Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9: Killer Bear's Dungeon

UNEDITED. HINDI KO NA BINASA AFTER KONG ISULAT. TAMAD. PAGPASENSIYAHAN NA ANG TYPO AT GRAMMAR.



DENISE



Second day of the Ranking Quest.



I was walking at the hallway. Patungo na ako sa elevator. Masakit ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Iniisip ko pa rin ang napag-usapan namin ni Prius. Hinaplos ko ang sintido upang maibsan ang sakit.



Magkikita kami sa isang food chain nina Faye at Frey. I need to talk to Faye. Kailangan niyang mag-behave sa harap ni Zero para hindi kami mabuking. Natigilan ako nang makita sina Prius at Axel sa harap ng elevator. They were talking to each other. I think they're discussing something important. Parehong seryoso ang mga mukha nila. Hindi ko tuloy alam kung lalapit ako. Pero tila naramdaman na nila ang presensiya ko dahil sabay silang lumingon sa 'kin. Medyo nailang ako. Umaga pa lang, minamalas na ako.



Axel greeted me. "Good morning," he cheerfully said. I just nodded. Wala ako sa mood. Seryoso naman si Prius na muling ibinalik ang tingin sa harap ng elevator. Hindi niya ako pinansin. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Mas dapat nga akong matuwa dahil tila kinalimutan na niya lahat ng nangyari kagabi. Tumigil na ako sa paglalakad at naghintay na sa elevator. Sakto pa na pagbukas ng elevator, walang katao-tao. Kami lang tatlo. I sighed. I wonder why I felt uncomfortable standing and waiting for us to reach the ground floor.



"Saan kayo kakain?" tanong ni Axel nang bumukas ang pinto ng elevator. Sinabi ko sa kanya kung saan.



"I'll go with you," pagpiprisinta niya. 



"No. You will go with me," seryosong sabi ni Prius. He put his arms around Axel's neck and drag him along with him. Umaangal si Axel pero hindi na niya napigilan pa si Prius. Naiwan ako habang tinatanaw sina Prius palayo. Nagkibit-balikat na lang ako at pumunta na sa kinaroroonan nina Faye. Kumaway pa si Faye sa 'kin nang pumasok ako sa fastfood chain. Agad akong lumapit sa kanila.



"Hoy babae! Linawin mo nga sa 'kin ang nangyayari? Hating-gabi na nag-uusap pa kayo ni Prius?" nagdududang bungad agad sa 'kin ni Faye. May malisya sa bawat salitang binibitiwan niya. Hindi na nagtaka si Frey kaya natitiyak kong alam na rin niya.



"It was a long story. At walang malisya sa pag-uusap namin. By the way, magpanggap ka muna na ako. Please! And don't do something weird. Tiyak na maghihinala si Prius," kinakabahang sabi ko sa kanya. Sa totoo lang, kay Faye talaga ako kinakabahan, hindi kay Prius. Baka ipahiya ako ng babaeng ito. Kung anu-ano pa naman ang kalokohang alam niya.



"Bakit kasi hindi mo na lang inamin ang totoo?" naiiling na tanong ni Frey.



"I can't. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako na ipaalam sa kanya. Tiyak na pagtatawanan niya ako kapag nalaman niya," nakasimangot na sagot ko. They laughed.



"Ang babaw mo!" sabay na pang-aasar nila. Napailing ako sa kambal. Oo na. Ako na ang mababaw. Kasi naman! Hindi ko rin alam ang pumasok sa utak ko kung bakit bigla kong sinabi na ako si Ice. Mas lalo pa tuloy gumulo ang sitwasyon. Sa dinami-rami ng pangalan na pwedeng gamitin, Ice pa talaga.



"He said he was Zero. At mukhang kailangan niya ng ka-couple sa game. Huwag mo akong ipapahiya. Tanggihan mo na lang siya kapag kinulit ka. Don't cling unto him. Naku! Mababatukan talaga kita!" paalala ko sa kanya.



She grinned evily. Kapag ganito ang itsura niya tiyak na may binabalak siyang hindi maganda. She held her chin while thinking.



"Well, it depends," she grinned. Tiningnan ko siya nang masama. She laughed. Sa sagot niya, hindi ko na tuloy alam ang binabalak niya. 



"O-order na muna ako ng pagkain natin. We should head back to our room and meet inside the game. Tiyak na marami ng nangyari. We can't afford to be left behind," natatawang sabi ni Frey. I sighed and nodded. Umalis na siya at naiwan kami ni Faye.



"Wala ka ba talagang balak na sabihin na lang sa kanya? May gusto ka ba kay Prius?" pang-aasar ni Faye.



Tiningnan ko siya nang masama. "Wala akong gusto sa kanya," sagot ko sa kanya.



"Kung ganu'n ayos lang sa 'yo na pakasalan ko siya?" she teased.



"No! Don't. Akala niya ako si Ice," nakasimangot na sagot ko.



"Kapag sinabi ko na hindi ako si Denise at gusto pa rin niya akong pakasalan sa Cathedral, ayos lang?" she asked. Hindi talaga niya ako titigilan sa mga tanong niya. I was caught off-guard with her question. She really know how to manipulate people with her way of interrogation. I looked away.



"Then, do what you want if that's the case," nakasimangot na sabi ko. She laughed.



"Why can't everyone be true to themselves? Why do they need to pretend? Nakakapagod ang ginagawa nila," naiiling na sabi niya. Alam kong pinariringgan niya ako pero hindi ko siya pinansin. 



"Look who's talking? I'm sure that you're growing tired too," naiiling na sabi ko. Sumimangot siya dahil alam niya ang tinutukoy ko. She's pretending too when she's with her parents. She's pretending to be a good and behave daughter. Pero kapag iba na ang kasama niya, hindi na siya nagpapanggap. Sinasabi niya lahat ng gusto niya. She's actually good to be true when she's with us.



"Bakit hindi ka na lang magpalit ng gender? It's a rare item. Sa tingin ko, may lima hanggang sampu na gender potion sa game. Wala pa akong nakikita sa mga NPC stall na ganu'n. I wonder why? And take note, there are thousand of players. May posibilidad na may nakakuha na no'n. Pero tiyak na hindi naman nila 'yo gagamitin. Unless, ibang gender din ang ginamit nila," seryosong sabi ni Faye. Dumating na si Frey, dala ang pagkain namin.



"Sayang lang ang oras natin kung maghahanap tayo ng gender potion," naiiling na sabi ko. Kinuha ko na ang pagkain na ibinigay ni Frey.



"I never said that we will waste our time to find that potion. We just need some useful information. Magaling si Frey sa ganyang bagay," nakangising sabi niya. Umiling naman si Frey. I kept silent. 



"She's considering your suggestion?" nagtatakang tanong ni Frey.



"Yes. Because love is in the air," natatawang sagot ni Faye. Tumawa rin si Frey. I glared at them. Ang aga-aga pinagti-trip-an nila ako. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain at hindi na lang sila pinansin. Gender potion, huh? Isa sa mga potion na mahirap hanapin. Kahit na mukhang walang kwenta ang potion na 'yon, tiyak na may kamahalan ito kung bibilhin sa isang potion stall. Sayang ang pera. Bumalik na kami sa mga silid namin. Nag-log in na ako sa game.



Paggising ko nasa loob na kami ng isang silid. Kasama ko pa rin sina Fire at Ice. I started to track my party members. Lahat sila ay naka-online na at nasa loob ng town. Sinabi ko sa kanila na magkita kami sa riverbank. May party quest na agad kami. We need to beat a dungeon boss and save the NPCs who were captured by this boss. I checked it on the map. It was located inside the forest. 



Kumpleto na kami. Mabuti na lang pare-pareho kaming Pilipino. Mas madali kaming makakapag-usap. "Now, let's discuss the plan for our quest. According to the quest, we will face a Level 30 Killer Bear. At bago tayo makarating sa dungeon, tiyak na marami pa tayong makakaharap na Killer Bears. For offense, Phoenix, Ice, Scithe and I will take charge. For support and defense, I will leave everything to Angel and Fire. Any objection? Ayos lang ba sa inyo, Angel and Fire? You can attack too but if your co-members are in bad shape, you know what to do," seryosong sabi ko sa kanila.



"That's fine with me," Fire answered. Angel accepted it too.



"Bumili na kayo ng Mana or health replenisher na sapat para sa inyo. You can also buy special items to attack the monster. Bahala na kayo. Before we reach the dungeon, pilitin nating pataasin ang level natin. Basta makinig kayo sa sasabihin ko kapag nasa loob na tayo ng dungeon. Use your power wisely. If I told you to switch position with others, then follow me. As much as possible, I want all of us to leave that dungeon alive. Don't be stubborn and reckless. I know we are all after the points but we shouldn't be greedy because this is still a party quest. Walang mangyayari kung magkakanya-kanya tayo," seryosong sabi ko. "Let's meet in front of the main gates this morning, eleven o'clock sharp, in this game's time," dagdag ko. 



Isa-isa na silang umalis. Naiwan naman kami nina Fire. Patungo na kami sa stall kung saan kami bibili ng potions.



"A level 30 monster is tough for our levels. But I'll stick to your plans. It's funny but I trust you," seryosong saad ni Fire. 



"Wala tayong magagawa. Nakadepende yata sa level natin ang boss na makakalaban natin. We have to retreat if something went bad. I'll take charge to that. And thank you for trusting me," sagot ko. Tama siya. Mahirap kalabanin ang level 30 monster lalo na kung hindi kami mag-iingat. Nasa level 19, 16 at 15 pa lang kami. Tatlong level 16 at dalawang level 15. It will be really tough. We still don't know what the monster was capable of. Baka mabigla na lang kami pagdating namin sa dungeon.



"Are you really sure about Phoenix? I have a bad feeling about him," seryosong sabi ni Ice. Madalas tama ang kutob ni Ice.



"It's fine. I will take care of him. I hope he will listen," sagot ko. Bumili na kami ng mga kakailanganin namin. We were all loaded. Hindi rin kami nabibigatan dahil naka-save sa item dashboard ang mga binili namin. Walang problema sa storage. It was unlimited. Ang problema, hindi unlimited ang pera namin.



We headed to the main gates because it's already time. Naghihintay na rin silang lahat. The NPC guards opened the gates for us. I invited them into a group call. We will surely meet killer bears along the way inside the forest.



"Explain the whole forest map, Fire," I said. 



"Okay. Napansin naman ninyo na masyadong malaki ang forest. Maraming halimaw na naninirahan sa kagubatang ito. They're living according to their territories. At nasa pinakaunahang bahagi ang teritoryo ng mga Killer Bears," Fire said. He shared his own map. He made it on his own. At kapag hindi na niya kailangan ang mapa niya, tiyak na pagkakakitaan naman niya ito. He was good at gathering information kaya alam niya ang pagkakahati-hati ng mga teritoryo ng mga halimaw sa loob ng forest.



"Mas mababangis na halimaw ang nasa sunod na bahagi. For now, don't try to set foot on their territories. Stick on the plan. We are after the killer bears. Nasa dulo ng teritoryo ng mga Killer Bears ang dungeon na pupuntahan natin," he said. 



"At dahil nasa dulo pa ito, tiyak na marami tayong makakaharap na killer bears. Be careful. Do what you can to level up but don't push yourself too much," I warned them. 



Pumasok na kami sa loob ng kagubatan. Ilang kilometro pa lang ang nalalakad namin. The atmosphere was quite different. I could feel the tension in the air. Naalerto kami dahil tila maraming nakamasid sa 'min pero wala kaming nakikitang kahit ano sa paligid. I'm sure they're waiting to devour us. The killer bears were surely watching us. Ice was jumping from trees to trees when we entered the forest. She's serving as our eyes and guide.



"I saw them. They're waiting for us in the middle of their territory. Ten. Mahihirapan tayong makalampas kung nagbabantay sila. Be careful. May ilang Killer Bears sa malayo. I'm not sure if they will also come after us," seryosong sabi ni Ice. "I think those ten already spotted us in this distance. They probably have good eyesight or they smelled us. Scary," she added.



"I noticed too. Maghiwa-hiwalay muna tayo. We can actually avoid their attacks and run straight to the dungeon but we need to level up. Let's fight them first. I'll give you instructions later," seryosong sabi ko. We moved on our own pace. Naghiwa-hiwalay kami. Tumayo ako sa isang sanga ng puno. I struck two of the Killer Bears alternately with my arrows, blazing with blue lights. Ang iba sa ka-party ko ay nagkanya-kanya rin sa pagsugod sa mga killer bears. Malakas na ungol ang lumabas mula sa dalawang Killer bears na inatake ko. Galit na galit na tumingin sila sa direksiyon ko. Lumabas ang matatalim na kuko at pangil nila. Agad silang tumakbo sa puno na kinaroroonan ko. Pareho silang level 20. Isang tama na lang sa isa sa kanila ay magiging level 20 na ako. Hindi ako makakaabot sa level 21 kapag tinalo ko sila pero ayos lang.  



Ang isa sa kanila ay galit na galit na pinaghahampas ang puno kung nasaan ako. Balak nila itong patumbahin. Hangga't hindi ko pa nararamdaman na matutumba na ang puno, hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan. I was continuously attacking one of them. Mas lalo itong nagagalit sa ginagawa ko. Mamaya ko na tatalunin ang isa. Mahihirapan ako kung pagtutulungan nila ako. Dahil magkapantay na kami ng level, mas madali ko silang matatalo. Bago ako lumipat sa isang puno, napatay ko na ang isang Killer Bear na umaatake sa 'kin. Hinabol naman ako ng isa. Palipat-lipat ako sa mga sanga ng iba't ibang puno habang pinapaulanan ko siya ng mga nagliliwanag na pana. The arrows were piercing through his body. Duguan na ang Killer Bear at naputol pa ang isang paa nito. Halos hindi na ito makagalaw kaya tinapos ko na ang paghihirap niya. 



I looked around. Napansin ko na nahihirapan sila. I can't blame them. Hindi pa ganu'n kataas ang mga levels nila. I watched them and studied their every moves. I have to think of a plan to beat the dungeon boss. As much as possible I want them to avoid any damages.



Napansin ko na may isang Killer Bear na handa nang umatake mula sa likod ni Ice. I flawlessly hit it with my arrow. Bahagyang lumakas ang impact nito dahil nadagdagan ang level ko. Kailangan ko na yata talagang magpagawa ng sarili kong bow para mas lumakas ang bawat tira ko. Tumalon si Ice palayo. Napansin ko na nadagdagan na rin ang level nila. Level 17 na ang ilan. I think malapit na rin nilang maabot ang level 18. Mas madali pa kasi ang pagpapa-level up sa level nila.



"Thanks," she said. Natalo na niya ang killer bear na inaatake niya kanina.



"I'll give that killer bear to you. Hit it," utos ko sa kanya. I was giving her the killer bear I hit. She needs to level up again. I was now watching everyone. Scithe looked like an amazon who was strongly hitting her opponents head on. Bumabaon ang espada niya sa killer bear sa bawat pag-atake niya. Mabuti na lang naiiwasan niya ang mga matatalim na kuko nito. Galit na galit ang Killer Bear sa bawat ginagawa niya. Angel was using her music to deceive the Killer Bears. May ilang segundo na name-mesmerize ang Killer Bear na kaharap niya. Ginagamit niya ang pagkakataon na 'yon upang atakihin ang Killer Bear. Angel will be helpful to my plans if she could do something like that. Level 17 na silang dalawa ni Scithe.



On the other hand, level 18 na si Fire. Mukhang alam na niya ang kahinaan ng mga oso. He was attacking them with fire at hindi niya hinahayaang makalapit ang mga ito sa kanya. He was shielding himself with fire when they're trying to attack him.



Kumunot naman ang noo ko nang makita si Phoenix. Walang kahirap-hirap na tinatalo niya ang mga killer bear. He was using an enormous power again. Hindi ko na alam kung saan niya kinukuha 'yon. He was striking the Killer bears with lightnings. Soon, he will reach level 18 too. They were almost done. Natatanaw ko na rin ang isang kweba sa hindi kalayuan. Bumaba na ako nang matapos nila ang laban. Ang problema, natunugan din kami ng iba pang Killer Bears sa kagubatan. Naalerto kami nang magsimula silang lumapit sa 'min.



"Don't fight them. Let's run straight to the dungeon now," seryosong sabi ko. Sumang-ayon sila. We ran as fast as we could. May ilang Killer Bears na tumatakbo patungo sa direksiyon namin pero iniiwasan namin. We were hitting them if they come across our way. I jumped high and hit a Killer Bear on its head. Nilampasan ko siya kahit humabol siya. Nang makapasok kami sa loob ng kweba, hindi na sila sumunod. Umungol lang sila nang napakalakas. Halos sunud-sunod na ungol ang narinig namin. Nakakapangilabot. Tumatayo ang mga balahibo ko. Maybe they were calling the attention of the boss.



Madilim sa loob ng kweba kaya halos hindi namin makita ang daan. There's a narrow way leading us to somewhere we don't even know. Mainit sa loob ng kweba. Nagsilbing liwanag ang mga gemstones sa mga sandata namin. May natanaw kaming isang lagusan. Mula roon ay may makikitang kulay lilang liwanag. Siguro sa dulo noon, makikita ang dungeon boss.



"Maghanda kayo," seryosong sabi ko. Isa-isa kaming pumasok sa loob. Nang makapasok kaming lahat, isang malaking bato ang gumulong at tinakpan ang lagusan. Ibig sabihin, hindi kami makakaalis sa lugar na ito hangga't hindi namin natatalo ang dungeon boss. Wala na kaming kawala. May apat na ilawang apoy sa bawat sulok ng kinaroroonan namin. Kulay lila ang mga apoy. Madilim sa pinakagilid na bahagi nito. Hindi pa namin nakikita ang dungeon boss.



"Shit! Ilag!" sigaw ko nang makita ang isang kumikislap na bagay na lumipad patungo sa kinaroroonan namin. Tumalon kami palayo upang umiwas. Nahati kami sa dalawang grupo. Isang tila patalim na mga malalaking kuko ang lumipad patungo sa 'min. Bumaon ito sa pader. May nagdudugtong na mga kadena sa mga kukong ito patungo sa madilim na bahagi. Mula sa madilim na bahaging iyon ay lumabas ang dungeon boss. Nababalutan ng bronze na armor ang katawan at ulo nito. Bumalik ang mga kuko nito sa dating posisyon nang hilahin niya ang mga ito. Mahaba rin ang mga pangil nito at nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa 'min.



Itinago ko ang kabang naramdaman. Makapal ang armor na suot nito. Hindi siya madaling sugatan. Maliban sa mga kadena at claws nito ay wala na itong ibang sandata. Naglakad ito patungo sa pinakagitnang bahagi.



"We have to destroy his armor, first. Avoid his attacks. Switch positions when I told you so. Sa ngayon, palibutan muna natin siya at sabay-sabay na atakihin. Move!" utos ko sa kanila. Hindi kami nag-aksaya ng panahon. Pinalibutan namin ang Killer Bear Boss. Hindi nito alam kung saan lilingon. Sabay-sabay namin itong inatake. Hindi namin inaasahan na may kakayahan pala itong tumalon nang mataas. Naiwasan nito ang mga tira namin. Pinalipad nito ang magkabilang patalim na kuko kina Ice at Angel habang nasa ere pa.



Hindi na ako nag-alala kay Ice dahil mabilis siyang kumilos. Agad kong pinakawalan ang arrow ko at pinatama sa kukong aatake kay Angel. Tumalsik ito sa malayo. Agad na gumalaw si Angel para lumayo sa Boss.



"Phoenix, hit him," utos ko sa kanya. He struck the boss using his lightning pero hindi ito masyadong nagalusan. Mahina pa rin ang atake niya. Nagalit lang ang Killer Bear Boss. Nang makababa ito at mabawi ang parte ng katawan niya ay nagmamadaling tumakbo siya sa kinaroroonan ni Phoenix. Agad akong gumalaw. I jumped in the air and hit its back. Natigilan ito. Ihahampas sana nito sa 'kin ang matatalim niyang kuko pero nakaiwas ako at nakatalon sa gilid niya. Malapit na malapit ako sa dungeon boss.



"Scithe, Switch!" sigaw ko. We changed positions. Scithe immediately struck the dungeon boss. Napasigaw ito nang malakas. Unti-unti nang nababawasan ang effectivity ng armor ng boss.



"Ice switch position with Scithe," I said. Galit na galit na hinarap ng dungeon boss si Scithe. Phoenix and I grabbed the chance to hit the boss. Mas lalo itong nagwala. Lumayo si Scithe mula sa dungeon boss pero balak pa rin siyang habulin nito. Nang makalayo si Scithe, nagpalit sila ng posisyon ni Ice. Dahil mas mabilis kumilos si Ice, nagawa niyang ilagan ang atake ng dungeon master. Bumaon ang mga kuko nito sa sahig. 



Ice hit the boss with her flying blades. Halatang nauubos na ang pasensiya ng dungeon boss. Kinabahan ako.



"Lumayo ka sa kanya Ice," sigaw ko. Sunud-sunod na pinaulanan ko ito ng pana. Maging si Phoenix ay ganoon din ang ginagawa. Lalayo na sana si Ice pero mabilis na pumulupot sa katawan niya ang kadena ng dungeon master. Malakas na ihinampas ng dungeon master ang katawan ni Ice sa sahig na tila balak niyang durugin ito.



"Scithe. Do what you can to break the chains. Fire, ikaw na ang bahala kay Ice. Angel, support me and Phoenix. Strengthen and boost our attacks. I know you have that ability," seryosong sabi ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Kaba. Excitement. Takot.



Patuloy lang sa ginawa ang dungeon master. Mas lalong lumalakas ang paghampas niya sa katawan ni Ice. Hawak naman ni Ice ang sandata niya. She tried to attack the dungeon master but it was no use. Napapasigaw si Ice dahil sa sakit. Unti-unti na ring nauubos ang health points niya. Nagpaulan ako ng blazing arrows sa dungeon master. A meteor of arrows rained down to him. Hindi siya makakatakas sa mga ito. Napansin niya ako kaya pinalipad din niya patungo sa 'kin ang isa pa niyang matalim na kuko.



I did my best to avoid it. Kasabay kong sumusugod si Phoenix. Ginagawa naman ni Scithe ang makakaya niya upang sirain ang kadena pero inaatake siya ng mga kuko ng dungeon master. Mas lalong humihigpit ang pagpulupot ng kadena kay Ice. Nahihirapan na siya. Anumang oras ay mababali na ang mga buto niya. Nasugatan siya pero patuloy pa rin siya sa ginagawa. Fire was trying his best to support Scithe and Ice. Minsan tumutulong din siya sa pag-atake sa kadena habang pilit pinapagaling si Ice at Scithe.



Pinapalakas naman ni Angel ang bawat pag-atake namin sa dungeon master. Nadaplisan ako sa pisngi nang mabilis itong umatake nang sunud-sunod. Hindi ko ininda ang sakit. I gathered all my strength. I jumped above him. I targeted his head. Mababa na ang armor niya. Sa tulong na rin ng musika ni Angel, nagawa niyang palakasin ang atake ko. I released a blue bird-shaped blazing arrow and attack him from above. It was a direct and critical hit on the head. His armor was now down into zero. Now is our time. Malakas na umungol ang boss. Lumayo ako sa kanya. Nasira na nina Scite at Fire ang kadena at nakawala na si Ice. 



Sinusundan ako ng isa pang kuko ng dungeon master. Agad akong tumakbo nang paikot-ikot sa kanya habang pinatatamaan siya ng mga pana. Inis na inis si Ice kaya sunud-sunod din ang ginawa niyang pagtira rito. Nagulat ako nang mag-iba ng direksiyon ang kadena ng dungeon boss. Tumama ang kuko nito sa katawan ni Angel at humampas ang likod niya sa pader. Bumaon sa tiyan niya ang kuko nito at duguan na siya.



Hinila ng dungeon boss ang kadena nito kaya napasigaw si Angel. Napaluhod siya sa sahig. Kulay pula na ang health points niya.



"Fire!" sigaw ko. 



"Got it!" he said. Agad siyang lumapit kay Angel. Pinagaling niya si Angel pero hindi sapat. Dahil may baon namang healing potion si Angel, ininom na niya ito. She was already back on her feet.



Sunud-sunod naman ang pag-atake namin sa dungeon master. Nanghihina na ang dungeon master. Malapit nang maubos ang health points nito.



"Angel, you can give the final blow," I said. I'm not being considerate. I know she deserve it too. She nodded. Handa na siyang umatake pero nagulat ako dahil mula sa likod niya isang malakas na puwersa ang pinakawalan ni Phoenix at matatamaan si Angel.



"Ice! Switch with Angel!" utos ko. Agad niya akong sinunod. Nang makapagpalit sila ng posisyon, agad na iniwasan ni Ice ang atake ni Phoenix. Naiiling ako dahil napunta kay Phoenix ang Last Attack Bonus. May mga reward bonus din na napunta sa bawat isa sa 'min. Tumaas din ang level namin. I reached level 22. Halatang nainis naman lahat ng mga kasama ko sa ginawa ni Phoenix. Naglaho na ang dungeon boss at bumukas na ang lagusan. Tila wala namang pakialam si Phoenix sa masasamang tinging ipinukol namin sa kanya.



"Let's go," iritadong sabi ko. I know this was a ranking quest but I'm really pissed by his acts.



"Don't tell me, hindi mo siya pagsasabihin?" naiinis na bulong ni Ice na sumabay na sa paglalakad ko.



"I'll talk to him later. Bumalik na tayo sa Town," seryosong saad ko. Napabuntong-hininga na lang siya at hindi na nakipagtalo. Pagod na kaming lahat at wala na ring may balak pang magsalita.



Pagbalik namin sa Town, agad kong hinarap si Phoenix.



"I can't tolerate your behavior. If you can't follow orders—" Natigilan ako sa pagsasalita nang may biglang pumutol sa sasabihin ko.



"I see. You're in a bad mood. Mukhang mali ang timing namin ni Sky," nakangising sabi ni Zero na papalapit na sa 'min. Kumunot ang noo ko.



"Bakit kayo nandito?" takang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit biglang nawala ang init ng ulo ko.



"Hey, Ice!" Zero greeted her. Zero grinned at her. Kumunot naman ang noo ni Ice na waring nagtataka. Pero biglang nagliwanag ang mukha niya nang may maalala. Damn! Kapag may ginawa talaga siya, ibibitin ko siya ng patiwarik sa puno. I frowned.



Napansin ko naman na nakatingin sa 'kin si Sky. He grinned meaningfully at me. Kinabahan ako. There's someone in him. Something mysterious. Tila may alam siya. At hindi ko matukoy kung ano.



"Ito lang ba ang dahilan kung bakit kayo pumunta rito?" naiinis na tanong ko sa kanila.



"We want to discuss something with you. And I wonder if you'll allow me to talk to Ice too. Privately," he mischievously said. Naiinis ako. Parang ayaw kong pumayag. Hindi ako kampante na hayaan silang mag-usap na silang dalawa lang. I looked at Ice. Kumindat pa siya sa 'kin. Napailing ako. Mahahalata talaga na magkaibang tao si Denise at Ice dahil sa inaasal niya. Tumingin ako kay Zero. Tila hinahamon niya ako sa tingin niya. I could see a glimmer of amusement in his eyes too. What should I do?



———————————————



TO BE CONTINUED...



Wala ang ZeroAndIceHugs! Haha. Hindi ko na kayang isulat. Ang haba na nito. Next time na lang kapag hindi pa rin ako nakaget-over sa laban nina Pacman at Mayweather. Huhuhu



#PayakapTol

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com