Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One: Kataleya


Chapter One

Enjoy reading!


3rd.

"You can't kill me princess."

Mas lalong nagngitngit siya sa galit dahil sa saad ng kanyang target for assassination. Humihingal siyang tumayo saka hinawakan nang mahigpit ang kanyang Taser Stick. Binalik niya ito sa tunay na anyo at tinago saka nilabas ang kanyang Jagdkommando Tri-Dagger.

"But I won't let you get out of here... alive." nakangising aniya.

Naging seryoso ang mukha ni Timea Ares dahil sa kanyang turan. Ginalaw-galaw nito ang ulo at nilabas ang sariling Jagdkommando Tri-Dagger.

"May the best royalty win." anito.

Pareho silang matulin na tumakbo tungo sa isa't-isa. Sabay nilang sinambot ang leeg ng bawat isa saka tinutok ang dagger na mga hawak sa mukha ng isa't-isa.

"I can't believe that they would betray me and our association then sent a young assassin here to kill me." puno ng galit na turan ni Timea. "No'ng una pa lang alam ko nang traydor ang mga Clementin. Sabihin mo sa akin prinsesa, sino ang kasabwat ng hangal mong ama?!"

"I could clearly hear your heart's fearful beats." she retorted and tightened her grip on Timea's clothe.

"You may be had this mission a success but this I assure you Princess Kataleya... Slovenia Kingdom will fall and Clementin blood will suffer! Sinusumpa ko."

Napapikit si Kataleya nang mas lalo niyang binaon ang Jagdkommando Tri-Dagger sa leeg ni Timea Ares. Binitawan niya ang katawan nito at hinayaang mawalan ng buhay sa kanyang paanan.

"I did it." hindi makapaniwalang wika ng labing-anim na taong nag-iisang anak ni King Malachi Alexandrous of The Kingdom of Slovenia. Tumawa siya nang malakas. "I dit it! I killed her! Father will be so proud of me! I killed the Empress of Ares!"

**

"You impressed us, Princess Kataleya." nakangiting wika ni Queen Given Zenon ng Kingdom of Eritrea, South Africa.

Napaangat siya ng tingin saka nilingon ang hari pero diretso lang ang tingin nito sa unahan. Simula kanina ay siya nito tinatapunan ng tingin.

"Madali mong nagawa ang mission mong patayin ang Empress ng Ares Clan na si Timea Ares. Now, your father and I will have the control of her colossal clan in Russia." nilingon ng Reyna ang kanyang ama. "What can you say partenaire Malachi in your daughter's excellent job?"

Sa wakas ay lumingon ang ama sa kanya pero laking gulat niya ay nanlilisik ang mga mata nito at galit na galit. Binaling nito ang tingin kay Queen Given.

"Wala sa usapan natin na patayin si Timea! You said that we would make her our alliance by hook or by crook, Queen Given but you gave an order mission to my daughter without me knowing!" galit na untag ng hari.

Napahawak naman sa kanyang dibdib si Queen Given. "Oh, I thought..." tila nasasaktang sambit nito. "I thought we're partners? Akala ko pwede na rin akong magbigay ng utos sa mga tauhan mo sa Clementin Empire?"

"But you sent my daughter!" singhal ng Hari. "Ang inutusan mo ang anak ko, Given! You know that she is my heiress and she is the crown princess of this kingdom but what have you done?! You sent her on that very dangerous mission, assassinating an Empress of a powerful clan in Russia! You should have let me know about your first! Paano kung namatay ang anak ko do'n?! Paano kung may nakakakilala sa kanya?! Hindi lang siya ang mapapahamak sa padalos-dalos mong plano pati na ang buong kaharian ko! Malalagay sa panganib lahat ng buhay ng mga taong kinasasakupan ko!"

"I can't believe this." anas ni Queen Given. "Did you just shouted in front of me?!"

Nag-igting ang bagang ng hari pero hindi na nagsalita.

"You'll surely regret this Malachi!" dagdag ni Queen Given. "I am breaking our alliance!" sigaw nito saka padabog na tumayo sa kinauupuan nitong bangko.

Naglakad ito tungo sa pinto ng board room pero tumigil ito saglit at hindi nakaligtas sa mga mata ni Kataleya ang matagumpay nitong ngisi sa mga labi.

Lumakas ang tibok ng kanyang puso dahil tila alam niya kung ano ang ibig sabihin ng ngising iyon. Nang tuluyang makalabas ang reyna ng Eritrea ay lumingon siya sa harap pero isang malutong at malakas na sampal ang sumalubong sa kanya.

Napasalampak siya sa sahig. "You're such a disappointment, Kataleya." galit na singhal ng amang hari sa kanya saka lumabas na rin sa board room ng kompanya nila sa Sierra Leone South Africa.

Naiwang umiiyak si Kataleya dahil alam niya mismo sa sarili niya na may kasalanan siya. Pinagsisihan niya ang pagsunod sa utos ni Queen Given nang hindi pinapaalam sa ama sa kagustuhang ipagmamalaki siya nito sa lahat kapag nagtagumapay siya.

"T-this is my entire fault."


*****


"You're Princess Kataleya Clementin, right?" napalingon si Kataleya nang may nagsalita sa kanyang likuran.

Napayuko siya para maitago ang namumulang pisnge. In front of her is the famous bachelor Tomeo Rocco Ardantenia, a noble son from England.

Isang malaking pagtitipon ang ganap ngayon sa isang sikat na hotel sa Italy, ito ay taonang pagtitipon ng mga anak ng dugong bughaw sa buong Europe upang makahanap ng kanilang magiging kapareha o kabiyak sa takdang panahon.

"You're more beautiful when blushing." anito kaya mas lalo siyang nahiya. Nakita niya ang kamay nitong nilahad sa harap niya.

"May I have this dance?" aya nito kasabay nang pag-alingawngaw sa buong lugar ang isang malamyos na musika.

"Why can't you look at me, Princess?" biglang tanong nito sa gitna ng kanilang pagsasayaw.

Nakayuko lang siya at nakatingin sa kurbata ng binata. She's now 20 years old already but she has never been attached into a guy, not even once. This thing is new to her.

She flinched when she felt his finger touched her chin and made her face look up.

"Don't be shy..." nakangiting saad ng lalaki. "You are the prettiest girl in this hall."

Napangiti na lang si Kataleya at tuluyang nawala ang hiyang nararamdaman.


**


Nakangiting binagtas ni Kataleya ang hallway ng palasyo papunta sa grand staircase. Nakasuot lang siya ng isang simpleng white gown na gawa sa mamahaling tela na may mga kumikinang na sequins na disenyo na pangkaraniwang suot ng isang katulad niyang prinsesa sa pang-araw araw.

Sa bawat nadadaanang mga tauhan ay yumuyukod ang mga ito at binabati siya na tinutugunan niya lang ng simpleng tango. Nang marating ang hagdan ay napahinto siya sa paglakakad nang makitang naglalakad pababa ng hagdan ang inang reyna na si Queen Cathard kasama ang ama na si King Malachi.

Yumukod siya nang nasa harapan niya na ang mga magulang.

"Kataleya." tawag sa kanya ng ina, lumapit siya dito saka humalik sa pisnge, lalapit na sana siya sa ama nang makitang hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin kaya umatras na lang siya at hinarap ang nakangiting ina.

"Where are you going, mother?"

"Your father and I will go on a state visit in Lithuania." nakangiting sagot nito sa kanya saka inayos ang kanyang buhok.

Biglang nagningning ang kanyang mga mata at napangiti nang malaki, sasagot na sana siya sa ina nang...

"Let's go, time is running." seryosong saad ng hari saka hinawakan ang braso ng reyna.

Napayuko na lang siya at piniling 'wag magsalita. Marahang hinaplos ng kanyang ina ang kanyang pisnge.

"Take care, my daughter. We love you so much." sinserong saad ng ina saka siya hinagkan sa noo. Sinundan niya ng tingin ang mga magulang hanggang sa makalabas ito sa palasyo.

"Well. Well. Well. The damsel in distress looks so down today."

Bumakas ang galit sa kanyang mukha nang marinig ang boses na iyon. Marahas siyang lumingon sa kanyang mortal na kaaway.

"O ano? Papatayin mo ako?" pang-aasar nito sa kanya.

"Shut up!" singhal niya kay Camelia Rostarcel, isang noble daughter ng Slovenia at isa sa mga magiging Duchess ng mga State Regions sa Slovenia.

On training ito ngayon kaya sa palasyo rin nakatira kasama ang ibang mga anak ng nobles na magiging Duke and Duchess sa hinaharap.

Gustong-gusto siya nitong asarin o inisin.

"Rumespeto ka sa mas nakakataas sa'yo, lowly Camelia." seryosong aniya saka nagsimulang humakbang sa baitang ng hagdan.

Nakatayo si Camelia sa pinakagitna kaya nang magkaharap sila ay nagpataasan sila ng kilay.

"Pangit!" singhal ni Camelia sa kanya kaya muntik niya na itong sampalin pero may pumigil sa kamay niya.

"Hey. 'Wag kayong mag-away." saad ni Douglas Olson, na isa ring noble son.

"Don't touch me!" bulyaw ni Kataleya at marahas na binawi ang kamay sa lalaki. Padabog siyang naglakad pataas at binunggo si Camelia kaya na-out balance ang huli at muntik nang mahulog kung hindi lang nahawakan ni Douglas.

"Muntik na ako do'n." nanlalaki ang mga matang wika ni Camelia.


"Kaw naman kasi, 'wag mo siya laging iniinis." ani Douglas.

"Ang pangit niya kasi, ansama ng ugali." pagrarason ni Camelia.

"Asus, aminin mo. Nagtatampo ka lang sa prinsesa kasi ni-reject niya ang friendship mo." natatawang sabi ni Douglas. Malakas na sinapok ni Camelia ito.

"She's too uptight and distant." wika ng dalaga. "A princess should be nice and friendly."

"Hayaan mo na. Alam mo namang nakaka-pressure ang pagiging tagapagmana ng isang buong kaharian."

"Whatever!" umirap si Camelia saka tumuloy sa paglalakad pababa.

Bumuntong hininga si Douglas saka binalingan ng tingin ang second floor at laking gulat nito nang makitang nakatunghay si Kataleya sa gawi nito. Ngumiti ang binata ng alanganin sa prinsesa.

Magkasalubong ang kilay na tinalikuran ni Kataleya si Douglas saka pumasok sa kanyang kwarto. Binalibag niya ang pinto at pumunta sa kama. Niyakap niya ang kanyang unan saka umiyak.

Tatlong taon na pero hindi pa rin talaga siya pinapatawad ng kanyang ama sa kasalanang nagawa noon. Simula noon ay hindi na siya tinatrato ng hari bilang anak kundi bilang isang tauhan na lamang.

Nakakalungkot isipin na ganito ang kahihinatnan ng maling nagawa.

Agad siyang napabalikwas ng bangon nang tumunog ang kanyang cellphone. Pinahid niya ang luha at napangiti nang malaki dahil sa natanggap ng mensahe galing sa kanyang minamahal, si Tomeo.


**


Makalipas ang ilang buwan ay dumating ang takdang araw para sa pagpapakilala sa kanyang magiging kabiyak at magiging Hari balang araw.

Nanginginig ang kanyang kalamnan habang nakatitig sa vanity mirror. Nakasuot siya ng isang ingrandeng pulang gown at mamahaling alahas.

Kinakabahan siya sa mangyayari ngayon pero alam naman niyang si Tomeo ang kanyang mapapangasawa dahil sinabi sa kanya ng nobyo na isa ito sa mga humiling sa konseho ng Slovenia para maging kabiyak niya.

Pinangako sa kanya ng binata na gagawin nito ang lahat para makuha siya, na ipapasa nito ang kahit ano mang pagsubok ang haharapin para lang maging susunod na hari at maging asawa niya.

Pumasok ang kanyang dalawang alalay sa kanyang kwarto saka siya inalalayan palabas. Nadaanan niya pa sa hallway si Camelia na binehlatan pa siya. Napasinghal siya saka hindi na pinansin ang pang-iinis ng babae lalo na ngayon ay buntis ito sa pangalawang anak sa napangasawang Duke ng isang rehiyon ng Slovenia.

Pagkapasok niya sa dining room ay gusto niyang bumalik sa pinanggalingan at magkulong sa kwarto dahil wala ang taong inaasahan niya doon. Marahan siyang tinulak ng dalawang alalay saka sinarado ang pinto.

"Princess Kataleya." sabay na tumayo ang mga taong nasa loob ng dining room saka binigyan siya ng simpleng yuko.

Naroroon ang Hari at Reyna, sina Duke Benzi Olson at Duchess Dane Olson ng Llubljana kasama ang binatang anak ng mga 'to na si Douglas Olson, ang kanyang magiging asawa.

Natapos ang kanilang hapunan na hindi man lang ngumiti o nagsalita si Kataleya. Katabi niya si Douglas pero tila hangin lang ito sa kanya kasi lumalakbay ang utak sa nobyong si Tomeo.

Gusto niyang kwestiyunin ang ama pero hindi niya magawa dahil mas lalo lang itong magagalit sa kanya. Gusto niyang sumuway rito pero natatakot siyang itakwil at ikahiya ng pamilya.


*****


Tumulo nang tuluyan ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan dahil kitang-kita niya kung paano pahirapan ang kanyang minamahal. Lumingon ito sa kanyang gawi at nagtama ang kanilang mga mata. Kitang-kita niya doon ang galit at poot na kailanman ay hindi niya inaasahan na makikita sa mga mata nito.

Noong una niya pa lamang nakilala ang lalaki ay agad siyang humanga sa angking kagwapuhan at ang magaang awra nito. Hindi niya lubos maisip na puro pagpapanggap lang pala ang lahat ng kabaitang pinakita nito sa kanya at hinahangad na sirain ang kanilang kaharian dahil sa kasalanang nagawa niya noon.

"Judas..."

Napalingon ang lahat na nasa demesne sa ikalawang palapag ng court building ng Clementin Empire nang marinig ang boses ni King Malachi.

"...Judas in the persona of Tomeo Rocco Ardantenia Ares from Moscow Russia, ang lakas ng loob mong pasukin ang aking kaharian at paglaruan ang aking anak." puno ng galit na saad ng hari habang pinapatay ng tingin ang nakangising nakaluhod at nakagapos na binata sa gitna ng demesne.

Tumawa nang malakas si Tomeo, "It took you a year to find out everything. I thought you are the wisest king of Slovenia? Bakit parang mali ata ang narinig ko?"

Dumaing ang binata nang makatanggap muli ng isang hataw ng latigo na puno ng tinik-tinik sa likod. Nahihirapang binalingan ng prinsepe ng tingin ang umiiyak na prinsesa. "Oh dear, don't cry. Tell me, you were happy with me in bed many times we did it, right my princess? And oh, always bear in your pretty mind that I will let you feel the pain of losing someone you love. I will make sure that you and your children will suffer and will never be happy with their lives!"

Napakagat labi ang prinsesa nang matuon ang atensyon ng lahat sa kanya habang ang hari naman ay tila gusto nang sumabog sa sobrang galit sa mapangahas na aroganteng binata.

"You bastard! Torture him and don't let him die without suffering hell! Now, I annunciate a war against the Kingdom of Eritrea and Ares Clan! Put that rat bag on the dungeon!"

"Father please." pagmamakaawa ni Kataleya upang pakawalan si Tomeo. Kahit ganito man ang nangyayari ngayon ay ayaw niyang makitang nahihirapan ang lalaki dahil mahal niya ito nang lubusan. Nilapitan siya ni Queen Cathard upang pigilan sa gustong gagawin.

"Lock that ungrateful lass in her room!" matigas na utos ng hari sa mga kawal. Walang nagawa ang reyna nang dinampot ng mga royal guards ang nakakaawang Princess Kataleya.

"Let her go!" malakas na sigaw ni Camelia sa mga guards nang makasalubong nila ito sa hallway ng second floor ng palasyo. Natakot naman ang mga ito kaya binitawan si Kataleya. Lalapit na sana ang bagong Duchess nang tinulak niya ito saka siya mabilis na tumakbo sa kanyang kwarto.

"Ansama talaga no'n." reklamo ni Camelia at tumayo nang tuwid sabay sapo sa malaking t'yan. Nagpasalamat naman siya sa mga guards na sumalo sa kanya.


**


Dumapa ang prinsesa sa kanyang kama at binuhos lahat ng sakit na nararamdaman dahil sa mga kaganapan ng kanyang buhay.

Ilang buwan na ang nakalipas simula nang malaman niyang si Douglas ang kanyang mapapangasawa. Hindi siya tumutol pero hindi rin siya nagpahayag na sumasang-ayon siya dito. Nagpatuloy ang relasyon niya kay Tomeo nang palihim.

Subalit isang araw ay biglang nagpakita si Tomeo sa kanya sa kanilang kaharian. Kung ano ang nakita niya noong unang pagkikita nila ganoon pa rin ang hilatsa nito ngunit bumigat ang dinadalang awra nito.

Nanatili si Tomeo sa isang bayan na sakop ng Slovenia bilang isang ordinaryong tao lamang at palihim silang nagkikita ni Kataleya upang iparamdam sa isa't-isa ang pag-ibig.

Tinago nila nang mabuti ang kanilang relasyon at napuno ng pagmamahalan ang bahay na tinitirhan ni Tomeo sa bawat gabi na kasama nito ang prinsesa.

Dumating ang buwan na kung kailan inihanda na ang prinsesa upang koronahan bilang susunod na reyna ng kaharian kasabay ng engagement nila ni Douglas nang may nadiskubreng katraydoran ang konseho ng kaharian.

Nalaman nila at ng hari na may kinikitang lalaki si Kataleya. Inimbestigahan nila ito at nadiskubre ang tunay na pagkatao ng binata pati ang tunay na pakay ni Tomeo sa Slovenia.

Palihim na pinapasok ng binata ang palasyo pati na ang building ng Wing Organization at Clementin Empire upang mangalap ng impormasyon na pwedeng gamitin laban sa mga Clementin. Bumubuo na rin ito ng sariling fighting force sa loob ng bansa at pumupuslit ng mga armas galing sa Russia.

Galit na galit ang hari nang malamang anak pala ni Timea Ares si Tomeo at pakay nitong pabagsakin ang Clementin at sakupin ang buong Slovenia. Mas lalong nagalit si King Malachi nang malaman rin nitong tinutulungan ni Queen Given Zenon si Tomeo Ares sa planong pagpapabagsak sa mga Clementin.

Ang alam ni Tomeo ay ang Clementin Empire ang nag-utos na ipapatay ang ina ngunit hindi niya alam kung sino ang pumatay mismo.

Hindi maalis sa utak ni Kataleya ang huling gabing pinagsaluhan nila ni Tomeo na kung kailan sila nahuli mismo ng hari sa akto at ang gabing rin 'yon nalaman ni Tomeo na siya ang pumatay sa ina nitong si Timea.


*****


Tumayo si King Malachi mula sa pagkakaluhod. Naglakad siya papalapit sa altar kung saan naroroon ang tatlong konseho ng isang napakalaking organisasyon sa buong mundo.

Inabot ng isa sa kanya ang isang golden dagger. Malugod niya itong tinanggap saka walang pag-alinlangang sinugatan ang palad saka pinatulo ang dugo sa isang gintong kopeta na may lamang alak na kung saan may dugo rin ng tatlong konseho.

Umalingawngaw ang tinig ng isang elder sa buong hall nang binasa nito ang babasahin ng organisasyon gamit ang hindi kilalang lenggwahe.

Hinawakan ng apat ang kopeta saka sabay na binuhos ang lahat ng laman sa isang maliit na puno, na isang simbolo nang matatag na samahan. Natapos ang ritwal at pormal na pinakilala si King Malachi na isang opsiyal na miyembro.

"I hereby proclaim that King Malachi Alexandarous Clementin of Slovenia Kingdom as an official council member of Empyreal Community and promised to the people of our organization to vow his loyalty and faithfulness to us. Wing Organization and Clementin Empire is now an official subordinate of Empyreal." anunsyo ni Emperor Xi of China na ang pinakahead ng Empyreal.


*****


Hindi na naituloy ang proklamasyon para kay Princess Kataleya upang maging sunod na reyna ng kaharian dahil sa nagawang kasalanan, tinanggalan siya ng korona bilang Crown Princess. Hindi niya matanggap ito dahil pinaalis rin siya sa palasyo at do'n sa Royal Mansion pinatira. Wala na rin siyang kapangyarihan sa loob ng Clementin Empire at Wing Organization.

Kinakahiya siya ng hari dahil sa nagawa pero malugod siyang tinanggap ng pamilya Olson at tinuloy ang kasal nila ni Douglas. Siya ang tinanghal bilang susunod na Duchess sa rehiyon ng Llubljana

Habang si Tomeo naman ay namatay sa sobrang parusang natanggap galing sa mga kawal ng Slovenia at hindi rin pinayagan si Kataleya na makita pang muli ang binata.

Naging tahimik naman ang Kaharian ng Eritrea at Ares Clan ngunit kakaiba ang katahimikang hatid ng dalawang grupo at isinawalang bahala iyon ni King Malachi kasi kampante ito sa kakayahan ng nasasakupan at sa istilo ng pamumuno nito.

Iba ang naging epekto ng lahat nang nangyari kay Kataleya, naging rebelde siya at sumama pa lalo ang ugali. Mapagmataas na siya at hindi na makatao kung ituring ang mas nakakababa sa kanya.

Kahit na ganoon si Kataleya ay natutunan ni Douglas na pakitunguhan at habaan ang pasensya para sa asawa. Nagbunga ang kanilang pagiging mag-asawa at unti-unti naging malambot si Kataleya habang lumalaki ang anak sa kanyang loob.

Ngunit...

Ang isang napakagandang regalo ng Panginoon sa mag-asawa ay naghatid ng bagong problema sa kaharian ng Slovenia lalong-lalo na sa kanilang dalawa.

Ipinanganak ni Duchess Kataleya ang unang anak na KAMBAL na parehong babae na kung saan itinuturing na malas sa kaharian. May kakaibang paniniwala ang dugong bughaw ng Slovenia ukol dito at dapat ito ay masunod.

Malas ang kambal na parehong babae o lalaki man at kailangang may mamamatay sa dalawa. Swerte naman kung ituring kung lalaki at babae ang kambal kaya halos ikamatay ito ni Kataleya nang malamang puro babae ang mga anak.

"What are we going to do?" naiiyak na tanong ni Kataleya sa asawa.

Napakuyom ng kamao si Douglas habang nakatingin sa mga anak. Sobrang kagalakan ang nararamdaman ng lalaki nang masilayan ang mga mukha ng dalawang bata. Masayang-masaya siya at mahal na mahal niya ang mga anak. Ngunit napuno siya ng galit at pag-alala para sa mga bata dahil sa paniniwala at sinusunod na tradisyon ng kaharian ng Slovenia.

"Don't worry my wife. I will protect our daughters with my own life. I won't let anybody or even your father hurt our children." niyakap ni Kataleya ang dalawang sanggol at ganoon rin ang ginawa ni Douglas.

"Promise me, Douglas."

"Promise." sinsero itong ngumiti sa asawa. "What would be the names of our little angels, my wife?"

Nakangiting binalingan ni Kataleya ang mga bata. "She will be Katarina Zenkiah." tukoy niya sa sanggol na nakakunot ang noo at may golden hair na namana kay Douglas. "And this little smiling one is Katareina Zavina." tukoy naman niya sa sanggol na may itim na buhok na namana sa kanya. Inabot ng ikalawang bata ang kanyang daliri saka ito ngumiti.

"Beautiful names." komento ni Douglas at hinagkan ang mga labi ng asawa.


*****


Tinago ng mag-asawa ang isa sa mga kambal. Gumawa ng paraan si Douglas upang manatiling sikreto ang pagiging kambal ng kanilang anak at para sa kaligtasan ng isa sa kanila.

BUT...

Secrets were kept for a good or a bad reason. There are secrets remained untold and there are secrets must be REVEALED.

At isang taon pagkatapos manganak ni Kataleya ay may nangyaring hindi maganda sa kanya na naging dahilan sa pagbabalik ng matigas nitong puso.

And as a human in nature, in order to ease the pain of being blamed we usually find someone or something for ourselves to blame.

Pinagbuntunan niya ng sama ng loob at galit tinatagong anak na si Katareina Zavina dahil nakikita niya sa masayahin at palangiting bata ang dating sarili na inabuso at niloko ng mga tao.

Yet, the young, sweet and innocent Katareina Zavina believes, "Hurting means loving. When there is love, expect the pain."


-End of Chapter One-

'Yan tayo 'e! Hahaha! Turtle update daw pero 'di ko talaga mapigilan! Kinukulit ako ni Zync! Bigyan ko raw siya ng hustisya! Kaya heto sinimulan ko na! So please inspire me with your thoughts through your comments. Okiii?

I'll be out for a month due to some important matter kaya hindi ako makakapag-update sa loob ng isang buwan but I will stay online.

Thank you for reading freaks!

///

Judas – is a name who means TRAITOR.

Demesne – an area or land legal possession.

///

God bless you.

Hugs and kisses,

CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com