27: MISSING
Chapter 27: MISSING
Enjoy reading!
3rd.
Theus' gaze followed Morry's hand as she reach for the hardboiled egg from a white bowl in the table. He was shocked when Morry opened her mouth wide as she put the whole egg with the shell still on inside her mouth.
"What the?" bulalas ng binata.
Napalingon si Morry kay Theus habang unti-unting nilalabas ang itlog sa bibig. The egg got wet with her saliva. Then Morry licked it in a playful manner as she moaned erotically.
Namula ang mukha ni Theus at malakas na binagsak ang kubyertos sa mesa, bubuka na sana ang bibig para singhalan ang babae sa ginagawa ngunit naunahan ito ni Pula.
"Hoy! Mowi ah! Ano 'yang ginagawa mo?! Ang halay mo!" singhal ni Pula sabay batok kay Morry na muling sinubo ng buo ang itlog. Buti na lang malaki ang itlog dahil kung hindi nalunok na nito ng dalaga sa lakas ng hampas ni Pula.
"Ano ba?! Eh sa ganito ako kumain ng itlog eh?! Problema mo ha?!"
"It's not funny, Potty. Respect the food." Theus said bluntly while glaring at Morry. Napanguso naman si Morry at bumulong-bulong saka umayos na ng kain. Nilagay nito ang itlog sa gilid ng plato saka hindi na pinansin. Muling naging matiwasay ang agahan nila.
But... they looked at Reina's direction concurrently when they heard a continuous cracking sound of an egg shell. Nanlalaki ang kanilang mga mata nang makita ang nginunguya ni Reina. Her face was writhing as if she was having a hard time chewing the egg with shell on it.
"W-what kind of an egg is this? I-it is sharp and noisy to eat." Inosenting tanong ni Reina sa tatlong kasama sa hapag na pilit pa ring dinudurog ang itlog na may shell.
"Naloko na!" dali-daling tumayo si Pula saka hinawakan ang mukha ni Reina at pinanganga. "Iluwa mo, Madame! Iluwa mo!"
Napatitig si Reina sa mukha ni Pula at mas lalong tinikom ang bibig. Maya-maya pa ay nangilid ang luha niya at kumibot-kibot ang bibig.
"Iluwa mo sabi! 'Wag mong lunukin!" medyo tumaas pa ang boses ni Pula kaya bumakas ang takot sa mukha ni Reina at nabitawan niya ang kubyertos.
"Hey, you're scaring her! Stop that!" awat ni Theus kay Pula saka ito tumayo at nilapitan siya. Hinawi ni Theus ang kamay ni Pula. Marahang hinawakan ni Theus ang mukha niya at pinahirap.
"Reina, that's not how you eat a hard-boiled egg." Malumanay na saad nito sa kanya, "Open your mouth, please."
Nag-alangan pa si Reina bago sinunod ang utos ni Theus. Napasapo na lang si Morry nang makita ang durog-durog na itlog na may shell pa sa loob ng bibig niya.
"Spit it out. Don't swallow it." Ani Theus saka nilahad ang palad sa harap ng bibig ni Reina. "C'mon, baby. Spit it out."
"Baby?! Hoy ah! 'Wag ka, Theus! 'Wag ka!" biglang singit ni Pula nang marinig ang tawag ni Theus.
Dahil do'n ay muling tinikom ni Reina ang bibig at takot na lumingon kay Pula. Pagkatapos ay yumuko siya. Sinamaan ng tingin ni Theus si Pula.
"Will you just keep quiet?!" sita ng binata.
"Will you just move on?" banat ni Pula sabay hila kay Theus palayo kay Reina. "D'yan ka kay Potty mo at gumawa kayo ng bata pawa may baby-hin ka!"
Badtrip na muling umupo si Theus sa upuan nito dahil nang muli nitong sinubukang hawakan si Reina ay umiwas na siya dahil sa takot kay Pula.
Bumuga ng hangin si Pula bago umupo sa upuan katabi ni Reina. Hinawakan nito ang kamay niya kaya napapiksi siya sa gulat.
"I'm sowi. I didn't mean to scayw you." Ani Pula na may marahang boses. Napaangat ng tingin si Reina at nagtatakang tinitigan si Pula.
"Haaay nako! Ano ba naman 'to? Ang isa bitter habang ang isa bulol!" palatak ni Morry saka tumayo at hinila si Pula patayo.
"At ang isa mahalay." Hirit ni Pula na masama ang tingin kay Morry.
"Tseh. Bumalik ka ro'n sa upuan mo. Nakakaimbyerna kayo!"
"Mas nakakaimbyewna ka! Dahil sa kahalayan mo kaya pati eggshell kinain ni Weina!"
"Ewan ko sa 'yo!"
Umupo si Morry sa gilid ni Reina at nginitian ito nang maluwag. Umiwas siya ng tingin dahil natatakot pa rin siya sa mga taong ito. Hindi niya pa lubos na kilala ang mga ito. Tanging si Mojica lang ang kilala niya pero umalis ito kasama si Zyncai at binilin siya kay Pula.
Higit isang araw nang gising si Reina. Kinagabihan kahapon siya nakalabas ng Procedure Room kasama si Mojica. Dahil sa ingay ni Pula kahapon ay nagkagulo ang buong mansyon. Takot na takot si Reina sa babae at ayaw nang humiwalay kay Mojica. Kaya napagalitan na naman si Pula at sa awa ng Diyos ay hindi ito hinimatay.
Nang makitang gising na si Reina ay payapa ang loob ni Terrence, Aly at Ryleen na nilisan ang mansion at bumalik sa kanya-kanyang lugar.
"Hi." Bati ni Morry kay Reina.
Iniwas niya ang tingin at yumuko dahil sa hiya at takot. Gaya noon ay natatakot siyang gumalaw ayon sa sariling gusto dahil baka siya ay magkasala. Ayaw niyang magalit ang mga ito sa kanya.
"I'm sorry if we scared you. You don't have to, Reina. We are your friends." Ani Morry saka marahang pinatong kamay sa kamay niya. Napatitig siya ro'n.
Titig na titig siya at napaisip. Alam niyang malaki at dalaga na si Morry pero bakit magkapareho sila ng katawan? Bakit halos magkahulma ang mga braso, kamay at mga daliri nila? Sa isip ni Reina ay anim na taong gulang pa lamang siya pero bakit iba na ang katawan niya?
"Hey." Tawag-pansin ni Morry sa kanya kaya napatingin siya rito. "Are you okay? Will you please open your mouth and spit the food out of your mouth?"
Marahan siyang tumango saka binuka ang bibig. Niluwa niya ang laman ng bibig sa gilid ng kanyang plato.
"Haaay salamat." Anas ni Morry, "Is it your first time eating an egg?" tanong nito.
Umiling si Reina, "Granny Dane used to bring me breakfast meal with an egg dish. She always cook me sunny side-up, scrambled, frittata and omelette. Your egg here is different." She explained innocently with a small voice. Tinuro niya pa ang mga nilagang itlog. "And I just mimicked you how you ate it."
Napalatak si Morry habang masama naman ang tingin ni Pula at Theus sa babae, "What?" siniringan nito ng tingin ang dalawa bago binalik ang atensyon kay Reina. "I'm sorry about that it's not how to eat a hard-boiled egg. I was just playing."
Napatitig si Reina kay Morry, "But Daddy told me that it's bad to play with the food. People should respect the food because it is a blessing."
Napangiwi si Morry at napakamot sa noo, "I won't do it again. I'm sorry, Reina. Let's eat?" Kumuha ito ng isang itlog saka binalatan. "You should peel off the shell first."
Pinanood niya ang ginawa ni Morry.
"Here. It's ready to eat." Inabot nito ang isang bagong plato at nilagay do'n ang itlog saka pinalit iyon sa dating pinggan ni Reina.
Agad inabot ni Reina ang itlog at sinubo ng buo. Napanganga na lang silang tatlo dahil do'n. Lumubo ang pisnge ni Reina habang hirap na hirap sa pagnguya ng buong itlog. Ngumiti pa siya kay Morry. Natawa na lang sila nang mahina.
Pagkatapos kumain ng agahan ay dinala ni Pula si Reina sa sala.
"Pula, aalis muna ako. May pupuntahan lang akong importante. Umayos ka! 'Wag kang mag-high pitch muli kay Reina, she's still very sensitive. Ikaw na ang bahala sa kanya." paalam ni Morry dito bago binalingan si Reina na nakaupo sa sofa.
Napangiti si Morry nang makita ang naiilang na babae na tila takot na gumalaw. Nakasuot si Reina ng dilaw na summer dress hanggang sa tuhod na pinaresan ng white flat sandals. Nakalugay lang ang kulay golden blonde niyang buhok na umabot hanggang baywang. May maliit at manipis na white headband siyang suot sa ulo. Malaya rin nilang nakikita ang asul niyang mga mata na sobrang tingkad ang kinang.
"Your Highness." Ani Morry, "I'll go out for a while."
Napatingin siya dito, "Where are you going?" puno ng pagtatanong ang kanyang mukha.
"Heaven." Nakangising sagot nito. Sinipa naman agad ni Pula si Morry.
"Umalis ka na nga. Kung anu-ano pa ang sinasabi mo." Sita nito.
Nagulat si Reina at nanlaki ang mga mata sa pagsipa ni Pula kay Morry. Nakaramdam ulit siya ng takot. Nando'n pa rin ang takot niya sa pananakit ng kanyang sariling ina sa kanya. Umisod siya palayo sa dalawa at yumukong muli.
Pinandilatan ni Morry si Pula.
"I'll be home at dusk." Anito saka hinalikan si Reina sa noo.
Nang maiwan si Pula at Reina ay lumapit si Theus sa kanila na salubong ang kilay pero agad ding lumambot ang hilatsa nang mapatingin kay Reina.
"Hi." Bati nito. Tipid na ngumiti si Reina.
"What do you want to do, Princess?" tanong nito.
Hindi agad siya nakasagot. Pasimple namang sinamaan ng tingin ni Pula si Theus.
"I am not the princess. It's Tari, she's the real princess." Pagtatama niya dito. Bumuntong hininga naman si Theus.
"But you are my princess." Nakangiting ani Theus. Naguguluhang tiningnan ni Reina Theus.
"Huh?"
"Asus! Pasimple pa ang iba d'yan. Hokage win eh." Singit ni Pula na may masamang tingin kay Theus. "Mabo-bwoken ka lang uy. Lul ka."
"Shut up." Mahinang singhal ni Theus bago nginitian si Reina. "Just let me call you princess, Reina. Please?" may pagmamakaawa ang tingin nito sa kanya
"I don't want to." Magalang ang tono na turan niya sabay iling. Tumawa naman nang malakas si Pula na nakasapo sa tiyan.
Napatingin dito ang dalawa. Napangiti naman si Reina dahil ngayon lang siya nakakita ng tao na ganito kalakas tumawa. Naalala niya ang mga naranasan sa loob ng attic at pati na rin sa palasyo, hindi pa siya nakaranas nang ganitong tawa... sa pag-aakala niya.
"Tapos ka na ba?" walang emosyong tanong ni Theus. Tumigil naman sa pagtawa si Pula.
"Hindi pa. Prologue pa lang ang tawang 'yon. May sixty chaptews pang tawa akong naka-save pawa sa 'yo. Once a week lang ang update at soon to be publish kapag iiyak ka na sa huli. Haha!"
"Baliw." Tumayo nang tuwid si Theus na masama pa rin ang tingin kay Pula na humahagikhik.
"At least hindi pilit umaasang makamtan ang isang pag-ibig na itinadhana ng Panginoon pawa sa iba. Hindi ko kailanman ipagsiksikan ang sawili ko sa taong may ibang laman na ang puso lalo na't may Zyncai ng bunga." Tinaas-baba pa nito ang kilay at nginisihan si Theus.
"Tutuwidin ko talaga 'yang dila mo. Hindi maganda ang tabas."
Umismid lang si Pula, "Bakit mananahi ka ba? Hindi naman ah. Umalis ka na nga. Alam ko namang gusto mo nang sundan si Mowi pewo nahihiya ka lang. Yiii." panunukso ni Pula. Napangiwi naman si Theus at napaiwas ng tingin. Habang si Reina ay tahimik na nakatingin sa kanila at hindi maintindihan ang lenggwaheng lumalabas sa bibig ng dalawa.
Hinawakan ni Pula ang kamay ni Reina saka hinila patayo.
"Let's go to the gawden." Aya nito sa kanya. Iniwan nila ang nakasimangot na si Theus sa sala. Napalingon siya sa binata.
"Don't mind him, Madame because we don't have mind." Seryosong anito habang naglalakad silang dalawa.
"Huh?"
Napangiwi si Pula, "I said let's go."
Walang magawang tumango na lang si Reina saka nagtanong, "Where's the gawden? And what is gawden?"
Napairap naman si Pula.
"Gawden is like a community of plants, living things having diffewent colows and kinds of petals, twees, gween gwass and fwuits, stones, soil, and even insects who have wings, they fly, fly, fly. In the gawden they flying high while in the meadow they flying low. Gawden is beautiful. Mommies love gawden and gawdenew gawdens the gawden to make pwetty. Gawden sometimes comfowt wom, dogs love to poops in the gawden, cats too."
Nalukot ang mukha ni Reina dahil sa sinasabi ni Pula. Hindi niya matukoy kung ano ang pinupunto nito.
"I don't understand you."
Napahinto si Pula at hinarap si Reina. Madramang tiningnan siya nito.
"Hindi ko kailanman hiningi na intindihin mo ako, ang gusto ko lang ay ang mabuhay ka at maging masaya. Bakit niyo ba akong pinapahiwapan nang ganito? Naging mabuti naman akong tao ah! Kasalanan ko bang ipinanganak akong may laitan kami ni Awr? May nagawa ba akong kahayupan sa nakawaang buhay ko? Bakit ganito? Pwede bang tumahimik ka na lang at maging mabait na bata? Tao lang ako, isang simpleng piwata na napapagod din, nasasaktan at nagdudusa."
Mas lalong nalukot ang mukha ni Reina pero habang nakatitig siya sa mukha ni Pula ay nakaramdam siya ng lungkot. Nakikita niya sa mukha nitong nahihirapan ito at parang may pinagdadaanan. Napayuko siya at nahiya dahil naramdaman ni Reina na para bang nagiging pabigat siya kay Pula.
"I'm sorry." She breathed out. Nakokonsensya siya.
Napangisi naman si Pula dahil magiging tahimik na ang buhay nito kahit ngayon lang at hindi ito mahihirapang makipag-usap kay Reina. Masaya pa naman si Pula dahil Zyncai-free ito ngayon.
"It's okay, dawling." Anito sabay tapik sa balikat niya.
**
Hinayaan siya ni Pula na tumingin-tingin sa mga bulalak sa hardin ni Mojica. Iba't-ibang klase ng bulaklak at halaman ang naroroon. Ang sarap sa matang tingnan ang mga ito, hindi nakakasura o nakakaumay. Nagmumukhang diwata si Reina habang nakatayo sa gitna ng dagat ng mga naggagandahang bulaklak.
Inabot ni Reina ang isang bulaklak na kulay pula. Inamoy niya ito, agad siyang napalayo dahil hindi niya gusto ang amoy. Napabahing pa siya kaya napamulat si Pula na papikit-pikit na nakasandal sa puno ng rambutan.
Nilayo ni Reina ang mukha sa bulalak na iyon at binalingan si Pula.
"What do you call this flower? It is very beautiful. I love red and it's like blood. I love the color of blood but it stink my sniffer like this flower. I don't like the smell... but it's too beautiful to nod off." Malumanay na aniya habang pinapasada ang daliri sa bulaklak.
Napatingin si Pula sa bulalak na tinutukoy ni Reina at napangiwi. Lumunok ito bago sumagot.
"Wose." Tipid na sagot ni Pula habang nakatitig sa mata ni Reina.
"Wose?" ulit ni Reina. Umiling si Pula.
"I said... wose."
"Yes, wose."
"No! Wose." Nanlaki na ang butas ng ilong ni Pula.
Napanguso si Reina, "Wose? I think I'm saying it right. Wose. That's how you pronounced it."
"Hindi sabi. Wose nga."
"Wose?"
Napakamot ng ulo si Pula saka nilapitan si Reina. Tinuro nito ang bulaklak, "A B C D E F G H I J K L M N O P Q Awr... Wose." Pang-valedictorian na anito na nakataas noo pa.
Hindi agad nakatugon si Reina at nakatingin lang kay Pula habang pakurap-kurap.
"Did you get it?" tanong ni Pula.
"Awr? Is it a new letter in the Phonic Alphabets?" inosenting tanong ni Reina.
"Ghad! I hate dwags!"
Napalatak si Pula at tumalikod. Lumapit ito sa punong sinasandalan kanina at paulit-ulit na iniuntog ang ulo roon.
**
"Pursi Lanarri! I am asking you! Where is Reina?!" malakas na tanong ni Mojica kay Pula.
Kanina pa sila nagkakagulo dahil biglang nawala si Reina. Masaya lang naman silang naglalaro ni Pula at Zyncai sa sala nang mawala ito. Kakarating lang ni Mojica at wala pa sa bahay sina Theus at Morry.
"Kasi po... bigla na lang siyang nawala. Nag-pupu kasi si Zyncai at nilinisan ko siya! Kaya hindi ko nabantayan si Weina. Si liit ang sisihin niyo. 'Wag ako. Tsaka, andami namang bantay ang nakakalat sa mansion baka nakita nila si Madame. Diba nga sabi mo, may mata ka sa bawat sulok ng mansion na ito, ba't hindi ikaw maghanap? Papakainin ko pa si Liit eh." Pagrarason ni Pula habang karga-karga si Zyncai na sinasabunotan ang babae.
Napapikit si Mojica at huminga nang malalim. Pinitik nito ang daliri at agad lumapit ang butler ng bahay.
"Find my niece." Utos nito. Agad tumalima ang butler sa utos ng amo.
"Ang hiwap kaya maging yaya sa isang bata at isip bata. Nakakabuang. Twy mo kaya?" mahinang anas ni Pula na akala nito ay hindi narinig ni Mojica.
Sinamaan nito ng tingin si Pula na nagmamadaling tumalikod at inasikaso si Zyncai para umiwas sa sermon ni Mojica.
Lahat ng tauhan sa mansion ay hinanap si Reina hanggang sa nakita ito ni Mojica sa ilalim ng kama ni Zyncai. Lumuhod si Mojica at sinilip doon ang pamangkin.
"Baby... what are you doing there?"
Nagmulat siya ng mata at nilingon ang tiyahin, "I'm sad." Mahinang aniya.
Napaiwas ng tingin si Mojica at nakaramdam ng kirot dahil sa simpleng saad ni Reina.
"Come here." aya ni Mojica pero hindi siya gumalaw.
Gaya ng dati na dahil sa sobrang lungkot sa attic ay gustong-gusto ni Reina na sumisiksik sa mga masisikip na lugar, as if it would lessen the loneliness she feels. Kanina nakaramdam siya ng lungkot nang maalala ang mga nangyari sa palasyo at ang huling tagpo nila ni Tari kaya nang malingat si Pula na sobrang higpit kung magbantay sa kanya ay umakyat siya sa kwarto ni Zyncai saka sumuot sa ilalim ng kama para makaramdam siya ng mainit na yakap kahit sa masikip na lugar lang.
Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng kakaibang tuwa at gaan kapag nakakasama niya si Zyncai. Sobrang gaan ng loob niya sa baby.
"Katareina Zavina... please."
Muli siyang napatingin kay Mojica. Ever since she woke up weeks ago, it was the first she heard her full name in this mansion. Mojica extended her hand to reach Reina. Inabot niya iyon at unti-unting gumapang palabas sa ilalim ng kama. Nang makalabas ay inalalayan siyang tumayo ni Mojica saka pinaupo sa kama.
Inayos nito ang nagulo niyang buhok at pinagpagan ang nagusot na damit. Nakatitig lang siya sa mukha ng tiyahin. Matagal niya nang napansin na parang tumanda ito. Sa kanyang alaala no'ng naiwan si Mojica nang kinuha siya ni Peter ay sobrang bata pa nito. Dalaga pa. But now, there are wrinkles evident under Mojica's eyes. She looks like she aged.
Hanggang ngayon may pagtataka pa rin sa batang isip ni Reina dahil sa kakaibang nangyayari sa kanyang paligid. Marami siyang gustong itanong at malaman pero pinili niyang sarilinin ito dahil natatakot siyang baka muling magkagulo gaya no'ng nangyari sa nakaraan.
"Tell me what's wrong, Sweetchild. Are you hurt?"
Napayuko siya. Kinuha ni Mojica ang kamay niya at nilapit sa pisnge nito.
"You don't have to clench what's bothering inside you, Reina. If you are still worrying about what happened in the past, you don't have to anymore. I am here to help you. I will always be here for you, baby. I will never leave your side again. Please, tell me what's wrong."
Tiningnan ni Reina ang tiyahin kasabay ng pagtulo ng kanina niya pang pinipigilan na luha.
"What happened to Tari? Where am I, Aunt Mojica? How's Mommy? How's Daddy? How about the kingdom? Have they already forgotten me? How's the King? The Queen? Did Mommy give birth already? Why am I here, Aunt Mojica? What's wrong with my body? Why do I have a body like Morry? I am only six." Saad niya habang puno ng luha ang kanyang mukha.
"This is not yet the right time for you to know the answers of your questions, Reina. Eventually, you will and I promise I will be there for you. Please, don't make us worry again. Okay?"
"I am really scared and confused. Why do I feel like something big is missing in me? I want to know everything, Aunt Mojica... please let me know." May pagmamakaawa sa kanyang boses.
Hinaplos ni Mojica ang pisnge ni Reina saka hinalikan siya nito sa noo nang masuyo, "I love you, baby. I am so sorry, I wasn't there when you needed me. I am sorry when I failed protecting you. I am sorry for you have to suffer like this. I am sorry. I wish my sorry's could lessen the pain but I knew it couldn't. Let me stand beside you starting now, Reina. Let me protect you. Let me have the pain instead of you. I love you."
Napahikbi muli si Reina nang makita ang luha ni Mojica.
"I love you too, Aunt Mojica..."
-End of Chapter 27-
Thank you for reading freaks! God bless you.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com