuto lang ay naramdaman ko na may humawak sa kamay ko at unti-unting bumabalik ang lakas ko. Nang magmulat ako nakita ko si Sky at nag-aalalang nakatingin sa 'kin. Duguan na siya at wala na sa kalhati ang health points niya. Napansin ko na isinasalin niya ang lakas niya sa 'kin. It's possible because we're couples. Naririnig ko ang sigaw ng mga kasama ko dahil sa ginagawang pag-atake ng chimera.
"Wala na akong healing potion. Kasya na lang para sa 'yo ang natitira. The chimera are now near its end. Fight. I want you to survive. Don't rush. Pag-isipan mong mabuti ang bawat pag-atake mo. Don't act recklessly when you're angry. Use your head," he said as if he was scolding a child. He sighed heavily before he continued. "You can survive this game. I believe in you. Prove to me that you really deserved to be the first. That you're really the best player," pilit ang ngiti na saad niya. Naiiyak ako dahil sa pagbibigay niya sa 'kin ng lakas niya. He gave me the last healing potion he have too. Hindi ako makapagsalita. Right now, I don't want to be the best. I just want us to survive. May narinig akong malakas na sigaw mula sa likod. He was shouting for Sky to move. Napasinghap ako nang may matatalas na kuko na tumagos sa katawan niya.
"Sky!" malakas na sigaw ko. Hindi na ako nakagalaw dahil kay Silver na biglang tumakbo sa harap ko at hinila ako palayo. "Shit! No!" sigaw ko nang unti-unti siyang maglaho sa hangin. Naninikip ang dibdib ko. Halos lahat kami ay wala ng lakas pero napansin ko na kaunti na lang ang health points ng chimera. Napansin ko na magaling na si Silver. Si Fire naman ay sugatan pero nagawa pa rin niyang tumayo. Ang tanging natitira na lang ay si Fire, Queen, Angel, Light, Rage, Zeal, Zero at ako. Lahat ay magaling sa long range attacks. Malalim akong bumunot ng hininga at mariing pinahid ko ang luha sa mga mata ko.
"Fire, don't come near the chimera. Just heal the wounded. Zeal, attack from afar. Angel, boost my strength. Queen, Rage, Light attack from a distance too. Zero, switch with me. Kaunti na lang ay matatalo na natin ang chimera. Basta huwag tayong magsama-sama sa iisang lugar," matatag na saad ko. Pero nararamdaman na ng katawan ko ang panghihina.
"Kuya Darren? Kung naririnig mo ko, gumawa ka ng paraan!" mahinang saad ko. I merged with Silver. Agad na tumalon ako sa ere, patungo sa chimera na tumatakbo na patungo sa 'kin. Agad kong pinatamaan ng Purification Arrow ang chimera at pansamantalang nabulag ko ito. Zero switched position with me. Agad niyang itinarak ang malaking espada sa pinakagitna ng katawan nito. Queen struck the chimera with all she got. Fire was supporting the wounded now just like what I had told him. Nagulat ako nang atakihin ni Rage si Zero.
Malapit nang matalo ang chimera kaya hindi ko muna pinagtuunan ng pansin si Rage pero inatake ni Zeal si Rage. Sunud-sunod na palaso ang pinatama ko sa chimera. Nagmamadali ako dahil sa ginagawa ni Rage. Angel boosted my strength kaya mas malaki ang impact ng bawat tira ko sa chimera. Zero gritted his teeth because of Rage's attacks but he continued to strike the chimera until it disappeared. Mabilis na nabawasan ang health points ni Zero pero tumalon siya palayo upang iwasan na ang mga tira ni Rage. He healed himself.
"What's your fucking problem?" sigaw ni Zero kay Rage. Ngumisi lang si Rage habang isa-isa kaming pinatamaan ng kidlat. Agad na tumakbo kami upang umiwas sa mga atake niya. Habol ko na ang hininga ko dahil sa pagod.
"What's the meaning of this?" galit na sigaw ko. I was so frustrated and angry.
"Hindi ko kayo hahayaang makalabas dito. You will die inside this game. You will never defeat me. You will be stuck here forever," nakangising saad niya. Kumunot ang noo ko. Mabilis na tumaas ang level niya at ang health points niya.
"What do you mean? Dapat nakalabas na tayo ngayon dahil natalo na ang chimera!" naguguluhang tanong ko. Nag-iingat ang mga kasama ko kay Rage dahil bigla itong lumakas. Tumataas ang level ni Rage at hindi namin alam ang dahilan. Maybe he's using a cheat. Halos lahat kami ay naguguluhan sa nangyayari. Mas mataas na ngayon ang level ni Rage kaysa sa 'min.
"Hindi kayo makalalabas dahil iba ang naka-program sa larong ito. I'm the master of this game. You need to defeat me first before you can come out of this game," nakangising dagdag pa niya. Napasinghap ako dahil sa narinig. Sobrang taas na ng level niya kaya imposible na matalo namin siya ngayon. Doble ang level niya sa level ko. How come that he's the master? Did he mean game master?
"Are you being controlled? Wake up Rage! Fuck!" frustrated na sigaw ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko at kung ano ang iisipin. Gusto ko ng sirain ang larong ito kung pwede lang.
"No. I'm Siv and all of you are under my control. You are my puppets inside this game. I'm the game master," he said with a grin. Napaawang ang labi ko. Natigilan kaming lahat. Nabalot kami ng ilang minutong katahimikan. My mind was processing everything that he said. I gritted my teeth.
"Why are you doing this, Siv? Ano ang mapapala mo?" sigaw ko sa kanya.
"Marami. Fame. Wealth. Recognition. I will be the world's best programmer and gamer," nakakalokong saad niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Siya na yata ang pinakawalang kwentang tao na nakilala ko.
"You're insane!" sigaw ng mga kasama ko.
"Palabasin mo na kami rito!" mariing sigaw ni Queen.
"No. Hindi kayo maaaring makalabas dito dahil mabubunyag ang lahat. Mawawala ang lahat ng pinaghirapan kong makuha," seryosong saad niya. Galit na itinutok ko sa kanya ang palaso ko. Tumawa siya nang malakas.
"Sa tingin mo ba matatalo mo ako sa level mo ngayon? You can't. Lalo na't wala na kayong natitirang lakas upang lumaban," nakakalokong saad niya. He's right but I was too frustrated to give up. I was too angry to let him win so easily.
Gumalaw na rin sina Zero at ang iba ko pang mga kasama. They are now ready to attack Rage. Isa-isa na kaming inatake ni Rage gamit ang kidlat at apoy. Inilabas pa niya ang dual assassin's sword. Natigilan ako dahil natatandaan ko ang mga espada na ito. Kung ganu'n siya ang umatake sa 'min ni Silver. Mas lalo akong nagalit. He deceived us. He even controlled Fire and other players. Rage fought with Zero as their swords clashed. I wondered if my brother can see us. Natakot ako sa biglang pumasok sa utak ko. What if my brother has limited access to the game's system? Paano kung huli na ang lahat bago pa niya tuluyang mapasok ang sistema ng larong ito? Bigla akong natakot. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Makaliligtas pa ba kami?
------------------------
TO BE CONTINUED...
Hinati ko. Masyado kasi talagang mahaba.. wahaha.. baka hindi na makahinga ang readers.. sorry sa wrong grammars at typo.. di ko na binasa kasi di na rin ako makahinga hahaha!
Till next chapter.. May panahon pa kayong manghula sa susunod na mangyayari. Thanks sa pagbbasa, comments at vote. Natutuwa ako sa nababasa kong reaction ninyo hahaha. God bless. Till next chapter. LAST NA TALAGA UN THEN EPILOGUE NA. Haha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com