Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Page 25

Nang matanaw na ni Rain ang Lion's Head na siyang sumasalubong sa bukana ng siyudad ng Baguio, marahan niyang tinapik ang pisngi ng katabing kaibigan. "Jorge, nandito na tayo."

Naalimpungatan naman si Jorge at nang tuluyan na itong magising ay tinanong na siya ni Rain. "Ikaw na ba 'yan?"

Tumango ito habang naghihikab.

"Oh, kamusta ka ngayon?"

"Hindi pa rin okay," matamlay na sagot ni Jorge na naipipikit pa rin ang mga matang namamakat pa ang mga talukap sa antok. "Pero alam mo Rain nagpapasalamat ako na wala roon sa bahay kanina si Papa kung hindi malamang inasbaran pa ako noon at baka pati ikaw nadamay pa sa panggugulpi niya."

"Siyempre ipagtatanggol kita, Strong Rain kaya ito." Pinalaki pa ni Rain ang mga muscles ng mga braso; nagbabakasakaling sa gan'ong paraan ay mapagaan niya ang pinagdadaanang takot ng kaibigan.

"Para kang sira!" Bahagyang napangiti na si Jorge pagkatapos ay ibinaling na ang tingin sa may bintana at muli na namang nanahimik

Isang paraan pa ang nakikita ni Rain upang maibsan ang nararamdamang ng kaibigan. "Gusto mo iinom natin 'yan?"

Mula sa bintana ay napatingin si Jorge kay Rain at sa kawalan ng maisagot ay tinitigan lamang niya ito.

Dahil nakuha na ang atensiyon ng kaibigan, mas lalo pang pinagbuti ni Rain ang pangungumbinsi. "Ano? Tara? Para mabawasan na rin 'yang problema mo?"

Napakunot ng noo si Jorge sa pamimilit ni Rain. "Paano namang nakakabawas ng problema ang pag-inom ng alak?"

"Kanina habang nasa biyahe tayo naging ikaw si Lily and that means dalawa na lang sa mga katauhan mo ang hindi pa natatahimik—si Joyce at Genevive. Malay mo kapag uminom tayo maging ikaw sila tapos mapatahimik ko na rin sila."

"Paano mo naman daw kaya sila mapatatahimik, aber?" Nakapahalukipkip ng mga kamay si Jorge na nag-usisa.

"Malay mo masabihan ko lang sila ng ni-re-required na linya nila to make them feel that they are loved, mapapanatag na siguro sila n'on kagaya ng iba. Para mga readers mo na lang ang proproblemahin natin kung paano mo i-re-reveal sa kanila ang katotohanan sa pagkatao mo."

"Tungkol nga pala roon... pwede ba bigyan mo ulit ako kahit ng mga dalawang linggo para ma-completed ko na ang 'Love at First Shot'?"

"Okay. December 15 ang i-se-set nating date para riyan, basta ngayon ang gagawin lang natin ay uminom. Mag-'hoppy time' ika nga ng Baguio Craft Brewery na ating pupuntahan. Huwag kang mag-alala malapit lang 'yon sa condo, lalagpas lang nang konti, at siyempre kasama mo ako, kaya laklak lang nang alak all you want. If ever na may mangyaring hindi mo inaasahan sa sarili mo ay narito ako."

Napabuntong-hininga lamang si Jorge na ibinaling muli ang tingin sa bintana.

Dahil hindi nagpahiwatig ng pagtutol si Jorge, desidido ang excited na si Rain sa kanyang ideya. "I take that sigh as a yes."

Ilang minuto lang ay narating na ng UV Express ang istasyon nito na malapit lamang sa Burnham Park at mula roon ay sumakay sila ng taxi papunta sa sinasabing bar ni Rain sa Ben Palipis Highway kung saan doon din ang daan papunta sa condominium na kanyang tinuluyan.

"Ang maganda sa mga beer nila roon ay hindi nakaka-hangover dahil gawa iyon sa mga natural ingredients at wala iyong halong mga kemikal hindi tulad ng mga nabibiling mga commercial beer."

Hindi pinapakinggan ng walang pakialam na si Jorge ang pag-eengganyo ni Rain. Nakatingin lang siya ulit sa may bintana, pinagmamasdan ang mga makukulay na ilaw na kanyang naaninag, habang naiisip pa rin ang masasakit na mga salitang natanggap mula sa kanyang ina.

Sampung minuto ang lumipas at narating na nila ang may tatlong palapag na RKC Building kung saan matatagpuan ang restobar na sinasabi ni Rain. "Nandito na tayo."

Tulala pa rin si Jorge hanggang sa makabayad na si Rain sa driver. Tutulo na ang kanyang mga luha nang ayain na siya nito. "Jorge, let's go?"

Bumababa si Jorge na pinigil ang luha habang hinihiling na makatulong ang suhestiyon ni Rain upang mabawasan ang bigat na kanyang nararamdaman.

"Komm, trinken wir flüssiges Brot!!" bungad ng nagkabulol-bulol na si Rain sa paggamit ng Wikang Aleman. "Tama ba ang pronunciation ko? English-in ko na nga lang: Come on, let's drink liquid bread!"

Napangiti naman si Jorge sa panggagaya ni Rain sa linya ng karakter na si John Lester ng akda niyang 'Love at First Shot'. "Pwede na. Nabasa mo ang updates ko hano?"

"Ja Schatz or in English: Yes, treasure.'"

"Eh, bakit hindi ka nag-vote, ha?" Nakapamewang si Jorge na tinaasan ng kanang kilay si Rain.

"Nag-vote kaya ako, hindi mo lang napansin," depensa naman ng nangi-ngiting si Rain. "Ganyan ka naman eh, palagi mo akong hindi napapansin dahil nasisilaw ka ng kitang ng ibang bituin!"

"Linya na naman ni John Lester 'yan, ah! Kamanggagaya nito!" Umirap si Jorge na tumalikod pa sa kaibigan bilang kunya-kunyariang pagtataray.

"Hindi kaya!" Inakbayan ng alaskador na si Rain ang iritableng si Jorge. "Kay Bullalayaw kaya ang linyang iyon ng kwento nating pinamagatang 'Nang Mahulog ang Bulalakaw sa Bullalayaw'."

"Hanggang ngayon pa ba 'yan? At 'yang kamay mo rin, hano! Paki!"

"Oo naman hinding-hindi kukupas. At ngayon pwede na ba tayong pumasok, ang ginaw na, eh! Nasa 'yo ang jacket ko." Hindi sinunod ni Rain ang pakiusap ni Jorge na tanggalin ang pagkakaakbay niya sa balikat nito sa halip ay kanya na rin itong inakay sa entrance door ng gusali.

Iyon ang unang pagkakataon na nakapasok si Jorge sa isang bar. Gamit lamang ang internet kaya siya nakakakuha ng ideya kung ano ang hitsura ng mga iyon sa loob. Sa ground floor pa lang ng Baguio Craft Brewery ay namangha na si Jorge sa ayos ng lugar na may sahig at bar counter na tila gawa sa kahoy at dingding na may disenyong bricks na inilawan gamit ang mga vintage edison bulb sa paligid. Hindi niya tuloy maiwasan na maramdaman na siya ay nasa 'setting' ng sinusulat niyang istorya na 'Love at First at Shot' na sa bansang Germany kung saan ang mga bida n'ong si Genevive at John Lester ay nagkayayaan ring uminom sa isang pub doon.

At tulad din ni Genevive na nagpahinga sa Showbiz at nagbakasyon sa Germany, nais din ni Jorge na tumakas—tumakas sa masalimot niyang buhay. Kung maaari lang na pumunta siya ng ibang bansa sa oras na iyon ay gagawin niya dahil wala na lang rin naman siyang pamilya na uuwian. Ngunit napakaimposible ng naisip ni Jorge kung kaya siya ay naiinggit sa popstar na na si Genevive na kayang-kayang mapuntahan ang mga magagandang lugar na nasa imahinasyon lamang ni Jorge napupuntahan. Hanggang sa puntong ninanais na lang din niyang maging ang karakter na iyon.

Pag-akyat nila sa second floor na siyang brewery at tasting room, mas lalong naramdaman ni Jorge ang pakiramdam ng nasa setting ng kanyang sinusulat na istorya. Ang mga disenyo kasi roon ay akmang-akma sa naiisip niyang konsepto ng pub na pinuntahan ni Genevive at John Lester—ang mga black- and-white na mga larawang nakasabit sa dingding, ang mga sako ng mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng mga alak na nakaayos sa isang istante na nasa ginta ng palapag na iyon, ang mga lumang bariles na nagsisilbing cocktail table doon, ang hipster bar counter.

Lumapit si Rain sa counter para mamili sa mga nakasulat sa menu board at mag-request na rin ng mini sampler.

"Siguro para sa 'yo ay mga fruit beer muna. Gusto mo ng strawberry?"

"Pwede." Sumang-ayon na lang rin ang hindi siguradong si Jorge sa kanyang nais isagot.

Nilapitan sila ng isang babaeng staff ng bar na may dalang isang tray ng mga shot glass na naglalaman ng lahat ng beer na mayroon sa araw na iyon bilang tugon sa request ni Rain.

"Oh, heto na ang free taste bago tayo um-order patitikimin muna nila tayo." Mula sa tray ay kinuha ni Rain ang baso na mapula ang laman at iyon ay inabot kay Jorge. "Subukan mo itong Lagud na isa sa mga Mythic Beer nila para hindi ka mabigla dahil isa ito sa may pinakamababang alcohol content nila rito."

Kinuha iyon ni Jorge at tinitigan habang hinihintay na makapamili si Rain.

"Miss, ano ito?" Itinuro ni Rain ang isang basong naglalaman ng madilaw na beer.

"Sir, Rolling Fog po."

Mula sa menu board ay tinignan ni Rain kung tama nga ang kanyang hinala. "Sabi na eh ito ay isang German Hefeneizen."

"Yes, sir," pagsang-ayon naman ng staff.

"Tamang-tama sa setting ng 'Love at First Shots' na Germany." Hinarap ni Rain si Jorge at hinamon ito ng isang tagay. Itinaas niya ang kanyang kamay na may hawak na alak at sinabi ang salitang, "Cheers?"

"It was 'prost' in Germany. Binasa mo ba talaga ang updates ko sa Writepad? At bakit ang maiksing salitang 'prost' na nangangahulugang 'cheers', ay hindi naalala? Samantalang 'yong pagkahaba-habang sentence ay hindi mo nakalimutan. Ayon sa German custom kapag makikipag-toast ka make sure to look people in their eyes or else you will have seven years of bad sex."

"Hala! Nakatingin naman ako sa mata mo, ah! Ikaw kaya ang hindi! Todo titig ka pa rin diyan sa hawak mo."

"Eh, kaya nga ulitin natin, hindi pa kasi ako ready kanina." Ibanaling na ni Jorge ang tingin sa mga mata ni Rain. Dahil sa tingin naman nito na tila nang-aakit, hindi inaasahan ni Jorge na kakabog ang kanyang dibdib. Sa mga sandaling iyon ay pinagsisihan niya na sinabi pa niya ang isang nakaugalian ng mga Aleman. Pero kahit na naglalambot na ang kanyang mga tuhod at namumula ang pisngi—tulad ng karakter na si Genevive ng makipag-tagayan ito kay John Lester—hindi pa rin niya inaalis ang titig sa mga singkit na mata ni Rain. At sa pagtaas ng kanang kamay para sa makipag-'toast' ay siya na ang karakter na si Genevive. "Prost!"

"Prost!"

Tinungga nila ang mga laman ng kanilang hawak na mga shot glass. Nasarapan si Jorge sa matamis-tamis na lasa ng kanyang ininom na strawberry beer.

"Isa pa? I will try..." Kumuha si Jorge mula sa tray ng isang shot glass. "This!"

"Bersnebel po 'yan, Ma'am, isa po 'yang German Amber Lager. At medyo mas mataas po ang alcohol content kaysa sa Lagud at medyo mapait po siya," babalang paliwanag ng staff na may hawak ng tray.

"Tamang-tama. Prost!" Tinungga iyon ni Jorge at medyo napasimangot sa mas mapait nga nitong lasa.

"Oh, okay ka lang?" Inilagay muli ni Rain ang hawak na shot glass sa tray na hawak ng staff para alalayan ang kaibigan na bahagyang napagewang ng katawan.

"Oo, okay lang ako. Ito na ang o-order-in ko."

"Sigurado ka riyan? 'Yong Lagud na lang kaya?"

"Hindi, ito na! Para Germany! Whoa!"

Napakamot na lang ng ulo ang nagulat na si Rain sa biglaang pagbabago ng timpla nang kaibigan na kanya lamang ipinagpalagay na maaaring dulot ng pag-inom nito ng alak. "Sige na nga um-order na nga tayo baka rito pa lang malasing ka na. Eh, pagkain? Ano ang gusto mong kainin?"

"Gusto ko ng burger. Burger! Burger!"

"Okay. Okay."

"Pay as you order po tayo, sir. Doon na lang po sa bar counter, thank you."

Lumapit si Rain sa bar counter at doon sinabi sa mga staff na naroon ang kanilang mga order at pagkatapos magbayad ay naghanap siya ng kanilang mauupuan, ngunit lahat ay okupado sa palapag na iyon kaya naisipan niyang ayain ang kaibigan sa ikatlong palapag. "Tara doon sa Bier Garden baka mayroon nga roong mauupuan."

Muling umakyat ang dalawa sa isang hagdanan papunta sa huling palapag ng gusali na kung saan nandoon ang dining area. Tinawag iyong 'bier garden' dahil isa talaga iyong indoor garden sa roof deck na nilagyan ng mga picnic table, bar display at maliit na stage para sa bandang nagtatanghal.

Naupo ang dalawa sa nakita ni Rain na bakanteng mauupuan na pandalawahan na nakadikit sa parapet ng palapag—maituturing na ring viewing deck na kung saan matatanaw ang mga nagkikislapang mga ilaw ng siyudad.

"I wanna get lost with you." Hindi naiwasan ni Rain na mapasabay sa pagkanta ng banda na kasaluyang inaawit ang paborito niyang kanta ng paborito niyang mang-aawit na si Jason Mraz. "And see what it's like to spend the whole night with you, just you."

"No."

Nagulat sa tila pagkontra ni Jorge, natigilan sa pagkanta si Rain. "Oh, bakit?"

"Sorry for interrupting you. That 'no' was for me that I was trying to, you know, prevent from singing. Nagbakasyon ako ngayon para mapahinga sa musika, kaya hangga't maaari no music muna for me."

Sa sinabi ni Jorge na iyon, nalaman ni Rain na hindi na pala ang kaibigan niya ang kanyang kasama, kundi ang karakter na si Genevive.

"Since 13 years old ako—nang manalo ako sa reality show na 'Birit Teens'—ngayon lang ako mapapahinga sa pagkanta. Mahal ko ang pagkanta, pero minsan nakakapagod na rin. Ang hirap kasing maging sikat dahil ang daming matang nakatingin sa 'yo na isang mali lang katakot-takot na puna na ang aabutin mo." Sandaling napahinto sa pagkwe-kwento si Jorge na napatakim ng kamay sa bibig at tila may napagtanto. "I am sorry I forgot that you are one of those paparazzi na sumusunod sa akin."

"I am sorry about that, too." Ramdam ni Rain ang koneksyon ng buhay ni Jorge sa karakter ng kanyang akda. At ramdam din niya na siya nga rin ang itinuturing nitong katambal na si John Lester na may pagkakatulad ang mga linya sa gusto niyang sabihin, ngunit hindi niya masabi mismo kay Jorge. "Pero alam mo... may sasabihin ako sa 'yo. Sana lang hindi ka ma-weird-duhan sa akin."

Inalis na ng interesadong si Jorge ang pagkakatakip ng kamay sa kanyang bibig saka bumulong. "Ano 'yon? Something creepy ba 'yan?"

Natawa lang si Rain sa naging reaksiyon ni Jorge na tila isang krimeng hindi dapat malaman ng iba ang kanyang ibubunyag. "Well, sana hindi for you. But for me it was a little yes, that, to be honest I felt creepy on my self. Hindi na lang yata ako tagakuha lang ng larawan mo—I felt I am being your stalker already. I took pictures of you, not because I want to share it on public, but to make myself happy seeing you, 'cause... I felt... I felt that... I already loved you."

"Totoo ba?" Humagalpak ng tawa ang nabiglang si Genevive na kasalukuyang katauhan ni Jorge. "Oh, my! Akala ko ako lang ang may pagtingin sa 'yo! Ikaw rin pala sa akin!"

"You..." Nanlaki ang nga mata ni Rain sa pinagtapat ng kausap. "You love me too?"

"Well, obviously, as I have said—yes. But due to... alam mo na... I am Genevive Saldova na napaliligiran ng mga media at sa takot ko na mabulabog din ang pribado mong buhay ng mga netizen, kaya, hayon, I have no choice, but to make it a secret. I like you noon pa. Ang hirap maging popstar, 'no? Hindi lahat ng gusto ko makukuha ko kaya tinatanaw na lang kita sa malayo para sa ikatatahimik ng lahat."

"Huwag mo silang problemahin. Don't deprive yourself of your happiness dahil para mo lang silang hinayaan na magwagi sa gusto nilang mangyaring mapalungkot ka."

Matapos pangaralan ni Rain ang karakter na si Genevive na katauhan ni Jorge, ay ang pagdating naman ng kanilang order na dala ng isang waiter. "Excuse me. Sir Rain?"

"Yup."

"Here are your orders."

"Okay, thank you." Pagkahain ng kanilang mga pagkain ay inabutan ni Rain ang waiter ng isang daang pisong bilang tip.

"Thank you, sir. Have a nice evening to both of you." Pinamulsa ng waiter ang kanyang binigay na tip pagkatapos ay sinuklian siya nito ng nginiti bago tumalikod para bumababa nang muli.

"Kain na tayo," pagyaya ni Rain sa kasama na nakatanaw sa malayo na sa kanyang tantsa ay kasing layo rin ng tinatanaw ang iniisip nito. "Huwag ka nang mag-alala, wala ka nang dapat ikatakot dahil malayo na tayo sa kanila. You can be yourself here freely."

"Okay, sabi mo, eh." Nakangiti na si Jorge na kumuha ng isang hamburger sa kanyang plato at kinagat ito nang malaki at pagkatapos manguya ay kinain na rin niya ang natirang kalahati ng kinagatang burger.

Pinunasan naman ni Rain ang mga bahid ng cheese sa may gilid ng labi ni Jorge. At pagkalapag ng tissue na kanyang ginamit ay hinawakan naman niya ang baso ng kanyang beer. "Promise no camera to take shots, just shots for this two mugs of liquid bread that we have. Prost?"

Hinawakan rin ni Jorge ang baso ng kanyang napiling beer para tumugon sa paanyaya ni Rain at muli siyang nakipagtitigan sa mata habang sinasabi ang salitang, "Prost!"

Sabay nilang tinungga ang kani-kanilang baso. Pagbaba ng kay Jorge pansin ni Rain ang pangangalahati kaagad ng laman ng baso nito. Para malayo ang atensiyon nito sa pinanggigigilang alak ay inalok niya rin dito ang kanyang kinakain. "Chicken skin? Gusto mo?"

"Why not?" kumuha si Jorge ng isa at ng isa pa hanggang sa maubos na niya iyon na para lang pumapak ng kropek. Sinunod naman niya ang natitira pa niyang burger. "Wala nang diet-diet! Malaya na ako! Prost!"

"Prost?" Magkahalong pag-aalala, pagkabahala at kaba ang nararamdaman ni Rain nang itaas niya ang kanyang baso hanggang sa mainom na niya ang laman n'on at nang makitang parang tubig lamang na ininom ni Jorge ang beer sa baso nito.

"One more round! Gusto ko pa!"

"Uuwi na tayo. Tara na." Sa takot ni Rain na mapasobra si Jorge na humihingi pa ng maiinom ay inakay na niya ito palabas ng restobar.

Dahil nag-iinit pa rin ang kanilang mga katawan sa pag-inom ng alak kaya hindi pa nila alintana ang malamig na simoy ng hangin sa labas. Naisipan na lang ni Rain na lakarin ang may kalapitan na roong tinutuluyan niyang condo dahil wala lang rin namang dumadaang taxi.

"Uy, crush! salamat sa pag-crush back, ha! At dahil diyan..." Bigla na lang pumunta si Jorge sa likuran ni Rain at saka sumampa rito. "Pasanin mo ako."

"Eh, ano pa bang magagawa ko, nandiyan ka na." Natatawang nagreklamo si Rain na inalalayan ang kaibigan. Nang nakakapit na itong mabuti sa kanyang leeg, saka naman ito dumuwal na sinundan kaagad ng suka. Basang-basa ang balikat ni Rain sa pinaghalong beer, burger at chicken skin na kinain ni Jorge kanina. "Oh, sh*t! Kadiri!"

Buti na lamang ay ilang hakbang lang kasabay na nila sa paglalakad ang mga patak ng ulan na tumangay sa suka sa kanyang balikat at nakapagpagising nga lang sa natutulog na sanang si Jorge. Bumaba ito mula sa pagkakapasan sa likod niya at saka kumanta at sumayaw sa saliw ng tunog ng mga patak ng ulan.

"Ulan... At sinong 'di mapapasayaw ng ulan... At sinong 'di mababaliw sa ulan."

Pagkatapos magkakanta at magsasayaw ng tila nagwawalang si Jorge sa kalasingan ay tumigil siya sa harapan ni Rain, napahawak sa balikat niya saka tumikyad para abutin ang kanyang mga labi. Hindi pinigilan ni Rain si Jorge, sa halip ay nagyakapan pa sila para painitin ang kanilang mga katawan na hinupaan na ng init ng alak. Hindi man singtamis ng halik sa mga nababasa niyang mga istorya sa Writepad ang halikan nilang iyon dahil sa nalalasahan niyang suka sa bibig ni Jorge, pero iyon ang kanyang itatangi sa lahat ng kanyang naranasan dahil iyon ay galing sa paborito niyang manunulat na kanyang iniidolo na siya ring nagbigay ng kulay sa madilim niyang buhay.

Mga limang minuto ang lumipas, bumitaw si Jorge sa pagkakahalik saka ngumiti. "Habulin mo 'ko!"

Kumaripas ng takbo si Jorge na sinundan naman ni Rain. "Akala mo hindi kita aabutan, ha? Nandiyan na 'ko!"

"Ay!" hiyaw ni Jorge na kinarga ni Rain sa kanyang mga bisig matapos niyang maubutan ito.

"Akala mo, ha?"

Tumawa muna si Jorge bago sabihin ang isang pangungusap na tutuhog sa puso ni Rain. "Ich liebe dich."

Buti na lamang pinakinggan ni Rain ang pagplaplano ni Jorge sa ending ng 'Love at First Shot' noong isang araw kaya kahit hindi pa naisusulat nito ang parteng iyon ay alam niya ang ibig sabihin ng pangungusap na iyon na sa salitang Tagalog ay 'Mahal kita'. At alam niya rin kung paano sasagutin iyon ng 'Mahal din kita' sa salitang Aleman. "Ich liebe dich auch."

Kahit hinihingal pa silang parehas na umuusok ang mga bibig sa ginaw ay muling hinalikan ni Rain si Jorge sa labi.

Bumitaw rin kaagad mula sa pagkakahalik ang naluluhang si Rain dahil sa sayang nararamdaman at para makapagtuon na rin sa daan na papalapit na sa condo na kanyang tinutuluyan.

Mas lumakas pa ang ulan habang papalapit na sila. Isang hiling ang lumabas sa mga labi ni Rain na mas lalong umiigtig ang nararamdaman sa taong karga-karga. "Sana ganito na lang kasaya palagi!"

Pagdating sa kanyang unit ay hindi na niya ginising ang nakatulog na si Jorge na kanya na lamang inakay pagdating nila sa palapag ng kanyang unit.

Nang nakapasok sa loob ay inupo niya muna ito sa isang monobloc chair para hubaran ng mga basang suot. Habang ginagawa iyon ni Rain hindi niya naiwasang matukso ng alindog ni Jorge—naisipan niya na bago ito bihisan ay samantalahin na niya ang pagkakataong makasipi ito.

Inihiga niya ang wala nang kasaplot-saplot na si Jorge sa mattres. Hinuhubad na ni Rain ang damit niyang pantaas nang magsalita ang natutulog pa rin namang si Jorge na tila nanaginip. "Angelo... ako na lang! Ako na lang! Ako itong buhay at siyang nagmamahal sa 'yo. Pwede ba ako na lang?"

Nahimasmasan si Rain sa sinabi ni Jorge kaya napigilan niya ang sarili sa binabalak niyang gawin. "Rain, hindi! Hindi na ulit! Nangako ka dati na hinding-hindi ka na makikipag-sex sa taong hindi ka gusto. Madala ka na!"

Bilang isang callboy/masahista/macho dancer dati, ilang taon siyang nakikipag-sipi sa mga taong walang nararamdaman at wala rin siyang nararamdamang pagmamahal. Ngayong gabi inakala ni Rain na matutupad na ang isang matagal na niyang hinahangad na mangyari—ang makipagtalik sa taong may pagtingin sa kanya at may pagtingin din siya. Pero masiyado lang pala siyang naniwala sa mga salitang binitawan ni Jorge at nakalimutan na hindi sila ang mga bida sa sinusulat nito. Tila maging siya ay nadala na rin sa kathang-isip ng kaibigan. "Hinding-hindi!"

Ikinuha niya ng tuwalya para punasan ang basang buhok at katawan ni Jorge saka siya kumuha ng mga damit sa mga gamit nito na nasa loob rin ng kanyang maleta para ito ay bihisan. Pagkatapos ay nagtungo si Rain sa banyo para maghilamos ng mukha saka hinarap ang repleksiyon niya sa salamin para paalalahanan ang sarili. "Gumising ka, Rain, sa katotohanan! Hindi ikaw ang mahal niya sa tunay na buhay! Maawa ka sa sarili mo! Kung itutuloy mo 'yang nararamdaman mo, ikaw lang din ang masasaktan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com