Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Nine: BORROWED

Chapter 9: THE BORROWED NAME

Enjoy reading and brace yourself!

REINA

My heart pounded hard, so hard and I believed it was the last beat.

'Zaviii baby!'

'I love you, Zavi.'

'Don't die please! I'm sorry, Zavi!'

'Zaviii!'

'Zaviii! I'm sorry!'

'Zaviii!'

I wanted to shout but my voice wouldn't come out.

"Tari?" I called out her name but I turned out to be voiceless.

'Why did you stabbed my twin sister?!' I heard Tari screamed.

'Princess. You must not be here. The King will come anytime soon.' A voice answered her.

'No! It should be me! Ako ang dapat na patayin niyo! Hindi siya!'

What is happening? Why is Tari shouting? Sino kausap niya? Bakit parang ang sakit ng dibdib ko? Bakit parang may nakabaon?

'Princess, you won the game and you are now the new princess. You are now Katarina Zenkiah.'

Won the game? What game? Could someone please tell me?!

'No! I am Katarina Zenkiah!' batid kong umiiyak ang kakambal ko.

Katarina Zenkiah? Oo siya 'yon. Siya 'yong kakambal ko na naririnig kong nagsasalita. Ano ba ang nangyayari?

'Look! I am Katarina Zenkiah! I'm blonde and she's not!'

Tama siya. Itim ang buhok ko habang siya ay hindi.

'They switched.' A boy's voice snapped. 'My Zavina... sacrificed her life for you, Princess. Aren't you happy?'

'T-tyrone? What are you doing here?! You shouldn't be here!'

Tyrone? Sino naman siya?

'Kukunin ko na siya.'

Kukunin? Sino ang kukunin niya? At saan niya dadalhin?

'No! You are not taking my sister away from me!'

Ako ba ang kukunin ng Tyrone na 'to?

'You chose this, Katarina. There's no room for the two of you being together.'

Hindi kami pwedeng magkasama ng kakambal ko? Bakit?

'N-no! I didn't do anything!'

Ano ang ginawa ni Tari? Bakit ramdam ko ang galit ni Tyrone sa kanya?

'You did everything! Ginawa mo ang lahat para ipakita sa kanyang nasasaktan ka! Na hindi mo matatanggap ang nangyayari! Ipinakita mong wala siyang lugar sa mundong ito! Kaya niya pinili ito!'

Ano ang pinili ko?

'H-hindi ko sinasadya.'

Ano ang hindi mo sinasadya, Tari?

'Kukunin ko na siya. Jacobo, get my pumpkin.'

Saan mo 'ko dadalhin, Tyrone? At sino ka nga ba?

**

My heart pounded hard, so hard and I believed it was the first beat.

Maingay ang buong paligid at gusto kong imulat ang mga mata ko pero mabigat ang aking mga talukap na para bang matagal na itong nakapikit.

I can't even move a finger. Namamanhid ang buong katawan ko na tila ba ang tagal kong hindi gumalaw. Tanging pandinig ko lang ang gumagana. Ang bigat ng buong katawan ko.

Mas lalong naging maingay ang buong paligid na tila ba nagmamadali ang bawat galaw ng mga tao. Nag-uusap sila at may sumisigaw rin pero hindi ko maintindihan ang mga sinasambit nila.

Naririnig ko ang iba't-ibang tunog ng mga makina, mga yabag na paroon at parito, mga kalansing ng mga bagay at higit sa lahat ang pagdaing ng isang tao na para bang hirap na hirap at nasasaktan sa kung ano man ang nangyayari sa kanya.

'Her pulse rate is decreasing! We have to hurry. Now move!' rinig kong sigaw ng isang boses ng lalaki.

'Arggggh!' daing ulit ng taong nasasaktan na iyon.

'We need to get the babies out!'

'Arggggh!'

Mas lalong nagkagulo ang aking paligid. Alam kong hindi ako ang pinagkakaguluhan nila dahil ang taong dumadaing siya 'yon ang inaasikaso nila. Pero bakit ako nandito? Ano ba ang nangyayari?

Pinilit kong imulat muli ang mga mata ko pero bigo pa rin ako.

Umalingawngaw sa gitna ng maingay na paligid ang isang tunog na kay sarap sa tainga. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa isang iyak ng isang anghel.

'It's a baby boy.' Saad ng kung sinong babae.

Who is giving birth then?

'There's another one but we need to perform CS, she can't make it. Nurse Lou, prepare everything!'

'Yes, Doc Criselda.'

'There you go, kiddo. It's a baby girl.'

Nakipag-ungusan ng iyak ang isa pang bata. Ang sarap nilang pakinggan. Para bang pinapaalam nila sa buong mundo na lumabas na sila para mabuhay.

Mabuhay? Bakit parang kagaya nila ako? Pakiramdam ko bago lang ako niluwal sa mundong ito. Pero alam kong hindi.

I already am living my life for six years inside my attic but I am really curious why could I hear other voices in my room? They're not allowed here! Mommy will get mad!

Pinilit ko muling gumalaw at sa wakas na gawa kong igalaw ang mga daliri ko sa kamay. Sunod kong pinagtuunan ng pansin ay ang aking mga mata at pinilit itong imulat. Nagtagumpay naman ako pero agad ring napapikit dahil sa liwanag na bumungad sa akin at sa hapdi ng kung anong likidong pumasok sa mga mata ko.

Nang maigalaw ko na ang mga braso ko ay doon ko lang napagtantong nakalutang ako sa loob ng isang chamber vessel na may lamang kung anong likido.

Paano ako napunta rito? Walang ganito sa kwarto ko!

I tried to open my eyes again. At nang kaya ko na ang hapdi ng likido at liwanag ay nilibot ko ang aking paningin. Puti lahat ng paligid, pati ang mga gamit sa loob ng isang napakalaking silid, pati ang mga damit ng mga taong abala sa kung anong ginagawa ay puti rin.

At napagtanto kong wala ako sa attic na kinalakihan ko! Paano ako napunta rito?

Napako ang tingin ko sa kanang gawi ko nang makita ang isang babae na nakahiga sa isang puting kama. Pinasadahan ko siya ng tingin, mukhang siya 'yong naririnig kong nasasaktan kanina at ang nagluwal ng dalawang anghel.

Pagod na pagod ang mukha niya at basang-basa sa pawis pero kahit gano'n ay sobrang ganda niya. Pamilyar ang mukha niya sa akin. Sino siya? Mahaba ang itim na buhok pero halatang kinulayan lang dahil tumutubo na ang malaginto nitong buhok.

Nililinisan na siya ng mga taong nakaputi dahil puno ng dugo ang ibabang bahagi ng katawan niya. Nilagyan na rin siya ng kung ano-anong apparatus sa katawan kaya natigilan ako nang mapagtantong ako rin pala may kung anong apparatus na nakakabit rin sa akin.

Ginalaw ko ang buong katawan ko at nagulat nang maiangat ko ang aking mga braso.

Ano ang nangyayari? Bakit parang lumaki ang mga daliri ko? Pati ang buo kong braso? Yumuko ako para tingnan ang ibabang bahagi ko at doon ko lang napansin na tanging ang maseselang parte ko lang ang natatabunan ng kakarampot na tela.

Humaba rin at nagkakurba na ang mga hita ko. Nagkalaman ang dibdib at lumapad ang balakang ko kaya pansin ko ang maliit kong baywang. Ano ang nangyayari? Bakit ako nagkaroon ng katawan ng isang dalaga? Bata pa ako!

Napapikit akong muli. Sa pagkakaalala ko, I am only six years old but why do I have this kind of body?!

Sumibol ang kaba sa dibdib ko hanggang sa naging takot na ito. Sa takot ko ay naglikot ako sa loob at tinanggal lahat ng mga nakakabit sa akin. Pati ang oxygen mask sa ilong at bibig ko kaya halos malunod ako sa loob ng chamber.

'The receptor is awake!' Sigaw ng kung sino kasabay ng pagtunog nang malakas na alarm. Nagkagulo ulit ang buong paligid.

Nauubusan na ako ng hangin kaya napapikit na lang ako dahil marami na akong nainom na likido. Pero bago ako mawalan ng malay ay naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa matigas na bagay. Napaubo ako nang malakas at nailuwa ko lahat ng likido.

Minulat ko ang aking mga mata at nakitang nakatunghay sa akin ang mga taong nakaputi. Pansin ko ang tuwa sa mga mata nila. Sino sila? Bakit ganyan sila makatingin?

'Call Lord Flynn!' sigaw ng isang lalaki na kaedad siguro ng Daddy ko.

Tatayo na sana ako pero parang may semento ang buo kong katawan sa sobrang bigat at namamanhid rin bawat kalamnan ko.

Akmang lalapitan na ako ng isang lalaki para siguro buhatin ay may pumigil sa kanya.

'Don't you dare touch my Zavina!' umalingawngaw ang maawtoridad na boses na iyon.

Naghawian ang mga taong nakaputi at nakita ko ang lalaking naka-itim na suit at naglalakad papalapit sa akin. Bakas rin ang tuwa sa mga mata nito.

'My Zavina.' Rinig kong saad nito. Marahan niya akong binuhat. Nakangiti sa akin ang lalaki, parang pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na ito.

Bakit niya ako kilala? Diba isa akong malaking sikreto ng pamilya ko? Paano 'to nangyari?

Binaba niya ako sa puting kama sa 'di kalayuan sa kama ng babaeng kakapanganak pa lang. Napatingin ako do'n. Malinis na siya at mukhang maayos na ang lagay. Nakita ko ang dalawang babaeng nakaputi sa gilid na bitbit ang dalawang sanggol na nakabalot na ng puting lampin.

'My pumpkin.' Biglang sambit ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya. Nakatunghay siya at parang naiiyak na makita akong gising. Sino ba siya?

'Lord Flynn, Katarina has already delivered your twins.' Saad ng babaeng lumapit sa amin.

Pansin ko ang pagkunot ng noo ng lalaki. Flynn? Katarina?

Pangalan 'yon ng kakambal ko ah! Ibig bang sabihin nandito siya? Nasaan siya kung gano'n?

'Eliminate them.' Aniya, mukhang nagulat iyong babae pati ang iba lalo na ako.

Eliminate? Ibig bang sabihin gusto niyang ipapatay ang mga sanggol na iyon? Siya ba ang ama ng twins?

Twins? Bakit kumikirot ang puso ko?

'Lord Flynn?'

'You heard me, Criselda! I don't need them! All I need is Zavina!' biglang sigaw ng lalaki kaya natahimik ang lahat pero pumalahaw ng iyak ang mga sanggol mukhang nagulat sa sigaw nito.

Zavina? Ako ba 'yon diba? Bakit niya ako kailangan?

May lumapit na isang lalaking may katandaan na sa lalaking tinatawag nilang Lord Flynn, marahang tinapik nito balikat. Kumalma naman ito.

'When I say eliminate them. Do it! Do you understand, Criselda?! Now move!' binalingan nito ang lalaking tumapik dito. 'Get them out of my sight, Jacobo!'

Tinapik no'ng Jacobo si Criselda at marahang nilayo sa lalaking galit na galit. Sinenyasan nito ang dalawang nurse na karga ang mga sanggol saka sila lumabas.

Nagtataka naman ako. Nilingon ko ang babaeng nagluwal sa kanila. Sino ba siya at bakit parang walang pakialam ang lalaking ito na hinuha ko ay ama ng mga batang iyon? Alam kong hindi niya pa nakikita ang mga sanggol dahil wala na itong malay kanina.

Magsasalita na sana ako nang biglang kumirot ang ulo ko kasabay ng pagbilis na tibok ng puso ko.

'Aaaaaaa!'

'Svenor! What is happening to my Zavina?!'

Sobrang sakit ng ulo at puso ko... mukhang hindi ko kakayanin kaya tuluyan na akong nawalan ng malay.

**

My heart is pounding hard, so hard and so fast. I believed the raging beats won't stop.

Napahugot ako ng hangin nang magising ako. Napatingin ako sa paligid at nagtaka kung bakit nasa loob na naman ako ng isang chamber vessel na puno ng likido. May kung anu-anong nakakabit na naman sa akin. Nilibot ko ang aking paligid at nakita ang babaeng may ginintuang buhok pero itim ang kulay sa dulo na nasa harap ko. Nasa loob rin siya ng chamber kagaya ko.

Siya ang babaeng nanganak nang magising ako.

Napalingon ako sa kanan at nakita ang mga parehong taong nakaputi na nasa harap ng machines at monitors. Mukhang may ginagawa sila. Nakatayo naman sa gitna nila ang lalaking naka-black suit na tinawag nilang Lord Flynn.

'Gathering of data from the cervello and cuore of The Conductor is completed. SHP: Android Number Two, The Conductor is now ready for the transmission process, Lord Flynn.' Rinig kong saad ng babaeng nakaharap sa isang monitor sa kaliwa ni Lord Flynn.

'SHP: Android Number One, The Receptor still loading.' Saad naman ng lalaking nasa kanan ni Lord Flynn. Kita ko ang pag-aalangan sa mukha nito sa ginagawa nila.

Taimtim ko silang pinakinggan. Napansin ng lalaking nasa kanan na gising na ako kaya napatingin silang lahat sa akin. Napangisi si Lord Flynn pero kita ko ang ningning sa mga mata niyang nakatitig sa akin. Nilabanan ko ang titig niya at nakaramdam ako ng galit sa kanya.

'SHP: Android Number One, The Receptor is now ready for the transmission process.' Saad ng lalaki sa kanan.

'Now, activate the viere contrarotulus then connect The Conductor to The Receptor.' Wika ni Lord Flynn. Nanood ako sa mga ginagawa nila dahil wala akong ideya kung ano ang nangyayari.

Naramdaman ko ang pagkirot ng batok ko paakyat sa ulo ko. I could feel the sudden tightening of my skin and muscles.

Napabaling ang atensyon ko sa babaeng nasa harap ko nang umilaw ng kulay asul ang chamber niya. Napatingala ako at doon ko lang napansin na nakakonekta pala ang dalawang chambers sa isa't-isa kung nasaan kami.

Unti-unting dumaloy ang ilaw sa mga kableng nakakonekta sa mga chambers namin hanggang sa pati ang chamber kung nasaan ako ay umilaw rin. Nakaramdam ako ng takot at kaba. Ano ang ginagawa nila sa'min?

Gusto kong paghablutin ang mga nakakonekta sa akin nang maramdaman ko ang sakit at kirot sa aking utak at puso. Hindi ako makasigaw dahil sa oxygen mask na nakasuot sa akin.

Hanggang sa may iba't-ibang imahe ang nagragasa sa aking utak.

Isang batang babae na may kulay gintong buhok na nakasuot ng royal gown, kasama ang isang matandang lalaki na may suot na korona at isang matandang babae na may suot ring korona. Nakaupo sila sa trono kaharap ang hindi mabilang na mga tao.

Siya muli. Ang batang babae. Kaharap ang ibang bata sa loob ng silid aralan.

Tapos siya pa rin, kasama ang isang babaeng buntis at isang lalaking karga-karga siya. Masaya silang tatlo.

Iba-iba ang mga imahe at eksenang nakikita ko sa aking utak kasabay ng samu't-saring emosyon sa aking puso. Mayroong saya, tuwa at iba pa.

Hanggang sa...

Isang eksena na ang batang babae na kasama ang isa pang batang babae na may itim na buhok na kamukhang-kamukha niya. Nagtatawanan silang dalawa. Mukhang masaya pareho pero sobrang sakit ang nasa puso ko.

'I love you Zenki baby.' Saad ng batang itim ang buhok.

'I love you too, Zavi baby.' Sagot ng batang may gintong buhok.

Silang dalawa ulit na magkaharap pero hindi na nagtatawanan. Kundi galit ang mukha ng batang babaeng may gintong buhok habang lungkot sa batang babae na may itim na buhok. Ang sakit ng tanawing iyon pero nagulat ako nang biglang nablanko ang aking isipan.

Tanging isang matining at mahabang tunog lang ang narinig ko.

~tooooooooooooooooot~

*****

Ano ang nangyayari? Nilibot ko ang tingin ko pero wala akong ideya sa nangyayari. Nasa loob ako ng isang malaking glass tube. Ano ito?

Napapikit akong muli at pilit inalala ang mga nangyayari.

Katarina Zenkiah. 'Yan ang pangalan ko. Paano ako napunta rito? Pilit kong hinanap sa loob ng utak ko ang nangyari hanggang sa unti-unti kong naalala ang nakaraan...

Sa royal mansion. Ang pagbisita ni Queen Cathard. Ang ambush. Mga rebelde. Dugo. Sigawan. Kamatayan.

Pinatay ng hayop na 'yon ang mahal na reyna at si Zacharias!

Nagpumiglas ako para maalis ang mga nakakabit sa akin at nagtagumpay ako.

Hayop siya! Dapat siyang magbayad! Binaboy niya ako ng paulit-ulit!

Unti-unting bumababa ang tubig sa loob ng glass tube. Malakas kong hinampas ang salamin na kumukulong sa akin pero nagulat na lang ako nang makita ang sarili kong braso.

Bakit parang ang payat ko? Binusisi ko ang aking katawan at doon ko napansing ang payat-payat ko! Nawalan ako ng laman na parang buto't-balat na lang.

Nang tuluyang nawala ang tubig sa loob ay bigla akong nanghina. Nawalan ako ng lakas kaya napaupo ako. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa. Wala na akong lakas!

Nagsalita ako para humingi ng tulong pero wala akong boses! Kahit daing ko ay wala ng tunog.

Hindi ako gumalaw sa posisyon ko dahil isang simpleng galaw ko lang ay ang sakit-sakit ng katawan ko. Nakarinig ako ng yabag papalapit kaya napalingon ako at nakita ang mga taong nakasuot ng white laboratory gown.

Nanlulumo ang mga mata nila habang nakatingin sa akin. Nilabas nila ako at marahang binaba sa isang malambot na kama ngunit nasasaktan pa rin ako dahil parang matatanggal ang balat ko tuwing sasagi ako sa ibang bagay.

'Dapat hindi natin minadali ang Transmission Process.' Rinig kong saad ng lalaking kinakabitan ako ng kung anu-ano. 'Her heart and her brain were not ready for too much data. Both were not mature yet.'

'Wala tayong magagawa. We are bound to follow the Lord's order.' Sagot ng babaeng nakaharap sa isang monitor.

'I highly doubt that this project will be a success. Take a look at this...' saad naman ng isa pang lalaki. 'Her heart and her brain are not responding in our procedures anymore. They are near to destruction.' Pakita nito sa hawak na tablet sa mga kasama.

Kahit isa sa mga sinasabi nila ay hindi ko maintindihan. Napapikit ako sa sobrang panghihina.

Ilang tulog at gising ang nagawa ko pero gano'n pa rin ang sitwasyon ng katawan ko. Sa bawat pintig ng puso ko at pagkirot ng utak ko ay pahina nang pahina ang katawan ko. Nakahiga na lang ako sa kama at tanging mga mata ko lang ang naigagalaw ko.

Ano ba ang nangyayari? Bakit parang inieksperimentuhan nila ako?

'Tsk. That stupid brother of mine. He's really impulsive! He's not using his head. Look at what he'd done. He's killing his love of his life.'

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang isang babaeng nakatunghay sa akin. Kunot ang noo nito at parang namomroblema sa kalagayan ko.

'I won't ask if you're okay 'coz I know you're not.'

May kinuha ito sa loob ng bibit niyang bag. Isang syringe na may lamang gamot.

'Here. Minsan ka nang sinagip ng likidong ito sa kamatayan noon kaya alam kong maililigtas ka rin nito sa ikalawang pagkakataon.' Ininject niya sa akin ang sinasabi niyang likido. 'Pasalamat ka dahil gusto ka ni Mommy Camelia.'

Hindi ko rin siya maintindihan kung ano ang sinasabi niya. Biglang tumunog ang suot niyang wrist watch.

'Ayy! Andito na ang mga bisita kong susundo sa'yo! Stay here, darling and someone will save you.' Saad nito sabay kindat.

Kahit pagkunot ng noo ko ay hindi ko magawa kaya nagpakurap-kurap lang ako.

'Tss. Pasalamat ka dahil nauto ko ang kapatid ko kaya makakabalik ka na sa kaharian mo.' Saad pa nito bago umalis.

Pero narinig ko pang bulong nito na, 'You'll never win against the Triad and me, Flynn.'

Gusto ko sana siyang tawagin pero tanging daing lang ang lumabas sa bibig ko. Pinilit kong makagalaw hanggang sa nahulog ako sa kama at malakas na bumagsak sa sahig. Kumuwala ang malakas na daing sa bibig ko dahil parang mababasag ang buong katawan ko.

'P-princess'

Napaangat ang ulo ko nang marinig ang boses na iyon. Nakatayo ang isang babaeng nakasuot ng black suit sa harap ko. Umiiyak ito at parang nahindik sa kalagayan ko. Sino nga ba ang hindi?

'Z-zen.'

Hindi ko alam kung bakit pero 'yan ang nasambit ko kahit unti-unti ko nang nakikilala ang babaeng nasa harapan ko. Natuon na ang pansin sa sakit at kirot ng buong katawan ko kaya hindi ko na napapansin ang mga sinabi ni Iseah Frost, ang kasamahan ko sa Wing.

Sila pala ang tinutukoy ng babaeng 'yon kanina.

Lumipas ang isang araw at nasa pangangalaga na ako ng team ng Elite Wing na pinamumunuan ni Iseah.

Milagro ba ito? Pero tama 'yong sinabi ng babaeng nag-inject sa akin dahil unti-unting nanunumbalik ang lakas at alam kong dahil 'yon sa gamot na binigay niya sa'kin. Iniligtas ako nito sa kamatayan.

Kalaban ba siya o kaibigan? Sino ang tinutukoy niyang kapatid na nauto niya? Ang hayop ba na si Flynn? Ano ang koneksyon niya sa triad?

Mabilis ang mga pangyayari hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong nakaluhod sa harap ng mga tao na binabato ako ng masasakit na salita at mga bagay.

Nasasaktan ako pisikal at emosyonal pero may kaunting galit dito sa puso ko.

Hanggang sa lumipas ang araw, linggo, buwan... natanggap ko ang pinakamataas na ranggo sa buong Empyreal bilang Wing Regal. Ilang missions ang nagawang kong matagumpay sa loob ng dalawang taon. Pinakita ko sa mga taong hinila ako pababa na nagkakamali sila ng taong kinalaban.

Hanggang sa nalaman kong may mga anak ako kay Flynn Flamenco. Ang mga produkto ng pananamantala niya sa'kin.

At napunta ako sa bansang ito. Ang bansang bumago sa mga plano kong maghiganti sa sariling kaharian. Nakilala ko ang mga taong bumago sa buhay ko.

"KATARINA!"

Rinig kong tawag niya sa akin pero hindi ko na siya kaya pang lingunin dahil buo na ang desisyon ko pagkatapos kong malaman ang rebelasyong nakatago sa mga kasinungalingan tungkol sa pagkatao ko.

Patawarin mo ako Zync... babalik ako. Babalikan kita. Pangako.

I was running without destination. This is the only thing that I think the best I could do at this moment. My heart was pounding fast, faster than my running speed.

My vision was blurry that I couldn't even see my way clearly. I don't know how long I have been running. All I wanted to do is to escape from the excruciating pain that slowly killing my heart and my soul.

This is too much, too much that I think my heart couldn't take it anymore. My brain is a total mess.

I fell down when I bumped into something... or into someone. I stumbled down and can't even pull myself up. My knees are trembling, my body is shivering then my heart just exploded and shattered into tiny million pieces.

A loud cry came out from my chilling lips, far from my silent cries when I was a child. I cried out loud, letting the whole world hear my misery, showing that life won its game against me.

"S-sumuko na ako diba?! B-bakit patuloy pa rin akong nasasaktan?" I clutched my chest tightly as if it would take the pain away. I wish it could...

Parang tubig na bumaha sa aking utak ang mga alaala no'ng ako ay maliit pa. Ang attic kung saan ako lumaki at natutong mamuhay mag-isa sa murang edad, ang pagtrato ng aking ina, ang pag-aalaga ni Grandma Dane, ang mga kwento ng aking ama, ang magandang mukha ni Aunt Mojica, ang maamong tingin ni Hilary, ang nakakatakot na presensya ng Hari, ang nakangising mukha ni Duchess Camelia, ang nakangiting mga mukha nina Iseah, Terrence, Finamelia at Tyrone pero higit sa lahat klatong-klaro sa utak ko ang umiiyak at galit na mukha ni Katarina Zenkiah.

Katarina Zenkiah, ang aking kakambal na siyang tunay na nagmamay-ari ng pagkataong dala-dala ko... ang taong hiniraman ko ng pangalan.

Sinapo ko ang aking mukha at hinayaang maramdaman ng aking mga kamay ang mainit na likidong bumabalot sa aking mga mata at pisnge. Mga luhang ngayon ay puno ng katanungan.

Naalala ko ang masasakit na salitang natanggap ko mula sa mga taong hindi ako kayang tanggapin dahil isa akong malas, ang pananakit ng aking sariling ina, ang habulan ng mga sasakyan kasama si Aunt Mojica, ang barilan, ang unang taong pinatay ko, ang pagkatumba ni Aunt Mojica habang pilit hinahabol ang sasakyan kung saan ako lulan, ang paghukom at ang larong nagdesisyon sa buhay namin ng kakambal ko, ang unang beses na pagsambit ng hari sa aking pangalan, ang una at huling pagkakataon na nayakap ko ang aking ina at ang huling beses kong nakipagtitigan kay Katarina Zenkiah.

The only special memories I owned.

Isa nga'ng kasinungalingan ang lahat. I just borrowed my twin sister's name and identity.

Kahit pa sabihing ako ang nanalo sa laro, na ibinigay na sa akin ang karapatan para sa pangalang iyan pero hindi ko kailanman tinanggap na kalimutan na lang ang pangalan na aking pagkakilanlan.

She will always be the real Princess and I will always be her twin sister. She is Katarina Zenkiah...

And my name is Katareina Zavina, the long forgotten name and was buried along with my identity.

Do you remember me?

-End of Chapter 9-

Thank you for reading freaks!

Yeah. Yeah. I know na nakakalito ang chapter na ito haha! Dahil ako ay nalito rin. LoL. Kaya feel free to ask kung may hindi man kayo naintindihan.

Ayiii. First Person's POV na gamit ko kaya sana nagustuhan niyo. Huhu! Hiyang talaga ako sa Third Person's POV 'e.

Gets niyo na ba kung sino ang tunay na kalaban ni Reina? Haha. Dahil ako hindi pa. LoL. Jk lang. Teheee!

GOD bless everyone!

MERRY CHRISTMAS!

Hugs and kisses,

CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com