Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: Shot to Kill Tower

Note: UNEDITED. SORRY FOR THE TYPOS. SAKA KO NA LANG, IEEDIT. ANTOK NA EH




DENISE



Iminulat ko ang mga mata ko. Muli akong nag-log in sa Alkia Kingdom. Nasa loob ako ng inupahan naming kwarto at nakahiga sa kama. Kagigising lang din nina Fire at Ice. Bahagya nilang hinimas ang mga ulo nila nang bumangon sila. Halatang hindi pa rin sila nasasanay sa mga katawan nila. Dahan-dahan akong bumangon. I stretched my arms and body when I stood up.



I looked at my own dashboard to know what's happening. Marami na ring nakatengga na quest para sa 'min. Kumunot ang noo ko nang may mapansin akong bago. Two parties were officially formed. The leaders were Sky and Zero. When I refreshed the dashboard, another party was registered, Queen's group. Makalipas ang ilang segundo, sunud-sunod na parties na ang nabuo.



Napansin naman nina Fire at Ice ang tinitingnan ko.



"It's starting," Fire and Ice said in unison. They both grinned. Na-eexcite na rin sila. 



"We should make our own party too," nakangising sabi ko. I started to create our own group. "Do you have any suggestions for our party name?" I asked them.



"Mga Dakilang Alagad ni Ice," Ice suggested and giggled. Fire and I both frowned. Binatukan siya ni Fire. Napailing naman ako at nagsimula ng mag-isip. I'm not good at naming things. Binasa ko ang party name ni Zero. Lethal Alliance. Bloodlust Assaulters ang pangalan ng party ni Sky. The Protectors naman ang kay Queen.



Bigatin ang mga pangalan ng mga party nila.



"How about Dark Fortress?" suhestiyon ni Fire.



"Pwede rin ang Ice Fortress kung ayaw mo ng Mga Dakilang Alagad ni Ice," banat ni Ice na nag-pose pa talaga. She was too cute and sexy while pouting. Mahina kaming tumawa ni Fire sa ginawa niya.



"Sige. Dark Fortress na lang," tumatawang sabi ko lalo na nang sumimangot si Ice na tila na-disappoint pa. Hindi naman siya nagreklamo dahil alam ko naman na nagbibiro lang siya. I entered our party name and created it officially. Ilang segundo lang ang lumipas pero sunud-sunod na request na ang natanggap ko mula sa iba't ibang players. Anim lang ang maximum na pwedeng isali sa isang party. It will be a problem. I accepted Fire and Ice. Tatlo na kami. I gave them the authority to accept party members.



"We need to interview them first. Kayo na ang bahala. You know what to do," sabi ko sa kanila. They nodded. I edited the description of our party. Isinulat ko roon na magkakaroon ng interview mamayang alas-diyes ng gabi sa may ilog, malapit sa ilalim ng batong tulay na nasa loob lang ng town. Alam ko rin na may alam na sina Fire at Ice sa ilang participants kaya ibinibigay ko sa kanila ang awtoridad para sa pagpili.



Ice grinned. "I have an idea. Maybe it's more exciting if they will have a one-on-one fight inside the duel arena after they passed the interview," she said. I agreed with her. I grinned. That will be interesting. 



"Do what you want," I said. Pwedeng manood sa loob ng duel arena pero kailangan naming magbayad ng gold coins para makapasok sa loob. Pero ina-announce naman sa buong town kung sino ang panalo kapag natapos ang isang match. Mas maganda pa rin kung mapapanood namin ang mga laban nila para malaman namin kung gaano sila kalakas. I need to know if they could really help us. 



"Nag-iisip ka rin pala Ice!" pang-aasar ni Fire sa kanya kaya tumawa ako. Baliw lang talaga si Ice minsan pero matalino talaga siya pagdating sa mga ganitong bagay. But sometimes, she just wants to play around. Hindi ko tuloy matukoy kung kailan siya seryoso at kung kailan hindi.



"Sure. Then choose six players for three matches," I said. They nodded. They look excited. Halatang hindi na sila makapaghintay sa mangyayari sa duel arena. I wanted to try it too but maybe next time. "Today, let's just do what we want to level up. I'll take a look inside the Shot to Kill Tower," I excitedly said. There were too many exciting places inside this game. I wanted to visit and try all of them. Sana sapat ang oras ko para mapuntahan ang mga lugar sa game. We only have two months and this was our first day.



"We will try that Tower too," Fire and Ice grinned. 



"Okay. Kapag tayong tatlo ang naging magkakalaban, walang tampuhan kung sino ang mananalo. I won't hold back. I won't hesitate to kill both of you," nakangising sabi ko. Hindi ko sila tinatakot. We were inside the game and we were responsible for our own selves. We were responsible for our wins and defeats. If I hesitate I will surely lose. 



Tumawa sina Ice at Fire. "Huwag mong kalimutan na magaling din kami sa shooting. We really want to fight you. Sana maging ka-batch ka namin sa Shot to Kill Tower," diretsong sabi ni Fire. 



I smiled. "I don't mind if you teamed up to fight me," nang-aasar na sabi ko sa kanila. "I hope to fight you too in that tower. Goodluck to all of us," natatawang sabi ko sa kanila.



"You're overconfident. Wala pang tumatalo sa 'ming dalawa kapag nagtulungan kami sa shooting. Well, we still hadn't tried to fight you yet. Malay mo, matalo mo pala kami," natatawang sabi ni Ice. Alam kong magagaling silang dalawa sa shooting. Hindi ko pa sila nakakalaban dahil madalas kami ang magkakagrupo sa shooting games. Hindi ko pa sila nasusubukan pero alam ko na synchronized at accurate ang mga tira nila. Magkaibang tao sila pero tila konektado ang mga utak nilang dalawa. Saulo na nila ang bawat kilos ng isa't isa. They know how to backed up and protect each other. 



We started to browse our maps. We nodded to each other. Sabay-sabay naming pinindot ang enter button sa Shot to Kill Tower para magkaroon ng mas malaking tsansa na maging magkakalaban kami. Our bodies turned into small particles. We were being teleported inside the Shot to Kill Tower. My heart was bursting with excitement. It was beating so fast. Sabay-sabay kaming naglaho sa loob ng silid namin. 



The next thing I knew, I was inside a very huge room. Sobrang taas ng kisame at sobrang lawak ng silid. As I calculated, an hour is not enough to run inside the whole room. Lahat kami nagulat dahil may hawak na kaming isang itim na baril sa isang kamay. Sampu kami sa loob ng silid at malayo sa isa't isa. Wala sina Fire at Ice sa loob. Napansin ko na open space ang lugar. Walang kahit anong bagay sa loob na pwede naming pagtaguan. Ang tanging depensa lang namin ay ang tumakbo at iwasan ang mga balang pakakawalan ng kalaban namin. 



If a bullet hits us, we will automatically lose. We will be sent inside the Resurrection Hall for an hour. Lahat kami naalerto at kinabahan. I noticed that we only have a maximum of fifteen bullets. Kapag naubos 'yon katapusan na namin. We were all wearing black light clothes. Pansamantalang nawala ang mga armors at weapons namin. I also felt that my body was lighter than before. Mas madaling kumilos at gumalaw.



Shit! Nagmumura na ako sa isip ko dahil isa-isa nang tumira ang mga kalaban ko. Halatang natataranta sila sa pagbaril sa mga kalaban nila. I was calming myself secretly. Hindi ko maaaring sayangin ang mga bala ko. May isang player na sunud-sunod na nagpaputok sa bawat isa sa 'min. I ran as fast as I could to avoid it. Nagtagumpay naman ako. Ikinasa ko ang hawak kong baril habang tumatakbo. The black bullets was shaped like tiny balls. Matitinis ang ingay na ginagawa nito habang tumatama ito sa dingding. 



Nagulat na tumalon ako upang umiwas dahil tumalbog ang mga bala sa dingding at tila maliliit na bolang nagwawala sa loob ng silid. Walang kontrol ang mga bala. Hangga't wala itong tinatamaan, hindi ito mawawala. Hangga't walang nananalo, hindi kami makalalabas sa loob ng Shot to Kill Tower na ito. Mabibilis ang bawat galaw ng mga bala. Nakatuon na ang halos lahat ng pansin namin ngayon sa pag-iwas sa mga bala. Limang bala ang mga ito. Mabuti na lang sobrang lawak ng buong silid kaya hindi kami nahihirapang gumalaw. Ang problema ko ngayon, kailangan kong maunahan ang mga balang iyon bago pa ito may matamaan. Malulugi ako kapag nagkataon. I need to level up. I need to hit them to reach the other floors. Nasa first floor pa lang ako. If I hit all of them, I will automatically reach 9th level of this tower.  Nagtatakbuhan ang halos lahat sa 'min upang umiwas. May gumugulong sa sahig at tumatalon. Some of them was using the wall to jump and doing some sort of exhibitions when necessary.



I firmly held my gun. I started to follow and study the line of travel of each bullets. I calculated their speeds and trajectories in my head. And then I discovered a spot that the bullets can't probably hit within five minutes. I ran over that spot. It was almost in the middle of the room. Alam kong mas madali akong mapupuntirya ng kalaban kapag tumayo ako roon pero kailangan kong gawin. Habang tumatakbo, umiiwas ako sa mga bala at pinag-aaralan ko rin ang kilos ng ilan sa mga kalaban ko. Gusto kong malaman ang bawat galaw nila habang umiiwas sila sa mga bala. Makatutulong iyon para mas madali ko silang mapatumba. Kaunti lang sa kanila ang maingat at nag-aaral sa bawat galaw nila. Hindi pamilyar ang mga players na nasa loob ng silid. Pero hindi na ako nagtataka dahil isang libo kami sa loob ng laro na ito.



Nakarating ako sa safe spot. Lahat ng players ay halos ako ang pinuntirya nang mapansin nila ako sa gitna ng silid. They started to point their guns towards me. I smiled although they were surrounding me. At habang nakatutok ang mga baril nila sa 'kin, tumatakbo rin sila at umiiwas sa mga ligaw na bala. Dahil hindi sila steady sa kinatatayuan, kailangan ko pang kalkulahin ang bawat kilos nila kung saan sila maaaring tumakbo. I need to be careful too. May isa na nagpaputok na sa 'kin ng baril. Bahagya lang akong gumalaw para iwasan ang bala niya. It hit the wall behind me. Alam kong hindi na babalik ang balang ito sa kinaroroonan ko kaya hindi ako naalarma. Sumabay na ito sa mga nagwawalang bala sa loob ng silid. I targeted the most reckless player among them. Tiyak na kung hindi ko gagawin 'yon, mauunahan na ako ng mga ligaw na bala. I have five minutes to shoot them all.



I targeted Chikari. She was panicking on the bullets around her. She's always swiftly jumping to avoid the bullets. She's defenseless when she's in the air. It's harder to move and I know she's not that flexible to do it. Nang tumalon siya sa hangin, agad kong kinuha ang pagkakataon upang barilin siya. Napansin niya ang bala na pinakawalan ko pero huli na ang lahat. Bago pa siya makaiwas, natamaan na siya ng bala ko. She disappeared immediately. My level inside the Shot to Kill Tower rise to level 2. 5 XP were added to my actual level outside the tower.



One down. Napansin ko na may tatlong players na sabay-sabay na tumira at pinaputukan ako. I can't relax kahit nabawasan na kami ng isa. I hit those three bullets with my own bullets. Nagtama ang mga bala namin kaya nag-iba ng direksiyon ang mga balang pinakawalan nila. Hindi na ito patungo sa 'kin. Humalo na ang mga ito sa mga bala sa loob ng silid. Maging ang tatlong bala ko ay humalo sa mga nagwawalang bala sa paligid. But I followed where those bullets are. Hindi pwedeng masayang ang mga bala ko. I could see them. Ang ilan sa mga players ay busy rin sa pagpuntirya sa ibang kalahok.



Ang isang bala ko ay tumama sa pader patungo sa isang player na si Legion. Iniwasan ito ni Legion nang walang kahirap-hirap. Itinutok ko ang baril ko kay Legion. Naalerto naman siya nang mapansin niya ang ginawa ko. He also pointed his gun towards me. I grinned. Pinakawalan ko ang isang bala ko patungo sa kanya. He did the same. Walang kahirap-hirap na iniwasan niya ang bala ko. Maging ako ay gumulong sa sahig. Agad akong humarap sa player na si Gregory habang nakaluhod pa dahil alam kong inaasinta na niya ako mula sa likod ko. I smiled when my level rise to 3. Another 5 XP for my level outside the tower was added.



Hindi alam ni Legion na ang balang pinakawalan ko kanina ay tumama sa isa ko pang bala na nagwawala sa kinaroroonan niya. Bumalik ang bala ko patungo sa kanya pero hindi niya ito napansin dahil sa likod niya nagmula ang bala ko. Lima na lang kami sa loob. Ang ilan ay may natalo na rin. Naglaho ang ilan sa mga ligaw na bala dahil wala na ang players na gumamit sa mga. Labinglima na lang ang natitirang ligaw na bala at hindi na ako sigurado kung alin doon ang bala ko.



Napansin ko na kinabahan si Gregory dahil sa pagtutok ko ng baril sa kanya. Akala niya siguro maiisahan niya ako. May ilang ligaw na bala na patungo sa kinaroroonan ko kaya agad akong tumayo at tumakbo palayo. Nakatutok pa rin ang baril ko kay Gregory. Maging siya ay umiiwas din sa mga bala. May kanya-kanyang target ang bawat isa sa 'min. Napansin ko na dalawa kaming umaasinta kay Gregory. Nasa kabilang dulo si Third at handa na ring magpaputok kay Gregory. Mas malapit siya kay Gregory kaysa sa 'kin. Mauunahan niya ako.



I looked at the uncontrollable bullets inside the room. I need to do something. Agad kong tinira ang isang bala nang mapagplanuhan ang lahat. The bullet I hit rushed towards Third's bullet. Tumama ito sa bala ni Third kaya hindi nagawang tamaan ni Third si Gregory. Samantalang ang bala ko naman ay tumama sa pader at patungo na ngayon sa gilid ni Third. Naalerto si Third dahil napansin niya ang bala ko.



"You're both mine," nakangising sabi ko sa kanilang dalawa. Nagpakawala ako ng isang bala kay Third dahil alam ko kung saan siya tatakbo upang umiwas. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi na siya nakaiwas sa bala ko. Another one was down. Third disappeared. Pinatamaan ko naman ang isang ligaw na bala ko. Both flew towards Gregory and cornered him. Hindi niya alam kung saan siya tatakbo upang umiwas. I ran towards him. I stopped in front of him and pointed my gun on his head. I shot him before he could react. Naging level four na ako.



I looked around the room. Kaunti na lang ang bala sa loob ng silid. Sampu na lang ito. At dalawa na lang kaming natitira. Thunder reached level two. Mukhang may isa pang naka-level two maliban sa kanya. I still have seven bullets left. Apat naman ang naging ligaw na bala. Mukhang dehado ako. He still have eight bullets left. At hindi ko alam kung alin sa mga bala sa paligid ang pagmamay-ari ko kaya kailangan kong iwasan ang mga bala sa abot ng makakaya ko.



He looked at me. I could clearly see his intention to defeat me. Ihinanda ko ang sarili ko. Hinigpitan ko ang paghawak ko sa baril ko. I can't lose. Sayang ang isang oras ko sa resurrection hall. Pakiramdam ko mabagal ang oras sa loob ng larong ito kahit mabilis lang naman kapag nasa labas ng laro. O masyado lang talaga akong nabibilisan kaya nagagahol ako sa oras? I don't know.



He pointed his gun towards me. Pareho kaming umiiwas sa mga bala na tumatama kung saan-saan. We're running on opposite directions. Malapit na rin kaming magkapantay at magkasalubong.



I was panting right now. Nauubos na ang stamina ko dahil sa walang tigil na pagtakbo. Maging siya ay hinihingal na rin. Sabay kaming nagpakawala ng bala sa isa't isa. Iniwasan ko ang tira niya, maging siya ay umiwas din sa bala ko. Kung magiging ganito lang ang laban namin, dehado talaga ako. Mauubos agad ang bala ko at mas mahihirapan akong umiwas sa mga bala na nasa loob ng silid. I ran straight towards him. Dahil hindi niya inaasahan ang ginawa ko, sunud-sunod na bala ang pinakawalan niya sa direksiyon ko. Muntik ko nang hindi maiwasan ang isang bala niya. Mabuti na lang tinamaan ang bala niya ng isang ligaw na bala. Swerte pa rin ako. Umaayon pa rin sa 'kin ang kapalaran. Dahil halos maubos na ang bala niya, nagsimula na akong magpaputok sa direksiyon niya. I shot him straight to his face. Alam kong tatakbo siya sa kanan o kaliwa kaya kaagad kong inasinta at tinira ang kanan at kaliwa niya. Sa kanan siya tumakbo kaya nagulat siya sa bala na malapit nang tumama sa kanya. Tinangka niyang yumuko pero may kasunod na agad na bala ang tira na pinakawalan ko kanina. Hindi na siya nakagalaw pa at tinamaan na siya.



He started to vanish. Maging ako na naiwan ay unti-unti ring naglaho. Siyam na tao agad ang naipadala sa Resurrection Hall. Ngayon ko lang naramdaman na ranking quest talaga ito. Wala silang magagawa sa loob ng isang oras habang nasa loob sila ng Resurrection Hall. May oras naman ako sa pagpapa-level up at mauungusan ko agad sila. This was the easiest way to turn down and defeat other players.



Nang imulat ko ang mga mata, nasa loob na ako ng silid na inupahan ko. Maging sina Fire at Ice ay kasabay ko lang na dumating sa silid. They were smiling big. Dahil bumalik sila, alam kong nanalo silang dalawa.



"Next time, we want to fight you inside the Tower," Fire said. I smiled.



"Sure. It will be exciting. Level 5 na ako. Kayo ba?" sagot ko.



"Same," nakangiting sabi nina Fire and Ice. What a coincidence? Mukhang may pag-asa talaga na makalaban ko sila. 



"Good. Pumunta na tayo ngayon sa labas ng Alkia Town. We need to level up immediately. I want to meet the Boss of the first dungeon soon," nakangiting sabi ko sa kanila. They nodded excitedly. May oras pa kami bago mag-alas diyes ng gabi. Pumunta kami sa main gate ng Alkia Town. Maghihiwa-hiwalay kami upang magpa-level up. We need to defeat monsters outside the town. Mas madali kaming makakakuha ng mas mataas na level. Bumili muna kami ng MP at HP replenishers sa isang NPC stall upang mas tumagal kami sa laban sa labas ng Alkia Town. The outside was not safe for us anymore. Maraming halimaw sa labas ng town na walang awa kung pumatay. As much as possible, gusto naming iwasan ang mamatay sa laban. Isang araw sa loob ng laro ang kailangan naming palipasin kapag napatay kami ng isang halimaw.



"Kapag may problema, tumawag kayo sa 'kin," paalala ko sa kanilang dalawa. 



"Sure. And do the same too. We will back you up," Fire and Ice said. I smiled and nodded. Naghiwa-hiwalay na kami. We also did some quest. We gathered Wild Boars for NPCs and gathered magical feathers from Flying Beasts. We defeated monsters along the way too. We decided to meet on the riverside to meet the players who want to join our party. This game was getting more and more exciting for me. I can't wait for more.



————————————————————————————-


TO BE CONTINUED...



See you at the duel Arena <3 hahahaha! Okay lang ba ang chapter na ito? Saka na ako magpo-focus kina Zero, Queen at Sky. Iexplore muna natin ang Alkia Kingdom... hohoho

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com