Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

“ Queen? Ayos kalang? Ang lalim yata ng inisip mo, may nangyari ba? ”

Umiling si Mia bilang sagot sa tanong ni Lea,  napabuntong hininga naman ito ng makaramdam ng kakaibang amoy na s’ya namang kinamuntik n’yang sumuka.Napahawak nalang s’ya sa t’yan dahil sa nangyari, naisip n’ya rin na kanina pa s’ya hindi kumakain kaya siguro ganon nalang ang panghihina ng katawan n’ya.

“ Nagugutom lang ako, wala bang pagkain dito? At saka naliligo ba mga tao dito? Ang pangit ng amoy ah. ”

“ Ang weird ng pang amoy ah, kung may boyfriend kalang iisipin ko buntis ka e. ”

“ Ang dami mong sinabi, bilhan mo ako ng pagkain nagugutom ako. ”

“ Sige. ”

Walang dala na kahit na ano si Lea nang lumabas ito, kampanti naman kasi s’yang walang may mangyayari sa kan’ya na masama. At saka ang pagbabalik ng Queen nila ang nasa isip n’ya ngayon kaya naman ganon s’ya kaexcited na makasama si Mia.

Bumili s’ya ng kahit anong pagkain, na lahat sila makakakain, kahit naman kasi s’ya di pa kumakain  kaya naman binili n’ya ang dapat bilhin, nasagi rin sa isip n’ya ang muntik nang pagsuka kanina ni Mia, para kasing kakaiba talaga ang pang amoy nito at iyon ang unang pagkakataon na makita n’yang ganon si Mia.

Paalis na s’ya sa pinagbilhan n’ya ng makasalubong  nito Si Vince na s’ya namang kina atras n’ya.

 “Ang swerte ko naman, ikaw na mismo ang nagpakita sa’kin.Kumusta? nakabalik naba ang Queen n’yo? Siguro naman makikilala ko na s’ya kung bibihagin kita hindi ba? Mukhang masaya ito. Nakakatuwa sigurong makita na parusahan ang Queen n’yo sa harapan n’yo mismo. ”

“Bakit ba galit na galit ka sa Mafia Queen? may atraso ba s’yang hindi pa nababayaran sa’yo? Masyado kanang maraming nadadamay Vince, isa karing Mafia at wala sa rules ng isang Mafia ang pabagsakin ang kapwa mafia nito. ”

Pagkatapos ng mga salitang binibitawan ni Lea ay agad naman itong napapitlag ng may humawak sa mga kamay n’ya, nabitawan n’ya rin ang pagkaing hawak n’ya saka inis na pumalag na tila gustong kumawala sa pagkakahawak sa kan’ya.

Hindi inakala ni Lea na aabot sa ganito ang lahat, hanggang sa unti unti itong nawalan ng malay pagkatapos nitong makalanghap ng amoy galing sa isang panyo na nilapat sa bibig at ilong n’ya.

Mga ilang oras ang lumipas, ni anino ni Lea ay hindi pa nakakabalik. Hindi narin hinintay pa ni Mia si Lea dahil sa gusto na nitong umuwi dahil sa pakiramdam na hindi n’ya maipaliwanag.

Isang linggo ang nakalipas at isang linggo naring tila nasusuka si Mia, tanging s’ya lang ang nakaka alam nito dahil sa tuwing nand’yan si Vince eh pinipilit n’yang hindi mandiri at masuka sa palibot n’ya. Nag hihinala narin s’yang buntis s’ya kaya naisipan nitong bumili ng PT. Sa mga oras na iyon tila ba parang nagdadalawang isip pa si Mia sa kan’yang gagawin pero kalaunan din ay ginawa n’ya na. Hindi naman s’ya nagulat na naging positive ang resulta, dahil hindi naman talaga posible kasi sa araw na ginawa nila iyon kabado si Vince at ramdam iyon ni Mia, hindi n'ya narin inisip kung sinadya bang ipasok lahat ni Vince ang similya nito o aksidente lang dahil sa pagod narin ito.

Paglabas n’ya ng cr, bumungad sa kan’ya ang mukha ng isang binata na tila ba alalang alala sa kan’ya, napakunot noo rin ito ng bigla nalang s’yang niyakap nito.

“ Vince? Bakit? ”

“ Pakasalan mo na ako. ”

“ Saka na, pag kilala mo na kung sino at ang buong pagkatao ko. Ayukong gumawa ka ng isang disisyon na pagsisihan mo habang buhay. Ayos na sa’kin ang ganito na muna tayo. ”

“ Pero Mia? Nakuha ko ang buong pagkatao mo kahit wala tayong label, at nakakababa sa’kin iyon. Pano kung makabuo ako? Alam ko makakabuo ako, pinasok ko lahat alam mo ba. ”

Inisip ni Mia na hindi nagkakamali si Vince, at nakabuo nga ito. Pero siguro hindi pa iyon ang oras para sabihin n’ya kay Vince ang lahat, marami rin s’yang gagawin kaya naman hindi pwedeng malaman ni Vince na, buntis s’ya.

Napabuntong hininga nalang si Vince, dahil sa sinabi ni Mia. Para silang dalawang magkasintahan na merong nakatago na lihim sa isa’t isa.

“ Ah , Mia? Payag kabang magkaroon ng anak tapos ako ang ama? Pangarap ko kasi ang ganon. Lalo na kapag  may nakikita akong mga bata tas tinatawag nilang Daddy at Mommy ang mga magulang nila, parang gustong gusto ko na agad na magkaroon ng ganon.  Siguro kapag nangyari iyon tas ikaw ang magiging Ina, handa akong kalimutan ang lahat na meron ako ngayon at mabuhay ng mapayapa kasama ka at ang magiging anak natin. ”

“ Ano ba iyan? Nakakakilabot ka naman. Mas sanay parin akong makita kang hindi sweet at busangot ang mukha,kaysa naman sa ganito hindi bagay. ”

“ May gagawin pala ako mamayang gabi. Baka hindi mo na ako maka uwi. Ayos lang naman ako, hindi mo na ako kailangan samahan kaya ko na ang sarili ko. ”

“ Sino bang may sabing  sasamahan kita, alam kong bodyguard mo’ko pero may importante din akong asikasuhin mamaya kaya naman, ok lang kahit di kana umuwi. ”

“ may gagawin ka rin? ”

“ Kakasabi ko lang e, bungol lang!  Sige na magbibihis na ako. ”

Hindi na lumingon si Mia kay Vince , wala s’yang paki alam kung anong iisipin ng binata. Ang iniisip n’ya ngayon ay kung bakit ilang araw nang hindi nagpapa ramdam si Lea, malakas narin ang kutob n’ya na may dumukot dito. At kung nagkataon baka isa iyon sa mga gustong pabagsakin ang organisasyon at ang gustong makita s’ya sa personal.
Pero kailangan n’ya ng mag ingat sa bawat galaw n’ya dahil narin sa meron na itong dinadalang sanggol sa sinapupunan n’ya. Nakakaramdam narin s’ya ng kaba hindi dahil sa baka mahuli s’ya sa plano n’ya ,kundi dahil sa pag aalala n’ya na baka sa isang pagkakamaling galaw n’ya lang makunan s’ya.

Wala s’ya sa sarili na tumungo sa hideout kung saan andon na ang mga kasamahan n’ya, pagkarating n’ya doon. Naagaw agad ang attention nito dahil sa may kung anong bagay ang tinitignan ng mga ito sa device na meron sila. Kahit hindi n’ya pa tuluyang nalalaman kung ano ang andon, sobra na agad ang bilis ng tibok ng puso n’ya.

“ Anong meron? Para kayong nakakita ng multo ah. May nangyari ba habang wala ako? Si Lea? Nakabalik naba?”

Sunod sunod na tanong nito, habang ang lahat naman ay nanatiling tahimik at unti unting lumayo sa kan’ya.Nang tuluyang masulyapan ni Mia ang kanina pa tinitignan ng mga kasamahan n’ya.Halos maikuyom naman nito ang kamao ng makita kung paano at bakit puno ng pasa at tila pinahirapan ng husto si Lea.

May mga dugo rin ito sa ulo at tila basang basa. Ramdam ng lahat sa loob ng hideout ang madilim na aura na meron si Mia na sa konting pagkakamali mo lang ay maaari ka nitong mapatay.

“ Sino ang nagpadala nito? ”

Malamig at galit na tanong ni Mia na kinakaba naman ng lahat, alam nilang hindi nila pwedeng pakalmahin si Ryu ng simpleng salita lang dahil sa alam nilang si Lea ay isa sa kaibigan at kanang kamay ni Mia.  Halos mapapitlag naman ang lahat ng biglang kinasa ni Mia ang baril at walang pakundangan na pinaputok ito dahil ni isa walang sumagot sa tanong n’ya. Inulit nito ang tanong at sa  pangalawang iyon may nagkusa nang sumagot, at sinabing may address na pinadala at kung saan pwede itong puntahan ni Mia, ayon din sa nasabi na si Mia lang ang pwedeng magligtas sa kaibigan n’ya.

Kahit nag aalangan si Mia ay sinunod n’ya ang nasabi doon. Tanging baril at kutsilyo lang ang dala n’ya sa mga oras na iyon. Samantalang habang hinihintay ng lahat ang pagdating ni Mia ay s’ya ring pagdating ni Harold sa hideout ni Vince na kung saan dinala si Lea.

“ Akalain mong naunahan mo akong kunin ang kanang kamay ng Mafia Queen, anong plano mo? Papatayin mo agad s’ya o  pahihirapan mo muna?  Ano kaba naman bakit mo naman binugbug ng ganito ang isang babae. Kawawa naman tignan mo hindi na tuloy magandang tignan. ”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com