65: ACES
You'll gonna hate me after you read this. LoL.
*****
Chapter 65: ACES
Enjoy reading!
3rd.
A tap on her shoulder brought Reina back from nothingness. She heaved a deep sigh.
"Reina."
She looked at Ynca over her shoulder who was standing at her back. Ynca gave her a soft and comforting smile that she could hardly respond.
"The ceremony for your mommy is about to start." Ynca said in a calm voice then turned to leave the room, leaving her with another tap on her shoulder.
She stood up and for the nth time she heaved a deep sigh. She was wearing a white royalty gown bathed with diamonds and beautiful sequins. A veil with golden glitters hinders her beauty. Reina was not wearing any accessory but the tiara Kataleya owned when she was still crowned princess.
She glanced at the mirror and even with veil she could see through her eyes clouded with loneliness.
Terrence was waiting for her at the doorstep of her room to escort her. He was a wearing a white noble suit.
When Reina reached his spot, she immediately had her hand over his arm. Terrence said nothing to her respecting her silence and grief. Silence filled them while taking their way to the throne hall. There were five royal guards walking behind them.
Nanatiling tahimik ang palasyo dahil sa pagpanaw ng dating prinsesa. Everyone was grieving with the royal family. Binawian man ng korona at pinatalsik sa trono si Kataleya noon ay bibigyan pa rin ito ng royal necrology. She's still a royalty after all.
Sumalubong sa kanila ang malamyos na musika pagkapasok nila sa throne room. Pili lang ang mga taong pinayagang pumasok sa palasyo para makita si Kataleya. Everybody was wearing white.
Sa gitna ng bulwagan ay nakahimlay si Kataleya sa loob ng isang glass coffin na pinapalibutan ng mga bulaklak. Nakasuot ito ng royal blue royalty gown. Tila mahimbing lang na natutulog si Kataleya.
Nakaupo sa trono si King Malachi na hindi pa masyadong magaling. Si Tomeo naman ay nakaupo sa harapang upuan. Katabi nito si Tamara na nakasuot din ng puting gown. Nakatayo naman sa bandang gilid ni Kataleya ang dalawang Reverends na magbibigay ng eulogy at mangunguna sa seremonya.
Sa pagpasok ni Reina ay nagsitayuan ang lahat at pumihit upang humarap sa kaniya. Yumuko ang lahat maliban sa hari na nakatitig lang kay Kataleya. Tumayo si Reina sa tabi ng kaniyang ina. Hinaplos niya ang glass coffin. Doon nagsimula ang seremonya.
Tumulo ang kaniyang luha, "Thank you, mommy." Mahinang bulong niya. Hindi siya umalis sa tabi ng kaniyang ina. Hindi niya masisisi ang ina kung bakit mas pinili nitong lumisan. Just like Reina, Kataleya willingly sacrificed her own life for someone whom they love dearly.
Kasabay ng malamyos na pagkanta ng choir ay lumuhod si Reina sa harap ni Kataleya, niyuko niya ang kaniyang ulo. Umusal ng isang panalangin gamit ang sinaunang lenggwahe ng Slovenia ang isa sa reverend. Pagkatapos no'n ay tumayo si Reina.
Tinanggal naman ng dalawang royal guards ang takip ng glass coffin ni Kataleya. Muling lumapit si Reina saka dinungaw ang ina. Marahan niyang hinubad ang korona sa kaniyang ulo saka buong pag-iingat na isinuot sa ulo ni Kataleya. Sa huling pagkakataon ay hinagkan niya ang noo nito.
Lumapit sa kaniyang likuran sina Tamara at Tomeo saka nagbigay ng pamamaalam dito.
Wala sa sariling lumingon si Reina sa likurang bahagi ng bulwagan. Nagtama ang mga mata nilang dalawa ng kaniyang kakambal na tahimik na nakatayo roon. Nakasuot lamang ito ng simpleng puting bestida at makapal ang kolorete sa mukha na sinadya para hindi ito makilala. Ngunit sa isang sulyap lang ay kilalang-kilala ito ni Reina.
Nakakuyom ang kamao nito at walang kabuhay-buhay ang mga mata.
Tinapik ni Tamara ang kaniyang braso kaya muli siyang humarap sa kaniyang ina. Natapos ang seremonya para kay Kataleya. Hinatid nila ito sa libingan ng mga dugong bughaw na nasa bakuran lamang ng palasyo.
Subalit ng araw na iyon ay hindi na muling nagpakita si Tari sa kanila.
Lumipas ang mga araw ay napagdesisyunan ni Reina na bumalik na sa Pilipinas. Maraming dahilan kung bakit gusto niya nang umuwi. Gusto mang sumama ni Tomeo sa kaniya ay hindi puwede dahil ito ang hahalili sa kaniya sa responsibilidad na maiiwan.
"Reina, you have to take this." Inabot ni Ynca sa kaniya ang isang vial na may laman. "Heto 'yong gamot na ibinigay ko sa mommy mo noon para sa 'yo. This will help."
Nagpasalamat siya kay Ynca saka itinago ang gamot.
"Let's go?" tanong ni Tamara.
Tipid siyang tumango.
*****
Zync woke up because of the stirring pain on his head. He strangled his own hair it's as if it could help him lessen the pain. He groaned but his throat was dried up. He tried to swallow and wet his lips with his tongue.
When the pain has been tolerable, he opened his eyes only to find out he was in a not-so-good situation. He was lying on the cold street under the sun's punching heat which gave him a sun-kissed-skin.
Zync slowly stood up. He looked around and realized he was in a seaport. Yachts were lined up along the portside. There were also fishing boats and pump boats. White birds were perching on the cable wires, looking down weirdly at him.
He checked up himself and he was still wearing his business suit. He palmed his forehead and tried remembering what happened that he ended up here.
Alas cinco ng hapon nang lumabas si Zync sa kaniyang opisina. These days have been very toxic for him. Masiyado siyang naging abala sa pag-aasikaso sa mga operations ng Trifecta lalo na't missing in action si Mattheus.
Mabuti na lang ay naging masigasig na assisstants sa kaniya sina Kurt at Pula. Inatake rin kasi sa puso si Matt Remedy nang malamang hindi si Mojica ang napangasawa kundi si Olivia na isang masamang tao.
Naging matigas na rin ang anyo ni Zync at hindi na nagpapakita ng kahit na ano'ng emosyon kahit kanino. Malaki ang naging epekto sa kaniya nang malaman na ang sariling ama niya ang head primus ng Triad. Hindi siya makapaniwalang ang hinahangaang ama ang taong nagpapahirap sa kanilang dalawa ni Reina sa loob ng ilang taon.
Ngunit ang kaniyang konsentrasyon at focus ay nanatili sa responsibilidad ng Trifecta sa pagtulong sa mga nangangailangan. Kailangan niyang ayusin ang kaniyang trabaho. Gustong-gusto niya nang makita si Reina. Gusto niya nang makasama ito at mabuo na ang kanilang pamilya.
Nakabuntot kay Zync ang mga board of regents ng empire. Nagbibigay siya ng mga instructions dito. Pinipirmahan niya rin ang ibang papeles kahit na naglalakad sila.
Sa paglabas niya sa building ay sinalubong naman siya ng kaniyang security escorts. Lumapit sa kaniya ang isa at bumulong. Tumaas ang kilay niya at lumingon sa kalsada.
Nakita niya ang isang black sports car na nakaparada roon. Bumukas ang pinto at lumabas doon ang isang pamilyar na babae. Mas lalo itong gumanda ngayon at mas naging malakas ang aura nito. Napapalingon pa ang iba sa babae.
"Tari." Bulong ni Zync. Higit dalawang linggo rin itong nawala. Pinahanap niya ito ngunit mahirap talagang hanapin ang taong ayaw magpahanap.
Pinasadahan niya ito ng tingin, maayos naman ang hitsura nito. Malayo nga lang sa dati nitong hitsura na palaging tulala at walang pakialam sa paligid.
Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito, "Katarina, where have you been?!" hindi maitago sa boses niya ang galit na may halong pag-aalala. Kahit papaano ay naiisip niya ring kakambal ito ng kaniyang asawa.
Ngumiti si Tari at hinubad ang suot na shades. Kumikislap ang berde nitong mga mata habang nakatitig sa kaniya. Sobrang kapal ng kolorete nito sa mukha at kinulayan din ng sobrang itim ang ginintuan nitong buhok.
Nagulat si Zync nang bigla siyang niyakap ni Tari at masuyong hinalikan sa gilid ng kaniyang labi. Wala sa sariling naitulak niya ito palayo sa kaniya.
"Katarina!" sigaw niya na may halong pagbabanta.
Kumibit balikat lang si Tari at ngumiti.
"I missed you so much, Zync." Malambing na bulong nito at nagtangkang lumapit sa kaniya. Umatras siya palayo.
"Tinatanong kita. Saan ka nanggaling?" mariin niyang tanong. "Dadagdag ka na naman ba sa mga problema namin? You're piling up yourself on Reina's concerns and burdens. Hindi mo man lang ba naisip ang kakambal mong walang pahinga sa pagharap sa mga problema?!" Hindi na napigilan ni Zync ang sermonan ito. Naiinis siya.
Lumaki ang ngiti ni Tari ngunit ang mga mata nito ay puno ng panibugho at galit. Hindi naman napansin iyon ni Zync.
"Umuwi ako sa Slovenia." Kaswal na sagot nito.
Naningkit ang kaniyang mga mata rito, "Don't fool around, Tari."
Sumimangot si Tari, "Doon nga ako nanggaling eh. Binisita ko si Mommy at Daddy. Nakausap ko rin si Reina. Pinapasundo ka niya sa akin."
"She didn't call me." Binigyan niya ito ng nanunukat na tingin.
"Alam mo naman 'yon 'di ba? Hindi mahilig sa tawagan. Kaya nga inutusan niya akong ayusin ang papeles mo papunta sa Slovenia. Sinabi niya ring huwag ko nang abalahin ang mga assistants mo dahil maraming trabaho sa Trifecta. Ayaw niya ring abalahin ko si Sia dahil nagpapagaling pa gano'n din si Al. I told her I can do her a favor then voila... here I am in front of you."
Nagdududang tiningnan niya si Tari. Kakaiba ang ugali nito ngayon. Masyadong marami itong sinasabi. Kakaiba ang tono at parang naging ibang tao.
"She should have called me before she asked you that favor. I can handle myself going there. No need to ask for someone's help."
Pasimpleng tumagis ang bagang ni Tari habang nakangiti pa rin kay Zync.
"Don't you trust me?" malungkot nitong untag. "Maraming ginagawa si Reina sa palasyo lalo't na siya ngayon ang supreme commander ng lahat ng pinuno ng mga bansa. I want to help her and she asked me to accompany you going there."
Umiwas ng tingin si Zync, "Kung totoo ang sinasabi mo, hindi na kailangan ni Reina na hingin ang tulong mo. Kilala ko si Reina, she won't ask any small favor to anyone if she can handle it herself. Isang tawag lang niya ay lilipad ako tungo ro'n. Hindi niya rin hahayaan na iwan ko ang trabaho ko rito at ang mga bata."
He's already aware that Tari was lying. He knows her wife too well.
Tuluyang nawala ang ngiti sa labi ni Tari. Bumalik ang walang kabuhay-buhay nitong mukha.
"Kilalang-kilala mo talaga si Reina, ano?" sarkastikong anito. "Ano? Masaya bang mahalin ka ng kakambal ko?"
Kanina pa nararamdaman ni Zync na may hindi sa nangyayari. Ngayon ay kumpirmado niya nang hindi maganda ang biglang pagsulpot ng kakambal ni Reina. Umatras siya palayo kay Tari.
He remained his stoic poise. Not showing any hint of awareness to Tari's real intention.
"But of course, Tari, she is my wife." Matigas niyang saad. "Kung nagawa mong paniwalain akong ikaw siya noong magbalik ka ay hindi na ngayon. Nadala lang ako ng pangungulila ko sa kaniya noon dahil magkamukha-magkamukha kayong dalawa pero hindi mo maloloko 'tong puso ko, Tari."
Napaismid si Tari.
"Ano kaya ang pakiramdam ni Reina na sobrang daming nagmamahal sa kaniya? Lalo na ngayong naipanalo niya ang laban, nahuli niya pa ang tunay na kalaban ng mundo? Tinuturing siyang bayani ngayon at higit sa lahat siya ang kokoronahang reyna ng Slovenia. Nakamit niya pa ngayon ang pinakamataas na posisyon sa buong mundo, ang pagiging Supreme Commander. She's even the first. Ang suwerte-suwerte naman niya, ano? At higit sa lahat mahal siya ng isang tulad mo. Ibang klase." Napapailing pa ito.
"Ano ba 'to, Tari? Wala ng patutunguhan ang pinag-uusapan natin." Aniya para tapusin ang usapan. Umatras siya lalo palayo rito. "Mauna ka nang umuwi sa mansion. Huwag ka nang lumabas pa. Kung wala ka na mang maitutulong sa responsibilidad namin ng Supreme Commander sa mundo ay mas mabuting magkulong ka na lang sa kuwarto."
Nakita niya ang kamay nitong humaplos sa tagiliran. Pasimple niyang sinenyasan ang head ng kaniyang security na agad namang nakuha ang ibig niyang sabihin.
"You're being insensitive, Zync." Nasasaktang anito, "Is there any chance that have you think about my own welfare or even wonder what could make me happy?"
Hindi siya sumagot. Patuloy siya sa pasimpleng pagsenyas sa mga tauhang nasa paligid. Malikot din ang kaniyang mga mata. Nakakatitig lang din si Tari sa kaniya. Ngunit hindi niya inaasahan ang sunod na nangyari, isa-isang nagtumbahan ang kaniyang escorts.
Gano'n din ang ibang civilian na malapit lang sa kanilang area. Hindi rin nakaligtas ang ibang empleyado na nasa bungad ng building. Lahat ay fatal ang naging tama at agad nag-agaw buhay.
Naiwang nakatayong mag-isa si Zync sa gitna ng mga nakahandusay na katawan. Napatigalgal siya at bahagyang napanganga. Napatingala siya at natanaw niya ang hindi niya alam kung ilang snipers na nakapuwesto sa katapat na building.
Napatingin siya kay Tari, nakangisi ito sa kaniya.
"One more step backward and more bleeding bodies will lie in this cold street, babe." Banta nito, "Come here, babe. I've been waiting for this moment." Nilahad nito ang kamay sa kaniya.
Nagkakagulo na rin ang kaniyang paligid. Sa tuwing may nagtatangkang lapitan siya ay agad bumabagsak. Nagtagis ang kaniyang bagang at sinamaan ito ng tingin.
"Katarina! What are you doing?!" sigaw niya habang nakakuyom ang kamao.
"I'm sorry but I love you, Zync." Malungkot nitong saad pagkatapos ay malapad na ngumiti.
Ayan na naman ang paborito nitong linya. Same words with Reina's favorite line but the arrangement wasn't. And it gives different meaning.
Napatingin si Zync sa mukha nito. Kakaiba ang ngiti ni Tari, malayong-malayo sa matamis na ngiti ni Reina. Iyong klase ng ngiti na hinding-hindi mo magugustuhang makita.
"You're insane!"
"Don't be rude when someone is telling you her feelings, babe. At least give a little appreciation." Nakangiwing saad nito.
Hindi sumagot si Zync, sinamaan lang ito ng tingin.
"Tinapos na ni Reina ang digmaan kaya sisiklab muli ang laban kapag hindi ka sumama sa akin. Iyon ba ang gusto mo, Zync?" mapanghamon nitong saad.
"Nasimulan mo na nga 'di ba?" tinuro niya ang mga katawang nakahandusay sa paligid, "Hindi mo ba talaga matanggap na hindi ikaw ang mahal ko, Katarina?! Stop this shit! You're turning yourself into a demon! Pahalagahan mo naman ang mga sinakripisyo ni Reina sa 'yo!"
"I'm now a demon, Zync. Kung si Reina ay halimaw, ako naman ay demonyo. I don't need her sacrifices! I want to get rid of her! Inaakala niyong lahat hindi ako marunong manakit ng ibang tao, 'di ba? Tingin niyo sa akin ay isang duwag kasalungat ni Reina. Akala niyo lang 'yon dahil kayang-kaya kong humila ng ilang libong kaluluwa ipakita lang sa inyong hindi ako ang prinsesang inaakala niyo."
"Katarina please." Naging malumanay ang boses ni Zync.
Sinisenyasan niya ang mga nakapalibot sa area na lumayo sa lugar dahil patuloy sa pagpapaputok ang mga sniper sa tuwing may sumusubok na lumapit. May mga media ring sumusubok na kunan ang nangyayari.
"Si Reina? Ang babaeng halimaw na 'yon?! Sa sobrang dami ng pinatay no'n, hindi ka nababagay sa kaniya, Zync. Marumi siyang babae! Mang-aagaw pa siya! Inagaw niya ang lahat ng dapat sa akin! She wickedly borrowed everything from me! My identity, my name, my throne, my crown... and even the honor that is only for me! Even my brain and heart, she borrowed everything to get her ass to wherever she's now! She's a wicked woman, Zync! Now, look at her! She's on the top and that was supposed to be me! You should be all looking up onto me not to her! And most especially, she borrowed you from me and I am now taking back what is mine!"
Hindi makapaniwala si Zync sa narinig.
"Narinig ko na 'yan dati sa 'yo, Katarina. Hindi ka pa rin ba magsasawang angkinin ang hindi sa 'yo? Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang sitwasyon na pare-pareho lang tayong mga biktima rito?! Bakit sinisisi mo ang lahat kay Reina?! Kung gusto mo naman palang ikaw ang tinitingala ng lahat ngayon, bakit hindi ikaw ang lumaban?! Bakit hindi ikaw ang gumawa ng paraan para makalaya tayong lahat?! Bakit nanatili ka lang sa rito at nagpakasasa sa proteksyong ibinibigay ni Reina?! Kung gusto mo naman pala ang korona at ang trono sa inyong kaharian ay edi sana ikaw na lang ang nasa posisyon niya." panunumbat niya rito.
"But... you know what's on my mind, Tari? If you are in Reina's place, I don't think you can do what she had done for everybody just by looking how you take things. She's selfless while you are a self-centered coward. Look at yourself..."
"I am because because I love you!" sigaw nito. "That disgusted look on your eyes while staring at me hurts but it's making me more thrilled to continue my plans."
"You don't love me, Katarina. Pinapaniwala mo lang ang sarili mong mahal mo ako. Stop before this ruined you."
Ngumisi ito, "Ginagawa ko lang ito dahil mahal na mahal kita, Zync. Ikaw lang ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba lalong-lalo na sa kapatid ko. Tapos na ang oras na ipinahiram kita kay Reina. Oras na para bawiin ko ang dapat na akin! Hindi ko man mabawi ang korona at trono, at least ikaw ay magiging akin."
Dumating na ang mga pulis at pinapaligiran na sila ngunit hindi pa rin natitinag si Tari.
"Tumigil ka na." Patuloy sa pagiging malikot ang mga mata ni Zync, naghahanap ng paraan paano makalayo kay Tari.
"Come babe. Huwag mo na akong galitin. Hinayaan kitang magpakasasa kasama si Reina. Tapos na ang oras na ipinahiram ko. Wala akong pakialam kahit may anak na kayong dalawa basta sa huli sa akin pa rin ang bagsak mo! Hindi ko hahayaang masayang ang paghihirap ko sa loob ng punyetang mansion na iyon."
"Ilang buwan tayong magkasama sa iisang bubong pero bakit ngayon ka pa lang gumawa ng ganitong eskandalo, Katarina? Bakit sa publiko pa kung saan kitang-kita ang mukha mo?" tanong niya rito.
Natawa si Tari, "Bakit nga ba? Dahil ba maraming matang nakabantay sa iyo sa mansion? O dahil gusto ko lang masira ang mukhang 'to sa publiko?"
Agad niyang nakuha ang ibig sabihin ni Tari. Gusto nitong sirain ang imahe ni Reina sa publiko.
"Alam mo bang ilang lugar na sa Pilipinas ang pinasabog ko sa loob lang ng ilang araw gamit-gamit ang mukhang 'to? Ano na lang kaya ang sasabihin ng mga tao na ang tinitingala nilang Supreme Commander ay siyang sisira sa mundong ito?"
Nagtagis ang bagang niya, "Hindi si Reina ang sinisira mo, Tari. Kundi ang sarili mo. Alam ng lahat na nasa Slovenia siya, walang maniniwala sa mga pinaggagawa mo."
"Alam ko, Zync. Pero sisiguraduhin kong hihilahin ko sa kasiraan ko si Reina. Lalo pa ngayon na iisang hangin na lang ang hinihinga nating tatlo."
Natigilan si Zync, ibig ba nitong sabihin na umuwi na si Reina? Hindi siya nakasagot dito.
"Alam ko namang hindi na kita makukuha kaya bakit hindi na lang ako mag-iwan ng remembrance sa bansang 'to? Kung hindi tuluyang nasira ang Slovenia, edi ang Pilipinas na lang ang sisirain ko. What do you think?"
Hindi naitago ang bigla sa mukha ni Tari nang may hawak ng baril si Zync. Tinutok niya ito sa babae.
"Hindi ako magdadalawang isip na iputok 'to sa 'yo, Katarina. Utusan mo ang mga tauhan mong itigil ang pagpaputok sa mga taong nasa paligid natin."
Napakagat-labi si Tari, "So hot." Maharot na saad nito.
"Katarina!" sigaw niya.
Biglang napayuko si Zync nang nabasag ang glass wall ng main OC Building, gano'n din ang sa katapat na building. May nahulog pang isang lalaki na naka-all black at may hawak na sniper mula sa katapat na building. Mukhang kumilos na ang mga tauhan ng Dark Quarter.
Inilibot ni Zync ang paningin at nakita niya ang mga nagkalat na agents ng DQ kasama ang mga awtoridad. Ngunit, tila bumagal ang pag-ikot ng mundo ni Zync nang makita ang taong nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Tari na nakabukas na ang pinto.
"Arra!" malakas niyang sigaw. Nakatayo pa rin sa Tari sa gilid ng kotse at hindi alintana ang barilan sa paligid. Naaaliw itong nakatingin sa kaniya.
Taklob-taklob ni Zync ang braso sa ulo upang protektahan sa mga basag na salamin na nahuhulog mula sa building.
"Arra!" sigaw niyang muli. "Katarina, pati ba naman ang sarili mong anak ay idadamay mo?! Ano'ng klase kang ina?! Kung gusto mo akong makuha, huwag mong gamitin ang bata!"
"Ano'ng klase akong ina? Kahit kailan hindi ako naging isang ina, Zync. Nanggaling nga sila sa akin pero hindi ako ang kanilang ina! Hindi nila ako tinuturing na ina! Kaya huwag mong kuwestiyunin kung ano'ng klase akong ina dahil pati ang pagiging ina ay inagaw ng magaling kong kakambal." Galit nitong turan.
"Kahit kailan walang may inagaw sa iyo si Reina." Saad niya habang nakatuon ang paningin pa rink ay Arra.
Lumingon sa kaniya ang pitong taon na si Arra, walang emosyon ang mukha nito. Wala itong reaksyon nang makita siya. Parang may mali sa mga mata ng bata.
"Ano'ng ginawa mo sa anak ko, Katarina?!"
Napangiti si Tari, "Ang sarap pakinggan, Zync. Pero mas maganda kung anak natin ang sasabihin mo."
"Ikaw na rin ang nagsabing hindi mo sila anak, Katarina. Walang ina ang gagamitin sa kasamaan ang sariling anak kaya nararapat lang na hindi ka nila itinuring na ina."
Tumalim ang tingin ni Tari sa kaniya at binalingan si Arra. "Baby, do what I told you. Now." Biglang saad ni Tari.
Nanlaki ang mga mata ni Zync nang maglabas ng baril si Arra saka tinutok sa kaniya. Ulo at kamay lang nito ang ginagalaw. Nakatagilid na nakalingon sa kaniya.
Hindi na nakagalaw pa si Zync nang dalawang sunod na pagpapaputok ang ginawa ni Arra. Doon niya lang napagtantong tranquilizer gun ang hawak-hawak ng bata nang siya'y tamaan na. Mabilis na umepekto ang gamot sa kaniya.
Pumalakpak si Tari, "Gusto kong maglaro tayong tatlo ni Reina. Hide and seek. I'm going to hide you and she will seek for you but with a twist... and it's a bloody one."
Napaluhod siya at napahiga. "Arra." Huling aniya at nawalan nang malay.
"Arra!" sigaw ni Zync pagkatapos niyang maalala ang huling nangyari sa kaniya.
Nagpaikot-ikot siya sa kaniyang kinatatayuan. Wala siyang may nakikitang ni isang tao. Hindi niya na alintana ang nagbabagang sinag ng araw.
"Arra! Where are you?!"
Tumakbo siya. Walang direksyon ang takbo ni Zync ngunit gano'n pa rin ang kaniyang nakikita. Ang dagat, ang mga iba't-ibang klase ng sasakyang pandagat at ang mga ibong pinapanood siya.
"Arra!"
Napahinto siya saka hinanap ang cellphone ngunit wala ni isang naiwang gamit niya. Pati wallet wala, kahit ang ballpen niya wala rin. Wala na rin ang suot niyang wrist watch na may tracking device.
Napasabunot si Zync at malakas na napasigaw.
"Katarina! Lumabas ka! Alam kong naririnig mo ako! Ibalik mo sa akin anak ko!"
Muli siyang tumakbo.
"Kianarrah! Anak!"
Napahinto siya at tinukod niya ang kaniyang mga palad sa tuhod habang hinahabol ang paghinga.
"Daddy!"
Bigla siyang nabuhayan ng loob nang marinig ang boses na iyon ngunit dumagdag sa kabang nararamdaman niya.
"Arri?" hinanap niya kung saan nanggaling ang boses.
Napamura siya sa loob-loob niya dahil bakit pati si Arri ay nakuha ni Tari. Ngunit hindi na niya muling narinig ang boses ng bata.
"Arra! Arri! Nandito si Daddy. Please say something!"
Tatakbo na sana siyang muli nang makarinig siya ng yabag na tila tumatakbo papunta sa kaniya. Napalingon siya sa kaniyang likuran at mas lalo siyang nilukob ng kaba at takot nang makita kung sino ang papalapit sa kaniya.
"Papa!" sigaw ni Zyncai na ngayon ay apat na taong gulang na. Bakas ang takot sa asul nitong mga mata at malapit na rin itong umiyak.
"Zyncai." Mahinang sambit niya at tumakbo siya upang salubungin ito.
Subalit bago pa man siya makalapit sa anak ay nadapa ito.
"Anak!" sigaw niya at nagmamadaling lapitan ito, ilang hakbang na lang ay mahahawakan niya na sana ang anak ngunit biglang may pising pumaikot sa kaniyang katawan at hinila siya palayo kay Zyncai.
"Zyncai!"
Lumingon siya sa likod at nakita ang isang maskuladong lalaki na hindi niya kilala ang may hawak ng pisi.
"P-papa!" umiiyak na tawag ni Zyncai. Nakatayo na ito at puro gasgas ang noo at baba. Nabutas pa ang pantalon sa may tuhod na nasugatan. Tatakbo na sanang muli sa kaniya ang bata nang biglang may sumulpot na isa pang maskuladong lalaki at kinarga si Zyncai.
"No! Put my son down!" sigaw niya rito. Nagpumiglas ang bata habang malakas na umiiyak.
"D-daddy! H-help me!" muli niyang narinig ang boses ni Arri, umiiyak ito. Hinanap niya ito. "D-daddy! Up here!"
Natigalgal siya nang makita itong nakagapos ang buong katawan at nakasabit sa itaas ng poste. Kung mahuhulog ito ay didiretso ito sa dagat. Ngunit ang kinababahala niya ay baka makuryente ito sa mga kableng nasa paligid ng bata.
"Arri!" sigaw niya. Pinilit niyang labanan ang paghila sa kaniya ng lalaki sa likod.
"P-papa!"
Muli siyang napalingon kay Zyncai.
"Nooo! Please, spare my child. He's only four!" sigaw niya nang makita itong binitin patiwarik ng lalaki habang tumatawa. Namumula na ang mukha at leeg ng bata habang nagpupumiglas.
Nagpumiglas si Zync, sinubukan niyang tanggalin ang pagkakatali ng pisi sa katawan niya ngunit mas lalo itong humihigpit. Narinig niya ang tawa ng lalaking may hawak ng dulo ng pisi.
Binalingan niya ang may hawak kay Zyncai, "Please... tama na. Huwag mo nang ibitin ang anak ko. Please." Pagmamakaawa niya nang halos hindi na gumagalaw si Zyncai.
"Okay." Nakangising sagot ng lalaki at kinarga si Zyncai gamit ang isang braso habang nakaharap kay Zync. Mahigpit ang pagkakayapos ng braso nito sa tiyan ng bata.
Naghahabol ng hininga ang bata at pilit tinutulak palayo ang braso ng lalaki.
"P-papa... get me. P-papa."
"D-daddy!" tawag sa kaniya ulit ni Arri
Napasigaw si Zync nang biglang mabilis na bumaba ang kableng kinasasabitan ng bata at dumiretso sa dagat. Nalublob sa dagat si Arri.
"Arri! Nooo!" mas lalo siyang nagpumiglas. Napaiyak na siya sa nangyayari sa mga anak. "Arri! Arri!"
Inahon rin si Arri. Muling pumaitaas ang kableng iyon at bumalik sa dating puwesto. Basang-basa ang bata at naghahabol din ng hininga. Nanginginig na ito. Mas lalo siyang natakot dahil basa ito habang malapit sa kable ng mga kuryente.
"D-daddy." Ngumunguwang tawag ni Arri.
"Pakawalan niyo ang mga anak ko! Bakit pati ang mga bata dinadamay niyo?! Maawa naman kayo sa mga bata. Please, ako na lang. Ako na lang!" pagmamakaawa niya. Napaluhod na siya at patuloy sa pagwawala. Patuloy sa pagtawag sa kaniya ang mga bata.
"Oh, look at you." Isang nangunguyam na tinig ang nagsalita, "You look so helpless. Do you need help?"
"Katarina." Galit na sambit ni Zync nang lumabas ito mula sa isa sa mga yate. Karga nito ang walang emosyon na si Arra.
"Pakawalan mo ang mga bata. Huwag mo silang idamay." Matigas niyang aniya ngunit patuloy sa pagtulo ang luha.
"Nagsisimula pa lang tayong maglaro, Zync." Nakangiting saad nito.
"Bakit pati ang mga bata?! Wala kang puso!"
Sandali itong nag-isip habang masuyong hinahaplos ang buhok ni Arra, "Hmm. Sabihin na nating, they're my ace cards sa larong ito."
"Hayop ka, Katarina! Hayop ka! You are just proving me right that you don't deserve the crown, the throne, being the mother of the twins or being loved! Hinding-hindi mo makukuha ang pagmamahal na gusto mo mula sa ibang tao dahil ikaw mismo ay walang puso! Mga bata lang sila!"
Sinubukan niyang tumayo ngunit biglang hinila ng lalaki ang pisi kaya muli siyang napaluhod.
"Ang sakit mo namang magsalita, Zync." Anito.
Napansin ni Zync nang biglang napapikit si Arra at sinapo ang ulo. Napasigaw ang bata na sumabay sa iyak nina Zyncai at Arri.
"Shut up, kid!" saway ni Tari sa bata saka ito niyugyog na tila isang laruan lang.
"Katarina! Ano ba?! Stop!"
Maya-maya pa ay tumigil din si Arra sa pagwawala. Sa pagmulat ng mga mata nito ay nagtama ang mga nila ni Zync. Napakurap ang bata.
"Daddy?" nagtatakang tanong nito.
"A-anak."
Napalingon si Arra kay Tari, "Mommy." Mahinang sambit ng bata.
Ngumiti nang malapad si Tari, "Isn't it cute? She just called you daddy then me mommy. What a happy family!"
Ang ngiti ni Tari ay biglang nawala nang magpumiglas si Arra. Hinampas ng maliliit nitong kamay ang mukha ng sariling ina.
"Put me down!" sigaw ng batang babae. Ngunit hinuli ni Tari ang pisnge ng bata at mahigpit na pinisil.
"Behave!" malakas pa nitong tinapik ang pisnge ng bata.
Nagwala ulit si Zync sa nakikita ngunit wala siyang may magawa. May lalaking lumapit kina Tari saka may itinurok na drugs sa leeg ni Arra.
"What are you doing to my daughter, Katarina?!" sigaw niya rito.
Maya-maya pa ay biglang tumirik ang mga mata ng bata saka nanginginig ang katawan. Inabot ni Tari ang bata sa lalaking katabi nito.
"Arra!" napahagulgol na si Zync.
Hindi niya alam kung saan lilingon. Kay Zyncai ba na halos mabali na ang katawan sa higpit ng hawak ng lalaki o kay Arri ba na nakagapos sa ibabaw ng poste o kay Arra ba na hindi niya alam kung ano ang nangyayari.
"Katarina." Nanghihinang tawag ni Zync sa babae, "Please, tama na. Ako na lang. Please, pakawalan mo na ang mga anak ko. Huwag mo na silang idamay. Please, maawa ka. Ako na lang. Kunin mo na ako. 'Di ba ako naman ang gusto mong makuha? Please. Katarina. Please."
"Ikaw na lang? Hmm. Sounds good. Pero paano 'yan hindi pa ako tapos sa unang bahagi ng larong ito? Patikim pa lang ito."
Hindi na nakasagot si Zync, awang-awa na siya sa sitwasyon ng mga bata. Sinisi niya ang sarili sa nangyayari. Patuloy siya sa pagtangis at pagwawala habang pinapakinggan ang iyak at pagtawag sa kaniya ng mga bata.
"Reina. Reina. We need you." Mahinang bulong niya sa sarili. "Cherie."
"Bossing!" isang boses ang narinig. Nagkaroon ng pag-asa si Zync.
"Pula." Sambit niya saka hinanap ito.
Ngunit mas lalo siyang nanlumo nang makita ang sitwasyon nito.
Bitbit ito ng maskuladong lalaki saka malakas na tinulak sa semento.
"Aaaaaaaaaa! Bossing! Tulong! Weyp! Weyp! Weyp!" sigaw ni Pula nang pinaligiran ito ng limang maskuladong kalalakihan habang nakasalampak sa semento at nakagapos ang mga kamay sa likod. Punit-punit na ang damit ni Pula at halos kita na ang kaluluwa. Sinimulan ng mga lalaking hawakan sa iba't-ibang bahagi ng katawan si Pula. "Weeeyp!"
"Katarina!" nanggigigil na sambit ni Zync. "Hayop ka!"
"Don't lose hope, Zync. There's still a way for you to save them." Saad ni Tari na ngayon ay nakatayo na sa kaniyang harapan.
Dumukwang ito para magpantay ang kanilang paningin, "Let's play a mind game about critical thinking skills. Every wrong answer, an ace will suffer. Every right answer, an ace will be freed. Are you ready?"
-End of Chapter 65-
Pati ako, nainis! Hahaha! May naiwan pa palang salot! Sige na, mainis kayo! Pakyu ka, Tari!
Thank you for reading freaks! God bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com