Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

First

FIRST

Note: Isipin niyo na lang na ang mga dialogue na binabasa ninyo ay European Language (Italian, French, German & such) since Slovenia ang setting, I'll be using our own language with English instead.

P.S. This is not Chapter One.


Enjoy reading!

FLYNN FLAMENCO


"Lord Flynn, the collection of data is completed. It is ready for transmission to the receptor."

A triumphant smile curved on my face. Inikot ko ang aking swivel chair at hinarap ang aking Assistant Head Scientist. He was bowing his head but I could see his satisfied smirk on his lip.

"I want the transmission, NOW."

Bakas sa mukha niya ang gulat nang mag-angat ng tingin.

"B-but... it would be impossible, L-Lord Flynn. Hindi pa handa ang receptor. Hindi pa po nakaka-adjust ang katawan niya, she needs time to let her system to regulate and adapt. Her body has been preserved for 11 years, baka po ikakama—"

Malakas kong binato ang goblet sa mismong mukha niya pero hindi siya natinag sa kinatatayuan, napangisi ako sa kaloob-looban ko dahil 'di maipagkakailang siya ay isang tunay kong alagad.

"I am paying you to do and follow my orders! 'Wag mo akong bigyan ng ganyang rason para lang hindi sundin ang mga utos ko!"

"P-pero po, L-Lord Flynn..." sapo-sapo ang mukhang dumudugong aniya. "H-hindi ho kakayanin ni Android #1."

Napatayo ako at napasuntok sa mesa.

"And why is that?!"

"H-her brain had stop functioning and her heart froze when she was 6 years old... we preserved her body for 11 years and she's now 17—"

He slammed hard on the wall when I hardly punch his face. "I am not an idiot not to know that things Svenor!"

Nagngingit ang kalamnan ko dahil sa kapangahasan niyang magrason ng ganito para tanggihan ang utos ko.

"L-lord Flynn..." I point my gun on him, one wrong move. He'll get a hole on his forehead, I swear. Kahit siya pa ang pinakamagaling na inferior scientist ko. "Gusto ko lang pong sabihin na naninibago pa ho ang utak at puso niya dahil nagmature na ang ibang organs niya but not the two. Kung isasagawa po natin ang transmission process ngayon ay baka ho ikamatay niya. We need a year or more to let her brain and heart cope up with her other organs."

"I. SAID. I. WANT. IT. NOW!" kinasa ko ang aking baril kaya nanginginig na tiningnan niya ako.

"B-but..."

"One more word, you and your whole clan will be eliminated!"

"M-masusunod po ang kagustuhan ninyo." Aniyang nakayuko sa umalis sa aking opisina.

Pagod na napaupo ako pabalik sa aking swivel chair. I reached out for a frame with her picture when she was 6.

"Makakasama na kita, Zavina... mahal ko."



*****



Nagsihawian ang mga laboratory doctors ko dito sa Sacren Lab, Slovenia nang makita ang pagdating ko. Sabay silang yumukod...

"Lord Flynn."

Agad na hinanap ng mga mata ko si Svenor. I saw him in front of a monitor, eyeing on the screen intently. Ni hindi ako napansin.

"Svenor." Nang marinig ang boses ko ay agad siyang napatayo at yumukod sa harap ko.

"Magandang araw, Lord Flynn."

"Any progress?" seryosong tanong ko sa kanya pilit tinatago ang kaba ko.

Nakita ko ang panlulumo sa mga mata ni Svenor kaya mas lalong lumala ang kaba ko.

"W-we are doing our best, Lord Flynn." Mahinang aniya kaya ko siya kinwelyuhan.

"Dapat lang dahil kung may mangyayaring masama sa mahal ko, papatayin ko kayong lahat!"

"It was your fault anyway..." marahas kong binitawan si Svenor nang marinig ang boses niya.

"What are you doing here?!" singhal ko nang hinarap ko siya.

Prenteng nakatayo siya habang nakasandal sa isang empty chamber. I am not expecting her to be here.

"Visiting my crazy brother?" she said it full of sarcasm.

I am trying my best not strangle her. Ever since I started this project, siya ang pinakaunang tumutol dito. She hate me for doing this, she hate the most because our mother died.

Our mother died because of this project and my sister won't ever forgive me for this. Dahil ako rin ang dahilan kung bakit lumayo sa amin ang bunso naming kapatid, si Terrence.

But for an unknown reason she became part of this project and she's one of the heads.

"Finamelia. Just leave my territory!"

She glared at me. "No! Gusto kong malaman mo na ikaw rin ang magiging dahilan kung bakit mapupunta sa wala ang sinakripisyo ni Mama para sa kanya! You are the chief of this project, you should have known better na hindi niya kakayanin kung gagawin niyo agad ang transmission process nang maaga! She is the most important thing in this project because she is the receptor! At dahil d'yan sa kasakiman mo mamamatay nang tuluyan si Zavina! This project will be a failure!"

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisnge at alam kong sobrang pula na ng mukha dahil sa sobrang galit.

"Hindi! Hindi mamamatay si Zavina!"

"She will!" mas malakas niyang sigaw. "At dahil 'yon sa'yo! And you know what? Kahit magtagumpay ka sa project na ito at mabuhay si Zavina, she will hate you for this! She will loathe you for doing all of these! Pinatay mo ang reyna, pinatay mo ang kapatid niya at binaboy mo ang kakambal niya saka pinabayaan ang kambal na mga pamangkin niya!"

Natahimik ako at nag-igting ang aking bagang...

"At lahat nang 'yon ay magiging ala-ala niya at mararamdaman niya ang lahat ng sakit na dinulot mo sa mga buhay nila dahil ang mismong ala-ala at nararamdaman ng kakambal niya ang bibigay niyo sa kanya na gugustuhin niya na lang na sana hindi na siya muling nabuhay pa!"

"I just want her to be happy. Gusto ko lang namang maranasan niyang mamuhay, Finamelia." Mahina kong saad at pinilit 'wag ipakita sa kanyang nasasaktan ako dahil tama siya... tama lahat ng sinabi niya.

"F-flynn."

"Masama bang maghangad sa ikakabuti ng taong mahal ko? Kaya kahit kamatayan niya ay nilabanan ko para lang makasama siya."

"Naiintindihan kita, Flynn. Pero sana hindi ka nagpadalos-dalos. Sana hinayaan mo munang mag-mature ang utak at puso niya. Look at her now, her body system is not responding anymore. She's slowly dying, Flynn."

Lumingon siya sa kabilang division kung saan kitang-kita ko ang chamber na pinaglalagyan niya.

Nagtagis ang bagang ko at lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa hitsura niya. Nawala na ang tunay na anyo niya nang magising siya sa mahabang pagkakatulog.

Naging matagumpay kami na kahit naka-preserve ang katawan niya when she lost track when she was 6 years old ay nagawa naming mag-continue pa rin ang growth at development ng katawan niya maliban sa utak at sa puso niya.

And now she's 17, she's very beautiful. Kahit nakapikit siya at hindi ko muling nakikita ang magagandang niyang asul na mga mata ay sobrang ganda niya pa rin. Magkamukha-magkamukha sila ng kakambal niya pero kung gaano ko siya kamahal ay gano'n rin ang pagkamuhi ko sa kakambal niyang dahilan kung bakit siya namatay ng gabing 'yon.

Tell me I'm crazy, the hell I care. All I want is to give the life my Zavina deserves.

But seeing her now, it breaks my heart. Nawalan na siya ng laman at sobrang payat niya na.

"I suggest you should bring her in Colombia. Mas updated ang facilities do'n para sa kanya." bigla akong napatingin sa kapatid ko.

Sacren Laboratory, Colombia.

Kagaya ko, my sister Finamelia, is also a scientist working under Triad pero hindi kami magkasundo at nasa puder niya ang kakambal ni Zavina.

Binalik ko ang tingin sa kanya.

'I'll do everything for you Zavina. Kahit pa ibaba ko ang sarili ko, gagawin ko.'

"Okay."

Ngumisi nang malaki si Finamelia dahil sa narinig at alam kong may ibig sabihin ang ngising 'yon kaya dapat kong ihanda ang sarili ko. She's maybe my sister but she's more loyal to Triad than Flamenco Mafia.

"Don't worry, my crazy little brother. The Triad won't know what your true reason is having this project..."

Sinasabi ko na nga ba.

"...basta maging mabait ka lang at sundin lahat nang gusto ko. Sisiguraduhin kong mabubuhay ang babaeng pinakamamahal mo."

I hope I won't regret this.

-End of FIRST-


Patikim pa lang po ito!

Please say something! Mwaa!

Hugs and kisses,

CL with love.

fn?E

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com