Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Author's Note

Dear Readers,
Pasensya na kayo kung masyadong masakit ang kwentong ito ha! Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginawa at tinapos. Wala naman akong pinanggalingan sa pagsulat nito basta nalang nabuo ang ideya sa isip ko.
Ngunit alam ninyo, ang kwentong ito ay may ilang paalala para sa ating lahat.
Una, Pahalagahan ninyo ang mga taong nagmamahal at malapit sa inyo. Hindi natin alam kung hanggang kailan sila mananatili sa tabi natin.
Ikalawa, Gawin natin ang mga bagay na alam nating makakatulong sa mga taong alam nating nangangailangan. Hingin man nila ito o hindi, basta't alam mong kailangan nila, huwag tayong magdalawang isip.
Ikatlo, Maging kuntento at mapagpahalaga sa mga bagay na ipinagkakaloob sa iyo ng Diyos. Maswerte ka lalo na kung binigyan ka ng isang masaya at maayos na Pamilya na nagpupuno sa iyo ng pagmamahal at huwag din kalimutang ibahagi ang pagmamahal na iyon
Ikaapat, Maging malawak ang ating pang-unawa. Sana ay makita natin ang hirap, sakripisyo at pagod na inilalaan ng iba para sa atin. Madalas, sa ating mga Magulang, kaibigan, o kung sinumang mga malapit sa atin.
Ikalima, Pahalagahan ang buhay. Hindi lang ikaw ang nakakaranas ng hirap sa mundong ito. Lahat tayong nandito ay may kani-kaniyang pasanin sa buhay. Sabi nga nila, "Hindi ka tao kung hindi ka nakararamdam ng sakit".
At kayo, kung may iba pa kayong aral na napulot mula sa kwentong ito, malaya kayong ibahagi ito hindi lang sa akin kundi maging sa ibang nakabasa nito o kahit sa mga hindi.
Maraming Salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com