Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Page 15

DINALA ni Rain si Jorge sa isang department store. Pagkababa pa lang ng taxi ay inabot na niya kay Jorge ang limang libong piso. "Bilhin mo kung ano ang mga kailangan mong gamit, ako ang bahala. "

"Rain, kailangan ba talagang dito pa?" reklamo ng tila napako ang paa sa kinatatayuan na si Jorge dahil sa pagkaalangan. "Sanay naman akong mag-shopping sa mga ukay-ukay."

"Ayaw ko naman pagsuotin ka ng mga damit na isinuot na ng ibang tao baka alam mo na... may dumagdag pa sa mga persona mo. Ako lang din ang mahihirapan." Inakbayan ni Rain si Jorge at inakay ito papasok ng department store habang isinusuksok ang pera sa bulsa ng suot nitong polo-shirt niya. "Hindi naman sa ayaw ko na isuot mo ang mga damit ko gaya ngayon, gusto ko lang na maging komportable ka."

"Okay, fine." Magkasunod na irap at buntong-hininga ang idinagdag pa ng napilitang si Jorge.

Tinapik-tapik ni Rain ang kaliwang balikat ng kaibigan bago ito bitawan nang papasok na sila sa entrance ng Mall. "Huwag kang mahihiya, ha."

"For the third time around: huwag kang mag-aalala kapag naka-luwag-luwag ako babayaran din kita," saad ni Jorge habang kinakapkapan na ng lady guard.

Pagkatapos namang makapkapan ng guwardiya si Rain ay kaagad niyang sinundan ang dire-diretsong si Jorge.

"Hayon, kaya ayaw mo rito kasi inaalala mo 'yang babayaran mo. Oh, sige for the nth time around din: huwag mo munang intindihin 'yon ha, hindi naman kita sisingilin eh," nakangiting bumuwelta si Rain sa pangako ni Jorge na tinernuhan pa ng pag-angat-angat ng mga kilay. "You can spree without worry."

Hindi na kumibo si Jorge na tumingin na sa mga damit. Habang abala siya sa pamimili, hindi na rin naiwasan ng naiinip nang si Rain na mapatingin rin sa mga paninda.

Mula sa pang-araw-araw hanggang sa mga gamit pang-opisina—kompleto ang department store. Namamanghang napatulala si Jorge sa isang mannequin na nakasuot ng corporate attire habang naiisip ang karakter ng akda niyang 'Blessing in Disguise' na si Blest Janson na nagpanggap bilang isang Grace Jose para makapasok bilang isang empoleyado sa katunggaling kompanya sa planong mapabagsak iyon. 'Gaya ni Blest, pwede rin kaya akong mag-disguise sa Homecoming nang sa gayon ay hindi nila ako makilala?'

Maya-maya ay lumapit kay Jorge ang isang saleslady na kanyang naisip tanungin ng mga bagay na gusto pa niyang mahanap. "Miss do have scissors here?"

"Scissors, ma'am? Third floor, Ma'am."

"Perfect!" bulong ni Jorge sa sarili saka hinarap muli ang saleslady. "Thank you."

Sa ilang minutong paglibang ni Rain sa sarili, hindi niya namalayan na wala na sa tabi niya ang kaibigan. "Jorge?"

Inilibot ni Rain ang paningin, ngunit hindi niya ito mahagilap kaya naisipan niyang magtanong sa saleslady na nag-aayos ng paninda sa kalapit na estante. "Miss, nakita mo ba 'yong kasama ko kanina?"

"Sir pumunta po siguro siya ng third floor—doon po sa mga school supplies—nagtanong po kasi siya ng gunting."

"Gunting? Aanhin niya n'on?" Sa nalaman biglang kinutuban si Rain na baka may iba na namang nangyayari sa kaibigan dahilan para siya ay magmadali nang hanapin ito. "Miss, salamat."

Binilisan niya ang lakad habang nagpapalinga-linga sa mga estanteng kanyang natatapatan; umaasaang baka mahanap na kaagad ang kaibigan.

Ngunit pagdating sa third floor, tulad ng sinabi sa kanya ng saleslady, ay hindi pa rin niya natagpuan ito. Naisip niyang tawagan ang kaibigan sa cellphone, ngunit hindi nito sinasagot. Kaya nagpatuloy na lang si Rain sa paghahanap sa iba pang mga palapag ng department store, pero siya ay nabigo.

Isang lugar na lang sa loob ng pamilihan ang hindi pa niya napupuntahan—ang comfort room. Habang nag-iisip ng maaari pa niyang gawin upang mahanap si Jorge, nag-abang na lang muna siya roon; umaasang lumabas ito sa pintuan ng lady's comfort room.

At hindi nga nagtagal ay isang babae ang lumabas mula roon na nakasuot ng pencil skirt, blouse at blazer, nakasalamin, may sukbit na shoulder bag, at shoulder length ang buhok. "Jorge?"

Inilakad ni Rain ang mga paa para lapitan ito at kausapin. Sa bihis na iyon ni Jorge, natatansiya niya na iba na naman ang pagkatao nito na maaaring ang Ingleserang bida ng 'Blessing in Disguise'. "Blest?"

Bakas sa mukha ni Jorge ang pagkagulat nang magtama ang mga tingin nila, saka napatalikod sa direksiyong kasalungat ng kay Rain. "Blest Janson, come on... stop pretending somebody else!"

Hindi hinarap ni Jorge si Rain at sa halip ay akma nang lalakad papalayo. Sa pagkakataong iyon mas naging kompiyansa pa si Rain sa kanyang hinala, kaya inakbayan niya ito. "Where are you going?"

Hindi inasahan ni Rain ang sumunod na nangyari: siniko siya nito sa kanyang tadyang. Bahagyang nabunsol ang napaubo pang si Rain na nabitawan si Jorge kaya nakatakbo ito.

Pero hindi magpapatalo si Rain, hindi niya ininda ang sakit at mabilis na hinabol si Jorge. Nahablot niya ito kaagad sa braso, at pagkatapos ay isinandal sa isang sulok na kung saan walang nagagawing mga mamimili.

"What do you want from me?" Kita ang takot sa mga mata ng hinihingal pang si Jorge na hindi makagalaw dahil sa pagkakakulong sa mga braso ni Rain. " Sir, you are harassing me!"

"Blest... listen." Hindi na pahahabain pa ni Rain ang kanilang sitwasyon, dadalhin na niya ang karakter ni Blest sa happy ending sa pamamagitan ng pagtapat niya ng katambal nitong si Jab Montecarlo.

"You must be mistaken, Sir. I am Grace, remember?"

"Shhh..." Para mapahinto sa pagsasalita ang kaibigang wala na naman sa sarili, itinakip ni Rain ang hintuturo sa mga labi nito. "I know, but why did you run away from me? Grace, Blest, I know everything! I know who you are, exactly!"

Hindi na nagawa pang umimik pa ng huli na sa aktong karakter na si Blest Janson.

"I knew everything from the beginning! You've applied to our company as Grace Jose to sabotage MonDevCo. Blest stops this nonsense! I will not let your plans succeed! For I will not let you bring down the company that there are thousands of dependant families."

Dismayado ang mukha, dahan-dahang napaupo sa sahig si Jorge saka idinukdok ang ulo sa mga tuhod habang ang mga kamay ay itinakip sa mga tainga.

Napaluhod sa harapan ni Jorge si Rain para dahan-dahang tanggalin ang mga kamay na nakatakip sa mga tainga nito. "Blest, listen to me... I am not an enemy. Yes, our companies are rivals, but it wasn't automatically mean that we're going to be against each other."

Matapos ang mga salitang iyon mula kay Rain, iniangat na ni Jorge ang mukha—isang senyales para kay Rain na handa pa itong makinig kaya naman siya pa ay nagpatuloy. "I need something from you that I beg you to grant it — I need you in my life. 'It's hard to believe,' said my mind considering you as a mortal enemy, but my heart cries out that I will regret not letting you know. But now you are here in front of me—this is the right time! I will forget our competition, and I am going to give way to what my heart dictates. Grace, Blest, whoever you are, I love you. Am I enough for you to spend a lifetime?"

Nag-unahan ang mga luhang pumatak mula sa mga mata ni Jorge na napapikit habang siya ay niyayakap ni Rain.

'Maysa, duwwa, tallo, uppat, lima, innem, pito, walo, siyam, sangapulo...'

Nang makarating na sa sampu ang pagbibilang sa isip ni Rain, ay nagsalita nang muli si Jorge. "Rain... ano na naman ang nangyari?"

Bumitaw si Rain sa pagkakayakap para isalubong kay Jorge ang pinipigil niyang tawa. "Makikita mo sa salamin."

"Ha? Bakit? Hindi ko gusto 'yang tono mo!" Tumayo si Jorge mula sa pagkakaupo sa sahig at mabilis na naghanap ng salamin.

At nang makakita sa pinasukang lady's comfort room, muling nagbadya ang mga luha sa kanyang mugto nang mga mata at napabulalas nang mapagmasdan ang kanyang repleksyon. "'Yong... 'yong buhok ko!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com