Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

60: HEAD PRIMUS

Chapter 60: HEAD PRIMUS
Enjoy reading!

3rd.

Pabalik-balik ang tingin ni Reina sa walang malay na si Tom Ares at sa taong naka-maskara gano'n din kay Kataleya na lumuluhang nakatingin sa kaniya.

"W-what?" Ang tanging naisambit niya.

"T-tomeo is your father, my child." Mahinang wika ni Kataleya na kinakapos na sa paghinga dahil sa kakaiyak at sa higpit ng pagkakahawak ng Head Primus dito.

Bumuka ang bibig ni Reina at napalingon ulit kay Tomeo.

'D-daddy?' bulong ng kaniyang isipan.

Muli siyang lumingon sa kaniyang ina. Tila isa siyang kandilang unti-unting nauupos dahil sa iba't-ibang emosyong lumulukob sa kaniya.

Unti-unting lumalabo ang kaniyang paligid. Umiikot ang lahat na tila isang ipo-ipong nananalasa. May nakakabinging tunog ang umuugong sa kaniyang magkabilang tainga. Kinakapos na rin siya ng hininga.

Napaluhod siya sa sahig at sinapo ang magkabilang gilid ng ulo. Sinabunutan ang sarili na para bang kaya nitong ibalik siya sa huwisyo.

"T-tama na." nakikiusap niyang bulong. "T-tama na."

Mas tumindi ang pag-ikot ng paligid ni Reina, mas lumakas ang ugong sa kaniyang pandinig. Mas kinapos siya sa paghinga. Nakisabay rin ang lakas ng tambol ng kaniyang puso.

"T-tama na!" unti-unti na ring lumalakas ang kaniyang boses na nagsusumamo. Hindi niya alam kung para ano o kanina ang mga salitang sinasambit, sapagkat gusto niya lang itong isatinig. "T-tama na! Pakiusap! Ayoko na! Ayoko na!"

"A-anak ko!" nag-aalalang sigaw ni Kataleya nang makita ang nahihirapang sitwasyon ni Reina. Nagpumiglas ito sa hawak ng Head Primus ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang kapit sa ginang.

"Please, let me go. My child needs me." Pakiusap ng ginang sa taong may hawak sa kaniya. Isang nangunguyam na tawa ang sinukli ng pinakamataas na Primus.

Naglakad ito nang bitbit si Kataleya tungo sa super computer. Habang hawak pa rin ang ginang ay kinalikot nito ang keyboard ng Arma Machine. Sa pagpupumiglas ni Kataleya ay natusok ang kaniyang lalamunan sa hawak nitong kutsilyo. Mabuti na lang ay daplis lang.

"Move again para bumaon ito sa lalamunan mo, Kataleya." Banta nito sa ginang.

"Ano pa ba ang gusto mo?! Nagawa mo nang sirain ang pamilya namin! Nagawa mo nang paglaruan ang mga buhay namin at ng ibang tao! Ano pa ha?! Ano pang kahayupan ang gustong mong gawin?!" singhal ni Kataleya.

"Hindi pa ako nakukuntento Kataleya. Hindi pa." anito.

Napaismid si Kataleya, "Gano'n ba?! Kahit na nakapakalaki na ng epekto ng pinaggagawa mo sa buhay ng pinakamamahal mong anak?! Kasusuklaman ka niya! Hinding-hindi ka niya mapapatawad pagkatapos ng lahat ng ginawa mo!"

"Ginawa ko ang lahat ng 'to para sa kaniya!" Mas lalong hinigpitan nito ang hawak sa ina ni Reina, "Tumahimik ka kung ayaw mong tuluyan kong patayin ang duwag na si Tomeo."

"Hayop ka!"

"Alam ko." Tumawa ito nang malakas sabay halik nang mariin sa pisnge ni Kataleya, "Tumahimik ka na, dating prinsesa. Kung ayaw mong pati ang tatlo mong anak na nasa Pilipinas ay pahihirapan ko."

Tanging impit na iyak na lang ang nagawa ni Kataleya.

Samantala, patuloy naman sa pananangis si Reina. Naroon pa rin ang tila bagyong rumaragasa sa kaniyang kaloob-looban dahil sa rebelasyong nalaman. Litong-lito siya sa nararamdaman.

Ang hirap paniwalaan na hindi si Douglas Olson ang kaniyang ama, kundi si Tomeo Ares na tinuring na kaaway ng kanilang kaharian. Ang inaakala niyang head primus ay hindi pala kalaban kundi isang kakamping nagsusumamong kaniyang paniwalaan.

Ayaw gumana nang maayos ng kaniyang utak. Tila sabay-sabay nag-bugged down ang kaniyang mga nerves and cells. Ang gusto niya na lang sa mga oras na ito ay maging manhid at maging inutil sa lahat ng nangyayari.

Mariing nakapikit ang kaniyang mga mata ngunit ang mga luha ay malayang umaagos at patuloy pa rin niyang sinasabunutan ang sarili.

Reina was obviously having a nervous breakdown.

"T-tama na. Pakiusap. Ayoko na. Ayoko na. Pagod na ako. Hindi ko na kaya." Paulit-ulit na sambit ng kaniyang mga bibig. "T-tama na! M-maawa kayo! Ayoko na!"

Isang pares ng matitipunong bisig ang yumapos sa kaniya mula sa likuran. Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya na tila ayaw nitong siya ay mawala.

Naramdaman ni Reina ang pamilyar na init na noon ay palagi niyang hinahanap. Kasabay no'n ay ang pag-hum nito ng saliw ng isang lullaby na palagi niyang naririnig sa tuwing siya'y pinapatulog.

"~Hmmm. Hmmm. Hmmm.~"

"D-daddy?" mahinang tawag niya habang nakapikit ang mga mata.

"Hmm. N-nandito na si Daddy, anak. H-hinding-hindi na kita iiwan. N-nandito na ako." Sagot ni Tomeo sa anak. Pinapaulanan nito ng halik ang gilid ng kaniyang ulo. "I-I'm here, baby. I-I'm here."

"D-daddy, Zavina is scared." Tila batang sumbong ni Reina na yumapos na rin sa mga braso ng kaniyang ama. "Daddy, I'm hurt. Help me, Daddy. Please, help me get rid of this pain." Tinuro niya ang sentido pati na ang kaniyang puso.

Halos kumandong na si Reina sa ama nang mas lalong siyang nagsumiksik dito. Humilig siya sa dibdib ni Tomeo at do'n tila nakahanap ng proteksyon at kakampi.

"Yes baby, aalisin ni Daddy 'yan. H-hindi ka na masasaktan pa."

"D-don't leave me, Daddy. I don't want to be alone again." Tila bumalik si Reina sa pagkabata.

"Sorry anak. Sorry kung iniwan kita. I'm so sorry baby. Hindi na aalis si Daddy. Nandito na ako."

"D-daddy."

"Hmm?"

"I-I'm tired."

Hindi na sumagot pang muli si Tomeo, hinigpitan lang nito ang yakap sa kaniya. Putol-putol na rin ang pag-hum nito dahil sa kirot na nararamdaman sa likurang may nakatusok na kutsilyo.

Samantala, sa labas ng Throne Hall. Palakad-lakad na lang ang mga tauhan ni Reina sa paligid dahil naubos na nila ang mga kalaban. Nililinis na rin nila ang mga bangkay ng kalaban. Ngunit hindi pa rin nila napapasok ang dungeon.

Lahat ay walang alam sa mga nangyayari sa loob ng Throne hall. Wala ring may naglakas ng loob na pumasok dahil sa mahigpit na utos ni Reina na huwag pumasok unless kung kaniyang ipapatawag.

Bakas sa mukha ng lahat ang tuwa dahil sa ramdam na nila ang tagumpay at kalayaang ilang taong ninakaw sa kanila. Mayroon pang umiiyak dahil sa sobrang saya, may nagluluksa man dahil sa mga buhay na nawala ay nahahaluan na rin ng tuwa ang kanilang paghihinagpis.

Nailabas na rin sa Secret City ang mga survivors na nagtatago roon sa pangunguna ni Chantaria, ang pinuno ng Sayufara.

Lahat ay hindi alam ang tunay na nangyayari sa loob ng Throne Hall.

Meanwhile, unti-unting nagigising si Sia na nakahiga lang sa gilid. Dumadaing ito dahil sa mas lalong namamagang pisnge. Mahina pa itong nagmumura. Hindi na nito magawang imulat ang kanang mata.

Narinig ni Sia ang impit na pag-iyak.

"R-reina?" garagal ang boses na tinawag nito ang kaibigan. Sigurado itong boses ni Reina ang naririnig. Pinilit nitong makatayo kahit nanghihina. Hinanap din ng mata nito ang kaninang katabi na si Kataleya.

Nilibot nito ang tingin at natigilan nang makita si Reina na yakap-yakap ng isang hindi gaano katandang lalaki. Rinig nito ang pagsambit niya ng Daddy. Napangiti nang malungkot si Sia.

"Hayop ka!"

Napalingon ito sa gawi ng Arma Machine nang marinig ang sigaw ng ina ni Reina. Nanlaki ang mga mata ni Sia nang makita roon si Kataleya na hawak-hawak ng isa pang lalaki na naka-maskara.

"Sino naman ito?" tanong ni Sia sa sarili.

Nabigla si Sia nang biglang nag-trigger ang alarm system ng Arma Machine. Nilamon din ng pulang ilaw ang buong paligid. Natigilan din ang mga nasa labas ng Throne Hall pati na ang ibang nasa loob at labas ng palasyo dahil sa pagtunog ng alarm.

"Ano ang ginawa mo?!" sigaw ni Kataleya, ngunit tumawa lang ng mala-demonyo ang Head Primus na nagtatago pa rin sa likod ng maskara.

Nabitawan nito ang ginang dahil sa sobrang pagtawa.

Nanlaki ang mga mata ni Kataleya nang makita ang mga salitang 'self-destruction' na nagbi-blink sa screen ng Arma Machine. Pati na sa monitor ng containment tube nina King Malachi at Zamanthra ay may nakalagay na 'Self-detonation Activated'.

"Akala niyo hahayaan ko kayong mabuhay?! Hindi! Ako pa rin ang mananalo! Tinalo niyo man Triad pero hinding-hindi niyo na mababawi pang muli ang punyetang kaharian na 'to! Makakalimutan ng mundo ang Slovenia! Lulubog kayo! Lulubog ang bansang 'to!" sabay tawa ulit nang malakas at tila demonyo.

"Hayop ka! Demonyo!" sigaw ni Kataleya saka sinugod ang head primus ngunit isang hawi lang nito sa ginang ay tumilapon na ang ina ni Reina. Nabagok pa ang ulo nito sa semento. "H-hayop ka."

Sumugod din si Sia at inumang ang hawak na katana sa Head Primus ngunit isang sipa ang binigay nito sa babae sa mismong namamagang mukha nito kaya napaiyak sa sakit si Sia at napahiga sa sahig.

Naglakad ang Head Primus tungo kina Tomeo. Unti-unti nang nawawalan ng ulirat si Reina dahil sa yakap ng ama, humahinahon na rin ang kaniyang kalooban. Mas hinigpitan lalo ng ama ang yakap sa kaniya nang makitang naglalakad papalapit sa kanila ang Head Primus. Kahit nanghihina na ay gusto pa rin nitong protektahan ang anak.

Tumawa ang Head Primus nang makita ang ginawa ni Tomeo. Napapailing pa ito.

"Ngayon ka pa ba magpapakita ng katapangan na nandito na tayo sa katapusan? Isa kang hangal, Tomeo. Sa ilang taon ay naging duwag ka. Wala kang kuwentang ama! Hinayaan mong magdusa ang mga anak mo! Tingnan mo si Reina, tingin ko ay nasisiraan na ng bait dahil pinabayaan mo siya!" singhal nito sa ama ni Reina.

"Ikaw ang tunay na hangal sa ating dalawa. Wala kang puso! Pinaglaruan mo ang pamilya ko!" ganti nito sa Head Primus.

"Tss. Shut up! Ibigay mo sa akin si Katareina Zavina!" bulyaw nito sabay lapit sa kanila at hinila mula sa bisig nito si Reina ngunit mahigpit ang yakap ni Tomeo sa anak.

"N-no. Hinding-hindi mo makukuha sa akin ang anak ko!"

"Ayaw mo bang iligtas ko siya, Tomeo?" Natigilan ito dahil sa tanong ng Head Primus. "Malapit nang sumabog ang buong palasyo, hangal. Kukunin ko si Reina dahil ililigtas ko siya. Ibabalik ko siya sa Pilipinas."

Mas lalong natigilan si Tomeo. Kinuha naman agad nito ang pagkakataong suntukin nang malakas si Tomeo kung kaya naging maluwag ang kapit nito kay Reina. Agad nitong kinuha at binuhat ang wala nang malay na babae.

"S-saan mo dadalhin ang anak ko?!" sigaw ni Tomeo saka gumapang upang yakapin ang binti ng Head Primus.

"Punyeta!" sigaw rin nito sabay sipa sa mukha ni Tomeo. Tumilapon ang ama ni Reina at nanghihinang sinundan sila ng tingin.

"Estupido!" nanggagalaiting bulong nito sabay dura sa nanghihinang ama ni Reina.

"I have to get you out of here before this whole place explodes, my dear Reina." Bulong ng Head Primus. "I can't hurt you for I have to bring you home alive, my daughter-in-law. You'll live happily ever after with my son and grandchild. Magalit man sa akin ang anak ko ay magiging masaya siya kapag buhay kang makauwi sa kaniya. Pero pasensya na hindi ko hahayaan mabuhay pa ang mga taong nandidito sa palasyo ng traydor mong lolo."

Tumawa pa itong muli bago tumungo sa secret exit door ng Throne Hall.

Umaapoy naman sa galit ang kaliwang mata ni Sia nang makitang kinuha ng Head Primus si Reina. Tila may bagong ibayong lakas ang lumukob sa katauhan ng babae. Hindi na alintana ang mukhang tila sasabog na sa sobrang pamamaga.

Tumayo ito saka mabilis na nakalapit sa Arma Machine. May sa sampung minuto na lang ang natitira bago ito sasabog. Kinalikot ni Sia ang keyboard ngunit lumipas ang dalawang minuto ay hindi niya pa rin nagawang itigil ito sa pag-self destruct.

Tiningnan ni Sia isa-isa ang mga machine na nakapaligid sa Arma Machine. Wala sa sariling natawa siya nang mahanap ang solusyon para patigilin ang nagbabadyang pagsabog.

Hinanap ng mga mata niya ang bagay na naiisip ngunit wala ito sa loob ng Throne Hall. Kaya tumakbo siya tungo sa main door ng bulwagan.

Napansin naman ng Head Primus ang ginawa ni Sia kung kaya ay napatigil ito at lalapitan na sana ang babae ngunit nakatakbo na si Sia. Dahil karga nito si Reina ay limitado ang galaw ng pinuno ng Triad. Hinugot na lang nito ang kutsilyo sa tagiliran saka pinalipad tungo kay Sia.

Napadapa si Sia nang bumaon ang kutsilyo sa likod ng kaniyang hita.

"Fvck." Daing nito pero tumayo pa rin at pinagpatuloy ang pagtakbo. Binigyan pa ni Sia ng dirty finger ang Head Primus nang makalapit na siya sa pintuan. "Fvck you!"

Hinila ni Sia pabukas ang dalawang dahon ng pinto. Nagkagulatan pa sila ng mga taong nakatayo sa harap no'n.

"Iseah?" tanong ng isang may edad ng babaeng pamilyar ang mukha sa kaniya ngunit hindi na ito pinansin ni Sia.

Hinawi niya silang lahat na nakaharang pagilid upang makadaan.

"Chantaria!" sigaw ni Sia nang makita ang babae. "Turn off the main switch of the electricity! Gooo! Hurry up!"

Hindi na nagtanong pa si Chantaria kay Sia, mabilis itong tumakbo tungo sa electricity room ng palasyo kasama ang ibang tauhan. Naging alerto naman ang lahat dahil sa alarm system na patuloy sa pag-iingay.

Nag-collapse si Sia at tuluyang nawalan nang malay ngunit may maliit na ngiting nakapaskil sa labi.

Samantala, hindi na nakalabas pa ang Head Primus nang makita ang mga taong papasok sa loob ng Throne Hall.

"Ynca." Tawag nito sa babaeng nangunguna sa pagpasok.

Matigas ang mukha ni Ynca Orlando na sinalubong ang tingin ng Head Primus.

"Tumigil ka na, Zacario!" sigaw ni Ynca sa lalaki. Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit.

"Ikaw nga." Hindi makapaniwalang saad ng head primus. "Matagal na kitang hinahanap, mahal ko."

Gamit ang isang kamay nito ay hinubad nito ang suot na maskara. Tumambad ang mukha na kawahig ni Zync, ang ama ng asawa ni Reina, si Zacario Orlando.

"Mahal ko." Tawag ni Zacario kay Ynca.

"What have you done, Zacario?" dismayadong tanong ni Ynca. Hindi nakasagot ang lalaki, "What have you done?!" sigaw ulit ng ginang.

"Tumigil ka na sa kasamaan mo, napakarami na ng buhay na sinira mo. Hindi ka pa ba kuntento? Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Bakit mo nagawa ang lahat ng 'to?! Ano ang naudyok sa 'yo?! Hindi ikaw 'to! Hindi ikaw ang minahal kong ama ng mga anak ko!"

Binaba ni Zacario si Reina sa gilid at nakayukong hinarap si Ynca.

"Sinaktan mo ako, Ynca. Ang sakit-sakit ng ginawa mo. Dinurog at winasak mo ako! Inapakan mo ako!" Anito na may namumuong galit sa mga mata nang mag-angat ng tingin sa asawa. "Sinaktan mo ako! Kaya naghiganti ako! Nagawa ko ang lahat ng 'to dahil sa ginawa mong kagaguhan!"

"Sinaktan kita?" 'di makapaniwalang tanong ni Ynca. "Paano?! Kung sinaktan kita bakit ang dami-dami mong dinamay?! Bakit halos buong mundo ang pinaghigantihan mo?! Hindi ko maisip kung ano ang ginawa kong masama sa 'yo, Zacario!"

"Niloko mo ako! Ginawa mo akong tanga at gago! Minahal kitang tunay! Mahal na mahal kita, Ynca. Kahit ang bata ko pa noon nang sinabi mong buntis ka at ako ang ama ay hindi kita hinayaang mag-isa! Kahit na nagalit sa akin ang mga magulang ko ay sinuway ko sila. Ikaw ang pinili ko kahit napakalayo mo sa akin at ang dami kong dapat isakripisyo. Nandito ka sa Europa at ako ay nasa Pilipinas! Ginawa ko ang lahat para sa atin!"

Nanggalaiti ang panga ni Zacario habang nakatitig sa walang emosyong mukha ni Ynca.

"Tinanggap kita kahit nang malaman ko kung ano tunay mong katauhan! Minahal kita kahit isa kang mamamatay tao! Kahit na isa kang assassin, tinanggap kita ng buong puso! Kahit na takot na takot ako dahil sa klase ng buhay na mayroon ka! Kahit pa noong nalaman kong anak ka sa isang alipin ng Hari ng Eritrea. Hindi kita hinusgahan dahil mahal kita. Sinuportahan kita..."

"...agad kitang sinundan noong magpunta ka ng Russia pagkatapos mong ipinaalam sa akin na buntis ka at sa plano mong pagpatay sa batang nasa sinapupunan mo. Hindi mo agad tinanggap ang bata habang ako ay minahal ko na siya! Pinigilan kita dahil ayokong pati ang anak mo ay papatayin mo, na gagamitin mo ang pagiging assassin mo sa walang laban mong anak. Lumuhod ako sa harap mo para magmakaawang buhayin lang ang bata at palakihin natin siya ng sabay. Hirap na hirap ako noon, Ynca. Sobrang hirap dahil inaaalaala ko ang kalagayan mo at ng bata kasabay ng pag-aayos ko sa relasyon ko sa pamilya ko..."

"...hinayaan kitang manatili rito sa Slovenia nang makiusap kang dito na manganak, dito ko pinagpatuloy ang pag-aaral ko para malapit lang sa 'yo. Iniwan ko ang maganda kong buhay sa Pilipinas at nakisabay sa kakaiba niyong kultura rito. Binago ko ang sarili ko para sa 'yo at sa bata. Binigay ko ang buong buhay ko sa 'yo, Ynca pero niloko mo lang ako. Pinaniwala mo akong anak ko ang dala-dala mo!"

"A-ano?" tigalgal na untag ni Ynca, "A-ano'ng pinagsasabi mo, Zacario?! Anak mo si Zamanthra gano'n din si Zync! Ikaw ang ama nila!"

"Maglolokohan pa rin ba tayo hanggang ngayon, Ynca?! Dalawang taon pa lang noon si Zamanthra ay alam ko na ang katotohanan ngunit nagmaang-maangan ako! Nagpakatanga ako at patuloy pa rin kayong minahal. Tinuring ko siyang tunay kong anak!"

"Anak mo siya, Zacario! Nanggaling siya sa 'yo! Paano mo nasabi 'yan?!"

"Punyeta kang malandi ka! Isa kang kabit! May relasyon kayong dalawa ng matandang hari na 'yan at ang bunga ng kalandian mo ay ang batang 'yan!" sabay turo kay King Malachi at Zamanthra.

Natigilan si Ynca sa narinig.

"A-ano?"

"Nagulat ka ba, Ynca?! Ipinamana mo ang sitwasyon mo sa anak mo. Ginaya mo rin siya sa 'yo na isang anak sa labas ng isang hari. Nakakadiri ka!"

"Anak mo siya, Zacario! Dugo't laman mo siya!" umiiyak na sigaw ni Ynca. "Ikaw lang ang lalaking dumaan sa buhay ko! Alam mo 'yan! Ano ba 'yang pinagsasabi mo ha? Saan mo napulot ang mga 'yan?"

"Kaya pala gusto mong ipalaglag ang bata no'ng pinagbubuntis mo pa siya dahil produkto siya ng kasalanan mo at ng hari. Kaya rin pala no'ng pinagpatuloy mo ang pagbubuntis mo ay ayaw mong umalis dito sa Slovenia! Kaya pala mas gusto mong dito siya lumaki! Kaya pala na mas gusto mo na palagi kang nasa palasyong ito! Kaya pala noong nagkasakit si Zamanthra ay hindi ka sa akin lumapit sapagkat sa haring 'yan ka humingi ng tulong!"

Napailing ng ilang beses si Ynca, "Hindi totoo 'yan, Zacario! Ni isa sa mga sinabi mo ay walang totoo. Ikaw ang ama ni Zamanthra! Hindi siya anak ng hari at lalong hindi ako isang kabit! Wala kaming relasyon ni King Malachi. Alam mong ninong ko siya! Siya ang tinuring kong ama, Zacario! Siya lang ang tumuring sa akin bilang pamilya! Kaya ayaw kong umalis dito sa Slovenia dahil nandito ang buhay ko! Dito ako masaya! Dito ako malaya!"

"Do you think I'd believe you?!"

"You have to because everything I said is the only truth you should know! At noong magkasakit si Zamanthra, hindi ako lumapit sa 'yo dahil wala ka nang pakialam sa amin! Lumayo na ang loob mo sa bata! Araw-araw ka niyang hinahanap! Gabi-gabi siyang umiiyak dahil hindi ka na niya nakikita! Isang gabi nang magpakita ka sa amin ay sinubukan kong sabihin sa 'yo ang tungkol sa sakit ng anak mo pero hindi ka nakinig! Nagbingi-bingihan ka kaya sa hari ako lumapit at humingi ng tulong!"

"Sinungaling ka!"

"H-hindi ko kayang lokohin ka, Zacario. Mahal na mahal kita."

Samantala, nasa dalawang minuto na lang ang natitirang oras bago ang pagsabog.

"Kinamumuhian kita, Ynca! You turned me into this!"

"Kung dahil sa akin ay naging ganiyan ka ay sana ako na lang ang pinarusahan mo. Hindi pati ang ibang tao. Lalo na ang kahariang 'to. Pati si Zync na anak mo ay pinaglaruan mo, Zacario. Pinahirapan mo siya. Hindi ko inakalang kakayanin mo maging ganito kasama. Naging mas masahol ka pa kaysa sa akin na isang mamamatay tao. Isa kang mabuting tao, Zacario. Minahal kita dahil sa kabutihan mo—"

"Huwag mong idamay sa usapang 'to ang anak ko, Ynca. Alam mo bang ginawa ko ang lahat ng 'to para sa kaniya?! Naghiganti ako para kay Zync!"

"Ano'ng klase kang ama kung gano'n?! Ano ang makukuha ni Zync sa lahat ng 'to?! Kahihiyan at sama ng loob?! Ano ha?! Ano?!"

"Ginagawa ko lang ang dapat na gawin ng isang mabuting ama sa kaniyang anak. Sinira ko ang buhay ng taong umagaw sa kaniyang ina pati na ang mga kadugo nito! Pinalasap ko sa punyetang hari na 'yan kung sino ang mas makapangyarihan sa aming dalawa! Ngunit nakita ko ang sarili ko sa batang si Reina dahil lahat ng hirap ay dinanas niya kung kaya ay nagustuhan ko siya para kay Zync. She's an exception to my wrath towards Clementin blood. Kaya pareho ko silang binigyan ng mga pagsubok. Tingnan mo kung ano na ngayon si Zync?! Isa na siyang makapangyarihang tao at nagmamay-ari ng Trifecta Empire."

"Baliw ka na, Zacario."

"At tingnan mo si Reina, my dear daughter-in-law and the mother of my grandchild. Sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan niya, heto siya ngayon. Umabot na sa huli! Nalampasan niya na ang huling pagsubok na binigay ko, ang pabagsakin ang grupong binuo ko kung kaya ay tapos na rin ako rito! Aalis na kaming dalawa. Uuwi na kami sa anak kong si Zync habang kayo naman ay mawawala na sa landas namin."

Ngumisi si Zacario saka muling bumaling kay Reina para sana ito ay buhatin ngunit napahinto ito nang makitang gising na pala siya. Nakatayo na siya sa likuran nito.

Narinig ni Reina ang lahat. Tumabingi ang kaniyang ulo at tinitigan nang mabuti si Zacario.

"Hindi nagmana si Zync sa 'yo." Untag ni Reina sa pinuno ng Triad. "Ikaw ba talaga ang ama niya?"

Sumama ang mukha ni Zacario at tumalim ang tingin kay Reina.

"Ayusin mo ang pananalita mo, Reina. Gusto kita para sa anak ko kaya maging mabait ka."

Ngumiti si Reina nang matamis, "Paano kung hindi kita gusto bilang ama para sa asawa ko? Gusto mo pa rin ba ako para sa anak mo?"

Nanlisik ang mga mata ni Zacario, "Then you left with no choice but to let you die in here with your kingdom." Gumilid ito para tumungo na sa secret exit door na nasa kanilang kanan.

"Kung hahayaan kita." Untag ni Reina sabay harang dito.

Magsasalita pa sana ang Head Primus nang mag-countdown with thirty seconds ang timer ng Arma Machine. Nagkatinginan silang dalawa.

"And we'll all die in here together." Saad ni Reina na may nakakalokong ngisi sa mga labi.

"Kaya mo bang iwan ang anak ko?" panghahamon ni Zacario.

"Kaya mo pa bang harapin ang anak pagkatapos ng mga ginawa mo?" balik na tanong ni Reina. "Napakabuting tao ni Zync, ikakahiya ka niya bilang ama. Peksman. Mamatay ka man." Sabay taas-baba ng kilay.

Umismid lang si Zacario at binalingan ng tingin si Ynca na nakatulala kay Zamanthra.

"10— 9— 8— 7— 6— 5— 4— 3— 2..."

"One." Pagsabay nina Reina at Ynca sa huling bilang. Kasabay no'n ay ang pagkapatay ng lahat ng ilaw gano'n din ang lahat ng machines na nakapalibot sa Arma Machine.

Naiwang gising screen ng Super Computer na naging kulay berde at maya-maya pa, '. The system is corrupted. Permanent Power Shut Down, 2 minutes remaining.' Ang mga salitang lumabas sa screen.

Pagkalipas ng ilang segundo ay umilaw lahat ng emergency light sa buong palasyo. Nakatayo sa gitna ng bulwagan sina Reina, Zacario at Ynca. Pinapagitnaan ng dalawang babae ang ama ni Zync.

Pinalibutan na rin sila ng mga tauhan ni Reina na nakatutok ang mga bitbit na baril sa pinuno ng Triad. Binigyan na rin ng pangunahing panglunas sina Kataleya, Sia at Tomeo.

"Death shall not be your punishment neither an option for you to escape. You shall suffer for the rest of your life, in exchange of the lives you had stolen. I am Katareina Zavina Clementin from the highest royal family of the sovereign Kingdom of Slovenia shall sentence you to life imprisonment, Zacario Orlando."

-End of Chapter 60-

Thank you for reading freaks! God bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com