Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

32. FAVOR

Hindi ako mapakali. Inaatake ako ng anxiety ko. Kaya kahit busy-busyhan ako, siningit ko talaga 'to! Natutuwa ako sa mga comments niyo eh. Labyuuu!

Chapter 32: FAVOR
Enjoy reading!

3rd.

(5 months later...)

"Sir, your flight going to Denmark is cancelled-" Zync cut him off.

"What?! Hindi pwede. I need to fly to Denmark now, Rivera!" Inis na napasabunot si Zync, "My appointment with the Prime Minister will be on the day after tomorrow! I have to get that deal, Kurt. Alam mo 'yon." Napaupo siya sa kanyang swivel chair.

"Sir-"

"Do something about it, Kurt! Use every connection we have. DQ has a private chopper we can rent it." Again, Zync cut Kurt off again.

"Sir, I cannot-"

Malakas na binagsak ni Zync ang mga palad sa desk. Matalim na tiningnan si Kurt na napayuko na lang.

"Do it!" sigaw niya. Sisinghal pa sana si Zync nang bumukas ang pinto ng kanyang office at pumasok si Sia.

"What's going on here?" nagtatakang tanong ni Sia.

Palipat-lipat ang tingin nito sa dalawang lalaki, si Zync na muling umupo na sambakol ang mukha at Kurt na nakayuko na mukhang takot kay Zync.

"I have to be in Denmark immediately." Tila pagod na wika ni Zync. Saglit napaisip si Sia at marahang napatango na tila naiintindihan kung ano na ang nangyayari.

"Kurt, please leave us for a moment. Al is on the ground floor, he's giving orders to the others. Join them." Magalang na tumango sa kanilang dalawa si Kurt bago nilisan ang opisina ni Zync.

Marahas namang napabuga ng hangin si Zync.

"What is your supposed appointment in Denmark, Zync?" tanong ni Sia na umupo sa harap ng kanyang desk. "You look so upset."

Tinitigan ni Zync nang ilang saglit si Sia bago sumagot, "I'll be meeting the Prime Minister of Denmark. He has a deal to offer for me."

Tila hindi naman nagustuhan ni Sia ang narinig, nagsalubong ang kilay nito, "Are you fvcking crazy, Zync?" tiningnan siya nito na para ngang isa siyang baliw.

"I'm serious, Sia. It's something connected to Katarina. I am desperate. You knew that. Kahit maliit na bagay na makakaturo tungo sa kanya ay papatulan ko." Malungkot na aniya, "Sophia is nowhere to be found after that incident in Subic. 'Yon na sana, pinakawalan ko pa." Bakas ang pagsisisi sa boses niya.

Sumandal si Sia sa bangko at tinitigan si Zync, "How sure are you that it could help you find her? Paano kung bitag 'yan para makuha ka? Alam mong hanggang ngayon nasa delikado ka pa ring sitwasyon, Zync. Huwag mong kalimutan na kaya niya tinatag ang Dark Quarter para sa 'yo, sa kambal pati na rin sa amin... para sa kaligtasan nating lahat. Oo nga't ilang taong nanahimik ang Triad pero hindi natin alam kung ano ang tunay nilang pakay sa 'yo at kung kailan sila titira."

"He's the Prime Minister of Denmark, I'm sure he's not what you think he is. He wouldn't do something that could ruin his name. Atsaka, alam naman natin kung ano ang habol ng Triad sa akin. It's my family's wealth, Sia. Alam mo 'yan."

"Prime Minister? Huh. Don't be gullible and ignorant, Zync. You knew the nature of Politics! Kung ang pagnenegosyo ay may maruming parte, lalo na ang politika Zync. Oo, ang yaman ng angkan mo. 'Yan lang ang alam natin pero hindi ang buong estorya. Dahil sa totoo lang, kung gusto ka nga nilang patayin at nakawin ang yaman mo. Ang dali-dali lang 'yang gawin para sa grupong kagaya ng Triad. There is something deeper beyond of what we see and we know. Wala pa tayong alam, Zync. Wala tayong alam."

Natahimik si Zync at napaisip. Tama naman si Sia dahil kahit siya hanggang ngayon ay may mga tanong pa rin sa kanyang isipan kung bakit nangyari ang mga ito sa buhay niya.

"But I have to take risk, Sia. Paano kung matutulungan tayo ng Prime Minister? Paano kung siya ang sagot sa mga tanong natin? We must also look to the other side."

"Zync... Denmark is now an isolated country under Quarantine State by Triad. Kaya hindi na maaaring mangyari ang sinasabi mo. May limang bansa na lang sa buong Europe ang hindi pa nasasakop ng Triad." Sia informed him, anger and sadness was evident on her voice.

Natigalgal si Zync, "W-what? K-kailan pa?"

"Months? Year or baka ilang taon na pero ngayon lang naibalita dahil sa pailalim na atake ng Triad. No one knew from the outside that there were raging wars happening to those countries because of Triad's manipulation. Ngayon lang nalaman ng buong mundo ang tunay na nangyayari sa mga bansa sa Europe. Hawak na nila ang mga gobyerno pati ang mga mamamayan ng mga bansa maliban sa limang natitira. Marami na silang bihag, Zync. Lahat ng mga foreigners na pumasok sa mga bansang hawak nila simula noong nakaraang dalawang taon ay hindi na nakalabas pa. Kung maaga lang sana nalaman ng lahat, maiiwasan ang pagdami ng bihag nila. They intended to let foreigners enter the countries but forbid everyone to exit. At nang pumutok ang balita, gumawa ng paraan ang European Federation na itigil ang pagpapasok ng mga turista sa Europe. Kaya lahat ng byahe tungo roon ay pinagbabawal na."

Hindi nakaimik si Zync at parang hindi pa rin nakukuha ang mga sinabi ni Sia. Wala siyang alam tungkol sa malaking balitang 'yan. He's the President of Orlando Conglomerates and he should know about this. Masyado siyang naging tutok sa ibang bagay.

Muling nagsalita si Sia, "Greece, Estonia, Finland, Ireland at Latvia ang mga natitirang bansa na hindi pa napapasok nang tuluyan ng Triad dahil sa grupong kumakalaban sa kanila at pomo-protekta sa mga natitirang kontinente."

"A-anong grupo?"

"Ang parehong grupo na umagaw sa mga kaalyado natin at nalaman namin ni Al na ito ang grupong pinamumunuan ni Mojica Olson-Remedy."

Nanlaki ang mga mata ni Zync, "Si P-prof. Moj? How? I thought- ayaw niyang manghimasok..." napasapo si Zync sa noo at napailing.

Tumango si Sia, "I told you before that she's fvcking unpredictable. May hinala na akong siya ang may kagagawan no'n. Morisette was her ally ever since."

"That means, Morry... she's the one who manipulated our collected data and tracks?" hindi makapaniwalang tanong ni Zync. Betrayal was very clear to the sight of his face.

"Yes. They fvcking intended to bring us back to zero. I don't know why kung bakit nila tayo nilalayo sa Triad. Maybe, they don't want us to get involve."

"Damn! Sia! We should do something! We should talk to Prof. Moj. We should ask them why. We should be part of their plans." Malakas ang boses na aniya.

"I am planning to meet her as soon as I get her assistant's confirmation. Mahirap siyang hagilapin. Mojica is too mysterious. Alam kong marami siyang alam tungkol sa mga nangyayari, sa plano ng Triad... may hinala rin akong alam niya kung nasaan si Katarina at si Kata-." Tinikom ni Sia ang bibig.

Napakunot naman ang noo ni Zync dahil sa biglang pagtahimik ni Sia pero hindi niya na pinansin 'yon.

"Bakit pakiramdam ko ang tanga-tanga ko, Sia? Bakit naiisip kong wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari? I feel strange and I was like standing in the midst of an unknown battle." Pag-aamin niya kay Sia sa tunay na nararamdaman. "Pakiramdam ko pinaglalaruan ako. Why do I feel that I am being fooled, Sia?"

Napaiwas ng tingin si Sia, iniiwasang makita ang kaguluhan sa mukha ni Zync.

'We're surrounded with lies, Zync. Lies.' Gustong isatinig ni Sia ngunit mas pinili nitong manahimik na lamang.

*****

"After the Europe's downfall, it is now confirmed by the authorities of United Nations that the continents of Antarctica, Africa and Middle East are now under Quarantine State by the notorious terrorist group who subjugated the Kingdom of Slovenia that is now under Ground Zero. The world is now facing economic crisis for the sudden rate decrease and many private sectors' operations are dropping down. Everyone is warned not to enter the said places for your own safety. Airlines, Shipping Lines and other means of transportation entering the isolated countries are now blocked by the governments to avoid other conflict. Is this the beginning of another World War?-"

Hindi na natapos ang balita sa TV nang malakas na ibinato ni Zync ang hawak na remote sa screen.

"Ugh! Bwisit! Bwisit! Bwisit!" pinagsusuntok niya ang pader. Nang makontento ay sinandal niya ang noo sa pader habang habol ang hininga.

Maya-maya pa ay humihikbi na siya. Ngayon naniniwala na siyang may mas malalim na dahilan kung bakit hinahabol siya ng Triad. Alam niyang may kinalaman siya sa mga nangyayaring kaguluhan. Ramdam na ramdam niya.

"Paano na lang kung masakop ng Triad ang buong mundo?! Apat na kontinente na, Al! Apat!" aniya saka hinarap si Al na nakatulala. Kahit ito ay tila hindi makapaniwalang ito ang magiging surpresa ng Triad pagkatapos manahimik ng ilang taon.

Akala nila ay mananatili sa Slovenia ang atensyon ng Triad dahil sa simula pa lang ang kahariang ito na ang habol ng Triad.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam." Nanghihinang sagot ni Al.

*****

"Kurt, send me the address of Matt Remedy." Zync ordered Kurt through the phone. Few minutes after, he received a text from Kurt.

Nang malaman kung saan ang address ng mga Remedy ay pinaharurot niya ang kotse tungo sa isang exclusive subdivision sa kabilang bayan. Narating niya ang entrance ng lugar ay hinarang siya ng security. Binaba niya ang bintana para harapin ito.

"Good morning, Sir. Saan ho kayo pupunta?"

"Bisita ako ni Matt Remedy." Aniya. Humarap ang guard sa desktop computer nito.

"Sir, sorry po pero wala pong inaasahang bisita ang mga Remedy. Hindi ho kayo pwedeng pumasok." Magalang na anito.

"Goddammit that protocol! I don't care if I am an unexpected visitor! Just let me in!" sigaw niya. Mukhang naalerto naman ang guard sa biglang pagbulyaw niya.

"Sir, may sinusunod ho kaming batas dito sa subdivision. Hindi ho kayo pwedeng pumasok. Umalis na lang ho kayo, Sir."

"No! Call them and tell that Zync Orlando is here!" bulyaw niya. Hindi siya sinunod ng guard, "Tell them!"

Napapakamot sa ulong sumunod ang guard. Hindi pa man siya muling nasasagot ng guard ay may kotseng tumigil sa kanyang tabi.

"Zync Orlando?" nilingon niya ang tumawag sa kanya. Nabuhayan ng loob si Zync nang makita si Matt Remedy sa katabing kotse. "What are you doing here?"

"Good morning, Tito. Gusto ko sanang bumisita sa inyo. I remembered that you invited me when we were in Subic. Can I grab it now?" nakangiting aniya na tila hindi siya nambulyaw kanina.

"Oh. It's my pleasure to welcome an Orlando in my abode. That would be great." Bumaling ito sa driver saka may sinabi. Kinausap naman ng driver ang security.

Humingi naman agad ng pasensya ang guard kay Zync. Ni-register na rin ang kanyang pangalan sa official guest list ng pamilyang Remedy authorized by Matt Remedy.

Agad siyang bumaba sa kotse nang marating nila ang isang napakaganda at malaking mansion. Mas malaki at malapad ang Clementin Mansion pero kung titingnan mas may buhay ang Remedy Mansion dahil sa mga makukulay na bulaklak na nakakalat sa bakuran. May malaki pang playground sa gilid ng bahay.

Hindi na nagulat si Zync nang maraming nakakalat na bantay sa paligid. Puro may mga armas ito. Pansin niya rin ang mga CCTV cameras sa mga bawat sulok.

"Welcome to my place, Zync." Nakangiting saad ni Matt Remedy saka nilahad ang kanang kamay nito tungo sa main door ng bahay.

"Thank you, Tito."

Sabay silang naglakad papasok. Sinalubong naman sila ng head butler at tatlong maids. Bumati ito sa kanila.

"Come in, hijo. Please, feel at home." Binalingan nito ang mga tauhan. "This is Zync Orlando, my visitor. Please, take good care of him while he's here."

Hindi niya inaakalang mabait pa lang tao si Matt Remedy. Taliwas ito sa mga usap-usapan ng iba na istrikto at halimaw ito. Inaasahan niyang mahihirapan siyang makikipaglapit sa ginoo ngunit mabilis niyang nakuha ang loob nito. Pero alam naman niyang kaya ito mabait sa kanya ay dahil sa apelyido niya.

Pinaupo siya ni Matt sa receiving area ng mansion.

"You have a very nice home, tito." Komento niya habang nililibot ang tingin sa paligid.

"Thank you. Pagpasenyahan mo na kung maraming bantay. Masyadong paranoid lang ang asawa ko dahil sa mga banta sa amin. Alam ko namang maiintindihan mo ako dahil kagaya ko rin ikaw."

"Of course, Tito. I understand it well."

"Bababa na rin mamaya ang asawa ko. Pinatawag ko na siya. Gusto kong ipakilala ka sa kanya. I've been telling her about you."

Tumawa siya nang mahina, "I hope you had told her that I'm a good looking guy, Tito." Napatawa naman ang matanda.

"Syempre naman. I want you to be friends with my son, too. He's three years older than you. Pero mukhang wala siya rito ngayon baka pumasok na siya sa opisina. While my daughter is on vacation, ewan ko ba sa batang 'yon hindi ma-pirme rito sa bahay."

Ngumiti lang siya nang tipid. So, hindi pala nito alam na magkakilala sila ni Mojica na asawa nito at hindi rin nito alam na nasa puder niya si Ryleen ngayon.

"Maybe next time, Tito."

Marami silang napag-usapang dalawa. Naging topic din nila ang economic crisis na nangyayari ngayon dahil sa kagagawan ng Triad. Halatang magaan ang loob sa kanya ni Matt Remedy. May pagkamangha ang tingin nito sa kanya.

"Madam Weina! Yuhooooo! Saan you?!"

Nahinto ang usapan nilang dalawa nang umalingawngaw ang malakas na boses ni Pula galing sa second floor.

"Madam! Lumabas ka na sa pinagtataguan mo! Pinapalibutan na kita!"

Nagsalubong ang kilay ni Zync. Natawa naman nang mahina si Matt.

"Sorry about that. That was Pula. Isa sa mga ampon ng asawa ko. Talagang maingay lang ang isang 'yan. Baka naglalaro na naman sila ng binabantayan niya." Saad ni Matt.

"Mga ampon?"

"Yes. Mabait at matulungin ang asawa ko. Marami siyang mga anak-anakan na nakatira rito sa bahay. 'Yong iba wala rito pero umuuwi rin sila dito paminsan-minsan. Kaya nga buhay na buhay itong bahay namin. Nakakawala ng stress sa negosyo kapag ganitong bahay ang uuwian mo. Tinuturing ko na rin silang mga anak. Lalo na't bibong-bibo ang apo ko."

Sa paligid ay rinig pa rin nila ang malakas na boses ni Pula na kung anu-ano ang sinasabi.

Tumango si Zync, "May apo na po pala kayo."

Lumaki ang ngiti ni Matt Remedy na para bang tuwang-tuwa, "Oo. He is turning two in three months. He's a very handsome little boy. His name is Zyncai, anak siya ni-"

"Waaaaaaaaa!"

Napatingin sila sa hagdan nang marinig nila ang sigaw ni Pula. Nagsalubong ang kilay ni Zync nang makita ang pamilyar na mukha ng babaeng pula ang buhok. Nakatayo ito sa gitna ng hagdan habang may kargang bata.

"Lo-lo!" hiyaw ng bata habang pumapalakpak nang makita si Matt.

"Waaaaaaa- ouch!" sigaw pa rin ni Pula habang nakaturo kay Zync. Natigil lang ito sa pagsigaw nang hinampas ito ni Zyncai sa mukha.

"Come here, Pula. Ibigay mo sa akin ang apo ko. Ipapakilala ko siya sa bisita ko." Ani Matt.

Nanlaki ang mga mata ni Pula at mabilis na umiling, "Hindi. Hindi pwede, Lolo." Mariing tanggi ng babae.

"Pula." May halong bantang sambit ni Matt. Napanguso naman si Pula saka tinawag ang isang bantay. May binulong ito. Tumango naman ang bantay saka naglakad sa isang parte ng mansion.

Mabagal na naglakad si Pula tungo kina Zync. Habang siya naman ay nakatitig lang sa bata. Hindi niya maihiwalay ang tingin dito. Sobrang pamilyar ng bata hanggang sa naalala niyang ito ang batang nakita niya sa Subic kasama ang blonde na babae na hinuha niya ay anak ni Mattheus Remedy.

"Come here, little boy. Lolo missed my handsome grandchild." Natutuwang sabi ni Matt nang makuha nito si Zyncai. Pinanggigilan nito ang bata. "Look. We have a visitor." Tinuro nito si Zync. Binaba ni Matt ang bata sa sahig. Napatingin sa kanya ang bata.

Kumurap-kurap ito saka tumabingi ang ulo na para bang kinikilala siya. Hindi niya alam pero may hindi mapangalanang emosyon siyang nararamdaman habang nagkatitigan sila ng bata.

"H-hi." Alanganing bati niya sa bata, nakaka-ilang ang titig nito. Inisip ni Zync kung kanino niya nakita ang ganitong klase ng titig. Parang pamilyar kasi.

Nagulat sila nang biglang pumalakpak ang bata, "Papa!" hiyaw nito saka tumakbo kay Zync at umakyat ito sa kanyang kandungan.

Mabilis niya itong nahawakan para hindi mahulog. Yumakap ang bata sa kanyang leeg.

OA namang napasinghap si Pula na nagmamadaling umalis. Nagsalubong naman ang kilay ni Matt Remedy.

Hindi pa nga siya nakakapagre-ak sa tinawag sa kanya ng bata at pag-akap nito sa kanya ay hinawakan ng maliliit nitong mga kamay ang kanyang magkabilang pisnge.

"Papa." Tawag nito ulit sa kanya kaya kumabog nang malakas ang kanyang puso. Hindi niya maamin sa sarili na natutuwa siya sa pagtawag ng bata sa kanya ng papa. Nalilito siya. Naalala niya ang pangalan nito. Zyncai. Is this coincidence?

Malakas na tumikhim si Matt kaya naputol ang titigan nila ni Zyncai. Sabay silang napatinging dalawa sa lolo ng bata. Saglit ding natigilan si Matt nang mapansin ang malaking pagkakahawig ni Zyncai kay Zync Orlando. Hindi lang magkahawig kundi parang pinaliit na Zync Orlando ang batang si Zyncai. Napakurap-kurap si Matt.

"Little buddy, come to Lolo." Saad ni Matt nang makahulma sa napagtanto.

Nilingon ni Zyncai si Zync. Ngumiti ito nang malaki sa kanya na labas ang gilagid.

"Yo-ir-papa." Utal na anito. Tanging papa lang ang naiintindihan niya. Kusang bumaba ang bata sa kanyang kandungan saka ito tumakbo kay Matt.

"Pasensya ka na, hijo. Sadyang makulit lang ang batang ito." Paumanhin ni Matt sa kanya. Hindi pa rin siya nakaimik at nakatitig pa rin siya sa bata.

"Aaaaaa! Nawawala si Madam Weina!" malakas na tili ni Pula sa kung saan. Do'n lang natigil ang pagtitig niya sa batang si Zyncai.

"What's wrong?" tanong ni Matt sa isang bantay nang dumaan ito sa kanila.

"Tumakas na naman po si Lady Kata-"

"Good morning." Putol ng isang boses dito. Nakatayo si Mojica sa likuran ng bantay. Pinaalis nito ang bantay. "What a pleasant surprise, Zync Orlando."

Tumayo si Zync saka ngumiti, "Hi Prof. Moj, it's been a long time."

"Oh, stop calling me that. I'm no longer a professor. Just call me Tita." Anito saka ito umupo sa tabi ni Matt. Kinuha nito si Zyncai at kinandong.

"You two knew each other?" tanong ni Matt.

"Of course, he was my student before." Nakangiting sagot ni Mojica. Hindi na ito gaya ng dati na suplada at istrikta. "What brings you here, Zync?"

Biglang naalala ni Zync ang kanyang tunay na pakay kay Mojica. Nag-alangan pa siya kung sasabihin ba niya o hindi.

"Ahm. I-I knew you're aware about the thing between me and your niece. I'm sorry but I really want to know where she is." Mahinang aniya.

Tinitigan siya nang mabuti ni Mojica habang napatitig naman si Matt sa asawa. Inabot nito sa ginoo si Zyncai saka ito tumayo.

"Come. Let's talk in private." Ani Mojica saka naglakad.

Alanganing ngumiti naman si Zync kay Matt. Tumango ito sa kanya na tila nagbibigay ng permiso.

"Follow my wife. I think you really need to talk." Nakangiting anito. "I'll just play with my grandson."

Tinitigan muna ni Zync ang bata saka siya sumunod kay Mojica.

**

"Inaasahan ko ang pagdating mo." Sabi ni Mojica pagkatapos ng kanilang katahimikan.

Nandito sila ngayon sa office ni Matt Remedy.

"Alam mo ba kung nasaan siya, Tita?" kinakabahang tanong niya.

Tumitig lang si Mojica sa kanya, siya na lang ang umiwas dahil nakakailang ang titig nito.

"Everything is getting out of hand." Anito saka bumuntong hininga, "Marami ng bansa ang nadadamay. Marami ng taong namamatay. Nasa panganib tayong lahat. I'm not sorry for ruining your plans to help Slovenia and finding my niece. Ginawa ko 'yon para protektahan ka at ang mga apo kong nasa puder mo."

"But-"

"Nasa Slovenia ang puno't-dulo sa kaguluhang ito. Triad conquered Slovenia because of the kingdom's wealth, influence and armed forces. Hindi nila masasakop ang ibang bansa at kontinente kung hindi nila nakuha ang Slovenia. Isang napakadelikadong grupo ang Triad. They are the rebellion force in underworld. I believed that you have an idea about Empyreal and Chthonic. Ang Triad ang sakit sa ulo ng dalawang grupo kaya ayaw kong sumali kayo. Dark Quarter was built to protect this country. Kaya gusto kong ituon niyo ang atensyon niyo sa ahensya para hindi mapasok ng Triad ang bansa."

"We want to help, Tita. Pwede kaming tumulong sa inyo habang pinoprotektahan ng DQ ang bansa-"

"No. Hindi pa ngayon ang tamang oras para sa tulong ninyo. One day we will ask for your help. DQ must focus here. Empyreal is also moving. The organization will protect the rest of Asia as well as the other continents. Chthonic is now on truce, the society was able to set aside the Mafia wars to also give help against Triad."

Napipilitang tumango si Zync, "Pero alam mo naman po diba kung nasaan si Katarina?"

"She will be back as soon as this war against Triad will be over. Marami ka pang hindi alam, Zync. But I want to ask a favor from you."

"What is it?"

"Despite of the economic crisis happening, I want you to make Orlando Conglomerates growprofusely. I know, it would be hard but I believed you'll be able to do this. In the future, my husband's company will be taken over by our son, if you could make it possible... make a merger agreement with my husband. Mayroon ding lalapit sa inyo na isa pang kompanya. Your company, my husband's company and that one company will be merged into a big Empire-"

"Wait. Wait. Hang on there, Tita. You are talking about my family's company. You can't tell me what to do. Ibang usapan po ang negosyo ng pamilya ko."

Tumango si Mojica, "In this way, you can help us bring down Triad and you can help my niece fight against them."

"What? How? Paano mo nasasabi 'yan?"

"I can't tell it all, Zync. Basta sundin mo lang ang sinasabi ko. If you were able to establish a strong bond using these three companies and their connections with the help of Dark Quarter you can build an Empire. Triad's main base is Slovenia, our main base will be Philippines. You want to help us? Do this, Zync. Ikaw lang ang may kakayahang gawin ito. Huwag ka ring magtiwala sa iba. Tayo ang magkakampi rito. For now, palakasin niyo ang pwersa ng Dark Quarter. Don't ever let the government authorities mandate the agency's operation. I'll handle them."

Malalim na nag-isip si Zync, "This is too much to take." Pag-aamin niya.

"Alam kong naguguluhan ka pa rin pero kailangan mong maging matatag, Zync. Isipin mo hindi lang ito tungkol sa mga buhay natin. Maraming inosenting buhay na ang nadadamay. Maraming bata ang ninakawan ng kinabukasan."

Images of Arra and Arri crossed his mind even the smiling face of Zyncai. He shook his head mentally, hindi niya kakayaning mawala ang mga ngiti ng mga batang ito. Hindi niya kakayanin.

"Kung 'yan ang maitutulong ko. Gagawin ko, Tita." Determinadong aniya. Napangisi si Mojica.

"It's good to hear that, Zync. Hindi magiging madali ang lahat. This war will take much time but I'll assure you at the end if we would win, everything will fall into its rightful places."

"When will I be able to see her again?"

"Soon. But Zync..."

"Yes po?"

Makahulugan itong ngumiti sa kanya, "Don't be ever deceived by what you may see or might hear. Please, listen to your heart."

-End of Chapter 32-

Thank you for reading freaks! God bless you.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com