Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47: Goodbye

UNEDITED... ENJOY READING...




DENISE




Sunud-sunod na pinatamaan ko ang tagiliran ni Rage habang kinakalaban siya ni Zero. Hindi man lang natitinag si Rage dahil napakahina ng mga tira namin kumpara sa lakas niya. Halos lahat kami ay pagod na. Wala na akong sapat na health at mana replenisher. Maging sina Queen ay ganu'n din. Halatang pinanghihinaan na sila ng loob dahil napakalakas ni Rage.




Biglang inilabas ni Rage ang kanyang staff. He hit Zero on the stomach. Tumalsik palayo si Zero at duguan na dahil sa mga hiwa sa katawan niya. Fire was hitting Rage continuously. Hindi niya tinitigilan si Rage. Hindi ko tuloy alam kung galit siya kay Rage.




Zeal hit Rage with an Angel Shot pero nakatalon si Rage kaya nasayang ang pag-atake niya. Nanghina ako dahil nasayang ang mana energy niya. Rage attacked Zeal while grinning. Nakatakbo si Zeal pero hindi sapat ang bilis niya upang maiwasan ang lahat ng techniques ni Rage. Zeal was pinned to the ground with lightning spears. I gasped when I saw how Zeal's health points decreased significantly. I clenched my fist and hit Rage to stop him from attacking Zeal. Huli na ang lahat dahil naglaho na si Zeal.




Ngumisi sa 'kin si Rage. "There's no hope left for all of you, Zeus. Just stay inside this game and be our guinea pigs. We are planning to control the whole world with this technology. Hindi lang sa larong ito gagamitin ang mga microchips na ginagamit namin sa inyo. You're just our testers," nakakalokong saad niya. Tiningnan ko siya nang masama. I gritted my teeth.




"You're planning to control the whole world? Even the best programmer in this world can't possibly do that! Hindi ninyo magagawa ang gusto ninyo! Itigil mo na ang kahibangan na ito!" napapaos na sigaw ko sa kanya. I was too tired. Muntik ko ng hindi maiwasan ang mga kidlat na umulan sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit may mga gahamang tao na gustong kumontrol sa buong mundo. Ano ba ang mapapala nila? Maybe they are powerful but they can never find true happiness with their greediness! Hindi ko sila maintindihan. Kung pera ang kailangan nila, hindi naman mabibili ng pear ang mga bagay na totoong magpapasaya sa kanila! I will never understand them because our beliefs are different. 





"Zeus is right, Siv! Hindi mo makukuha ang gusto mo. Ang mabuti pa, makipagtulungan ka na lang sa 'min. Labanan natin ang organisasyon. Alam mong walang patutunguhan ang mga ginagawa mo para sa kanila. Ginagamit ka lang nila! Sinisilaw ka lang nila ng pera!" sigaw ni Zero na ngayon ay nakatayo na. Hinihingal niya. Malapit ng maubos ang health points niya. Parang gusto ko ng maiyak dahil sa mga nangyayari sa 'min.





"I don't need your opinions. Hindi ninyo kayang labanan ang organisasyon kung nasa loob kayo ng laro. Kung hinihintay ninyo na iligtas kayo ni Darren, baka mamuti lang ang mga mata ninyo. I already did everything to stop him from accessing the system. Napansin kong may mga nabago sa program kaya nalaman ko na napasok na niya ang sistema ng laro. I already blocked him and remove the glitches," he said confidently.





I gritted my teeth. Kaya pala hindi pa siya nagpaparamdam hanggang ngayon. Kinakabahan na ako. Mukhang wala na yatang pag-asa. Pero hindi! Alam kong hindi kami pababayaan ni Kuya Darren. He always tries to remind me that there's a million ways to solve a problem. Alam kong hindi siya nauubusan. I froze when I heard someone's chuckles. It was a familiar sound. Agad kong inilibot ang paningin sa paligid pero hindi ko siya nakita. I know it was coming from my brother. Tila nabuhayan ako ng loob.





"It only took me two days to break through your walls, Siv," makahulugang wika ni Kuya Darren. Natigilan din si Siv. He gritted his teeth because of annoyance. "Hindi lang ako lumabas para isipin mo na nagtagumpay ka sa ginawa mo. I'm also waiting for you to come out. It's not fair that you are playing outside the game, while Zeus and the others are trapped inside. Kung makakapaglaro sina Zero at Sky sa labas ng game, tiyak na matatalo ka nila sa paggawa ng cheats," he said with a chuckle.





"Damn! Darren, where are you?" Zero asked with frustration. Pero halata sa boses niya na nabuhayan siya ng loob.





"I'm outside the game. Thanks for all the data you sent to me. Mabuti na lang hindi ako umasa sa data na ibibigay ni Siv dahil kung nagkataon, hindi ko malalaman na mali ang mga ibinibigay niya," he answered. Napanganga na lang ako sa naririnig. Kung ganu'n, hindi lang pala si Prius ang tumutulong kay Kuya.




"Hi, Darren. Better, let us out here or else I'm going to tell my sister that you almost killed me," nakasimangot na saad ni Queen. Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil pakiramdam ko, ako lang ang walang alam sa mga nangyayari.




"Mari, your sister is already on her way to get all of you. She's already nagging me like hell. I can't focus," my brother said with a chuckle. "But for now, hindi ko kayo mailalabas hangga't hindi ninyo natatalo si Rage. Totoo ang sinabi niya na kailangan muna siyang matalo bago kayo makalabas. I only have limited access because I only got few data. Maraming pasikot-sikot sa larong ito. Hindi ito kayang pag-aralan sa loob lang ng isa o dalawang buwan. Maybe a year is not enough. Ilang taon din bago nila nabuo ang buong sistema ng laro. I mean plus the microchips," he explained.




"So, what do we do now?" tanong ko sa kanya. Isinantabi ko muna ang napakaraming tanong sa utak ko. Hindi ko na naiwasan pa ang Lightning spears ni Rage dahil nagulat ako. Malaking paso sa balikat ang tinamo ko at bumagsak ako sa lupa. Narinig ko ang malakas na ungol ni Silver. Mabilis na nabawasan ang health points ko dahil napakalakas ni Rage. Nalasahan ko pa ang dugo sa bibig ko.




"You really dared to attack my sister?" galit na saad ni Kuya Darren.




"Whatever you're planning to do, you can't defeat me. Alam ko ang pasikot-sikot sa larong ito. I made it myself kaya imposibleng matalo mo ko sa sarili kong laro," nakakalokong saad ni Rage. Pinilit kong tumayo.




"Let's play and see," seryosong saad ni Kuya Darren. Naramdaman ko ang unti-unting paglakas ko. I noticed that my level went up too. Bahagyang tumaas ang level nina Zero at ng mga kasama ko. "I'm sorry. I can only focus on one character. As I told you, I have limited access. I only managed to fully crack Zeus' character," my brother explained. Nadagdagan ang health points ko. Maging ang sa iba kong kasama. "But I can resurrect the others so you can defeat Rage. I can even help the other players to teleport to this last dungeon. I already countered his cheats. Hindi na tataas pa ang level niya," he added. Naririnig ko pa ang maingay at mabilis na pagtipa niya sa keyboard niya.




"Shit!" pagmumura ni Rage.




Napasinghap ako nang makita ko na unti-unting nabubuo ang katawan ng ibang players sa loob ng dungeon. I gasped when I saw Ice and Sky. They smiled at me. Parang gusto kong maiyak dahil sa tuwa. "It seems that I can only do this once. Masyadong mabilis kumilos si Siv, he already blocked my cheat," my brother said and chuckled. Fuck! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga pagbibiro niya. Lahat ng players ay nasa loob na ng dungeon. Maging ang mga pets nila ay nabuhay rin. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o hindi dahil may napansin akong kakaiba. Pero hindi ako nagdalawang-isip na lapitan at yakapin si Sky. He hugged me back. Pero mabilis din akong kumalas ng yakap sa kanya dahil hindi na maganda ang nangyayari.




"If that's what you really want then let's play," Rage said as he gritted his teeth. Napasinghap ako nang biglang namula ang mata ng ibang players. I can't tell if there are hundreds of them. They seems like zombies now. Hindi na sila ang kumukontrol sa sarili nilang pag-iisip.




"Attack the red eyed players," seryosong saad ni Kuya Darren. "Their minds are already corrupted. Their microchips are fully activated now. If I will try to disable all their microchips, it will take me weeks," he added. "For now, I will store some health and mana replenishers on your storages. I will counter all Siv's cheats as much as possible. Don't die because I will not be able to retrieve you again."




Hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon. Hindi man naiintindihan ng ibang players ang mga nangyayari ay lumaban na rin sila. Hindi kasi nila pwedeng iwasan na lang ang mga atake sa kanila nang hindi sila lumalaban. Agad na lumapit ako kay Ice. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong kanya. Maging sina Zero at Fire ay nakalapit na rin sa 'min.




"Sa totoo lang, akala ko, hindi na ako makakalabas sa laro," Ice chuckled. "Nagtaka na lang ako nang bigla akong magteleport dito. It seems that I need a briefing. Wala na ang chimera. Sino na ang kalaban?" pagbibiro niya.




"Rage. He's the game master. Siya rin ang kumukontrol sa mga players. We need to defeat him to get out of this game," seryosong sagot ko. Sumeryoso naman si Ice at tiningnan si Rage. Everything inside this dungeon was chaos. Tiningnan ko si Sky at tumango siya sa 'kin nang marahan. As if he was telling me that we must fight now. Napansin ko naman ang galit sa mga mata ni Ice. Alam kong hindi niya palalampasin na hindi kalabanin si Rage. Tiyak na nag-iisip na siya kung paano gaganti. Bago pa ako makapagsalita upang paalalahanan siya ay naunahan na ako ni Fire.




"Ice, think clearly. Don't let your anger eat you. I don't want you to die again. Be wise," nag-aalalang saad ni Fire. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala kay Ice. At alam ko na hindi na niya hahayaang maulit ang mga nangyari kanina.




Bumuntong-hininga si Ice. Hinawakan naman ni Zero ang balikat ni Ice. "Let's fight together so I can protect you with ease," he said. I noticed how Ice's face reddened. She nodded with understanding.




"Then I will fight with Queen. If I noticed that you can no longer protect my sister, I will come to help," saad ni Fire. Zero nodded. Umalis na si Fire at nagtungo sa kinatatayuan ni Queen.




Tumingin ako kay Sky. Ginulo niya ang buhok ko at matipid na ngumiti. My heart was beating fast both for the game and for him. I just can't explain this feeling. Masyadong magulo. "Zeus, I'll back you up. Are you ready to end this? Let's see how good we are together," he said with a smile. I smiled back and nodded with eagerness. Tinanaw naming pareho ang target namin. Rage was busy attacking other players. Ang ibang players naman ay nakikipaglaban sa kapwa nila players. Our only target now is Rage. Siya ang puno't dulo nito kaya siya ang dapat naming tapusin.




Makalipas ang ilang segundo, mabilis na tumakbo kaming dalawa patungo kay Rage. Napansin ni Rage ang pagkilos namin. Maging sina Ice at Zero ay umatake na rin. Si Fire at Queen naman ay bahagyang lumapit sa 'min upang suportahan kami. Queen supported Zero and Ice while Fire supported me and Sky. Everything was now back to its place. I can already see rays of hope.



Ice jumped from Rage's back. She released her flying dual blades and hit Rage back. Nagtagumpay siya. Galit na hinarap ni Rage si Ice. Rage tried to hit Ice but before he can release his lightning, Zero interfered. Agad na napigilan ng espada ni Zero ang staff ni Rage. Muntik na itong mabitawan ni Rage. Galit na pinatama ni Rage ang Lightning Wave niya kay Zero. Hindi na ito naiwasan ni Zero kaya tumalsik siya palayo.



Naririnig ko sa background ang mga utos ni Kuya Darren sa ibang players. Hinayaan lang niya kaming makipaglaban kay Rage dahil inaasikaso niya ang ibang players. Halos kapantay ko na ang level ni Rage pero mas mataas pa rin ang level niya. Maybe this is the best my brother could do for now. Hindi niya kasi hawak ang buong program ng larong ito.



"You can't defeat me!" sigaw ni Rage at pinaulanan ng kidlat si Ice. Hindi na ito nagawang iwasan ni Ice. She was too overwhelmed by Rage's power and level. Agad na bumagsak siya sa lupa at tumagos sa katawan niya ang mga kidlat ni Rage. I gasped. Agad kong pinatamaan si Rage. I noticed that I acquired some high level techniques too. Isang hugis dragon na palaso ang nabuo sa pana ko. Napansin ito ni Rage at agad na humanda upang umiwas. But Sky attacked him to help me. Nakafocus lang ako kay Rage. Sky was striking him with his lance so Rage's moves are now limited.




Nang masiguro ni Sky na hindi agad makakaiwas si Rage sa tira ko dahil sa dehadong posisyon niya ay saka siya lumayo. Agad ko namang pinakawalan ang palaso ko. Rage was critically hit. Narinig ko ang pagmumura ni Rage dahil sa pasong natamo ng character niya. Tiyak na hindi nasasaktan si Siv dahil nasa labas naman siya ng laro. Hindi ko naririnig ang mga pagdaing niya.




Nagulat ako sa earth magic na biglang umatake sa 'kin mula sa likod ko. I was hit by a wall of earth spears. Tumagos ang mga ito sa katawan ko at napasigaw ako nang malakas. Maging si Silver ay napasigaw nang malakas. Pinilit kong gumalaw at lumayo mula rito. Tiningnan ako ni Sky nang may pag-aalala pero sumenyas ako na maayos lang ako. Hindi ako handa sa ganoong technique ni Rage.




Mula sa likod ay nagawang patamaan ni Ice si Rage ng flying dual blades niya. She attacked him with her Crescent Moon. Parang mga crescent moon ang pinakawalan ni Ice na liwanag na tumama sa katawan ni Rage. Agad na inilabas ni Sky ang staff niya upang atakihin si Rage. He also released an Earth Magic from Rage's behind. He also hit Rage with walls of spears. Maraming earth spears ang bumaon sa katawan ni Rage. Hindi alintana ni Rage ang sakit.



Nagulat ako nang maraming lightning spears ang nabuo mula sa itaas namin. Sakop nito ang buong dungeon.




"He's using another cheat. I need to counter that one. It will take me some time," seryosong saad ni Kuya Darren. Napasinghap na lang ako nang umulan ng kidlat sa buong dungeon. All of us were screaming in pain. Kahit umuulan ng kidlat ay pilit kaming tumayo nina Sky at hindi ito ininda. We continuously hit Rage. We switched positions with each other. We switched weapons. Napansin ko na maraming players ang muling naglaho. Sugatan na kaming lahat pero konti pa lang ang nababawas sa health points ni Rage. I switched position with Sky when he managed to hit Rage with his Lance. Marahas na ibinaon ko sa katawan niya ang espada ko.




Ilang minuto pa bago nawala ang mga lightning ni Rage. My brother managed to disable the cheat. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. We countered Rage with combo attacks. I managed to hit Rage with multiple high level attacks. Naririnig ko ang mariin niyang pagmumura. Tiyak na gumagawa na naman siya ng panibagong cheat dahil bumabagal ang kilos niya.




Napasinghap ako nang biglang ma-disable ang merge namin ni Silver. Maging ang ibang pet ng ibang players ay bigla ring nahiwalay sa mga katawan nila. They transformed to their ultimate form. Silver took his human form. His White long hair was too stunning for his gorgeous face. Kinabahan ako dahil nakatitig lang siya sa 'kin. Nabawasan ang lakas ng skills ko dahil sa pagkawala niya. Regan was also a gorgeous girl wearing her kimono. Ang ibang special pets ay naging tao na may hawak na mga espada at iba't ibang sandata. Silver was using the weapon I bought for him. Kinabahan ako dahil hindi na namin sila kakampi ngayon. Kalaban na sila.




"Hmmm. I can't retrieve them all. I can only suggest that you kill them while I'm working to retrieve some," seryosong saad ni Kuya Darren. I bit my lower lip. Napamahal na rin sa 'kin si Silver. He was staring blankly at me right now. Hindi na ako dapat manghinayang pa. I must accept the fact that he belonged to this world but not my world. I can never have him forever. Kung pagsasabihan niya ako ngayon, tiyak na sasabihin niya na lumaban ako. He doesn't want me to be weak. He's always reminding me that my emotions can ruin my judgements. I want him to be proud of me this time. I will not hesitate to fight him. I will give him a good fight. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. I'm wishing that my brother can save him and be my ally until the end.




Mabilis na tumakbo patungo sa kinatatayuan ko si Silver. Napansin ko ang unti-unting paghaba ng mga kuko niya sa kamay. He was holding his sword tightly. He tried to stab me with his sword but I managed to dodge it with my bow. I switched my bow with my swords. Mabilis at sunud-sunod ang paghampas ng espada niya sa 'kin. Nagagawa ko siyang atakihin sa tagiliran at iba't ibang parte ng katawan. He also managed to damage me with his nonstop deadly swings.




Kalaban ni Sky si Regan. Kalaban naman ni Ice ang malaking Lion pet niya. Fire, Zero and Queen were attacking Rage now. Ang ibang players ay inaatake rin ni Rage kaya pinipigilan siya nina Fire. Sobrang gulo. Marami na ang namatay.




"Mukhang hindi ko na pwedeng pataasin ang health points at skills ninyo. Siv already countered it. But I already countered his cheats to increase his health points too," seryosong saad ni Kuya Darren. "I can't prevent any deaths by now unless I discovered another hole on the program," he added. He was also competing with Rage through a battle of intelligence. Pero hanga ako kay Siv dahil napagsasabay niya ang pagpo-program at paglalaro.




Nagulat ako sa ice spears na pinakawalan ng espada ni Silver. I gasped. Bahagya akong napaurong habang tumutulo ang masaganang duo sa katawan ko. I can also taste the blood on my mouth. The developer of this game was really good and a genius. Nanghihinayang lang ako dahil sinayang ni Siv ang napakagandang talento niya para sa kasakiman niya. He even hit me with flames. Mabilis na nabawasan ang health points ko pero hindi ko na ito pinansin.




Agad akong tumakbo para sugudin si Silver. I hit Silver with my sword on his chest. Mabilis na bumaba ang health points niya. "I'm sorry, Silver. I'm really happy to have you as my pet. I learned too many things from you too. If ever I will play this game again, I will still find you and choose you as my pet. The memories we shared will always stay with me. I will always treasure your memories," emosyonal na saad ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. He fought me too with his swords, ice and fire magic.




Agad akong lumayo sa kanya. Malapit ng maubos ang health points niya. Itinutok ko sa kanya ang palaso ko habang mabilis siyang tumatakbo patungo sa 'kin. I focused to where his heart was. I released a blow. He jumped to the left side but I released another arrow straight to his heart. He gave me a faint smile. Mas lalo akong naluha sa narinig ko mula sa bibig niya.



"Thank you, Zeus. 'Til we meet again," he said before he disappeared.



"Until next time, Silver," mahinang saad ko. Agad kong tiningnan si Rage. Malaki na rin ang nabawas sa health points niya. Sinugod ko siya at inatake ng sunud-sunod na palaso. He was doing some cheats too to attack us but my brother countered and disabled it. Natalo na rin ng iba ang mga pets nila pero malaki na ang nabawas sa mga health points nila. Kaunting pets lang ang nasalba ni Kuya Darren dahil hindi ganu'n kadaling gawin 'yon.




Ilang oras naming inatake si Rage. Ice and Zero was attacking him alternately now. Maging kami ni Sky ay magkasabay na umaatake kay Rage. Ilang oras ang lumipas. Bumaba na ang health points ko. Bumaba na rin ang health points ni Rage. Sa bilang ko ay hindi na lalampas ng isang daan ang natitirang players pero pagod na silang lahat. Hindi na nila kayang gumalaw dahil tiyak na isang tira na lang ni Rage ay mapapatay na sila. Natatakot sila na pag-initan ni Rage at unahing patayin. Nagpasok pa si Rage ng iba't ibang halimaw sa loob ng dungeons bago namin nagawang pababain ang health points niya.




I was now standing away from him. My brother said that Rage was almost near his end. Isang napakalakas na tira na lang mula sa 'kin at matatalo na siya. Inilibot ko ang paningin sa loob ng dungeon. Isa-isa kong tiningnan ang mga kasama ko. Isa-isa na kaming nauubos dahil sa walang humpay na pag-atake ni Rage. Wala talaga siyang balak na palabasin kami sa dungeon. Hindi siya sumusuko kahit mag-isa lang siya. Malapit na ring maubos ang HP ng bawat isa sa 'min. Kulang na sa oras. Hindi na rin makapaglabas ng malalakas na techniques ang ilan sa 'min. Maging si Sky at Zero ay hindi na ganu'n kalakas. Paubos na rin ang mga mana points (MP) naming lahat. Hindi na ito madadagdagan pa ni Kuya Darren dahil na-block na siya ni Rage. Alam kong hindi na sapat ang lakas namin para lumaban pero hindi kami maaaring matalo. Buhay namin ang nakataya rito.



Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Marami pa akong gustong itama. Marami pa akong gustong makilala sa labas ng game na ito. Hindi maaaring magtagumpay ang organisasyon sa masamang binabalak nila. Hindi ako papayag. Pero ano ba ang dapat kong gawin ngayon? Siv was fighting us. Siya ang developer ng larong ito. Hindi ako sigurado kung ano ang sunod niyang gagawin. Siya lang ang nakakaalam ng pasikot-sikot dito.




This is our last chance. Kapag natalo kami rito, wala na kaming babalikan. Hindi na mahalaga kung sino ang pinakamagaling na gamer sa oras na ito. Ngayon, kailangan naming magtulungan para iligtas ang mga buhay namin. Time is running short. No. Time is running out for us. Isang araw na lang ang nalalabi para sa 'min.




May lumabas na gintong palaso sa golden bow ko. Umabot na ito sa maximum level sa tulong ni Kuya Darren. I'm reserving all my energy for this one last critical hit. Hinihintay ko lang ang tamang pagkakataon para tumira. Sa 'kin nakasalalay ang lahat. Umaasa sila na maipapanalo ko ang laban. I'm carrying all their hopes and wills. Hindi ako maaaring sumablay. Lahat nagsakripisyo para sa huling tira na ito. Lahat sila naniniwala sa kakayahan ko. Nakapuwesto na ang arrow sa bow ko. Pumorma na ako. Tinantiya ko ang layo ni Rage mula sa 'kin. Kalkulado ko rin kung saan dapat tumama ang arrow na ikapapanalo namin. Magalaw si Rage kaya nahihirapan ako. Alam kong nababasa niya ang binabalak ko.




I gasped when he suddenly disappear. It's a cheat. His real cheat. Hindi na siya maaari pang gumalaw nang ganu'n kabilis dahil marami na ang nabawas sa Health Points niya. I gritted my teeth with anger. Natauhan ako nang maramdaman ko na lang siya mula sa likod ko. Mapait akong napangiti. It's awful that we didn't realize it before. Beyond this ranking quest is a quest of madness. A quest where we will lose our minds and selves forever.



"Denise!" malakas na sigaw nina Sky, Fire at Ice. "Zeus! Don't dare waste this chance!" sigaw pa ng iba. Halos lahat sila ay umaasa sa 'kin. Bigla akong natauhan. Maging si Kuya Darren ay sumigaw upang gisingin ako. Lahat sila ay pilit na nagbibigay ng lakas sa 'kin sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan ko. I'm their only hope. Mabilis kong itinutok ang pana sa likod ko. Nakatutok na ito ngayon sa puso niya Rage. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na pinakawalan ito. Nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa 'min. Unti-unting naglaho sa hangin ang character ni Rage. Agad na lumapit sa 'kin si Sky. Naiiyak ako sa tuwa nang yakapin ko siya.




"Hindi ko hahayaang makalabas kayo rito!" umalingawngaw ang sigaw ni Siv sa buong paligid. "I will destroy this game together with all of you. This is goodbye. Your consciousness will be stuck inside this game forever until you die!" napasinghap ako.




Maging ang sunud-sunod na pagmumura ni Kuya Darren ay narinig ko. Ngayon ko lang napansin ang pagkataranta sa tinig niya. "Fuck! I can't possibly retrieve all of you at once!" nagpapanic na sigaw niya.



"Save Zeus first, Darren!" sigaw ni Sky.




"Fuck! Save my sister too!" Fire desperately shouted. Narinig ko pa ang malakas na paghampas ni Kuya Darren sa mesa niya. Hindi ko na alam ang sasabihin. I was too tired. Too confused.



"Sky, please. I don't want to be save first. Kung mananatili ka rito, I will stay here too," mahinang saad ko. "Save Fire and Ice! And Queen and Zero! All of them," desperadang sigaw ko sa kapatid ko.




Napansin ko ang unti-unting pagguho ng dungeon. Hindi tumitigil sa pagtulo ang luha sa mga mata ko. Halos lahat ay nagkakagulo na. Halos lahat ay umiiyak na at hindi malaman ang gagawin. Naiiyak na tumingin sa 'kin si Sky. He cupped my face dearly. "Please, Zeus. I want you to survive. No. I don't want you to just survive. I want you to live. I want you to experience how worth it and happy this life is. Please, promise me that whatever may happen you will live. I will always be there for you. Sky will always look after you," nakangiting saad niya. Mas lalong tumulo ang luha ko sa mga mata.



"Don't do this, Sky!" desperadang saad ko. "Please survive! Please live too! Please be with me! I don't want to just look after me. I want you to live with me!"




He sadly smiled at me. He kissed me without hesitation and reservation. "I'm afraid that this is goodbye," he whispered between our kisses. Mas lalo akong naiyak nang maramdaman ko ang unti-unting paglalaho ng katawan ko. Mahigpit at desperadang niyakap ko siya dahil ayokong mahiwalay sa kanya.



"I'm sorry," my brother almost whispered with resignation. Pakiramdam ko humihingi siya ng tawad dahil hindi niya kami maililigtas lahat. Napahagulgol na lang ako nang mas lalo akong yakapin ni Prius. "I love you Denise! I love you Denise! Damn! I love you so much it hurts to stay here without you. If I managed to come out of this game alive, I will not let you go!" Umiiyak ako. "I love you too, Prius. Please survive! Please! I love you! I don't want to say goodbye! This is not goodbye!" Hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Basta naglaho na lang ako sa hangin.


~~~



Maingay na yabag ang narinig ko pero hindi ko maimulat ang mga mata ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Tunog ng ambulansya ang umaalingawngaw sa paligid. Malalakas na putok ng baril at sigaw ng mga tao ang maririnig. Wala na akong lakas upang alamin. Wala na dahil isa lang ang nasa isip ko. Si Prius at ang iba ko pang kasama. Naramdaman ko ang luhang nangilid sa mata ko. Ramdam ko ang mga aparatong ikinakabit sa katawan ko pero wala na talaga akong lakas para gumalaw o lumaban. Mas pinili ko na lang bumalik sa mahimbing na pagtulog. Baka sakaling panaginip lang ang lahat. Baka sakaling hindi totoo ang lahat. Masakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Naramdaman kong may itinurok sa 'kin. Unti-unti akong hinila nito sa pagtulog.


~~~~



I woke up but I felt so tired. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Kahit ang mga daliri ko ay nahihirapan pa akong igalaw. Malabo ang paningin ko sa simula pero unti-unting luminaw. Humantad sa 'kin ang puting kisame at ang nakabibinging katahimikan. Napansin ko ang lalaking agad na lumapit sa 'kin.



"Thank God!" agad niyang saad. I recognized him as my brother. His worried face is visible on his handsome face. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil. He was really happy that I already woke up. Hindi ko rin magawang ngumiti pero masaya ako na nakita ko siya. This means that everything was now over. May mga nurse at doctor na pumasok sa loob ng silid ko. 




Bahagyang lumayo sa 'kin si Kuya at pinanood ang pagsuri sa 'kin ng doctor. Maraming aparato na nakakabit sa katawan at bibig ko. I closed my eyes again because I'm really tired. Hindi ko na napansin na muli pala akong nakatulog.




Ilang araw akong hindi makagalaw. Ilang araw akong hindi makakain at makapagsalita. Hindi ko alam kung ilang linggo akong nakahiga sa kama bago ako nakapagsalita. Tinutulungan ako ng mga nurse upang maigalaw ko nang maayos ang katawan ko. Mabuti na lang mabilis akong naka-recover. Marami akong gustong itanong sa kapatid ko. Gusto kong makita sina Prius at ang iba ko pang kaibigan. I need to see them all. Gusto kong malaman kung ligtas ba silang lahat.




Ngayon, tahimik na nakaupo ako sa kama ko habang nakatanaw sa labas ng bintana. Pumasok sa loob ng silid ko si Kuya Darren at may dalang mga bulaklak. He put it on the vase.




"Where are the others?" paos na tanong ko sa kanya.




He sighed heavily. Ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. I'm glad that I already found my voice. Medyo nakabawi na rin ang katawan ko. Ilang treatment at examination na rin ang ginawa sa 'kin upang makasigurado na hindi naapektuhan ang utak ko.




"Your friend, Faye, already recovered. Pero si Frey, he's in coma. Hindi pa alam kung kailan siya magigising. Nandito silang dalawa sa ospital na ito," mahinang saad ng kapatid ko. Bigla akong natigilan at tila may bumara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita pero hindi ko napigilan ang luha na tumulo sa mga mata ko. Naninikip ang dibdib ko.



"Si Axel at Mari ay dinala sa ibang ospital. They are now recovering. Wala akong balita sa ibang players pero may nag-aasikaso na sa kanila." Muli siyang huminga nang malalim na parang nahihirapan. "About the organization, they are now in jail. May mga kasong nakahain sa kanila pero matibay ang ebidensiya. Sorry dahil nadamay pa kayo rito. Those microchips, hindi lang nila gagamitin sa mga head gears kundi sa iba pang gadgets. They're planning to control everyone. There's no exception. Ginamit lang nila ang laro upang malaman kung gumagana ang mga microchips. That's why they need some testers," he explained.  




I don't want to hear those explanations right now. May isang tao pa na hindi niya binabanggit sa 'kin. Ilang minuto lang akong umiiyak bago ko muling nahanap ang boses ko.




"Where's Prius?" tanong ko sa kanya. I was secretly praying that he was well. Tumingin sa malayo si Kuya Darren. He was staring outside the window. He bit his lower lip for minutes. Nahihirapan din ako dahil sa ikinikilos niya. I was holding my breath while waiting for his answer. He released a heavy sigh.




"He's in critical condition too. Inilipat siya sa ibang ospital sa ibang bansa noong isang araw lang. Hindi ko alam kung saan. Hindi pa rin siya nagigising katulad ni Frey. According to the doctor there's a possibility that he might... die..." mahinang sagot niya. Mas lalo akong naluha.




Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Narinig ko na lang ang paghikbi ko. I covered my face with my hands. I was crying hard. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tanging pag-iyak lang ang magagawa ko ngayon at ang paghiling na sana magising na siya. Lumapit sa 'kin si Kuya Darren at inalo ako. Niyakap niya ako nang mahigpit na tila sinasabing alam niya ang nararamdaman ko. Sa totoo lang, gusto ko siyang sigawan dahil sa mga nangyari. Gusto ko siyang sisihin pero hindi ko na magawa dahil pagod na ako. At alam ko naman na hindi rin niya inaasahan at ginusto ito. Hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko. I was worried for Frey and Prius.




How did we end up like this? Mahigpit kong niyakap si Kuya Darren. Hindi siya nagsasalita. He was not telling me that everything is going to be alright. Hindi ko alam kung handa na ba siya o kung tanggap na ba niya ang lahat.




"I'm sorry. Before the game was over, their consciousness were trapped inside the game. That time, it's already too late for me to save them and bring them out. The organization already destroyed the system before I can save them. But I tried my best to do that. I tried to recover the system's data. Hindi ko lang alam kung nagtagumpay ako. I'm sorry," mahinang wika niya. I cried harder. Ilang oras kami sa ganoong posisyon bago ako kumalas sa yakap niya.




"I want to see Frey now," mahinang saad ko. He nodded with understanding. Inalalayan niya akong tumayo. Naglakad kami patungo sa dulo ng hallway kung nasaan ang silid ni Frey. Natanaw ko pa si Faye na nakatayo sa labas ng silid ng kapatid niya. She was crying. Nakatakip ang kamay niya sa bibig niya habang umiiyak. Muling tumulo ang luha sa mga mata ko. Parang gusto kong bumalik sa silid ko dahil mukhang hindi ko kakayaning pumasok sa silid ni Frey.



Tumigil kami sa harap ni Faye. Luhaang tumingin siya sa 'kin. Hindi na niya napigilan ang sarili at mahigpit akong niyakap. She cried harder.




"Bakit hindi ka pumapasok sa loob?" naiiyak na tanong ko sa kanya.



"I can't. He don't want to see me cry. I don't want to cry inside his room. Mamaya na lang kapag naubos na ang luha ko," she almost whispered. Marahang pinahid ko ang luha ko sa mga mata. Kumalas ako sa yakap niya at pinahid ko ang luha niya.




"Let's go together," pilit ang ngiti na saad ko. Muling tumulo ang luha niya sa mga mata. Halatang hirap na hirap siya na makita ang kapatid niya na nakaratay sa kama. She nodded silently. Nagpaiwan na si Kuya Darren sa labas at hinayaan na kaming pumasok. Lumabas naman ang ama't ina ni Frey upang hayaan kami sa loob.




Umupo ako sa gilid ng kama ni Frey habang umupo naman sa silya si Faye. Nakatakip siya sa bibig niya upang pigilan ang paghikbi niya. Kinagat ko ang labi ko dahil naiiyak na naman ako. I don't want Frey to hear my cries. Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil ito.




"Frey, please... Alam kong naririnig mo ako. We are here waiting for you until you wake up. Faye is here. We love you. Please wake up," mahinang saad ko. Lumapit si Faye at hinawakan din niya ang kamay ni Frey.



"Hindi na ako magiging pasaway basta gumising ka lang. Gumising ka na Frey. Miss na kita. Hindi tuloy kita makulit kasi natutulog ka dito," paos na wika niya. May pumasok na nurse sa loob kaya medyo lumayo kami. Nagulat na lang kami nang mag-ingay ang isang aparato. Agad na tinawagan ng nurse ang doctor. Kinabahan ako dahil pinalabas kami sa loob ng silid. Nagmamadaling pumasok ang doctor at naiiyak na napatitig kami sa monitor. Napansin namin na unti-unting nagiging tuwid ang linya sa monitor. Napaiyak na lang si Ice at niyakap siya ng magulang niya na naiiyak na rin. Mahigpit na niyakap ko si Kuya Darren dahil sa kaba na nararamdaman ko. Iyak ako nang iyak. Ayokong mawala si Frey. Hindi ko na yata kakayanin. Hindi ko na napansin na nawalan na pala ako ng malay dahil sa pagod.


~~~~



After one month, pinayagan na akong lumabas sa ospital at bumalik sa Pilipinas. Kahit mahirap para sa 'kin ay nagawa kong humabol sa enrollment. Wala akong balita kay Prius. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya.



Nakatayo lang ako sa gilid ng kalsada. I was looking at the sky. Lagi kong naaalala si Prius dahil sa langit. I sighed heavily. Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad patungo sa parke. Natigilan ako dahil sa nakita ko. Nakatagilid siya pero kahawig niya si Prius. He was walking towards a car. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob upang tumakbo patungo sa kanya.



Agad kong hinawakan ang pulsuhan niya upang pigilan siya sa paglalakad. "Wait, Prius?" nagba-baka sakaling tanong ko sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba nang lumingon siya sa 'kin. Matipid na ngumiti siya sa 'kin. Kamukha niya si Prius pero mas mature ang itsura niya ngayon. Mas matangkad siya ng kaunti. And I realized that I got the wrong person.




"I'm sorry, it's Prim," he said kindly. Wala sa sarili na binitawan ko siya na tila napaso. Nangilid ang luha ko dahil mali pala ako ng akala.




"Are you my little brother's friend?" he asked with a kind smile. Napaawang ang labi ko dahil sa nalaman. He's Prius' brother? Agad na tumango ako. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon kaya nagtanong agad ako. 



"Nasaan po si Prius? Maayos na ba siya?" tanong ko sa kanya.



"Well... I'm now going to the funeral... Do you want to... come with me?" nag-aalangang tanong niya. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko dahil sa narinig. Hindi ako makapagsalita pero hindi ko rin alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumama sa kanya. Nangingilid ang luha ko habang nagmamaneho ang kapatid ni Prius. Is this really goodbye? Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Marami na ang nawala. Ayokong may dumagdag pa.



---------------------



TO BE CONTINUED...



Last chapter na to. Epilogue na ang next. Sorry sa wrong grammars, spellings and typos. Hindi ko na to binasa. Hindi ko na inedit kasi masakit. Ayokong umiyak. Minadali ko dahil sobrang sakit. Haha. Hindi ko kayang basahin ulit. Pasabi na lang kung saang part may mali para maedit ko.


Hindi ko rin binasa kasi ayokong magbago ang isip ko. This is the most epic battle I have written. Actually mahaba ang laban nila pero sobrang tamad ng kamay ko. Salamat sa lahat ng sumuporta sa story na to. Mahal ko kayong lahat pero wala talagang forever. Haha joke. Salamat talaga. <3



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com