Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pekeng Pag ibig

Masaya sa simula pag ibig na inaakala,

Na iyong inahanda at sa akin ipinakita.

Ako ay pinaniwala at lubos na umasa,

sa iyong pagsinta na inakalang ito'y tama.

Kaya sayo ako'y hindi nag alinlangan

Na ibigay ang pinaka iingatang yaman

Dahil  sa iyong malambing na pagsuyo

at matatamis na mga pangako.

Subalit lahat ng iyong pinakita

Ay isa pa lang kasinungalingan

Dahil pagkatapos mo iyon na makuha

Ako ay bigla mo na lang nilisan

Nag-iwan ng liham at iyong ipina alam

ang totoong nararamdaman at ang katotohanan

na ako pala ay isang panakip butas lamang 

at ngayon ay babalik ka na sa iyong toong mahal.

Pekeng pag-ibig ngayon ay aking napatunayan

Kaya kayo'y mag-ingat pagkat sila'y nadyan lamang

Nakapostura ng damit ng kasinungalingan

at nakasuot ng maskara ng kabutihan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com