52: UPGRADED
Chapter 52: UPGRADED
Enjoy reading!
REINA
"Maligayang pagdating, mahal na prinsesa." Sabay na bati sa akin ng crew pirates ni Thronux.
"Hush." mahinang saway ko sa kanila habang nakadikit ang hintuturo ko sa aking labi pero naroon ang mapaglarong ngiti sa aking tingin sa kanila.
Napapailing na tumawa naman si Aly saka pumunta sa harap ng mga pirata. Magalang siyang yumukod sa akin.
"Reina." Sambit niya sa pangalan ko.
Tinitigan ko si Aly. Maaliwalas ang mukha niya pero ang mga mata niya ay walang kabuhay-buhay. Ano kaya ang nakatago sa mga matang 'yan?
"Ano ang ginagawa mo rito, Aly? Akala ko ba nasa palasyo ka?" usisa ni Morry na nakatayo sa kanan ko.
Lulan kami ngayon ng yate na papunta sa Kranj. Mahigit isang oras na kami sa gitna ng Sava River na papasok sa hilagang kanlurang bahagi ng Slovenia. It has been three days since we left Philippines, tatlong gabi na rin akong hindi nakakatulog dahil sa mga nangyari subalit pinipilit kong ituon ang pansin sa mga nakaplano na.
Humugot siya nang malalim na hininga at tumitig sa akin, "Pumuslit lang ako na makapunta rito, I really need to see you in person. Marami kang dapat malaman, Reina. I can't tell these over the phone or relay these on somebody else. These are very crucial."
An eerie tension filled inside the room. I felt everyone tensed so was I. I looked to the pirates who were standing at Aly's back, I gestured them to leave the cabin where we were. They all curtsied before going out.
Nang kami na lang apat ang natira nina Morry, Ryleen at Aly ay binalingan ko muli ang huli.
"Spill it, my dear Aly." I ordered. She slightly bowed her head before speaking.
"Forgive us for failing you, Your Highness. But my heart is aching to inform you that the control of Frost Family in Sovereign Land of Kranj was taken over by Triad. The Wing agents failed to protect the remaining freed land of Slovenia." Malungkot niyang balita.
Napakuyom ang kamao ko sa narinig, ilang beses akong napakurap-kurap. But I am distracted with Aly's tone of voice while talking.
Malakas na napahampas ang katabi ko, "Paano nangyari iyon, Aly? Akala ko ba nalalaman niyo kaagad ang mga plano ng Triad? You are in-charge of this! Ikaw ang nagbibigay ng intelligence reports sa amin. Bakit hindi mo agad naibalita? Kung sana ay sinabi mo kaagad sa amin ay magagawan natin ng paraan na hindi masira ang Kranj!" may himig ng paninisi at pang-uusig na tanong ni Morry.
Nanatili akong tahimik.
Tumikhim si Aly na sa akin pa rin ang tingin, "Forgive me, Your Majesty... but it was sudden. Hindi ko agad nalaman ang plano nilang iyon. Nainip si Queen Given and she gave a sudden order to infiltrate and take down the Kranj without consulting Finamelia and the head Primus. Patawarin niyo po sana ako sa aking kakulangan."
"How's the head family of Kranj?" tanong ko kaya muli siyang napaangat ng tingin.
Umiling-iling si Aly at bumakas ang panghihinayang sa mukha niya, "The Duke is dead while the Duchess is now on the Donjon."
"That damn Queen is really pain in the ass." Anas ni Morry. "But you should have at least informed Duke Isaiah immediately! Aly, sana may ginawa ka para pigilan iyon! If the Duke was aware even on the last minute, may magagawa pa sana siya." napalakas na boses ni Morry.
Nakita ko ang pagtalim ng mga mata ni Aly rito.
"Are you blaming me for what happened?! Being a spy is not easy, Everstrife! I am risking my life inside our enemies' lair and I am doing my best to gather information for Pete's sake!" singhal niya.
"Oh c'mon! If you are really doing your best, hindi maaagaw ang Kranj! If you've done your best, malaya pa ang probinsyang 'yon!"
Hinablot ni Aly ang damit ni Morry, "Do you have a problem with me?!"
"Oo! Malaki ang problema ko sa 'yo! Dahil sa kapabayaan mo, nasayang ang pinaghirapan ko sa loob ng ilang taon para mapanatiling malaya ang Kranj! I did my best to preserve our land of agriculture but because of you, wala na! I trusted you!" tinulak ni Morry palayo si Aly.
Dinuro siya ni Morry, "Ipinagkatiwala ko sa 'yo ang buong probinsya, kaya ka nga 'di ba naging spy?! Dahil mataas ang ranggo mo sa Triad and you told us na dumadaan sa 'yo ang mga orders na galing sa Primus bago ire-release sa mga generals nila. Hindi ka naman namin pinilit ah? You volunteered willingly! Sabi mo sa akin, you will take care of them! You had promised me na aalamin mo lahat ng plano ng Triad! But this one... hindi ako naniniwala na sudden order ito galing sa Given Zenon na 'yon!"
Pinanood ko lang sila habang hindi naman mapakali si Ryleen na sinusubukang sumingit.
Napatingin ako kay Morry nang suminghot ito, nakita ko ang pagtulo ng luha niya. I can't blame her violent reaction.
Dahil nang magawang mailigtas niya sina Arra at Arri, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para makapasok ulit sa Slovenia. Sa mga nakalipas na taon ay 'yon ang ginagawa niya, pabalik-balik siya rito para siguraduhing nanatiling malaya ang rehiyon ng Kranj sa pamumuno ng mga Frost.
Sa tulong din ni Aunt Mojica ay nagawa ni Morry na ilikas ang ibang mamamayan tungo sa Ireland at Latvia.
"So ako nga sinisisi mo?!" sigaw ni Aly saka dinuro si Morry, "I'm sorry but please try to be in my shoes, Everstrife! Yes, I volunteered! I am here because I wanted to help Reina in her mission to redeem back the peace for the people. Ginagawa ko ang lahat para malaman ang bawat plano ng Triad! I've been caged in this kind of set up for years now, pero heto ako... nasa harap ninyo para gawin kung ano dapat kong gawin! Inaamin ko may kasalanan ako, naging pabaya ako pero huwag mong ipamukha sa aking wala akong kuwenta!"
Napatawa nang mapakla si Morry, "Hah! Pareho lang tayong lahat dito Aly! Pare-pareho tayong nakakulong sa lecheng buhay na 'to! Ang gusto ko lang sabihin sa 'yo, bakit wala kang nagawa para sa Kranj?! Bakit mo hinayaan wasakin ng Triad ang mga buhay ng mga taga-ro'n? Bakit?"
"Is it hard to understand that I did my best to save them?! Ano ang gusto mong mangyari ngayon, Morisette?! Ano ang magagawa ko kung tapos na? Wala na?! At nasakop na sila?! Ano ang gusto mong gawin ko?! Blame me all you want, pero wala na akong magagawa dahil nangyari na! Do you want me to kill myself in front of you?! Is that what you want?!"
Malakas akong napabuntong hininga nang pareho na silang nagtutukan ng baril. Napatingin ako sa mukha ni Morry, walang bakas ng paninisi sa kanya pero sa boses niya ay puro. Alam kong ayaw niyang sisihin si Aly subalit kailangan niya lang maglabas ng sama ng loob.
In order to lessen the pain, humans intend to seek release through blaming others. It's a human nature.
Napatingin naman ako kay Aly... ilang beses ko na ba siyang nakitang galit? Naalala ko noong nagalit siya sa akin at kay Sia. Nakapag-usap kami nang masinsinan pagkatapos ng ginawa niya kay Sia kasama si Zync pero... nang nakatalikod na ako ay inatake niya ako at sinaksak sa tagiliran. Ngunit naging tapat si Aly sa akin sa mga sumunod na pagkakataon hanggang ngayon.
"That's enough, girls." Untag ko kaya napatingin sila sa akin. Nakita ko ang biglang pag-amo ng mga mukha nila. Pareho silang bumuga ng hangin at binaba ang baril.
"Hindi niyo kailangang magpatayan. Sayang ang buhay niyo kung kayo lang din mismo kikitil sa buhay ng isa't-isa." Tiningnan ko si Morry, "Alam kong nasasaktan ka ngayon dahil sa nangyari pero walang mangyayari kung sisisihin mo si Aly, get hold of yourself and calm down. Huwag kang magpadalos-dalos, hindi mo alam kung sino ang maaari mong masasaktan kapag hinayaan mo ang galit na mangibabaw."
May naalala na naman ako. Nagpadalos-dalos. Galit ang nangibabaw. Masakit. Masakit na masakit. Unti-unti akong pinapatay.
Umiwas ng tingin si Morry kaya binalingan ko si Aly, "Inamin mo ang kapabayaan mo, I appreciated your honesty. Lahat ng ginagawa mo para sa akin ay iniipon ko sa treasure box na nandito." Tinuro ko ang puso ko, yumuko naman siya. "Masaya akong nandito ka at tumutulong sa pinaglalaban namin."
Tumikhim ako, "Hindi natin hawak ang mangyayari sa hinaharap pero bawat isa sa atin ay ginagawa ang lahat para pumanig sa atin ang tadhana. Kaya sana huwag na kayong mag-away. Nasasaktan ako."
Tiningnan nila na puno ng pagsisisi ang mga mukha.
"Forgive us for being impudent, Your Highness." Sabay nilang saad.
"Forgiven." Sambit ko kaya nagkatinginan silang dalawa saka nagkamayan at nagtanguan, showing that they're good with each other. Napangiti ako. "Now, where are we?"
Natahimik ulit ng ilang sandali.
"Alam mo na ba, Ate Aly kung sino si Head Primus?" biglang singit ni Ryleen. "We really need to know his real identity... dahil siya ang ulo ng Triad at siya ang dapat na prime target natin along with the two under Primus and Flynn Flamenco. Once we get rid of the head, magiging madali na lang sa atin pabagsakin ang mga galamay ng Triad."
Bahagyang umiling lang si Aly at umiwas ng tingin. Muling tumahimik, napanguso na lang si Ryleen. This young lady is trying her best to help me, ito ang pinapangarap niya simula pa lang noon. Ang lumaban sa tabi ko. Kahit labag man sa loob kong nandito si Ryleen pero ang ina niya na mismo ang nagdesisyong gawin siyang mandirigma sa labang ito.
"Marami ba silang nahuli?" tanong ko kay Aly.
"Oo, nasa higit limang daan ang mga bihag nila ngayon, bata man o matanda. Marami din ang namatay lalo na 'yong mga nanlaban. Wala na rin may natirang Wing agent, Reina. Ubos na sila..."
Naging mabigat ang paghinga ko dahil sa mga nalaman. Hindi ko ito inaasahan. Gaya ni Morry ay mahirap din ito sa akin. Naging panatag akong malaya pa rin ang buong Kranj kahit na ang mayorya ng Slovenia ay hawak na ng Triad.
"Kailan nangyari 'to?" I asked her.
"A week ago."
"Tapos hindi mo agad pinaalam sa amin?! No'ng isang linggo pa pala?!" bulyaw na naman ni Morry.
"Morisette." I warned her. She raised her both hands and step back. Matalim lang ang tingin niya kay Aly.
Napapikit ako. Isang bagay lang ang tumatakbo sa isipan ko... may traydor sa kampo ko at hindi lang basta-basta, isa sa mga pinagkakatiwalaan ko ang ahas.
Napatitig akong muli kay Aly at Morry. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Parehong ilag ang mga mata nila sa akin kaya napangiti ako sa loob-loob ko.
Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming lahat.
"Natunton na ba nila ang Sikretong Siyudad?" maya-maya'y basag ni Morry sa katahimikan namin, naroon pa rin ang talim ng titig nito.
"Wala pa." sagot ni Aly, "Pero may alam na si Finamelia tungkol sa siyudad at sa mga taong-bayang nagtatago roon na tinuturing na rebelde, pati na kung saan nakatago ang Clementin Armory."
"How did she found out, Ate Aly?" Ryleen asked.
Umiling lang siya bilang sagot. Morry hissed.
"Sa ngayon ang Ares Clan pa rin ang nagpoproduce ng weaponry ng buong Triad pati ang kaharian ni Queen Given ay mas lalong lumalakas ang arm forces nila kaya mas lalong lumalaki ang Triad at nagawa nilang sakupin ang malalaking kontinente... ang Flamenco Mafia ay pilay sa ngayon dahil kay Flynn. Nahati ang grupo nila. Ang isa ay sumusuporta kay Finamelia at ang mga natira ay tapat pa rin kay Flynn pero mas lamang ang huli..." wika ni Aly.
"Kaya may sigalot ngayon sa loob ng organisasyon dahil sa nangyayari sa Flamenco. Ang Flamenco Mafia ang pinakamalaking porsyento sa Triad kaya kapag makatakas si Flynn, mas magugulo ang lahat, mas maraming mamamatay. Kaya niyang sirain ang Triad ngunit mas wala tayong takas sa kanya. Mas delikado at mas demonyo siya kumpra sa Head Primus. Ito ang tamang panahon para tayo ay umatake habang nakakulong pa si Flynn at hindi pa kaya ni Finamelia na pamunuan ang Mafia nila." Dagdag pa niya.
Tumango-tango ako. Sumasang-ayon ako sa sinabi ni Aly. Pinakamahirap na kaaway si Flynn kumpara sa Head Primus. Nangyari ang lahat nang kaguluhang ito dahil kay Flynn, siya ang ulo nito ngunit dahil hindi na siya magawang manduhan ng mga Primus kaya siya ginawang bihag.
"How about Kuya Terrence? He's a Flamenco, too. Kaya niyang kunin ang loyal men ni Flynn." Ryleen said.
"It's not that easy, Ryleen. Matagal nang tinalikuran ni Terrence ang Mafia nila kaya wala siyang kapangyarihang mamuno, kundi sina Flynn at Finamelia lamang." Paliwanag ni Morry.
"What's the current status of Project Armageddon, Aly?" I asked Aly. She turned to look at me.
Her eyes were weary and I don't like the sight of it.
"The developers of Triad have formulated an upgraded procedure to evolve the method and the actual execution of Project Arma... nalaman na rin nila ang locations ng Ten Arma Towers—"
"What?!" napasinghal ako.
Imposible! Napaka-imposible nilang malaman kung saan ang location ng Ten Arma Towers. Walang may alam kung nasaan ang mga ito maliban sa taong bumuo ng Arma na si Ynca Salem-Orlando, ina ni Zync.
Ako. Ako ang mapa ng Ten Arma Towers.
Ten Arma Towers. These towers are the second most essential part of Project Armageddon. Kasama sa pagbuo ni Ynca at ng aking haring lolo ng proyektong ito ang pagpapatayo ng sampung towers sa iba't-ibang bahagi ng mundo.
Kapag na-activate ang main machine ng Arma na nandito mismo sa loob ng Slovenia, ang sampung Arma towers ang magsisilbing support systems na magbibigay ng signal wave para makontrol lahat ng taong nataniman ng Arma Chip kasama na roon ang mga Bomb Armies ng Triad.
Sa kadahilanang ilang kontinente na ang sakop ng Triad ay sigurado akong maraming tao na ang nataniman ng Arma Chip at kapag sakaling matuloy ang proyektong ito ay nanakawin ng Triad ang kalayaan ng buong mundo. World War ang magaganap.
This is the main objective of Triad... to control the world using Project Armageddon.
At maliban sa taglay kong dugo na susi ng activation ng Arma ay habol din ng Triad ang mapa ng Ten Arma Towers na nasa akin. My Wing Tattoo, nasa likod ko ang nag-iisang mapa nito.
Ayon sa Empyreal Head... walang sino mang nilalang sa mundong ibabaw ang alam kung paano basahin at tukuyin ang hidden codes sa aking tattoo maliban kay Ynca Orlando.
Nang maging Wing Regal ako, doon ko nalaman ang tungkol sa Project Armageddon ngunit hindi ko pinagtuunan ng pansin iyon dahil nasa katauhan pa ako ni Tari at kontrolado pa ng Triad.
No'ng bumalik na ako bilang ako ay muli kong kinausap ang Empyreal Head na si Emperor Chiyo ng China tungkol sa nalalaman niya sa Project Armageddon. Nilahad niya sa akin ang tunay na dahilan kung bakit nilagay nila ang Wing Tattoo sa aking likod.
Matagal na nilang hawak ang isang espesyal na papel kung saan doon nakaguhit ang Wing Tattoo... bahagyang nakabuka na pakpak ng anghel na may mga kakaibang kulay gintong guhit.
Ang papel na iyon ay kanilang dinikit sa aking likuran at kung ano'ng napakasakit na proseso ang kanilang ginawa para isalin ang guhit na iyon sa aking balat. Inabot ng higit isang araw para tapusin ang prosesong iyon.
Galing ang papel na iyon kay Ynca Orlando at binilin niyang isalin ito sa karapatdapat na tao.
Kung gano'n paano nila nalaman ang lokasyon gayong hindi pa nila muling nahuhuli ang ina ni Zync? Kahit ang lolo ko ay hindi alam kung paano babasahin ang codes na nasa likod ko.
Napaisip ako. Mukha ng isang tao ang rumehistro sa aking utak, maaaring ang taong ito ay alam kung paano basahin ang mapa sa likod ko.
I shook my head. No, this can't be.
"How?" tanong ko kay Aly.
"Hindi ko pa alam, Reina kung paano nila nalaman ang mga lokasyon." Tangin sagot niya.
"Paano mo nalaman ang tungkol diyan?"
Tumaas ang kilay niya dahil sa tanong ko, "But of course, I'm spying..." tila naiirita niyang sagot.
Malalim ko siyang tinitigan. Pilit kong iwinawaksi ang mga halo-halong eksena ang namumuo sa utak ko. Hindi maaari. My hands balled into fists.
"Ano pa ang mga nalaman mo, Aly?" I asked her again.
"Kung hindi ka nila makukuha, kukunin nila si Zync o 'di kaya ang anak ninyo. Hawak nila ang iyong lolo na siyang original DNA carrier na kailangan sa Arma Formula kaya kapag nakuha nila si Zync ay hindi ka na nila kailangan lalo na kapag mismo ang bata ang makukuha nila, wala na ring saysay ang RTQGA..."
Napakuyom ang kamao ko. Hindi puwede. Hindi ko hahayaang makuha nila ang mag-ama ko.
"Dahil ang upgraded formula na nagawa nila ay napakadelikado para sa ating lahat. Magagawang kontrolin ng Arma ang lahat ng tao kahit walang Arma Chip. Gamit ang dugo ni Zyncai ay makakapagproduce sila ng Arma Nerve Gas na ipapakalat nila sa buong mundo through Ten Arma Towers using signal and sound wave..."
Napayuko ako at nanginginig ang mga labi sa sobrang galit na nararamdaman. Demons.
"Kaya ang lahat ng Cell Site Towers ng lahat ng Telecommunication companies sa buong mundo even the Satellites ay kayang kontrolin ng Arma. Ang signal at sound wave pati ang radiation na ipoproduce ng mga gadgets... TV, cell phones, computers or even the radios ay katumbas ng Arma Chip."
"What the fvck?!"
Sunod-sunod ang mga naging reaksyon naririnig ko sa aking paligid pero wala na akong may naintindihan.
Napatango-tango ako saka tinalikuran silang lahat. Umakyat ako sa upper deck. Sinuot ko muna ang hood ng suot kong cloak at siniguradong natatabunan ang mukha ko. Umupo ako sa gilid saka tinanaw ang madilim na kawalan.
"Reina."
Hindi ko nilingon ang tumawag sa akin kaya umupo siya sa tabi ko at nakitanaw rin sa kawalan.
"How are you?" Aly asked.
I shrugged my shoulders, "I don't know. I can't tell." Tumawa ako nang mapakla.
"Kaya mo pa naman 'di ba?"
Sinulyapan ko siya saka tumingala sa malungkot na kalangitan. Makulimlim at nagtatago ang mga bituin. Pati ang buwan ay pasilip-silip lang sa agaw-eksenang mga ulap.
Naramdaman ko ang paghalik ng mumunting luha sa aking pisnge kaya mabilis ko itong pinahid.
"Kakayanin ko, Aly." I said.
"Huwag kang mag-alala. Parating nasa likod mo lang ako." Aniya.
"Para ano?" tanong ko habang nakatingala pa rin.
Rinig ko ang paghugot niya nang malalim na hininga. Mukhang hindi niya inaasahan ang tanong ko. I should have said thank you or something nice... but instead, I questioned her.
"Alam mo na kung ano." She answered flatly.
"I see." I whispered.
She bended her knees at put her chin above it while I turned to look back at the dark nothingness.
"Kamusta siya?" tanong niya.
Napangiti ako nang mapakla, "Mahal mo pa rin ba?" I asked her instead.
"You don't answer a question with another question. It's rude." She hissed. Pareho kaming natawa.
"He's mad at me." Panimula ko, "He's damn mad." A chuckle let out from my throat. Yumugyog na ang mga balikat ko dahil hindi ko mapigilang matawa lalo.
"He's mad, Aly." Sumbong ko sa kanya sa gitna ng aking pagtawa. Nilingon niya ako and watched me as I laughed humorlessly.
I bend my left leg. Pinatong ko ang noo ko sa aking tuhod habang tumatawa nang mahina kasama ang mga pipi kong luha.
"I-I wanted to tell him everything. Gusto kong malaman niya ang lahat ng sakit, lungkot at pagdurusa ko simula nang magkaisip ako. Gusto kong magsumbong sa kanya na ang sakit-sakit na, na pagod na ako sa klase ng buhay na mayroon ako. Pero ayokong kaawaan niya ako at hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin..."
Naramdaman ko ang banayad niyang paghaplos sa aking likod pero hindi siya nagsalita.
I sobbed.
"S-siguro dahil nasanay akong sarilinin lahat ng sakit na nararamdaman ko kaya hindi ko alam kung paano pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya, Aly. Matagal na akong sumuko. Sa simula pa lang sumuko na ako ngunit hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako at pilit lumalaban."
"Reina..."
Umayos ako ng upo saka tinuyo ang basa kong mukha. Pilit akong tumawa. Mukha akong tanga. Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa harap at seryoso ang mukha.
"Aly, alam kong minahal mo siya at hanggang ngayon ay mahal mo pa rin siya. Kaya humihingi ako ng tawad dahil sa mga nagawa ko. Inagaw ko siya sa 'yo, kahit pa sabihin nating mission mo ang paibigin si Zync at kinontrol ako ng Triad para mapalapit sa kanya... inagaw ko pa rin siya sa 'yo."
Umiling siya at mapait na ngumiti, "You don't have to say sorry, Reina. It's in the past now, kalimutan na natin 'yon. Let's focus on what's happening now and what's ahead of us."
"I know but I just wanted to say sorry."
"Forgiven." Aniya kaya napangisi ako.
"At the end of this... I don't know kung buhay ba ako o patay—"
"Reina." She cut me off, giving me a warning glare.
Ngumiti ako sa kanya, "If I die, please take care of him."
Hindi siya umimik kaya sinulyapan ko siya. Napangiti ako sa emosyon nakapaskil sa mukha niya.
Aly, oh my dear Aly. Why?
-End of Chapter 52-
Thank you for reading freaks.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com