Epilogue Ashes
Sa bahay nila, kinausap ni Aling Nesa si Natalie tungkol sa mga gulong nagaganap.
"Natalie, ano nanaman itong ginawa mo? Mula nang umuwi ka buhat sa nangyaring gulo sa may lumang gusali, napapadalas na ang pagkakasangkot mo sa mga nababalitang panggugulpi. Ngayon, pinapatawag nanaman ako sa eskwelahan nyo. Ano bang problema mo?", galit na sabi ni Aling Nesa.
"Wala naman po akong problema Nay. Sila po iyon. Hindi po nila ako tinitigilan eh.", sagot ni Natalie.
"Hindi naman kailangang maging sobrang lala ng mga natatamo nila at ilang beses na ito anak eh. Pakiusap naman anak, sabihin mo sa akin ang problema nang malaman namin ang gagawin.", naluluhang pakiusap ni Aling Nesa.
"Nay, ipinagtatanggol lang naman po ako ni Kuya eh.", malamig na tugon ni Natalie.
Nang marinig ito, nanlumo si Aling Nesa. Hindi niya akalain na ganito na ang kalagayan ng kanyang anak. Hindi na niya mawari ang dapat gawin. Dahil dito, hindi niya pinayagang makalabas ng bahay si Natalie.
Kinabukasan sa eskwela, kinausap ni Aling Nesa ang Guidance Councilor. Kasama rin sa kanila ang Principal ng eskwelahan.
"Misis, kailangan ninyo na pong pakatutukan ang anak nyong babae. Masyado nang maraming nangyayaring gulo ngayon. Ilang mga binatilyo na ang napinsala nang dahil sa kanya. Ang iba po sa kanila ay mga nasa ospital pa.", mahinahong winika ng Punungguro.
"Oo nga po eh. Hindi ko rin po inaasahan ang lahat nang ito.", tugon ni Aling Nesa.
"Pero naitanong ninyo na po ba sa kanya kung anong problema? Magmula kasi noong matapos ang insidente sa lumang gusali, naging palaaway siya.", sabi ng Guidance councilor.
"Ah, tungkol nga po pala doon, gusto ko po sanang ipagpaalam muna na hindi siya makakapasok para maidala ko po siya at mapasuri sa isang Psychiatrist.", sabi ni Aling Nesa.
Nagulat at nagtaka naman ang mga guro at nagtanong.
"Ibig ninyo po bang sabihin..."
Hindi pa man natatapos ang pangungusap ng Punungguro, sumagot na si Aling Nesa at nagpaliwanag.
"Kahapon po kasi habang kausap ko ang anak ko, ang sabi niya ay ang Kuya daw po niya ang may kagagawan ng lahat samantalang ilang linggo na ang nakakalipas mula nang pumanaw si Nathan doon sa may lumang gusaling pinangyarihan ng insidenteng iyon."
"Ganoon po ba? Sige po kayo ang bahala. Mas mahalaga po na malaman natin agad ang dapat gawin para hindi na lumala pa at nang maging maayos din po ang lahat. Dasal ko po ang ikakabuti ng anak ninyo. Malapit na naman pong matapos ang klase. Balitaan nyo po sana ako kung anong magiging resulta ng pagpapasuri sa kanya ha.", wika ng Punungguro.
"Maraming salamat po sa inyo. Huwag po kayong mag-alala, magbibigay po ako ng balita sa inyo.", tugon ni Aling Nesa.
"Sige po mag-iingat po kayo.", pagpapaalam ng Punungguro at ng Guidance councilor.
Nang matapos ang usapang iyon, dali-daling umuwi ng bahay si Aling Nesa ngunit nagulat siya nang hindi na niya nadatnan ang anak. Dahil dito, labis ang kanyang pag-aalala kung saan naman kaya nagtungo ang anak niya. Tinawagan niya si Nathanael upang humingi ng tulong.
"Hello! Bakit po Tita?", pagsagot ni Nathanael sa tawag.
"Si Natalie, umalis nang bahay. Alam mo ba kung saan siya nagpupunta?" Nag-aalalang tanong ni Aling Nesa.
"Ah, opo, alam ko po. Sige hintayin nyo po ako. Pupuntahan ka po namin ni Arlyn.", tugon ni Nathanael.
Napabuntong hininga nang sobrang lalim si Aling Nesa. Naupo siya sa labas ng bahay habang naghihintay kina Nathanael at Arlyn. Hindi niya mapigilang mag-isip ng kung anu-ano at alalang-alala siya para sa anak niya.
Makalipas lang ilang saglit, natanaw niyang may dalawang tumatakbo at patungo sa direksyon niya. Kinawayan siya ng mga ito kaya tumayo siya at naglakad papalapit sa kanila.
"Tita kamusta? Ayos lang po ba kayo?", tanong ni Arlyn.
"Oo, ayos lang naman ako. Pakiusap tulungan nyo akong hanapin si Natalie.", wika ni Aling Nesa.
"Sige po tara sumunod po kayo sa akin at sasabayan kayo ni Arlyn.", sabi ni Nathanael.
At ganoon nga ang ginawa nila.
Pinangunahan ni Nathanael ang dalawa patungo sa lugar kung saan laging nagtutungo si Natalie. Lahat sila ay hindi makapagsalita at nag-iisip.
"Diyos ko. sana po walang masamang mangyari sa kanya.", dasal ni Aling Nesa sa sarili habang patakbong tinutungo ang lugar kasama ang mga kaibigan ni Natalie.
Noong makarating sila, itinuro ni Nathanael kung saan laging naupo si Natalie. Nakita ng Ina ang anak na nakaupo sa isang malaking bato katabi ng isang sunog na katawan ng puno. Patakbo niya itong nilapitan at niyakap. Kapwa sila napaluha at napahagulgol. Nagsalita si Aling Nesa at kinausap ang kanyang anak.
"Natalie, kailangan mong tanggapin ang lahat para na rin sa ikatatahimik ng Kuya mo. Parang awa mo na anak, halika na."
"Tama ang Nanay mo Natalie. Kailangan mong makawala sa sakit na idinulot sa iyo ng pangyayaring iyon. Nandito naman kaming mga kaibigan mo at sasamahan ka namin.", pagsang-ayon ni Arlyn.
"Natalie, tara na. Hayaan mo naman kaming tulungan ka. Alam kong hindi rin gusto ng Kuya mo ang mga nangyayari sa iyo.", dagdag pa ni Nathanael.
Lahat sila ay ibig na tulungan si Natalie ngunit ayaw niyang magpatinag at pilit na umuupo sa tabi ng sunog na puno. Ayaw niyang sumama pauwi. Ang sabi niya,
Nay, dito po muna ako. Sabay kaming uuwi ni Kuya. Tatalunin lang namin ang kabilang pangkat tapos uuwi na kaming dalawa."
Nang madinig nila ito, lalo silang napahagulgol. Labis-labis ang habag na naramdaman nila para kay Natalie. Hindi nila lubos maisip na hahantong ang lahat sa ganito. Hindi nila akalain na maapektuhan nang higit ang pag-iisip ni Natalie dahil sa hindi niya matanggap na pagpanaw ng kanyang mahal na Kuya.
Tama, noong gabi ng kaguluhan, habang patuloy ang matinding bakbakan sa pagitan ng dalawang gang, hindi inaasahan ang biglang pagkidlat na nagdulot ng isang tuluyang pagkasunog sa gusali na yari sa kahoy at iba pang mga materyales na madaling sumiklab at maglikha ng apoy. Sa kabutihang palad, nakatakbo si Natalie at nakaligtas dahil na rin sa sobrang takot. Habang patuloy siya sa pagtakbo, bigla na lamang siyang napahinto at lumingon sa gusali. Nabanaag niya ang apoy na patuloy na pinaghuhusay at tinutupok ang lahat sa paligid nito kabilang na ang kanyang Kuya. Sa kanyang labis na panlulumo at dipresyon, nawala siya sa katinuan at hinintay niyang dumating si Nathan at sabay daw silang uuwi. Maya-maya, umuwi na nga siya subalit hindi ang Kuya Nathan ang kasama niya kundi isang bomberong kabilang sa mga rumesponde sa sunog sa gusali.
Mula noong araw matapos ang malagim na insidenteng iyon, sa tuwing hinaharang si Natalie ng mga siga at tambay sa araw-araw na napasok siya sa eskwela, walang ibang gumugulpi sa kanila kundi si Natalie lang at hindi kasama ang kanyang kuya. Yaun lamang ang naiisip ng kawaawang dalaga dahil sa dulot na matinding troma ng trahedya.
**********
Makalipas ang tatlong araw;
"Uy Nathanael, pansinin mo naman kami dyan. Masyado kang nananahimik eh.", tawag ni Arlyn.
Lumingon si Nathanael sa apat na kasama niya sa upuan. Sina Alex na Kuya niya, si Kevin na jowa ni Arlyn at ang kambal.
"Pasensya na kayo ha. Sige lang, huwag nyo akong intindihin, ayos lang ako.", tugon ni Nathanael.
"Nath, nauunawaan namin ang nararamdaman mo. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan eh. Kami din nasasaktan.", wika ni Arlyn.
"Pare-pareho tayong nalulungkot dito dahil sa sinapit ng mga kaibigan natin. Sino bang may kagustuhan ng lahat? Wala naman, hindi ba? Hindi rin naman natin masisisi si Natalie kung bakit niya nagawa iyon.", dagdag ni Arvyn.
"Tol. alam naming mahal na mahal mo si Natalie pero alam din naming mahal ka din niya at ayaw ka niyang mahirapan nang dahil sa kanya.", sabi ni Kevin.
"Nathanael, ano man ang mangyari, nandito lang kami para sa iyo. Kaya mo iyan. Sabay-sabay tayong babangon mula dito. Siguro kung nandito lang silang dalawa, ayaw nilang malungkot tayo. Kaya lang, hindi rin naman natin maiiwasan iyon lalo't nawalan tayo ng mga taong mahalaga para sa atin. Ang mas mabuti, Kasabay ng pananalangin natin para sa ikapapayapa nila, ipanalangin din natin ang ating mga sarili upang maging malakas tayo at mapagtagumpayan natin ang unos na ito at mas maging matatag tayo sa mga paparating pa.", hinaplos ni Alex ang likod ng kanyang kapatid.
Sila ay kasalukuyang nasa tahanan nina Natalie at nakaupo malapit sa kanyang kinahihigaan.
"O, hindi pa ba kayo nagugutom? May lugaw dito.", sabi ni Aling Nesa na namumugto na ang mga mata.
"Sige po, salamat po!", sagot nila.
"Nay, ako po pahingi.", lumapit ang batang lalaki na kapatid din ni Natalie.
Binigyan naman ito ni Aling Nesa at bumalik sa pwesto ng kanyang anak.
"Natalie, Nathan, sana mahanap na ninyong dalawa ang kapayapaan. Patawarin nyo ako kung naging napakarami kong pagkukulang bilang magulang sa inyo. Kung mas tinuon ko lang sana ang panahon ko sa inyo, eh di sana hindi kayo naging rebelde at napabilang sa gang. Eh di sana, kapwa pa kayong nandito ngayon. Labis ang pagsisisi ko mga anak. Sana mapatawad ninyo ako.", pagtangis niya.
"Tita, huwag nyo na pong pakasisihin ang sarili nyo. Ipanalangin nalang po natin ang mga ikabubuti ng bawat isa sa ating lahat.", sabi ni Alex.
Sobrang sakit ng dinanas nilang lahat. Walang sinumang nakaisip na hahantong ang lahat sa ganito.
Noong sumunod na araw nang pinilit nilang umuwi si Natalie, tuluyan na itong napagod na ipagpatuloy ang kanyang buhay sa mundo. Natagpuan na lamang siya ng kanyang Ina sa loob ng kanyang silid at naagos ang dugo mula sa kanyang leeg. Hawak-hawak pa niya ang kutsilyong ginamit niya noon. At doon na nga natatapos ang kwento ng mga kabataang dumaan sa isang madilim na bahagi ng kanilang buhay. Nawa ay naunawaan ninyo ang nais iparating na mensahe sa likod ng kwentong ito ng mga kabataan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com