Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

66: GOT

Chapter 66: GAME OF TARI
Enjoy reading!

3rd.

"May you have the wisdom and wit all throughout the game. May the heavens and sovereign blessing of the Almighty be with you, Zync Orlando."

"Damn you, Katarina!" sigaw ni Zync kay Tari na nakakalokong tumatawa.

Nagsiliparan palayo ang mga puting ibon dahil sa tawa ni Tari. Pati ang mga ito ay natakot.

Hindi na alintana ni Zync ang naghalo-halong luha at pawis sa kaniyang mukha. Nakaluhod pa rin siya sa harap ni Tari habang nakagapos. Lumalakas ang kaniyang hagulgol sa tuwing naririnig ang iyak at pagtawag sa kaniya ng mga bata pati ni Pula na pinagsasamantalahan na ng mga kalalakihan.

"Stop boys." Saad ni Tari sabay taas ng kamay. Sabay-sabay na huminto ang mga lalaki sa ginagawa ngunit hawak-hawak pa rin ang apat na ginawang aces o bihag ni Tai

"So, let's start?" anito.

Matatalim ang tingin ni Zync habang pinapanood ang katuwaan ni Tari.

"My aces." Wika nito sabay turo sa apat nitong mga bihag.

Napasunod din ang tingin ni Zync. Si Arri ay ibinaba na sa poste ngunit hawak ng isang lalaki. Nakagapos pa rin ito at nangangatal na sa sobrang basa. Si Arra na tumigil na ang kombulsyon ngunit namumutla at nanghihina.

Si Pula na ngayon niya lang nakitang umiiyak, yakap-yakap nito ang sarili at nanginginig sa takot. Si Zyncai na nakatayo ngunit hawak pa rin ng lalaki ang kuwelyo nito, mabibigat ang paghinga ng bata dahil sa walang tigil na pag-iyak at pilit na nagpupumiglas.

Pawang nakatitig sa kaniya ang apat.

"Diamond. Heart. Club. Spade." Wika ni Tari nang muling humarap sa kaniya. "I prepared four questions for you and each question is equivalent to an ace. The fate of my aces will depend on your answers. So, it will be up to you if they will suffer or be freed."

"Any question?" tanong nito sa kaniya. Dumukwang ito at hinawakan ang kaniyang baba. Masuyong pinahiran ni Tari ang kaniyang basang mukha. Marahas niyang iniwas ang mukha.

"Damn your game, bitch." Asik niya.

Natawa si Tari, "Oh baby, you're so hot with your curses. It makes me want to kiss you so badly." Muli nitong hinawakan ang kaniyang baba, "May I?"

Hindi inasahan ni Tari ang ginawa ni Zync. Walang pag-alinangan niyang dinuraan ang mukha nito. Taliwas man ito sa prinsipyo niyang palaging respetuhin ang babae ay hindi niya pinagsisihan ang ginawa.

Nagtagis ang bagang ni Tari saka malakas na sinampal si Zync gamit ang likod ng palad, "How dare you!"

Galit na lumayo si Tari sa kaniya. Mabilis naman nakalapit ang isang tauhan nito at binigyan ito ng panyo.

"Maglaro na tayo." Malamig na saad ni Tari. "Makinig kang mabuti dahil isang beses ko lang sasabihin ang tanong. Bibigyan kita ng isang minuto para sumagot. No trial. Kung ano ang una mong sinabi ay 'yon ang tatanggapin kong sagot."

Tumayo ito nang tuwid at tumikhim bago magsalitang muli.

"Reina failed a mission and King Malachi was furious about it. As a punishment with some terms of agreement from both side, she was sent to the country called Philippines to protect and keep a certain man named Zync Orlando alive. She entered his school and became his shadow. Zync on the other hand, had a girlfriend named Allaine Cortez but eventually he fell out of love and had a little crush on Reina. The question is... when was the first time did Reina saved you?"

Natigalgal siya sa naging tanong ni Tari. Hindi siya makapaniwalang ganito ang magiging tanong. Wala sa sariling napalunok siya. Alam niyang seryoso si Tari at hindi niya dapat isawalang bahala ang larong ito. Nakasalalay sa mga sagot niya ang buhay nilang lima na bihag. Sinulyapan niya ang mga anak at si Pula.

"Your one minute starts now."

Napapikit si Zync at inaalala ang mga panahong kakakilala pa lang niya kay Reina. Bumuka ang bibig niya kasabay ng kaniyang pagmulat. Ngunit tila pati mga salita niya ay natatakot lumabas sa kaniyang bibig.

"30 seconds left." Paalala ni Tari na nakangisi sa kaniya.

"W-when... w-when." Napayuko siya at mariing napapikit saka napailing, "W-when Al tried to kill me with an arrow in L.U." Hindi siguradong sagot niya.

Kinakabahan siya at kanina pa ayaw papigil sa paglundag ng kaniyang puso. Muli siyang napapikit kasabay ng pagtulo ng luha. Hindi siya sigurado kung tama ba ang kaniyang sagot. Ayaw gumana nang maayos ang kaniyang utak.

Narinig niya ang pagtawa ni Tari at bahagyang pagpalakpak. Nagmulat siya at tiningnan ito.

"Choose an ace for this question, Zync." Utos nito.

Nilingon ang apat na bihag. Isa-isa niya silang tinitigan.

"C-club." labag sa loob niya ang pagsabay sa kabaliwan ni Tari ngunit ayaw niyang bigyan ito ng dahilan upang mas saktan pa ang mga bata o si Pula.

"Bring me the ace of club." utos ni Tari na agad sinunod ng tauhan.

"B-bossing." Sapilitang pinatayo si Pula at kinaladkad papalapit sa kanila. Marahas itong tinulak. Napaluhod ito at muntikan pang mapasubsob.

Nilapitan ni Tari si Pula saka sinabunutan nang mahigpit.

"Alam mo bang gigil na gigil ako sa 'yo, redhead?!" ani Tari kay Pula. Pinanggigilan nito ang buhok ng kaawa-awang babae. "Ngayon... si Zync na ang pumili ng magiging tadhana mo. Sinisigurado kong matutuwa ka sa magiging kapalit ng sagot niya."

Binalingan ni Tari si Zync, "Ano sa tingin mo, Zync? Tama ka ba o mali?"

Tanging masamang tingin lang ang tinugon ni Zync dito.

"Handa ka na bang marinig ang tadhana ni redhead, Zync?" tanong nito. "Hmm. Two months went by since Reina started her mission protecting Zync. One time, she followed Zync on his way home but a gang planned an ambush for him in a deserted highway yet failed because Reina was there. It was also the time when Ryleen entered their lives."

Nanlalaki ang matang binalingan ng tingin ni Zync si Pula. Humagulgol na ito.

"P-pula... N-no! Tari, w-what are you going to do?!" malakas niyang tanong at sinubukang tumayo.

Tumawa si Tari saka marahas na tinayo si Pula at tinulak papunta sa limang lalaki.

"Beat her to death." Utos nito, "Don't do other monkey business." Pahabol pa nito.

Nagwala si Zync nang simulang pagtulongtulongang bugbugin si Pula sa mismong harap niya.

"Tama na! Tama na!" patuloy siya sa pagsigaw. Lumakas din ang iyak ng mga bata dahil sa nakikitang sitwasyon ni Pula.

Naliligo na ang mukha nito sa sariling dugo at hindi na maigalaw ang kanang binti. Nakabaluktot na ang katawan ni Pula.

"Katarina, please! Tama na! Ako na lang! Ako na lang!" umiiyak na sigaw niya. "Pula! I'm sorry! I'm sorry!"

Tanging tawa lang ang sagot ni Tari habang tuwang-tuwa na pinapanood ang nangyayari kay Pula.

"Katarina maawa ka naman oh! Baka mapatay mo si Pula!"

"Stop." Utos nito. Huminto naman ang mga lalaki sa ginagawa.

"Pula?" takot niyang tawag dito. Hindi na ito gumagalaw. "Pula!" malakas niyang sigaw ngunit wala pa rin sagot mula rito.

"Katarina! Hayop ka! Wala kang awa! Paano mo maatim na gawin 'to?!"

"You made me do this, Zync." Malalim siya nitong tinitigan bago binalingan ang bugbog saradong si Pula, "Itapon na 'yan sa dagat kung hindi na humihinga." Utos ni Tari sa tauhan.

"What?! No! Pula! Gumising ka! You can't die! Pula, please. Maawa ka!" pagwawala niya. "I hate you, Katarina! I hate you!"

Natigilan ang mga lalaki na kakargahin na sana si Pula nang biglang itinaas ang kaliwang kamay nito.

"Pula?" nabuhayan ng loob si Zync nang makitang gumagalaw pa ito.

"B-buhay pa ako!" mahina at utal na wika nito. Nakabaluktot pa rin ang katawan nito, ni hindi na magawang iangat ang ulo. "H-hoy ikaw." Turo ni Pula sa direksyon ni Tari, "P-powke't piwata ako mawunong nang lumangoy? 'W-wag ako!"

Napahugot nang malalim na hininga si Zycn nang marinig ang sinabi ni Pula. Buhay pa ito at bulol pa rin. Somehow, it's a relief for him. Huwag lang sanang pagdiskitaan muli ni Tari.

"Psh." Irap ni Tari, "Ilayo niyo ang babaeng 'yan dito. Ilagay niyo ro'n sa highway. Ipasagasa niyo 'yan sa truck."

"M-maldita ka! I-isusumbong kita kay M-madam Weina! M-makita mo!" ayaw patalong asik ni Pula kahit hindi na maigalaw ang katawan.

Muling nabahala si Zync dahil sa narinig mula kay Tari.

"Tari, you're out of your mind! Tigilan mo na si Pula!"

Napatingin sa kaniya si Tari, "Titigilan ko siya ngunit sa isang kondisyon." Nakangising anito.

"Kondisyon?! Wala na ngang kuwenta ang larong 'to, hihingi ka pa ng kondisyon?!"

"Limang suntok mula sa akin para sa 'yo at titigilan ko na si Pula." Nakangising anito.

Nang marinig ang sinaad nito ay napatingin siya sa mga bata, "F-fine. Do it." seryosong aniya.

Natawa si Tari, "Mukhang nahawa ka na sa katangahan ng kakambal ko, Zync. Psh. Kaya niyong itaya ang buhay niyo para sa ibang tao. Kalokohan."

Hinaplos ni Tari ang mukha ni Zync bago siya ginawaran ng suntok sa sikmura. Sobrang lakas ng suntok nito at halos nabuwal siya. Ngunit hindi niya hinayaang marinig nito ang kaniyang daing. Ayaw niyang bigyan ito ng kasiyahan sa ginagawa.

"One."

Muli nitong hinaplos ang pisnge niya. Sinuntok siya nito sa panga.

"Two."

Napapikit si Zync. Napakapuwersado nitong sumuntok. Naririnig niya pa rin ang tawag ng mga anak sa kaniya. Nagmamakaawa itong tigilan na siya ni Tari.

Naririnig niya pa nga ang pagmumura ni Zyncai na hindi niya alam na marunong pala itong magmura. The kid was even cursing his own aunt to death. Arri, on the otherhand, was pleading to his mother to stop what she's doing. While, Arra was crying but the girl could hardly utter even a word.

Gaya ng naunang dalawa ay hinaplos muli nito ang kaniyang pisnge saka sinuntok siya sa kabilang panga. Pakiramdam niya ay matatanggal ang kaniyang mga ngipin. Sa maliit nitong kamao ay sobrang puwersa ang kaya nitong ibuga. Hindi mapagkakailang kambal nga sila ni Reina.

Ang pang-apat nitong suntok ay dumapo sa kaniyang sikmura. Nangingitngit si Tari dahil gusto nitong marinig ang daing ni Zync o 'di kaya ang pagmamakaawa niya. Sumuka na siya ng dugo ngunit hindi pa rin niya binibigay ang gusto ni Tari.

Ngumisi si Zync, hindi alintana ang dugo tumutulo sa bibig, "You know what? Naaawa ako sa 'yo, Katarina."

Nabitin sa ere ang kamao ni Tari at hindi natuloy ang panglimang suntok nito sa kaniya.

"Bakit? Dahil sa ginawa mong 'to mas binigyan mo ng rason ang mga anak mong kamuhian ka. Dahil dito ay kahit kailan hindi ka na nila matatanggap pa. Saan mo kaya nakuha ang ganitong tapang na ipakita sa mga anak mo kung gaano ka kasahol na ina? Hindi ka ba natatakot na dumating ang oras na hindi mo na maririnig na tatawagin ka nilang mommy? Your children's eyes are watching you, Katarina and their minds will forever remember how worse of a mother you are. What you're doing will inflict their hearts. Ikakahiya ka nila na ikaw ang naging ina nila. Mas lalo mo silang tinutulak palayo sa 'yo at mas lalo mo silang binigyan ng rasong ituring na mas mabuting ina kumpara sa 'yo si Reina. Hindi mo makukuha ang respeto mula sa kanila. Your own children will hate you to death and I tell you, pagsisisihan mo ito." Seryosong aniya.

Anger flashed on Tari's eyes. Hindi ito nagsalita at itinuloy lang ang suntok nitong nahinto. Pumutok ang pang-ibabang labi ni Zync. Ngunit tinawanan niya lang ito.

"I didn't give you the permission to speak!" sigaw nito sa mismong mukha niya. Namumula ang buong mukha ni Tari sa sobrang galit.

Napangisi si Zync, "And you're saying that you should have the honor and respect that Reina has been receiving from everybody? Don't make me laugh, woman. Look at yourself, you are nothing compare to Reina."

"Shut up!"

"Reina is always better than you. You are worst, Katarina... very, very worst."

Hinaklit ni Tari ang kuwelyo ni Zync na halos masakal na siya, "Are you trying to distract me? Nice try, Zync but I don't give damn."

Imbis na mawalan ng pag-asang maalis ang atensyon nito sa laro ay pinagpatuloy ni Zync ginagawa.

"You're wrong, Tari. I'm just stating the fact here. Gusto kong ipamukha sa 'yo ang katotohanang ayaw mong harapin. Ano nga lang ba ang papel mo sa mga buhay namin? Ni wala kang may binigay na mabuti. Ow, mayroon pala. Sina Arra at Arri, sila lang ang mabuting naibigay mo sa mundong ito pero ano ang ginagawa mo? Sisirain mo rin ba sila sa tulad ng kung paano mo sinisira ang sarili mo?"

Hindi sumagot si Tari at nakatitig lang sa kaniya nang masama.

"Alam mo bang simula nang ituring kong akin ang kambal ay natatakot ako na baka hindi ko magawa ang responsibilidad bilang isang magulang sa mga bata? Natatakot akong kamuhian nila ako kapag magkamali ako. But I'm afraid you wouldn't understand what I'm trying to imply dahil isa kang makasariling babae. Sarili mo lang ang iniisip mo. Ang importante sa 'yo ay ang mga nararamdaman mo. Ang akala mo ikaw ang kawawa. Akala mo ikaw ang biktima."

Nanatiling tahimik si Tari pero nagtatagis ang bagang nito.

"Ngunit ang totoo, isa ka lang naman sa mga nakikinabang sa mga pinaghihirapan ni Reina. You're just a parasite trying to assume dominance over its food source. Kung hindi naman dahil kay Reina ay wala ka na. Pero heto ka, nang-aangkin ng hindi sa 'yo. Ang lakas ng loob mong sabihin na nanghiram lang si Reina sa 'yo. Eh sino nga ba ang totoong nanghiram at ang totoong hiniraman sa inyo? Ikaw ba o siya?"

Sandaling tumahimik si Zync at inobserbahan ang mukha ni Tari. Nakatingin nga ito sa kaniya pero tagusan naman. Nakatitig ito sa kawalan.

"Yes, she borrowed your name and identity but what happened? Ang pangalan mo ba talaga ang nagdala sa kaniya sa kung saan man siya ngayon o siya ang nagdala sa pangalan mo sa tuktok? You said she borrowed everything about you and the things you deserve to own but have you ever thought what certain things you had borrowed to Reina are?"

Hindi pa rin nagsasalita si Tari.

"You're the one who borrowed the life she supposed to have! Ikaw ang natalo sa laro noon pero ano ang ginawa ni Reina? She sacrificed her own life for you! Ang pangalang Katarina Zenkiah ay ibinigay sa kaniya pero hindi niya tinanggap dahil ayaw niyang agawin iyon sa 'yo. Pero ang pagkakataon na ang nagdesisyon nang muling ibinigay sa kaniya ang pangalan mo. Lahat ng masasakit na salita, pisikal na pananakit at paninisi ng kaharian niyo ay napunta sa kaniya nang namatay ang inyong dating reyna at kapatid na prinsepe na ikaw dapat ang tumanggap pero ano? Binangon niya ang sarili niya bitbit ang pangalan mo! Bumalik ang respeto ng lahat ng tao sa pangalan mo nang dahil sa kaniya, yumuko ang kaharian niyo sa pangalang Katarina Zenkiah, hindi sa isang Katareina Zavina!"

Natawa nang mapakla si Zync.

"Akala mo ba hindi ko alam ang tunay na nangyari sa inyo ni Reina? Alam ko kung ano ang mga naging sakripisyo niya para sa 'yo, Katarina! Hanggang ngayon patuloy pa rin siya sa pagsasakripisyo para sa 'yo! Hindi mo ba nakikita?! Ang pagiging Supreme Commander niya ngayon ay sakripisyo niya para sa 'yo! Hindi mo pa rin ba naiintindihan?! You are the supreme commander, Katarina! Ang alam ng lahat ng tao ay ikaw ang bayani, ikaw ang nagligtas sa lahat, ikaw ang kokoronohang reyna ng Slovenia! The supreme commander is Katarina Zenkiah, not Katareina Zavina!"

Napaiyak ulit si Zync habang hindi tinatantanan ng matalim na tingin si Tari.

"Hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang inaalala niya! Pinaghirapan niya ang lahat ng 'to pero ikaw pa rin ang makikinabang sa huli! Kinahig niya na ang lahat ng lupa at tutuka ka na lang. Sabihin na nating galing ka nga sa Slovenia pero alam mo bang Princess Katarina ang tawag ng mga mamamayan ng kaharian niyo sa kaniya? Siya nga ang nasa palasyo pero ikaw pa rin ang prinsesang nasa puso ng buong mundo. Ang sarap ng buhay mo ano? And you have the guts to give this shit to Reina in return?! Wala kang utang na loob, Katarina. Kinakahiya kong nakilala kita. Nakakahiya ka."

Napaiwas ng tingin si Tari habang nakakuyom ang kamao. Hindi na nagsalita si Zync at napayuko na lang, pinapanalangin ang kanilang kaligtasan lalo na ng mga bata.

Sa gitna ng kanilang katahimikan ay biglang umalingawngaw sa kanilang pandinig ang iyak ni Arra na bahagyang nakarecover na sa drugs na itinurok dito.

"I hate you, mommy! I hate you!" Arra screamed her lungs out. "I hate you so much." Malalaki ang butil ng mga luha nito.

"I wish you were never my mother!" dagdag pang sigaw ng batang babae habang hinahawakan ng mga tauhan ni Tari upang pigilan sa pagtakbo tungo sa ina. "I will never forgive you for doing this to us! I hate you so much! Just die and go to hell!"

Kitang-kita ni Zync kung paano nanigas si Tari sa kinatatayuan nito, nagwawala na si Arra. The girl's eyes were clouded with anger while glaring at her mother.

"I wish I never knew you! I wish you never came into our lives! I wish you just die! I hate you for drugging and using me! I hate you for hurting Arri! I hate you for hurting Zyncai! I hate you for hurting Mamay Pula! I hate you for hurting my daddy! I hate you for hating my Mama Reina! I hate everything about you now! It disgusts me to call you my mother! Just die!" dagdag pang sigaw ni Arra.

Malinaw na malinaw sa pandinig ni Tari ang bawat salitang binibitawan ng sariling anak. Tila daan-daang patalim ang bumaon sa dibdib nito. Parang nagdilang anghel si Zync na agad nangyari ang mga sinabi niya.

Hindi man nagugustuhan ni Zync ang sitwasyon ng mga anak, hindi rin siya natutuwa sa naririnig mula kay Arra ngunit kailangang gumising ni Tari mula kahibangan nito. Kung sa ganitong paraan ay titigil ito sa ginagawang pananakit sa mga bata, hahayaan ni Zync na ilabas ni Arra ang sama ng loob sa ina.

"A-arra." Humihikbing tawag ni Arri sa kakambal, "I-I hate to say this but now, I am starting to hate her too. I am angry, very, very angry. Even if Mama Reina told us to always respect and love that woman because she is our real mother, I can't respect and love her anymore. She doesn't deserve it. I wish she's not our mother." Sabi ng batang lalaki habang titig na titig kay Tari.

"I hate you! I will kill you!" napatingin si Zync kay Zyncai dahil sa sinigaw ng bunso. Nakikita niya ang poot sa mga mata ng anak. Nababahala siya sa kung ano ang magiging epekto sa mga bata ng nangyayaring ito. Gaya ng sabi niya kanina, mauukit sa mga utak nito ang mga ginawa ni Tari.

Napayuko si Tari habang naririnig ang patuloy na pagsigaw ng mga bata kung gaano nila ito ka-hate. Habang wala namang may magawa ang mga tauhan nito dahil wala naman itong utos kung ano ang gagawin.

Lumaki ang nararamdamang pag-asa ni Zync na maliligtas ang mga buhay nila sa nakikitang reaksyon ni Tari. Naging malaking tulong ang mga sinabi ng kambal sa ina. Sana lang ay gumising na si Tari at itigil na ang kahibangan nito.

Ngunit ang galit na mga sigaw ng tatlong bata ay naging sigaw ng takot nang sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa paligid. Gusto man ni Zync na yumuko pero hindi niya magawa. Aligaga ang mga mata niyang tapunan ng tingin ang mga bata. Nakayuko ang mga ito at takot na takot.

Pero mas lalong umalsa ang pag-asa sa puso ni Zync nang makitang nakahandusay ang mga tauhan ni Tari na kapwang may mga tama ng bala. Nagsilabasan pa ang ibang tauhan nito mula sa mga yate sa paligid ngunit hindi pa man nakakaporma ay tumba na ang mga ito. Patuloy ang pag-iyak ng mga bata at ang panlalaki ng mga mata ni Zync habang nagpuputukan.

Samantala, nanatiling nakatayo habang nakayuko si Tari sa gitna. Hindi nito alintana ang putukan. Hanggang sa wala nang may sumulpot na tauhan ni Tari. Mukhang naubos na.

Tila may dumaang bagyo nang biglang tumahimik ang paligid. Tanging ang impit na iyak ng mga bata ang natira. Dahan-dahang napalingon si Zync sa kaniyang likuran.

Hanggang sa nagtama ang mga mata nilang dalawa. Nakaawang ang mga labing nakahinga nang maluwag si Zync. Tumulo muli ang kaniyang luha nang matanaw ang mukhang matagal niyang hinihintay na dumating.

"Cherie." Bulong niya, pagod ngunit masayang ngiti ang ibinigay ni Zync. Isang matamis na ngiti naman ang naging ganti ni Reina. Malamlam ang mga matang nakatingin din ito sa kaniya.

Nakatayo ito sa hindi kalayuan, nakataas pa ang isang kamay nito na hawak-hawak ang paborito nitong silver hand gun, ang Desert Eagle .50 AE. Katabi ni Reina ay si Tamara na may hawak na dalawang baril na parehong nakataas din. Sa likod ng magkapatid ay ang pinagsamang tauhan ng dalawang lider. Puro armado at handang makipaglaban at protektahan ang kanilang mga pinuno.

"Mama Reina?" sabay na tawag ng tatlong bata nang mahimasmasan.

Nagkandapadapa ang tatlong bata nang mabilis ang mga itong tumakbo tungo kay Reina, nilagpasan si Tari na wala pa ring kagalaw-galaw at si Zync na nakaluhod pa rin habang nakatulala lang sa asawa.

Muntik nang matumba si Reina nang sabay na dumamba ng yakap ang tatlong bata. Lumuhod ito at niyakap din ang tatlong bata. Malungkot ang mga mata ni Reina kahit ito'y nakangiti. Isa-isa nitong sinipat ang mukha at katawan ng mga bata. Nangangalit ang bagang nito.

Hindi man nagsusumbong ang mga bata sa ina ay pinapahiwatig naman ng iyak ng tatlong bata ang karahasang sinapit.

Pinakuha naman ni Tamara sa tauhan si Pula na nawalan na nang malay, may lumapit ding medic staffs sa mga bata. Ayaw mang humiwalay ng tatlong bata sa ina ay sumama ang ito dahil na rin sa utos ni Reina.

"Ate Katarina." tawag ni Tamara ngunit nanatili sa ganoong puwesto si Tari, tila nasa loob na ito ng sariling daigdig.

Humugot nang malalim na hininga si Reina saka naglakad papalapit kay Zync, hindi pa rin nito tinatapunan ng tingin ang kakambal. Natauhan naman si Zync at nagmadaling tumayo at kinalag ang pising nakalibot sa katawan niya.

Sa pagpihit niya paharap kay Reina ay kasabay no'n naramdaman niya ang mahigpit na paglingkis ng isang braso sa kaniyang leeg.

"Welcome home, my twin." Nakakalokong saad ni Tari na nakatingin kay Reina na napahinto sa paglalakad.

Nagtitigan ang kambal. Malungkot ang mga mata ni Reina habang galit naman ang kay Tari.

"God, Ate Katarina. Stop this nonsense already." Palatak ni Tamara na nagsalubong ang magagandang kilay. Inip na inip itong nakatingin sa nakakatandang kapatid. Ngunit nanatiling nakatitig si Tari kay Reina.

"Shut up, Tamara." Angil nito. Tumaas lang ang kilay ni Tamara at hindi na sumagot. "Where's my greeting from you, my dearest twin sister?"

Hindi sumagot si Reina. Hinugot ni Tari ang isang dagger sa bulsa saka tinutok sa leeg ni Zync.

Hindi naman nakagalaw si Zync. Nabigla siya sa ginawa ni Tari at tila wala na rin siyang lakas magpumiglas dahil naubos na kanina. Naghahalo ang pagod niya sa pisikal, emosyonal at mental, idagdag pa ang gutom. Pinipilit na lang niyang huwag mawalan nang malay.

"Why don't you say something, Reina?" saad pa ni Tari. "I missed your sweet voice. I missed your laughter. I missed you so much." Nakangising saad nito.

"Ano na naman ba 'to, Tari?" napapagod na tanong ni Zync.

"Shut up, I'm not talking to you." Mas hinigpitan ni Tari ang kapit sa leeg niya. "Ano Reina?! Magsalita ka!" malakas na utos nito.

Napailing si Reina na napapagod na ring nakatingin sa kakambal.

"Sabi ko magsalita ka, gusto kong marinig ang boses mo!" bulyaw ni Tari. Hindi pa rin ito tinatakasan ng tapang kahit na pinapalibutan na ito ng mga tauhan ng dalawang kapatid.

Hindi pa rin nagsalita si Reina at matiim lang nakatitig sa kakambal.

Inipon ni Zync ang natitirang lakas at malakas na hinaklit ang braso ni Tari sa kaniyang leeg. Hindi naman inasahan iyon ni Tari. Ngunit nadali pa rin ang leeg ni Zync ng dulo ng hawak nitong dagger.

Mabilis na lumayo si Zync sa babae at nanghihinang bumagsak sa semento. Nanlisik ang mga mata ni Tari at inumang ang kamay upang itira ang dagger kay Zync.

Napapikit si Zync ngunit umalingawngaw sa kaniyang tainga ang isang putok ng baril. Sa kaniyang pagmulat ay eksaktong nahulog sa harapan niya ang dagger ni Tari na may nakabaong bala sa gitna.

Napalingon siya kay Reina na nakatayo na malapit sa kaniya. Nakatutok ang baril nito sa direksyon ni Tari.

Nanggagalaiting sumigaw si Tari.

"Hayop ka, Reina! Hayop ka! Bakit hanggang sa huli ay ikaw pa rin ang panalo?! Bakit ang malas-malas ko?! Bakit ikaw, paano mo nagawa ang lahat ng 'to?! A-ayoko na." napaluhod ito at napahagulgol, "A-ayoko na. Ikaw na lang palagi. Ano ba ang mayroon ka na wala ako? Iisang dugo at laman lang naman tayo ah. Magkapareho tayo ng mukha pero bakit ang layo-layo pa rin ng agwat ko sa 'yo? Bakit ganito ako? Bakit ganiyan ka? Gusto ko nang mamatay. Please, Reina. Gusto kong marinig ang boses mo sa huling pagkakataon. Magsalita ka." Pagmamakaawa nito.

Bumuntong hininga si Reina saka binalingan si Zync. Lumuhod si Reina sa harap nito. Dumukwang ang asawa at hinawakan ang pisnge niya.

Tumulo ang luha ni Reina. Masuyong hinalikan siya nito sa labi. Napayakap naman agad siya sa asawa.

"R-reina, I missed you. Mahal na mahal kita. Huwag ka nang lumayo sa amin. Nagmamakaawa ako." Emosyonal na saad ni Zync habang magkadikit pa rin ang kanilang mga labi.

"I love you, my O... but I'm sorry." Biglang natigilan si Zync nang marinig ang saad ni Reina.

Humiwalay ito ng yakap sa kaniya at mabilis nakatayo. Nabahala si Zync at agad inabot ang kamay ni Reina. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak.

"R-reina." Kinakabahang tawag niya sa asawa. Isang matamis na ngiti lang ang sinagot nito. Sapilitang binawi ni Reina ang kamay saka sinenyasan si Tamara.

Lumapit si Tamara kay Zync at tinulungan siyang tumayo. Tatakbo na sana siya sa asawa ngunit mahigpit ang hawak ni Tamara sa kaniyang braso.

"Reina?" umiiyak niyang tawag sa asawa nang naglakad ito papalapit sa kakambal na nakaluhod pa rin at umiiyak. "Reina! Ano ba 'to?! Tamara, ano ang nangyayari?" aligaga niyang tanong sa kapatid ni Reina.

Nang makalapit ito sa kakambal ay napaangat ang tingin ni Tari. Nilahad ni Reina ang kamay. Dahan-dahang inabot iyon ni Tari.

"Reina!" sigaw ni Zync. Hindi niya alam kung bakit pero hindi maganda ang kaniyang pakiramdam sa kilos ni Reina. Nagwawala ang puso niya habang nakatingin sa magkahawak na mga kamay ng kambal.

"Ayoko na, Reina. Ayoko na." umiiyak at tila nagsusumbong na saad ni Tari. Ngumiti lang si Reina at marahang hinaplos ang pisnge ni Tari upang tuyuin ang luha nito.

Napapikit si Tari at dinantay ang pisnge sa palad ni Reina. Isang malungkot na ngiti ang kumurba sa labi nito.

"Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko." Bulong ni Tari. "Zavi baby." Nakangiting sambit nito sa tawagan nila noon. "Forgive me, Zavi baby. Please, forgive me."

Hinagkan ni Reina ang noo ng kakambal.

"You will always be the princess and I will always be your twin sister. I love you so much, Zenki baby. I love you so much." Buong pagmamahal at masuyong bulong ni Reina kay Tari.

Kasabay no'n ay ang malakas na pagpintig ng puso ni Tari. Mariin itong napapikit at sinapo ang dibdib.

Lumingon si Reina kay Zync.

"Reina?" lumuluhang tawag ni Zync sa asawa.

Isang tipid na ngiti ang tugon ni Reina saka muling bumaling kay Tari at inakay ito. Nagpumiglas ito sa hawak ng kakambal at malakas na tinulak palayo si Reina.

Sapo-sapo ang dibdib na tumakbo palayo si Tari. Dumiretso ito sa isang nakahandang speed boat sa dulo ng pantalan. Walang lingon na sinundan ito ni Reina.

"Nooo! Reina! Reina! Come back here! Cherie!" nagwawalang sigaw ni Zync.

Ngunit kahit ano'ng pagpiglas niya ay hindi siya makatakas sa mahigpit na hawak ni Tamara. Sinulyapan niya ito, walang emosyon ang mukha ng reyna ng Bermond Mafia ngunit ramdam ni Zync ang mas lalong paghigpit na hawak nito sa kaniya. Mukhang sa loob-loob ni Tamara ay gusto rin nitong sundan ang mga Ate.

Natuon ang atensyon ni Zync sa papalayong asawa. Patuloy niya sinisigaw ang pangalan nito.

Nakasakay na si Tari sa speed boat at mabilis itong pinaandar. Hindi pa man ito nakakalayo at nakasakay na si Reina na tumalon galing sa pantalan.

"What are you doing here?! Go away, Reina! Go away!" sigaw ni Tari saka tinulak si Reina.

"Stop it, Zenki. It's gonna be alright." Kalmadong saad ni Reina.

Marahas na hinaklit ni Tari ang suot na damit. Napunit ito at nalantad ang dibdib na may malaking tahi. Sa tiyan nito ay isang digital timer na may 120 seconds na lang natitira.

"I know you knew about me being the last special bomb army of Triad!" sigaw ni Tari, "Alam ko dahil kahit ilang beses na tayong nagkaharap at ilang beses na kitang inaasar at ginagalit ay ayaw mo pa ring magsalita! Ayaw mong iparinig sa akin ang boses mo! Ngayon ay sasabog na ako, Reina! Mas malakas at mas malaki ang magiging epekto ng pagsabog ko kumpara sa ordinaryong bomb army! Hindi ako konektado sa Arma Machine kaya kahit nasira na 'yon ay sasabog pa rin ako. Kapag hindi ako makalayo ay mawawala ang buong isla na ito sa mapa ng Pilipinas!"

Tumango lang si Reina at nginitian ang kapatid. Inagaw nito ang pagmamaneho kay Tari at mas pinabilisan ang takbo ng speedboat. Sa kalagitnaan ng malawak na karagatan ay may isang maliit na seaplane. Mabilis na umakyat doon si Reina.

Nilahad nito ang kamay kay Tari na nakatingala at nagtatakang nakatingin.

"Trust me, Zenki baby." Reina said softly.

Napakurap si Tari at dahan-dahang inabot ang kamay sa kakambal. Nang pareho na silang nakasakay sa seaplane ay si Reina na ang nagmaniubra at mabilis itong pinaangat sa ere.

Samantala, hindi pa rin natigil sa pagwawala si Zync nang hindi na matanaw ang speed boat na sinakyan ng kambal. Doon lang siya natigilan nang biglang may sumulpot na seaplane sa himpapawid. Sobrang layo na nito pero tanaw pa rin nilang nasa pantalan. Mas tumaas ang lipad ng seaplane.

"Reina." Walang tinig na utal ni Zync kasabay no'n ay ang malakas na pagsabog ng seaplane sa himpapawid.

Sa sobrang lakas ng pagsabog ay naging pula ang malinaw na kalangitan. Yumanig ang lupa at nagtumbahan ang mga taong nasa pantalan. Naging malakas din ang alon ng dagat at natangay ang ibang bangka at yate. Nag-unahan sa paglipad papalayo sa lugar ang iba't-ibang klase ng ibon. Sumabog din ang maitim na usok sa paligid.

"Reina." Mahinang tawag ni Zync na nakahandusay sa semento. Unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata. "Reina. My Cherie."

-End of Chapter 66-

Up Next: THE LAST CHAPTER

Thank you for reading freaks! God bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com