Three: REINA
Chapter Three: KATAREINA ZAVINA
Enjoy reading!
3rd.
"Wala kang pakialam kung paano ko siya pakikitunguhan!" galit na bulyaw ni Kataleya kay Douglas.
"For Pete's sake Kataleya she's your child!"
"Shut up! I do what I want! You don't need to boss me around and don't you dare tell me again on how I treat that unwanted child!" ayaw paawat niyang sigaw.
Napatayo si Douglas sa kinauupuan at malakas na tinabig ang vase na nasa mesa. Umalingawngaw ang tunog ng pagkabasag sa buong silid.
Samantala, napaigtad naman si Katareina Zavina nang marinig ang pagkabasag sa silid na nasa mismong baba ng attic kung nasaan ang kanyang mumunting tahanan. Nakadapa ang bata sa sahig sa ilalim ng kanyang kama at nakikinig sa sigawan ng kanyang mga magulang.
Ang ilalim ng kama, ito ang pinakagusto niyang parte sa buong silid dahil masikip. Gustong-gusto niya ng masikip dahil iba ang pakiramdam ang hatid no'n para sa kanya. Parang hindi siya nag-iisa. Feeling ng bata ay niyayakap siya ng kasikipan para siya ay damayan.
"She's not unwanted and never will! Damn it, woman! What is happening to you?! She's your child! Nanggaling siya sa'yo! She doesn't deserve to be treated like a trash! Hindi niya kasalanan kung sa ganitong klaseng pamilya siya ipinanganak. Please, if you can't love her just don't hurt nor hate her. She's just six years old. Marami na tayong mga bagay na ipinagkait sa kanya kaya maawa ka 'wag mo siyang saktan!"
Pilit na pinipigilan ni Douglas na tuluyang magalit sa asawa dahil baka maapektuhan ang pagbubuntis ni Kataleya. Nag-aaway na naman silang dalawa dahil sa masamang pakikitungo ni Kataleya kay Zavina.
"Mamamatay rin siya! Kaya mas mabuti na 'yong mas maaga pa malaman na niyang wala siyang lugar sa mundong 'to!"
Napasuntok sa pader si Douglas at masamang tiningnan si Kataleya.
"Why are you doing this?" Mahina ngunit puno ng galit na tanong nito sa asawa. Natahimik si Kataleya dahil do'n. Ramdam niya ang galit nito.
"This is for her sake, Douglas. I don't want her to expect that this world will accept her. Gusto kong makita niya na walang maganda sa mundong 'to because this world is evil! A child like her doesn't deserve to live in this world. I don't want her to hold on and to hope for nothing."
Hindi makapaniwalang tumawa si Douglas at matalim na tinitigan ang asawa. "Then, what do you think she deserve?" mariin ang bawat salitang tanong nito na iniwas na ang tingin sa asawa dahil sa sobrang galit sa baluktot nitong rason.
"She deserves to die." diretsang sagot nito. "In fact, hindi na dapat siya nabuhay pa!"
Napasigaw nang malakas si Douglas saka binalibag ang mesa na naging dahilan ng pagkabasag ng ibang gamit.
"Anong klaseng halimaw ka?! What kind of a mother are you Kataleya?! Ano?!" sigaw nito sa mismong mukha ni Kataleya. "Bakit ganyan kabaluktot 'yang utak mo?!"
"Dahil 'yan ang katotohanan! Si Katarina Zenkiah lang ang panganay ko at siya ang magiging Crown Princess!"
"Katareina Zavina is your child too, Kataleya! She may not be the Crown Princess but she is still your daughter! Ikaw ang nagluwal sa kanya at 'yan ang katotohanan na pilit mong iwinawaksi! Kung hindi mo kayang magpaka-ina sa kanya 'wag mo siyang ituring na basura!"
"She is nothing but an unwanted child!" sigaw ni Kataleya sabay tulak kay Douglas, "...and that's the truth!"
Napasabunot ang lalaki sa buhok saka napapikit. "Please, spare my child. Spare her from being miserable just like you are." Mahinang pagmamakaawa ni Douglas.
Matigas na nilabanan nang matalim na tingin ni Kataleya si Douglas. The last thing he said hit something inside her.
"You are miserable Kataleya at gusto mong idamay ang ibang tao sa pagiging miserable mo. Na pati ang walang muwang mong anak ay gusto mong makaranas ng mga hinanakit mo. Wala kang puso, Kataleya."
"Shut up!"
"Hurting your daughter won't give you a way out from misery. Hinding-hindi ka makakalabas sa galit na 'yan hangga't hindi mo matatanggap sa sarili mong natalo ka laban sa ama mo." seryosong saad ni Douglas. "Hindi napasa'yo ang korona dahil diyan sa ganid at sakim mong puso. At nakikita mo ang sarili mo kay Katareina dahil pareho kayo ng kapalaran. She won't have the crown, too. Pero alam mo ba ang ipinagkaiba niyo?"
Umiwas ng tingin si Kataleya at hindi nakasagot.
"Tanggap ng anak mo na hinding-hindi niya makukuha ang korona! Alam niyang kahit kailan ay hindi siya magiging reyna! Masaya siyang si Katarina Zenkiah ang natatanging Crown Princess, hindi kagaya mo! Galit ka sa ama mo dahil siya ang hari pero hindi mo makuha-kuha ang trono sa kanya. Kataleya, 'di ka ba nahihiya?! Daig mo pa ang bata kung—"
Mabigat ang hiningang binaba ni Kataleya ang kamay na ipinangsampal kay Douglas. "You don't know what you're saying! Wala kang alam!"
"Alam ko, Kataleya! Buong buhay mo ipinagkait sa'yo ang atensyon ng mga magulang mo kaya ang galit mo sa kanila sa anim na taong anak mo ibinabaling! Anong klaseng tao ka?!"
Tumalikod si Douglas upang iwanan ang asawa. Pero natigilan ito nang marinig ang tawa ng asawa.
"Sinabihan na kita noon Douglas na itapon ang batang 'yan sa malayong bansa pero nagmatigas ka. Now, you had already chosen her fate. You gave me your choice. I will let everyone in the kingdom know about her existence or on a better idea I will kill her with my own hands in front of you. We only have one daughter, my husband and that is Katarina Zenkiah."
"You're crazy." tanging nasambit ni Douglas dahil sa narinig. Tinawanan lang siya ni Kataleya.
******
"Demon." Galit na bulong ni Mojica Olson, 21 years old at bunsong kapatid ni Douglas.
Narinig niya ang buong pag-aaway ng mag-asawa. Hindi niya nagustohan ang narinig. Matagal na siyang nagtitiis na 'wag makialam sa pamilya ng kanyang nakakatandang kapatid pero tuluyang napigtas ang kanyang pasensya dahil sa masamang balak ni Kataleya sa sariling anak.
"I won't let you hurt my niece, Kataleya." aniya.
Humugot nang malalim na hininga si Mojica bago tinahak ang hagdang hindi niya kailanman dinaanan dahil sa pagbabawal sa kanya ng mga magulang at bayaw.
Simula nang maging Duchess si Kataleya sa kanilang rehiyon ay kahit kailan hindi sila magkasundo. Ayaw na ayaw niya ugali nitong atribida at pagmamanipula sa ibang tao. Hindi niya mahanap ang rason kung bakit pumayag ang kanyang mga magulang sa utos ng palasyo na si Kataleya ang maging asawa ng kapatid niya.
Mabilis niyang narating ang pintuan ng attic at tahimik na binuksan ang kandado saka walang ingay na pumasok sa loob. Hindi niya pa nasisilayan ang mukha ng kakambal ni Katarina Zenkiah pero nasa isip niyang magkamukha ang dalawang bata. Nilibot niya ang tingin sa malapad na attic.
Makulay at puno ng disenyo ang buong silid. Typical na kwarto ng isang bata. May mga papel na may drawing na nakasabit sa pader. May maliit na refrigerator, may maliit na lamesa na puno ng mga papel at ibang gamit sa pagsulat at pagkulay, meron ding isang halaman na may kakaibang bulaklak sa ibabaw ng mesa, isang bangko, may banyo, isang malapad na kamang kulay asul sa may gilid kung saan ay halos unan na may iba't-ibang kulay na lang ang nakapatong do'n.
Napatingin siya sa white board na nakasabit sa dingding. Pinasadahan niya ng tingin ang mga guhit at sulat dito. Hindi niya maintindihan kung ano ang mga iyon at tanging naintindihan niya ay ang nakasulat sa pinakababa.
"February 10, Sunday." mahinang basa niya dito.
Nilibot niyang muli ang tingin sa buong silid upang hanapin ang batang pamangkin. Nakita niya ito sa may gilid sa unahan ng kama, nakatingkayad sa nag-iisang bintana ng kwarto.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa wakas ay makikila niya na ang tinatagong bata.
Mahaba ang maitim at maalon nitong buhok na halos umabot sa may hita. Nakasuot ng kulay puting dress at puting sapatos. Namangha pa siya nang masinagan ng araw ang buhok nito ay lumalabas ang natural na kulay brown na kung hindi naman mailawan ay sobrang itim.
Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng bata ngunit hindi sinadyang natabig niya ang isang laruan nito kaya gumawa ito ng ingay. Napalingon ang bata sa kanya.
At nagulat siya nang makitang tahimik na lumalandas ang luha sa inosenteng kulay asul na parang malalim na dagat nitong mga mata. Basang-basa ang mukha ng bata ngunit hindi makikitaan ng kahit anong emosyon na tanging mga mata lang ang sumisigaw ng kalungkutan.
Lingid sa kanyang kaalaman ay narinig ng bata ang sigawan ng mga magulang nito sa baba kaya naabutan niyang ganito ang bata. Tahimik na umiiyak gaya ng lagi nitong ginagawa.
Hindi siya makagalaw at nanatiling nakatitig sa mukha ng bata. Pumihit paharap ang bata at pinahid nito ang basang mukha gamit ang manggas ng puting dress. Humarap ito sa kanya na may excited na mukha, nawala bigla ang lungkot nito sa mga mata.
Ngumiti sa kanya si Katareina at napanganga siya.
It is the warmest smile Mojica had ever seen that touched her soul within, that innocent smile which can give warmth in anyone's cold heart.
"How could they neglect this very beautiful child?" Mahinang tanong niya sa sarili. Lumapit sa kanya ang batang nakangiti pa rin at tumingala.
Bakit hindi niya naisip noon na kunin ang bata no'ng sanggol pa ito at magpakalayo-layo sa sinumpang bansa? Kaya naman niyang maging magulang nito.
"Who are you? Are you my Aunt Mojica? You look like Lola Dane." tanong nito.
Napatingin siya sa mga mata ni Katareina.
'How could she smile so warm when her eyes screams pain and sadness?' aniya sa kanyang isipan.
Napagtanto ni Mojica ang kaibahan sa isa't-isa ng kambal.
Magkamukhang-magkamukha ang dalawang bata ngunit ang kaibahan lang ay ang kulay ng mga buhok ng kambal at mga mata. Katarina Zenkiah's eyes are greenish-grey with a flicker of blue and have a blonde hair while Katareina Zavina's orbs are deep ocean blue in color. Sobrang tingkad ng pagka-asul nito na matutulala ka talaga kapag ikaw ay matitigan.
Nginitian niya ang pamangkin at masayang tumango dito.
"Yes, I am Mojica and you are Katareina Zavina, right?" Nakangiting tumango naman ang bata at bigla siyang niyakap nang mahigpit sa bewang.
"You're here!" tuwang-tuwang hiyaw nito.
Natawa siya nang mahina dahil sa kasiglahan ng bata. Mas lalo niyang nakitang magkaiba nga ang kambal. Kung si Katareina Zavina ay masayahin at marunong tumawa habang si Katarina Zenkiah naman ay seryoso, hindi palaimik at palamasid sa paligid nito.
"Thank you for visiting me, Aunt Mojica but I'm afraid that Mommy will get angry at you. You are not allowed here in my room." Malungkot na saad ng bata kaya nawala ang ngiti niya.
Totoo ngang alam ng bata kung ano ang mga nangyayari sa paligid nito. Hindi nga ito isang ordinaryong bata lang. Ngunit nakakalungkot isipin na ang dapat ang paglalaro, pagkain at laruan ang isipin sa edad nito ay ganitong klaseng mga ideya na ang nasa utak nito. And now she will change everything.
"No, I'll be okay princess. I am here to invite you to play outside. Do you want to come with me?" nakangiting tanong niya kay Katareina na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.
This is what she wanted to do. Ang itakas ang bata sa kanilang bahay at dalhin ito sa malayong lugar. Dahil sa pagkakakilala niya sa kapatid hindi ito papayag na mawalay kay Katareina at mas lalo lang magugulo ang lahat, sa huli ang kawawang bata ang maghihirap sa sitwasyon at masasaktan.
Wala siyang pakialam kung mawala man ang lahat ng karangyaan at kaginhawaan bilang isang anak ng Duke sa kanya basta ang gusto niya lang gawin ngayon ay ang itakas ang bata sa malupit nilang mundo.
Kaya niya ring isuko ang posisyon sa Wing Organization na High Class Wing team leader. Kakayanin niya ang lahat para sa pamangkin.
Yumuko ang bata, "But... I am not allowed to go outside." anito.
Kumirot ang puso niya dahil nararamdaman niyang pati si Katareina Zavina mismo ay pinagkakaitan na rin ang sarili na lumaya.
"No baby, I am here so you don't have to worry. I just want to tour you around. I know that you wanted to go outside that's why I am here. So are you coming with me?"
Tumingala ang bata na may nagniningning na mga mata.
"Then when are we going back here?"
"As soon as possible."
"Promise?"
"Just see it yourself, baby."
Ngumuso ang bata saka nag-isip. "Why are you doing this, Aunt Mojica?" bahagya pa siyang nagulat nang marinig ang kaseryosohan sa mumunting tinig nito.
"B-because... I love you." Mahinang sagot niya. Tumitig ng ilang sandali ang bata sa kanyang mga mata. Napagtanto niyang isa nga itong Clementin.
Titig pa lang nito ay nagpapahiwatig na ng kapangyarihan, batas at kontrol. Katareina Zavina's innocent eyes could show off a gaze of a potential queen of a majestic kingdom. The way the child looks at her is penetrating into her soul, reading every detail of her mind and feelings. She's indeed a Clementin.
"W-what do you want me to call you, Princess?" tanong niya para iwaksi ang ilang sa titig ng bata. She won't deny the fact that the child got her intimidated. At alam niyang may hinuha na ito sa plano niya.
Napakurap ng ilang beses ang bata na para bang nakabalik na sa tamang huwisyo saka ngumiti sa kanya nang malaki.
"Can you please call me Reina?" umaasang tanong nito na may nahihiyang ngiti. Nawala na ang ilang na nararamdaman niya kaya napangiti na lang rin siya. She cupped Reina's chubby pinkish face and lightly squeezed it.
"Yes of course, Reina, my queen." Nakangiting aniya sabay yakap sa bata.
**
Napapayag niya si Reina na lumabas. Kinuha nito ang bag na may lamang mga papel at iba pa. Hinalungkat naman ni Mojica ang closet ng bata at kumuha ng isang brown na trench coat, scarf at sumbrero. Isinuot niya ang mga iyon sa bata.
"Let's go." aya niya sa batang balot na balot.
Natawa pa siya nang tumingala ang bata ngunit hindi niya pa rin nakita ang mukha nito. Binuhat niya si Reina at tinungo ang pinto saka binuksan. Sinilip ang paligid kung may ibang tao. Kinandado niyang muli ang pinto ng attic upang hindi agad mahalata.
Dahil sa pagiging assassin niya, hindi siya nahirapang makalabas sa mansion ng kanilang pamilya ngunit nang nasa likod na sila ng bahay ay may sumalubong sa kanya at kinabahan siya ng sobra nang makilalang si Lady Dane ito, ang kanyang ina.
Lumapit ang kanyang ina sa kanilang dalawa kaya agad siyang napaatras ngunit mabilis sila nitong mahigpit na niyakap kaya nagulat siya dahil akala niya ay magagalit ito.
Bumitaw ang ina niya sa yakap saka siya tiningnan sa mukha.
"Please, take good care of her." Saad nito sabay abot sa kanya ng isang itim na body bag. "Here take this. Hinanda ko na ang lahat ng papeles niya pati na rin ang iyo. All the things you need are in this bag. At the end of the forest, I parked a car there and use it. Drive directly to the airport and give Katareina a happy life, Mojica." Naiiyak na wika ng ina na nakahawak sa ulo ng bata, "Don't ever look back. I trust you in this, my daughter." saka muli silang niyakap nang saglit at pinagtulakan palayo.
Halos ayaw nang humakbang ng paa niya sa panghihina dahil gusto niya pang mayakap ang ina. Alam niyang sa oras na makalabas siya sa gubat na ito ay baka hindi na sila muli pang magkita pero naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Reina sa kanyang leeg kaya bumalik ang lakas niya para sa pamangkin.
Lakad-takbo siyang tinahak ang direksyon ng gubat.
"I love you both." rinig niyang sambit ng ina bago siya tuluyang makapasok sa kakahuyan.
Tumakbo nang mabilis ang dalaga nang hindi lumilingon sa pinanggalingan. Tumulo ang luha niya pero agad niyang pinalis iyon at tinatagan ang sarili. Tahimik naman si Reina at tila naiintindihan ang kanilang sitwasyon. Nagpapasalamat siyang matalino ito.
'Di rin nagtagal ay nakita niya ang isang itim at heavy-tinted na sasakyan. Agad niyang pinasok ang bata sa backseat at sinuotan ng seatbelt. Nilibot niya muna ang tingin sa paligid upang masigurong walang may nakamasid sa kanila.
Pumasok siya sa driver's seat at nilingon ang bata. Hinubad nito ang sumbrero saka tumingin sa kanya.
"Are we not going back here... forever?" mahinang tanong ng bata.
Napakurap siya ng ilang beses at napalunok. Pilit pinipigilan ang sarili na maiyak. Ngumiti siya nang malungkot sa bata. Matalino nga ito at mabilis makaintindi sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid kagaya ng kakambal.
"Are you ready?" imbis na sagutin ay tinanong niya ito. Ngumiti naman si Reina sa kanya at tumango. Napangiti na rin siya.
Pinaandar niya ang sasakyan at nilisan ang lugar na puno ng kasinungalingan at karahasan.
This is it. This will be the start of everything new.
Habang nasa daan ay biglang nagtanong si Reina. "You don't want me dead, do you?"
Bahagya siyang nagulat sa tanong nito. Hindi agad siya nakasagot. Napangiti na lang siya nang mapait at hindi na binigyan ng tingin ang pamangkin.
"I love you, my queen." Naluluhang saad niya.
Napangiti si Reina at binaling ang tingin sa bintana. "You're hurting?" muling sambit nito na ipinagtaka niya.
"What?"
"You love me it means I am hurting you." Mahinang sagot nito na mas lalong hindi niya maintindihan.
"What do you mean, Reina?" nilingon niya ito sandali saka ito pinagmasdan sa rearview mirror pero kumibit-balikat lang ito.
*****
Meanwhile... Halos mabasag na ni Kataleya lahat ng gamit sa loob ng attic nang malamang wala na si Reina dito. Nanginginig na kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kanyang mga tauhan sa Wing Organization.
"Find my bastard daughter and that trash, Mojica then bring that child to me! If they refuse kill them and dispose immediately!" Nagngingitngit na bulyaw niya sa cellphone.
"Wala ka ba talagang puso, Kataleya? How could a mother say those things towards her child? I can't believe that I agreed to let my son marry a worthless garbage woman like you!" Galit na galit na sigaw ni Lady Dane kay Kataleya. Nanlilisik ang mga matang nilingon niya ito.
"You shut up old hag! Respect me! I am still the princess of this kingdom! I can kill you in an instant!" dinuro niya ang matanda.
"Then do it. You are just proving me right that you are really worthless. Yes, you WERE a princess BEFORE but you never give honor to our kingdom. You are indeed the bad luck of this country. Hindi ko lubos maisip na hinayaan kong maging parte ng pamilya namin ang isang walanghiya at basurang tulad mo! If you are miserable keep it to yourself and don't bother my granddaughter anymore! And don't you ever try to hurt Mojica because I will be the one to kill you, Kataleya. You don't know me that much." Maotoridad at may bantang saad ng matanda saka umalis.
Hindi na nagsalita si Kataleya. Buong lakas niyang binato ang cellphone sa pader. Napatingin siya sa white board dahil sa mga sulat at guhit na nando'n.
"Why can't I be happy?" Basa niya sa nakasulat doon at napakagat-labi pero maya-maya bumalik ang panlilisik ng kanyang mga mata. "Run Katareina and Mojica but you can't get away from me." Mahinang wika niya sabay kuha sa kakaibang bulaklak na nasa mesa ni Reina at binato iyon sa pader.
*****
Mga kalahating oras na siya nagda-drive at kanina pa napapansin ni Mojica ang sasakyang nakasunod sa kanila. Nilingon niya si Reina na nakatulog kaya pinalakasan niya ang tugtog sa loob ng sasakyan at kinuha sa compartment ang dalawang baril. Pinatong niya iyon sa shotgun seat.
Kinabig niya ang manibela paliko sa isang eksinita. Malapit na sana sila sa airport pero kailangang niyang mailigaw ang sumusunod sa kanila upang maging matiwasay ang pagtakas niya sa bata.
At kanina pa rin tumutunog ang kanyang telepono kaya nang may madaanan silang seaside ay tinapon niya ito sa dagat para hindi siya masundan ng mga kasamahan dahil alam niyang maaari silang masundan pero heto na nga may nakasunod na sa kanila.
"Sh*t!" Mura niya nang nadagdagan pa ng isa ang nakasunod sa kanila.
Nang makakita ng likuan sa unahan ay agad niyang niliko ang sasakyan. Malakas siyang bumusina upang umalis ang mga taong nasa daan dahil marami ang mga nakatayong baklaran sa gilid.
"Oh c'mon. Get out of my way!"
'Di nagtagal ay nakalabas na sila sa highway kaya mas pinabilisan niya ang pagpatakbo. Napamura siyang muli nang pinaulanan sila ng bala pero mabuti na lang ay bullet proof ang sasakyan nila.
"Oh God, please." aniya nang maging tatlo ang humahabol sa kanila. Dumaan siya sa Arkin bridge para doon lumusot.
Akala niya makakatakas na sila pero ito ang pinakamalaking maling desisyong nagawa niya sa kanyang buhay.
Dahil may napadaan na barko sa dagat at nahati ang tulay. Umakyat na ang tulay. Papaliparin niya na sana ang kotse para makaabot dahil hindi ito tuluyang umaakyat. Nang marinig niya ang maliit na boses ni Reina.
"Aunt Mojica?"
Mabilis niyang kinabig ang manibela pero huli na ang lahat. Nabunggo ang kotse nila sa bakal na railings at nayupi ang unahan nito. Nauntog si Mojica sa windshield habang si Reina ay nasaktan lang dahil sa seatbelt. Agad na inalis ni Reina ang seatbelt at lumapit kay Mojica na nawalan ng malay habang dumudugo ang noo.
"Aunt Mojica?! Wake up!"
Pumalahaw ng iyak si Reina habang niyuyoyog si Mojica. Maya-maya ay nagkamalay si Mojica at agad niyakap si Reina pagkatapos busisihin kung may sugat ba ito.
"I'm sorry." Umiiyak na aniya.
Lumabas siya ng kotse at mabilis na kinuha si Reina sa likod saka binuhat. Pero sa pagharap niya ay nguso ng baril ang nabungaran niya. Kinabig niya ang ulo ni Reina upang isubsob ito sa leeg niya.
"Just let us go." Matapang na wika niya kahit tumutulo ang luha kay Geo na kasamahan niya sa Wing Organization. Isa rin itong team leader ngunit mas mababa ang team nito kaysa sa kanya.
Alta Wing which belongs to Kataleya's supremacy. Ang grupong pilit umuungos sa kanyang grupo ang High Class Wing na pangatlo sa linya. Ang una ay Regal, ang pangalawa naman ay Elite, pang-apat ang Noble Wing at ang panglima ay ang Alta Wing.
Tumawa si Geo. "Tsk. There's no way in hell that I will let you do that, Mojica. C'mon. Give us the child and I will let you go. At least I have a little care for you, we have been comrades ever since."
Malakas na tinampal ni Mojica ang baril ni Geo saka ito naman ang tinutukan ng baril.
"I said just let us go!" Malakas na sabi niya pero nagsilabasan ang iba niya pang kasama sa Wing Org. sa mga kotseng humabol sa kanila. Napamura siya nang makilala ang ibang miyembro niya sa High Class. Nanlilisik ang mga matang tinapunan niya ang mga ito ng tingin.
"Oh, pity Mojica. Haha! It's epic to see you in this kind of situation." Ani ng isang babae na miyembro niya, ang pilit umaagaw sa kanyang pagiging team leader. "It seems, you're too weak to be our team leader. Hindi mo kami natakasan."
Binaba ni Mojica si Reina at nilagay sa kanyang likuran.
"Please, close your eyes baby." Mahinang bulong niya dito saka tinago sa likod.
Kinuha ni Mojica ang isa pang baril at mabilis na pinaputukan ang apat sa kanila kasama ang babaeng iyon. Walang mintis lahat ay sapol sa noo. Napatay niya kaagad ang apat. Sa kanilang lahat ay si Mojica ang top sharpshooter agent.
Subalit, napaluhod siya nang matamaan siya ng bala sa balikat at mga hita. Narinig niya ang impit na iyak ni Reina sa kanyang likuran kaya inunat niya ang kamay palikod at sinambot ang katawan ng bata saka mas lalong dinikit sa likod niya.
"Please, spare the life of my neice. Just let us go." Pagmamakaawa niya sa tatlong natira ngunit tinawanan lang siya nito dahil ito ang unang pagkakataon na makitang nagmamakaawa ang isang Mojica Olson. Binaril siya sa may kanang dibdib ni Geo.
"Nooooo!" Hiyaw ni Reina nang napaluhod si Mojica. Saka tumakbo sa harapan ng tiyahin. Nagulat pa sila nang may hawak na itong baril at walang takot na binaril si Geo sa mismong puso nito ng dalawang beses.
Natumba ang lalaki at agad nawalan ng buhay.
Tumilapon sa kotse ang maliit na katawan ng bata dahil sa lakas ng pressure. Nabitawan ni Reina ang baril at napaupo siya sa kalsada. Nilingon nito si Mojica na nahihirapang sumandal sa kotse. Gumapang ang bata palapit sa tiyahin at niyakap siya.
"I'm sorry, Aunt Mojica. You're hurt because of you love me." Umiiyak na saad nito.
Hinawakan ni Reina ang mukha ni Mojica. Napapikit naman si Mojica at dinamdam ang mainit na maliit na kamay ng pamangkin.
"Forgive me, if I fail to protect you... Reina, my queen." Mahinang saad niya.
Binuhat ng isa sa natirang lalaki si Reina.
"Noooo! Let go of me!" Pagpumiglas ng bata habang umiiyak na nakatingin kay Mojica na pinipilit tumayo upang tulungan ito. Babarilin na sana ng isa pa si Mojica nang sumigaw si Reina.
"Nooooo! Stop hurting her! Enough! Enough! Bring me with you! Just take me! Please, leave her alone! Just let my Aunt Mojica live." Iyak nito at hindi na nanlaban.
"Katareina no." pilit na pinatuwid ni Mojica ang kanyang tayo. "Please, give her to me. Please Peter." Pagmamakaawa niya sa kanyang kasamahan pero hindi siya pinansin nito at inaya nito ang kasama saka sumakay na sa kotse.
Pinilit pa ni Mojica na habulin ang kotse pero 'di nagtagal nawalan na din siya ng malay at bumulagta sa kalsada.
"A-aunt Mojica." Mahinang sambit ni Reina na may mga piping luha.
-End of Chapter 3-
Hello freaks! Thank you for reading! God bless you.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com