Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Seven: THE SACRIFICIAL CHILD

Chapter 7: THE SACRIFICIAL CHILD

Enjoy reading!


3rd.

"I-it is f-faulty." Mahina at utal na sagot ni Reina.

Nagkatinginan ang mga konseho sa isa't-isa nang wala pang isang minuto ay nakasagot na agad siya.

"Please explain why." Sabi ng Game Master. Samantala, titig na titig naman ang hari sa kanya.

Napapalunok siya bago nagsalita,"W-what if that tall player couldn't even shoot a ball? It is faulty because being taller among others does not necessarily make someone better than others. His height might give him an advantage at times but other players may have more speed or accuracy." Saglit siyang natahimik at inangat ang tingin. Diretsong tumitig siya sa hari. "K-kagaya sa kung ano ang kayang gawin ng isang tao. Hindi basehan ang posisyon o estado ng pamumuhay para sabihing mas nakakaangat siya kumpara sa iba. Humans were given equally unfair chances to live this borrowed life we have. Tayong lahat may karapatang patunayan ang kung ano ang kaya nating magawa para sa mas makakabuti ng nakakarami lalo na para sa sarili natin. Your positions may give you more advantages than others but we should always remember that the Earth is revolving around. Minsan maliwanag. Minsan madilim."

Bumitaw siya ng tingin sa hari saka binalingan ang kakambal na titig na titig rin sa kanya. Kinagat niya ang labi dahil sa katahimikan sa buong silid.

Pumikit siya at pumaskil ang isang matamis na ngiti sa mapupula at maninipis na mga labi, "You may be able to shoot the ball but not all the time the favor will be on your side because there will always be someone who will block your way even though you were taller than that someone. Kayang talunin ng pandak ang matatangkad. Kayang apakan ng maliliit ang malalaki." 'di mapigilang dagdag niya.

Mas lalong natahimik ang lahat na titig na titig lang sa kanya. Napakurap ang hari saka malakas na tumikhim kaya napamulat siya at muling yumuko. Napaiwas naman ng tingin si Tari sa kanya.

Tila may kakaibang pahiwatig ang isang anim na taong bata para sa lahat at hindi nila mawari kung bakit siya nakapagsalita ng gano'n.

Tila nagulat pa ang game master nang tinapik siya ng isang konseho dahil natulala ito kay Reina.

"Bravooo!" biglang hiyaw ni Duchess Camelia kaya nagulat ang lahat. Tumayo pa ito at pumalakpak na nakatingin kay Reina na ngayon ay napalingon sa babae. "Hahaha! She's great!"

Nilibot ni Duchess Camelia ang tingin at nang makitang siya lang ang gumagano'n ay natigilan ito saka taas-noong bumalik sa pagkakaupo.

"Continue." Mataray na anas nito para ikubli ang hiyang nararamdaman.

Tumikhim ang game master, "Y-your answer is correct. Katareina Zavina has 45 points. For now, we will give you a break before we proceed to the second cluster of the game. The game will continue after 30 minutes."

Lumabas ang hari sa silid at sumunod ang ibang konseho sa kanya. Nakaupo lang ang kambal sa kanilang pwesto.

Si Katareina Zavina ay nakayuko pa rin habang si Katarina Zenkiah ay nakatingin na sa kanya. Pumasok ang isang attendant ng palasyo at nag-serve ng snacks para sa dalawang bata.

"Why did you showed up?" Biglang tanong ni Katarina Zenkiah. "You should have stayed in that attic to avoid this kind of mess. You were aware of our situation. I heard that you tried to run away and that cause the death of Aunt Mojica. I thought you love me?"

Napaangat siya ng tingin at sinalubong ang dismayadong tingin ng kakambal.

"I love you." She breathed out. Hindi siya makapaniwalang kinwestyon ng kanyang kakambal ang pagmamahal niya. Hindi niya akalain aabot sa ganito ang lahat.

Natawa si Tari, "You love me? No. You don't love because you are selfish. I hope you could see the mess you've done. Only one among us has the right to live and one must die. I am the princess and I will always be the one." Makahulugang saad ni Tari bago tumayo. "I want you to play fairly. You don't have to stop yourself and give way for me because I can have my own way. You are not aware to what I am capable of, trash." Pahabol na wika nito saka lumabas ng silid.

Napatulala si Reina dahil halos ayaw tanggapin ng kanyang mga tainga ang sinabi ng kakambal, lalo na ng puso niyang wasak na wasak na. Nanginig ang kanyang mga labi hanggang sa kumuwala ang hikbi.

"H-hindi ako selfish. H-hindi." Aniya at hinayaan ang sariling umiyak. "M-mahal na mahal kita, K-katarina."

Napatingala si Katareina Zavina nang may humawak sa kanyang ulo. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Duchess Camelia.

"Hi." Bati nito sa kanya.

Nahihiyang yumuko naman siya. Pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang maliliit na mga kamay pero marahang hinawi iyon ni Duchess Camelia at ito na mismo ang pumunas sa kanyang luha.

"I love your eyes." Saad nito habang nakatitig sa mga mata niya. Ngumiti ito nang matamis sa kanya.

"Be brave, little one. You deserve to live. Just enjoy this game." Mahinang kinurot nito ang kanyang pisnge. "Ako ang bahala sa'yo." Marahang hinalikan ni Duchess Camelia ang kanyang noo.

Nakangiti itong umalis sa kanyang harapan at umupo sa kanyang pwesto na may seryoso at pormal na mukha. Nakatitig pa rin siya sa babae nang dumating ang ibang councils pati na si Katarina Zenkiah na may seryoso pa ring mukha. Huling dumating ang hari.

"Let's proceed to the second part of the game. We will call it 'Tricky Clues'. Sometimes clues can trick you. Be careful to analyse information carefully and keep an open mind. In this cluster, we have three numbers and each number is equivalent to 30 points. Are you ready?" Tumango ang dalawang bata.

Pinilit ni Katareina Zavina na 'wag tumulo ang kanyang luha dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon dahil sa sinabi ng kanyang kakambal pero nang mapalingon siya kay Duchess Camelia ay nabuhayan siya ng loob nang nakangiti pa rin ito sa kanya.

"Francisco worked at a small nearby hospital. He liked talking to his patients and they were usually happy to see him. Each afternoon, he went around making sure each one had fresh water. But he never had to change the sheets or get clean towels –the hospital didn't even have mattresses. Why not?"

Nagulat ang lahat nang isang minuto pa lang ay may pumindot na ng buzzer. They were all looking at Tari's chair and were waiting for her chair to light up but it was Reina's chair lit up instead.

Tumikhim ang game master at ngumiti nang tabingi. "Y-yes Z-zavina, what is your answer?" Nauutal na tanong nito sa kanya. Nilingon niya ang kakambal na nakakuyom ang kamao at matalim ang tingin sa buzzer.

"It was an animal hospital or a pet shop. Maybe Francisco is a veterinarian or a staff on that hospital." Mahina ngunit siguradong sagot niya dito habang nakatitig nang diretso sa mga mata ng hari. Napagtanto niyang namana niya ang kulay ng mga mata nito.

"Y-you're correct, Zavina. You have 30 points and your total-collected-point is 75 points." Malakas na pumalakpak si Duchess Camelia kaya napatingin ang lahat sa kanya.

"What?" nandidilat ang mga matang tanong nito nang mapansinng nakatingin sa kanya ang lahat. "Isn't she brilliant? Isn't she so bright?" Tumawa ito sa sariling sinabi saka kumindat kay Reina.

"Proceed to the next question." Seryosong saad ng hari.

"Roberta and Louisa screamed. They slid from side to side as the car flew around the curves. Suddenly they were upside down then right side up and still speeding forward. They screamed again but they weren't scared. Why not?"

Tumunog ang buzzer pagkalipas ng dalawang minuto at umilaw ang upuan ni Tari.

"Roberta and Louisa aren't scared because they were enjoying their ride. Yes they screamed but it was a scream of fun. They were riding a roller coaster. Way back last December, we went to The Netherlands and I rode on a roller coaster as the Queen, my grandmother keep an eye on me. Right Grandpa? Oh I'm sorry... right your Highness?" Taas noong sagot nito na may halong pagmamayabang. Nakatingin lang ito sa nakayukong si Reina.

Hindi sumagot ang hari pero ngumiti ito nang matipid sa tinuran ni Tari kaya sumimangot si Duchess Camelia at mahinang humingasing.

"You're answer is right princess Katarina Zenkiah. The 30 points is yours. In total you have 35 points." Ngumiti si Tari saka marahang tumango.

Imbes yumuko ay tumingala si Reina at doon tumitig sa ceiling kaya napatingin rin do'n si Tari. Napasimangot ito nang wala namang nakaka-interes na titigan do'n. Umiwas ito ng tingin.

"This is the last question in second cluster of the game. Leslie was telling her friends about her family's new pet. She'd named it Terry and it was small with soft brownish-black fuzz. She brought it out cradled gently in her one hand to show everyone but no one would go near it and said it looks creepy. Why not?"

Walang may nakasagot agad. Nakakunot ang noo ni Tari habang nakatingin nang diretso sa buzzer habang si Reina ay nanatili ang mga mata sa taas.

"One minute left." Ani ng game master. "30 seconds."

Tumunog ang buzzer at umilaw ang upuan ni Tari. "If her new pet is small that she could hold it with only a hand, if it has soft brownish-black fuzz but it seems everyone's afraid of her new pet. Her new pet might be a spider specifically a tarantula." Sagot nito na nakangiti. Namangha naman ang ibang konseho sa matalinong sagot ni Tari.

"Princess Katarina Zenkiah is right. You got the 30 points then in total you have 65 points." Pumalakpak ang ibang konseho.

Mayabang na binalingan ng tingin ni Tari si Reina. Napatitig naman siya sa mga mata ng kakambal na puno ng galit at lungkot. Ngumisi ito sa kanya kaya muli na lang siyang tumingala para iwasan ang tingin nito.

"That's how a real princess used her brain." Rinig niyang mahinang usal nito.

"I know." Bulong niyang sagot.

Naging tahimik ang buong silid nang marinig ang sinabing iyon ni Tari. Ramdam nila ang mabigat na tensyong pumapagitna sa dalawa.

Reina heaved a deep sigh and let out a sad smile. Nilingon niya si Duchess Camelia na ngayon ay nakatingin sa kanya nang mataimtim. Tumikhim ang game master para patayin ang tensyon sa loob ng silid.

Nagsimula rin agad ang ikatatlong cluster ng game which is 'Riddles'. Sa tatlong bugtong na ibibigay ay may equivalent ito na 50 points.

"Two sisters who dearly love each other, who signify wings of an angel, one can move without the other but powerful when they go together. When they flip their wings everything around them will go disappear. What are they?" Inulit ng isa pang beses ng game master ang bugtong. "This time I will give you 15 minutes to analyse the riddle and give me the answer."

Walang may nagsalita at lahat ay nakaantabay kung sino ang unang pumindot ng buzzer. Napapikit si Tari habang si Reina naman ay napakamot sa baba habang nakayukong inalisa ang bugtong. Seryoso lang nakatingin ang hari sa dalawang bata.

"Fifteen minutes is over. I will repeat the riddle once again, 'Two sisters who dearly love each other, who signify wings of an angel, one can move without the other but powerful when they go together. When they flip their wings everything around them will go disappear. What are they?' You may now press the buzzer."

Nag-unahan ang dalawang bata sa pagpindot ng buzzer at napasinghap ang lahat nang ang upuan ni Reina ang umilaw.

"What is your answer, Zavina?"

Hindi agad siya nakapagsalita dahil iniisip pa niyang mabuti kung tama ang sagot niya.

"Zavina?" Tanong ng game master. Napangisi si Tari.

"My answer is EYES." Mahina ngunit siguradong sagot niya. Tumawa si Katarina Zenkiah.

"Haha. Eyes?" Tawa nito na tila nangungutya sa kakambal. Nilibot pa nito ang tingin na may nagmamayabang na mga mata bago binalik ang tingin sa kanya. Muling natahimik ang lahat at binasag iyon ni Reina.

"Two sisters who dearly love each other, who signify wings of an angel..." sambit ni Reina sa unang linya ng bugtong habang binibigyan ng seryosong tingin ang kakambal.

She blinked her eyes slowly a few times. Making sure that everyone should see how she closed and opened her eyes.

"...one can move without the other but powerful when they go together." She closed her left eye then the other and blinked them together.

"...when they flip their wings everything around them will go disappear. What are they?" She tightly closed her eyes as she chanted the last line. "You disappeared. All of you are now gone but wings needed to flip in order to fly so as my eyes need to open to see the reality." Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at diretsang tiningnan mata sa mata si Tari. "My answer is EYES."

Pumalakpak si Duchess Camelia pati na ang game master dahil sa ginawa at sinabi ni Katareina. Nilingon ng hari ang kanyang GM at pinandilatan kaya napapahiyang yumuko ito.

"Isn't she amazing?!" Tumawa si Duchess Camelia at kumindat kay Reina.

"Zavina is correct. 50 points will be added to your points, in total of 125 points." Seryosong saad ng game master. Nakasimangot na iniwas ni Tari ang tingin habang nakakuyom ang kamao.

"Give me food and I will live. Give me water and I will die. What am I? Your 15 minutes starts now."

Nakangising pinindot ni Tari ang buzzer kaya napaangat ng ulo si Reina.

"What is your answer Princess Katarina Zenkiah?"

"Fire." Binigyan siya nito nang matalim na tingin. "You could be the fire and I will be the water, what will happen to you?" Walang emosyon na tanong nito sa kanya saka nakakalokong ngumisi.

Natahimik na naman ang lahat. Both have this intense aura trying to overrule each other. Kahit bata pa lang nararamdaman ng konseho at ng hari ang dangerous intent ng dalawang bata. Indeed, they are Clementin. It runs in their blood. Napangisi ang hari dahil doon.

Parehong may ibubuga. Parehong may utak. Parehong mapanganib.

Ngayon nakaramdam ng pagkakampante ang hari sa kung ano man ang magiging resulta ng larong ito dahil nakikita nito sa dalawang bata ang parehong potential ng karapatdapat na tagapagmana.

Walang pakialam ang hari kung sino man sa dalawa ang mamamatay at ang mabubuhay dahil alam niyang kahit si Reina ang mananalo ay sigurado siyang mahahasa niya ito para maging magalig na Reyna sa hinaharap.

Nilingon ni Tari ang hari na para bang natatakot ito sa maaaring at tila naghahanap ng kakampi. Ngumiti ang hari sa bata na tila nagsasabing magiging okay ang lahat pero ang katotohanan ay para sa sarili nito ang ngiting 'yon.

"It'll be my pleasure." Tanging sagot ni Reina na may taos-pusong ngiti sa naging saad ng kakambal.

Halos lahat ng tao na nasa loob ng silid ay nagulat sa ngiting 'yon. It was the most genuine smile they had ever seen from a Clementin. Nasanay na sila na hindi ngumingiti ang mga Clementin dahil nananaig ang kaseryosohan, walang emosyon at nakakatakot na dating ng mga nito.

Umiwas ng tingin si Reina nang mapansin ang nagbabagang tingin ni Tari na konting-konti na lang ay mag-aapoy na. Nasasaktan siya dahil sa pinaparamdam ng kakambal niya sa kanya pero tila unti-unting namamanhid ang kalooban niya, lalo na ang puso niya. Nasasanay na ito.

Tumawa nang plastic ang GM para kunin ang atensyon ng lahat, "Your answer is correct princess. You got the 50 points. Your total collected points are now 115 points." Lumunok ang game master dahil sa nararamdamang kaba sa tensyong bumabalot sa loob ng silid.

"And now, for the last riddle which will decide who will be the winner, this is still equivalent to 50 points. Are you ready?" Tanong nito sa kanila.

"Always will." confident na sagot ni Tari habang siya ay tumango lamang at muling tumitig sa kesame.

"I never was, am always to be. No one ever saw me nor never will and yet I am the confidence of all to live and breathe of hope in this terrestrial ball. What am I? Your 15 minutes starts now."

Nagsimulang tumibok nang mabilis at malakas ang puso ni Reina dahil sa kaba at takot kasama na d'yan ang sakit at lungkot. Napapikit siya dahil sa mga salita ng huling riddle na naglalaro sa kanyang isipan.

'What am I?' paulit-ulit na naririnig niya sa kanyang utak hindi dahil sa bugtong kundi dahil sa sarili niya. Ano nga ba talaga siya? Isa lang ba talaga siyang basura? Isa ba talaga siyang malas?

'What am I?'

'Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan mo ngayon pero alam kong matalino kang bata. Hindi ka basta-basta nadadala sa simpleng candy o chocolate lang. But 'wag mong kalimutan, sweety, na isa ka pa ring bata.' Narinig niyang muli ang sinabi ni Duchess Camelia sa kanya kaninang umaga.

'I am a child.'

Ano ba dapat ang ginagawa ng isang na normal na bata? Ano ba dapat ang nararamdaman ng isang bata? Ano ba talaga ang dapat laman ng isip ng isang bata?

'Hindi ko alam.' Sambit niya sa kanyang utak.

**

Samantala, gustong-gusto nang tumulo ng luha ni Tari. Kanina niya pa ito pinipigilan at pilit tinatago sa pagtapang-tapangan. Natatakot siya ngayon sa kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat at sinisisi niya ang kakambal dahil ito ang may kasalanan ng lahat.

Kung sana ay hindi nagpakita si Reina at sinubukang tumakas ay hindi sila mapupunta sa sitwasyong ito. Kung sana ay hindi na ito ipinanganak, walang magiging problema. Sana siya na lang nag-iisa at wala siyang magiging kahati ngayon. 'Yan ang mga bagay na pilit umaakupa sa isipan at damdamin ni Tari.

"Fifteen minutes is now over. You may now press the buzzer."

Hinintay ni Reina na pumindot si Tari at napangiti siya nang pumindot nga ito.

"What is your answer, Princess?"

"D-dream." Nagdadalawang isip nitong sagot. Napakagat labi si Reina nang marinig niya ang sagot ng kakambal.

Napatingin ang lahat ng konseho sa hari na ngayon ay nakangising nakatingin sa kanya. Binaling nito ang tingin kay Tari na nakayuko at may nanginginig na mga kamay sa ilalim ng mesa.

"Your answer is wrong." Saad ng Hari na ikinatigil ng lahat. "I would like to hear your answer, little girl?" Napalingon si Reina sa Hari dahil sa itinawag nito sa kanya. Nakangisi ito sa kanya kaya mas lalo siyang kinabahan. Binaling niya ang tingin sa kakambal na ngayon ay nangingiinig at namumula na ang buong mukha, pahiwatig na malapit na itong iiyak.

"Katareina Zavina?" Muling tawag ng hari sa kanya. Kaya napalingon siyang muli dito. "What is your answer, my granddaughter?" Mas lalong natigilan ang lahat dahil sa mga salitang binibitawan ng hari.

Tumulo ang isang butil ng luha sa inosenting mata ni Reina dahil sa kauna-unahang beses na tinawag ng hari ang kanyang buong pangalan at sa tanawing nakikita niya sa kakambal.

Now, she felt she exists. She's now someone that the highest ranked person in their kingdom recognizes. She feels new and it's overwhelming. For heaven's sake, he's not just the king but he is Reina's grandfather.

But at the same time, Reina felt guilty and hurt for her twin sister. This was not she expected to happen this afternoon. This was so wrong.

"No! I am right! My answer is correct!" Biglang hiyaw ni Tari na tumayo habang nakatingin nang may nanlilisik na mga mata kay Reina. "You are just nobody that is considered being a trash needed to be dumped forever!" Bulyaw nito sa kanya. "I am the princess that you will never be! Put that on your rotten brain!"

Nagulat si Reina sa sinigaw ng kakambal. Tila nablanko ang kanyang isipan.

"Shut up, child. You don't have the right to freak out. Sit down." May awtoridad na saway ng hari kay Tari. "Now, my Katareina Zavina, I want to hear your answer."

Umiiyak na umupo si Tari habang nanlilisik na nakatingin pa rin sa kanya. Hindi siya makatingin dito kaya yumuko na lang siya.

"I said I want your answer now! Don't make me repeat myself again." Mariin at may halong galit na saad ng hari.

Nanghihinang binuka niya ang kanyang bibig at pilit tinatagan ang sarili.

"T-Tomorrow." She answered under her breathe.

"Make it louder!" sigaw nito sabay hampas sa mesa kaya napaigtad siya.

"T-Tomorrow." Saad niyang muli sa kanyang sagot na narinig na ng lahat.

Tumayo ang hari. "The game is now over and it has finally decided. My granddaughter, Katareina Zavina is the winner and because she doesn't exist, she will be our future queen using the name and identity of Katarina Zenkiah. The real Katarina Zenkiah here will be the sacrificial child tomorrow evening and everything will be forgotten forever. Starting now, talking either mentioning the twins and this game is forbidden. You are all dismissed."

Pagkatapos nitong mag-anunsyo ay lumabas na kaagad ito kasunod ang kanyang mga kamay at konseho maliban sa dalawang bata at kay Duchess Camelia.

"I hate you! I hate you! I curse you to death! You will never be happy! I hate you! I hate you! Ikaw ang dapat mamatay!" Bulyaw ni Tari sa kanya sabay lapit at hinablot sa kanyang leeg ang suot niyang kwintas na iniregalo nito sa kanya saka umiiyak na tumakbo palabas ng silid.

Hindi na napigilan ni Reina ang nararamdaman. Umiyak siya nang malakas at binuhos lahat ng sakit sa kanyang puso. Mas lalo siyang naiyak dahil sa mga brasong yumapos sa kanya at bumuhat. Pinatong siya nito paupo sa mesa. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Duchess Camelia.

"Do you know how much I admire you?" Napaangat siya ng tingin. "Since the first time I saw you, I saw how good your heart is. I can see it in these beautiful orbs you have." Marahang ipinalandas nito ang mga daliri sa kanyang mga mata kaya napapikit siya. "I saw how you look at your twin sister, your family especially your parents. I feel your love towards them. Though your mouth was shut, your eyes speak million words. I know you love them so much and with your young age, you are willing to do everything for them." Hinawakan nito ang kanyang baba. Napamulat siya at sinalubong ang nakangiting mga mata ng Duchess.

"You are the youngest fighter I've ever known in my whole life and you are the bravest among. Before the game started, I am aware of what will be the result and I am sure of it. I could feel the desire of this." Sabay turo sa kaliwang dibdib ni Reina. "This little brave heart is a selfless warrior." Nilahad nito ang isang kamay. "Here, accept this as my gift of gratitude for you. Thank you for showing me how powerful love is compared to hatred and anger when pain suddenly strikes a human heart."

Napatingin si Reina sa hawak ni Duchess Camelia. It is a vial filled with sparkling liquid.

"What is this?" She asked with a hoarse voice.

"I know what you will do because of love and this will be the wind under your wings when the full moon comes." Makahulugang wika nito saka kumuha ng syringe. Inubos nito ang laman ng vial saka marahang kinuha ang maliit niyang braso.

"This won't hurt." Anito saka ininject sa kanya ang lahat ng laman ng vial. Napangiwi siya habang nakatingin sa babae.

"Mother?" Napalingon silang dalawa sa may pinto nang may nagsalita. Nakatayo doon ang tatlong batang kilala niya.

Nakangiti ang mga itong nakatingin sa kanilang dalawa.

"Good afternoon, your majesty." Sabay na bati ng tatlong bata saka yumukod.

"Come here, my little ones. I want you to personally introduce yourself to the princess." Ani Duchess Camelia. Lumapit ang tatlong bata sa kanila.

Nagkatinginan ang tatlong bata saka humagikhik, napangiti naman nang palihim si Reina.

"Hi Princess Zenkiah, I am Finamelia Camilla F. Rostarcel, the first borne of Duchess Camelia F. Rostarcel, Duchess of Senoceze Region. I am 13 years old." Nag-bow ito in a lady like manner saka marahang tinulak ang batang lalaki na kasingtangkad nito para magpakilala.

Namula ang batang lalaki at ngumiti nang matamis. "My name is Tyrone Flynn F. Rostarcel, 12." Kinindatan nito si Reina. Inis na hinawi naman ng ikatlong bata si Tyrone saka humarap sa kanya.

"Hello. I am Terrence Psych F. Rostarcel, I am eight years old. Nice to see you Princess Katarina Zenkiah." Pagpakilala nito sa kanya.

Nakangiting tumango lang siya sa mga hiram na kaibigan.


-End of Chapter 7-

Disclaimer: Number one to seven statements of the first and second clusters are not mine. CTTO.

A/N: MALAPIT NA TAYONG BABALIK SA PRESENT TIME NG KWENTONG ITO! Hahaha. Kinakabahan ako. Megerd! Malalaman na natin kung ano ang nangyari kay Reina sa kanyang pagtakbo palayo kay Zync at sa lahat. Madadapa kaya siya?

Ipa-plug ko lang ko rin sana 'yong isa ko pang kwento, entitled: DISTRICT X. Hope pansinin niyo rin 'yon. Kwento 'yon ni Xylah Elizabeth Pitt! Nando'n siya sa Season One. Hahaha!

Anyway, thank you for reading freaks.

Hugs and kisses,

CL with love.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com