Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

52




"Good morning ma'am, what can I get for you?" I welcomed the customer with a smile. I've realized that she have been here for 5 weeks straight now and as usual, she got her Macchiato and bagel. 


"Your order will be serves in few minutes ma'am." I said as I hand her change and receipt. She smiled at me before walking away from the counter and I immediately welcomed the next customer. 


Working in a cafe for more than a year now is not as hard as I thought. Except from some rude customers that needs 101% of my patience. It's different from my work at papa's but since I wanted to earn a bigger amount of money, I need to work on somewhere else. It might be far from home but it's fine, I still get to see my little girl after work. 



"Are you sure about that Hannah?" I asked my co-worker, I once again had an hour overtime since there was a rush of customers today and it was a hard time for us to switch cashiers. I also wasn't able to clean the floor by the counter and Hannah insisted on doing it instead. 


She chuckled and nod, "Yes, now go! Your little girl is waiting for you at the nursery!" she pushed me out of the counter that made me giggle. 


"Fine, fine, no need to push me." I said and she chuckled, "Oh, by the way! This is for little Lia, tell her that aunt Hannah bought that for her." she handed me a small paper bag and when I opened it, there's three cake pops inside. 


I smiled, "I will, she'll love these. Bye Hannah! Thank you!" I said while walking away from her and waving her a goodbye. 


Once I'm out of the cafe, I rush to Lia's nursery that is two kilometers away from my workplace but I don't bother taking a taxi since I want to save money. 


The sun already went down as I arrived in front of the nursery. I was panting, sweating and catching my breath as I entered the small facility. 


"Hey, I'm here to pick up Liam Valdez." I said to the teacher by the door. 


She smiled at me and stand up, "Lia, mommy's here." she called, when I saw my little girl snap her head at my direction, I felt at ease. I felt relax and all those tiredness left my system. 


A wide smile grew on her lips and she immediately stood up, with her cute, wobbly run, I opened my arms wide and in no time, I'm already hugging my little girl. 


"Mama! 6 stars! Look!" She showed me her both arms, 3 stars on each. 


I gasped, "Wow! Very good, anak! Are you ready to go home na ba?" I asked and she nods,


"Go grab your bag na." I said and she nods before running towards her Iron Man backpack.


"Thank you so much Ms. Park, I'm sorry for causing inconvenience and fetching Lia late." I said to her teacher. 


Ms. Park smiled, "It's okay ma'am, I understand, Lia is not causing any inconvenience, she's a very kind girl." she said and I smiled, "Thank you, let's go Lia?" I looked down at my girl and she nods. 


We soon left the facility and took a taxi home. 


"Tita Hannah gave this to you." Inside the taxi, I showed her the cake pop Hannah gave her. 


She gasped, "Aww!! Tell tita Hannah thank you, mommy." she said and I giggled and nod. She started eating her cake pop and I would just watch her enjoy her treat. 


Once we got home, I immediately give her a shower and dry her hair. While she's doing her homework which is mostly coloring and drawing, I took a shower myself and change into pajamas. 


"What are you doing, baby?" While combing my hair, I decided to look at what Lia is doing. 


"Drawing po, using red, blue, and yellow po, para sa flowers, mama!" she said and I smiled before caressing her hair. I feel proud that she got better in talking and also know how to speak in Tagalog. Ayaw ko naman na English lang ang alam na salita nito dahil baka sa mga susunod na taon ay umuwi na rin kami ng Pilipinas. 


Ilang minuto lang ay tinawag na kami nila lola para kumain sa baba. Tuwang-tuwa si lolo at lola kapag pinapanood si Lia na kumain lalo na at hindi ito makalat. Magana rin itong kumain at walang inaayawan na pagkain. Natatakot nga ako na baka ma-impatso minsan dahil kain lang ito nang kain.



From: Laura Kassandra
Hey, why are you still up?


Kakatapos ko lang magpatulog kay Lia nang makatanggap ako ng message mula kay Laura. Napatawa ako bago ito replayan.

To: Laura Kassandra
Don't pretend you don't know why I'm still up. And I don't know why you're still up too, I heard about the news. Congrats! Front eh.

To: Laura Kassandra
Libre mo naman kami ng flight ticket! Book mo kami flight ticket pabalik ng Pilipinas. Tapos umuwi kana rin!


Binitawan ko muna ang cellphone ko at inayos ang side ng kama ko. Naririnig kong tumunog ang cellphone ko pero hindi ko ito magawang tingnan. 


From: Laura Kassandra
How I wish I can do that. 


From: Laura Kassandra
What about I send you here in New York and you will live with me until my contracts ends and let's go back to the Philippines together? Yeah?


Napakunot ang noo ko nang makita ang mga messages niyo. Miss na miss na talaga kami nito. Bukod kay Ali ay isa siya sa mga pinakang ma-aalalahanin na kilala ko. 


To: Laura Kassandra
Gaga, binibiro lang kita. Tsaka, nag-iipon na rin naman ako para sa pagbalik. Sayang lahat ng pinag-aralan ko kung mag s-stay kami dito sa Canada.


To: Laura Kassandra
I have to go back in the Philippines. Masyado na akong naging pabigat sa lolo at lola ko dito.



Matagal ko na rin pinag-isipan, kailangan talaga namin bumalik ng Pilipinas. Kung hindi... sayang ang pinag-aralan ko, sayang ang degree at natapos ko. Ngayong naabot na ni Inin ang pangarap niya. Baka hindi naman masama kung ipagpatuloy ko ang naudlot ko na buhay sa Pilipinas. Nakapagtapos na rin naman siya at may trabaho na, wala sigurong masamang kahahantungan kung sakali man na magkrus ulit ang aming mga landas kahit sa hindi inaasahang oras.


From: Laura Kassandra
Shut up, you aren't.


Nang mabasa ko ang message niya ay napahagikhik ako. Agad akong napalingon kay Lia nang marinig ko ito na umungot. 

To: Laura Kassandra
Shut up, we all know I am. Now I need to go, duties, bye!

From: Laura Kassandra
Bye! Take care! 



Kinabukasan kagaya ng nakasanayan ay maaga kong binibihisan ai Lia para ihanda ito sa pagpasok niya. Habang kumakain siya sa baba kasama si lolo at lola ay ako naman itong naghahanda ng sarili ko. Ang almusal na hindi ko nakakain sa hapag ay ibinabalot ni lola para sa akin at sa trabaho ko na ito kinakain. 


7am ang pasok ko kaya 6:30 palang ay umaalis na kami ni Lia ng bahay at inihahatid ko siya sa kaniyang nursery. Lagi tuloy first honor ang anak ko sa nursery nila at minsan ay tumutulong pa sa teacher niya na maglinis. 


Sa trabaho ay ganoon din ako. Dahil morning shift ako ay nililinis ko ang mga naiwang dumi ng night shifts. At pagsapit ng 7:30am ay bukas na ang cafe. 


Halos hindi ako makakain, ang almusal ko sana ay naisasabay ko na sa tanghalian. Ang Subway na ipinabili ko kay Hannah at ang almusal ko na Spam at itlog na may kanin ay napagsabay ko at naubos ko pa dahil sa pagkapasal kong kumain. 



"Hirap kumayod 'no?" Si Mimi na Pilipino rin na nag-aaral dito at gabi naman ang schedule sa kaniyang university. 


Napatawa ako at tumango, "Medyo," maikli kong sagot. "Alam mo ate Lory, kilala kita eh, Valdez ka. Mayaman kayo, bakit ka nagtatrabaho? Bakit ka kumakain sa harap ng ref, naka-upo sa maduming sahig?" tanong niya at napangisi ako. 


"Gusto kong kumita ng sariling pera, hindi naman pwede na puro pasarap lang ako. I should learn on how to deal with life on my own. Hindi pwedeng... magpapakataas lang ako lagi." I replied and she slowly nods. 


"Pero ate... minsan ba naranasan mo na... gumastos ng malaki? Ngayon nang nasa Canada ka? Kasi diba na-kwento mo na simula nang dumating ka rito ay hindi kana kagaya ng dating ikaw na magastos?" tanong niya at napahagikhik ako bago tumango. 


"Oo naman, noong 15 months si Lia, lumabas kami, tapos... may gusto siyang pagkain, gusto ko rin. Parang idinahilan ko lang sa sarili ko na gusto iyon ng anak ko kaya marami akong binili, pero nag totoo ay ako talaga ang may gusto na bumili ng ganoon karami na pagkain." sagot ko at utay-utay siyang tumango. 


"Pero ate iyong ano... mga luho? Gumagastos ka pa rin ba ng malaki sa mga damit, sapatos mo?" tanong niya at utay-utay akong umiling. 


"Siguro... ang pinakamalaking nagastos ko na ay... 500 dollars, sa ukay pa 'yon, ha. Masyado lang akong natuwa sa mura ng bilihin kaya naparami at iyon nalang ulit ang unang beses na gumastos ako ng ganoon kalaki sa sarili ko, may kaunting pagsisi pa." sagot ko at may halong pagbibiro sa dulo at parehas kaming napatawa ni Mimi. 



Nang matapos ang ilang minuto namin na lunchbreak ay agad din kaming bumalik sa mga trabaho namin. 




"What is it that you called in the middle of the night? Super important ba?" I asked Sam, alas tress yata ng madaling araw, pero alas tres ng hapon sa Pilipinas kaya naiintindihan ko na ganitong oras siya tumawag. 


[Yes, it is, so... when are you two coming home?] tanong nito at napakunot ang noo ko. 


"Siguro ano... bago mag three si Lia, bakit?" Taka kong tanong, 


[Well, you might want to make bilis cause I heard Sean said that Inin is seeing a girl!] he exclaimed from the other line and my brows furrowed. 


Hindi ko alam kung natatanga ba ako sa sinabi niya dahil antok pa ako o talagang hindi ko lang naiintindihan ang nangyayari. 


"Well... are they dating? Like... girlfriends and boyfriends?" I asked, wanting to clear things up. 


[I don't know, basta nai-kwento lang sa akin ni Sean at ni Mauro. I think I even witnessed kasi noong dumating siya sa meeting place namin ay medyo masaya pa siya at mukhang galing sa date.] ani niya at napahgikhik ako. 


"Baka naman masaya lang 'yong tao. Masyado kang mapanghinala sa friend mo." I replied at suminghal ito. 


[Well... I'm just worried, cause hello? You have his child with you, umuwi kana kasi!] he whined and I chuckled. 


"Give me... March na kaya, I think by May ay makaka-uwi na kami, give me a month or two." I replied and he hummed. 


[That's great, because by June I'll be sitting down as the CEO, I may be able to put you back sa company.] he replied and I smiled. 


"I doubt, may galit pa sila tito sa akin." I replied and he scoffed. 


[Wala na 'yan, akong bahala. But I think I should go na, na-istorbo ko yata ang tuloy mo.] he said and I chuckled. 


"Oo, bye, ingat." I said before ending the call. 


Doon ay pinakawalan ko ang isang buntong hininga bago naglakad pabalik ng kama at naupo sa gilid ni Lia na mahimbing na natutulog. 


I slowly run my fingers through her caramel colored, wavy hair. 


I smiled, "Umuwi na ba tayo, anak? Pero parang... ang mali naman 'no? Mukhang ngayon palang nakakamove-on si papa mo tapos magpapakit ulit tayo? Parang ang samang tao naman yata ni mommy." Mahina kong turan para hindi ko magising si Lia. Naramdaman ko ang bahagyang pagsikip ng lalamunan ko at agad kong pinigilan ang sarili ko na umiyak. 




[Kung uuwi ka ng May ay baka magkasabay pa tayo.] Nanlaki ang mata ko nang marinig ang tinuran ni Ali. 


"Seryoso ba?!" Napadampot agad ako sa cellphone ko nang sabihin niya iyon. 


Humagikhik ito, [Oo, kasi by April ay matatapos ko na ang mga dapat kong tapusin dito. Tapos... uuwi na rin ako. Medyo... hindi na ako masaya rito.] ani niya at agad akong tumango. 


"Yes, that's right, do what will makes you happy, okay?" I said and she hummed. 


[So ano na nga? Kailan ang flight? Ako kasi ay siguro mga May 4 ay naka-uwi na.] ani niya at napatingin ako sa kalendaryo sa kusina.


"Well... sasabay na rin kami ni Lia. Mga ganun na rin siguro." sagot ko at nag-hum ito. 



Nang malaman nang iba namin na kaibigan na pagsapit ng Mayo ay uuwi na kami, hindi halos sila magkamayaw. May tampo pa si Gwen dahil bakit daw hindi kami aabot ng birthday niya ng May 1. 


[Hindi mo na ako mahal, Lory. Nagbago kana, hindi na ikaw ang Lory na nakilala ko.] Pagmamaktol nila at lahat kami ay napahagalpak ng tawa sa call. Si Lia tuloy na naglalaro ay lumapit sa akin para maki-usyoso sa tawag. 


[Hi Lia! Excited ka na makita ni tito Tobi!] Kumaway si Tobi at maski si Lia ay kumaway rin.  


[Lia!! Sabihan mo nga sa mommy mo na umuwi kayo before May 1, nasasaktan si tita Gwen mo.] Nagpeke pa ng iyak si Gwen sa kabilang linya kaya napahagikhik si Lia. 


"Tita Gwen hindi ka po maalam mag fake cry like tita Laura." ani ni Lia at nahulog ang panga ko ganun din ang mga kaibigan ko. 


[Oh My God ka, Gwen. Na-critique ka ng isang bata.] ani ni Laura at si Gwen naman itong nanatiling nakanganga at animo'y offended. 


[Okay, sige, Lia, kay tita Laura ka sumama lagi, ha? Baka maging model ka rin paglaki mo.] ani n Gwen. 


"Hoy, ano ba kayo? Ang liit pa ni Lia, oh. Baby ko pa 'to." ani ko at napahagikgik si Ali. 


[Walang duda kung magiging model si Lia, ang haba ng biyas! Ang tangkad! Hindi mukhang dalawang taon 'yan.] ani ni Ali at lahat kami ay napahagalpak ng tawa. 


Hindi na gaano nagtagal ang tawag at tinapos na namin ito. Inayos ko lang ang laptop ko at inihiga na si Lia sa kama. 


"Mama uuwi na po tayo ng Pins??" Utal niyang tanong, naging pins pa nga ang Philippines, medyo nahihirapan pa kasi siyang sabihin iyon.


Ngumisi ako, "Gusto mo ba anak? Gusto mo ba na makita ang mga tita mo at si tito Tobi?" tanong ko at tumango ito. 


"Yes mama!! I want to po! When po tayo uuwi?" tanong niya at nahiga ako sa tabi nito. Agad naman siyang lumapit sa akin at niyapos ko naman ito habang tinatapik sa hita. 


"Siguro mga May 3, anak. Hihintayin lang natin si ninang Ali na umuwi." sagot ko at tiningnan ako nito na annimo'y naguguluhan. 


"Mama hindi ko alam kung gaano katagal 'yong May 3." ani niya at napahagikhik ako bago ito hinalikan sa noo. 


"Almost 1 month nalang anak, uuwi na tayo." sagot ko at tumango ito. 



Simula noon ay pinagpursigi ko ang pagtatrabaho, kapag Friday at Saturday night ay kinukuha ko na rin ang night shift para sa overtime pay. Nag-iipon ako para sa ticket namin pag-uwi. Inasikaso ko na rin ang passport ni Lia. Doon lang din nalaman ni Sam na uuwi na kami sa mga susunod na linggo. 


[Wow ha, kung hindi mo pa kailangan ng tulong ko, hindi ko pa malaman na uuwi na pala kayo.] ani nito at napahagikhik ako. 


"Sorry na nga, naging busy lang talaga. Pero ano? Magagawa mo ba 'yong ipinapaki-usap ko?" tanong ko at tumawa ito sa kabilang linya. 


[Of course, Louise, ako pa ba? I got this, give me three days, okay?] ani niya at tumango ako. 


[So... once you're here, saan kayo tutuloy? Sa dati mo ba na condo?] tanong niya at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago isinandal ang sarili ko sa counter ng cafe.


"Ayaw ko, andoon pa ang mga ala-ala namin dalawa." sagot ko at nag-hum ito. 


[Baka multuhin ka rin ng baked mac at chicken niya.] Pagbibiro nito at napa-irap ako. 


"Siraulo, lakas ng tama mo." bulong ko at mas lumakas ang hagalpak nito. 


[Anyways, back to the question, saan kayo tutuloy?] tanong niya at napatingin ako sa kisame. 


"Apartment nalang siguro. Until... I don't know until when." I replied and he hummed. 


[Well at least let me help you get a decent apartment.] he replied and I chuckled. 


"Sure, basta hindi lalampas ng 4000 a month, hindi magarbo at hindi malaki." I replied with a chuckle. 


[Why would you choose a life like that, Louise? We both know you got the money.] he replied and I shake my head. 


"It's my life choices, pero I will make sure na hindi mag su-suffer ang anak ko. Pipiliin ko ba 'yon kung maghihirap siya?" I replied and he hummed. 


[Fine, just hit me up when you need something else.] he said and I hummed before we bid goodbye to each other. 



Kagaya ng sabi niya ay hindi pa nakakatatlong araw ay napabilis ang process ng passport ni Lia. Na renew ko na rin nag akin at habang papalapit nang papalapit ang Mayo ay utay-utay na kaming nag-iimpake ni Lia. Tumutulong din sila lola kahit alam ko na nalulungkot ito na aalis kami. 



"Are you excited, Lia?" I asked, kanina pa niya isinusukat ang mga damit niya, mga dress at iba pa na ang ipapakita raw niya sa mga tita niya. 


"Yes mama! I'll have new playmates!" she exclaimed and I chuckled. 


"Pero matatanda na sila, Lia. Busy na sila sa works nila." I replied and she suddenly stopped dancing and looked at me confusedly. 


"Wala po kids doon? Wala silang kids like me?" she asked and I giggled before shaking my head. 


"Wala anak, mga elders ang makakasama mo roon." I replied, she tilted her head while looking at me befoe shrugging. 


"Okay lang po, I'll still be seeing them!" she exclaimed before running towards me and hugging me. 


I giggled, "Pero Lia, once we're there na, baka hindi na tayo bumalik ng Canada." I replied and she looked up at me. 


"Okay lang po, basta kasama kita mama, masaya ako." she said before once again burying here face on my stomach. 


It honestly made me feel... emotional, hearing her voice, seeing her, feeling her, gosh... anak ko ba talaga 'to? Ginawa ba talaga namin ni Inin 'to? 




"Lia, come here na anak!" I shouted, kanina pa ako nakahanda para sa pag-alis pero si Lia ay ayaw maiwan nag kaniyang kinakain. 


Naglakad ako papalapit sa kaniya at hinalikan ito sa noo, "Bibili nalang tayo ng waffles sa airport, okay? Tara na anak, mahuhuli tayo sa flight." Buti ay nasuyo ko na ito, bumaba ito sa bangko at uminom ng tubig bago naglakad papuntang sala. 



"I'll miss the two of you." Lolo gave me a hug, "We'll miss you too, tell me when you want to go to the Philippines, okay? I will handle your ticket." I said and pull away from the hug. 


He smiled at me, "We will, we will." he said and I nod. 


"Magkikita ulit tayo, ha? Uuwi kami ng lolo mo, susunod kami." Lola Fina hugged me tight and I giggled, few tears streaming down my cheeks. 



"Yes lola, magkikita pa tayo sa Pilipinas." I said and she pulled away from the hug, I can see the tears in her eyes as she fix my coat. 


"Sige na, umalis na kayo at mala-late na kayo." she said and I smiled. Tinulungan nila kami na isakay ang mga gamit namin sa taxi at hangang sa pag-alis ng sasakyan ay kumakaway sila sa amin. 



Lia's first flight turn out well, akala ko noong una ay matatakot ito pero tuwnag-tuwa pa ito at nakasilip sa bintana. Halos ayaw niyang matulog noong una pero kalaunan ay nakatulog din. Paglapag namin ng Pilipinas ay gabi na. Hindi ko na ginising si Lia at kinarga nalang ito. Mabuti nalang ay tinulungan ako ng mga crew sa mga dala ko. 



Sinundo kami ni Sam sa airport, kukunin sana niya si Lia sa kamay ko pero agad kong iniharang ang mga bagahe kaya napatawa ito. 


"Loko ka, alam mo na mas mahirap itulak iyong cart!" Pagsusungit ko rito habang isinasakay niya ang mga bagahe sa kaniyang sasakyan. 


Inihatid kami nito sa apartment na ako rin mismo nag pumili. Hindi kagandahan, hindi gaano malaki, pero sakto lang. 


"Ipinalinis ko pa 'to, ha." ani nito habang ipinpasok niya ang mga gamit namin. Si Lia ay tulog pa rin sa braso ko. 


"Gusto mo ba ng award para doon?" tanong ko rito at napahagikhik ito. 


Kahit gabing-gabi na ay pinagtulungan namin dalawa na ayusin ang mga gamit. Gaya ng sabi niya ay maayos ng ang kwarto na tutulugan kaya inihiga ko muna roon ang bata. 


Nagpadeliver na rin ito ng pagkain na kinain namin ng madaling araw, halos pasal na ako dahil sa gutom. 


Umaga na nang umalis si Sam, nakatulog ito sa sala habang ako ay tinabihan si Lia sa kwarto. Hindi rin ako nakatulog nang maayos kaya naisipan ko na maglinis nalang. Saka naman tumawag si Laura at nangamusta. Si Ali ay nakasabay lang din namin na umuwi, iyan ang sabi niya. Hindi ko pa kasi nakaka-usap si Alejandra. 



Pumunta agad sila Tobi at Gwen dito, tinulungan ako na mag-ayos ng gamit. Saka rin nila nakita si Lia at iyon ang una nilang pagkikita. 


"Wala ka pang balita kay Alejandra? Ako kasi ay wala." turan ni Gwen habang nagmimiryenda. 


Umiling ako, "Wala pa nga, nag-aalala ako." turan ko at tumango ito. 


Ilang araw ko rin inisip si Ali,  lalo na nang lumipas ang isang linggo at wala pa rin kaming kabali-balita rito. Pero ang buong alam namin ay naka-uwi na ito ng Pilipinas. Nang mag 3 years old si Lia ay kami-kami lang na magkakaibigan ang nagsalo-salo. Hindi ito kagaya ng nakaraang dalawang birthday ni Lia, hindi magarbo gaya ng dati, ngunit baka ito naman nag unang birthday na matatandaan niya. 


"Hindi mo pa nakikita si Ali?" tanong ko kay Sam na may halong pagbibiro. 


Umiling ito, "Not yet," he replied at napangisi ako. 


"Why naman? Sayang, meet-up niyo sana ng dati mo na  ka-internet love." Siniko ko siya at napahagikhik pa ako. Kakatapos ko lang mag-apply sa kumpanya nila ngayon at inilibre ako nito sa malapit na cafe. Ito rin ang cafe kung saan sinabi ko sa kaniya na buntis ako noon. 


"Silly, she's with Mau right now, ang sabi ni Chief ay umuwi raw muna ng Tagkawayan si Ali." turan nito at nahulog ang panga ko. 


"She's with that guy?!" I asked and he squinted his eyes, "You know him?" he asked and I nod. 



"Yes, matalik na kaibigan ni Inin 'yon! I've seen him a lot of times during college! Hindi ko lang aakalain na magkakilala sila." I replied and he chuckled. 



At least now I feel at ease knowing that Ali is okay. I know Mauro is nice, he will take good care of my friend. 




"How's your day, baby?" Agad kong kinarga si Lia nang sunduin ko ito sa daycare kung saan ko siya iniiwan. 


"It's okay mama! I have new kaibigan po!" she happily said, ang ngiti palang ng anak ko ay nakakawala na ng pagod. 


I smiled at her and fixed her hairclip, "Uwi na tayo? We will get ready pa for dinner with lolo and lola." I said and she nod, pinasalamatan ko ang teacher niya sa daycare at saka tumawag ng taxi pauwi. 



Pagdating sa apartment ay agad kong ibinaba si Lia sa sofa, ang tangkad naman ng anak ko! Two years old palang siya pero ang laki-laki niya kumpara sa ibang bata na ka-age niya. Kaso na-aawa rin ako kapag napapagod maglakad kaya lagi ko rin kinakarga. 



"Mama, do I look pretty po?" Lia showed me her dress that Gwen gave her the first time they went here. 


I put my hairbrush down and walk towards her, kneeling in front of her. "You're so pretty, anak. Ikaw ang pinaka-pretty na bata sa eyes ni mama." I softly said, caressing her hair. 


She giggled, "Ikaw rin po ang pinaka magandang mama sa balat ng lupa." she said and I chuckled, she got that from Gwen, kung ano-ano talaga ang tinuturo sa bata! 


I slightly pinched her nose that made her giggle, "Ikaw talaga, kung ano-ano natutunan mo. Seat ka muna sa bed, mama will just get ready." I said and she nods. 


Mula sa salamin ay pinapanood ko ang anak ko na maglaro ng mga laruan niya sa kama. What would mom say about her? What would mom think about my daughter? I'm scared, I'm scared that she would look and treat her the way she treated my 2 years old self. 



Matagal na akong gustong makita nila dad, kaso nasa Finland sila noong mga araw na kakarating palang namin kaya ngayon palang kami makakapagkita. 


I'm just hoping that mom already reflected on herself, I'm scared that if she was able all those horrible things to her own child, paano pa kaya sa apo niya? 



"Mama... are you okay po?" Natauhan ako nang tawagin ako ni Lia, nilingon ko siya at tumango bago kinuha ang pouch ko at tumayo mula sa harap ng salamin. 


"Ready kana? Let's go!" she gave me a cute nod, I picked her up from bed before exiting the bedroom and soon the locking the apartment. 




"Are you scared, Lia?" I asked her once where walking towards the entrance of the restaurant. 


"No mama, bakit po ako mai-scared?" she asked and I chuckled, "Kasi you'll be meeting new people." I replied and she shake her head, nahirapan pa siyang umakyat sa hagdan. 


"But sabi mo po lolo and lola ko ang ime-meet natin?" she asked and I hummed. 


Nakapasok na kami sa loob ng restaurant at hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya, "Yes, baka lang scared ka." sagot ko, ako kasi anak ay natatakot.  



Mula sa malayo ay nakita ko sa sulok sila mom, dad at Theo. Parang umurong ang buong kalmanan ko. And suddenly, the room feels like a 24 years old me, nervous and scared because I have to say to my parents that I got pregnant not by the guy they want me to settle with. 


Naglalakad kami papalapit ni Lia nang si Theo ang mag-angat ng tingin at agad akong nakita. 


"Ate!!" he stood up, almost the chair flying, he rushed towards me and engulf me with a hug. Halos matumba pa ako sa lakas ng impact nito, hinigpitan ko naman ang hawak ko sa kamay ni Lia. 


"You're back!!" He cupped my cheeks and his eyes travelled to Lia who's confusedly looking at me. 


"Hi pamangkin! I'm your poging-pogi na tito Theo!" he crouched down before picking up Lia from the floor. 


"Iyong likod!" Agad kong inalalayan si Lia dahil halos mahulog ito patalikod sa pagbubuhat ni Theo. 


Lia is looking at me with puzzled expression, para siyang gulong-gulo sa nangyayari. 


"I have a gift for you!" Itinakbo na siya ni Theo papunta sa table habang ako itong naiwan na nakatayo ilang dipa ang layo. 


I took a deep breath and fixed my hair following Theo. Tahimik akong umupo sa tabi ni dad habang busy ito at si Theo kay Lia. 


"Say it again, Lia, lolo Thiago." Dad baby talked and Lia giggled. "Lolo Thiago!" pagsunod ng anak ko. 


Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa aking nakikita. Lia is enjoying herself, may bago nanaman na mag s-spoil sa bata. 


Utay-utay kong inilipat nag paningin ko kay mommy na pinagmamasdan ang anak ko. 


"Kumain kana ba, Lory? Kumain na kayo, lalamig ang pagkain." Turan ni dad at tumango ako. 


"A-Ahm... Lia, come here na kay mama." Tawag ko sa anak ko at sumimangot si Theo. 


"Ako na bahala, ate, kumain ka lang d'yan. Ako na magpapakain kay Lia." ani nito at napatawa ako bago umiling. 


Tahimik akong naglalagay ng pagkain sa pinggan ko nang magsalita si mommy. "Madalas ba magpa-init si Lia?" Utay-utay akong umangat ng tingin bago umiling. "H-Hindi po, bakit?" Kinakabahan kong tanong. 


Si Lia na naka-upo katapat ni mommy ay kinawayan ito, "Hello po!" she happily said, mom gave her a slight smile. 


"She's well tanned, ang ganda ng balat, halatang hindi pinapabayaan." she said and I felt like I did something good that made me feel this proud. 


"Her... her... well the other parent is tanned." As much as possible, ayaw ko munang magbabanggit tungkol sa tatay, father, papa o daddy sa harap ni Lia. 


Mom turned her head at my direction and tilted her head, "The other parent? I know nothing about her fath--"


"Theo, can you take Lia somewhere else?" Theo looked at me then at mom, "Tara muna sa buffet, Lia. Mas maraming foods doon." he said, picking Lia up from her seat and leaving us at the table. 


"Ahm... I don't want to talk about her father, yet, in front of Lia." I said, mom slowly nod. "Well... why?" she asked, she didn't sound as passive aggressive as always, she sound... concern and genuinely curious. 


"Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa tatay niya ang tungkol sa kaniya. Natatakot ako na baka magtanong nang magtanong si Lia, hindi ko alam kung paano ko siya sasagutan, ayaw ko rin naman na paasahin ang bata na magkikita rin silang dalawa balang araw." sagot ko at nag-hum si mommy. 


"Bakit nga ba hindi mo siya kasama? My apologies, I'm sorry for what I did in the past. Alam kong walang kabayaran sa ginawa ko... I'm not hoping and asking for your forgiveness because I know what I did is hard to forget and forgive. But... I'd like to be involve into your life, kahit kaunti lang." What mom said caught my full attention. My lips parted and look at then, dad smiled at me. 


"Your mom changed throughout the years, Lory. Hindi na siya kagaya ng dati, parehas namin alam na mahirap siyang patawarin pero sana huwag mo ipagkait sa kaniya na makabawi." he softly said and that's when I felt tears building up in my eyes. 


"Well..." I cleared my throat, "Wala akong ipapagkait sa iyo, kahit ang anak ko, you can see her as much as you want, you can pick her up basta magsasabi lang kayo." I said and dad chuckled, "Of course! Mapapadalas nga lang siguro kaming magpaalam." he joked and we both chuckled. 


"Is her father irresponsible?" Parehas kami ni dad napalingon kay mom, her voice sounded sad. 


I shook my head, "Isa siyang responsable at maasikasong lalaki." sagot ko at pinanliitan ako ni mom ng mata. 


"Bakit kinailangan mo umalis at solohin ang paghihirap?" tanong niya at napangiti ako. 


"I wasn't alone, but to answer your question about him... he still have his dream to achieve. Ayaw ko na maging pabigat kami ng anak niya sa kaniya." I replied and I saw how mom's expression softened. 



"You sacrificed so that he could achieve his dreams?" she asked and I nod, "Yes, and the sacrifice was worth it, he's now an Engineer at Elazar's Real Estate." I replied and mom's brows furrowed. 


"Elazar? Ang balita ko ay nagkakagulo na sila dahil pumanaw na ang magkakapatid." Dad said and my face snapped at his direction. 


"Really?!" I exclaimed and dad nods, "May-isa lang na tagapagmana ang mga Elazar, hindi pa raw ma-contact." he said and my lips parted. 


"But that's not our topic now! Pabalikin na natin si Theo at kumain na tayo." Mom happily said and I couldn't help but to smile. 


I'm happy on how mom changed, on how she reflected on the things she have done. But just like what they said, hindi ko pa yata siya kayang patawarin. She gave me huge trauma that I still have until now. Hindi ko pa kayang magpatawad. 



The days passed by so quick that I almost didn't realized it. May mga gamit pa rin sa apartment na magulo at nakakalat at hindi ko alam kung kailan ko ito aayusin. Nagsimula na rin ako ulit magtrabaho sa sa mga Ponce. Medyo nakakapanibago at na-aalala ko pa rin ang mga nangyari dati. Pero mukhang maski sila tito at tita ay naliwanagan na sa nangyari at hindi na ganoon kasama ang loob sa akin. May bago rin akong naging kaibigan! Si Alyssa na parang variant lang ni Gwen. Iyon nga lang ay mas masama pa rin ang tabas ng dila ni Gwen kumpara kay Alyssa. Nakakapag-censor pa ito ng mga mura niya at mukhang mas inosente kaysa kay Gwen. 


Noong maka-uwi si Laura ay agad itong nag-aya ng mga inom. Iyon nga lang ay hindi ako nakasama dahil hindi ko maiwan si Lia. Wala rin sila mommy sa Manila kaya nag-pass muna ako sa inuman na iyon. Kaya na nila 'yon, matatanda na sila. Matapos pa nilang mag-inom ay tumawag pa sa akin si Laura. Nagka-iyakan daw sa inuman, nasigawan pa niya si Ali. 


Nagugulat naman ako kapag gustong pumunta rito ni Laura. Gustong makitulog kahit ang sarap-sarap ng buhay niya sa condo!! At medyo nahihiya rin ako dahil simula nang dumating kami sa Pilipinas ay mas lalong nagiging makulit at malikot si Lia. Baka hindi pa gaanong sanay si Laura sa bata. Mabuti naman ay napapagsabihan ko ito. Nawiwili rin talaga si Laura. Understandable dahil ilang taon siyang mag-isa halos sa ibang bansa. Isa kasi talaga siya sa malalapit sa amin. Medyo may pagka-baby din ito kagay ni Jax na minsan ay asikasuhin. 



Bago maupo si Sam na CEO ng kumpanya nila, ipinadala muna siya ni tito sa ibang bansa para may mga asikasuhin. At pagbalik nito ay sigurado na ang posisyon niya sa kumpanya. Pero hindi ko naman inakala na may iba pa na bagong papasok sa kumpanya. 



"Aray!" Agad kong nakurot si Sam sa tagiliran nang sabihin nito sa harap mismo ni Rusti at Sean na future wife niya raw ako. 


Napatawa si Sam, "Biro lang, I know you three know each other naman diba?" turan nito at utay-utay akong tumango, nag-iiwas pa ng tingin kay Rusti na parang ini-eksamina ang aking hitsura. 


Hindi ko alam na sa ganitong lugar kami magkikita ulit! Ang buong pagkaka-alam ko ay nagtratrabaho siya sa mga Elazar! 


"Do we... call you formally while inside the building or we still call you Sam kahit nasa trabaho?" Sean hesitantly asked, 


Bahagya akong lumayo kay Sam dahil ramdam ko pa rin ang tingin sa akin ni Rusti at ganon din si Sean. 


Sam chuckled, "You still call me Sam, huwag boss, please." ani nito at tumango ang dalawa. 


"Paano ba 'yan, Sam, una na kami ni attorney." Paalam ni Rusti bago sabay umalis ang dalawa. 


Nang makalayo ito ay agad kong hinampas si Sam sa braso. "Why is he here?! Diba nasa mga Elazar siya?!" Taranta kong tanong, gago 'to! May mga sariling plano sa buhay! Alam kong may kagagawan siya rito! 


His eyes widened, "Bakit parang ayaw mo na nagkita ulit kayo?! Tinutulungan ko na nga kayong mapaglapit. Saka babagsak na ang Elazar Corp! Hindi pa rin tinatanggap ng tagapagmana ang posisyon niya." he said and I rolled my eyes. 


"Desisyon ka! Now help me deal with this!" I exclaimed and he squinted his eyes. 


"Ayaw mo ba na magkalapit ulit kayo? Akala ko ba sasabihin mo ang tungkol sa... sa bulilit kapag successful na siya? Ayan na oh! Naka Audi 'yong tao! May sariling condo! Choosy ka pa ba?" Pang-aasar nito at muli ko siyang hinampas. 


"Sabi mo may kinikita siya! Nakikiramdam pa ako, Sam!" Napapadyak pa ako sa sahig habang tinawanan naman ako ni Sam. 


He sighed and crossed his arms, "Well... do you still want him back or not?" he asked and my eyes widened. "Gusto, siyempre! Gago ka ba?!"  








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com