Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: Dark Fortress Member Search

UNEDITED. SORRY FOR THE TYPOS. TAMAD PANG MAG-EDIT. MADALING ARAW NA. MAY WORK PA AKO BUKAS HAHAHA!



DENISE



We've been fighting against monsters for almost two hours. Mahirap na talagang magpa-level up kung ang mga monsters lang sa labas ng Alkia ang kakalabanin namin. We really need to defeat dungeon monsters. Level 19 pa lang ako at paubos na ang binili kong MP at HP replenishers. Kailangan ko nang bumalik sa town upang magpahinga at bumili ng items. Nakaupo ako sa isang sanga ng puno sa loob ng kagubatan.



Tapos na rin ako sa mga quest na natanggap ko. Kanina pa akong pabalik-balik sa town para lang makuha ko ang rewards sa mga NPCs na nagbigay ng misyon sa 'kin. Bukas na ulit ako makatatanggap ng mga mission requests. Party quest na lang ang natitira. At isa sa mga quest na 'yon ang pagtalo sa isang dungeon boss. Kailangan na talaga naming bumuo ng isang party para makapagsimula na kami. I checked the time on my dashboard. Kailangan ko nang bumalik dahil ilang minuto na lang at mag-aalas diyes na. Tumalon ako upang bumaba sa puno. My feet landed swiftly on the ground. Unti-unti na akong nasasanay sa ginagamit kong katawan.



I contacted Fire and Ice while walking towards the main gates of Alkia Town. "Nasa labas pa ako ng Alkia Town. We will regroup in the riverside. Tiyak na naghihintay na ang mga players na interesado sa party natin," seryosong saad ko sa kanila.



"Kadarating lang namin sa riverside. Sobrang dami ng mga players. I'm afraid that we will not be able to finish the interview tonight. Magsisimula na kami. Pumunta ka na rin dito. We can't handle this crowd on our own," seryosong sagot ni Fire. Base sa tinig niya, halatang namomroblema siya. Ganu'n ba talaga kadami ang interesado sa party namin? Nakapanghihinayang dahil tatlo lang ang pipiliin namin sa kanila.



"Okay. I'll be there in fifteen minutes," sagot ko sa kanya. I ended the call. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang isa pang lalaki na naghihintay na bumukas ang main gates. He's Sky at napansin ko na level 21 na siya. Kung tama ang hinala ko, tiyak na magsisimula na silang tapusin ang mga party quest nila. Puno na rin ang slots ng party nila.



Tumayo ako sa tabi niya habang hinihintay ang dahan-dahang pagbukas ng napakalaking gates sa harapan namin. Tila napansin niya ang presensiya ko. He turned to me. Alam kong napansin agad niya ang level ko. I turned to him to. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi. Wala kasing kahit anong emosyon na nakarehistro sa mga mata niya. His lips were tightly pressed into a thin line. Mag-iiwas na sana ako ng tingin dahil bumukas na ang gates pero nagsalita siya.



"Zeus," he called me. Kumunot ang noo ko. He sighed. Bukas na bukas na ang gates at hinihintay na ng mga NPC guards na pumasok kami.



"Nevermind. I'll tell you later," he said. Nauna na siyang naglakad papasok sa Town. Hindi ko na siya hinabol upang magtanong kahit nagtataka ako. Magkaiba kami ng tinatahak na daan. Nagmadali ako at agad na dumiretso sa riverside. Nagulat ako dahil halos lampas ng limampung tao ang naghihintay sa riverside. Halata ang bahagyang pagsimangot nina Ice at Fire kapag may nagrereklamong mga players dahil sa pag-reject na ginagawa nila. Mabuti na lang bawal mag-away sa loob ng town dahil kung nagkataon baka nagbugbugan at nagrambulan na sila.



"Why can't we join your party? We are better than your leader!" sabi ng isa na halos nanggagalaiti na sa galit. Namumula na rin ang ilang players dahil sa inis pero cool na cool pa rin sina Ice at Fire na nakatingin sa kanila. 



"Are you just looking for a strong player? I'm sure that you just want to use others to win this ranking quest! Your leader is surely a user!" sigaw ng isa pa. Sunud-sunod na silang nagsisigawan. Kumunot ang noo ko pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan. I looked around and studied everyone. Hindi ko muna sila nilapitan. Karamihan sa mga players ay nagrereklamo. Mangilan-ngilan lang ang tahimik at naghihintay sa desisyon nina Ice at Fire. I checked the levels of those who are patiently waiting. Malalakas sila kaya hindi sila kinakabahan. 



"That's quite a ruckus. Akala ko kung ano na ang nangyayari dahil sobrang ingay sa lugar na ito. I read that you will interview players for your party here," interesadong sabi ni Zero mula sa likod ko.



"Huwag mong sabihing may balak kang sumali sa party ko?" sarkastikong tanong ko sa kanya. Tumawa siya at tumabi sa gilid ko. He crossed his arms and looked at the players in the riverside interestedly. 



Hindi niya pinansin ang tanong ko. "I wonder what you will do in this kind of situation. Almost all of them are against you now. Umiinit na rin ang ulo ng ibang players. You got a big problem," sabi ni Zero habang nakaangat ang sulok ng labi. Halatang nag-eenjoy siya sa nangyayari.



"Actually, I don't see this as a problem. I'm actually thrilled. They can leave anytime if they don't want to follow my lead," nakangising sabi ko. Kung nagrereklamo na sila, mas madali ko silang matatanggal sa listahan. Mabibilang na lang sa mga kamay ko ang hindi nagrereklamo sa kanila.



Lumingon si Zero sa 'kin kaya tiningnan ko rin siya. Bahagya siyang umiling.



"You're cold. Don't take your followers for granted. I know that this is a ranking quest but be sure to treasure them. Sa huli, malalaman mo rin kung bakit ko sinasabi sa 'yo ito," he seriously said. "Choose wisely. Trust them but not too much. Tiyak na ang ilan sa kanila ay naghihintay lang na itumba ka," makahulugang sabi ni Zero. 



"I know. This is a ranking quest after all. Hindi natin mapagkakatiwalaan ang mga party members natin dahil sa huli, kalaban pa rin natin sila," seryoso ring sabi ko.



"Siguro nga. But I meant something more dangerous and treacherous than these players," seryosong sabi niya. Naglakad na siya palayo at hindi na ako hinayaang magsalita. "I'll be watching from that spot," he said while pointing at the big cherry tree near the riverbank. I sighed again.



I breathed deeply and readied myself. Naglakad na ako patungo sa mga players. Lahat sila ay natigilan at tumingin sa direksiyon ko. I was walking seriously with full authority. Hindi ako ngumingiti. I could see that I'm intimidating everyone. Napaurong silang lahat at halatang kinabahan. Sandali silang tumahimik. Nawala ang mga reklamo nila ng ilang minuto. 



Nang makahuma sila ay bumalik na muli ang mga reklamo nila. 



"You're just using us! I'm sure you will only choose strong players for your own benefit!" sigaw ng isa. Sunud-sunod na ang mga reklamo nila. Hindi ako nagsalita pero tumigil ako gitna nila. Katabi sina Fire at Ice. Nabibingi na ako sa mga sigaw nila.



Seryosong tiningnan ko ang lalaki na nagsimula ng lahat ng gulo na ito.



"Those who don't want to cooperate and follow my lead, you can leave," seryosong sabi ko. Natigilan silang lahat. "I don't need someone who only knows how to complain. If you didn't pass Ice and Fire's interview, just accept it. I believe in their judgement. And I can see that they're both right to reject you," I said and smirked.



Namula ang ilan sa kanila. Halatang tinamaan sa mga sinabi ko. Napansin ko ang mga litid nila sa leeg dahil nanggagalaiti na sila sa galit. Hindi nila matanggap ang desisyon nina Ice at alam ko kung bakit. Tiyak na walang kwentang mga tanong lang naman ang itinanong nina Ice at Fire sa kanila kaya hindi nila maintindihan kung bakit sila na-reject.



"I can't accept this! They just asked us random questions. Those questions don't make sense. I can't tell why they rejected us suddenly! Maybe, from the start, they don't really want to consider us because of our low levels and rankings!" sigaw ng isa sa kanila.



"Listen. Your levels and rankings doesn't matter in this interview. I'm sure Fire and Ice just asked the things you love to do. What's your nationality? What's your favorite color? How's your relationship with other people? Do you love mind games? Do you play basketball? Chess? Do you experience something that let your spirit down for so many days? How you handle that? Do you have a younger sister or brother? Are you patient? Do you often get angry? What's your favorite food? What's the most embarassing thing that happened to you? When did you last cry? Am I right? They're really random. They surely don't make sense for you. And I'm sure you all answered those questions properly and carefully. You answered them positively to look good," seryosong sabi ko. 



"If you still didn't get it. Fire and Ice can sense if you're lying or not. If your not lying then you are boastful. If you are not boastful then they sensed that you're not sincere and you just want to use us to level up. Maybe they sensed your selfishness. Fire and Ice noticed those things that's why they rejected you," seryosong sabi ko. Tumahimik silang lahat. Tila naumid ang mga dila nila. "That's why I'm trusting their decision. You can't lie on us. I think everything is clear to all of you now," I said.



"Sinabi mo na sa kanila. Hindi na tuloy kami makakapagtanong ng kung anu-ano sa kanila. Hindi pa naman namin nai-interview lahat," bulong sa 'kin ni Ice.



"It's fine. Alam kong nagbabawas lang kayo kaya puro walang kwenta ang mga tanong ninyo. Mas mag-iisip na sila ngayon sa isasagot nila. At natitiyak kong may nakahanda kayong mas matino at seryosong tanong para sa matitira," bulong ko sa kanila. They laughed. Alam ko na ang tumatakbo sa utak ng kambal. Hindi na ako nagtataka kung bakit hindi pa sila nagseseryoso. Masyado kasing marami ang players na gustong sumali sa party namin.



Tiningnan kong muli ang mga players sa riverside. "We don't want members who can't trust us or we can't trust. We need to be true to each other to avoid conflicts. We need members who want to share their experiences with us not to boast about how good they are. We need members to survive together with us. Not someone who is selfish to live while his co-members are dying. So for the rejected ones, you can leave. Thanks for coming. Also, I will not stop those who want to leave. Decide if your really want to join our party," puno ng awtoridad na sabi ko sa kanilang lahat.



Nagkatinginan sila sa isa't isa. They bit their lips in dismay. Hindi na sila nagsalita pa at isa-isa nang umalis. Ang ilan sa kanila ay nagdadabog na umalis. Ang ilan naman ay bumubulong pa sa hangin. Hindi ko na lang sila pinansin. Fifteen of the players stayed. Sobrang bilis nilang nalagas. Napansin ko na malalakas din sila. Ka-level na nina Ice at Fire. Level 16 na ang pinakamataas.



"Fire. Ice. You can both start," sabi ko sa kanila. They nodded. Hinati nila sa dalawang grupo ang mga natirang players. Ice interviewed the group assigned to her. Fire did that too. Matapos ma-interview ni Ice ang grupo na naka-assign sa kanya, nagpalit naman sila ni Fire ng grupo. Lahat ng players kinausap nila. 



Lumapit sila sa 'kin nang matapos sila. They were discussing something and I was just listening.



"Ano'ng pamatay na tanong ang ibinigay ninyo sa kanila? Mukha kasi silang namomroblema kanina," interesadong tanong ko sa kanila.



"How will you describe the colors to a man who is naturally blind when he was born?" nakangising sabi ni Ice.



"Imagine that you are as small as a finger. How will you escape when you are inside a blender which was already crushing the ice beneath you. At marami pang follow-up questions hanggang sa hindi na sila makasagot," natatawang sabi naman ni Fire. Umiling ako dahil sa sinabi nila. They're enjoying themselves too much.



"So, do you get the answers you want to hear from them?" tanong ko. Nakasandal ako sa isang puno. Tinitingnan ko mula rito ang mga players na naghihintay sa desisyon nina Fire at Ice.



"Medyo. Matatalino ang ilan sa kanila kaya nahihirapan kaming pumili. Nakapanghihinayang kung mapupunta sila sa ibang party. Ang problema, tatlo lang talaga ang kailangan nating tanggapin. We asked them to know if they can think out of the box. Gusto naming malaman kung marunong silang gumawa ng mga plano. Kung hindi epektibo ang Plan A dapat may Plan B and so on. Kung hindi naman gumana ang lahat ng letters, may numbers pa," seryosong wika ni Ice. I smiled. Hindi talaga ako nagkamali na ipaubaya sa kanilang dalawa ang pagpili.



"So, what's your decision?" tanong ko sa kanila.



"Pumili na kami ng anim. They're all good. We arranged their matches according to their level and ability," sabi ni Fire. Ngumisi ako at tumayo.



"Kung ganu'n ang duel arena na lang ang magpapasya sa kapalaran nila," nakangising sabi ko.



Umiling si Fire. "Alam kong hindi 'yan ang iniisip mo," tumatawang sabi niya. Maging si Ice ay ngumisi na rin.



"Right. Hindi mahalaga kung sino ang mananalo o matatalo. Ang mahalaga sa 'kin ay kung ano ang mga ipapakita nila bukas. The duel arena will not decide for their fate but their own selves. I hope they will understand my decision even though it looks unfair for them," seryosong sabi ko.



Naglakad na kami patungo sa mga participants. 



"We have chosen six players. These six players must fight inside the duel arena. If you have objections, you can now leave," Ice said coldly. She announces the usernames of the players. They didn't object so they stayed. Umalis na ang iba na tila nanlumo dahil hindi sila napili. 



"You just have to give your best tomorrow. Don't hold back. You'll be accepted as a member depending on your performance," seryosong sabi ko. Ibinigay ni Ice at Fire ang oras ng match nila at kung saan kami magkikita bago ang mga laban. Pinauwi na namin sila. Umalis na rin kami sa riverside. Nakita ko si Zero na bumaba sa cherry tree at lumapit sa 'min.



"Let's eat. I'm sure you're all hungry," he said. 



"Libre mo?" Ice giggled. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Ice dahil lumalandi siya. Ngumuso siya sa 'kin at tumahimik. Tumawa naman si Zero.



"Mukhang nagseselos si Zeus," tumatawang sabi ni Zero. Hindi napigilan nina Fire at Ice ang pagtawa kaya nagtaka si Zero sa inasal nilang dalawa. Sumimangot ako. Babatukan ko mamaya ang dalawang kambal dahil halatang pinagti-trip-an nila ako. 



Lumapit sa 'min si Ice at niyakap ang mga bisig ko. She was pressing her breast on my arms. It's disgusting.



"Baby. Huwag ka nang magselos. Mamaya magpapakasal na tayo sa Cathedral," malambing na sabi niya. Patay talaga siya sa 'kin mamaya. Ginawa pa niya akong tomboy. Mas lalong naging masama ang tingin ko sa kanya pero hindi man lang siya naapektuhan. Hinayaan ko na lang siya. Naglakad na kami pero nakapulupot pa rin siya sa braso ko. Halatang tuwang-tuwa siya na asarin ako.



"Bakit ka pala nagsayang ng oras para panoorin lang ang interview na ginawa namin?" seryosong tanong ko kay Zero na kasabay naming naglalakad. 



"It's easy to study them that way. Mas madali kong malalaman kung sino ang makatutulong sa 'kin kapag nagkaproblema ako sa hinaharap," seryosong sabi ni Zero.



"Bakit ka naman nila tutulungan? Kalaban mo rin sila sa ranking quest, hindi ba?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Maging sina Fire at Ice ay nagtaka rin kay Zero. 



"It's simple. Because they surely want to survive," makahulugang wika niya. Kumunot man ang noo ko, hindi na ako nagtanong pa. Pumunta kami sa isang food stall at nilibre talaga niya kami. Wala namang lasa ang pagkain pero dagdag Health Points din 'yon. Matapos kumain ay bumalik na kami sa inn na inupahan namin nina Fire at Ice. Nag-log out kami. Mamaya na lang kami babalik kapag malapit nang magsimula ang duel match.



It was already dinner when I woke up in my room. Tumayo na ako at lumabas ng pinto. Kasabay ng pagbukas ng pinto ng silid ko, bumakas din ang kay Prius. Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ako nahiya sa kanya. Dahil siguro sa gamot na ibinigay niya. Hindi niya ako pinansin at naglakad na. I sighed. I'm not being myself right now. Naglakad na rin ako. Kasunod lang ako ni Prius at nakatingin lang ako sa malapad niyang likod. Bigla siyang tumigil sa paglalakad nang hindi ko inaasahan kaya bumangga ang noo ko sa matigas na likod niya.



"Shit!" pagmumura ko dahil muntik na akong matumba. Mabuti na lang hinila niya ang kamay ko papalapit sa kanya kaya hindi ako tumumba. My head was leaning in his chest. Nang matauhan ako agad ko siyang itinulak palayo. I glared at him.



"Bakit ba palagi ka na lang humaharang sa daan ko?" naiinis na sabi ko sa kanya.



"Ikaw? Bakit ba palagi mo na lang akong binabangga?" panggagaya niya sa sinabi ko. Halatang nang-aasar siya. I silently hissed. Kung papatulan ko siya, masasayang lang ang oras ko. Hinaplos ko ang noo ko na nasaktan pero nainis ako nang pigilan at dahan-dahang alisin ni Prius ang kamay ko sa noo. Sisigawan ko na sana siya pero natigilan ako dahil marahan niyang hinaplos ang noo ko. He was trying to ease the pain.



"Sa susunod, tumingin ka sa dinaraanan mo," seryosong sabi niya. Akala ko pa naman sweet na siya pero hindi rin pala. Sumimangot ako at inirapan siya. He laughed softly. Mukhang marunong naman pala siyang tumawa. Mabuti naman, hindi puro laro ang laman ng utak niya.



"Hey! You're in my way," seryosong sabi ng lalaki sa likuran ko. I know it was Axel. Tumigil na si Prius sa ginagawa at tumingin kay Axel. Nahiya ako dahil baka kung ano na ang isipin ni Axel sa 'ming dalawa ni Prius.



"I'll go first," sabi na lang ni Prius at hindi na pinatulan pa si Axel. Hindi na ako hinintay ni Prius. Sumakay na siya sa elevator kaya naiwan akong natitigilan. Ipinatong naman ni Axel ang kamay niya sa ulo ko kaya natauhan ako.



"You're spacing out. Halika na," he said. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nakasabay namin sina Faye at Frey sa elevator. Nanunukso ang mga mata ni Faye habang nakatingin sa 'min ni Axel. Hindi ko na sila pinansin pero dahil sabay-sabay kaming kumain kung anu-ano ang itinanong nila kay Axel. Naiiling na lang ako sa pinag-uusapan nila. Sa kabilang table, napansin ko naman si Prius na may kasamang mga lalaki. Siguro mga kabarkada niya ang mga ito. He turned to my direction. Our gazes met. Namula ang mukha ko dahil nahuli niya na nakatingin ako sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin. My heart was beating fast. Baka kung ano na ang isipin niya sa 'kin. Nakakainis! There must be a problem in my brain right now? Bakit ba ako nahihiya? Siguro may side effects ang VR gears kaya naapektuhan ang utak ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain at hindi ko na tiningnan pa si Prius. 



———————————-



TO BE CONTINUED...



Next chapter na ang duel arena.. Haha! Hindi ko na naisulat kasi mahaba na ito. Thanks sa lahat ng nagbabasa ^_^ LOVE.LOVE.LOVE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com