Eight: THE SWITCH
Hello! Bago ang lahat may gusto lang akong ishare sa inyo. Alam niyo bang sa simula pa lang sa pagsulat ko sa estorya ng buhay ni Reina ay may tatlong kanta ang may malaking bahagi sa estorya niya? Ito 'yong mga kantang paulit-ulit kong pinapakinggan hanggang sa makatapos ako ng isang kapitulo simula Season 1 to the present.
'Wag kayong mag-alala bago pa kayo umiyak sa mga nangyayari kay Reina ay ako muna ang umiiyak ng bongga kaya quits lang. haha!
These are the songs and hope you'll find time to be blown away by these... isipin niyo si Reina habang pinapakinggan ang mga ito dahil nasa kanta ang feelings niyang tinatago.
1. You'll Be Safe Here
2. Scared to Death by KZ Tandingan
3. DOES ANYBODY HEAR HER by Casting Crowns
P.S. Number 3 is my favorite song.
*****
Chapter 8: THE SWITCH
Enjoy reading and brace yourself!
3rd.
Hating-gabi na pero hindi kumatok ang antok kay Reina. Paulit-ulit na nagpi-play sa isipan niya ang nangyaring laro kanina. Ni hindi siya makakain. Oo, gusto niyang maging masaya. Pero sa mga nangyari ay mukhang hindi na siya magiging masaya pa.
Sana nanatili na lang siya sa loob ng attic. Sana sinabi niya kay Aunt Mojica na hindi na lang siya sasama. Sana hindi na lang siya nangarap na lumabas. Maraming sana at napapagod na siya sa mga sanang iyon.
Tumayo siya saka lumabas sa terrace ng kanyang kwarto. Bukas na ito ngayon. Pinabuksan ng hari para makalabas siya kung kailan niya gusto. Mapait siyang napangiti sa pagtrato ng hari kanilang dalawa ni Tari. Parang hindi sila tao kung ituring. Bakit kay bilis nitong tanggapin na siya ang nanalo? Bakit parang wala lang sa hari na papatayin ang apong nakilala at nakasama simula pa lang? Bakit hahayaan lang nitong mawala si Tari?
Tumingala siya sa langit at nakita ang maliwanag na buwan na nakadungaw sa kanya, na pinapalibutan ng nagniningning na mga bituin. Tinaas niya ang kamay at tinapat iyon sa buwan.
"Pssstoy."
Napataas ang dalawang kilay niya at binaba ang kamay. Nagpalingalinga si Reina para hanapin ang sumusutsot sa kanya.
"Pssstoy."
Dumungaw siya sa baba at nakita do'n ang kanina pa sumusutsot. Nakatingala sa kanya ang nakangiting mukha ni Iseah. Nakasuot na ito ng pantulog at mukhang tumakas na naman.
Napahagikhik siya nang bigla itong ngumisi nang malaki at nakita niya ang bungal nitong ngipin sa harapan.
"Pssstoy." Pag-uulit pa nito.
"Ano?" mahinang sigaw niya kay Iseah.
"Rapunzel! Rapunzel! Get down your hair!" mahinang sigaw rin nito sabay patalon-talon pa at nakataas ang dalawang kamay.
Sasagot na sana siya nang bigla itong nag-dive sa mayabong na halamanan. Nagtaka siya kung bakit pero natanaw niya sa 'di kalayuan ang isang royal guard na nagro-roving sa buong garden. Lumingon pa ito sa kanyang kinalulugaran at marahang yumukod.
Nang umalis ang guard ay dumungaw ang ulo ni Iseah sa gitna ng halaman.
"Baba ka dito. Dali!" mahinang sigaw nito sabay kampay ng kamay.
"Bakit?"
"Bar hopping tayo." Anito pero tumawa nang malakas pagkatapos. Kumunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang sinabi ng bata. "Dali na! May ipapakita ako sa'yo!" bawi nito.
Napaisip siya kung bababa ba siya o hindi. Sa mga oras na 'to isa lang ang gusto niyang makasama at 'yon ay si Tari.
"Sa susunod na lang." tanggi niya dito. Tumayo si Iseah saka padabog na inalis ang mga dahon sa ulo. Nakasimangot na tumingala ito sa kanya.
"Pakyu ka! Bumaba ka na kasi. Sige ka baka hindi ka na magising kinabukasan at hindi mo na makikita ang kagandahan ng mundo!" banta nito sa kanya na may halong pagbibiro pero iba ang naging impact no'n kay Reina.
'Kagandahan ng mundo?' sambit niya sa kanyang isipan. Tinitigan niya ang nakatingalang mukha ni Iseah. Puno ng pag-asa ang mga mata nitong sasama siya.
'Ano ang nakikita ng mga mata mo, Iseah? Anong klaseng tanawin ang nakikita mo? Masaya ba? Maganda ba? Mapayapa ba? Ano ang nararamdaman mo bilang isang bata pa?' tanong niyang muli sa isipan.
"Why are you crying?!" nagbalik siya sa huwisyo nang marinig ang sigaw ni Iseah sa kanya. Napahawak siya sa kanyang pisnge at napagtantong umiiyak nga siya.
Kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng inggit sa iba dahil kuntento siya sa kung ano at sino siya pero ngayon ay inggit na inggit siya kay Iseah na ini-enjoy lang ang pagkabata. Na walang ginawa kundi ang tumakas sa klase, tuwing gabi at nagliliwaliw sa labas ng palasyo kahit bawal. Gusto niya ring maranasan ang mga iyon.
Tumingala siya at napangiti. Nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto.
'Minsan lang 'to.'
Binalik niya ang tingin kay Iseah at ngumiti. Ngumiti rin ito pabalik sa kanya. Kinuha niya ang kanyang grey cloak at sinuot. Tinungo niyang muli ang terrace saka walang lingon-lingon na tumalon do'n. Narinig niya pa ang paghiyaw ni Iseah sa kanya habang siya naman ay napahagikhik. Bumagsak siya sa mga halaman.
"Aww." Daing niya nang natusok siya sa isang sanga.
"Wow!" bulalas ni Iseah dahil manghang-mangha ito sa ginawa niyang pagtalon. Tumayo si Reina at hinarap ang nakangangang kaibigan.
"Sa'n tayo?" tanong niya pero lumaki lang ang ngiti ni Iseah saka hinawakan ang kamay niya.
"Tara."
Tumakbo na sila sa direksyon kung sa'n palabas ng garden. Tungo ito sa likod na bakod ng palasyo.
"Nasa'n sila?" tanong niya tinutukoy ang tatlong anak ni Duchess Camelia.
"Psh. Mga buraot ang tatlong 'yon. Umalis na sila, umuwi na sa bayan nila kasama si Aunt Camelia." Sagot nito habang tumatakbo pa rin sila.
Sumuong sila sa ilalim ng trimmed-plants na mga hugis hayop nang may dumaan na royal guard.
"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong niya dito.
"Ssssh." Anito sabay lagay ng daliri sa nakangusong labi saka ngumisi ito nang malaki kaya natawa siya nang makita ang bungal nito nang malapitan. Ang dalawang ngipin sa harap talaga ang nawala.
"Fvck talaga. Natanggal 'yong ipin ko. Hayop na Terrence 'yon. sinuntok ako sa nguso kahapon kaya natanggal 'yong isa. Tapos kanina naman nag-bake ng cookies si Ate Fin pero fvck ang tigas. Tanggal ipin ko! Huhu." Pagkikwento nito sa nangyari sa ipin. Natawa si Reina sa paghihimutok nito.
"Ano ba 'yang fvck? Always ko 'yang naririnig sa'yo." Tanong niya habang naglalakad na sila palapit sa matayog na pader ng palasyo.
"Fvck is a fvcking word." Sagot nito kaya mas lalo siyang naguluhan. Tumawa si Iseah. "Akyat tayo." Anito sabay turo sa isang matangkad na puno na katabi ng pader.
Umakyat na silang dalawa sa pangunguna ni Iseah. Tumawid sila sa pader. Akala ni Reina ay bababa pa sila ngunit sumalampak lang ng upo si Iseah sa ibabaw ng pader. Tumabi siya dito.
Pagtingin niya sa harap ay namangha siya sa nakitang tanawin.
"Ang ganda 'no?" wika ni Iseah. Nilingon niya ito pero nakangiting nakatitig lang ito sa buong bayan ng Ljubljana.
Tumango siya saka binalik ang tingin sa magandang tanawin. Kumukutitap ang iba't-ibang kulay ng mga ilaw sa bayan.
"Minsan na akong pumunta d'yan sa bayan. Alam mo bang ang ganda-ganda d'yan? Maraming tao! Tapos malaya sila kung ano ang gusto nilang gawin, kung ano ang gusto nilang suotin, kung ano ang salitang gagamitin. Walang may dumidikta sa kanila na dapat ganyan-ganito ang gagawin mo." Kwento ni Iseah.
Buong atensyon naman siyang nakinig kahit nanatili ang mga niya sa harapan. Parang bumaba lang ang bituin sa lupa. Ang ganda dahil sa hangganan ng kanyang paningin ay do'n nag-aabot ang langit na puno ng bituin at ang bayang puno ng ilaw.
"Pumunta ako do'n sa isang bangketa. May nakilala akong mga batang nakatira sa kalye. Kaya nag-try akong sumama sa kanila. Alam mo bang ang babaw ng happiness nila? Kahit isang piraso lang ng bread at pinaghahatian pa nila ay super happy na sila. Kahit na sira at gurang na ang mga damit at sapatos nila ay ayos lang sa kanila. Hindi rin sila nakakapag-aral at walang house pero happy pa rin sila. Kaya gustong-gusto kong tumakas d'yan." Tinuro ni Iseah ang palasyo. "Kaya hangga't bata pa ako ay ginagawa ko ang lahat para mag-explore at maging happy dahil kapag maging official squire mo na ako ay alam kong mawawalan na akong ng time na magliwaliw."
Napatingin siya kay Iseah. Nakangiti ito at nagre-reflect ang mga ilaw sa bayan sa berde nitong mga mata. Nakikita niyang masaya ito.
"Gano'n ba talaga kasaya maging isang bata?" wala sa sariling tanong niya dito.
Lumingon si Iseah sa kanya na nakataas ang kilay. Hinawi nito ang bangs saka bugnot na tumingin sa kanya.
"Duh? What kind of a question is that? Syempre naman! Karapatan kaya ng isang bata ang maging masaya." Sagot nito at agad binalik ang tingin sa bayan.
Napayuko si Reina at nalungkot. 'Bakit ako? Ba't wala akong karapatan maging masaya?' tanong niya sa kanyang isipan.
"Hoy!" nagitla siya nang sinundot ni Iseah ang kanyang tagiliran. "Hindi ka naman nakikinig sa kwento ko 'e!" sumbat nito sa kanya.
"Pasensya na. Ano nga 'yong sabi mo?" naasiwang tanong niya dito. Inirapan siya ni Iseah.
"Sabi ko, masaya do'n." turo nito sa bayan. "Gusto mo bang pumunta do'n?"
Natigilan siya at nilingong muli ang bayan. Umiling siya kay Iseah kahit na nakakaengganyo ang alok nito.
"I don't want to." Tanggi niya.
Ayaw niya dahil mas lalo siyang masasaktan. Lalo na ngayong alam niyang nasasaktan ang kakambal niya dahil sa resulta ng laro kaya hindi niya kayang magpakasaya kasama si Iseah.
"Ugh! You're no fun!" maktol nito saka nakangusong tumingin lang sa bayan. "Sige na nga, ayos na 'yong sumama ka sa'kin dito kaysa hindi, diba?"
Nakangiting tumango siya at pinagsawa ang mata sa magandang tanawin sa harapan.
"Teka lang! Pansin ko talaga sa'yo prinsesa na paiba-iba na ang ugali mo? Kanina nang magkasalubong tayo, you were angry at me and you were crying a river! You're even cursing to the depths of hell tapos ang buhok mo kanina blonde! Ang bilis mo namang magpalit ng hair color." Biglang bulalas nito sa kanya na may nanlalaki ang mga mata kaya nanlaki rin ang mga mata niya.
Tinuro ni Iseah ang mukha niya, "Ano ang sikreto mo?" nagdududang tanong nito. Kinabahan naman siya bigla, hindi niya alam kung ano ang dapat gawin pero hindi rin dapat malaman ni Iseah ang tungkol sa tunay niyang pagkatao dahil hindi niya alam kung paano ipaliwanag.
Mas lalo siyang kinabahan nang pinasadahan siya ng tingin ni Iseah sa buong katawan. Naiilang siya.
"Wig ba 'to?" anito sabay sabunot sa kanyang buhok. Kaya nagulat siya at napahiyaw.
"Araaay!"
"Hala! Hindi wig. Siguro may magic ka 'no?"
"Wala ah." Aniya saka binalik ang tingin sa magandang tanawin sa harap.
Kumibit-balikat lang si Iseah at binalik na rin ang tingin sa harapan.
"Masaya bang maging prinsesa?" biglang tanong ni Iseah, napalunok naman siya.
"Hindi ko alam." Mahinang sagot niya.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Iseah. "Dapat alam mo ang sagot sa tanong ko dahil ipinanganak kang prinsesa. Ano ka ba? Tsk."
Napangiti siya nang malungkot at umiling, "Pwede bang sa susunod ko na lang sasagutin 'yan?" tanong niya dito. Nagsalubong naman ang kilay ni Iseah.
"Ang labo mo naman 'e. Heto na lang, ano ang feeling kapag nakaupo ka sa throne katabi ang king and queen habang kaharap mo ang buong Slovenia?" ayaw paawat na tanong nito.
Umiwas siya ng tingin at hindi sumagot. Dahil hindi naman talaga niya alam ang sagot sa tanong nito.
"Hoy!" tawag-pansin ni Iseah.
Lumingon siya sa katabi, "Bakit gusto mong malaman?"
Sandaling natahimik si Iseah at napaisip, "Feeling ko kasi hindi ka masaya. Sa tuwing nakikita kasi kita na nakaupo sa throne mo, you look so sad. You're not smiling at all. Parang ang heavy ng lips mo kaya hindi mo kayang i-move." Sagot nito na pakurap-kurap pa.
Kumuyom ang kamao niya at naalala ang kakambal. Hindi ba ito masaya bilang isang prinsesa? Malungkot ba si Tari? Alam naman niyang hindi talaga palangiti si Tari at palagi itong seryoso. Pero bakit ito malungkot tuwing nakaupo sa trono?
Napakurap-kurap rin si Reina. Lalo na ngayon, alam niyang sobrang nasasaktan si Tari sa nangyari sa kanila.
"Ngayon nga lang kita nakitang nag-smile 'e. Sana palagi kang naka-smile dahil ang pretty pretty mo." Saad pa ni Iseah na nakangiti nang malaki.
"Bakit mo nasabing sad ako kapag nakaupo sa throne?" tanong niya.
"Kasi nga hindi ka ngumingiti. Hindi ka rin tumitingin sa eyes ng ibang tao. Pansin ko rin tagos ka kung tumingin. Parang invisible nga lang ako sa harap mo kapag kinukulit kita noon."
Gusto niyang salungatin ang sinabi ni Iseah dahil kapag magkasama sila ni Tari sa tuwing bumibisita ito sa kanya ay palagi itong nakatitig sa mga mata niya. Pero hindi naman niya alam kung paano si Tari sa labas at sa ibang tao.
"Baka may iniisip lang ako noon." Sagot niya kay Iseah.
"Bakit? Wala ka bang iniisip ngayon?"
Reina wrinkled her nose. Nakukulitan na rin kasi siya kay Iseah pero masaya naman siyang kasama niya ito ngayon.
"Marami." Mahinang sagot niya.
"Huh? What did you say?"
Umiling lang siya at nginitian si Iseah.
"Tara. Balik na tayo sa loob." Aniya, tumango naman si Iseah.
Tumayo silang dalawa ni Iseah at sabay na tumalon. Naghagikhikan pa silang dalawa nang natumba si Iseah at napahalik sa lupa.
Narating nila ang garden nang walang kahirap-hirap.
"Sa'n tayo dadaan papasok?" tanong niya kay Iseah dahil wala naman siyang pwedeng daanan paakyat sa kanyang kwarto.
"Sa may kitchen. May door do'n na walang lock." Sagot nito sabay turo sa isang gawi ng palasyo.
"Sige. Tara." Aniya kaya agad silang tumakbo doon. Nagtago pa sila sa isang puno nang may dumaan na kitchen staff at may bitbit na kaldero. Mukhang nang-dekwat ng pagkain sa kalagitnaan ng gabi.
Pumasok sila doon sa kitchen ng palasyo. Namangha pa si Reina dahil sa dami ng pagkaing nando'n.
"Do'n tayo dumaan." Turo ni Iseah sa isa pang pinto pero dumekwat pa ito ng tinapay sa may mesa.
Lumabas sila doon pero nagtago sa isang estatwa nang makitang naglalakad sa hallway ang hari kasunod si Kataleya.
"You are not allowing it to happen, Father!" galit na saad ni Kataleya sa ama na tila walang pakialam sa himutok ng anak. Diretso lang ang lakad nito habang hinahabol ni Kataleya. "You can't let my Katarina Zenkiah die." Ani pa ni Kataleya.
Nanlaki ang mga mata ni Iseah saka nakangangang napatingin kay Reina. "Mamamatay ka na? Bakit?" gulat nitong tanong. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin lang sa hari at sa ina niya.
"It is final, Kataleya. You've got nothing to do with it. You have no power and authority anymore. Kung sana sa simula pa lang ay inamin mo na ang totoo, sana ay nagawan ko ng paraan pero dahil d'yan sa katangahan mo ay ikaw mismo ang sumira sa pamilya mo kaya magdusa ka sa magiging kapalit sa lahat ng kasinungalingan mo." Sagot ng hari. Nakakatakot talaga ang malalim at malaking boses nito. Puno ng awtoridad at kapangyarihan.
"Pero 'wag si Katarina Zenkiah!" mahinang hiyaw ni Kataleya.
Napakagat labi si Reina at tumulo ang luha niya. Talaga bang hindi siya tanggap ng ina? Pero bakit?
"Bakit? Kaya mo bang akuin ang kamatayan na para sa anak mo?"
Natigilan si Kataleya sa naging tanong ng hari, napahinto pa siya sa paglalakad habang dumiretso lang ang hari hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ni Reina. Tinitigan niya ang inang nakakuyom ang kamao. Galit na galit ang mga mata nito. 'Di nagtagal umalis rin agad ang kanyang ina.
Binalingan niya si Iseah na gulat pa rin hanggang ngayon na titig na titig sa kanya.
"Tara na."
"Teka lang!" pigil ni Iseah, "May secret ka ba?" tanong nito.
Nakangiting hinarap niya si Iseah saka hinimas ang pisnge nito, "Tara na." aya niyang muli.
Wala sa sariling tumango si Iseah. Nadaanan nila ang kwarto ni Iseah kaya niyakap niya ito nang mahigpit.
"Masaya akong nakilala kita, Iseah Frost." Masuyong aniya at hinalikan sa pisnge ang kaibigan. Nagtatakang sinundan ng tingin ni Iseah si Reina nang umalis siya para tumungo sa sariling kwarto.
Pagkarating niya sa kwarto ay bumuntong hininga siya. Lumapit siya sa kama at nahiga hanggang sa kinaumagahan ay gano'n pa rin ang posisyon niya. Wala siyang tulog dahil hindi naman siya inaantok. Iniisip niya kung ano magiging kahihinatnan ng lahat.
Nagpakilala na sa kanya ang attendant na magiging alalay niya sa palasyo. Hindi siya lumabas ng kwarto at nagkulong lang. Dumating ang gabi at para siyang mababaliw sa mangyayari. Hindi niya mapigilang mangamba sa sasapitin ng lahat kapag papatak na ang oras ng malaking kaganapan ngayong gabi.
Umupo siya sa kama at inabot ang dalawang bandana na nakalapag doon. Hiningi niya ito kanina sa kanyang attendant. Nilibot niya ang tingin sa buong kwarto and sighed. Tumayo siya saka humarap sa salamin at sinabit ang dalawang bandana sa may gilid.
Pumasok siya sa walk-in closet at hinanap ang dress na kagaya ng suot ni Tari. Nakita niya kasi ito habang pabalik siya sa kanyang kwarto, nakatayo si Tari sa veranda na nadaanan niya nang pumunta siya sa garden para mamitas ng bulalak sa garden at ibinigay iyon sa reyna. Nag-usap silang dalawa ni Queen Cathard at nakita niyang malungkot ito.
Sinuot niya ang dress na kapareho ng kulay sa suot ni Tari saka bumalik sa harap ng salamin. Pinusod niya ang kanyang mahabang itim na buhok at sinuot ang bandana sa kanyang ulo upang matabunan ang kanyang buhok.
Tumakbo siya sa bintana ng kwarto at binuksan ito. Nalungkot siya dahil sa malaki at bilog na bilog na buwan na bumungad sa kanya. The full moon. Ito na ang hudyat.
Pinatay niya ang ilaw sa kwarto. Pumwesto siya sa harap ng bintana kung saan pumapasok ang sinag ng buwan.
Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay at marahang kinukumpas ito. Tiningnan niya ang kanyang anino at marahan siyang muling gumalaw.
"Eleven PM." She uttered.
Tumakbo siya sa pinto at tahimik na lumabas sa kwarto. Tinungo niya ang kwartong kanina niya pa gusto pasukin. Nang makapasok siya ay nagtama ang kanilang paningin, tinaas niya ang kamay na may hawak ng bandana.
"You'll be okay." Aniya na may ngiti sa mga labi.
"What are you doing here?" Namumugto ang mga mata ni Tari nang lumingon ito sa kanya. Nakaupo lang ito sa gitna ng kama at nakatulala.
Ngumiti si Reina. "Let me fix your hair." Aniya sabay lingon sa wall clock na nakasabit sa pader ng kwarto ng kakambal.
"50 minutes." mahinang sambit niya.
Hindi nagsalita si Tari. Tinalikuran siya nito at humiga sa kama. Humiga rin siya sa tabi nito at marahang niyakap mula sa likod ang kakambal. Nararamdaman niya ang panginginig nito.
"I don't want to see you." Galit na wika ni Tari. "I will never forgive you for ruining my life."
"You'll be okay." Saad niya sabay tapik sa balikat nito at hinalikan sa likod ng ulo. Marahan niyang hinila ang kakambal upang paupuin. Hindi na ito nagprotesta at hinayaan na lang siyang gawin ang gusto niya.
Pinusod niya ang mahabang gintong buhok ni Tari. Inabot niya ang bandana at maayos na tinaklob ito sa ulo ng kakambal na hindi makita ang buhok. Muli niyang hinila ang kakambal patayo at dinala sa harap ng malaking salamin.
Parehong damit, parehong bandana sa ulo, parehong mukha at hubog ng katawan. Siguradong malilito ang kung sino man ang makakita sa kanila ngayon. Maliban sa kulay ng mga mata.
"Why?" Mahinang tanong ni Tari sa kanya. Pumwesto siya sa likuran nito at niyakap ito nang mahigpit.
"I love you. I love you very much." Mahina at taos-pusong saad niya pero nanatiling walang emosyon si Tari.
Pinihit niya paharap sa kanya ang kakambal at binigyan ng isang matamis na ngiti.
"Let's play, hide and seek." Aniya pero hindi ito nagsalita. "You'll be the one to hide and I will look for you."
Niyakap niyang muli ang kakambal nang mahigpit.
"You will always be the real Princess and I will always be your twin sister." Aniya at humiwalay sa pagkakayakap. "I am Katareina Zavina." Turo niya sa kanyang sarili, pagkatapos ay tinuro niya ang kakambal. "And you are Katarina Zenkiah." umiling siya. "Nothing will change." Nakangiting aniya. Dinikit niya ang kanyang noo sa noo nito.
"I love you, my twin." Naluluhang saad niya habang nakatitig sa mga mata ng kakambal.
Ang pagmamahal ay pagsakripisyo.
Love is selfless. Love is unconditional. Love is acceptance. Love is surrender. Love is sacrifice. Love understands any situation that you and your love may encounter. Love is always willing to suffer just to see the one you love happy.
Love will choose death to give life for the one she loves.
"I hate you." galit na sumbat nito sa kanya kaya tumulo ang kanyang mga luha saka nakangiting lumayo sa kakambal. Pinigilan niya ang labi sa sobrang panginginig.
Gusto niya pang makasama ang nang mas matagal si Tari. Gusto niya pang tumawa muli kasama ito. Gusto niyang pang mabuhay pero...
"Let's play now." Aniya at marahang tinulak palayo ito pero nanatili itong walang pakialam sa paligid. Nilingon ni Reina ang wall clock.
"10 minutes." Mahinang sambit niya. "Go on. Hide! I promise I won't peek." Udyok niya sa kakambal pero hindi ito kumibo.
"Aish. Stubborn." Pilit ang tawang aniya.
Tinulak niya ang kakambal papunta sa closet nito at pinapasok doon. Pinaupo niya ito. Nakatingin lang ito ng diretso sa kawalan. Hinalikan niya ito sa noo nang sobrang riin at buong puso.
"I love you so much, Zenki baby. Don't let them find you until it's done." Huling wika niya at sinirado ang closet. Tumakbo siya sa switch ng ilaw at pinatay ito.
Pumunta siya sa kama ng kakambal at humiga doon. Bumuntong hininga siya at inalala lahat ng mga nangyari sa maikling buhay niya. Napangiti siya nang malungkot.
"Hurting means loving. When there is love, expect the pain." Aniya saka hinayaang tumulo ang masagana at piping luha sa kanyang mga mata.
Life is always unfair but Reina is happy and contented that she'd got a chance to live and to see a glimpse of wonder of this beautiful world. Life is always unfair but Reina would rather choose being unfair to herself than to be unfair to her twin sister.
Bumukas ang pinto ng kwarto kaya pasimple niyang pinunasan ang luha at nilingon ang closet. Bahagyang nakabukas ang pinto nito.
Naramdaman niya ang paggalaw ng kama kaya marahan siyang lumingon sa paanan. Nakita niya si Kataleya na umupo doon. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa kanya.
Umupo siya sa kama, hindi niya masyadong nakikita ang mukha ng ina dahil sa sinag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa buong silid. Nakatalikod rin ang gawi niya sa bintana kaya hindi rin kita ang mukha niya.
Lumapit ang ina sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Natigilan siya dahil ito ang kauna-unahang beses na naramdaman niya ang yakap ng isang ina. Ang sarap pala sa pakiramdam. Napaiyak siya at niyakap niya pabalik ang ina.
She had been longing for a mother's hug and she couldn't find the exact word to describe the overwhelming feeling being in the arms of her mother.
"You know that I love you baby. I'm sorry, I can't do something against this but I promise you that she will suffer as long as I live." Saad ng ina kaya napaiyak siya lalo.
Masaya siya habang nasa bisig ng ina pero ang sakit-sakit dahil sa pangakong binitawan nito at alam niyang siya ang tinutukoy ng ina. Hanggang sa huli kinamumuhian pa rin siya ng kanyang ina at hindi niya alam kung bakit.
"I love you, mommy. I love you so much. I always do." Hindi niya na napigilan ang tunay na nararamdaman para ina.
Natigilan si Kataleya at marahas na humiwalay ng yakap sa kanya nang marinig ang boses niya. Inabot nito ang lampshade at pinailaw. Tumayo ang ina saka nakangising nakatingin sa kanya. Tinitigan nito ang kanyang matingkad na asul na mga mata.
"Hah! So, you're really a smart trash. It's good that you have thought of this. You have done something better before you die." May galit na saad nito pero bakas ang tuwa sa mga mata.
Natutuwa ito na siya ang nasa kama at hindi si Tari.
"M-mommy." Sinubukan niyang abutin ang kamay ng ina pero malakas nitong tinampal ang kamay niya. mariin niyang kinagat ang labi hanggang sa nalasahan niya ang sariling dugo.
Gustong niya pang mayakap kahit ilang segundo lang ang ina.
"Good bye. Thank you for letting your sister live." Walang emosyong anito at mabilis itong lumabas ng kwarto.
Napatulala siya sa kawalan. Bakit ang sakit? Sinapo niya ang kanyang dibdib dahil ang sakit-sakit na, pagod na pagod na siya.
"Matatapos na rin ito, Reina. Ilang minuto na lang." aniya sa kanyang sarili.
Matagal niya nang gustong tumakbo palayo sa mga sakit. Gusto niyang magtago para lubayan na siya pero she can't find a way out but one thing for sure will help her lessen the pain and now, she chose it.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok doon ang dalawang taong nakaitim na cloak. Napatingin siya sa kamay ng isa nang kumislap ang hawak nito dahil sa sinag ng buwan.
Pinatay ng isa ang lampshade kaya tanging sinag na lang ng buwan ang nagbigay liwanag. Hinanda niya ang sarili at hinintay kung ano ang gagawin ng dalawang taong ito.
Ngayon na ang sacrificial night. Napangiti siya nang malungkot at nilingon ang bintana kung saan nakadungaw ang malaking buwan.
'Hiniling ko sa'yo na sana 'wag ka nang mas lumaki at bumilog pa pero bakit pati ikaw ay ipinagkaitan mo ako? Hindi mo rin ba ako gusto? Do you hate me too? Gusto ko lang naman maging masaya pero hindi ko kayang maging makasarili.'
Inalalayan siya ng isa na humiga sa kama. Inayos pa nito ang pagkakakumot sa kanya hanggang sa beywang. Hindi niya alam kung babae o lalaki ba ang mga ito dahil may suot rin ang dalawang tao ng gloves.
Narinig niyang may binubulong na chant gamit ang ibang lenggwahe ang dalawang tao na nakatayo sa magkabilang gilid ng kama.
Isang minuto bago pumatak ang hatinggabi. Napatingin siya sa hawak ng taong nasa kanan niya. Isang syringe. Ininject nito ang laman sa kanya. Napangiwi siya dahil walang ingat ang ginawa nito sa kanya. Naramdaman niya ang mainit at mahapdi na likidong dumaloy sa kanyang mga ugat sa braso hanggang sa unti-unti niyang naramdaman ang pagsikip ng kanyang dibdib.
She felt the abrupt contraction of her muscles on her chest area. Her breathing became uneven. Her fingers and toes begin to get numb. Her nape is tightening. Her eyes dilated and her lips are shaking.
'Mawawala na ang sakit at lungkot dito sa puso ko. I will never be sad again because everything will end here. And as for Katarina Zenkiah, she will always be the princess.'
Itinaas ng taong nasa kaliwa niya ang kamay na may hawak na golden dagger, sinundan niya ito ng tingin hanggang sa pwersadong ibinaba ito ng taong 'yon papunta sa kanya.
Kasabay ng pagtunog ng kampana bilang hudyat na hatinggabi na ay ang sakit na naramdaman niya na dulot ng matalim na bagay na pumunit sa kanyang balat na nanuot hanggang sa kanyang laman sa mismong gitna ng kanyang dibdib.
'Katarina Zenkiah will be happy and will never be sad, again, same goes with my Mommy.'
Napaigtad siya at napanganga dahil pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso at sa masakit na katotohanang hanggang dito na lang siya.
Like a movie, images of people she loves and scenes happened in her short life flooded on her blurry mind. A stream of tears flow down in her lonely eyes. She move her head and turn to look at the closet where the person she loves the most was hiding.
No, she's not escaping from pain. She's just willing to sacrifice for the one she loves and she find death as the answer.
Nanlalaki ang mga mata ni Tari dahil sa nasaksihan. She was shocked that she almost believes she was just dreaming.
Their gazes met and were nailed into each other. As always they do, their eyes are talking to each other that only their hearts could understand.
"I love you, Zenki baby." Poor Katareina Zavina mouthed with a smile on her lips as she took her last breathe.
Her heart pounded hard, so hard and she believed it was the last beat.
-End of Chapter 8-
Thank you for reading freaks!
HUHUHUHU! Buset. T.T
Please say something and inspire me with your words. Labyuuu!
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com