Fifteen: RTQGA
Bawat pangyayari sa kwentong ito ay may dahilan. Bawat pangungusap na sinusulat ko ay may mga kahulugan. Kung ano ang mga nangyari sa She's Enigmatic ay may kaugnayan sa mga nangyayari dito sa Borrowed kaya importante ang bawat salitang binitawan. Kung ano man ang magiging kahihinatnan ng kwentong ito ay ayon sa tingin kong nararapat. Maraming salamat.
Chapter 15: RTQGA
Enjoy reading!
3rd.
Prente at pasipol-sipol lang na naglalakad si Morisette sa gilid ng kalsada. Nakapamulsa at palinga-linga sa paligid na tila aliw na aliw sa pagsa-sightseeing habang hila-hila ng isa niyang kamay ang isang malaking maleta. Tirik na tirik ang araw dahil tanghaling tapat at polluted air ang nasisinghot pero parang wala siyang pakialam kahit pa matusta siya sa ilalim ng araw.
Pangarap niyang maging natural na umitim pero hanggang pangarap na lang 'yon dahil sa mas natural niyang pagkaputi. Dahil isa siyang half-Irish, one-fourth Slovene at one-fourth Pinay. Kaya angat na angat ang pagiging Irish niya at tanging namumula lamang siya kapag bumilad sa araw.
Pinagtitinginan na rin siya ng mga tao dahil sa kakaibang gandang mayroon siya at nagtataka kung ano ang trip niya na tila nasa loob lang siya ng theme park na sa katunayan ay naglalakad siya sa kahabaan ng national highway ng siyudad ng Buevo (Big City).
Kakarating niya lang galing Ireland at do'n nagbaksyon ng ilang buwan.
Hinubad niya ang suot na maong jacket kaya halos lumuwa ang mga mata ng kalalakihan at ng ibang tsuper nang makitang nakasuot lamang siya ng isang manipis na itim na sando. Kitang-kita ang kanyang cleavage. Tinali niya sa kanyang baywang ang jacket at binungayngay ang mahabang buhok na kulay medium blonde.
Patuloy siya sa paglinga-linga habang mahinang naglalakad. Ilang beses na ring may nang-alok sa kanyang ihatid siya pero hindi niya ang mga ito pinansin.
Pagkalipas ng higit isang oras ng paglalakad ay narating niya ang isang barangay ng Buevo.
"Oh?" bulalas niya nang makita ang isang pamilyar na entrance ng isang subdivision. Wala sa sariling napangisi siya.
Naglakad siya papasok doon pero sinalubong siya ng isang guard.
"Good afternoon po Ma'am. May bibisitahin ba kayo sa loob?" tanong nito sa kanya. Matanda na ito at halatang magalang na lalaki. Inaya siya nitong sumilong sa guard house dahil sobrang pula na ng balat niya, pinagpapawisan na rin siya at bahagyang hinihingal.
Hindi sumagot si Morisette kaya napakamot ng ulo ang guard.
"Are you visiting someone inside the subdivision, Ma'am?" ulit na tanong nito na may matigas na ingles. Napatingin si Morry sa guard at tumango. "Who is it, Ma'am? Do you have any ID ma'am? So that I can call your friend that you're here."
"Gylord Concepcion." Sagot niya sa tonong Irish Accent.
Gylord /Gee-Lord/
Napatango naman ang guard at napangiti nang makilala ang pupuntahan ni Morry.
"Ah si Sir Gylord pala. Wait a minute ma'am. I will call his house." Anang guard na nakangiti, kukunin na sana nito ang telepono nang pigilan ni Morry.
"H'wag mo siyang tawagan. Susurpresahin ko siya sana." Saad niya sa matatas na tagalog ngunit naroon pa rin ang kanyang Irish Accent.
Napatanga naman ang guard nang marinig ang sinabi niya, wala sa sariling napahid ito ng ilong.
"Nagtatagalog ho pala kayo ma'am." Pilit ang ngiting anito.
"Oo naman. Bakit may nagsabi bang hindi ako marunong?" nakataas ang kilay na tanong niya kaya agad umiling ang guard.
"Pwede na ba akong pumasok?" tanong niya. Tumango ang guard at hiningian siya ng ID na agad niya ring ibinigay.
"Anna Jacobs?" basa ng guard sa ID na kanyang binigay. Napangiti siya. Binigay naman ng guard ang direksyon ng bahay ni Gylord. "Sa Phase 2, block 1, ang pinakaunang bahay do'n Ma'am Anna, 'yong Glass House na may itim na gate. 'Yon po ang bahay ni Sir Gylord."
Tumango na lang siya at nagsimulang maglakad. Inalok pa siya ng guard na sumakay na lang siya ng service vehicle ng subdivision tungo sa bahay ni Gylord pero tumanggi siya dahil gusto niya lang maglakad.
Pagkalipas ng dalawampung minuto ay narating niya ang bahay ng taong kanyang pakay. Agad siyang nag-door bell, tumunog ang security monitor sa gate.
"Sino po 'yan?" tanong ng isang boses ng babae. Baka katulong.
"Morisette 'The end of you' Everstrife." Nakangising aniya.
Nakarinig siya nang malakas na lagabog mula sa monitor at bigla itong na-off. Mas lalo siyang napangisi. Paulit-ulit siyang nag-door bell.
Muling nag-on ang monitor, "Walang tao rito! Umalis ka na!" sigaw ng isang lalaki mula sa loob kaya natawa si Morry. Bago pa ma-off ang monitor ay nagsalita siya.
"Papasukin mo ako, Gylord kung ayaw mong papasabugin ko 'tong glass house mong punyemas ka." Kalmadong aniya at maya-maya pa ay bumukas ang gate at may sumulubong sa kanyang katulong na may mukhang natatakot sa kanya.
Pumasok siya at nakangising tinungo ang main door ng bahay. Bumukas ito. Iniwan niya ang maleta sa labas at pumasok na sa loob. Bumungad sa kanya ang mga nakahilera at nakayukong mga maid sa harap ng living room.
Tumabingi ang ulo ni Morry nang makita ang mabalahibong binti sa likod ng isang maid.
"Lumabas ka na d'yan, Gylord. Alam mong mainipin akong tao." Aniya at tumayo nang tuwid.
"Umalis ka na!" sigaw nito at akmang tatakbo na sa hagdan.
"Baka gusto mong halayin kita sa harap ng mga katulong mo?" nakangising tanong ni Morry. Nakasimangot na lumingon ang binata.
"Manyakis ka! Hindi kita kilala! Shoo!" pangtataboy nito.
"Ibigay mo na sa akin ang pinatago niya. Ngayon na ang takdang oras." Aniya kaya natigilan ang binatang nakasuot ng pink pajama shorts. May suot pa itong malaking bunny headphones at nakasabit pa sa leeg nito ang Pokemon printed eye cover. Magulo rin ang kulot nitong buhok.
Nakangusong lumingon si Gylord sa kanya, "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo! Wala akong alam! Walaaa." Sigaw nito kaya natawa si Morry.
"Baka nakakalimutan mo ang usapan natin noon na kukunin ko 'yon sa'yo?"
Nagpapadyak si Gylord. "Kasi naman 'e."
"Bakit may problema ba, Gylord?" Nakataas ang kilay na tanong ni Morry.
"Wala. Kasi wala ka namang dapat kunin sa'kin." Pagmamatigas nito.
Tiningnan ni Morry si Gylord nang nakakaloko. "Hmm. Ganito na lang kung ayaw mong ibigay sa akin ang hinihingi ko ay sasabihin ko na lang kay Zync Orlando na marami ka pang nakatagong kopya ng mga candid at stolen shots ni Katarina." Nakakalokong wika ni Morry kaya nanlaki ang mga mata ni Gylord.
"Tapos ang malala pa mayroon ka pang selfies kasama si Katarina? Hmm. Ano kaya ang magiging reaction ni Zync 'no? Tsk. Tsk." Dagdag pa niya.
"H'waaaaag!" malakas na sigaw nito at humangos na tumakbo tungo sa kanya. Pinaghahawi pa nito ang mga nakaharang na maids.
"Ayaw mo namang ibigay sa'kin ang hinihingi ko kaya si Zync na lang ang uutusan kong kumuha no'n sa'yo." Akmang tatalikod si Morry nang pigilan siya ni Gylord. Hinawakan nito ang braso niya nang mahigpit.
"'To naman. 'Wag kang ganyan! Alam mo bang masama ang ugali ng lalaking 'yon?! Kaya 'wag mong sabihin sa kanya ang sikreto ko." Maamong anito. "Pero paano mo nalaman ang tungkol sa selfies namin 'e kami lang kaya ni Katarina ang may alam no'n?" tila kinikilig pang anito.
Natawa lang si Morry.
"Ano ba 'yong sinasabi mo, Morisette?" tanong ng binata.
Napangisi si Morry, "Alam mo kung ano ang hinihingi ko." Aniya kaya bumuntong hininga si Gylord at bumitaw sa kanya. Bagsak ang balikat nitong tumingin sa kanya.
"Ano nga 'yon?" nakangusong anito sabay kamot ng ulo.
Tumungo si Morry sa sofa at do'n prenteng umupo. Sumunod naman si Gylord sa kanya at tumayo sa harap.
Binalingan muna nito ang mga katulong na nakakalat.
"Ba't kayo nakikinig?" sita ni Gylord sa mga katulong. "Ano kayo audience?" agad namang nagsialisan ang mga ito.
"So? Ibibigay mo o hindi?" inip na tanong ni Morry.
"Ano nga 'yon?" maang-maangan pa rin nito.
"Ang bagay na ibinigay ni Katarina sa iyo exactly one year, two months, one week and four days ago." Seryosong saad ni Morry kaya napayuko si Gylord. Umupo ito sa sahig at yumuko.
Naningkit ang mga mata ni Gylord habang nakayuko. "Wala naman ah." Pagmamatigas nito. "Wala kayang binigay si Katarina sa akin." Umiwas ito ng tingin.
Tinitigan lang ito ni Morry nang matiim. Nailang naman si Gylord.
"Nando'n ka rin sa Road of Death no'ng gabing may nangyaring laban. Kaya alam kong alam mo kung ano ang nangyari kay Katarina." Saad ni Morry kaya napatungo si Gylord at biglang may sumagi sa kanyang isipan na pangyayari.
"Wala ako do'n." nakangusong sagot naman nito.
"I am Eye, Gylord. I could see everything I wanted to see kaya alam kong nando'n ka no'ng gabing 'yon."
"Wala kaya." Tanggi pa nito.
"What can an obsess stalker do with his camera?" nakangising tanong ni Morry.
Bumuga ng hangin ang binata saka sumusukong tiningnan ang dalaga, "Anong klaseng tao ba kayo? Bakit gano'n ang nangyari no'n? Bakit gano'n ang nangyari sa kanya? Nasaan na siya?"
"You wouldn't want to know what kind of people we are." Sagot niya. "But since, marami ka nang alam tungkol sa amin dahil sa kakasunod mo kay Katarina, damay ka na sa gulo namin lalo na at sa iyo niya ipinagkatiwala ang isang importanteng bagay sa amin. Tapos na ang responsibilidad mo Gylord, kailangan mo na itong ibigay sa akin. Kung ayaw mong madamay sa mas malaking kaguluhan na mangyayari."
Natahimik si Gylord at biglang kinabahan sa narinig kay Morry. Alam naman ng binata na mga delikadong tao ang dalagang kaharap niya ngayon at ang babaeng lubos niyang hinahangaan na si Katarina. Dahil sa kakasunod kay Katarina simula no'ng nakita ito ni Gylord sa Laroa University ay marami nang natuklasan ang binata sa pagkatao ni Katarina.
Ilang beses niya nang nasaksihan kung paano walang awa nitong pinapatay ang mga taong nagtatangka sa buhay ni Zync noon.
Kaya tinablan siya ng kaba at takot sa sinabi ni Morry dahil sa mga nasaksihan niyang nangyari noon sa Road of Death ay sobrang trauma na ang dinanas niya. Nasaksihan niya rin ang pagkuha ng mga ninja'ng naka-helicopter kay Katarina. Iba talaga ang nagagawa ng obsess stalker. lul.
"Cat got your tongue eh?" nakangising ani Morry nang mapansin ang mukha ni Gylord. "Ibigay mo na sa akin Gylord nang makaalis na ako dito sa pamamahay mo kung ayaw mong dito na ako titira at lulumpuhin kita sa ibabaw ng kama."
Nanlaki ang mga mata ni Gylord at namula sa turan ni Morry.
"Haven't tried to push yourself on a soaking flesh yet?" Panunukso pa ni Morry na mas lalong ikinapula ni Gylord. "Want me to deflower you?" dagdag pa niya.
"I can't believe this!" bulalas ni Gylord at tila kinikilabutan na tiningnan si Morry. "How can a woman like you say those things? You're too liberated!"
Kunwaring nalungkot naman si Morry, "My cherry popped when I was only sweet sixteen and I have been so fvcking active in the next years but did you know—"
"STOP! STOP! STOP!" umalingawngaw ang sigaw ni Gylord. "Ang bastos mo! Ang ganda-ganda mo pa naman tapos napaka-salaula n'yang bibig mo."
Tumawa nang malakas si Morry. "Sige. Ito na lang. Ibigay mo na lang sa akin ang hinihingi ko." Tinaas-baba pa niya ang kanyang kilay.
"Hindi mo pa nga sinasabi ang password 'e." bulong ni Gylord na nakatingin sa ibang direksyon.
"Anong sabi mo?" tanong ni Morry.
"Wala. Sabi ko hindi ko alam ang tinutukoy mo." Anito.
Bumuntong hininga si Morry saka tumayo. Napangiti naman si Gylord nang maglakad palabas si Morry. Uutusan na sana nito ang isang katulong na i-lock ang pinto nang biglang bumalik ang dalaga.
Nanlalaki ang mga mata ni Gylord nang makita ang bitbit ni Morry na nakuha niya sa kanyang maleta na iniwanan sa labas ng bahay. Napalunok pa ang binata na titig na titig sa bazooka at ang bala nito na hawak ni Morry.
"Ibibigay mo ba o hindi?" nakangising tanong niya nang makatayo siya sa harap ng binata. Napaatras ito palayo sa kanya pero umiling pa rin. Nagmamatigas.
Nilagay niya ang bala ng bazooka saka tinutok ito sa direksyon ng grand staircase. Target niya ang malaking frame ng isang collage forming an image of a woman. Mga nakaw na kuhang litrato ni Gylord kay Katarina nang nasa Laroa University pa ito.
Biglang namutla si Gylord.
"I'll give you 3, 2, wa—"
"Oo na! Oo na!" sigaw ni Gylord saka dumipa sa harap mismo ng nguso ng bazooka na hawak ni Morry. "Please, ibaba mo na 'yang hawak mo! Huhuhu! Baka may masira ka dito sa bahay ko!" pagmamakaawa nito.
"Ibibigay mo na ba?" nakangising tanong niya.
Ilang beses na tumango si Gylord, "Huhu! Password muna."
"What password?" kunot-noong tanong niya.
"Sabi ni Katarina na kahit anong mangyari 'wag na 'wag ko raw ibibigay kahit kanino. Dahil siya ang nagbigay sa akin kaya siya rin daw ang kukuha sa takdang oras. Pero kung may mangyari man daw na hindi inaasahan hindi ko pa rin ibibigay kahit kanino kung walang alam sa password na sinabi niya sa akin." Mabilis na lintanya ni Gylord na walang hinga-hinga.
Napatango si Morry at napaisip.
"Nooooooo!"
Umalingawngaw ang sigaw ni Gylord kasabay nang malakas na tunog ng pagkabagsak ng bazooka sa sahig nang bigla itong binitawan ni Morry.
"Wooops. Sarreh."
"My marble floor!" histerikal na sigaw ni Gylord nang makitang nagkabitak ang sahig. Mangiyak-ngiyak itong tiningnan si Morry. "Anong ginawa mo?!" singhal nito.
"Nangangalay na ako." Simpleng sagot niya saka umupo sa sofa.
"Bakeeet?! Pwede mo namang ilagay nang marahan at maayos a?! Paano kung biglang sumabog 'yan?! Ang sahig kooo." Ngumuwa na si Gylord habang nakaluhod sa harap ng bazooka at sa sahig na nagkalamat.
"Psh. Arte. Bakla." Morry hissed saka nanahimik na at nahulog na sa malalim na pag-iisip.
Habang si Gylord naman ay natatarantang tinawag ang head butler nito at inutusang tawagan ang finest engineer in town para ayusin ang mahal na mahal nitong sahig, now na ASAP.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang engineer na pinatawag ni Gylord na may dala ng gamit. Pinaalis pa ni Gylord ang ibang katulong dahil baka makasira ng gamit niya sa bahay at pagkatapos ay tinutukan nito ang ginagawa ng engineer.
Maya-maya pa ay napalingon si Morry sa dalawang lalaki. May napansin siya kaya naglakad siya papalapit dito. Bigla niyang hinablot sa kamay ng engineer ang nabitak na marble floor na kulay golden brown.
Tinitigan niya ito nang mabuti at biglang napatawa nang malakas nang maaninag niya ang isang imahe sa bitak na marble floor na hawak. Nag-echo ang tawa niya sa buong bahay.
"Fvck! Seriously?" tanong niya nang makahinga na siya nang maayos pagkatapos ng kanyang tawa.
Tinitigan niyang muli ang bitak na may faint na image ni Katarina saka binaling ang tingin sa ibang parte ng sahig at doon niya lang napagtanto kung bakit OA ang reaksyon ni Gylord sa ginawa niyang pagbagsak ng bazooka sa sahig dahil sa tunay na nakatagong disenyo ng sahig nito sa buong bahay.
Customized marble floor with Katarina's images with low opacity as the hidden design.
"Wag ka ngang tumawa! Lumalaki ang butas ng ilong mo!" anas ni Gylord saka hinablot ang bitak na hawak niya.
Natatawang napaatras naman siya saka bumalik ng upo sa sofa. Pinanood niya na lang ang dalawa sa ginagawa. Pero malikot ang mga mata niyang pinasadahan ng tingin ang bawat gamit sa buong bahay. Muli siyang napatawa nang gaya ng sa sahig ay may mga hidden images rin ni Katarina ang mga gamit.
Napasipol siya nang singhalan na naman siya ni Gylord.
"What can an obsess fanboy do? Tsk. This is creepy." Napapailing na komento niya. "If I have a stalker like you, I would kill you since the first day. Kinikilabutan ako sa'yo."
"Inggit ka lang." ismid ng binata.
Tiningnan niya si Gylord. Do'n niya lang napansin na nakaalis na pala ang engineer at maayos na ang sahig na nabitak.
"Ibang klase." Napailing siya.
"Alam mo." Panimula niya kaya napatingin si Gylord sa kanya. "Masasaktan ka lang." realtalk ni Morry dito.
Sumama ang tingin ni Gylord, "Malakas kaya ang laban ko. Close na kami ni Katarina 'no."
"Since when?" nakangising tanong niya.
Napairap ang binata, "Duh? Hindi niya ipagkakatiwala sa akin ang bagay na 'yon kung hindi kami close 'no."
Natawa nang mahina si Morry. Naalala niya ang sinabi ni Katarina(Reina) sa kanya tungkol sa napakaimportanteng bagay na kakailanganin nila sa takdang oras na ipinagkatiwala ni Katarina(Reina) sa kanyang obsess fanboy na kinaiinisan ni Zync sa Laroa University na ang pangalan ay Gylord Concepcion.
Ito ang pinili ni Katarina(Reina) na mangalaga sa bagay na iyon dahil wala itong kaugnayan sa KZ Empire o sa mga grupong kinabibilangan nila. Mas ligtas ito sa kamay ni Gylord dahil alam ni Katarina(Reina) na iingatan nito ang bagay na iyon at hindi ito paghihinalaan ng kalaban.
Nang dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay si Morisette ang binilinan ni Katarina(Reina) na kunin ang bagay na iyon kay Gylord sa takdang oras.
"Sinabihan na kita a. Masasaktan ka lang at iiyak sa huli. Kaw rin." Aniya.
Nalukot ang mukha ni Gylord, "Bakit naman? Dahil kay Zync? Psh. Wala naman 'yong balls."
Ngumisi lang si Morry at hindi umimik.
"So ano na?" anas ni Gylord. "Give me the password." Taas-noong anito.
Tinuro ni Morry si Gylord gamit ang kanyang hintuturo. She gestured him to go near her. Agad namang lumapit si Gylord sa kanya.
Pinayuko niya ito saka niya nilapit ang bibig sa tainga at binulong ang hinihingi nitong password.
"RTQGA." bulong niya dito.
Tumango na lang si Gylord dahil tama ang sinabi nitong mga letra. Lalayo na sana ito kay Morry nang bigla niya itong hinawakan sa batok at mariin na hinalikan sa labi.
Nagpumiglas si Gylord at takot na lumayo sa kanya.
"Hayop ka!" OA at madramang sigaw nito habang hawak-hawak ang sariling labi.
"Do you know that I have been so dried up for almost two years already? I need some dehydration." Saad ni Morry na may paos na tinig habang titig na titig kay Gylord na umiiyak na.
"Walanghiya ka!" sigaw ni Gylord. "You harassed me!"
"Make me soak, Gylord." Aniya pa habang tinatago ang ngiti.
"Waaaaaa! Hindi ko talaga ibibigay sa'yo ang bagay na iyon!" anito kaya tumawa nang malakas si Morry.
Tinigil na niya ang panunukso sa binata dahil ang pangit nitong umiyak. Ngayon ay nag-uusap na sila nang masinsinan.
"So ibig mong sabihin totoo talaga 'yong balita noon na siya ang Crown Princess ng Slovenia?" tanong ni Gylord.
Tumango si Morry.
"Siya rin ba ang hinahanap ngayon ng European Federation? E sino naman 'yong kumuha sa kanya no'ng gabing 'yon?"
"Mas mabuting 'wag mo nang dagdagan ang nalalaman mo."
Napasimangot naman ito, "E, bakit ngayon ka lang nagpakita? Diba nagpakilala ka sakin ten months ago, sabi mo kukunin mo ang bagay na 'yon sa akin one month after pero bakit ngayon ka lang?"
Napahugot nang malalim na hangin si Morry dahil sa kakulitan nito. Pansin niya rin na tila inaaliw siya nito at pinapatagal pa ang pag-uusap nila.
"May mga bagay na dapat hindi minamadali at may mga bagay na kailangan ng oras bago makuha. May rason ang lahat kung bakit nangyayari 'to, Gylord. At ngayon ay kailangan mo nang madaliin ang pagbibigay sa akin ng hinihingi ko kung ayaw mong madaliin ko rin ang buhay mo." Seryosong aniya kaya ngumuso ang binata.
"Gusto kong tumulong sa inyo. Kahit pa magkikita ulit ang landas namin ni Zync." Determinadong wika ni Gylord.
"Bakit ka ba inis na inis kay Zync? Mabait naman 'yon."
Pumalatak si Gylord, "Anong mabait?! Ang sama kaya ng ugali no'n. Sinira niya ang mga gadgets ko tapos nagkalat pa siya ng tsismis tungkol sa akin sa school kaya nabully ako! Kaya nga nag-online module na lang ako e. Masama bang humanga kay Katarina?! Kainis ang taong 'yon." namumula sa inis na palatak nito.
"Pareho kayong patay na patay sa kanya." nakangiting wika ni Morry. "Ano na? Kunin mo na ang hinihingi ko sa'yo." Utos niya dito sabay sipa sa paa ni Gylord.
"Bwisit! 'Wag ka ngang manakit."
*****
"Sa'n tayo pupunta?" aligagang tanong ni Gylord kay Morry na nagda-drive. Minamaneho niya ang kotse ng binata. Ayaw niya sanang isama ito sa kanyang pupuntahan pero nagpumilit ang binata.
"Kumalma ka nga. Bakit ka ba aligaga?" tanong niya at diretso lang tingin sa daan.
"Eh kasi, ngayon lang ulit ako nakalabas ng bahay. Sampung buwan kaya akong nagtatago dahil sa tsismis na kumalat tungkol sa akin! Si Zync ang may kasalanan!" anito habang malikot ang mga mata. Pabaling-baling sa daan at kay Morry ang tingin.
Balot na balot si Gylord ngayon, nakasuot ng isang black parka na may furry hood. Nakasuot pa ng gloves at parang bubuyog sa laki ng lens ng suot na sunglasses.
Napairap si Morry dahil heavy tinted naman ang kotse.
"Ano ba ang tsismis na 'yan?" usisa niya sa lalaki. Namula naman ito.
"Wala!" bulalas nito. "H'wag ka nang magtanong." Anito at binaling ang tingin sa labas saka bumulong-bulong ng kung anu-ano.
Tumawa na lang nang mahina si Morry at hindi na inusisa pa ang binata dahil halatang naiilang ito.
"Sa'n nga tayo pupunta?" pangungulit nito.
"Hindi ka ba naiinitan d'yan sa suot mo?" tanong niya.
Sumimangot si Gylord, "Sa'n nga?"
"Sa isang taong magiging sandalan natin sa oras ng kaguluhan habang hinihintay natin ang pagbabalik niya." makahuluhang aniya kaya natahimik si Gylord.
Pero humirit ito maya-maya pa, "Alam mo ang ganda mong babae pero kasing amoy mo ang construction worker. Babae ka ba talaga?" nakangiwing anito kaya napaismid siya.
Bago dumilim ay narating nila ang isang mansion sa isang exclusive village. Hindi naman sila nahirapang nakapasok dahil kilala si Morry ng mga tauhan.
"Morisette. I'm glad you finally came." Bungad ng babaeng pakay nila.
"Lady Mojica." Aniya saka niyakap ito. Niyakap rin siya nito pabalik. Pero agad siyang bumitaw nang mapansin niyang nakangiwi at lukot ang ilong ni Mojica.
Batid niya namang nag-aamoy araw na siya pero wala naman siyang putok. Amoy araw lang talaga. Kanina pa nga nagrereklamo si Gylord sa amoy niya sa kotse.
"Have a seat." Aya nito. Agad naman siyang umupo sa sofa, hinila niya pa si Gylord para umupo sa tabi niya dahil nagmumukha itong poste.
"Who's this young man with you?" nakangiting tanong ni Mojica habang naweweirduhang pinasadahan ng tingin si Gylord dahil sa suot nito.
"He's Gylord Concepcion." Sagot ni Morry.
"Ah. He's the one." Ngumiti si Mojica kay Gylord kaya napayuko ang binata dahil sa hiya. "So, you're the stalker of my niece in Laroa University?" tanong ni Mojica kaya napaayos ng upo si Gylord at nanigas.
"Hindi ah." Tanggi nito sabay iwas ng tingin.
Kinabahan ang binata dahil kaharap lang naman nito ang tiyahin ng babaeng hinahangaan. Natawa na lang si Mojica at Morry. Hinayaan na lang nila ito dahil halatang ayaw umamin ng binata.
"Morry, how was your trip in Ireland?" baling ni Mojica sa kanya.
Ngumiti siya at bahagyang tumango, "They're just waiting for your orders."
"That's good to hear."
Napalitan ng ngisi si Morry at Mojica. Pabalik-balik naman ang tingin ni Gylord sa dalawa.
"Let's get it started then?" anunsyo si Mojica saka tumayo.
Napangisi si Morry, "Game on."
-End of Chapter 15-
Note: Huwag kayong malito kung sa POV ni Zync at sa ibang mga chapters ay Katarina pa rin ang tawag nila kay Reina. Ito ay dahil hindi pa nila alam ang existence ni Katareina Zavina except kay Mojica at Mattheus na nasabi na rin kay Ryleen. Pero sina Zync, Sia at iba pa ay hindi pa alam ang tunay niyang pagkatao. Okay?
Thank you for reading freaks!
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com