Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Page 14 Part 5

Rain: May isa pa pala! Itong 'Mutual Understanding Series'; hindi pa sa akin gaanong malinaw ito.

Jorge: 'Yan? Paano na nga? Ganito... ang Book 1 niyan na 'Me&U' ay epistolary, even the book 2 may part na epistolary rin. Kaya epistolary ang 'Me&U' ay dahil umikot ang story niyan sa diary ni Joyce. Actually, it is her lecture notebook for the subject Filipino, dahil meron namang pamphlet at librong 'El Filibusterismo' kaya hindi 'yon masyadong nagagamit. Para hindi naman masayang ang mga bakanteng pages (dahil hindi naman tsinetsekan ng teacher nila) ang likuran n'on ay ginawa niyang—hindi naman totally diary—sabihin nating 'scratch' na sinusulatan niya ng kanyang pang-araw-araw na nararamdaman. Sa ganoong way ko rin 'yon sinumulang isulat, lecture notebook na wala halos lecture na dahil sa panghihinayang unti-unti kong nasulatan ng story sa tuwing bored ako.

Then, ang Filipino Notebook ni Joyce na 'yon, nang magpi-periodical exam na sila, hiniram ng kaklase niyang si Angelo na simula first year pa lang ay crush na niya. Sa pagkaaligaga sa dami ng mga tamad na kaklaseng nagkukumahog manghiram kay Joyce ng mga lecture notebook (dahil may pagkamasipag mag-lecture itong si Joyce) nawala na sa kanyang isip na ang hiniram ni Angelo ay ang kanyang pakaiingat-ingatan at restricted kay Angelo na Filipino dahil sa mga nakatala doong mga mumunting lihim tungkol sa kanyang pagtingin sa binata. Hayon, dahil sa natuklasan ni Angelo sa notebook, nagkalakas siya ng loob na magtapat din ng nararamdaman kay Joyce kaya sa halip na 'scratch/diary' lang iyon since wala pang fb that time ay naging chatbox na rin nila. Dahil strict ang parents ni Joyce, kahit ligaw ay hindi siya nagpaligaw at iyon ay naintindihan naman ni Angelo dahil sapat naman na sa kanya na malaman na mahal din siya ng babaeng minamahal niya kaya ipinangako niya na hihintayin niya ang tamang panahon para sa kanila at hinding-hindi titingin at ibabaling ang puso sa iba.

Rain: How about Jerah? Tama ba ako may kakambal si Joyce?

Jorge: At talagang pati si Jerah nakilala mo 'no.

Rain: Nang malaman ko kasi ang pangalan ng persona mo na si Joyce, tinanong ko sa kanya kung kapatid ka niya, ang sabi niya wala raw siyang kapatid na Jorge, Jerah daw. Ano ngayon ang role ni Jerah? Bakit kailangan maging kambal si Joyce?

Jorge: Ah, wala lang. Ginawa ko lang 'yon para magkaroon ng twist ang story. Si Jerah kasi ang batch salutatorian nila. During their graduation day, pagkatapos na pagkatapos ng ceremony habang abala sa pagpapa-picture ang lahat, naunahan ni Jerah si Joyce na pumuga, at ikwinintas pa sa kanya ang mga medal. Samantalang si Joyce at Angelo ay may usapan na magkikita sa kanilang classroom right after the graduation ceremony para ibigay ang graduation gift ni Angelo which is ang pagsagot sana ni Joyce kay Angelo kahit pa hindi naman niya ito nililigawan dahil nga bawal pa. Kaya pagdating ni Angelo sa classoom ang inabutan niya ay si Jerah at Roel na naghahalikan at inakala niya na si Jerah ay si Joyce. Nadurog ang puso ni Angelo sa kanyang nasaksihan. Pakiramdam niya ay pinaglaruan lang siya ni Joyce at sa pagkamuhi ay nilisan niya ang iskwelahan at tumakbo papunta sa sementeryo na kung saan wala sa kanyang makakakitang umiyak maliban lang sa puntod ng kanyang ina. Sa sobrang galit ay ayaw na niyang marinig pa ang mga sasabihin ni Joyce kaya ibinalibag niya ang kanyang cellphone. Si Joyce na walang kamalay-malay sa mga nangyari ay hindi na ma-contact si Angelo. Takang-takang hindi mahagilap ito, gustuhin man niyang puntahan ito sa bahay—na kalapit lang ng iskwelahan—ay hindi niya nagawa dahil kasama nila ang parents nila na nag-aaya nang umuwi.

Rain: Paano namang naging mayaman ang kumag na si Angelo, ha? At naging katulong naman niya si Joyce?

Joyce: Noong araw ding iyon nakilala ni Angelo ang kanyang tunay na ama—ang guest speaker ng graduation nila na si Arturo 'King Arthur' Urdaneta na may-ari ng Kingdom Hotel na siyang pinamalaking hotel dito sa Baguio. Hindi naman na kailangan ng DNA Test para mapatunayan na mag-ama nga sila dahil magkawangis sila. Pero para na rin makasiguro minabuti na ni King Arthur na magpa-DNA Test. At nang lumabas na ang resulta ng DNA Test, kumpirmado si Angelo nga ay isang Urdaneta. Ayaw mang iwanan ni Angelo ang kinalakhang pamilya ng tito niya, pero wala siyang magagawa maging ang kanyang mga kamag-anak dahil mas may karapatan sa kanya ang kanyang ama. Kaya napilitan na rin si Angelo sa gusto ng tatay niya na roon na tumira sa puder nito kasama ang pamilya nito para bigyan na rin ng pagkakataon na makilala pa.

Habang si Joyce naman, HRM ang kinuhang kurso sa college. At nang siya ay maka-graduate, nag-apply siya sa Kingdom Hotel bilang housekeeper, without knowing na naroon si Angelo. Heto na ang part na hindi ko maisulat-sulat, pero gustong-gusto kong isulat kung hindi lang dahil nag-o-ojt ako. Ito na kasi 'yong part na natanggap na si Joyce sa Kingdom Hotel na kung saan madami sa kanyang nagsasabi na kamukha niya ang anak ng may-ari ng café ng hotel na si Chef Cindy na girlfriend daw ng panganay na anak ni King Arthur na si Angelo. At nalaman pa ni Joyce na kasabay sa pagdiriwang ng 10th anniversary ng hotel sa katapusan ng October ay ang kaarawan ni Cindy at ng boyfriend nito. Sa pagkakatulad ng kaarawan at maging edad ni Angelo at ng anak ni King Arthur, hindi maiwasan ni Joyce na mapaisip na baka iisa lang ang dalawa. Para malaman kung tama ba ang kanyang kutob, isang paraan lang ang nakikita ni Joyce—ang makita ang prinsipe ng Kingdom Hotel. Sakto namang sa mismong araw ng selebrasyon ay natapat si Joyce sa graveyard shift kaya nakakita na ng pagkakataon para makita ang kanyang pakay.

Pagkapasok niya ng trabaho noong araw na iyon, isang tawag na kaagad mula sa front office ang kanyang na-received, para sa request ng guest na kaagad namang tinugunan ni Joyce. Pagdating sa room ng guest, nakaharap ni Joyce ang sinasabi nilang kahawig daw niyang si Cindy na siya palang tumawag sa front desk. Pero may isa pa palang hihinging pabor si Cindy at iyon ay ang humalili si Joyce para sa kanya sa party. Ayaw man ni Joyce pero dahil sa pangungulit ni Cindy kaya pumayag na rin siya dahil sa gusto na rin naman nga niyang makita ang prinsipe ng Kingdom Hotel.

Pagdating niya sa party suot-suot ang bonggaycious na ballgown at pangmalakasang maskara. Sa ibaba ng grand staircase naghihintay na ang prinsipe na walang iba kundi si Angelo—walang iba kundi si Angelo niya. Tama nga ang kanyang hinala na si Angelo ang anak ng milyonaryong si Arturo Urdaneta. Sa sobrang saya ni Joyce na makitang muli si Angelo, nawala ang kanyang mga pangamba kung sakali mang mapatunayan niyang tama ang kanyang mga hinala. Nagsayaw sila buong gabi, she cherished the moment with the man she loves. Pero bago sumapit ang alas dose, lumuhod sa harapan niya si Angelo, inilabas ang singsing sa bulsa at tinanong siya ng 'Will you marry me?' Masyadong nagpadala sa saya si Joyce kaya napa-oo siya. At tulad ng isang panaginip, hahalikan na sana siya ni Angelo nang tila ginising siya ng alarm ng orasan na hudyat na sumapit na ang alas dose kaya mayroong pa-fireworks na ayon sa sinabi sa kanya ni Cindy before going to the party ay dapat niyang samantalahin para maka-exit. Sa sobra nang kalituhan ay wala nang alam na gawin si Joyce kundi ang sundin na lamang ang bilin ni Cindy dahil—at the first place—pinahiram lang sa kanya ang moment na iyon, mahal man niya si Angelo, hindi pa rin para sa kanya ang proposal na iyon, kaya dali-daling bumalik si Joyce sa room ni Cindy para makapagpalit.

Nang ma-absorb na niya ang lahat, gusto pa sana niyang balikan si Angelo para makapagpaliwanag, pero huli na ang lahat dahil nandoon na si Cindy. Takot na takot si Joyce na baka mapagkamalan siyang magnanakaw kung sakaling makita sa kanya ang singsing. Buti na lang at nagkaroon siya ng pagkakataon na malapitan si King Arthur. Ipinaliwanang niya ang lahat at siya naman ay naunawaan nito. Kinabukasan pinatawag si Joyce ng H.R. para pagpaliwanagin sa biglaang pagkawala niya habang naka-duty. Nalaman iyon ni King Arthur kaya siya na ang umako ng kaso ni Joyce. At sa office nito ay sinisante niya si Joyce, but don't worry, 'yon ay para ialok ang panibagong trabaho niya na housekeeper pa rin ngunit sa bahay na mismo ni Angelo in short to be his angel. Hindi kasi mapalagay si King Arthur matapos niyang malaman ang ginawa ni Cindy sa party—'yon ang mission ni Joyce ang alamin ang tunay na pakay ni Cindy kay Angelo. Lahat ng nangyayari sa prinsipe ng Kingdom, at mga taong maaaring magsamantala sa kanya ay i-re-report niya kay King Arthur para masiguro lang nito na nasa mabuting kalagayan ang tagapagmana ng Kingdom Group of Companies lalo na't nagsasarili na 'yon. Akala naman ni Joyce ay magiging heaven pa rin ang buhay niya sa bahay ng pinakamamahal na si Angelo kahit pa may mahal na itong iba, pero nagkakamali siya dahil ibang-iba na ito sa kanya. Then, ang balak ko sana ay naghihigante lang naman kasi si Angelo dahil doon sa maling akala niya noong high school graduation then ang mangyayari ay magkakaroon siya ng chance na mabasa ulit ang diary ni Joyce at doon niya malalaman ang totoo tapos ititigil na nila ni Cindy ang pagpapanggap na mag-on sila.

Rain: Para naman saan at nagpapanggap sila? What is the story behind that?

Jorge: Ang gusto ko kasing twist doon ay plano lang ni Cindy at half brother ni Angelo na si Elizar ang pagiging mag-on nila ni Angelo para paghigantihan si Angelo—paiibigin, papakasalan at iiwanan kapag nakuha na lahat ng ipapamana kay Angelo saka babalikan ni Cindy ang tunay niyang mahal na si Elizar. Kaya noong party humanap ng paraan si Cindy para sana makatakas dahil alam niya na mag-pro-propose si Angelo at hindi niya 'yon kayang sikmurain. Nagkataon namang ang kamukha pa niyang si Joyce ang tumugon sa kanyang request noong gabing 'yon kaya naisip niyang what if magpa-proxy na lang para hindi na sa kanya manggaling ang 'oo.' Pero later on malalaman din ni Angelo ang plano sa kanya ng kanyang kapatid kaya ipinagpatuloy pa rin nila ni Cindy ang pagpapanggap para palabasin pa rin sa kanyang kapatid na wala pa rin siyang alam at para pagselosin na rin si Joyce. Kaya naman nang mabasa niya ang diary at malaman niya kung gaano ka-faithful sa kanya si Joyce through out the years, magiging mabait na siya kay Joyce. At balak ko rin sanang gumawa pa ng book 3 n'on na pamamagatang 'Marry U,' dahil as usual dapat maikasal sila kaya lang hindi ko na alam kung paano ko pa pahahabain ang story or should I say hindi ko na alam kung paano pang aayusin kasi buhul-buhol na eh, 'di ba? Sorry naman masyado lang kasi akong nadadala/biased sa story na 'yan kahit na hindi pa ako bihasa sa pagsusulat nang isinulat ko 'yan kaya ganoon na lang din kagulo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com